Chapter XXX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

9:20 am sa beach ng San Jose

 

Fifteen Minutes bago mag alas nuwebe nang makarating kami dito sa San Jose. Maganda ang panahon ngayon at walang tao sa white sand beach kung saan kami mag sswimming. Nag pahinga lang kami saglit kanina bago namin inayos yung mga gamit at mga pagkain na dala namin. Nakakatuwa kasama yung tatlong vampira, marunong sila makisama at napaka matulungin nila. Sila pa yung nagpresenta na magbuhat ng mga gamit pero pinilit namin nila Ryujin na tulungan sila kahit pa ayaw nila kaming pakilusin.

 

 

Binabantayan ko sila at lagi kong pinapaalala na mag ingat dahil baka mahalata ng mga kasama namin na may kakaiba sa kilos nila. Katulad kanina, binaba ni Sorin mula sa kotse yung mga upuan, lamesa at yung mga tent ng isang bitbitan lang. Akala ko may makakahalata na pero buti nalang hindi nagtaka sila Vivian. Hindi ko inasahan nung tinanong pa nila ni Minju kung ano yung workout routine niya dahil humanga sila sakanya.

 

 

Ito yung unang beses na nakapunta kaming lahat dito sa beach ng San Jose. Tahimik ang lugar, walang tao, hindi malalim at sobrang linaw ng tubig. Sa Miyerkules babalik na sila Minju sa Manila kaya susulitin na namin yung mga natitirang araw ng bakasyon nila. Gusto ko lang na mag enjoy siya dahil sa susunod puro nanaman siya trabaho.

 

 

"Pook here's the manual, read it to me I'll be the one to do it." tinignan ko yung manual na hawak ni Minju. May itatayo kaming dalawang klase ng tent, isang normal na pang tatluhan at yung canopy tent na medyo malaki. Ito yung mga pinakuha namin ni Cheche kagabi sa bodega. Madami kaming nakatagong tent sa bahay dahil ito yung isa sa mga hilig ng lolo namin nung nabubuhay pa siya, mga outdoor activities tulad ng camping.

 

 

"Pumpkin, ako nalang ang tagal mo nang nagdrive, umupo ka nalang muna dun sa lilim. Magpahinga ka muna." inaya ko siya na pumunta dun sa puno kung saan nakaupo si Vivian. Sila nila Ryujin ang nag drive kanina kaya hindi na nila kailangan masyadong kumilos. "Okay na, upo ka muna." pilit ko habang dahan dahan ko siyang tinutulak kung nasaan si Vivian.

 

 

"But you can't move too much hindi ka pwede magbuhat Minjeong. Magdudugo yan." paalala sakin ni Minju. "Hindi naman ako magbubuhat, magaan lang naman to. Tutulungan ako ni Catalina."

 

 

"Alright call me if you need help or anything. I'll be here."

 

 

"Okay," binuksan ko yung portable fan at binigay ko sakanya. "Tabi ka kay Vivian, hintayin mo nalang ako Pumpkin. I love you." tinignan ko yung paligid kung may tao na makakakita samin bago ako bumaba at hinalikan siya sa pisngi. "I love you too Minjeong." balik niya sakin.

 

 

"Kadiri naman." komento nung nakaupo sa tabi ni Minju na busy mag swipe sa phone niya. "May naririnig akong epal."

 

 

"Hahaha mag start nanaman kayo ni Vivian? give it a rest Pook sige na." madalian kong dinampi yung labi ko sa noo niya bago ako bumalik kung nasaan yung mga kasama namin.

 

 

Kanya kanya kami ng ginagawa, sila Minji at Cheche ang nagaayos sa mga gagamitin sa pagluto tapos kami naman nila Gisele ang nag aayos nung mga tent. Si Sito wala nang kilala at kanina pa nagsimula mag swimming. Andito siya sa tapat namin ngayon, bawal siyang pumunta sa tubig na lagpas sa tuhod niya.

 

 

Si Catalina yung kasama ko na mag aassemble nung canopy tent na gagamitin namin. Mas malaki ito kumpara sa tinatayo ngayon nila Ryujin. Dito sa lugar na malilim yung napili namin pagtayuan para hindi masyadong mainit kapag tanghaling tapat na.

 

 

"Minjeongie" bati sakin ni Catalina. Mukang tapos na siya manood kila Ryujin kaya binalikan na niya ako dito. "Parang ang ganda ng mood mo ngayon Catalina."

 

 

"Gusto ko na kasi makita kung ano ang gagawin natin. Ikakabit na natin to?" napansin ko na nakakunot yung noo niya at parang nahihirapan dumilat. "Isuot mo yung shades mo, masyadong maliwanag ngayon sasakit yan mata mo." nasasanay na talaga silang tatlo na lumalabas ng bahay ng hindi naka shades. Nag adjust na yung mata nila sa liwanag kaya kahit pa umaga o tanghali at mataas ang sikat ng araw, natatagalan na nila. "Sige na isuot mo muna, baka sumakit." ang sama ng tingin niya sakin bago niya kinuha yung shades na naka sabit sa tshirt niya. "Catalina ang cute mo sa ganitong damit. Ngayon lang kita nakita na naka shorts tsaka puting tshirt. Hahaha"

 

 

"Sabi kasi ni Giselle ito daw isuot namin para komportable. Buti nalang at pinahiram kami ni Yesenia." napangiti ako sa sinabi niya. "Bagay sayo,kahit simple yung suot mo, ang ganda mo." Binuksan ko na yung bag ng tent at isa isa ko nang nilabas yung mga poles, pegs at tali na ikakabit sa bawat dulo.

 

 

"Totoo yung sinasabi mo o niloloko mo lang ako?"

 

 

"Lagi ko naman sinasabi sayo yun. Tapos ang cute mo lalo nung nagpa bangs ka." nakatayo siya dito sa tabi ko, hindi na siya nagsalita kaya napatingin ako sakanya. Medyo tinatakpan ko mga mata ko dahil nakasalamin ako at sobrang nakakasilaw. "Catalina namumula ka. Okay ka lang?"

 

 

"Ang epal mo Minjeongie hindi naman ako namumula."

 

 

"Hahahaha epal ako? namumula ka naman talaga eh tignan mo yung tenga mo." nakatali yung buhok niya ngayon kaya kitang kita yung mga tenga pati yung leeg niya na namumula. "Nang iinis ka nanaman." tumayo siya sa harap ko at hinawakan niya yung kabilang dulo. "Sige paki hatak." nilatag na namin yung pinaka trapal ng tent. "Grabe ang pula.hahaha" hindi ko maiwasan asarin siya nung makita ko nanaman yung tenga niya. "Hahaha hindi naman kasi Minjeong. Simulan na nga natin ikabit to." kinuha at pinaghiwahiwalay ko yung mga wind ropes. Tinanggap ni Catalina yung isa at pinakita ko sakanya kung pano yung buhol na gagawin sa magkabilang dulo. "Ito yung kinakabit sa dulo ng tali, itong mga bakal na maliit, ito mismo yung ibabaon natin sa lupa para naka buka yung tent at hindi liliparin." kumuha ako ng bato para gagamitin kong pamukpok. Pinag hiwalay ko yung dalawang dulo ng tali bago ko ibinaon sa lupa yung mga bakal. "Okay na to. Kaya mo bang gawin sa kabila? ibubuhol mo, ispread mo yung dalawang tali,kunin mo yung bakal sa dulo saka mo ibaon sa buhangin." inabutan ko siya nung mga pegs na ikakabit niya. "Kaya mo na Catalina?"nagsimula na siyang mag kabit nung tali dun sa bakal na hawak niya. "Oo nakuha ko na." 

 

 

Nang matapos siya,"Ganito ba Minjeongie?" inisa isa ko yung pagkakakabit niya. "Oo yan tama, paghiwalayin mo lang tapos spread mo bago mo ibaon sa buhangin." pinapanood ko si Catalina nakapwesto na siya at pinatayo na niya sa buhangin yung mga pegs. "Ibabaon ko na to di ba?"

 

 

"Oo sakto na yan, ibaon mo na."

 

 

"Okay!"

 

 

"Huy!" halos masubsob ako sa buhangin kakamadali para awatin siya. "Teka nga, jusko Catalina." hinawakan ko yung kamay niya at hinugot ko yung peg na naka baon. Tinignan ko kagad kung meron bang nakakita sa ginawa niya. Buti nalang nagkkwentuhan sila Minju habang kanya kanyang ginagawa yung iba. "Bakit mali ba yung pagkabit ko?" lumuhod ako at tinabihan ko siya sa buhangin. Kailangan ko siyang pagsabihan dahil baka may makahalata na sa mga kilos niya bago pa matapos yung araw. Nakakabigla yung ginawa niya, yung palad niya mismo yung pinangpukpok niya sa bakal at hindi manlang siya gumamit ng bato.

 

 

 

"Catalina, mag ingat ka baka may makapansin."

 

 

"Pasensya na, nawala nanaman sa isip ko." binigay ko sakanya yung bato na ginamit ko kanina at pinaliwanag ko din sakanya kung pano."Magpanggap ka nalang na gumagamit ka nito, wag mong gamitin na martilyo yan kamay mo."

 

 

"Okay." tinusok niya ulit sa buhangin yung peg at saka niya pinukpok ng bato.

 

 

"Ayan okay na, ganito ulit yung gagawin natin sa magkabilang gilid. Tatalian tapos ibabaon." inabutan ko siya nung rope na may kasamang peg."Tag isa ulit tayo?"tanong niya habang inaalis yung pagkakabuhol nung mga tali.

 

 

"Oo tapos ikabit na natin yung pole para tumayo na." nagpatuloy na kami sa pag buhol ng mga tali sa canopy hanggang sa makabit na namin yung dalawang pole sa magkabilang dulo. "Ayan na Minjeong nakikita ko na." 

 

 

"hahaha okay dba? ang laki nitong tent na to kasya tayong lahat dyan."

 

 

Kinuhaan ko siya ng picture na nakatayo sa loob ng tent nung matapos na namin itayo.

 

 

Nung ilalatag na dapat namin yung mat bigla naman hinangin ng malakas kaya nabunot yung isang peg na kinabit ko sa pinaka unahan.

 

 

"Minjeong lagyan kaya natin ng pabigat para hindi mahatak sa pagkakabaon?" sumang ayon ako sa sinabi niya at nag hiwalay kami para mag hanap ng mga bato. Nagpunta siya sa mga puno at andito naman ako sa buhangin malapit sa tubig.

 

 

"Minjeongie ito, ayos na?" 

 

 

"Asan ka?" inaaninag ko siya dahil nasisilaw talaga ako sa liwanag kaya mas lumalabo yung paningin ko.

 

 

"Itong bato Minjeongie."

 

 

 

"Ay pucha. Ryujin!" tinuro ko sakanya kung saan naroon si Catalina. "Layu bilis tulungan natin si Catalina." agad agad kaming nagtakbuhan papunta kay Catalina. Lumapit kami para tatakpan namin siya at pinababa ko sakanya yung napaka laking bato na hawak niya. "Hahahahahaha Catalina wag kang magbuhat ng ganyan. Kiminjeong tignan mo nga, may nakatingin ba dito?" pasimple kong tinignan sila Minju at sila Cheche, napatingin sila pero mukang hindi naman nila napansin yung nangyari. "Catalina, wag ka na masyado kumilos. Medyo maliit na bato lang yung kailangan natin yung binitbit mo pang Jurassic Park."

 

 

"Sinabi mo kasi na kailangan natin ng pangpabigat."

 

 

"Oo pero wag ka magpahalata, kahit limang tao hindi kaya buhatin yung bato na kinuha mo eh. Hindi pwedeng makita na kakaiba kayo dahil magdudulot ng gulo yun. Kaya sabi ko mag ingat ka eh, kami lang ni Layu yung may alam okay? wag mong kakalimutan yun."

 

 

"Sorry."

 

 

"Wag ka mag sorry okay lang yan, tara na. Ilalatag nalang natin yung mat sa lapag tapos ipwesto na natin yung mga lamesa tsaka upuan." inaya ko na siya pabalik sa tent na tinayo namin at pinagtulungan namin ilatag yung malaking rolyo ng mat sa buhangin. Napansin ko na parang ang saya ni Catalina habang inaayos namin yung tent. "Bakit naka ngiti ka?" 

 

 

"Dahil natutuwa ako sa ginagawa natin, ang saya nito."

 

 

"Talaga? hindi mo pa ba nasubukan to dati?"

 

 

"Unang beses ito, ngayon ko lang talaga nasubukan. Nakakapunta kami sa dagat malapit sa mansyon pero hanggang panonood lang ang kaya namin gawin."

 

 

"Sabagay kasi takot na takot kayong lumabas dati. Pano ba yun, hindi niyo alam na kaya niyo sa liwanag? o talagang hindi kayo pwede dahil nabubulag kayo?"

 

 

"Ang tagal namin nakatago sa dilim, nakakalabas kami tuwing gabi lang. Kaya nung unang beses na lumabas kami sa mansyon na may liwanag at may araw pa, sobrang hapdi sa mata na akala mo sinusunog dahil hindi na kami sanay."

 

 

"Grabe kaya pala ganun yung reaksyon niyo. Halata na sobrang masakit nga. Ilan taon ba kayo na nasa dilim lang at hindi kayo lumalabas ng umaga?"

 

 

"Ang pinaka huling labas namin na may liwanag pa ay nung nagkagulo dun sa pinanggalingan namin. Mahigit dalawang daan at limampung taon na ang nakalipas."

 

 

"Ha? grabe ang tagal. Kaya pala ganun nalang yung iyak mo nung inilabas namin ni Ryujin yung kabaong mo. Sorry talaga sa ginawa namin Catalina hindi na mauulit yun."

 

 

"Hayaan mo na tapos na yun, mas madaming beses pa kita nasaktan Minjeong. Kaya patawarin mo ako."

 

 

"Pero galit ka kaya sakin, bati na ba tayo?" pabirong tanong ko.

 

 

"Hindi tayo bati, galit pa din ako sayo Minjeongie." natawa ako sa sinabi niya. Galit siya sakin pero parang kabaliktaran naman nun ang nangyayari ngayon. Mukang bati na nga talaga kami ni Catalina at hindi na siya galit sakin. Hindi ko alam kung pano kami sa mga susunod na araw pero, ayaw ko na maulit yung nangyari nung isang linggo. Kahit kailan hindi ko na siya ipagtatabuyan at ittrato ko siya ng tama. Magkaibigan kami at ayaw ko siyang mawala. Kailangan lang namin pag usapan yung mga limitasyon namin dalawa.

 

 

 

 

10:20am

 

Nakaayos na lahat ng mga upuan at lamesa sa tent at naka handa na din yung mga pagkain na lulutuin ko. Magsisimula na silang magswimming at nakapag palit na sila ng damit. Hindi daw magsswimming sila Gisele, Catalina at Sorin nung tinanong sila kanina ni Vivian matigas yung sinabi nila na ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit pero baka kasama ito sa mga bagay na ipinagbabawal sakanila.

 

 

"Talikod ka Pumpkin, ssprayan ko ng sunscreen yung likod pati legs mo." dinamihan ko yung nilalagay ko kay Minju. Hindi siya pwedeng magbilad sa araw at mapapagalitan siya ng manager niya. Thirty minutes lang siya magsswimming ngayon sa dagat tapos mamaya na ulit alas kwatro ng hapon siya pwede. Kinakalat at pinapahiran ko yung likod niya para hindi siya ma-sunburn. "Okay na, tatawagin kita kapag naka thirty minutes ka na."

 

 

"Alright thanks." hinatid ko na siya kung nasaan sila Vivian. "Pook I'll leave my phone to you muna."

 

 

Silang tatlo, thirty minutes to one hour maximum lang pwedeng maligo dahil may mga taping na sila pagbalik namin sa Manila. Pelikula yung ginagawa nila Cheche at ni Vivian, samantalang may teleserye naman yung pumpkin ko kaya hindi pwedeng magiba yung kulay ng balat niya.  

 

 

Bumalik na ako kung saan namin nilagay yung portable stove at yung ihawan na gagamitin sa pagluluto. Kasama ko ulit ngayon si Catalina dahil tutulungan daw niya ako. Kaming apat ang natira dito. Sila Gisele at Sorin ay nakatambay lang ngayon sa tent habang pinapanood yung mga nagsswimming.

 

 

"Ano na ang gagawin natin?" tanong nitong assistant ko na kanina pa excited mag luto. Pinag awayan pa namin kanina yung paglalagay ng sunblock, tinulungan ko siyang maglagay pero dumilat at nagsalita siya kaya nakain niya nung iniispray ko. Inawat lang kami ni Minju nung napikon nanaman sakin si Catalina. 

 

 

"Ito lang naman lulutuin ngayon, salpicao, inihaw na liempo, inihaw na isda tsaka mga lobster. Tapos may salad pa pala."

 

 

"Pano kita tutulungan?"

 

 

"Ah may bawang kasi itong salpicao kaya hindi ka pwede dito. Ito nalang, lagyan mo lang ng olive oil yung malalaking isda tapos lagyan mo din ng asin."

 

 

"Gano kadami yung asin?"

 

 

"Kalahating kutsara, ikakalat mo naman eh tsaka may sawsawan pa yan. Tapos lagyan mo nitong paminta tsaka nitong herbs. Hindi ko alam kung ano to, si Cheche nagdala." 

 

 

"Okay tatantyahin ko nalang." inayos ko yung pwesto kung saan siya magpprepare ng isda. "Minjeong bakit ganito to? ang sama ng tingin niya sakin!" tinignan ko yung sinasabi niya. Akala ko kung ano pero yung salmon pala yung tinutukoy niya. "Hahahaha o baka pati yan awayin mo. Dito muna ako, maghihiwa ako ng bawang hindi mo magugustuhan yung amoy nito." lumayo ako dahil baka sumama ang pakiramdam niya. Babawasan ko nalang yung bawang na ilalagay ko para makakain sila. "Tapos ko na, yung dalawa nalang." sinunod na ni Catalina yung isa pang klase ng isda na dala namin.

 

 

"Okay. Bakit pala ayaw niyo mag swimming?" mukang narinig ni Sorin yung sinabi ko kaya lumapit siya kung nasaan si Catalina. "Hindi kami pwede sa kahit anong body of water. Kahit pa magtampisaw o matalsikan ng tubig dagat. Hindi din kami pwedeng tumawid sa tubig na umaagos, kagaya ng mga ilog."

 

 

"Bakit, nakakamatay ba yun?"

 

 

"Hindi pero isa yun sa mga pinagbabawal sa amin. May sinasabi yung mga nakatatanda na may kinalaman sa baptismo ng mga uri niyo."

 

 

"May kinalaman sa baptism?"

 

 

"Oo kung pano kami bawal pumasok sa simbahan, ganun din kami sa mga anyong tubig."

 

 

Nung ma-realize ko yung sinabi ni Sorin, bigla kong naisip si Catalina. Kung ano ano mga pinaggagawa niya at sobrang pasaway siya. Tsaka sigurado din ako na nakapag tampisaw na siya sa dagat o sa ilog kahit isang beses.

 

 

"Catalina."

 

 

"O ano yun Minjeongie?"

 

 

"Kahit minsan hindi ka pa nakapag swimming o nakalublob sa dagat?"

 

 

"Hindi. Dahil bawal yun." napansin ko na napatingin siya sa katabi niya. Kilalang kilala ko na si Catalina, pag gusto niya gagawin niya kaya hindi ako naniniwala na hindi pa niya nasusubukan mag tampisaw sa tubig.

 

 

Nag hugas ako ng kamay ng matapos ko nang hiwain yung mga bawang, magsisimula na din akong mag gisa kaya pinabalik ko muna si Sorin sa tent.

 

 

"Ang bilis mo talaga kumilos, pwede na natin ihawin yan." pinapanood ko siya na inaayos yung tatlong isda na nilagyan niya ng asin at paminta. "Catalina. Yung totoo, hindi ka pa talaga nakakapag swimming kahit minsan?" umiling siya at hindi manlang tumitingin sa akin. "Talaga ba, hindi pa?" umiling ulit siya at patuloy sa paglipat ng mga isda. Tumabi ako sakanya at hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "Nagsisinungaling ka. hahaha" umiiwas at natatawa na siya. Hindi niya maalis yung mga kamay ko dahil kakatapos niya lang maghawak ng isda. "O ayan natatawa ka, sabi na eh." tinignan ko sila Gisele at Sorin dahil ayaw ko na marinig nila yung sasabihin ko kay Catalina. "Nung bumaba tayo sa kweba nag tampisaw ka. Wag mo na gagawin ulit yun, kasama pala yun sa mga utos. Akala ko pa naman hindi bawal kaya inaaya kitang mag swimming." hinihinaan ko yung boses ko dahil seryoso yung pinaguusapan namin at pwede siyang mapa sama. Hindi ko makakalimutan yun, proud pa siya nung inaya niya akong maglaro sa tubig nung lumabas kami sa lagusan papunta sa kweba na kontektado sa dagat.

 

 

Habang pinapalambot ko yung baka na niluluto ko, umupo muna ako sa tabi niya. "Catalina wag kang magagalit ha, bakit may kutob ako na ang dami mo nang tuntunin na nilabag?"

 

 

"Hindi naman. Wag mo nga akong pagbintangan Minjeongie."

 

 

"Tingin ko hindi ka lang nahuhuli ni Imperia pero mukang ang dami niyo nang nilabag, kayong tatlo nila Gisele. Hindi ba kayo mapapahamak sa mga ginagawa niyo?"

 

 

"Wala naman yung mga nakatatanda kaya hindi nila malalaman yung mga ginagawa namin. Ang dami nilang pinauso kaya bahala sila sa buhay nila. Tsaka ano naman gagawin samin ni Imperia, sasaksakin niya yung puso namin at susunugin niya kaming tatlo? edi siya nalang ang natira dito, silang dalawa ni Yesenia. May sariling buhay pa naman yung apo namin."

 

 

"Pero wag ka nang sumuway, baka naman biglang bumalik yung mga yun at maparusahan kayo."

 

 

"Sinusunod pa din naman namin yung tatlong utos na pinaka importante sa lahat. Hindi ko sinuway yun. Kahit yun pa ang pinaka masakit para sa akin."

 

 

"Yun ba yung bawal niyo ipagsabi?"

 

 

"Oo. Ang tatlo na pinaka una at ang pinaka importante sa lahat ng mga utos."

 

 

"Ilan ba lahat lahat ng rules niyo?"

 

 

"Hindi ko pwedeng sabihin."

 

 

"O sige ganito nalang, alam ko na mali yung ginawa ko nung nag video ako pero sana magtiwala ka pa din sakin. Gusto ko lang malaman, dun sa lahat lahat ng rules niyo. Tingin mo ilan na dun yung nilabag mo?" walang pag aalinlangan, inangat niya yung kamay niya at pinakita niya sakin yung mga daliri niya sabay ngiti. "Apat? jusko. Dba bawal nga na hindi kayo sumunod tapos yung nilabag mo apat? hahaha."

 

 

"Nagiiba iba ang panahon at henerasyon. Minsan kailangan talaga namin makisabay."

 

 

"Kinakabahan ako para sayo, ano kaya yung mga rules na yun."

 

 

"Una sa lahat, sino ba ang nagsabi na gumawa sila ng mga ganyan. Napaka dami nilang alam, sila ang gumawa edi sila yung sumunod."

 

 

"Hahahahahahahaha tangina. Ang tapang mo talaga."

 

 

"Totoo naman ang sinasabi ko, sila ang gumawa edi sila ang sumunod. Hintayin lang nila at gagawa ako ng bago para sa amin. Pinag aaralan ko na."

 

 

"Hahahahahaha problem child ka talaga eh. Apat talaga Catalina, tapos ilan lahat ng rules? Lima?"

 

 

"Hahahaha niloloko mo nanaman ako."

 

 

"Hahaha eh kasi naman eh, apat kagad nahiya ka pa dapat ginawa mo nang lima."

 

 

"Basta ang importante sinusunod ko pa din yung mga pinaka mahalaga. Mababaw lang naman yung mga sinuway ko. Pati sila Gisele ganun din ang kasalanan."

 

 

"Buti kung pwede mo yan sabihin dun sa mga ninuno niyo pati sa lola mo. Pagdasal mo nalang na wag na silang bumalik."

 

 

"Totoo yan sinabi mo, mahihirapan kami kapag bumalik pa sila. Ayaw na namin ang ganun buhay, lahat sila nakikialam at napaka daming pinagbabawal."

 

 

"Alam mo kahit hindi mo sinasabi sakin medyo nakukuha ko na eh. Mahirap kapag masyadong tradisyonal at nagkokontra ang mga paniniwala."

 

 

"Totoo yan, yung lolo namin dun sa painting sa taas. Siya ang may pakana. Tingin ko naman hindi na sila babalik kasama ni Nana."

 

 

"Baka nga, dahil ilan taon naman na ang nakalipas. Catalina, akin na iihawin ko na yan." tumayo ako at kinuha ko yung bote ng gas. Nilagyan ko konti yung uling bago ko hinagisan ng posporo.

 

 

"Minjeong wag!!"

 

 

"O bakit?!" biglang tumakbo at natakot si Catalina nung sinilaban ko yung uling. "Huy okay ka lang?" sinundan ko siya, tumakbo siya papunta sa tent at ngayon nakakapit na siya kay Gisele. "Catalina bakit?" nag aalala ako dahil nakita ko kung pano siya nataranta at tumakbo.

 

 

"Kiminjeong, nagulat siya. Takot kami sa malalaking apoy." 

 

 

Tumayo ako sa tabi niya, napansin ko na nanginginig siya habang nakakapit kay Gisele. "Catalina sorry, hindi ko alam." lumuhod ako sa tapat niya bago ko hinawakan yung kamay niya. "Wag ka nang matakot hinagis ko kasi yung posporo kaya lumiyab. Hindi ko sinasadya." umayos siya ng upo at tumingin sakin. "May apoy pa din ba Minjeong?" sinilip ko yung ihawan na iniwan ko. "Oo pero maliit nalang yun. Wag ka matakot, hindi ko naman hahayaan na may mangyari sayo. Halika na." hinintay ko siya at inalalayan kong tumayo. "Sorry hindi ko alam na may epekto pala sainyo yung apoy."

 

 

"Pasenya ka na Minjeong nagulat ako."

 

 

"Okay lang, mag iingat na ako sa pag sindi. Halika na matatapos na yung niluluto kong baka, mag ihaw na tayo." tinignan ko yung phone ko, malapit na mag alarm at tatawagin ko na din si Minju. "Ayos ka lang? Gusto mo ba ng tubig, may mga juice dun sa cooler pwede ka kumuha."

 

 

"Mamaya nalang."

 

 

"Upo ka muna."

 

 

Nagsimula na akong magihaw, sinalang ko na sa kabilang side yung isda at kinuha ko sa isang cooler yung mga iihawin na baboy na hinanda nila manang Carmen.

 

 

 "Nagulat ako na grabe pala yung takot mo sa apoy. Hindi ko alam yun kasi kahit minsan hindi mo nabanggit sakin." 

 

 

"Apoy yung isa sa mga bagay na makakapatay sa amin."

 

 

"Sorry talaga."

 

 

"Tatlong paraan lang ang meron para mapatay kami. Sunugin mo ako, pugutan mo ako ng ulo at saksakin mo ako sa puso." hindi ko maiwasan kilabutan sa sinabi niya. Parang hindi ko kakayanin na makakita ng ganun."Ang brutal. Pero pano naman magagawa sainyo ng tao yun eh ang lakas lakas niyo. Yung lakas mo Catalina tingin ko kahit mag tulong tulong pa mga tga San Jorge mahihirapan sila sayo."

 

 

"Kaya nga kapwa lang din namin ang pwedeng pumatay sa amin."

 

 

"Totoo?!"

 

 

"Oo nasabi ko na yan sayo dati."

 

 

"Edi hindi kita pwedeng patayin?"

 

 

"Subukan mo, tignan ko lang kung hindi madagdagan yan bungi mo."

 

 

"Hahahahaha ang epal mo talaga."

 

 

"Hahaha hindi na kita sasaktan Minjeong, ayaw kitang masaktan."

 

 

"Oo maawa ka naman sa ngipin ko."

 

 

"Ang kulit mo kasi. Pinagkatiwalaan kita at bihira mangyari yun. Unang beses ko palang ginawa yun sa mortal, sayo lang. Pero kinuhaan mo pala."

 

 

"Hindi ko na talaga uulitin yun tsaka sorry na, inaamin ko na mali talaga ako. Catalina may gusto pala akong ipakiusap sayo,"

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Pwede ko bang kunin si Sharpay bukas? gusto na kasi siya makita ni Minju. Ibabalik ko din sa Miyerkules kasi aalis ako, kailangan ko sumama sakanila pabalik sa Manila."

 

 

"Aalis ka nanaman Minjeong?" pinakita at tinuro ko sakanya yung ngipin ko na nabungi. "Kailangan ko bumalik. Ang daming laboratory tests tsaka ipapaayos namin sa dentist tong ngipin ko."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2140 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko