Chapter XXXI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

August 2023

 

 

3:00pm Lunes

 

"Sige tuloy lang, kuhang kuha mo na! Diretso lang tapos liko sa kaliwa, wag mo kalimutan mag signal." sumandal ako para kunin yung phone ni Catalina na kanina pa ring ng ring. Nung tinignan ko, "O may tumatawag nanaman sayo. Speaker phone ko po ba ma'am?"

 

 

"Napaka kulit talaga ng lalaking yan. Naiirita na ako sakanya Minjeong. Konti nalang, kapag hindi ako nakapag pigil lalaslasin ko na talaga yung leeg niya."

 

 

"Huy relax, sabi ko sayo kausapin mo ng maayos si Jeno sabihin mo na sakanya na ayaw mo na makipagkita, kaso bigla ka nalang nang ghost kaya ayan, kinukulit ka tuloy niya."

 

 

"Hindi ko siya kailangan, paki sabi wag na niya akong tawagan. Naririndi talaga ako sa mga pinagsasabi niya nung umpisa palang. Binobola niya ako at puro sarili niya ang binibida niya nakakasawang makinig. Masyadong bilib na bilib sa sarili. Hindi ko talaga alam kung sino ang naglagay sa kokote niya na gusto ko siya. Yun lagi ang nababasa ko sa isip niya, akala niya patay na patay ako sakanya, pero kahit minsan hindi ko naman siya nagustuhan at kahit kailan hindi mangyayari yun."

 

 

"Sabi ko nga sayo kausapin mo siya ng maayos. Alam mo Catalina mali yung ginawa mo eh, nananahimik yung tao tsaka ikaw naman yung naunang lumapit sakanya. Pinuntahan mo siya sa coffee shop di ba at inaya mo, tapos ngayon hindi mo na siya kilala. Kausapin mo nalang, sabihin mo na ayaw mo na ng kahit anong contact, tingin ko maiintindihan naman niya yun."

 

 

"Ikaw ang magsabi sakanya Minjeong, wala akong panahon sa mga ganyan kakulit. Umiiksi lalo ang pasensya ko."

 

 

"Bakit ako? eh ikaw dyan yung nag paasa kay Jeno. Alam mo na nga na type ka niya tapos ikaw pa yung nag approach sakanya, malamang aasa talaga yun. Tsaka ito pa, nangdamay ka pa ng iba. Yung bahay dun sa isang purok, pati yun nananahimik dinamay niyo. Nagpanggap ka na dun ka nakatira kahit hindi naman. Tignan mo, dun ka hahanapin niyan pag tagal. Sino yung may ari ng bahay na yun?"

 

 

"Hindi ko alam, nakita ko lang yun kaya ko sinabi na dun ako nakatira."

 

 

"Sinabi mo ba kay Jeno yung buong pangalan mo?"

 

 

"Ibang apelido ang ginamit ko. Hindi ko binigay ang buong pangalan ko."

 

 

"Anong name binigay mo sakanya?"

 

 

"Catalina Kim."

 

 

"Ha? bakit Kim ginamit mong apelido dapat nag isip ka naman ng iba. Kunyari ano Shin, mga ganun."

 

 

"Eh hayaan mo na. Tsaka sige na, sabihan mo na siya Minjeong na tigilan na ako, tsaka ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng to kaya ikaw dapat ang kumausap sakanya."

 

 

"O bakit kasalanan ko? ano naman kinalaman ko dyan?"

 

 

"Kaya lang naman ako napilitan kausapin yun kasi ginalit mo ako at sinabihan mo ako na hindi na tayo magkikita. Wag mong itanggi sakin Minjeongie, dahil nabasa ko sa mga mata mo na nagseselos ka nung unang beses mo nakita na magkasama kami."

 

 

"Wow ha! hahahaha ano ba yan mga pinagsasabi mo? Nag aassume ka nanaman." inalis ko yung seat belt ko at inabot ko yung signal light. "Catalina kumaliwa ka nanaman ng hindi nagssignal. Mag focus ka. Tsaka bakit sinisisi mo ako? umamin ka, kinaibigan mo ba si Jeno para pagselosin ako, yun ba ang ibig mong sabihin?" 

 

 

"Hahaha ang kapal mo, bakit naman kita pag seselosin?"

 

 

"Wag ka na nga mag deny. Sayo na nga mismo nanggaling eh, ang dami mo kasing alam. Nagbati naman tayo kagad pero nanggamit ka pa ng ibang tao. Hahahahaha ayan tuloy kinukulit ka, lusutan mo yan ngayon."

 

 

"Isa pang pangungulit sakin nung Jeno na yan lalaslasin ko na talaga ang lalamunan niya o kaya ipapabura ko kay Yesenia ang lahat ng alaala niya."

 

 

"Hahahaha o tignan mo to, nang aamnesia ka pa, wag kang brutal. Oo sige na ako na bahala, ako ang makikipag usap kay Jeno sa susunod, sasabihin ko sakanya na hindi mo na ako kailangan pagselosin kaya tapos na yung trabaho niya."

 

 

"Hahahaha Minjeong naman, tumigil ka nga." tinusok ko yung pisngi niya kaya pinalo niya yung kamay ko. "Hahaha namumula nanaman yung tenga mo, Catalina bakit kinikilig ka?"

 

 

"Minjeong isa!"

 

 

"Hahahaha joke lang, mag focus ka sabi sa pagmamaneho eh, pero ang galing mo na nakaka-proud ka kasi ang bilis mo natuto. Kabisado mo na dito sa farm. Dun naman tayo sa iba, tara na sa mansyon, ikaw mag drive."

 

 

Mag dadalawang linggo na simula nung nag aral mag maneho si Catalina. Yung 4x4 jeep ko yung pinapagamit ko sakanya dahil gusto ko na matuto siya ng manual driving bago siya lumipat sa automatic. Mabilis siyang matuto at masasabi ko na matiyaga talaga siya lalo kapag gusto niya ang isang bagay. Nung mga unang araw, halos maalog ang ulo ko at ilan beses muntik ma-whiplash yung leeg ko dahil hindi niya gamay yung clutch, gas, tsaka preno. Araw araw ganito ang ginagawa namin, nagppractice siya tuwing hapon kaya madalas siyang sumasama sakin sa farm. Mula sa highway siya na ang nagmamaneho kaya nasasanay na siya. Nung una sumasabay pa samin si Ryujin, pero nung muntik na kaming mabalian ng leeg dahil kay Catalina hindi na siya umulit at nag desisyon nalang na magdala ng sarili niyang sasakyan. Sa totoo lang, para safe, naka helmet ako sa shotgun seat tuwing si Catalina ang driver ko.

 

 

 

 

3:40pm

 

"Minjeongie paakyat na tayo." nag thumbs up ako sakanya at nag senyas ako na idiretso na niya yung jeep hanggang taas. "Kaya mo yan Catalina, napractice na natin to nung kelan hindi ba, yung hanging. Sige lang wag kang matakot."

 

 

"Pero pataas at masyadong matarik itong kalye."

 

 

"Kaya mo yan basta yung clutch pag magpapalit ka ng gear, tapos tapakan mo lang yung gas. Wag ka magdadalawang isip." inadjust ni Catalina yung upuan niya at humawak mabuti sa manibela. "Kaya mo yan sige na, akyat na tayo gusto ko na makita yung anak ko." halata na kabado siya pero pinaandar na niya yung sasakyan. Hindi ko lang pinapahalata sakanya pero kinakabahan din ako, Alam ko na pwede siyang mamatayan ng makina at aatras kami ng sobrang bilis pababa. Buti nalang suot ko yung helmet ko ngayon at nakakapit ako maigi.

 

 

"Hahaha yan, kaya mo na talaga." nakaabante ako sa upuan ko at binabantayan ko lang yung pagmamaneho niya.

 

 

"Minjeong nagagawa ko na ng tuloy tuloy!"

 

 

"Huy wag mo aalisin yung kamay mo sa manibela mababangga tayo!" nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa akin sa sobrang saya niya. "Sorry, marunong na ako mag maneho!"

 

 

"Konti nalang sanay na sanay ka na. Sabihan mo si doc Yeji tungkol sa lisensya mo dba may mga documents naman kayo na updated?"

 

 

"Oo meron siyang mga kausap para dun."

 

 

"Yun pala. Sa susunod pwede ka nang bumili ng sasakyan mo. Ang bilis mo natuto, ang galing mo."

 

 

"Dahil matiyaga ka sa pagturo. Thank you Minjeongie."

 

 

"You're welcome. Andito na tayo, park mo nalang sa gilid wag mismo sa drop off ng mansyon alam mo naman na nagtatae ng langis tong jeep ko. Magagalit nanaman si doc Yeji niyan."

 

 

Kahit nakuha na niya, gnguide ko pa din siya sa pag park. "Okay na, check mo muna lagi bago ka bumaba kasi minsan dyan nadidiskarga yung baterya." hinihintay ko siya para sabay kaming papasok sa loob. Nakakapunta na ulit ako dito sa Mansión de los Condenar, madalas akong nakakadalaw dahil ito na yung second residential address ni Sharpay. Dito ko siya madalas iniiwan tuwing luluwas ako ng Manila. Sino nga ba ang mag aakala na sobrang kakagiliwan pala siya ni Imperia. Si Imperia na nakakatakot pero lumalambot ang puso ng dahil lang sa isang biik.

 

 

Nung nagpunta kami nila Minju para bisitahin si Sharpay, lahat kami gulat na gulat sa kung ano yung sumalubong samin. Yung anak ko, nakasuot na din siya ng maliit na dress na itim na akala mo pormahan sa hogwarts. Nung tinanong ko si Catalina kung ano ang nangyayari, si Imperia daw ang may kagustuhan nun. Siya pa daw mismo ang nagtahi nung damit para kay Sharpay at inutusan pa niya si doc Yeji na magpagawa ng sapatos. Napamahal na sakanila yung anak ko kaya kung itrato nila siya ay daig niya pa ang buhay prinsesa. Yun pala ang ibig sabihin ni Sorin na siguradong walang makakagalaw kay Sharpay dahil si Imperia mismo ang nagbabantay sakanya.

 

 

"Halika na, pasok na tayo." aya sakin ni Catalina, nagpunta kami dito para tutulungan ko siya mag impake ng mga gamit na dadalin niya bukas. Magbbiyahe kami papunta sa Manila para umattend ng premiere night ng Pumpkin ko sa dadating na Sabado.

 

 

 

 

Tumungo kami sa tulugan nila sa baba, dito nagsstay si Sharpay kasama ni Imperia. Masarap ang tulog niya dito dahil malamig kahit walang aircon.

 

 

Si Catalina ang naunang pumasok at sumusunod lang ako sakanya. "Anong ginagawa nila?" bulong ko habang dahan dahan ko silang sinisilip. "Nasa kabaong siya." Ayaw ko mag ingay dahil baka magising bigla yung natutulog na vampira at mabalibag nanaman ako. "Ito na siya." tinuro sakin ni Catalina yung bagong pwesto na pinaayos nila.

 

 

"Sharpay, baby." mahinang banggit ko sa pangalan niya habang inaalis ko yung blanket na nakatakip sakanya. Maingat akong humihiga sa kama niya at niyayakap ko siya. Nag iba siya ng pwesto nung maramdaman niya na andito ako, tumihaya siya para magpakamot ng tiyan. Ang sarap ng tulog niya dun sa sarili niyang kama na pinasadya pa daw ipagawa ni Imperia. "Catalina, sabi sainyo wag niyo siya masyado gawing spoiled. Hindi pwedeng ganyan tignan mo sa susunod ayaw na lumabas nito tsaka mamimili na ng pagkain. Masyado siyang pampered hindi pwedeng ganito."

 

 

"Baby pa naman siya kaya hayaan mo na."

 

 

"Anong hayaan eh tignan mo nga, may sariling wardrobe, may mga sapatos pa siya, may lampshade kumpleto yung tulugan. Tangina maganda pa yung kama niya sa kama ko."

 

 

"Sssshh hayaan mo na sabi. Gusto mo din ba ng kama, wag ka mag alala papagawan din kita. Wag ka nang mainggit sa anak mo Minjeong."

 

 

"Hahahaha hindi ako naiinggit pero sinasabi ko lang naman na wag niyo siyang ispoil kasi baka masanay, mahihirapan akong alagaan siya pag andun siya sa bahay. Oo nga pala, bago tayo umuwi galing Manila may dadaanan tayo dun. Regalo ko sainyo pati sa ate mo, ito yung dahilan kung bakit tayo sasakay ng roro."

 

 

"Para sa amin? ano yun?"

 

 

"Basta, sigurado ako na matutuwa ka. Tara na ayusin na natin yung mga gamit mo? babalikan ko nalang mamaya si Sharpay."

 

 

"Sige Minjeong punta na tayo sa taas."

 

 

 

 

 

Isang linggo nanaman akong mawawala sa San Jorge pero ngayon, kasama kong magbbiyahe si Catalina. Dun nalang ulit ako magttrabaho sa condo ni Minju para hindi ko kailangan mag leave sa farm. Mahigit isang buwan nang ganito yung schedule ko, pababalik balik ako sa Manila para magpa check sa Cardiologist.

 

 

Nakakailan check up at tests na din ako. Okay naman yung ibang resulta pero ang daming pinagbabawal gawin at madami din akong iniinom na gamot. Nasabi ko na din kay ate, kay Catalina at kay Ryujin yung findings ng doctor, siyempre hindi maiwasan na malungkot sila lalo si Layu. Alam ko na natatakot sila sa kung ano ang mga pwedeng mangyari pero sinabi ko naman na susundin ko lahat nung mga bilin at pinapagawa ng doctor para walang maging problema. Si Minju yung pinaka nag aasikaso sakin at sinasamahan niya ako sa lahat ng check up ko, kahit pa may trabaho siya talagang ginagawan niya ng paraan para lang wag akong umatras at matakot. Hindi ko makakalimutan yung reaksyon nila ni Cheche nung kinausap sila ng doctor. Alam ko na medyo mabigat yung sinabi dahil nakita ko na umiiyak sila pagkatapos. Ayaw ko nalang mag isip ng hindi maganda pero tanggap ko na. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan nagiging masaya na ako at nasa buhay ko na si Minju, ngayon pa talaga nangyari to.

 

 

Ayaw ko na mag alala sila sakin kaya mag iingat na ako. Hindi ko to gagawin para lang sa sarili ko pero para din sakanila.

 

 

 

 

5:00pm

 

Pinapanood ko si Catalina na nilalabas isa isa yung mga damit niya sa aparador. "Ang dami mo nang damit noh?" iniisa isa niya yung mga naka hanger. Napansin ko na madaming mga light colors at hindi na niya ginagamit yung mga kulay itim na dress.

 

 

"Magpapasama dapat ako sayo para bumili kaso.." hinihintay ko siya na magpatuloy sa sinasabi niya. "Kaso?"

 

 

"Basta." mahinang sambit niya. Ako na ang nagpatuloy dahil alam ko kung ano yung tinutukoy niya "Kaso hindi na tayo makapunta sa mall dun sa Santa Rita kaka-ghost mo kay Jeno. Hahahahaha. Grabe Catalina, vampire ka na ghost ka pa."

 

 

"Hahaha ang hilig mo talaga akong asarin Minjeong."

 

 

"Nakakatawa kasi kapag napipikon ka."

 

 

"Minjeong." hawak niya yung tatlong pares ng pajama niya na magkakaiba yung design. Pinapapili niya ako kaya tinuro ko yung nasa kaliwa."Catalina dalawa lang dalin mo, yung isa gamitin mo sa biyahe."

 

 

Andito kami sa kwarto sa taas, inaayos namin yung mga damit na dadalin niya bukas pag nagpunta kami sa Manila. Two weeks ago pa nung magbook ako ng mga ticket namin. Magdadala ako ng kotse at sasakay kami ng roro. Kulang kulang tatlumpung oras yung biyahe bago kami makaabot sa condo ni Minju kaya yung maayos na suite room yung napili ko. Tinanggihan ko yung bayad na binibigay sakin ni Catalina dahil ayaw ko na siya yung gumastos, lalo na mura lang naman yung mga fees sa barko.

 

 

"Ilan yung kama dun?" halata na sobrang excited ni Catalina, nung isang araw pa siya nagtatanong tungkol sa pagluwas namin. "Isa pero queen size bed kaya makakatulog ka ng maayos. Catalina baka kumalat to sa bedsheet dali inumin mo na." tinapat ko sa bibig niya yung straw na nilagay namin sa blood bag na kinuha niya sa ref. Nag aayos siya ng mga damit kaya ako yung tga hawak nito. "Talagang favorite mo yung type O noh?" binabasa ko yung label na nakadikit sa pouch, whole blood type O 300cc, collection date from volunteer donor. "Minjeongie!" nagtaasan yung mga balahibo ko nung napatingin ako sakanya."Huy, ano ba wag mo naman gawin yan!" parang maduduwal ako nung humarap siya sakin sabay pinakita yung dila niya na puro dugo. "Hahahahaha para dugo lang ang duwag mo naman, ikaw nga namamaril ka. Bagay talaga tayo Minjeongie."

 

 

"Anong bagay tayo? Sabi ko sayo wag ka humirit ng ganyan, tsaka wag mong gawin biro yun. Sa susunod hindi na talaga ako magkkwento sayo."

 

 

"Sorry."

 

 

"Dali na, kailangan mo pa ubusin yung isang bag. O, inom ka na." shnoot ko ulit sa bibig niya yung straw habang nagtutupi siya ng mga damit niya. "Para naman akong may alagang baby nito Catalina." tinapat ko ulit sakanya yung straw at pinapainom ko siya. Kailangan niyang maubos yung dalawang blood bag ngayon araw para hindi na siya magbabaon ng dugo pag nagbiyahe kami, sapat na daw yung dami nito para sa isang linggo. 

 

 

"Mukang okay na yan dala mo." banggit ko. Hindi siya makapagsalita dahil sinisipsip niya yung natitirang dugo mula sa blood bag. Tinuro niya yung isa pang bag para iabot ko sakanya. Tumalikod ako nung hinatak niya yung straw sabay tusok dun sa panibagong iinumin niya. "Catalina ilan beses na kitang nakitang umiinom ng dugo pero grabe kinikilabutan pa din talaga ako."

 

 

"Alam ko na mahirap ito para sayo."

 

 

"Pag kunyari vampire ka tapos ayaw mong uminom ng dugo, anong pwede mong inumin? Hindi ko kaya yung ginagawa mo, para kang umiinom ng Zesto pero Type O. Ang dark pa ng kulay."

 

 

"Mamamatay ka, ito lang ang nagbibigay ng sustansya sa amin."

 

 

"Ganun? kung ako yung vampira parang hindi ko kayang uminom ng ganyan maghahanap nalang ako ng alternative. "

 

 

"Gusto mo bang tikman Minjeong? halika dito." nilalapit niya sakin yung bibig niya kaya tumakbo ako. "Tigilan mo nga yan, papainumin mo ako ng dugo galing sa bibig mo?"

 

 

"Oo ipapasa ko sayo, para lang malasahan mo. Alam ko na mandidiri ka kapag galing mismo dito, kaya sa bibig ko nalang."

 

 

"Catalina kadiri. Alam mo yung mga hirit mo talaga, buti nalang nasasanay na din sayo si Minju tsaka hindi siya napipikon sa mga biro mo."

 

 

"Kaibigan ko na din si Minju kaya nasasanay na siya at mabait siya kaya gusto ko siya. Mas mabait ng di hamak si Minju kesa sayo."

 

 

"Dati ayaw mo sakanya pero ngayon mas kinakampihan mo pa siya." chneck ko yung laman ng bag niya, inisa isa kong tignan yung mga damit dahil baka may makalimutan siyang dalhin. "Wag ka na mag dala ng towel meron naman dun, pwede ka din maki share sa toiletries ko. Mukang okay ka na, tara na uwi na tayo mag ffacetime pa kami ng Pumpkin ko, patapos na yung take niya."

 

 

"Sandali Minjeong, bago tayo umalis kailangan natin mag paalam kay Imperia."

 

 

"Ah ganun? sorry pero pass ako dyan. Kaya mo na yan."

 

 

 

 

 

 

 

4:00pm Martes

 

Alas dos ng hapon na nung makarating kami dito sa pier. May mga ginawa pa kaming proseso bago namin nai-load yung kotse sa barko. Yung mga importanteng gamit at konting damit lang yung dinala namin dahil dalawang gabi lang naman kami matutulog sa biyahe.

 

 

Sa check-in process kami natagalan kanina pero ngayon andito na kami ni Catalina sa kwarto at nakapag ayos na din kami ng gamit. Suite room ang pinili ko na accommodation, ito yung pinaka malaki sa lahat at may sariling cr. Dalawa yung bintana na meron dito kaya maaliwalas tignan ang kwarto at hindi nakakasakal. Nagpapahinga lang kami ngayon at naguusap habang naghihintay umandar itong barko. Sinabi ni Catalina na mamaya nalang daw kami lalabas kapag malapit na yung sunset.

 

 

"Minjeong."

 

 

"Hmm?" busy akong nagpphone, pinapakita ko kay Minju yung room namin at snend ko din sakanya yung travel schedule. Hindi na kami makapaghintay at sobrang atat na ako na makita siya. Huwebes ng umaga ang dating namin sa Manila, makakasama ko pa siya nun hanggang lunch dahil alas singko ng hapon pa naman yung call time niya para sa shooting.

 

 

"Minjeongie" ulit na pag tawag sakin ni Catalina."Hmm ano yun?" naramdaman ko nalang na sumisiksik siya dito sa tabi ko. "Inaantok ka?" tanong ko sakanya. "Hindi gusto ko lang dito." nagkatinginan kami, ngumiti siya bago sumiksik at pinatong yung ulo niya sa tiyan ko. "Catalina para kang si Sharpay, ganyan ginagawa niya pag gusto niya ng belly rub."

 

 

"Ang sarap mo kasi gawing unan." sinusuklay ko yung buhok niya gamit yung kamay ko habang pinapanood ko yung video na snend sakin kanina ni Minju, andun siya ngayon sa shooting ng bagong movie niya sa Antipolo. Hindi ko pa sinasabi sakanya pero balak kong sunduin siya dun sa mga susunod na araw. 

 

 

"Catalina," tuloy lang ako sa paghaplos ng buhok niya. Napapansin ko na napapapikit na siya. Umangat siya at tumingin sakin."Sabihin mo sakin pag nagugutom ka na. Dun nalang tayo sa restaurant kumain."

 

 

"Oo. Pwede din ba tayo lumabas mamayang gabi, may gusto sana akong ipakita sayo."

 

 

"Ano yun? sige bago tayo matulog."

 

 

"Sigurado ako na matutuwa ka sa mga makikita mo Minjeong."

 

 

"Parang na-eexcite tuloy ako. Pano yan lumabag ka nanaman sa utos, bawal kayo sa dagat pero ito ka ngayon sobrang chill sa suite room ng barko. hahahaha."

 

 

"Hayaan mo sila, basta gusto kong sulitin to dahil magkasama tayo."

 

 

"Kailan ka ba aalis, may napili ka na ba na date?"

 

 

"Wag na natin pagusapan yan. Minjeong, may gusto sana akong gawin kapag nasa Manila tayo."

 

 

"Sige ano yun?"

 

 

"Pwede ba tayong lumabas, sa magandang lugar tapos kakain tayo?"

 

 

"Kakain tayo? bakit? hindi mo na kailangan mag ganun kasi magluluto naman ako sa condo. Ganun ginagawa ko pag andun ako, pinagluluto ko si Minju."

 

 

"Hindi manlang kayo umaalis?"

 

 

"Minsan umaalis kami pag mga sobrang gabi na, pupunta sa mall ganun, pero lagi namin kasama yung PA tsaka manager niya. Pag nag ggrocery kami kailangan patago. Hindi talaga madali yung samin."

 

 

"Ayos lang sayo yung ganun, na lagi kayong nagtatago?"

 

 

"Oo, parte yun eh. Baka kasi may makakita samin tapos alam mo yun gawan siya ng kung ano anong write ups. Dun nalang tayo sa condo Catalina, magluluto naman ako."

 

 

"Hindi. Iba kasi yun, gusto ko sana na kumain tayo sa magandang restaurant sa gabi. Tapos ako ang magbabayad."

 

 

"Ikaw magbabayad? nakakahiya naman sayo, kailan ba yan para masabihan ko din si Minju baka kasi may schedule siya nung araw na yun."

 

 

"Wag mo sana masamain at wag ka magagalit. Pero gusto ko sana na ikaw tsaka ako lang yung kakain sa labas."

 

 

"Ha? Tayong dalawa lang?"

 

 

"Oo sana dahil gusto kitang makausap."

 

 

"Ganun ba o sige pero tignan muna natin, kasi depende sa schedule ni Minju. Tingin ko pwede tayong umalis kapag nasa taping siya. Araw araw kasi yung schedule niya tapos gabi hanggang madaling araw yung call time."

 

 

"Okay sige. Kailan mo ipapakita yung surpresa mo sakin Minjeongie?"

 

 

"Bago tayo umuwi sa Lunes dadaanan natin, alam ko na matutuwa ka kapag nakita mo yun."

 

 

 

 

 

 

8:30am Miyerkules

 

Bumangon ako para kunin yung salamin pati yung phone ko sa nightstand. Kailangan ko nang tumayo dahil nung kinakapa ko yung katabi ko, wala na pala siya dito sa kama. Hindi pwedeng lumabas mag isa si Catalina dahil madaming tao dito, mahirap na kapag nakaamoy siya ng dugo, baka hindi niya mapiligan ang sarili niya.

 

 

"Catalina?"Tumayo ako para tignan kung andun ba siya sa loob ng cr. Kinatok ko yung pinto bago ko icheck kung naka lock. "Catalina?" nilapit ko yung tenga ko para papakinggan ko siya hindi siya sumagot kaya sinubukan ko ulit siyang katukin.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko