Chapter LVII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

(continuation)

 

Martes 10:30pm Shin's Residence

 

 

"Kumalma ka tanga mararamdaman ka ni Catalina!"

 

 

"Layu ayaw ko mapunta sa impyerno!! Hindi ko kakayanin, hindi ko pa kaya iwan mga kapatid ko."

 

 

"Wag ka maingay marinig ka pa nila mama! Kumalma ka tsaka hindi ka pa naman sigurado na yun nga yun. Ang tagal tagal nang wala nung lola nila kaya imposible yan sinasabi mo. Hindi sakanya yun." 

 

 

"Ataul tapos may Carmilla. Yun mismo yun, siya yung lola nila sigurado ako."

 

 

"Kumalma ka nga muna kasi baka pag narinig at naramdaman ka ni Catalina susunduin ka nun dito, malalaman niya pa yung tungkol sa sinabi ni Sito."

 

 

"Anong gagawin ko kung tama yung hinala natin? Mapaparusahan kami, lahat kami pati sila Gisele. Mamamatay si Catalina tsaka si doc Yeji . Hindi ko kayang mawala si Catalina Ryujin seryoso ako."

 

 

"Oo naiintindihan kita. Sandali pag isipan natin mabuti, hindi pa naman tayo sigurado kung ataul nga talaga yun. Tsaka napaka imposible Kiminjeong sabi mo kanina may nakakita sakanya na sumakay ng barko di ba?"

 

 

"Oo."

 

 

"Tapos base sa nalaman ni Catalina, posibleng lumubog yung sinakyan na barko?"

 

 

"Oo pero walang nakapag sabi kung nasaan siya o kung patay na nga ba talaga. Hindi kasi maganda yung kutob ko dito."

 

 

"Kiminjeong ano ba. Pwede kasi na nagkamali lang ng nasagap sila manang Thelma. Hindi ako naniniwala na ataul yun, baul lang na normal yun tsaka baka namali lang sila ng basa. Tsaka yung mga pulis na nga nagsabi na baul yun."

 

 

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko mismo nakikita. Layu gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pa makasama ng matagal si Catalina. Tsaka sila doc Yeji sila Imperia ang unfair na mamamatay sila ng dahil lang binuhay nila ako. Ayaw ko na madamay silang lahat."

 

 

"Masyado ka naman kasi  advanced mag isip eh, sandali lang sabi. Mag pahinga na muna tayo kasi gabi na at kailangan niyo pang umuwi. Ganito nalang, umuwi ka muna tapos pag usapan natin lahat bukas sa farm okay?"

 

 

"Sige, pero sa tingin mo, ano ang dapat kong gawin? pano kung biglang dumating yun sa mansyon, pano kami?"

 

 

"Hindi ko alam pero base kasi sa mga kwento niyo, parang lahat ng sabihin niya kailangan niyong sundin. Kailangan niyong pakisamahan yung lola nila para hindi kayo magkaproblema. Nakwento din sakin ni Gisele na yung mga ninuno nila yung mas makapangyarihan ng di hamak."

 

 

"Ganun na nga, bukod sa mas mataas mas malalakas pa. Ito yung pinaka kinakatakutan namin mangyari, sana naman mali yung iniisip ko dahil hindi kami handa para dito."

 

 

"Wag ka mag alala, tsaka feeling ko talaga napaparanoid ka lang. Pag usapan natin bukas kung ano yung pwede gawin just in case lang na bumalik nga talaga siya."

 

 

"Sasabihin ko na ba kay Catalina?"

 

 

"Hindi hindi, wag muna dahil baka pag nalaman nila Imperia magkagulo pa kayo sa mansyon. Tsaka baka naman bigla kayong umalis lahat at iiwan niyo kami dito sa San Jorge. Wag naman sanang ganun."

 

 

"Hindi ko naisip yan, pero posible kaya? so pano Layu, satin nalang muna to?"

 

 

"Oo satin dalawa nalang muna dahil baka mataranta sila at iwan niyo kami bigla, siguraduhin muna natin dahil tingin ko talaga napaparanoid ka lang. Nag oover think ka kasi natatakot ka."

 

 

"Hindi ko kasi maiwasan tsaka seryoso ako, hindi pwedeng bumalik kahit isa sa mga lolo o lola nila. Hindi ako papayag na may mangyaring masama samin tsaka ayaw ko na mawala si Catalina. Hindi ko kaya."

 

 

"Basta wag ka muna magisip ng hindi maganda, pinapangunahan mo nanaman eh. Sige na, balikan mo na si Catalina dun sa kwarto mo. Pangako bukas na bukas pag uusapan natin kung ano yung pwede natin gawin."

 

 

"Oo sige, salamat Layu."

 

 

"Ingat ka." tumalon ako mula sa bintana ng kwarto ni Ryujin sabay teleport pabalik kay Catalina. Pag landing ko sa kama naabutan ko siya na nagbabasa at ang cute pa ng pwesto niya na nakataas pa yung paa sa pader ng kwarto ko. Sinalubong din ako ng napaka gandang ngiti niya.

 

 


"Hello Baba." bati ko bago ko siya hinalikan sa labi, nung makaayos ako sa pwesto, hinalikan ko din siya ng paulit ulit sa cheeks at sa nunal. "Ang cute tsaka ang ganda mo pero bakit ang pait mo?" pinunasan ko yung labi ko na nalagyan ng moisturizer. "Haha hindi ka dapat humalik sa pisngi ko kasi nag skincare na ako, ginamit ko yung nandito sa kwarto mo, halika dito Bubu." maingat niya akong hinawakan sa leeg para halikan ulit. "Namiss kagad kita." bulong ko bago ko siya pinalipat sa kandungan ko dahil gusto ko siyang yakapin. Mas inilapit ko sakin si Catalina para mahalikan at mayakap ko siya mabuti. "Baba saglit lang ako nawala pero bakit parang miss na miss na kita?"

 

 

"Ganun talaga Minjeongie, hindi mo na kayang malayo sa akin." pinalibot ko yung mga braso ko sa leeg niya at nagpatuloy lang ako sa paghalik kay Catalina. "Ah grabe ang bango mo."

 

 

"Eew!!!" natigil kami nung may nagsalita na nanggaling dito mismo sa loob ng kwarto. "Hala andito nga pala siya."

 

 

"Oo nga pala. Tama na muna Bubu, nawala sa isip ko."

 

 

"Lucila." nilapitan ko yung bata na nakaupo sa tapat ng computer table na mukang busy mag drawing. Nakalimutan ko na isinama nga pala namin si Lucila ngayon dito sa bahay.

 

 

"Anong ginagawa mo?" niyayakap at kinakarga ko siya habang sinisilip ko yung papel na dndrawingan niya. "Drnawing ko yung mansyon, ako ito, at tayong lahat." tinuro niya yung sarili niya sa drawing, napangiti ako dahil kita ko kagad yung kulot niyang buhok pati yung dress niya na kulay puti. "Ang cute mo kahit sa drawing mo, hahaha."

 

 

"At ikaw naman to Minjeon."

 

 

"Ako yan? Hawak ko yung kamay mo?"

 

 

"Oo."

 

 

"Ba tignan mo tong drawing niya ang cute! Lucila alam mo ang galing mo. Ang linis nitong gawa mo tsaka medyo kuha mo yung itsura natin." iniisa isa ko yung mga drawing ng babae na nakatayo sa labas ng mansyon."Tayong lahat ba to?"tanong ko habang tinitignan ko isa isa.

 

 

"Oo." binilang ko yung mga nakaitim. Dun sa drawing napansin ko na hawak namin ni Catalina si Lucila at napagitnaan namin lahat si Imperia.

 

 

"Ako, ikaw, si Catalina, si Imperia, doc Yeji, Gisele, Sorin. Lucila mukang sumobra ng isa, si Layu ba yan yung nasa dulo? bakit ang haba ng buhok, o si Gigi yan?"

 


"Dnrawing ko kung sino ang mga nakatira sa mansyon."

 


"Sobra ng isa, teka sino yan nakaitim sa gilid na katabi ni Sorin?"

 


"Bu uuwi na ba tayo? anong oras na kaya dito na ako nag wash up para diretso tulog na mamaya. Ikaw ba?"

 

 

"Ah dun nalang ako sa mansyon. Tara sige uwi na tayo, tapos na din akong makipag kwentuhan kay Ryujin. Halika na, pero check mo yung mga gamit baka may maiwan ka. Yung charger tsaka phone mo."

 


"Okay. Parang inaantok na din kasi ako."

 

 

"Ganun ba, o sige, uuwi na tayo. Lucila halika." kinarga ko na ulit yung bata at inayos na ni Catalina yung mga gamit niya. "Ba, paalam lang tayo kay ate Taeyeon andun siya sa kwarto niya."

 

 

"Sige." pagkatapos niyang mag ayos sa kwarto at patayin yung ilaw, pinauna ko nang lumabas si Catalina at sumunod ako sakanya habang buhat ko si Lucila. "Okay ka na Bubu, wala ka bang kailangan kunin dito?"

 

 

"Parang wala naman. Tara paalam lang tayo kay ate." 

 

 

 

 

 

October 26 Apat na Araw Bago ang Halloween Party

 


Miyerkules 5:30am sa Mansión de los Condenar

 


Kanina pa ako may tinitignan dito sa loob ng kabaong dahil gusto kong magpaalam. Sa sobrang dami namin unan hindi ko tuloy makita si Catalina dahil natatabunan na siya, "Baba?" inaalog ko ng mahina yung balikat niya para magpapaalam ako. "Catalina" hinawi ko yung mga unan at comforter hanggang sa nakita ko na yung muka niya. Napaka himbing ng tulog niya kaya sigurado mamaya pa to gigising. "O sige matulog ka pa, wala ka naman pupuntahan ngayon." Inayos ko yung buhok na nakatakip sa muka niya at hinalikan ko sa labi. "Papasok na ako, magkita nalang tayo mamaya."

 

 

"Hmm?" tanging mahinang ungol lang ang narinig ko mula kay Catalina. "Haha sige na, matulog ka lang mamaya ka na gumising. Andito na ako bago mag alas tres." hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at hinalikan ko ulit ng ilan beses. "I love you. Hintayin mo ako." inayos ko yung mga unan at kinumutan ko siya bago ko ulit isara yung takip ng kabaong.

 

 

Bago ako umalis, tinignan ko muna yung anak ko na nakahiga sa kama katapat lang ng ataul namin, parehas kay Catalina ang sarap din ng tulog niya."Sharpay, bbye" humiga ako sa tabi niya at kinamot ko yung tiyan. Ang laki na talaga niya kaya hindi na siya kayang buhatin ng normal na tao, hanggang hug at kamot sa tiyan nalang ang nagagawa sakanya pero dahil vampira na ako, kayang kaya ko pa din siyang kargahin kahit isang kamay lang ang gamit. Naabot na kasi niya yung maximum weight and size ng mini pig kaya sobrang bigat na.

 

 

"Mag behave ka ha wag ka makikipag away kay Matilda, baka mahiwa at mapunit yung tenga niyo." tumihaya siya nung mas nilakasan ko pa yung pagkamot sa tiyan. "Nakikinig ka ba? wag mong papatulan yung kapatid mo kahit may pagka maldita siya. Makikinig ka din sa mama mo, kay Catalina. Tsaka kay Lucila pag pinagbabawalan ka niya. Sinasabi ko na wag kang makulit Sharpay, hindi ka pwedeng umabot sa gate at baka makalabas ka." nung umayos siya sa pagkakahiga kinuha ko yung blanket at kinumutan ko. "Bbye see you later." kniss ko siya sa noo at nagteleport na ako pababa.

 

 

Napaka tahimik dito sa unang palapag kaya bago ako tumuloy palabas pinakiramdaman ko kung may gising na ba kila Imperia. Nung dinikit ko yung tenga ko sa pader  kahit isang kaluskos, wala akong naririnig. Tinignan ko muna kung naka lock yung mga pinto sa likod bahay pati na din yung mga bintana. Ganito na yung nakasanayan ko at madalas kong ginagawa ito kapag aalis ako ng maaga at iiwan ko sila. Nagiging maingat lang ako dahil may iilan ilan tao na ang nakapasok dito sa property namin. Yung mga kasama ni Mang Dante gumawa ng tree house pati na din yung ibang nag aayos ng bubong pati yung nag renovate ng mga kwarto sa taas. Tama lang na hindi kami basta basta dapat magtiwala kung kanikanino para iwas kapahamakan.

 

 

 

 

Pagkatapos kong kunin yung susi ng kotse at yung lalagyan ng tubig sa ref dumiretso na ako palabas ng bahay. Magteteleport sana ako dahil umaambon ngayon umaga pero nagulat at natigil ako sa kinatatayuan ko nung may malamig na simoy ng hangin na sumalubong sakin. "Sino yan?" tanong ko bago ako bumalik sa hallway at sumilip sa sala, mag isa lang naman ako dahil wala naman tao tsaka tulog pa sila Gisele. Sigurado ako na hindi yun basta basta hangin lang dahil medyo malakas at ramdam ko yung paghampas ng lamig sa muka ko.

 

 

Madalian akong lumipat sa dining para tignan kung sino yung pumasok pero walang tao at wala din yung mga kaluluwa na minsang naglalakad dito. Inikot ko yung babang palapag ng mansyon para makasigurado pero wala akong narinig o naramdaman. Sigurado ako na parang may dumaan papasok nung binuksan ko yung pinto.

 

 

"Lucila ikaw ba yan?" hinahanap ko siya sa loob ng mansyon. "May kalaro ka ba? sinabihan ka na nila Imperia hindi ba. Hindi ka pwedeng magpapasok ng ibang kaluluwa dito lalo kapag gabi at umaga." sinilip ko ulit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko