Chapter XLII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Tatlong Linggo Matapos ang Nangyaring Away sa Tulay...

 

7:00am Huwebes

 

Sinaluhan kami ngayon umaga ni doctora Yeji, nag uusap kami dito sa hapag kainan habang umuubos sila ng blood bag at kinakain ko naman yung ice cold bloody slushy na ginawa para sa akin ni Catalina. Katulad nila nakakainom na din ako ng dugo at type O yung madalas nilang binibigay sakin. Totoo nga yung sinasabi nila dati. Masarap to kasi hindi malansa at hindi ganun katapang yung lasa, manamis namis at wala din after taste na nakakasuya.

 

 

Ang pinaka paborito ko ay yung kakakuha lang na ice slushy sa freezer na nabudburan ng konting asukal. Gustong gusto ko din kapag may buo buong dugo akong nangunguya kasi para akong umiinom ng Mogu-Mogu na medyo may pagkakahawig din sa lasa ng cherry slurpee ng 7-eleven.

 

 

Nakakaubos na ako ng isang buong blood bag na 300cc basta type O ang laman, minsan kapag wala pang dumadating na O, type AB yung iniinom namin ni Catalina. Napatunayan ko din na di hamak na mas masarap at mas mabango ang dugo kapag nanggaling sa tao na walang sakit o kaya naman mula sa bata.

 

 

"Minjeong look at you slurping blood from that slushy maker, naka straw and spoon ka pa. Where did you even get this Nana?" tinuro ni doc Yeji yung kakaibang baso ko na kulay purple at may built-in slushy maker. Ito yung madalas kong pinagiinuman ng dugo dahil dito inihahanda ni Catalina yung para sakin. Sobrang okay gamitin to, mabilis pa lumamig at magyelo kahit pa iwanan lang saglit sa freezer.

 

 

"Binili ko sa mall ng ibang probinsya, hinanap ko pa yan para lang makainom na siya ng dugo. Mabuti nalang nagustuhan niya ang type O."

 

 

Nagteleport ako papunta sa katapat na upuan at inakbayan ko si Catalina."The best talaga yung type O." banggit ko sakanya. Pagka akbay ko sa balikat niya nilabas ko yung dila ko na may dugo para ipapakita ko sakanya. Ginaya din niya yung ginawa ko at pinakita niya sakin yung kanya. "Hahahaha ang cute mo, red din yung dila mo."

 

 

"Yesenia, paborito na talaga niya."

 

 

"Yes apparently."

 

 

"Oh,"

 

 

"Kiss mark! hahahahahaha" dinikit ko yung labi ko sa nagyelong dugo sa baso bago ko hinalikan si Catalina. Mukang nagulat siya sa biglang pagdampi ng napaka lamig na labi ko sa kaliwang pisngi niya.

 

 

"Isa pa, sa right cheek naman." binasa ko ulit yung labi ko ng dugo bago ko idiniin sa kabilang pisngi niya. "Hahaha ayan pantay na!" tinignan ko yung muka ni Catalina, meron siyang marka ng lips ko sa magakabilang pisngi kaya ang cute niya.

 

 

"Grabe ang cute mo talaga tsaka ang ganda mo sobra."

 

 

"Awww ang sweet ng Minjeongie." sumandal siya sakin kaya hinaplos ko yung muka niya."Okay ito pa," kiniskis ko ulit yung labi ko sa iniinom kong dugo sabay diniin ko naman ngayon sa noo ni Catalina. "Ayan! Kiss mark ulit! May lips ka na sa noo Catalina. Hahahaha bagay sayo."dinampi ko nanaman ng isa pang beses at hinalikan ko naman siya ngayon sa ilong. "May dugo ka na sa ilong, sobrang cute mo."

 

 

"Hahahaha ang sweet sweet talaga ng Minjeongie. Halika nga dito." tumabi ako kay Catalina, hinalikan ko yung mga nasa pisngi niya sabay dinilaan ko naman yung iniwan kong kiss mark sa noo niya. "Malinis na, grabe ang sarap talaga nito."sumaglit ako sa kusina para kumuha ng kitchen towel. Maingat kong pinupunasan yung muka ni Catalina na pinaghahalikan ko.

 

 

"What the hell is wrong with you, did the two of you forget that I'm here? you're starting to make me uncomfortable, you got blood on your entire face. I am sorry to say this Nana, but you are both weird as ."

 

 

"Yesenia ganyan talaga ang nagagawa kapag higit pa sa pagmamahal ang meron kayo, hindi mo pa maiintindihan sa ngayon kaya hayaan mo na kami."

 

 

"Then I'd rather die alone 'cause it's disgusting. I've never thought that I'd witness you going through this phase Nana, it's weird."

 

 

"Yesenia wala naman kaming ginagawang masama ni Minjeong, ineenjoy lang namin na magksama kami at sinusulit namin itong type O."tumapat ako sa tenga ni Catalina habang inaakbayan ko siya. "Type O the best talaga, type O is the best and I am not even kidding Nana! Nana Catalina."

 

 

"Minjeong are you mocking me?"mukang seryoso yung tono ng pananalita niya."Ha? hindi doc Yeji. Kaninong dugo ba kasi to bakit ang sarap masyado?" hinahalo ko mabuti yung ice blood slushy,. Nasa kalahati na ako kaya tinitipid ko na. "Kaninong dugo to? Catalina tignan mo, para akong kumakain ng halo-halo. Lagyan ko kaya ng saging tsaka gulaman to?"

 

 

"She even said type O is the best. How old are you again?"tanong sakin ni doc Yeji habang pinapanood niya ako na kinukutsara at dinudurog ko itong nagyelong dugo sa baso ko. "Twenty whatever you want it to be."sagot ko ng hindi tumitingin sakanya. "You are such an sometimes. Hindi ka makausap ng maayos, buti natatagalan niyo yung isa't isa."

 

 

"Siyempre naman noh, si Catalina kaya to." hinaplos ko yung muka niya at hinalikan niya yung kamay ko.

 

 

"Minjeongie sandali lang. Halika dito." umabante ako papunta kay Catalina nung hinigit niya ako ng mahina."Yes?"hinawakan niya ako sa leeg sabay hatak ulit sakin ng dahan dahan."Wag kang gumalaw."

 

 

"Oh. okay." natameme at hindi ako nakapalag."Meron pa ba?"nahihiyang tanong ko bago ako umayos ng upo. "Wala na." napapunas ako ng bibig pagkatapos nung ginawa niya sakin.

 

 

"Are the two of you aware that there's a thing called table napkin and tissue? It's there lang oh, in the kitchen nook. Gumamit kayo ng tissue so you won't have to each others' mouth in front of me. Oh my god have some decency naman Nana, we're drinking."

 

 

"Hahahaha sorry doc Yeji, sobrang maalaga kasi si Catalina. Napaka hands on niya sa akin kaya wala akong masabi."

 

 

"Yes and I can see that, not just her hands are on, even ."

 

 

"Haha ginawa mo naman literal." medyo nahiya ako kay doc Yeji kasi napanood niya kung pano dinilaan ni Catalina yung dugo sa gilid ng labi ko.

 

 

"Ayaw ko lang naman na masayang kasi paborito ko talaga ang type O." natawa ako nung marinig ko yung sagot niya. Naramdaman ko din na humawak siya sa bewang ko at hinahatak niya ako palapit sakanya. Pasimpleng umaakyat yung kamay ni Catalina at hinahaplos niya yung tagiliran ko kaya pinipigilan ko siya."Anong kinakapa mo? Walang type O dyan."biro ko.

 

 

"It's good to know na kahit pano nasasanay ka na with this new lifestyle Minjeong. You are adjusting pretty well I must say. I want to ask you though, kamusta ka?"

 

 

"Panong kamusta?"

 

 

"Kamusta ka, over all."

 

 

"Okay na okay, nasasanay na ako sa senses na napaka sensitive. Nakatulong yung ear plugs kaya hindi ko na masyadong rinig lahat. Pero gusto ko sana na mabago yung oras ng pagtulog ko tsaka nahihirapan pa din ako sa liwanag, ang sakit sa mata lalo kapag tanghali, ang hapdi. Pano ba kayo nag adjust?"

 

 

"Sinanay namin yung sarili namin na sumabay sa oras ng pagtulog ng mga tao."

 

 

"Dapat kong masubukan, gusto ko kasi talagang bumalik sa farm para mag trabaho."

 

 

"Do you plan to tell your sisters anytime soon?"

 

 

Napatigil ako sa pag sipsip sa kutsara. Katulad ng pag darasal ni Imperia pinagpapaliban ko din yung pag amin ko kila ate Taeyeon. Napaka imposible kasi ng gusto nilang mangyari na sasabihin ko sa mga kapatid ko na hindi milagro ang nangyaring pagkabuhay ko, kung hindi nasalinan ako ng dugo ng vampira.

 

 

Sadyang hindi ko nalang pinansin yung tanong niya. "Hindi ka pwedeng habang buhay umiwas, kailangan nilang malaman kung gusto mong bumalik sa buhay na kinasanayan mo. You need to tell them everything. Kakausapin din natin bukas si Nana Imperia, hindi ka na pwedeng umatras, kailangan mo na nung dasal. Baka magulat kami kapag bigla ka nalang manghina at mamatay."

 

 

"Iniisip ko palang natatakot na ako eh. Kasi tignan mo, yung parehong side pano kung hindi pumayag? pag nagalit si Imperia edi patay ako, kapag nagalit naman si ate Taeyeon baka utusan niya pa yung mga tauhan niya na saktan kayo. Jusko, mukang dito sa San Jorge magsisimula yung World War III pag nagkataon."

 

 

"Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng galit mula kay mayora. So I highly doubt that."

 

 

"Bakit ba hindi kayo kinakabahan sa pwedeng mangyari?"

 

 

"Dahil yung pamilya mo yung isa sa pinaka mababait na tao na nakilala namin. Minjeong, I'm curious. Sagutin mo sana itong mga tanong ko, gusto kong malaman ang naiisip mo."

 

 

"Okay ano ba yun? wait lang. Tapos na ba kayo dito?" nung tumango sila kinuha ko na yung mga blood bag na pinaginuman nila at itatapon ko na sa dirty kitchen sa labas. Naturuan na ako ni doc Yeji ng tamang paraan ng pag dispose nito para hindi aalingasaw yung amoy na nabubulok.

 

 

"Catalina asan na yung candy ko?!"tanong ko habang tinitignan ko yung laman ng ref."Andyan lang sa pinto."

 

 

"Okay, nakita ko na. Thank you." kinuha ko yung lollipop ko na pinalamig niya. Madalas akong kumain ng candy pagtapos uminom ng dugo para mawala yung lasa na naiiwan sa bibig ko.

 

 

Bago ako bumalik sa hapag, kumuha na din ako ng tubig para sakanilang dalawa.

 

 

Pag upo ko sa tabi ni Catalina, nagpatuloy na din si doc Yeji sa mga tinatanong niya sakin. Ganito yung paraan ng pagkwentuhan namin, para akong nasa therapy session kaya nakakagaan at ang sarap sa pakiramdam pagkatapos.

 

 

"I want to ask about how you really feel with people."

 

 

"People?" biglang nawala saglit si doc Yeji, pagbalik niya meron na siyang dalang wine at tatlong baso. "Iinom ba tayo? bakit wine?"pinapanood ko siya na nilalagyan yung baso ni Catalina.

 

 

"Ano ba ang iniinom mo dati Minjeong?"

 

 

"Happy horse yung favorite ni Layu tapos hinahaluan niya ng gin tsaka ng dalawang mentos yung candy."

 

 

"Yuck."

 

 

"Ay wow, hiyang hiya naman ako. Maka yuck ka doc Yeji parang di ka umiinom ng type A kanina ah. Ikaw nga yung ngipin mo may nakasabit eh! May tinga ka, ayan o sa gitna may namuong dugo. Catalina dba meron?"kinuha ni doc Yeji yung phone niya, sigurado masasakal ako nito dahil wala naman talaga siyang tinga at pinagttripan ko lang siya.

 

 

"Can you check Nana. Wala naman akong makita Minjeong." humarap siya kay Catalina at tinitignan nila pareho yung ngipin niya. "Meron! Sino kaya yan nakasabit sa ngipin mo? na-background check mo ba yan? Anong gender?" napaatras ako nung lumingon sila ng sabay at seryosong nakatitig sakin. "Okay peace! Wala ka naman palang tinga namalik mata lang ako." sinubo ko na yung lollipop at hindi na ako humirit pa. Tangina nakakatawa nung tumingin sila ng sabay, ang cute nila ni Catalina, ngayon ko lang na-realize na muka pala silang dragon.

 

 

"Answer my questions Minjeong, don't try to annoy me."

 

 

"Okay po ma'am. Sige ilatag mo na mga tanong mo sasagutin ko lahat yan."

 

 

"Let's go to the living room." sa isang iglap magkatabi na kami ni Catalina at nasa kabilang sofa naman si doc Yeji. Dala pa din niya yung bote ng wine at iinom pa din sila.

 

 

"Pwede ba ako dito sa sahig?"

 

 

"Yeah." kinalabit ko yung tuhod ni Catalina, nagets niya kagad dahil pinapwesto niya ako sa gitna ng legs niya habang nakaupo ako sa sahig. Mukang aantukin nga lang ako dahil hinahaplos niya yung buhok ko.

 

 

"Doc Yeji ano na yung tanong mo, mag aalas nuwebe na ng umaga matutulog na kami."

 

 

"Okay it's like this. I'll give a person's name then you tell us what you feel and think about them."

 

 

"Sige sige."

 

 

"Okay first one,  Ryujin."

 

 

"Si Layu? Parehas kami na sobrang talino. Nammiss ko na siyang kasama."

 

 

"If Ryujin is dying what would you do?"

 

 

"Ha ano ba naman yan tanong na yan nakakagulat."

 

 

"Answer me."

 

 

"Siyempre issave ko siya kasi hindi pwedeng mawala si Layu, hindi ko kaya."

 

 

"Your ate Taeyeon."

 

 

"How do you see her now?"

 

 

"Ate ko. Kapatid ko siya. Napaka importante niya sakin tsaka mahal na mahal ko siya."

 

 

"What if someone betrays her, like in her field of work. Anong gagawin mo?"

 

 

"Uhm hindi ko alam. Ano ba dapat gawin kapag ganun, o ano ba yung dapat niyang gawin?"

 

 

"I don't know, kung ikaw ba ano ang gagawin mo? What do you think is the right thing to do?"

 

 

"Ito opinyon ko lang naman to. Hindi na dapat binubuhay yung mga taong traydor. Kapag may gumawa nun kay ate, hahanapin ko kagad kung sino man yun at ibibitin ko siya ng patiwarik sa plaza sa bayan hanggang sa maglaho yung itim sa mata niya."

 

 

"Your twin sister. Anong nararamdaman mo kapag nakikita mo siya?"

 

 

"Parehas ng kay ate, mahal ko talaga yung kakambal ko. Natutuwa ako kapag nakikita ko kung gano sila kasaya na hindi ako namatay. Yun lang ang gusto ko para sa mga kapatid ko, maging ligtas at kuntento sila."

 

 

"Pano kung may taong nanakit kay Chantal, how are you gonna take it?"

 

 

"Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin kapag may nangyaring hindi maganda sakanila ni ate. Pero tingin ko naman kayang kaya na ni Cheche ihandle yun. Alam din niya kung ano ang mali at tama."

 

 

"Just what if. Someone hurts her, be it emotionally or physically."

 

 

"Edi subukan lang nila. Para mapanood nila kung pano ko laslasin lahat ng pulso na meron sila sa katawan. Yung mga mananakit sa kapatid ko, hindi ko titigilan yun mga yun hangga't hindi ko na-ddrain yung dugo nila."

 

 

"The old Minjeong would've answered the same but this version of you is more alarming."

 

 

"Anong ibig mong sabihin?" napalingon ako kay Catalina na nakaupo dito sa likod ko, gusto kong iklaro yung komento ni doc Yeji. "Anong sabi niya Catalina? May mali ba sa sagot ko?"

 

 

"Wala." tinapik niya yung muka ko at sumandal na ulit ako sakanya. "There's no right and wrong." pagpapatuloy niya. "I appreciate na sumasagot at nakikisama ka. Hindi ka din tumatanggi at nagagalit."

 

 

"Bakit naman ako magagalit? Dapat nga magpasalamat ako kasi tinutulungan niyo ako."

 

 

"Compared to other hybrids kalmado ka naman but still, you get wild and you snap like a lunatic."

 

 

"Teka, ano?"

 

 

"Nakwento sa akin ni Nana yung nangyari sainyo sa tulay. Don't worry kasi we'll eventually understand why you lose your temper."

 

 

"Sinabi mo pala sakanya Catalina, nilaglag mo ako?"nagulat ako sa nabanggit ni doc Yeji, nakiusap pa naman ako na hindi to dapat makarating sakanya dahil baka magalit siya sakin.

 

 

"Kailangan malaman lahat lahat ni Yesenia, pasensya ka na. Dapat kasing ma-obserbahan ang mga kilos mo."

 

 

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari, hindi ko lang talaga kayang palampasin na may bumabastos kay Catalina."paliwanag ko. Iniiwasan ko talaga na magalit si doc Yeji dahil baka lalo niya akong hindi payagan umuwi sa bahay namin.

 

 

"It's done, just don't do it again. Huli na sana yun Minjeong dahil pwede nila tayong gantihan, ayaw namin ng gulo."

 

 

"Sinong gaganti? o sige edi subukan nila. Hihintayin ko sila dito sa San Jorge kahit buong angkan pa sila na sumugod satin. Isa isa kong bubutasin sa pamamagitan ng kutos yung mga bumbunan nila!"

 

 

"Oh my god are you serious, kakasabi ko lang dba?! Nana do you notice how you frighteningly mirror each other? parehong pareho na kayo ni Minjeong na mainitin ang ulo at napaka war freak. You are seriously becoming one, even with the way you talk."

 

 

"Hindi naman ako ganyan Yesenia. Inaamin ko mainitin minsan ang ulo ko, pero hindi ako nananakit."parang nagpanting yung tenga ko sa narinig ko kaya nilingon ko siya at nagkatinginan kami. "Seryoso ka dyan?" ngumiti pa talaga siya sakin pero hindi niya binabawi yung sinabi niya.

 

 

"Anong hindi ka ganyan? ang kapal mo naman." iritang sabi ko. Nag iwas ng tingin si Catalina pero kita ko na natatawa siya habang pilit kong sinisilip yung muka niya."Seryoso ka ba sa sinasabi mo Catalina?"

 

 

"Hindi ako basta basta nanggugulpi ng tao at ng ibang nilalang Minjeong."

 

 

"Ay wow naman! hala yung ilong mo humahaba! ang kapal mo. Hindi ka nanggugulpi? ano yung sa daing, anong tawag dun sa ginawa mo dun sa barko? tsaka nung binabalibag mo ako dati? ibang style ng kalabit ba yun?"

 

 

"Manahimik ka nga Minjeong. Totoo naman na hindi talaga ako na-" shnoot ko sa bibig niya yung lollipop na kinakain ko at lumuhod ako sa harap niya. Tumawa siya dahil sakto pa sa pagbukas ng bibig niya. "Hahahaha magsasalita pa dapat ako, pero pinasok mo yan sa bibig ko."

 

 

"Kasi alam ko na gusto mo din tikman yung kinakain ko." bumaba at tinapat niya yung muka niya sakin. Medyo nagulat ako nung binalik niya sa bibig ko yung lollipop sabay dinilaan ako sa labi. "Dito ka nga."aya niya. Umayos ako sa pagkakaluhod sa harap niya. Humawak siya sa leeg ko at mas tinapat niya pa yung muka ko sakanya. "Sandali lang to Minjeong." patuloy lang siya sa paghalik sakin habang tinitikman niya yung candy na nakapasok sa bibig ko.

 

 

"Goddamnit tigilan niyo nga yan!" para akong nanigas sa pwesto ko nung biglang sumigaw si doc Yeji. "Ha?!"

 

 

"I know that having this raging libido is part of being each others' staker but please lang. Parang awa niyo na pigilan niyo naman yung sarili niyo kapag may ibang tao."

 

 

"Pinatikim niya lang sa akin yung lollipop Yesenia."

 

 

"Grabe noh Catalina, ang sarap." mahinang sambit ko.

 

 

"Bakit kayo ganyan ka-weirdo?! Nakakatakot na, you make me so uncomfortable."

 

 

"Tinikman ko lang naman yung kinakain niya."

 

 

"When I see how you are mas kinakabahan talaga ako, we're gonna face Nana Imperia tomorrow tapos ganito kayo? I am begging you umayos kayo please lang. Do not argue in front of her, stop kissing, stop and stop being all over each other! I don't wanna die. Madami pa akong projects and charities na uumpisahan."

 

 

"Support ko yan charity mo doc Yeji."

 

 

"Hindi ako nakikipag biruan sayo Minjeong. Umayos kayong dalawa. Satin tatlo ako yung pwedeng mamatay. You got each other kaya hindi niya kayo pwedeng patayin pero pano naman ako?"

 

 

"Yesenia, walang mangyayaring masama bukas. Wag kang mag alala."

 

 

"Wag mag alala pero tignan niyo yung ginagawa niyo stop touching each other I'm serious. Alam ko na nangayayari to and ganito kayo ka-intense because stakers develop strong lust towards each other pero pigilan niyo naman! Nana maghiwalay nga muna kayo. Minjeong dito ka umupo, lumayo ka dyan kay Nana. Kanina pa kayo nag mmake out sa harap ko, you are seriously starting to piss me off."

 

 

"Sorry doc Yeji. Hindi na. Wag ka kasing magulo Catalina, ang likot masyado ng kamay tsaka dila mo eh." tumayo na ako para aakyat na ako sa kwarto. "Una na nga ako sa taas."

 

 

"Hey where are you going?" tinuro ko yung hagdan paakyat. "I am not yet done with you. There's one more."

 

 

"Hindi ka pa tapos sa tanong mo?" umiling siya bago naglagay ng wine sa baso. "I wanna know what you really feel about a certain person."

 

 

"Sige. Tungkol kanino ba?"

 

 

"Tell me something about Minju." napatigil ako nung marinig ko yung binanggit niyang pangalan, naramdaman ko din na biglang parang may bumara sa lalamunan ko. "Yan yung itatanong mo?"

 

 

"Oo."

 

 

"Ah, sige. Ano ba ang gusto mo malaman tungkol kay Minju?"

 

 

"I wanna know what you think of her."

 

 

"Okay."

 

 

....

 

 

"Minjeong," kinalabit ako ni Catalina kaya nagising yung diwa ko. Napaisip ako kasi parang kailan lang andun ako sa condo at napaka saya ng buhay namin ni Minju.

 

 

"Sorry. Ah yung tungkol kay Minju. Pano ko ba ieexplain, kahit pa ibang uri na ako, iba na yung buhay at pakiramdam ko ngayon. Kahit kailan hindi mawawala yung respeto, pagmamahal tsaka yung concern na meron ako para sakanya. Hinding hindi ko siya makakalimutan lalo yung pinagsamahan namin. Isa lang yung hiling ko. Sana masaya siya kung nasaan man siya at hindi siya nahihirapan. Sana napunta siya sa lugar na walang mananakit sakanya kasi hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun yung kinahinatnan niya. Napaka buti niyang tao para masayang lang ng ganun ang buhay niya. Tsaka ewan ko ba, sa sobrang bilis ng nangyari sa amin, sakanya tsaka sa akin pakiramdam ko na para tuloy may nawawala. May kulang in the sense na meron nabura sa akin. Hindi ako makaramdam ng lungkot at sama ng loob pero parang may iba. Hindi ko lang masabi kung ano mismo yun."

 

 

"What do you mean?"

 

 

"Wag niyo na itanong kasi mahirap iexplain."

 

 

"Subukan mo lang." bulong sakin ni Catalina.

 

 

"Is this coming from your subconscious?"

 

 

"Oo posible. Kaya siguro hirap akong iexplain kasi katulad ngayon hindi ko ma-figure out kung ano yun."

 

 

"Can you expound?"

 

 

"Okay sige ganito nalang, makukumpara ko sa isang puzzle. Yung puzzle ang nag ssymbolize ng contentment tsaka kaligayahan na meron ako ngayon. Pero kahit pa kumpleto yung puzzle, may isang parte dun na bungi at tinapalan nalang, kaya naayos na. Pwedeng sabihin na, gumupit ng ibang papel na ipinasak para lang makumpleto yung kabuuan. Gets niyo ba?"

 

 

Pinalipat ako ni Catalina sa tabi niya at hinawakan niya yung kamay ko."Alam ko na ang labo pero nakuha niyo ba?"ulit na tanong ko.

 

 

Yung reaksyon na nakukuha ko sakanila ngayon, muka naman naintindihan nila pero ang awkward dahil parang may gusto atang sabihin at mukang nagaalangan sila.

 

 

"Minjeong." naputol ang katahimikan ng magsalita na ulit si doc Yeji. "I don't want you think that I am being nosy but, okay lang ba if I ask about what really happened to Minju?"

 

 

"Alin dun?"

 

 

"Tungkol sa nangyari sakanya tsaka kung paano ka pagkatapos. Kung okay lang sayo pero kung hindi ka komportable hindi mo naman kailangan sabihin sa amin. Have you talked to Nana about this?"

 

 

"Wala pa akong nakausap tungkol sa nangyari sakanya kahit minsan."

 

 

"Forget it. Forget that I asked, wag na natin pag usapan kasi baka makasama pa sayo."

 

 

"Dadating din siguro ako sa punto na pwede ko nang balikan yung nangyari at kaya ko nang ikwento. Sobrang tragic kasi kaya ayaw ko nang alalahanin. Mas gusto ko nalang maalala yung magagandang memories tungkol sakanya."

 

 

"I understand, it takes time. You do not have to rush things."

 

 

"Okay. Ah doc Yeji, okay lang ba kung aakyat na ako? Medyo inaantok na ako eh."

 

 

"Yeah sure, kailangan mo magpahinga. Pupunta na tayo sa mansyon bukas, gusto ko na ihanda mo ang sarili mo."

 

 

"Ano palang ieexpect ko dun sa dasal, ano ba yung mangyayari. Ano ba yung gagawin ni Imperia?"

 

 

"During the prayer you might feel things. According to Gisele, it's more of a release from your past life. Alam ko naman na kakayanin mo yun. Pag tinanong ka niya sagutin mo lang ng kung ano ang totoo."

 

 

"Parang natakot at kinabahan naman ako lalo."

 

 

"No, hindi ka na dapat natatakot. You are one of us now."

 

 

"Maraming salamat talaga doc Yeji, sa lahat lahat ng ginagawa mo para sa akin tsaka sa amin ni Catalina."

 

 

"It's okay. Don't mention it."

 

 

"Okay sige, una na kaming umakyat. Catalina, halika na matulog na tayo." hinatak ko na patayo si Catalina at pinapwesto ko siya sa likod ko. Ipapansan ko siya kasi magteteleport na kami papasok sa kwarto.

 

 

"Wait a minute, you have your own rooms. Pero tabi kayo matulog?!"nagkatinginan kaming tatlo. Puta nawala sa isip ko at nadulas ako na hindi niya nga pala alam na lumilipat si Catalina dun sa kwarto ko.

 

 

"Good morning na doc Yeji sleep tight bye!" hindi ko na hinintay yung sagot niya at iniwan na namin siya sa sala.

 

 

"Hahahahaha magagalit ba siya Catalina?"

 

 

"Hahahaha, oo lagot tayo kay Yesenia pag gising nating mamayang gabi. Halika na nga Minjeongie, mag wash up at matulog na tayo."

 

 

"Okay" nung mag teteleport na ako bigla niya akong hinatak pabalik sa kama. "Bakit?"

 

 

"Ayan lang yung banyo ang lapit lapit. Maglakad ka naman."

 

 

"Ano ba yan ang kj mo naman. O sige na maglalakad na." nagulat ako nung bigla siyang sumampa sa likod ko."O akala ko maglakad tayo papasok sa banyo?"

 

 

"Oo nga pero ipasan mo pa din ako."

 

 

"Hahaha ano ba yan, sige na nga. Tara na."

 

 

 

 

 

6:00pm Sa Mansión de los Condenar

 

"Listen to me, here's the plan. Minjeong maiiwan ka muna dito sa loob ng sasakyan. Kaming dalawa ni Nana Catalina yung unang papasok at didiretso na kami kay Nana Imperia para kausapin siya. We're not gonna beat around the bush, sasabihin kagad namin that Nana found her staker at aamin kami na nagsalin kami sa tao without asking for her permission."

 

 

"Jusko bakit parang napaka dali lang sayo nitong nagaganap? takot na takot na nga ako oh. Mamaya lang magffrost bite na tong kamay ko sa sobrang lamig."

 

 

"Minjeongie, yan ang kabilin bilinan ko sayo. Wag mong ipapahalata kay Imperia na natatakot ka, ipakita mo na kayang kaya mo at malakas ka."

 

 

"Eh hindi nga ako malakas Catalina tsaka takot na takot ako. Pano kung patayin niya ako bigla?"

 

 

"You are her soulmate and her staker remember? kaya hindi ka pwedeng patayin ni Nana Imperia. Wag mo kasing kalimutan yan Minjeong."

 

 

"Bakit kasi iiwan niyo pa ako dito sa kotse, bakit ayaw niyo pa akong isama sa loob?"

 

 

"Pag isinama ka namin mararamdaman niya kagad yung presence mo. Maaamoy niya na meron bagong nasalinan. We have to be careful kasi baka bigla siyang magalit at magwala."

 

 

"Aaahh ano ba yan!" **napaka lakas na ngawa**

 

 

"Wag ka naman gumanito ngayon. Kung kailan ihaharap ka na namin kay Imperia dun ka pa nagsimulang umiyak. Tahan na Minjeongie hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sayo. Lakasan mo yung loob mo. Hindi ito yung oras para maduwag at magiiyak ka."

 

 

[sobbing] "Hindi ko kaya Catalina, natatakot talaga kasi ako sa kapatid mo!"

 

 

"Oh my gosh, not now! Pag naramdaman niya yung takot mo iisipin niya na mali kami ng nasalinan at nagdahilan lang si Nana para mabuhay ka niya. Paghihinalaan ni Nana Imperia na nagsisinungaling kayo at hindi kayo itinakda. Pwede niyang sabihin na may gusto lang kayo sa isa't isa."

 

 

"Natatakot ako sakanya."

 

 

**malakas na pag ngawa**

 

 

"Vampire na nga ako bakit kasi kailangan may dasal pa? Vampire naman talaga ako eh dba Catalina?" [sobbing]

 

 

"Oo nga pero kailangan mong madasalan. Hindi ka legit na vampira Minjeong kung wala yung dasal na yun. Ayaw namin na maging mababang uri ka."

 

 

"Parehas lang naman yun eh."

 

 

*Patuloy na paghikbi*

 

 

"We're already here. Wag ka naman mag tantrums ngayon, tapangan mo yung loob mo. Gawin mo para sa sarili mo at para kay Nana Catalina. Para to sa relasyon niyo, yun ang isipin mo."

 

 

"Baka kasi pag untugin niya tayo tsaka dukutin niya yung puso natin. Masakit yun Catalinaaaa." [sobbing]

 

 

"Oh god. We are in deep Nana."

 

 

"Hindi, sandali lang Yesenia magagawa natin to ngayon, hindi na natin pwedeng patagalin. Bigyan mo lang ako ng konting oras at kakalmahin ko lang si Minjeong."

 

 

"Okay, I'll be right here outside. Hintayin kita."

 

 

"Oo salamat."

 

 

Nagtakip ako ng muka nung makita ko nang lumabas ng sasakyan si doc Yeji, naibagsak pa talaga niya yung pagsara ng pinto kaya mas lalo akong kinabahan.

 

 

"Minjeong," isa isang inaalis ni Catalina yung mga kamay ko na nakatakip sa muka ko. "Minjeong makinig ka sakin."

 

 

"Sorry Catalina, napaka duwag ko."

 

 

"Hindi mo kailangan mag sorry. Naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo. Makinig ka sa sasabihin ko sayo," napatingin ako sakanya, kahit pa hindi siya magsalita ramdam ko na nag aalala siya sakin at gusto niyo na pumayag ako sa pakikipagusap kay Imperia para maging matiwasay na yung buhay namin.

 

 

"Kailangan talaga natin pagdaanan to para maging tahimik at maayos na ang lahat. Pag katapos nito, walang kahit sino man ang pwedeng manakit sayo. Ilan libong taon tayong magsasama at kahit kailan hinding hindi tayo maghihiwalay. Pinapangako ko sayo na hanggang kamatayan magkasama tayo." niyakap ko siya ng mahigpit nung ma-realize ko kung gano kabigat yung salitang binitawan niya. "Ito na talaga yung pinaka simula ng buhay natin Minjeong. Pagkatapos nito, ikaw na talaga ang nagmamay ari sa akin at ganun din ako sayo."

 

 

"Sigurado ka ba na walang mangyayaring masama pagkatapos nito Catalina?"

 

 

"Wala. Pipilitin ko na maintindihan ni Imperia kung bakit ko nagawang buhayin ka."

 

 

"Baka naman pati ikaw mawawala ka din?"

 

 

"Hindi mangyayari yun. Hindi na ulit ako malalayo sayo Minjeong, andito lang ako palagi."

 

 

"Mag ingat ka, kapag may ginawa sayo si Imperia tawagin mo ako. Hindi ko alam kung anong maiaambag ko pero basta tawagin mo ako kagad kapag nagkaproblema sa loob."

 

 

"Oo. Basta maghintay ka nalang muna dito."

 

 

"Catalina sandali lang, umaasa ako na lalabas ka ng buhay dyan sa mansyon na yan ha. Kapag may nangyari sayo tangina susunugin ko talaga ng buo yan pati lahat ng puno dito sa lote namin. Magkamatayan na wala akong pakialam."

 

 

"Hahaha wag kang mag isip ng ganyan, hindi tayo aabot sa ganun, wag kang mag alala."

 

 

"Sige, dito lang ako sa kotse hihintayin ko kayo ni doc Yeji."

 

 

"Okay, wag ka munang lalabas dito."

 

 

"Okay."

 

 

"Sige, hintayin mo lang ako. Bibilisan namin ni Yesenia ang pakikipag usap sakaniya." 

 

 

"Teka lang." nung pababa na siya ng kotse. Bigla ko siyang hinatak at niyakap ko ng mahigpit. "Lalabas ka ng buhay Catalina hindi pwedeng hindi."

 

 

"Oo naman pangako yan."

 

 

"Hihintayin kita." bumitaw na siya sakin at mukang susunod na kung nasaan si doc Yeji. "Ah Catalina sandali lang last na."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Ahh, ano, wala. Wag na nga. Sige na hihintayin nalang kita dito."

 

 

"Wag kang lalabas ha, wag matigas ang ulo mo. Seryoso ako Minjeong, malakas ang pang amoy niya."

 

 

"Oo."

 

 

"Sige na."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko