Chapter XLV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

5:00am Biyernes

 

Nakaupo ako dito sa balkonahe malapit sa kwarto namin ni Catalina, kanina pa ako gising dahil ganun ulit, naalimpungatan ako sa non-stop kalabit na gumigising sakin. Nagtulog tulugan ako para makita ko kung sino yung gumagawa nun, nung kikilitin nanaman ako sa ilong gamit yung balahibo ng pabo, pinilit ko na talagang hulihin yung kamay niya. Sino pa nga ba ang salarin, andun nanaman sa kwarto namin yung batang multo na ayaw akong tantanan. Nahawakan ko na yung kamay niya pero bigla siyang nawala. Kinausap ko siya ng maayos dahil gusto ko na magpakita siya sakin. Nagpaliwanag din ako sakanya na nagulat lang ako nung Miyerkules kaya napasigaw ako. Sinabi ko din na hindi ko naman siya sasaktan. Nung una nagmamatigas siya, ayaw niyang magpakita dahil papagalitan ko daw siya pero nung tumagal, nakuha ko na ang tiwala niya at tuluyan na siyang nagpakita. Kaya ngayon ito kami, nakatambay dito sa balkonahe at nakikinig ako sa mga kwento niya. Nakakaaliw tong batang to, dahil sakanya ang dami ko nalalaman tungkol sa history ng mansyon.

 

 

Siya ay si Lucila Suarez, katulad ng iba, kaluluwa na naligaw lang din dito. Siya ay tatlong taon gulang na may lahing Pilipino at Español, nakatira sila sa San Isidro, probinsya na halos tatlong oras ang biyahe mula sa San Jorge. Namatay sila ng buong pamilya niya nung 1929 dahil sa epedemya na typhoid fever. Nagustuhan daw niya dito sa mansyon dahil may hawig ito sa bahay nila. Nung tinatanong ko siya kung bakit hanggang ngayon andito pa din siya ang sagot niya lang sakin ay, wag daw akong makialam dahil yun ang gusto niya. Napansin ko na may pagka maldita itong bata na to sa paraan ng pangbabara niya sakin kanina pa. Para tuloy akong may kausap na maliit na version nila Catalina at Imperia.

 

 

Yung itsura niya, sa una lang nakakatakot dahil nakasuot ng puti at mahilig siyang sumulpot kung saan saan. Pero ngayon na kaharap ko na siya, masasabi ko na nanggaling sa maayos na pamilya itong batang to. Presentable tignan ang itsura niya. Ayos na ayos ang buhok na may pagka kulot at nakasuot din siya ng puting bestida na maganda.

 

 

"Bakit bihis na bihis ka, birthday mo ba o magsisimba kayo nung nagka typhoid ka?"

 

 

"Ito ang suot ko sa libingan ko."

 

 

"Oh, okay. Ilan taon ka nang nanunuluyan dito sa mansyon?" tanong ko dito sa kausap ko na nakaupo sa upuan katapat ng sakin. Posturang postura yung kilos niya pati yung pag upo niya.

 

 

"Matagal na pero hindi ko alam kailan."

 

 

"Kung namatay ka nung 1929 tapos three years old ka lang nun. Ibig sabihin 1926 ka pinanganak?"

 

 

"Malay ko, bakit hindi ka magbilang gamitin mo yan cell phone mo."

 

 

"Hahaha alam mo ang epal mo kausap kanina ka pa. Grabe kung 1926 ka, mas matanda ka pa pala sa lola ko. 1940 siya pinanganak eh."

 

 

"Ako ang mas matanda sa atin Kimanjon. Pwede mo akong lola."

 

 

"Anong lola ka dyan. Sandali nga, naiirita na ako kaka-Kimanjon mo eh nung isang araw ka pa. Kiminjeong yun, Ki-min-jeong. Ulitin mo."

 

 

"Kimanjon."

 

 

"Hindi, Ki-min-Jeong. Sabihin mo."

 

 

"Ayaw ko. Wag mo akong utusan dahil ako na ang iyong bagong lola." dinuduro duro niya pa ako bago niya ayusin yung bestida niya sabay cross legs kahit hindi naman umaabot yung paa niya sa sahig. "Hahahahahaha wag ka makulit." Para akong may kausap na matandang bulilit kaya natatawa ako.

 

 

"Hahaha binibiro lang naman kita. Ano ang iyong pangalan, Kimin?" bigla siyang natigilan at inaalala yung pangalan ko."Kiminjeong. Sabihin mo ng buo."

 

 

"Mahirap yun."

 

 

"O sige ganito Minjeong nalang."

 

 

"Minjeon."

 

 

"Pwede na nga yan. Bahala ka, bulol ka pa kasi eh. Sino nagaalaga sayo dito sa mansyon, asan na yung ibang kamag anak mo na yumao na din?"

 

 

"Nauna sila,pero ako ayaw ko pa."

 

 

"Nagpaiwan ka, pwede pala yun?"

 

 

"Gusto ko dito. Sila mamá ko umalis."

 

 

"Saan sila nagpunta?"

 

 

"Sa ilaw."

 

 

"Saan yun?"

 

 

"Yung pasukan ng paglakbay, pero ako ayaw ko pa. Gusto ko maglaro ng maglaro ng maglaro."

 

 

"Eh parang mas masaya dun kesa dito bakit ayaw mo pa?"

 

 

"Hindi pa ako tumatagal dito, kaya dito nalang ako sa mundo."

 

 

"Anong ginagawa mo dito, naglalaro ka lang lagi? o nakikipag usap ka din sa ibang mga kaluluwa dyan sa labas?"

 

 

"Wala akong makausap dito. Minsan kalaro ko yung mga naliligaw na hayup, manok, pusa, sumasama akong lumipad sa mga paruparo. Yung ibang kaluluwa mga hindi yun makausap ng maayos kasi lahat sila malungkot at puno ng galit sa kalooban. Karamihan hindi nila maintindihan kung bakit sila nandito at ayaw pa nila tanggapin na patay sila. Kaya nakita mo ba Minjeon? halos lahat sila pangit."

 

 

"Ano? Panget? hahahahahahahhaha. Jusko ka kausap. Wag ka nga magsalita ng ganyan, ang bata mo pa kung ano ano na sinasabi mo. Hayaan mo sila, dahil sigurado may kanya kanyang problema yung mga yun."

 

 

"Sinabi ng aking papá na masama ang magsinungaling. Nagsasabi ako ng totoo."

 

 

"Eh kahit na, hindi ka pwedeng mag comment ng ganyan. Masaya ka ba dito, sa mga ginagawa mo? ikaw nagsabi na mag isa ka lagi."

 

 

"Masayang masaya ako na napupuntahan ko lahat at kahit kailan pwede akong maglaro. Kapag namatay ka ng walang dinadalang mabigat na problema, masaya ka."

 

 

"Pero hindi ka pwedeng mag tagal dito habang buhay."

 

 

"Alam ko. Kailangan kong umalis pero ayaw ko, maiintindihan naman ako ni Ama, magkikita din kami. Hintayin niya nalang ako."

 

 

"Ama?"

 

 

"Oo, si Ama."

 

 

"Kung magsalita ka parang napaka entitled mo naman, nahiya naman si Jesus sayo, parang siya pa dapat yung mag adjust sa schedule ng pag akyat mo."

 

 

"Wala naman akong ginagawang masama, aalis din ako. Matagal pa."

 

 

"Ito sagutin mo tong tanong ko dahil mukang nakakaintindi ka naman at sobrang madaldal ka. Bakit mo ba ako laging ginigising sa madaling araw? bakit mahilig kang mangiliti ng ilong tsaka bakit ako yung lagi mong ginugulo, bakit hindi sila Gisele, ano ba nagawa ko sayo?"

 

 

"Kasi masusungit at nakakatakot ang mga vampira. Ikaw gusto kita makilala."

 

 

"Bakit? vampira din naman ako ha. Hindi ba halata?"

 

 

"Hindi. Sa tingin ko mabait ka kasi kinakausap mo ako."

 

 

"Gusto mo lang ng kausap nanggugulo ka pa sa natutulog, ano ba yan."

 

 

"Sinubukan ko lang kung magagalit ka, at dahil pinansin mo ako ngayon at hindi ka galit. Ikaw ang kalaro ko."

 

 

"Ay wow ha, ang bossy mo. Hindi ka manlang nagtanong kung gusto ko maging kalaro mo?" sumimangot bigla tong kausap ko at ang sama ng tingin sakin. "O ano yan, tinatakot mo ba ako?"

 

 

"Oo. Sinasamaan kita ng tingin." sumulpot pa siya sa harap ko at talagang todo simangot na mukang mangangagat na. "Makuha ka sa tingin Minjeon."

 

 

"Eh kung kotongan kaya kita? hindi ka nakakatakot muka kang baby. Yung height mo hindi ka pa umaabot sa bewang ko."

 

 

"Gusto lang naman kitang maging kaibigan. Hindi ka masungit."

 

 

"O sige, maglalaro tayo minsan pero tigil tigilan mo na kakagising sakin sa madaling araw. Ito pa, ito seryoso ako ha. Wag na wag kang papasok sa kwarto namin ni Catalina dahil baka kung ano pa makita mo. Wag kang papasok dun kahit anong mangyari."

 

 

"Oo."

 

 

"Tsaka pwede ba, ayusin mo yung salita mo. Technically mas matanda ka sakin alam ko yun, pero toddler ka pa din. Tsaka kakasabi mo lang sakin kanina na hindi ka umabot ng three years old. Two years and seven months ka palang nung namatay ka, para sakin baby pa yung ganun age. Kaya pag makikipag usap ka sakin pati kila Gisele, wag kang umasta na parang lola ka namin okay? Dapat mag po tsaka opo ka. Naiintindihan mo ba?"

 

 

"Opo Minjeon, opo señora Minjeon."

 

 

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Kung gusto mo na maglalaro tayo o papansinin kita umayos ka ng pakikipag usap. Maging magalang ka sa mas nakakatanda sayo. Pati yung mga kaluluwa dyan, wag mo silang pag tripan at lait laitin mamaya patulan ka ng mga yan."

 

 

"Opo madame Minjeon."

 

 

"Hay nako."

 

 

"Opo. Hindi na po."

 

 

"Halika sama ka nalang sakin sa baba, magluluto ako ng breakfast para kay Catalina. Mamaya lang magigising na yun."

 

 

"Si Catalina na laging nakahilata. Hindi manlang siya kumilos palaging ikaw ang taga pag luto tapos siya ang taga kain ng madami."

 

 

"Hahahaha hoy! Ikaw loko ka wag ka magsalita ng ganyan. Dapat lang na pagsilbihan ko si Catalina noh dahil siya yung pinaka importante sakin. Tsaka ganun din naman siya, inaalagaan niya ako mabuti. Wag mo siya pagsasalitaan ng ganyan, asawa ko na yun eh. Galangin mo siya kahit pa mainitin ang ulo niya. Ikaw mukang gets ko na kung bakit ka napipingot ni Imperia."

 

 

"Patawad po, hindi na po." 

 

 

"Umayos ka. Halika na, tulungan mo nalang ako."

 

 

 

 

8:00am

 

Danggit, tapa, tocino at sinangag na walang bawang yung niluto ko ngayon umaga. Bawang yung numero unong ingredient na ipinagbabawal dito sa Mansión de los Condenar. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun nalang ang takot ni Catalina sa bawang, nung pinasubukan nila sa akin dati ni doc Yeji na ipaamoy at ipahawak sakin yun halos umiyak ako sa sakit. Hindi ko talaga kinaya, iba yung hapdi at yung epekto niya sa balat na parang sinusunog. Maihahalintulad ito sa sariwang sugat na binuhusan ng isopropyl alcohol. Grabe yung sorry ko kay doc Yeji tsaka kay Catalina nung maalala ko yung mga ginawa namin sakanila dati ni Ryujin.

 

 

Napapabilis ang pagluluto ko kasi mahusay itong bago kong assisant. Lahat ng iutos ko inaabot niya sakin ng walang kahirap hirap dahil pasulpot sulpot at palipad lipad lang siya dito sa kusina. Pati nung pina-check ko kung gising na ba si Sharpay, sisiw lang sakanya dahil tumatagos siya sa kisame at sa mga pader. Nung inutusan ko siya na kunin yung tocino sa ref kanina, hindi na niya kailangan buksan yung pinto, nilusot lang niya yung ulo niya sabay kuha.

 

 

"Kumakain ka ba ng pagkain?"

 

 

"Hindi po ako nagugutom kahit minsan."

 

 

"Aww okay, gets ko. Pero nakakainom ka ba?"

 

 

'Hindi ko po kailangan uminom. Kaya ko lang humawak ng mga bagay pero hindi kailangan kumain."

 

 

"Ah okay sige. Pag ba multo na, nakakaamoy pa kayo?"

 

 

"Hindi na din po, pero ang mga tao. Pwede niyo kaming maamoy at maramdaman. Pwede kayong matakot."

 

 

"Minjeong!! Minjeong anong nangyari?!" halos mabitawan ko yung kawali na hawak ko nung biglang sumulpot si Catalina at sumisigaw siya. "Nagulat naman ako sayo, ano ba yun?"

 

 

"Napanaginipan ko na inaaway ka daw ng multo!"

 

 

"Ha?"

 

 

"Hindi ako pwedeng magkamali, hinahabol ka at ayaw kang tigilan."

 

 

"Catalina, wag kang sumigaw. Wala naman umaaway sa akin, hindi mo kailangan mag-alala."

 

 

"Pero ano nga Minjeong, meron nga ba, may nanakit ba sayo dito? ito ba yung nanggugulo sa pagtulog mo? sabihin mo sakin para magawan ko ng paraan. Hahanapin ko kung sino siya."

 

 

"Okay sige ganito, tutal ramdam mo yung emosyon ko at hindi ako pwedeng magtago sayo. Oo may kausap akong multo, kanina ko pa siya kakwentuhan pero hindi siya masama kaya wag ka nang mataranta."

 

 

"Nasaan? asan siya? Baka nautusan at sugo ng demonyo yun, wag kang magtitiwala."

 

 

"Hindi jusko ang liit liit lang nung kausap ko."

 

 

"Maliit? Teka sandali, ito ba yung batang nakasuot ng puting bestida?!"

 

 

"Oo. Nagising kasi ako kanina mga 5am, nagpunta ako sa balcony tapos ayun nakakwentuhan ko. Siya din yung nakita ko nung isang araw dito kaya nagulat ako."

 

 

"Anong itsura niya Minjeong?"

 

 

"Bakit mo tinatanong?"

 

 

"Sige na, sabihin mo."

 

 

"Naka dress ng white, medyo maiksi at kulot yung buhok, naka kwintas. Maayos yung itsura hindi nakakatakot."

 

 

"Parang alam ko na. Lagi namin nakikita yan, taga dito siya sa mansyon pero ligaw na kaluluwa din. Siya yung palaging naglalaro sa sala. Kapag may narinig ka na talbog ng bola siya yun. Sinaktan ka ba niya?"

 

 

"Harmless naman siya, nakikipagusap nga lang sakin eh."

 

 

"Oo pero makulit at pilya yan. Asaan siya, nakita mo ba?"

 

 

"Bakit? papagalitan mo? wag!"

 

 

"Gusto ko siyang makausap, malamang siya yung gumugulo sayo kapag natutulog ka."

 

 

"Oo pero lumabas na ata. Hayaan mo na yun."

 

 

"Lucila alam ko na andito ka at nakikinig ka sa usapan namin. Halika dito at magpakita ka. Gusto kitang makausap." hindi ko matantya kung nagagalit ba si Catalina. Seryoso siya ngayon at parang ang sungit niya dahil naputol yung tulog niya.

 

 

"Lucila wag mo akong galitin, lumabas ka!" bigla siyang sumigaw ng malakas kaya pati ako nagulat.

 

 

"Lucila, labas!!!"

 

 

"Catalina teka nga, wag ka naman sumigaw. Nagugulat ako sayo eh."

 

 

"Pinaghihintay mo ba ako Lucila?!"

 

 

"Catalina." nagpakita bigla yung bata at nakatago siya sa likod ko. "Patawad po." ramdam ko na humawak siya sa kamay ko, kaya parang kinilabutan ako. "Andito na siya." mahinang sabi ko, mukang kailangan kong kalmahin si Catalina dahil hindi maganda ang gising niya.

 

 

"Hoy ikaw bulilit na kutong lupa halika nga dito! Ginulat mo ba si Minjeongie, ikaw ba yung nanggigising sakanya tuwing madaling araw?!"

 

 

"Huy ano ba!" hahablutin dapat niya si Lucila pero umilag ako at naiiwas ko sakanya.

 

 

"Hindi ko po sinasadya patawarin mo po ako, makikipag kaibigan lang po ako kaya ko po ginising."

 

 

"Ibig sabihin ikaw lang yung nangangalabit sakanya nung mga nakaraang gabi at wala nang iba?"

 

 

"Opo."

 

 

"Bakit mo ginagawa yun? ano ang totoong pakay mo sa Minjeongie ko, sino ang demonyong naguutos sayo para kalabitin siya?! inuutusan ka ba, may nagkakagusto ba sakanya? sinabihan ka ba ng mga engkanto sa labas? "

 

 

"Wala po."

 

 

"Bakit mo siya ginigising?!"

 

 

"Nung unang gabi po, tinignan ko lang po kung sino ang bagong salta, hindi ko po alam na si Minjeon. Tinignan ko po kung mabait siya."

 

 

"At sino ka naman sa tingin mo para makialam sa mga nakatira dito? Gusto mong ibitin kita sa puno o itapon kita diretso sa impyerno?pumili ka!"

 

 

"Catalina huy ano ba yan kumalma ka nga." hinawakan ko yung braso niya at hinila ko siya palapit sakin. "Tama na yan."

 

 

"Posible kasi na napag utusan siya para guluhin ka Minjeong."

 

 

"Sino naman mag uutos sakanya eh lahat ng nilalang dito takot sayo."

 

 

"Hindi po ako kumakausap sa masasama Catalina."

 

 

"Kumalma ka naman. Ang bata nitong kausap mo wag mo siya takutin ng ganyan." hinawakan ko yung ulo nitong bata na nakatago sa likod ko. Nung naramdaman ko siya sobrang nakakamangha kasi kung normal na tao ako, napaka imposibleng makita at mahawakan ko siya ng ganito.

 

 

"Wag mo akong susubukan Lucila, hindi ako natatakot sayo. Hindi kita aatrasan at makikita mo ang hinahanap mo. Walang ibang nagmamay ari kay Minjeongie kung hindi ako lang!" pinalo ko siya sa braso nung narinig ko yung pinagsasabi niya. "Ano ba yan, umayos ka nga. Yung sinusugod mo ang liit liit, lagpas tuhod mo nga lang ata to. Wag kang magwala, baka marinig ka pa ng ate mo, malalagot tayo."

 

 

"Halika na nga dito." niyakap ko si Catalina dahil konti nalang mukang uusok na yung ilong niya sa galit. "Ayan namumula yung tenga mo, galit na galit ka. Hindi kasi maganda yung gising mo eh." nung tumingin siya sakin, nakasimangot at muka nanaman siyang bata na nagtotopak. "Umayos ka na Catalina tama na yan."

 

 

Napalingon ako dito sa nasa likod ko. "At ikaw naman, dito ka muna." Pinaghiwalay ko na sila dahil mainit ang ulo ni Catalina at mukang handa na siyang manakit.

 

 

"Upo ka lang dyan." Napansin ko na humihikbi na si Lucila habang kinakausap ko siya. "O bakit ka umiiyak?" tinapik ko yung ulo nya bago ko siya binuhat at pinaupo sa tabi ng lababo. Kahit pa kaluluwa na siya mukang nattrauma pa din siya sa inaasta ni Catalina. Kahit sino naman matatakot lalo kapag nagagalit siya ng ganito.

 

 

"Tahan na wag ka na umiyak, hindi ka naman niya sasaktan, panget lang yung gising niya."iniwan ko siya saglit at lumapit ako dun sa isa na nakasimangot.

 

 

Niyakap ko si Catalina pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi ng ilan beses. "Hindi mo manlang ako grneet ng good morning, dumating ka nalang dito na ang init ng ulo mo." Habang yakap ko siya hinahaplos ko yung likod niya at kinakalma ko. Hindi na bago to. Alam ko na patola talaga si Catalina kahit pa sa mga bata. Siya yung tipo na pati mga insekto susugurin at aawayin niya kapag mainit ang ulo niya. Medyo parehas kami na nawawala sa sarili kapag galit.

 

 

"Hindi niya sadya na guluhin ako," paliwanag ko. "Tsaka nagtataka siya kung bakit magkauri na tayo. Nakwento niya na nakikita daw niya kami dati nila Ryujin dito."

 

 

Habang nakatayo kami, sinigawan nanaman niya yung bata na nakaupo sa tabi ng lababo."Ang kulit naman awat na sabi."

 

 

"Umalis ka na dito bago pa kita ihagis palabas!" Jusko to si Catalina, malamang muka kaming tanga. Ang laki laki niya tapos yung inaaway niya parang 1/4 lang ng height niya. Todo awat at pagkalma naman ako sakanya.

 

 

"Kutong lupa seryoso ako, lumayas ka na dito. Pag hindi mo kami tinigilan titirisin kita hangga't mapipi ka na parang tansan!"

 

 

"Huy ano ba! Catalina para ka naman bata, awat na nga. Ikaw nalang yung salita ng salita pansin mo?" hinawakan ko yung balikat niya at pinilit ko siyang umupo. May oras talaga na lumalabas yung ganitong topak niya, para siyang bata na nagttantrums kapag galit. "Wag mo nang patulan wala naman siya ginagawang masama naghahanap lang ng kalaro."

 

 

"Pero ginugulo at pinipeste ka niya ng ilan araw na. Seryoso ako Lucila, minsan pa na guluhin mo si Minjeong, ako ang makakalaban mo!"

 

 

"Tumigil ka na nga, hindi na nga siya sumasagot o." nilingon ko yung bata na nakaupo sa lababo, nakayuko lang siya at nakahalukipkip yung mga braso. "Umalis ka na dito kung ayaw mong malagot samin ni Imperia."

 

 

"Catalina teka, pwede ba wag mo na siya paalisin?"

 

 

"At bakit?!"

 

 

"Dito nalang muna siya sa mansyon."

 

 

"Gusto mo na dito siya kahit pa paulit ulit ka niyang ginugulo?"

 

 

"Oo nangako naman na siya na hindi na niya uulitin, wag mo na paalisin."

 

 

"Sigurado ka, bakit nagbago ang pananaw mo Minjeong akala ko ba humanda sayo yung multo kapag nakita mo?"

 

 

"Wala lang, nakakatuwa siya eh tsaka ang cute nito, tignan mo nga oh." kinuha ko yung bata na maliit at pinatayo ko sa harap ni Catalina. "O dba, ang cute mukang cherubim."

 

 

"Anghel na cherubim?! maldita kaya yan Minjeong!"

 

 

"Makulit lang yan kasi bata, pero ang cute niya dba?"

 

 

"Cute nga talaga siya dahil maamo ang muka at muka siyang manyika pero maniwala ka sakin, ubod ng kulit yan kaya laging napapagalitan ni Imperia."

 

 

"Mukang makulit nga siya, pero pag kinausap mo nag bbehave naman eh."

 

 

"Nagpapakabait ka na ba Lucila o nagpapanggap ka lang? Magaling din magsasagot yan Minjeong, kaya napipikon kami sakanya."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko