Chapter XVII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

4:30am

 

Malamang hindi totoo to at nananagip lang ako.

 

 

"Minjeong"

 

 

Itong boses na naririnig ko na galing dito mismo sa loob ng kwarto, jusko sana mali ako, tsaka imposible na siya to, napaka layo kaya malabong mangyari, baka nga panaginip lang.

 

 

"Minjeong"

 

 

Pucha ayan nanaman, kilalang kilala ko kung kaninong boses to. Tangina pano nangyari, bakit natunton ako nito dito. Ilan milya ang layo ng Hong Kong sa Pilipinas pero pano siya nakaabot hanggang dito.

 

 

"Minjeong alam ko na gising ka." naramdaman ko na andito na siya sa tabi ko pero nagtatago pa din ako sa loob ng comforter. Hindi ako dumidilat at hindi ako gumagalaw. Nananahimik yung buhay ko bakit naman sumunod pa to dito, okay na okay na sana tong bakasyon ko eh, pero ngayon andito na din siya.

 

 

"Minjeong!!!!" pagkasigaw niya, biglang naalis yung comforter na gamit ko at napunta sa lapag."Ssshhhhhh Sssshhhhh shhhhhh!" tinakpan ko yung bibig niya at hinatak ko siya dito sa kama. "Wag kang maingay tangina naman Catalina ano ba!"

 

 

"Ayaw mo kasing sumagot."

 

 

"Ano ginagawa mo? Bakit ka nandito?"

 

 

"Sinabi ko naman sayo, matutunton kita kahit saan ka magpunta dahil naka marka na sakin ang dugo mo."

 

 

"Puta naman, nasa bakasyon ako eh hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna yang mga punyemas na dugo dugo na yan? Tsaka bakit ka nagpunta dito?"

 

 

"Wala lang."

 

 

"Anong wala lang? Nag usap na nga tayo dba. Sinabi ko na sayo at pumayag ka din naman, nangako ka na lulubayan mo na ako tsaka hindi ka pupunta kung nasaan ako."

 

 

"Hindi, ang sinabi mo sakin hindi na dapat kita puntahan sa bahay niyo. Bahay niyo ba to?"nairita ako sa sinagot niya dahil nang pipilosopo pa siya. "Ano? Teka nga, nangloloko ka ba?"umalis ako sa kama at nilock ko yung pinto. Hindi pwede malaman nila Cheche na andito si Catalina, sigurado magtataka sila at baka magdulot pa ng gulo to.

 

 

"Yun naman talaga ang sinabi mo, wag na akong pupunta sainyo, ibig sabihin sa bahay niyo. Sa nakikita ko hindi mo naman bahay to dahil nasa hotel ka."

 

 

"Imposibleng hindi mo naintindihan yun. Ngayon talagang sumunod ka pa dito, ipapahamak mo lang yung sarili mo pati ako. Andito si Cheche pati mga katrabaho niya, hindi ka nila dapat makita kaya umalis ka na."

 

 

"Hindi mo ako pwedeng diktahan sa kung ano ang dapat kong gawin."

 

 

"Anong hindi pwede eh nananahimik ako dito pero dinadamay mo ako. Bakit ka ba nandito ang layo na nito sa San Jorge, nasa ibang bansa kami pero dito mo pa talaga napili pumunta? Ano nanaman ba to, bakit kailangan mo sumunod dito?"

 

 

"Wala akong magawa sa mansyon."

 

 

"Wala kang magawa sa mansyon kaya nag teleport ka hanggang Hong Kong?"

 

 

"Oo, ganun na nga. Naiinip ako at wala akong makausap." tinignan ko yung tinatago niya malapit sa paanan niya. Napansin ko na may nakasandal na maliit na maleta. "Wow naman talagang may bag ka pang dala. Jusko Catalina, ano nanaman ba tong trip mo?"

 

 

"Ilan linggo na kitang sinusubukan kausapin pero kahit minsan hindi mo na ako pinansin."

 

 

"Yun yung usapan natin ano ka ba naman. Nag oo ka pa nga, nangako ka na bibigyan mo ako ng oras para makalimot. Wag mo gamitin dahilan yan, bakit ka ba nandito ano nanaman kailangan niyo sakin?"

 

 

"Yung totoong pinunta ko dito, gusto kita makausap at gusto kitang makita dahil,"

 

 

"Dahil ano?! magsalita ka dalian mo na, umaga na hindi na tuloy ako nakatulog."

 

 

"Sasabihin ko sayo na mahina yung tubig sa mansyon. Wala kaming kilala na pwedeng gumawa nun."

 

 

"Ano?"

 

 

"Yung tubig ngayon dun, mahina mukang may problema."

 

 

"O eh anong kinalaman ko dun? tsaka bakit nagpunta ka pa dito, hindi mo nalang inutusan si Gisele na magmessage kay Ryujin, tsaka dba nandun ka sa bahay nila nung isang gabi. Bakit kailangan ako pa yung ginugulo mo para dyan?"

 

 

"Sino ba may ari nung mansyon?"

 

 

"Ha? jusko pati ba naman tubig niyo pproblemahin ko pa? eh kayo yung nakatira dun eh."

 

 

"Bakit ba nawala si Dante?"

 

 

"O bakit kasalanan ko ba kung bakit nawala si Mang Dante? Yung apo mo, si doc Yeji bakit hindi siya paghanapin mo ng gagawa. Parang tanga naman. Nakakapag teleport ka nga kung saan saan tapos pati tubero ako pa paghahanapin niyo?"

 

 

"Nammiss kita Minjeong."

 

 

"Anong nammiss pinagsasabi mo. Hindi totoo yan, wala ka lang magawa dun sa inyo. Umalis ka na, hindi ka pwede dito kasi baka may makakita sayo."

 

 

"Bakit ka ba galit na galit sakin? Nagkakaganyan ka ba dahil hindi ako pumayag sa gusto mo?"

 

 

"Hindi. Natanggap ko na yun Catalina tsaka nagiging okay na ako, wala na sakin yun at nakakalimutan ko na din. Ayaw ko lang na bigla kang nanggugulo at nagpapakita kung saan saan dahil lang gusto mo. Napaka makasarili nitong ginagawa mo sa totoo lang kaya sana tigilan mo na to."

 

 

"Gusto lang kita makita at makasama."

 

 

"Bakit? Maghanap ka nalang ng ibang makakasama mo. Ayain mo yung ate mo o kaya sila Sorin, isama mo sila. Tsaka nakakapunta ka naman pala kung saan saan, pumunta ka nalang sa ibang lugar, mamundok ka."

 

 

"Ikaw yung gusto ko makasama Minjeong."

 

 

"Bakit ako pa? Hindi pwede, wag na ako. Tsaka sandali, dba sabi mo may gusto kang iba tsaka may hinihintay ka, bakit hindi nalang yun ang puntahan mo? O kaya hanapin mo na siya kung sino man yun."

 

 

"Kahit pa magpaliwanag ako sayo, hindi mo din naman maiintindihan kung bakit ganun yung naging desisyon ko."

 

 

Inaantok na talaga ako at hindi ko na kaya makipagtalo sakanya. Inalis ko na yung salamin ko, hihiga na dapat ako pero naalala ko yung hinagis niya na comforter.

 

 

"Matutulog na ako anong oras na."kinuha ko na yung comforter galing sa lapag at humiga na ulit ako sa kama. Nung tinignan ko siya, hindi na siya nagsalita pa at nakasandal lang siya sa headboard ng kama na parang malalim ang iniisip. Ayaw ko maging bastos sakanya at ayaw ko siyang ipagtabuyan pero nakakainis kasi tong ginagawa niya na bigla nalang sumusulpot kung saan saan. Pag may nakakita pa sakanya dito sigurado paghihinalaan siya at sobrang magtataka na si Cheche.

 

 

"Magliliwanag na Catalina parang awa mo na umuwi ka na, maya maya lang gising na silang lahat at bababa na din kami."

 

 

"Hindi naman ako basta basta makakaalis Minjeong. Bukas pa yung eroplano na sasakyan ko pabalik ng Pilipinas ano ba ang akala mo, kakayanin ko lumipad ng ganun kalayo? Pwede kong gawin yun pero mahihirapan at masasaktan ako kapag ginawa ko yun."

 

 

"Ibig sabihin talagang nag eroplano ka pa para lang makapunta dito, gumastos ka pa?"

 

 


"Oo, ano ba akala mo hindi ko kayang bumili at wala kaming pera? Bumili kagad ako ng ticket nung malaman ko kung nasaan ka na. Tinulungan ako nila Gisele at Sorin para makakaalis ako kagad. Ginawa ko yun para lang mahanap ka."

 

 

"Bakit mo ba kailangan gawin yung mga ganyan? hindi mo naman ako kailangan hanapin."

 

 

"Hindi ko alam."

 

 

"Pwede ba yun na hindi mo alam. Pano mo nalaman na andito ako, kay Ryujin ba?" umiling siya at inabot niya sakin yung phone niya para may ipapabasa siya na message. Nung napansin ko yung pangalan sa taas, parang gusto ko mangkutos ng limang daan beses sa bunbunan ng isang tao. Hindi ko inasahan to, nakakapagtaka kung bakit parang close na sila at talagang alam pa nila yung number ng isa't isa. "Tangina talaga. Vivian napaka daldal mo."

 

 

"May nakita ako, sino siya Minjeong?" may pinakita siya sakin na picture na naka save sa camera roll niya. "Hoy bakit may ganito ka?"

 

 

"Nakita ko."

 

 

"Burahin mo to." naweirdohan ako na may kopya siya nung picture namin ni Minju kagabi dun sa rooftop bar. "Umayos ka nga, tanggalin mo yan sa phone mo."

 

 

"Sino yan kasama mo Minjeong?"

 

 

"Kaibigan ko."

 

 

"Sinong kaibigan, akala ko si Ryujin lang ang kaibigan mo yun ang sinabi mo sakin."

 

 

"Hindi mo na kailangan malaman yung mga ganyan. Burahin mo nga yan picture sa cell phone mo, hindi tama yan."  

 

 

"Gano katagal na kayong magkaibigan? Sino siya? Kailan mo siya naging kaibigan at bakit?"

 

 

"Ayos ka magtanong ha. Hindi ka dapat nagtatanong ng mga ganyan dahil hindi mo kailangan alamin yung personal na buhay ko."

 

 

"Siya ba yung dahilan kung bakit ang bilis mo akong kinalimutan?"

 

 

"Anong pinagsasabi mo. Ang labo, alam mo hindi na kita maintindihan eh. Hindi ko makakalimutan yung sinabi mo sakin na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan, pero bakit ang kulit mo, ayaw mo pa din tigilan yung mga ganito? sinabi ko na nga sayo na kailangan ko ng oras para makalimot. Bakit hindi mo kayang ibigay yun?"

 

 

"Wala lang"

 

 

"Anong wala lang? nakakabwisit ka naman kausap, nakakagago yung mga sagot mo. Nakakairita ka na."

 

 

"Sagutin mo yung tanong ko."

 

 

"Hindi kita kailangan sagutin. Akin na nga yan phone mo." inagaw ko sakanya yung phone niya kahit pa pinipilit niyang kunin sakin at tinakbuhan ko siya. Tinignan ko yung camera roll niya at binura ko kagad yung picture namin ni Minju."Wag mo gawin yan Minjeong." Hinanap ko din yung number ni Gisele at pinasa ko sakin.

 

 

"Hindi ka mapakiusapan, sige tignan natin."nung masend ko na sakin yung number ni Gisele, dnial ko kagad at sinubukan ko siyang ivideo call. "Minjeong anong gagawin mo?"

 

 

"Kailangan malaman ni Imperia tong mga ginagawa mo dahil nakakairita ka na."dinaganan niya ako sa kama. Sinusubukan niyang agawin sakin yung cell phone niya pero tinulak ko siya ng malakas para makatakbo ako sa cr. Nilock ko yung pinto at nagkulong ako sa shower. "Kahit anong sabihin mo kay Imperia hindi ako natatakot."

 

 

"Ay puta. Akin na yan!" nakalimutan ko na nagteteleport nga pala siya pero naagaw ko ulit sakanya yung phone ko at tumakbo ako palabas ng cr. "Ibigay mo sakin yan Minjeong, papatayin kita!"

 

 

"Edi patayin mo, sige gawin mo!" inangat ko yung dalawang kamay ko at hinayaan ko siya nung sinakal nanaman niya ako. "Gawin mo na." unti unti niyang niluwagan yung kamay niya sa leeg ko at napaupo siya sa kama."Ang lakas ng loob mo dahil alam mo na hindi na kita kayang saktan ngayon."napansin ko na nag iba yung tono ng boses niya at nakayuko lang siya.

 

 

"Wala akong pakialam sayo Catalina, hindi na ako natatakot sayo. Masyado kang makasarili, sinabi ko na na tigilan mo na yung mga ganito pero ang tigas ng ulo mo." tinuloy ko na yung gagawin ko at hinanap ko yung number ni Gisele.

 

 

*Ringing* 

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

 

Gisele:  Kiminjeong bakit ka tumatawag?

 

 

KMJ:  Gisele pwedeng pakausap kay Imperia importante lang

 

 

Gisele:   bakit?

 

 

KMJ:   basta sige na may sasabihin ako tungkol dito kay Catalina

 

 

Tinapat ko sakanya yung cell phone ko, yung itsura niya muka siyang bata na nagmamaktol sa isang sulok. Nakasimangot siya at ayaw humarap sa camera. Sigurado ako alam niya na magagalit si Imperia kaya ganito yung nagiging reaksyon niya.

 

 

Gisele:   ito na siya pero bilisan mo nalang dahil oras na ng pagtulog niya

 

 

KMJ:   ano ba naman yan bakit lagi nalang siyang natutulog?

 

 

Nakita ko na inabot ni Gisele kay Imperia yung phone, tangina yung itsura niya nung nakita ko siya, nabbwisit ako ngayon pero kinailangan ko magpigil ng tawa. Totoo nga yung sinasabi nila na siya lang yung hindi marunong gumamit ng gadgets sakanilang apat.

 

 

KMJ:   Gisele ang lapit ng muka niya! Puro noo tsaka ilong yung nasa screen, hindi ko siya makita, iusog mo naman ng konti.

 

 

Imperia:  ano, sino ba to?

 

 

Gisele:  si Kiminjeong yan, gusto ka daw niya makausap

 

 

Imperia:   ano nanaman ba ang kailangan mo sa akin Kiminjeong?!

 

 

KMJ:   yung kapatid mo alam mo ba kung nasaan?

 

 

Imperia:   at bakit mo siya hinahanap? sinabi ko na sayo hindi ba? ilang ulit na kitang binalaan na tantanan mo na yung kapatid ko dahil wala, kahit anong gawin mo wala kang mapapala sakanya! Tigilan mo na siya Kiminjeong wag mo nang hintayin na magalit ako sayo!

 

 

KMJ:   ah talaga ba, o eh ano to?

 

 

Tumabi ako kay Catalina at tinapat ko samin dalawa yung camera. "Dito ka lang wag lang lumayo." hinatak ko siya palapit sakin at pinilit kong iharap sa camera. Nakasimangot siya sabay nagiiwas ng tingin. Hinawakan ko yung mga kamay niya at pinilit ko siyang humarap kay Imperia. Naramdaman ko na tatakbo siya kaya hinatak ko pa siya lalo."Wag kang umalis dito ka lang, isa."

 

 

KMJ:  o ito siya tignan mo, wala ako dyan ngayon sa Pilipinas pero sinundan niya pa din ako dito. Nananahimik na ako ng isang buwan pero siya yung ayaw tumigil. Ang kulit niya

 

 

Imperia:  Catalina asan ka, anong ginagawa mo dyan?

 

 

KMJ:  hoy tinatanong ka, sumagot ka

 

 

Pinapahawak ko sakanya yung phone pero ayaw niyang tanggapin at nagiiwas pa din siya ng tingin."Ano ba yan umayos ka nga." pumipikit siya kahit pa ang lapit na ng muka niya sa cell phone. "Catalina tinatanong ka. Umayos ka nga, para ka naman bata." hinawakan ko yung dalawang kamay niya at tinapat ko sakanya si Imperia.

 

 

Imperia:   umalis ka nanaman ng walang paalam, ano ang ginagawa mo dyan Catalina, nasaan ka?!

 

 

KMJ:   ayaw niyang sumagot, nasa Hong Kong ako pero sumunod siya hanggang dito. Yung kapatid mo yung ayaw tumigil, hindi ako. Imperia alam mo na tinutupad ko yung pangako ko sayo pero pagsabihan mo sana to si Catalina na tigilan na niya yung mga ganito. Nakakairita na yung kakulitan niya, tsaka mapapahamak pa kayo dahil sa ginagawa niya.

 

 

Imperia:  paano ka nakaabot dyan Catalina? wag mo sabihin na binuwis mo ang buhay mo?

 

 

Mas tinapat ko sa muka niya yung camera nung pilit siyang nagtatago sa likod ko kaya nagalit siya sakin. Kitang kita ko kung pano naglabasan yung dalawang pangil niya at sinunggaban niya ako pero nakailag ako kagad.

 

 

KMJ:   mangangagat ka pa talaga ang epal mo. ikaw na nga dyan yung nanggugulo dito

 

 

Imperia:  Catalina sagutin mo ang katanungan ko! paano ka nakapunta dyan?!

 

 

Catalina:   hindi ko marinig, hindi kita naririnig

 

 

KMJ:  hala nagbibingi bingihan pa, ang lakas kaya ng internet

 

 

Catalina:   wag mo akong problemahin Imperia, maganda ang kalagayan ko dito at babalik din ako dyan bukas na bukas

 

 

Imperia:   paano kita hindi pproblemahin, ang paalam mo sakin magbabasa ka lang ng libro malapit sa dagat, malaman laman ko nalang na nasa ibang bansa ka na pala. Umuwi ka na dito! maaari ka pang mamatay dahil dyan sa mga kagagawan mo, alam mo na nga na delikado yan kaya hindi na natin sinusubukan

 

 

KMJ:   o ayan ang tigas kasi ng ulo, umuwi ka na daw

 

 

Halata na hindi niya kayang magalit ng todo dahil kausap namin yung kapatid niya. Nakatingin siya sakin ng masama at kitang kita ko yung pagbabanta sa mga mata niya. Sinusubukan niya pa akong takutin.

 

 

KMJ:   Imperia ayaw niya tsaka bahala ka na daw sa buhay mo sabi niya! ayan narinig ko

 

 

Catalina:   wala akong sinabing ganyan Minjeong!

 

 

Bigla siyang nawala at lumitaw nalang dito sa likod ko. Sinusubukan pa din talaga niyang magtago kahit kitang kita naman siya.

 

 

KMJ:  ssssshhhh ang ingay mo nanaman

 

 

Imperia:   bumalik ka na dito Catalina. Bago magliwanag dapat nakabalik ka na, nag aalala ako sayo. Napaka delikado ng tinatahak mo

 

 

Catalina:   hindi ako pwedeng basta basta makabalik dahil sumakay ako ng eroplano

 

 

Imperia:  eroplano?! punyeta!!!

 

 

Nagulat ako at nabitawan ko tuloy yung phone ko. Kahit sa video call namin kausap si Imperia nakita ko na nabalot ng itim yung mata niya, binitawan ko na yung phone at binigay ko na kay Catalina dahil natakot ako sa itsura niya. Makikinig nalang ako sa usapan nila pero ayaw ko nang lumapit.

 

 

Imperia:   napaka tigas talaga ng ulo mo. Catalina hindi ako nakikipag biruan sayo, wag mo hintayin na ikulong kita habang buhay. Alam mo na kayang kaya kong gawin sayo yan.

 

 

Imperia:   ikukulong kita hanggang sa manghina at mamatay ka na. Wag mo akong subukan, alam mo kung ano ang kinasanayan natin.

 

 

Catalina:   huli na ito Imperia, pangako. Hindi na talaga mauulit

 

 

Imperia:   umuwi ka na dito, isang beses pa na gawin mo to kami mismo ni Yesenia ang papatay sayo. Tandaan mo, ako mismo ang dudukot sa puso mo Catalina. Pinapahamak mo kami at talagang hindi ka na marunong makinig sakin. Umuwi ka na ngayon, hindi mo na kakayanin pang gawin ulit to, sisiguraduhin ko.

 

 

Catalina:   bukas pa dahil ayaw ko lumipad papunta dyan. Puro dagat, masyadong malayo, mahihirapan ako 

 

 

Nung narinig ko yung mga sinasabi ni Imperia sa kapatid niya parang medyo naguilty ako at naawa ako sakanya. Nagbitiw siya ng salita na papatayin niya si Catalina, yung paraan at tono ng pagkasabi niya mukang seryoso talaga siya. Masasabi ko na hindi yun simpleng pagbabanta lang dahil nakikita ko na galit na galit at nag aalala siya.

 

 

Imperia:   bakit ka ba nagpunta dyan, anong dahilan mo? pinilit ka ba ni Kiminjeong?

 

 

KMJ:   hindi ako! wala akong kinalaman dyan, nagulat nalang ako na andito na siya. Hindi ko na nga siya kinakausap pero siya dyan yung makulit, ayaw niya tumigil.

 

 

Imperia:   ano ang dahilan mo Catalina? wag kang magsinungaling sakin

 

 

Catalina:   wala nang signal, hindi kita marinig Imperia lumalabo ka na, paalam.

 

 

"O bakit pinindot mo? kinakausap ka pa nung ate mo. Catalina baka naman sumugod yun dito."

 

 

"Matutulog na siya kailangan na niyang magpahinga. Hindi siya susunod ayaw niyang pumunta sa mga malalayo, iniiwasan namin yun."

 

 

"Grabe ka iniiwasan niyo pala pero ginawa mo pa din. Sainyong apat alam mo ikaw yung pinaka matigas yung ulo. Bakit kailangan mo ipahamak yung sarili mo ng ganito?"

 

 

"Sinabi ko na ang dahilan ko. Pinuntahan kita kasi akala ko kahit kailan hindi ka na babalik."

 

 

"Anong hindi babalik eh limang araw lang naman kami dito. Uuwi na din ako sa San Jorge sa Martes."

 

 

"Yun kasi ang sinabi ng kaibigan mo kaya akala ko hindi na kita makikita ulit."

 

 

"Nagagalit pa tuloy ngayon si Imperia. Pano ka ngayon niyan, aalis kami mamaya may lakad ako. Hindi ka pwedeng sumama at hindi ka pwedeng makita ng tao."

 

 

"Wag mo akong intindihin."

 

 

"Bigla kang sumulpot dito tapos sasabihin mo sakin wag kitang intindihin? Nakikiusap ako sayo, wag kang lalabas dito sa kwarto ko. Wag kang magpapakita kahit kanino lalo sa kapatid ko. Papayagan kita na tumuloy muna dito pero umalis ka din kagad bukas ng madaling araw. Kapag wala ako dito sa kwarto wag kang gumawa ng kahit ano. Kapag may narinig kang pumasok, umalis ka na muna o kaya mag tago ka."

 

 

"Wag mo akong intindihin Minjeong kaya ko ang sarili ko."

 

 

"Wala akong tiwala sayo. At ito pa, nakikiusap ako na wag mo sana akong guguluhin at wag na wag kang susunod sa mga lugar na pupuntahan ko."

 

 

"Oo."

 

 

"Sige na matutulog na muna ako, pag may kumatok wag mong pagbubuksan ako na bahala. Tsaka pwede ba dito ka." tinuro ko sakanya yung upuan tapat lang ng kama. "Ayaw ko dyan, gusto ko din humiga."

 

 

"Ano ba naman, hihiga ka dito ano tatabi ka sakin? dun ka na." nakita ko na pinapagpag niya yung unan at mukang inaayos na niya yung pwesto niya. "Hoy ano yan?"

 

 

"Matutulog din ako."kinuha niya pa yung unan na yakap yakap ko kapag natutulog. "Pucha ano ba yan ang kapal mo." tatlo na yung unan niya tapos isa lang yung sakin.  

 

 

"Wag kang magdamot Minjeong, para kama at unan lang."

 

 

"Wow hiyang hiya naman ako sayo. O baka gusto mo din ilipat muna yung mga damit mo dun sa closet? Nakakahiya naman sayo eh."

 

 

"Wag ka nang magsalita."

 

 

"Wag ka dyan humiga hindi ako sanay. Dito ka, dyan ako." nagpalit kami ng pwesto, pinalipat ko siya sa kaliwa para din hindi agad siya kita kapag may papasok sa pinto. "Wag kang magulo." humiga na ako sa kama at tinalikuran ko na siya. Inabot ko yung switch ng ilaw at pinatay ko na. Pag pikit ko nagsalita nanaman siya. "Bakit pinatay mo? Buksan mo yan ilaw Minjeong, magbabasa ako."

 

 

"Ay wow naman talaga. Grabe Catalina wala na akong masabi."

 

 

"Pano ako magbabasa kung madilim? Buksan mo na, hindi ako makakatulog ng hindi nagbabasa." pinindot ko na ulit yung switch ng ilaw at nagtakip nalang ako ng unan para manahimik na siya. "Wag kang magulo at wag kang lalabas."

 

 

 

 

 

9:00am

 

Nakakain na kami ng breakfast, nagbibihis na ako at aalis na din sila Cheche. Magkikita nalang kami ni Minju sa lobby at pupunta na kami sa Disneyland. Yung bisita ko na ang tigas ng bungo, nakahiga lang ngayon sa kama at mukang may kinakalikot sa cell phone niya. Napansin ko kanina na may nilabas siyang paper bag na puro libro. Nung tinignan ko yung isa, may tag price pa at mukang dito niya binili. Napaka dami kong gusto itanong sakanya. Nagtataka talaga ako kasi yung itsura niya ngayon akala mo nag sstaycation at nakasuot pa talaga siya ng pajamas. Napansin ko din yung laman ng maleta niya, puro mga bagong damit na hindi ko alam kung saan niya pinagkukuha. Mamaya ko nalang siya tatanungin pagbalik ko dito sa hotel.

 

 

*knock knock knock*

 

 

"Minjeong, we're leaving! I will see you later."

 

 

"Okay che ingat ka! Message nalang kita pag nakarating na kami!" kinuha ko na yung phone, wallet, yung key card sabay ipinasok ko na lahat sa bag ko.

 

 

"Hindi mo pala kasama si Cheche, sinong kasama mo na aalis ngayon Minjeong?" narinig ko yung tanong niya pero pinili ko nalang wag pansinin. Hindi namin kailangan mag usap lagi at hindi niya kailangan alamin yung mga ginagawa ko o kung sino yung mga kasama ko.

 

 

"Mag isa ka lang ba o may kasama ka?" nagpatuloy lang ako sa pagsuot ng medyas at sapatos. Hindi ko nalang papansinin yung mga pinagsasabi ni Catalina dahil naiirita ako sakanya. Hindi ko hahayaan na sirain niya yung natitirang araw ng bakasyon ko.

 

 

"Wag kang lalabas dito kahit anong mangyari, kapag may narinig kang pumasok magtago ka nalang."

 

 

"Anong oras ka babalik Minjeong?"

 

 

"Ilock mo tong pinto. Wag na wag kang lalabas lalo kapag narinig mo na bumalik na sila Cheche. Wag mo din bubuksan tong tv, magbasa ka nalang dito ng libro mo. Kapag may problema mag message ka sakin o kaya naman tawagan mo ako. Pero tatawag ka kapag importante lang."

 

 

"Catalina nakikinig ka ba?"napapakamot ulo nalang ako sa mga inaasta niya, ayaw ko na sana problemahin pero sobrang kabado ako na maiiwan siya mag isa dito. Mahirap pagkatiwalaan si Catalina at napaka tigas talaga ng ulo niya. Habang nagbibilin ako sakanya ngayon, tuloy lang siya sa pagbuklat ng libro na akala mo walang naririnig.

 

 

"Anong oras ka babalik, matagal ka ba?"

 

 

"Basta mamaya."

 

 

"Saan ka pupunta?"

 

 

"Alis na ko." nilock ko na yung pinto mula sa loob at lumabas na ako. Sigurado may papasok na house keeping mamaya kaya hinahanap ko yung do not disturb sign at isinabit ko dito sa door knob ng kwarto.

 

 

 

 

9:30am

 

Nakakailan ayos at check na ata ako sa sarili ko, medyo kinakabahan pa din talaga ako kahit pa nasubukan ko nang umalis kasama si Minju. Nag message siya kanina na dumiretso nalang ako dito sa hotel lobby kapag nakabihis na ako. Kasabay din namin siya na nag breakfast kanina ni Cheche, ang ganda tuloy ng simula ng umaga ko. Kaso hindi din pala, dahil may isang naiwan sa kwarto ko na nagdudulot sakin ngayon ng kaba.

 

 

"Good morning Kiminjeong. Saan kayo pupunta ngayon?" bati sakin ng manager niya. "Good morning po. Sa Disneyland po kami pupunta ngayon araw."

 

 

"Minju magccommute ba kayo? Yung bilin ko sayo, beware of the cameras. Alam mo naman ang mga tao, mabibilis magfabricate ng stories."

 

 

"Yes I am aware of that, we will be taking the train and we'll ride the bus. Hi Minjeong it's good to see you again." tumayo ako sa sofa at binati ko din siya. "Hi Minju. Ready ka na?"

 

 

"Yeah, let's go? Wala ka na naiwan sa room niyo? medyo malayo yung pupuntahan natin ngayon."

 

 

"Ah wala na kasi na-check ko na lahat kanina kumpleto na."

 

 

"Okay halika na. Are you excited?"

 

 

"Sobra. Excited ako kasi first time ko dun tapos ikaw pa yung kasama ko."

 

 

*coughs*

 

 

Napatingin kami dun sa manager ni Minju na nakatayo malapit samin. Narinig niya ata yung sinabi ko, ito yung babala sakin ni Cheche kagabi. Wag magpadalos dalos dahil komplikado at magulo yung field ng trabaho nila, dapat mag ingat dahil madaming magagaling bumuo ng storya kahit madalas hindi naman totoo.

 

 

"Don't mind her." bulong niya sakin bago niya hinakawan yung braso ko. "Sorry"

 

 

"Wait I'm just gonna bring this, ako nalang magdadala ng water satin ha."

 

 

"Okay Minju."

 

 

 

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌:  Minjeong nagugutom ako

 

 

Tinitignan ko yung message na lumabas sa phone ko. Hindi pa ako nakakalabas ng hotel pero nag message na kagad siya. 

 

 

KMJ:  hindi ka pwede mag room service makikita na tumutuloy ka dyan. tsaka hindi ka naman kumakain talaga tiisin mo na!

 

 

 

 

 

"Are you okay Minjeong, let's go na?"

 

 

"Oo. Sige una ka na, Minju." pinasok ko na sa bulsa ko yung phone bago ako sumunod sakanya. Nagpaalam na kami sa manager niya at lumabas na kami sa lobby.

 

 

 

 

10:50am Disney Land

 

Bibili na dapat kami kanina ng ticket online pero dahil weekday ngayon at hindi naman peak season, naisipan namin na dito nalang bumili sa ticke

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko