Chapter III

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

11:00pm

 

Na-confiscate ni Cheche at ni ate yung kakabili ko lang na isang pack ng yosi kaya hirap tuloy akong makatulog ngayon gabi. Pano nga ba ako natuto manigarilyo, nakikita ko kasi to dati dun sa mga tauhan ni lolo kapag dumadalaw kami sa bukid tsaka pati dun sa mga kalaro ng mahjong ni lola. Parang ang galing kasi na meron naglalabas pasok na usok sa bibig tapos pwede din sa ilong. Maaga akong natuto mag yosi, pagkagraduate ko ng high school sinubukan ko na at sobrang nagustuhan ko. Saamin dalawa ni Layu, ako lang ang may bisyo, ayaw ko siya pilitin dahil kanya kanyang desisyon naman yun. Yun lang naman ang bawal na ginagawa ko, umiinom din pala kami pero sobrang bihira, kapag may okasyon lang.

 

 

Medyo tinamaan ako dun sa sinabi kanina ni Cheche, hindi daw kami nagmamature at parang napag iiwanan kami. Totoo naman yun pero, hindi ko naman sinasadya kung ito talaga yung nangyayari sakin at ito yung gusto kong gawin. Nabanggit din niya na twenty two years old na kami pero ayaw ko pa din makipag date, magpaligaw at hindi ako nakikipag relasyon. Ewan ko ba, madami na ang nagtangka na mga lalaki. May itsura naman sila, gwapo at mabait pa nga yung iba pero wala, hindi ko talaga kayang tumbasan at kinikilabutan ako. Kahit nga mag hi lang sila sakin parang nandidiri ako. Masasabi ko na kahit kailan hindi ko pa naranasan ang magka gusto sa kahit sino, kahit pa nung high school pati nung college, may pinapakilala sakin yung mga kaklase ko pero hindi ako na-aattract. Wala akong idea dun sa pakiramdam na yun, sobrang clueless ako. Sabi ni Layu posible na hindi ko pa nammeet yung tao na magugustuhan at mamahalin ko o kaya naman daw hindi ko pa alam kung ano talaga yung gusto ko. Medyo malabo yung pangalawang sinabi niya pero hindi ko nalang iniisip yan. Pagtutuunan ko nalang ng pansin yung trabaho ko dun sa piggery at poultry, tutal yun naman ang importante, kapag nalugi yun kawawa naman yung mga tauhan namin, panigurado wala silang makakain.

 

 

*ring ring* *ring ring* *ring ring*

 

 

KMJ: hello sino po sila?

 

 

LYU: tanga ako to, bakit hindi ka na lumabas?

 

 

KMJ: maaga tayo bukas ano ka ba. sinabi ko sayo kanina dba, sabi mo sasama ka samin bukas

 

 

LYU: sasama talaga ako! excited na nga ako eh, first time ko makikita ng malapitan yung mansyon na yun

 

 

KMJ:  hinanda mo na ba yung sinabi ko?

 

 

LYU:  oo hiniram ko na kay mama, ingatan lang daw natin kasi ginagamit daw yun sa prusisyon eh, aanuhin mo ba kasi yung megaphone?

 

 

KMJ:  para lang makasigurado tayo bago tayo pumasok dun, tsaka balak ko kasi umikot sa loob, makikita mo bukas

 

 

LYU:  anong balak niyo na gawin dun sa lote?

 

 

KMJ:  baka ibebenta hindi pa namin alam eh, malalaman natin bukas tsaka ayun nga nakwento ko naman sayo kanina, yung tungkol sa box ng malas daw, yun yung kailangan natin alisin

 

 

LYU:  nakakapag taka kung ano yun pero alam mo, sobrang excited na ako

 

 

KMJ:  ako din sobra, gustong gusto ko na makapunta dun, tsaka sabi kasi nila maganda da yung view ng dagat dun, kitang kita 

 

 

LYU:  papasok pa ba tayo bukas sa farm niyo?

 

 

KMJ:  siyempre dadaan tayo dun, ganun naman araw araw eh, kailangan natin mag inspeksyon kung okay yung mga hayop lalo na ngayon summer tapos sobrang init pa, baka may tinamaan nanaman ng peste, lalo dun sa mga babuyan. Tsaka siyempre weekly report, alam mo trabaho mo kaya yun

 

 

LYU:  oo na sige na, alas siyete ng umaga tayo aalis dba? punta nalang ako dyan sainyo, ano ba dapat suot?

 

 

KMJ:  edi kung saan ka kumportable tanga, tangina pupunta lang sa mansyon, ano gusto mo mag gown tayo?

 

 

LYU:  bakit hindi, mukang nasabon ka nanaman ni Cheche kanina ah kaya ba hindi ka nakalabas?

 

 

KMJ:  hindi ako nasabon pero gusto ko sana matulog ng maaga kaso kinuha niya yung yosi ko, kakabili ko nga lang nun, sa bayan pa natin binili yun eh naalala mo? last pack ko na nga yun kaya nakakainis

 

 

LYU:  sabi ko sayo tigilan mo na yan, pansinin mo yung ubo mo pabalalik balik lang

 

 

KMJ:  hindi, sa init lang yan. o sige na Layu, kita nalang tayo bukas. bbye!

 

 

 

Bukas makikita na namin yung regalo samin ni lolo. Kaysa matakot ako mas nangingibabaw sakin ngayon yung excitement. First time kasi na meron titulo na ipapangalan sakin kahit pa hati kami dun ng kapatid ko. May pag aari na din ako, sa wakas. Hindi ko lang sinasabi kila ate pero parang ayaw kong ibenta yun, kahit anong mangyari. Yun ang huling alaala sakin nila lolo at lola, baka sumama ang loob nila kapag binenta nalang namin ng basta basta. Sulat kamay pa naman niya yung last will and testament tapos P.S. sa baba ang nakalagay, "Chaewon at Minjeong ang mga pinakamamahal kong apo, ingatan niyo sana itong pinaka huling regalo ko para sainyo." At isa pa, hindi naman ibibigay samin yun ni lolo kung alam niya na mapapahamak kami. Kagaguhan at panakot lang talaga yung mga kumakalat na kwento tungkol dun.

 

 

*knock knock knock*

 

 

Sinilip ko sa peephole ng pinto ko kung sino yung kumakatok, nakita ko si Cheche. Pinagbuksan ko din siya kagad at pinapasok ko dito sa kwarto ko. Napansin ko na meron siyang dalang kahon na medyo malaki at isang malaking paper bag. "Anong kailangan mo Che?" umupo siya sa upuan malapit sa kama ko. "Para sayo to, buksan mo at tignan mo din yung laman nung paper bag." kinuha ko yung kahon na inabot niya sakin, ipinatong ko sa kama at agad kong binuksan. Nilabas ko yung kulay maroon na damit. "Che, binilan mo ako ng robe?!" lumapit ako sakanya at tinaas ko yung damit na tinitignan ko. "Yup. It's pretty, that's my gift for you Minjeong. Gamitin mo yan pag matutulog ka, pwede mo ipatong sa pajamas mo."

 

 

"Wow bakit mo ako binilan nito meron pa naman akong ginagamit, pero ang ganda nito." sinuot ko kagad yung binigay niya sakin, alam niya na mas nakakatulog ako ng mahimbing kapag nakasuot ako nito. "Che thank you!" lumapit ako sakanya para yakapin siya. "Minjeong I'm sorry for what I said kanina, I am just worried about you, ayaw ko kasi na magkasakit ka. Sana naiintindihan mo ako."

 

 

"Oo wala yun, wag ka mag alala naiintindihan ko naman yung point mo. Tsaka humahanap lang ako ng timing, magqquit naman talaga ako, ayaw ko lang kasing biglain."

 

 

"Para sayo din naman yun Minjeong, ayaw ko talaga na magka problema ka sa health mo, ilan taon ka na din nag gaganyan at ang lakas mo pa mag smoke. Hindi maganda yan."

 

 

"Oo alam ko yun. Wag ka mag alala nagbabalak din naman ako tumigil, pero hindi ako pwedeng mabigla. Pero na-appreciate ko naman lagi yung concern mo. Thank you pala dito, Che sabi ko sayo hindi mo na kailangan mag abala, tuwing pupunta ka hindi mo naman ako kailangan bilhan ng mga gamit. Sapat na yung dinadalaw mo kami ni ate."

 

 

"Hayaan mo lang ako na bigyan ka ng mga gamit na kailangan mo Minjeong, ano naman gagawin ko sa kinikita ko, hindi ko pwedeng solohin yun. Gusto ko na ishare sainyo ni ate yung pinagpapaguran ko."

 

 

"Thank you, sobra."

 

 

"Wag ka magdadalawang isip, kapag may kailangan ka sabihin mo lang sakin. Yung phone mo, ayaw mo pa ba palitan yan? Basag na, nabubog ka pa nga daw dyan sabi ni ate. Palitan mo na yan, bibilan na kita ng bago."

 

 

"Huy wag na ano ka ba, kaya ko naman bumili. May pera naman ako tsaka maayos naman yung kita ko sa negyoso, hindi mo na kailangan gawin yan."

 

 

"Basag na yan eh, you have to change it, tignan mo si Layu she got the latest phone. Kailangan mo din sumabay minsan Minjeong, pag nag vvideo call tayo muka kang usok hindi kita nakikita sobrang labo mo kasi basag na yung camera lens niyan."

 

 

"Oo sige papalitan ko nalang kapag nakapunta kami dun sa bayan."

 

 

"Sa bayan? Oh gosh wala nga matinong mall dun. Pumunta ka dun sa isang bayan, meron silang SM, dun ka bumili. But it's a two hour drive from here. Pwede naman kasi akong bumili na ngayon tapos iddeliver nalang dito."

 

 

"Hindi na ano ba yan. Oo sige sa Sabado bibili na ako, promise yan."

 

 

"Minjeong masaya ka pa ba dito? Alam mo pwede ka naman tumira dun sakin sa QC. Mas mag eenjoy ka dun kahit isama mo pa si Layu."

 

 

"Andito yung trabaho ko, hindi pwede. Maayos yung negosyo at maganda yung kita, pag iiwan ko yun madami mawawalan ng trabaho. Hindi ko sila pwede iwanan ng ganun ganun lang."

 

 

"Okay I get your point, but my house is always open for you. Pwede din kita kuhaan ng sariling bahay kung gusto mo."

 

 

"Che ano ba, hayaan mo nalang akong dumiskarte. Lahat nalang binibigay niyo ni ate, hindi pwede yun. Wag mo sana masamain na ganito yung reaksyon ko, sobra yung pagpapasalamat ko sayo, sa lahat ng mga ginagawa mo para sakin, pero kaya ko naman."

 

 

"You are welcome, alam ko yun."

 

 

"Kamusta ka pala? Wala ka naman bang problema sa trabaho mo, wala ba naninira sayo?"

 

 

"Don't worry I'm good."

 

 

"May dndate ka ba ngayon?"

 

 

"Hmmm no one, after the last one I prefer to stay single."

 

 

"Ayaw ko na maulit yung nangyari dati Chaewon,"

 

 

"Wag mo ng balikan yun, hindi na talaga, mas nag iingat na ako."

 

 

"Dapat lang, pasalamat siya nacontrol ko pa."

 

 

"Forget it, don't worry hindi na mauulit I promise. Nadala na din siya at natahimik na. Wala na siya, nalaos at nag quit na. Pano pa siya makakabalik, he became disabled."

 

 

"Buti nga sakanya, pasalamat talaga siya yung paa niya lang yung nadali."

 

 

"Enough please and control your anger. I thought you are doing well?"

 

 

"Oo, okay naman ako. Sinisigurado ko lang, pinoprotektahan kita."

 

 

"Ano palang balak mo, talagang you're gonna die single? Try leaving this town kasi, wala ka makikilala dito na papasa sa taste mo."

 

 

"Hindi ko alam, wala pa akong nakikita na gusto ko."

 

 

"Do you even like men?"

 

 

"Pwede, hindi ko alam eh baka kasi wala pa akong nakikilala na papasa?"

 

 

"That's possible. You gotta get out of here, but you know what? it will just come. Sometimes when you least expect it, dun pa dumadating."

 

 

"So tama lang pala yung ginagawa ko, hindi ako naghahanap at naghihintay."

 

 

"Magkaiba kasi yung hindi naghahanap sa walang pakialam sa mundo. You are the latter."

 

 

"Ganun ba, eh mas okay yung ganito eh tamihik yung buhay ko tapos simple lang."

 

 

"Okay din naman yun, sa nakikita ko naman you are happy pero dapat kasi maranasan mo din yun. It's a different kind of feeling. Do you still have nightmares and bad dreams?"

 

 

"Hindi na masyado kasi hindi na ganun katindi yung pagkamiss ko kay lola. Nammiss ko pa din siya lagi, araw araw yun pero na-mmanage ko na yung lungkot. Isa pa, madalas yung panaginip ko sakanya puro masasaya nalang, minsan pa nga nasa airport daw kami tapos pag labas namin may isang malaking garden na may parang ilog sa dulo. Yung itsura ni lola sa panaginip ko mas bumata siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Namamasyal kaming dalawa kaso nung pag tagal nagpaalam din siya sakin, may pupuntahan daw siya na hindi ako pwedeng sumama."

 

 

"Lola is peaceful and happy now wherever she is, but I'm sure she's still watching over us especially you."

 

 

"Oo, pag ganyan yung naiisip ko nababawasan yung sakit. Almost seven years na siya. Pero alam mo, yun talaga pinaka ni-llook  forward ko, yung makita siya ulit."

 

 

"You have to face and endure it, madaming years pa tayo dito na hindi natin makakasama si lola, we still have so much ahead of us, time and experiences."

 

 

"Nakakalungkot pero totoo yan."

 

 

"O sige na, nagpunta lang naman ako dito sa room mo to give you these. Yung mga nasa paper bags those are all yours din, there's a dress and of course most of them are vintage, you will love it lalo yung mga pants. Yung salamin mo okay naman ba?"

 

 

"Okay na okay. Thank you Che, thank you dito sa mga to. Kita nalang tayo bukas, 7am. Matulog ka na."

 

 

"Okay good night."

 

 

 

 

 

6:20am Linggo

 

"Good morning ate!" bati ko kay ate Taeyeon na nakaupo dun sa kabilang sala. Maaga ako nagising dahil may ipapakita daw siya samin bago kami umalis papunta sa mansyon. "Kiminjeong kumain muna tayo, asan na yung kapatid mo? tawagin mo na." tumakbo ako pabalik sa mga kwarto para sunduin si Cheche. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto niya, sabay kinatok ko ng sunod sunod. "Ito na, I'm done!" biglang bumukas yung pinto ng kwarto, lumabas si Che na naka suot ng floral dress. "Pupunta tayo sa mansyon na ganyan yung suot mo?" bumalik muna siya sa loob at may kinuha, pinapanood ko siya na inaayos yung heckler na pinili niya kagabi. "O ngayon saan mo ilalagay yan baril mo?" tanong ko sakanya. "Easy, I'll put it in my bag. Ang init kasi kaya ito yung sinuot ko." sumunod na siya sakin at tumuloy na kami sa hapag kainan.

 

 

 

 

Nagsimula na kaming kumain, binibilisan ko nalang dahil pag patak ng alas siyete aalis na kami. "Hi!! Good morning twinnies! Magandang umaga mayora! O ano tara na ba?" dumating na si Layu, ang unang una kong napansin ay yung suot niya, sobrang kabaliktaran ng porma ni Cheche. "Bakit ganyan suot mo, magnanakaw ka ba?" tanong sakanya ni ate, naka lingon kaming tatlo sakanya habang tumutuloy na siya sa sala. Yung porma niya, ang init init ngayon pero naka pants na itim, naka sweater na itim at nakasuot pa talaga siya ng beanie. "Halika na dito kumain ka na!" tinanggihan niya yung alok ni ate. "Kumain na po ako kanina bago ako umalis. Hintayin ko nalang kayo dito." napansin ko na meron din siyang dala na malaking bag na pasimple niyang tinago sa ilalim ng upuan. Malamang ito na yung mga gamit na pinapadala ko sakanya.

 

 

Ng matapos na kami, lumipat na kami sa veranda para pakinggan yung mga sasabihin ni ate. "Bago kayo umalis gusto ko sana na dalhin niyo to, pero ingatan niyo mabuti, ito nalang ang natirang kopya." tinulungan ko si ate na ilatag sa lamesa yung malaking rolyo ng papel. "Ito yung floor plan ng "Mansión De los Condenar, wag niyo na palang dalhin to dahil sigurado baka maiwan niyo pa dun. Kuhaan niyo nalang ng picture." lumuhod ako sa gilid ng lamesa para mas makita ko pa, pag kasi maliliit na sulat mahirap ko mabasa kahit pa may salamin. Tinitignan ko yung plano, dalawang palapag na may malalaking kwarto. "Mayora, ano to, bakit may parlor? sino naman nag tayo ng parlor dyan akala ko ba malas?" napatingin kaming lahat kung saan nakaturo yung daliri ni Layu. Totoo nga, may nakasulat na parlor dun sa isang kwarto pagkatapos ng portico. "O nakita niyo na, hindi talaga totoo yung mga kwento. May parlor pa mismo sa loob nung mansyon. Dapat malaman natin kung sino yung hair stylist na nag tayo o nagtrabaho dun."

 

 

"Are you serious?" napatigil kami sa pagbasa nung floor plan ng magsalita si Cheche. Bakit kaya ganito yung reaksyon niya, may mali ba sa sinabi namin, parang wala naman. "Bakit?" tanong ko sakanya. "Parlor is what they call a living room during the Victorian Era. Parlor ibig sabihin, sala ng bahay. Tignan niyo, pagpasok mo sa pinto may hagdan sa kaliwa tapos nasa kanan, there are two doors leading to the parlor. It's a huge space which is the living room." tinignan ko ulit yung sinabi niya, mukang tama nga. Mula sa pinto may hallway na mahaba, sa dulo sa kaliwa yung dining room at nasa dulong kanan naman yung kusina. napansin ko din na nasa gitna ng dalawang kwarto yung banyo na parang may hiwalay na daanan. "Layu picturan mo nga, basag kasi yung phone ko hindi natin makikita." binuksan ko yung ilaw dito sa veranda para mas malinaw ang kuha, medyo madilim ngayon umaga dahil makulimlim at umaambon. Kinuhaan ng picture ni Ryujin yung unang palapag, nung sinilip ko, nababasa at malinaw naman. "Tatlong kwarto lang naman pala meron dito sa baba ate. Akala ko ba malaki yung mansyon?"

 

 

"Muka siyang maliit dahil napaka simple ng plano ng bahay pero ayan nakasulat dyan kung gano kalaki yung babang palapag. Nababasa mo ba?" tinignan ko yung mga number na nakasulat sa gitna nung floor plan, 800 square meters. "Layu gano ba kalaki kapag 800 square meters?"

 

 

"Kiminjeong ang aga aga pinag ccompute mo ako. Nagpunta lang naman ako dito para samahan kayo wag ako." binasa ko din yung number na nakasulat sa baba nung floor plan. May nakalagay na three acres. "Che gano kalaki yung three acres?

 

 

 "Well don't ask me, it's too early for that. I don't know."

 

 

"Ate, gano ba kalaki yung-"

 

 

"Wag mo akong guluhin!" sigaw niya sakin kaya nagulat at natawa kami."Hindi mo alam? Ako na nga lang, ano ba yan, gano ba kalaki itong lote natin?" wala ako makuhang matinong sagot sa mga kasama ko, u

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1149 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2140 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko