Chapter XII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Tatlong araw bago ang Mahal na Araw

 

Biyernes 7:00pm

 

Ang dami kong nagawa bago matapos itong linggo na to. Nakabalik na ako dun sa doctor para sa x-ray at sa check up ko, kinailangan kong gawin yun dahil ilan araw na akong nababalibag. Nagawa ko na din yung mga kailangan namin sa farm bago pa dumating ang kwaresma. Wala munang pasok ng pitong araw, may mga tauhan lang kami na maiiwan para mag bantay sa mga alaga namin tsaka may araw na pupunta dun si Ryujin.

 

 

Pagkagaling namin sa farm dumiretso kami dito sa You Only Live Once Funeral Homes o mas kilala sa tawag na Fune-Yolo, ito yung funeraria ng kakilala namin, konsehal na ka-partido ni ate Taeyeon yung may ari kaya malapit na din sa pamilya namin. Nagtitingin ako ngayon ng kabaong para kay Catalina. Tutal matutulog kami sa mansyon ng tatlong gabi at ayaw ko ng gulo kaya naisip ko na magbigay ng peace offering sakanya.

 

 

"Matagal pa ba kayo? magsasara na kami." tinignan ko yung oras alas siyete palang naman ng gabi. "Anong magsasara eh 24 hours bukas itong funeraria niyo."

 

 

"Isang oras na kayo paikot ikot dito sa mga kabaong Kiminjeong, pumili na nga kayo." Kanina pa kami sinusungitan at tinatarayan nitong bantay ng funeraria. Ito yung panganay na anak ni konsehal, si Yuqi. Si Yuqi ang matabang utak na nakaisip ng pangalan ng Fune-Yolo. Kakilala namin siya matagal na, magkaklase sila ni Ryujin nung grade three at grade four. Parehas pa sila ng course nung college kaya kasundo din namin siya at naging kaibigan ko na din.

 

 

"Pareparehas lang naman na kabaong yan ang tagal niyong dalawa." kanina niya pa kami minamadali, ni hindi manlang niya kami asikasuhin at gustong gusto na niya kami palayasin. "Sandali lang naman Yuqi maghintay ka hindi nga kami makapili eh! Ano sa tingin mo yung maganda dito?"

 

 

"Yung pinaka mahal siyempre, yun na bili niyo para maka benta kami. Wala pang namatay ngayon eh." naaalibadbaran ako pag napapatingin ako sakanya, kada dalawang salita na binibigkas niya pinapalobo niya yung chewing gum niya na mukang kaninang umaga niya pa nginunguya. "Ano bibili na ba kayo?baka ma-out of stock na yan bukas kaya bilin niyo na."

 

 

"Eh kung tumayo ka kasi dyan tapos tumulong ka dito para makapili na kami. Hindi mo manlang kami inaasikaso eh customer mo kami." umalis siya sa counter na inuupuan niya at lumipat siya dito sa kabaong sa likod namin. "Dyan ka pa talaga naupo hindi ba mayuyupi yan?" kinatok niya ng malakas yung puting kabaong na inupuan niya. "Metal to hindi basta basta lumulubog. Oy Kiminjeong," hindi ko siya nilingon at tuloy lang ako sa pagtingin dito sa hilera ng mga kabaong sa harap ko."O ano yun?"

 

 

"May yosi ka ba dyan, pahingi nga isa." kinapa ko yung bulsa ko at inilabas ko yung isang kaha. Inabot ko sakanya pati na din yung lighter. "Bakit naman dito ka nagyoyosi? talagang dito pa kung nasaan yung mga kabaong." pinapanood namin siya na nagsisindi. Binalik niya sakin yung kaha pati na din yung lighter. "Pwede yan, wala nga magawa dito eh."

 

 

"Ganito lang ginagawa mo dito araw araw, nag babantay ka mag isa?" tumayo sa tabi niya si Ryujin. Tuloy pa din ako sa pagtingin sa mga kabaong pero mukang may napipili na ako. "Layu ito nalang siguro, para malapit sa dating kulay nung luma."

 

 

"Ano ba gagawin niyo dyan sa kabaong? bakit bibili kayo niyan eh wala naman kayong patay."

 

 

"Idodonate ko nga dun sa kakilala namin. Magkano to, ito yung dark brown?"

 

 

"One hundred fifty thousand yan may kasamang tatlong araw na burol pati isang set ng bulaklak. Pili lang kayo alin dito sa mga kwarto." inabot niya sakin yung booklet na parang puro burol package yung nakasulat. "Bawal mag sugal tsaka inuman dito pag may burol ha. Magagalit si papa tsaka yung mama ko. Tsaka nakakahiya kasi pinag bawal din ni Mayora dito satin yung sugal."

 

 

"Hindi namin kailangan ng burol yung kabaong lang yung bibilin ko."

 

 

"Seventy thousand kung kabaong lang. Yan yung hinahawakan mo seventy thousand yan."

 

 

"Grabe ang mahal naman! Wala na ba tawad yan?"

 

 

"Pwede naman two gives, bayad ka sakin ng kalahati. Kalahati lang din ng kabaong yung ibibigay ko sayo."

 

 

"Hahahahahahahahaha tangina, Layu ano ba naman kausap to. Parang gago."

 

 

"Totoo naman eh pwede naman yun, kalahating kabaong, pili ka kung yung taas o ibabang parte. Kapag taas yung napili, ipatong niyo nalang sa upuan yung dalawang binti nung patay."

 

 

"Hahahahahahahaha ang gago mo talaga. Layu naiintindihan ko na kung bakit kayo magkasundo."

 

 

"Hahahahahahahahaha sabi sayo kaya sila nakakakuha ng customer nahhighblood tapos namamatay dahil sakanya. Umayos ka nga Yuqi para kang gago kausap."

 

 

"Gawa kasi sa metal yan. Matagal pasukin ng kung ano anong parasites yung bangkay pag inilibing mo gamit yan. Meron naman malapit sa ganyan itsura pero gawa sa kahoy. Forty five thousand yun."

 

 

"Meron kayo nun, asan? Pwede ko ba makita?"

 

 

"Andun yun sa likod, sa bodega namin ng mga kabaong. Ano titignan niyo ba?"

 

 

"Sige sige, Layu baka ayun nalang bilin ko kung maayos naman itsura. Masyadong mahal yung seventy thousand. Sana pala bumili nalang ako ng king size na kama."

 

 

"Para saan ba kasi yan Kiminjeong tutulugan mo? Tara sumunod kayo sakin para makita niyo pa yung iba. Ay pero teka pala, ayos lang ba sainyo. Madadaan tayo sa morgue ha baka matakot kayo."

 

 

"Hindi yan sus, wala lang yun."

 

 

"May dalawa na kasing nakahanda sa labas na ibuburol bukas. Wag niyo nalang tignan tsaka natakpan naman na ata yung kabaong nun."

 

 

"Oo sige tara na."

 

 

 

 

 

Pumasok kami sa pinto at bumungad samin yung mahabang hallway na medyo madilim. Sobrang lamig dito kaya kanina ko pa pinagkikiskis yung mga palad ko. 

 

 

"Ayan yung dalawa, hala hindi pa pala natatakpan. Wag niyo nalang tignan ha. Diretso lang kayo, dun tayo pupunta sa pinaka dulong kwarto."

 

 

Dirediretso lang ang lakad namin hanggang sa matapat na kami dun sa dalawang kabaong na nasa lapag. May mga laman na patay babae at lalaki, nakaayos na sila pero hindi pa natatakpan ng salamin. Tinitignan ko yung isa, babae na parang medyo bata. 

 

 

"Ano kinamatay nito Yuqi? Gago bakit parang kaedad lang natin?" yung gusto ko itanong, si Ryujin na ang nagsabi. Napansin ko din na parang may kakaiba sa muka nung babae na nakahiga. "Yuqi yung ulo niya, bakit parang nayupi at hindi pantay?"

 

 

"Oo natagalan nga sila na ayusin yan eh. Grabe yan nung dinating dito sira talaga yung muka tapyas din yung gilid ng ulo." tinitignan namin tatlo yung patay na andito sa hallway. "Binaril sa ulo, nadaplisan ng shot gun."

 

 

"Tangina?! Sino bumaril?"

 

 

"Balibalita, nag away ata yung uncle tsaka yung tatay dun mismo sa loob ng bahay nila. Malas lang kasi siya yung natamaan."

 

 

"Jusko grabe naman. Kawawa, ang bata niya pa."

 

 

"Sobrang nakakaawa lalo nung dinating siya dito, wala na yung likod ng ulo. Tara na pasok na tayo dun sa loob."

 

 

"Sandali, pwede ba alayan muna natin siya ng dasal? grabe to, sobrang naaawa ako, pati na din yung isa pang nakahiga."hindi na kami nagsalita pa at sinunod nalang namin yung sinabi ni Ryujin. Nagdasal muna kami bago kami dumiretso sa bodega.

 

 

 

9:00pm

 

Akala ko nung una aalis din kami kagad pagkatapos pumili ng kabaong. Hindi namin inakala na magtatagal pala kami dito dahil sa mga kwento ni Yuqi.

 

 

Wala kaming maupuan dito sa bodega nila, napasarap ang kwentuhan namin kaya ito kami ngayon. Nakahiga sa tag iisang kabaong. Inalis nalang muna namin yung takip na salamin para komportable kami at hindi kami nahihirapan gumalaw.

 

 

Nagyoyosi kami ni Yuqi habang tuloy lang siya sa mga kwento niya tungkol sa mga karanasan niya dito sa funeraria.

 

 

"Totoo yan sinabi mo Layu, dapat talaga malakas ang loob. Kapag mahina ka wala, babangungutin ka gabi gabi. Hindi lang kasi yung itsura nung namatay yung nagdadala ng takot tsaka kalungkutan. Yung kwento ng bawat tao na namamatay lalo kung hindi maganda yung pagkamatay nila. Kung mahina ka, hindi yun maaalis sa isip mo."

 

 

"Pero teka lang Yuqi, ang titindi na nung mga knkwento mo samin kanina pa pero sinabi mo na may mas malala pa dun?"

 

 

"Meron madami, pero satin satin nalang to ha. Madami dito dinadala ng mga alam mo na, pero hindi pwedeng sabihin kung ano talaga yung dahilan kung bakit nabaril. Basta nanlaban lang, hanggang dun lang yun."

 

 

"Anong ginagawa sa bangkay kapag walang kamag anak na kumuha?"

 

 

"Public cemetery, ililibing lang dun. Pero alam niyo hindi pa yan yung mga matitindi, meron pa mas grabe na nakita ko dati."

 

 

"Ano? buti natatagalan mo magtrabaho dito grabe." dahil sa mga kwento niya hindi ko namalayan na mauubos na pala namin yung isang kaha ng sigarilyo. "O tag isa tayo, huli na to." Inabot ko sakanya yung isa pa at nagpatuloy na din siya sa kwento niya. "Satin satin nalang to. Nung minsan dyan sa morgue, may dinala dati. Ieembalsamo na siya pero biglang nagkapulso."

 

 

"Ha? nabuhay?"

 

 

"Oo lalaki yun nasa mga kwarenta yung edad."

 

 

"Nagkapulso, eh anong ginawa sakanya?"

 

 

"Edi hinintay mawalan ulit ng pulso, business as usual tayo siyempre. Yung mga ganun kasi alam niyo, pitik lang yun. Parang reflex, hindi naman kasi basta basta tumitigil o namamatay yung nerves ng tao. Tsaka ito ha, minsan yung puso pwede pa ma-restart yun pero hindi tatagal kasi mamamatay din. Tsaka totoo yung ano, yung bangkay na kakamatay palang, nakakarinig pa din sila. Ayun may mga ganun minsan, pumipitik pitik pa talaga yung pulso nila pero hindi ibig sabihin na mabubuhay pa sila."

 

 

"Kapag embalsamo tinatanggalan ng dugo dba, saan niyo tinatapon pagkatapos?"

 

 

"Iniinom ko ng may kasamang lemon at asin!" nagkatinginan kami ni Ryujin at natawa kami pareho. "Kadiri ka naman ang baboy mo." inabot ko siya ng paa ko dahil magkatabi lang yung kabaong na hinihigaan namin.

 

 

"Ginawang tequila amputa, ano ba yan Yuqi para ka talagang gago minsan."

 

 

"Hahahahahahahaha gago biro lang ano ako vampira? May maayos kaming drain para dun. Bakit niyo ba natanong yan, bibili kayo ng dugo?"

 

 

"Nakakabilib ka Yuqi, nagagamit mo ba yung pagka nurse mo dito, dba may license ka?"

 

 

"Muka bang nagamit ko Layu? Ikaw sumagot para sakin. Nagagamit ko ba? nakita niyo naman, nakatambay nga lang ako dito eh, tumutulong sa mga customer na kagaya niyo. Napaka kupad pumili ng kabaong."

 

 

"Hahahaha nakapili na kami tsaka babayaran ko na nga epal."

 

 

"Oy cash lang tayo ngayon gabi ha Kiminjeong."

 

 

"Ulol mangungupit ka lang eh, siguro forty thousand lang yun pero ibubulsa mo yung limang libo."

 

 

"Hindi yan, alam mo naman na tapat kami dito sa YOLO Funeral Homes, sa unang lagot tigok. Oy mag aalas diyes na pala, isasara ko na to. 24 hrs yung sa burol pero ito hindi."

 

 

"Yuqi edi ang dami din multo dito?"

 

 

"Oo naman, iba ibang kaluluwa yung nandito. May umiiyak tsaka namamalo pa nga eh."

 

 

"Napalo ka na?"

 

 

"Oo pero minsan lang, di na naulit kasi minura ko siya. Tara na, saan ko pala ipapadeliver yung kabaong mo Kiminjeong?"

 

 

"Hindi na wag na. Kami nalang yung kukuha sa Martes. Patulong nalang kami mag buhat." 

 

 

 

 

 

 

2:30am Sabado 

 

Sinalubong namin ni ate sila Cheche at Vivian. Madaling araw na silang nakarating dahil na-delay daw yung flight nila. Naupo muna kami dito sa veranda, nagpahanda si ate ng konting meryenda at maiinom para sakanila. Hindi pa naman ako inaantok kaya dito muna ako, makikipag usap at makikipag kamustahan sakanila.

 

 

"Ate nasabi ba sayo ni Minjeong sa Sunday we're gonna be staying at the mansion. First time namin gagawin yun, it makes me so excited."

 

 

"Oo nga daw sigurado ba kayo dun, ikaw Vivian okay lang ba sayo wala pang aircon dun ha mga electric fan nalang muna a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1147 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2137 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko