Chapter XI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Isang Linggo Bago Mag Mahal Na Araw...

 

 

8:00am Linggo

 

Kahit napuyat ako at hindi kumpleto ang tulog ko pinilit ko pa din gumising ng maaga para masabayan ko mag almusal si ate Taeyeon. Magsisimba siya dahil Linggo ngayon, pinipilit niya akong sumama kaso tinatamad akong kumilos tsaka ang sakit ng likod ko dahil sa pagkabalibag sakin nung bisita ko kaninang madaling araw.

 

 

"Ano yan Kiminjeong, bakit may nakataling scarf dyan sa leeg mo?" inayos ko yung scarf na suot ko, hindi ko na pinansin yung tanong ni ate at nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko. Ayaw ko ipakita sakanya na may mga pasa ako sa leeg dahil baka mamaya isipin niya na nakipag away ako. Hindi nanaman niya ako tatantanan tapos maghihinala siya na may ginawa o may nakaaway kami ni Ryujin. "Magandang umaga! may naaamoy ako, nangangamoy almusal. Tao po? may tapsilog ba dito?!" jusko bakit kaya napadpad to dito ng ganitong oras. Isa pa to, malamang magtatanong tungkol sa scarf na suot ko. "Good morning Mayora!"

 

 

"Good morning Layu, umupo ka na. Oo may tapa meron din tuyo, sandali magpapakuha ako ng pinggan." 

 

 

"Kiminjeong! ano ginagawa niyo?!" may batang lalaki na sumilip sa bintana. Malamang umakyat nanaman to mula sa terasa kaya biglang andito na siya sa hapag kainan namin. "Nagtanong ka pa, para naman hindi mo pa alam. Tara na dito kumain ka na!"

 

 

"Umupo ka na dito Sito." tinuro ni ate yung upuan sa tabi ko.

 

 

"Nakakahiya naman. Mayora nakakahiya naman po, may plato pa ba? gusto ko din mag kape." nagdala si Manang Carmen ng dalawang plato at kubyertos para sa mga bagong dating."Wag ka mahiya, umupo ka na. Kumain na kayo." umupo sa harap ko si Ryujin at nasa tabi ko naman si Sito. "Salamat po." nagkanya kanyang kuha sila ng sinangag at mga prinitong ulam. Natapos na akong kumain dahil hindi naman ako nag kanin, si ate mukang malapit na din umalis dahil alas nuwebe ang umpisa ng misa.

 

 

Tatayo na dapat ako para ilabas sa kusina yung pinagkainan ko pero napatigil ako saglit nung marinig ko yung knkwento ni Sito. "Ulitin mo nga yung sinabi mo," bumalik ako sa hapag at umupo ulit sa tabi niya, "lunukin mo muna yan pagkain sa bibig mo. Mabibilaukan ka niyan eh." utos ko sakanya.

 

 

"Sabi ko, sabi ni papa yung doctora daw natin sa ospital dun sa bayan. May nakakita daw sakanya na walang malay sa kotse."

 

 

"Doctor?"

 

 

"Doctora, yung mabait at maganda na taga Maynila." parang alam ko na itong kwento na sinasabi niya, sigurado may kinalaman ito kay doctora Yeji. Isa lang ang gusto kong malaman ngayon dahil malamang konektado din to sa nangyari samin. "Pano nalaman ng papa mo?" tanong ko dahil pati nga si ate hindi pamilyar sakanya. Nakaabang kaming tatlo sa karugtong ng kwento niya at hinihintay namin siyang matapos ngumuya. "Dalian mo naman Sito ilan ba ngipin mo?!"

 

 

"Sandali lang naman Layu, hindi pa nga ako tapos. Ito na." lumunok na siya at uminom ng kape. Mukang ganado siya magkwento ngayon dahil nagugustuhan niya yung ulam. "Usap usapan daw po yung nawalan ng malay si doctora, lalo sa palengke dun sa bayan. Kasi madami ang pasiyente ang naghahanap sakanya pero hindi pa siya nakakabalik."

 

 

"Sandali, ano daw ang nangyari dun sa doctor bakit nawalan ng malay?"

 

 

"Wala pa po may alam Mayora kung bakit siya natagpuan ganun sa kotse. Nakita daw po siya sa daan malapit sa Mansion De los Condenar." tumingin sakin si ate Taeyeon, muka siyang nabahala nung nabanggit yung mansyon. Hindi dapat malaman ni ate na kilala namin si doctora Yeji, at posible na nagkaganun siya dahil sa ginawa namin sakanya. "Sino ba yung doctor na yun, kilala niyo?" kailangan ko malaman kung pano nila nakilala yung doctor na yun dahil napaka delikado niya. "Opo kilala nila mama. Kasi siya po yung kumuha ng dugo ko dati nung akala nila may dengue ako. Ang galing niya, tapos libre pa!" nagkatinginan kami ni Ryujin ng marinig namin yung sinabi ni Sito. Si doc Yeji pa mismo ang kumukuha ng dugo ng mga pasiyente eh vampira nga siya.

 

 

Doctor na vampira at kumukuha ng dugo, jusko. Napag kokonekta ko na lahat ngayon. Malamang kaya siya nasa ospital, iisa lang ang pakay niya. Yung mga dugo sa ref dun sa kwarto kung saan nakalagak yung kabaong nung apat. Dapat matigil na to at mapigilan siya. Kaso, asan na kaya siya pagkatapos nung nangyari nung Huwebes. Tingin ko posible na malala ang kundisyon niya o kaya naman hindi siya nakaligtas.

 

 

"Sito yung doctor, asan na daw ngayon? namatay?"

 

 

"Buhay naman kasi iniligtas siya nung mga nakakita sakanya dun sa daan. Ang sama mo Kiminjeong! Hindi siya patay, buhay na buhay."

 

 

"Tinanong ko lang naman." napainom ako ng tubig nang marinig ko na buhay pa pala siya. Isa pa yun, sigurado matindi ang galit samin dahil sa nangyari. Hindi pa din tapos to, alam ko na gagantihan pa din nila kami lalo na ngayon na dalawa sakanila yung sinubukan namin patayin.

 

 

 

 

 

10:00am

 

Lumipat na kami dito sa kwarto ko. Tuloy pa din ang kwento ni Sito tungkol sa doctora habang naglalaro sila sa lapag ni Sharpay. Puro bata daw yung madalas na nagpapa check up kay doc Yeji dahil Pediatrician din pala siya at hindi lang Internal Medicine ang kanyang specialization.

 

 

"Buti nalang madaming alam tong bata na to Kiminjeong." ginulo ni Ryujin yung buhok ni Sito pagkatapos niyang mag kwento. "Totoo, buti nalang may pagka chismoso siya. Alam niya kung saan yung bahay at alam din niya na nagsisimba yung doctora na yun linggo linggo."

 

 

"Nakakapag taka lang na hindi siya kilala ni Mayora."

 

 

"Sito, gusto mo ba na ilakad mo muna si Sharpay dun sa bakuran?" kailangan muna lumabas nitong bata dahil may importante kaming pag uusapan ni Ryujin. "Oo ba! pahiram muna nitong anak mo ha Kiminjeong." nung binuhat niya si Sharpay binigay ko din sakanya yung tali at yung isang laruan. "Wag mo lang hayaan na makalabas siya sa gate tsaka Sharpay, pakabait ka, makinig ka kay Sito at wag kang lalapit sa basura!" kinalabit ko ng mahina yung ilong niya. "Okay, babalik nalang kami bbye!" natawa kami ni Ryujin nung akala namin sumagot at nagsalita na yung alaga kong biik. 

 

 

"Ano ba ginagawa mo dyan sa laptop mo, parang ngayon nalang ulit kita nakita na gumamit niyan. Tsaka itong desktop yung ginagamit mo sa trabaho ha. Ano ba yan?" lalapit at sisilipin niya yung ginagawa ko pero madali kong iniwas yung laptop na hawak ko. "Wala to." pag putol ko sa usapan.

 

 

May hinahanap ako na importanteng bagay na kailangan kong bilin tsaka may nililipat akong video mula sa computer ko, yung kuha kaninang madaling araw. Naisipan kong gamitin itong laptop na to dahil ito yung pinaka safe. Yung video na yun ay hindi dapat makita ng ibang tao.

 

 

"Buhay daw si doctora, ano nanaman paghahanda ang gagawin natin?" panimula ko. Nung sumugod dito kanina si Catalina, ganun din pala ang nangyari kaninang madaling araw sa kwarto ni Ryujin. Kinulong siya nung dalawa, sumugod sakanya sina Gisele at Sorin. Nakakapagtaka lang dahil ayaw na pag usapan ni Ryujin at pansin ko na umiiwas siya.

 

 

"Pabayaan nalang natin sila, hangga't buhay pa tayo, tuloy lang. Pero kapag sumugod pa ulit, labanan natin. Mag imbak ka na ng bawang sa kwarto mo parang ganito," pinakita niya sakin yung picture ng supot ng bawang na nakatago sa ilalim ng kama niya. "Tama ka, ayaw ko na problemahin, hangga't hindi tayo nalalagutan ng hininga tuloy lang."

 

 

"Ano ba yan?" mabilis kong isinara yung laptop ng bigla nanaman niyang sinilip yung ginagawa ko. "At bakit ka nagtitingin ng kabaong Kiminjeong?" walang hiya mukang nasulyapan niya pa yung snsearch ko sa internet. Hindi ko pinansin yung tanong niya at binuksan ko ulit yung laptop ko. 

 

 

"Nagtitingin ka ng kabaong para sa crush mo?" nagkibit balikat ako at nagpanggap na walang naririnig. "Hindi naman kita hinuhusgahan kung anong gusto mong gawin. Pero wag mo itago." medyo naguilty ako nung marinig ko yung sinabi niya. "Papalitan ko kasi sana yung kabaong ni Catalina." nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko sakanya to. Pero si Ryujin to kaya ayos lang. "Baka kasi wala siyang tulugan."

 

 

"Tatanungin kita, ano na ba balak mo Kiminjeong? anong nangyari dun sa paghihiganti at pag pplano natin? bakit parang bigla nalang nabura lahat yun? Nawala din yung galit mo sakanila."

 

 

"Naaawa ako sa nasaksihan natin kahapon."

 

 

"Ginulpi ka niya nung isang linggo at halos mabali na yan leeg mo, sinugod at muntik ka pa niyang kagatin kagabi tapos sasabihin mo sakin na naaawa ka?"

 

 

"Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, gusto ko gantihan yung lahi nila pero may parte na parang, basta wag na nga natin pag usapan."

 

 

"Ano ba talaga yung nangyari kaninang madaling araw, kilalang kilala kita may hindi ka sinasabi sakin."

 

 

"Pinagbantaan niya lang ako. Kasalanan ko daw na hindi pa natin siya pinatay, yun lang tapos umalis na."

 

 

"Ako to Kiminjeong, hindi ka makakapag sinungaling sakin. Nag iba ang tono at pananaw mo tungkol sa mga vampira dahil dyan kay Catalina. Sabihin mo sakin yung totoo, kinagat ka ba niya kagabi o may ginawa siya sayo tapos pinagtatakpan mo siya?"

 

 

"Wala Layu, pinag bantaan niya lang ako."

 

 

"Pano ako maniniwala sayo, sa buong buhay mo ngayon lang kita nakitang nag suot ng scarf. Wag mo sabihin sakin na bigla mo lang naisip yan? saan ka naman nakakita ng nakapambahay hindi pa naliligo pero naka scarf. Muka kang gago."

 

 

"Hindi, nagising nalang ako na gusto ko na, parang interesado ako na maging ano,"

 

 

"Interesado na ano?!" nung tumaas boses niya parang mas nagbubuhol buhol tuloy lalo yung mga naiisip ko. "Interesado ako na maging flight attendant, stewardess. Kaya ako nag suot nito."

 

 

"Jusko. Kung yung anak mong biik naloloko mo ibahin mo ako. Tanggalin mo yan scarf at pakita ng leeg mo." umiwas ako sakanya nung lumapit siya sakin. Sinusubukan niyang alisin yung nakatali sa leeg ko pero sinasalag ko siya at todo ang pag iwas ko. "Titignan ko lang! kung wala kang tinatago kayang kaya mo alisin yan." Tuloy lang siya at muntik na niyang mahablot.

 

 

"Wala naman kasi!"

 

 

"Kinagat ka noh tapos ayaw mong umamin. Sasabihin ko kay Mayora na magtawag na ng albularyo bago pa mahuli ang lahat! hindi ka namin matutulungan kapag naging vampira ka kaya sabihin mo na."

 

 

"Hindi nga niya ako kinagat! Pero nagkaron ako ng ganito." tumayo ako sa salamin at inalis ko yung scarf na suot ko. "Ito tignan mo Layu, sinubukan kong pahiran ng alcohol at betadine kanina. Hindi naman mahapdi pero kulay pasa at nangingitim na."

 

 

"Ay gaga ka, sino naglagay niyan sayo?!"

 

 

"Si Catalina, sinipsip niya yung leeg ko nung sumugod siya kaninang madaling araw. Kailangan ko bang magpa doctor?"

 

 

"Layu ano sa tingin mo? kailangan ko ba magpatingin, kakalat ba to?!" nakakairita kausap to si Ryujin. Yung reaksyon niya hindi ko maintindihan. Nakikita ko na unti unti siyang napapangiti at nagpipigil ng tawa. "Bakit ganyan ka? Layu ano! delikado ba?"

 

 

"Tangina yung leeg mo naging parang leeg na ng Cheetah sa dami ng chikinini!!!" hinawakan niya yung muka ko "Tumingala ka!" sinunod ko yung sinabi niya at ngayon naman iniinspeksyon niya yung mga pasa sa leeg ko. "Grabe hindi to pwede makita ni Mayora lalo ng kambal mo. Iisipin nila may karelasyon ka."

 

 

"Ha?" hindi ko maintindihan yung ibig niyang sabihin, pasa pero kinokonekta niya sa relasyon. "Yung leeg mo puro kiss mark. Boyfriend, girlfriend tsaka FuBu, yan lang ang pwede gumawa niyan sayo."

 

 

"Eh si Catalina nga gumawa nito, akala ko talaga papatayin niya ako kagabi pero hindi pa niya ako tinuluyan. Hiniwa niya yung balikat ko, tapos yun sinipsip tsaka diniladilaan niya yung leeg ko. Hindi ko alam ano ba talaga gusto niyang mangyari dun sa banta niya sakin."

 

 

"Alam mo totoo, ang hilig nilang mandila tsaka umamoy ng leeg. Tingin ko dahil sa pulso yun eh, gustong gusto nila yung parte na yun. Yung kagabi ganun din, wag na nga natin pag usapan."

 

 

Napapaisip ako ngayon, dapat ko din ba sabihin kay Ryujin na inamoy amoy ni Catalina yung tiyan tsaka dibdib ko o wag nalang. Wag na nga baka kung ano pa isipin niya.

 

 

"Layu ikaw, ano ba talaga nangyari nung sumugod sila sa kwarto mo, bakit hindi mo ako tinawagan?"

 

 

"Ayun nga, pinagbantaan nila akong dalawa. Hindi pa daw sila tapos satin at umpisa palang daw to." Parehas lang pala kami ng banta na natanggap. Nakakapag taka talaga na puro sila pagbabanta pero hindi naman kami pinapatay. "Isearch kaya natin ano ibig sabihin ng mga kilos ng mga vampira? pwede kasi na, hindi pa tayo pinapatay ngayon kasi baka may nakatakda silang oras alam mo yun. Parang yung baboy o kambing na inaalagaan para kapag may handaan, birthday o binyag, dun palang nila kakatayin. Tingin mo, hindi kaya ganun tingin nila satin?"

 

 

"Hindi malayo. Dapat malaman natin kung bakit hindi pa nila tayo kinakagat para may panahon pa tayo na tumakas. Ayan sakto nakabukas na yan laptop mo, sa Google ka maghanap."

 

 

"Teka ano hahanapin ko?" tanong ko sakanya. Sana lang masagot ng internet lahat ng tanong namin tungkol sa lahi nila.

 

 

"Ano hahanapin ko?" pag uulit ko. "Kung ano ibig sabihin ng mga kilos nila, yung nang aamoy ng leeg tsaka kakaiba tumingin. Yung tingin kasi nila satin para silang nakapila sa buffet eh. Kulang nalang maglaway sila. Type mo dyan sa Google tapos basahin mo nalang kung ano nakalagay. Hihiga muna ako dito sa kama mo."

 

 

"Okay," nag open ako ng bagong window at nag simula akong mag type. Magandang strategy din to, aaralin namin yung mga kilos at galawan ng kalaban.

 

 

*typing...

 

 

Why do.. *delete* how do a vampire see.. *delete* why do a vampire look on a person *delete* at the person.. *delete* how the vampire looking in the person why? *delete*

 

 

"Tangina, Layu! pano ko ba ittype, ito yung gusto ko sabihin eh, bakit ganun tumingin yung mga vampira?"

 

 

"Ano ba yan, itype mo nalang ano. Why vampires look like that?" 

 

 

*typing...

 

 

Why vampires look like that?

 

 

Na-click ko yung unang una kong nabasa na topic. Napaka haba ng nakalagay, nakakatamad basahin kaya nag type nanaman ako ng bago. 

 

 

*typing...

 

 

Why are vampires..

 

 

Nakita ko na ang daming naglabasan na mga suggestion, clnick ko nalang yung unang una. "Why are vampires attractive?" binasa ko yung nakasulat.

 

 

The ualization of and obsession with vampires shows that people are intrigued by their habits of bloodsucking, killing, and nourishing themselves off of human life. We use their supernatural characteristics to cover up for the fact that humans desire these behaviors, even when it isn't fantastical.

 

 

"O ano sabi?"

 

 

"Nasulize daw yung mga vampire kasi naiintriga mga tao sa pagka gusto nila sa dugo."

 

 

"Ha, nakalagay dyan? Sila pa yung na-seualize eh ikaw nga yung nalagyan ng madaming chikinini." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Layu. Ang labo niya, hindi ko maintindihan yung mga hinihirit niya kaya nag type nalang ako ng iba.

 

 

*typing... 

 

 

Why do vampires... "ayun ito!!" 

 

 

Why do vampires before biting their prey? 

 

 

"Layu ito na!! makinig ka!" nag simula akong basahin yung article na na-click ko. "Before biting, vampires wet and soften the bite area by repeatedly a patch of skin. Their bite is swift and clean, such that the sleeping prey are usually unaware of their nocturnal visitor. Ayan yung pinaka dahilan kung bakit sila dila ng dila sa leeg ng tao!"

 

 

"Ay ganun, nako Kiminjeong mukang umasa ka pa naman na type ka din ni Catalina kaya ka niya dinilaan. Para sa pagkagat lang din pala kaya sila nandidila. Wag mo nalang bigyan ng ibang kahulugan para hindi ka masaktan."

 

 

"Anong pinagsasabi mo? para kang tanga. Anong umasa ka dyan? hindi naman kaya." nakakairita kasi parang nangbubuyo pa siya habang ang lungkot ng muka niya. "Wag mo akong inisin Layu ano ba!" 

 

 

"Para kang gago wala naman akong ginagawa nakahiga lang ako dito."

 

 

"Eh nakatingin ka sakin eh!"

 

 

"Malamang tanga naguusap tayo eh, saan mo ako gusto tumingin. Tumingala ako sa kisame habang nakaharap ako sayo?" nakakainis to si Ryujin kung ano ano sinasabi ang aga aga parang nasira tuloy araw ako. Magssearch na nga lang ako ng iba pa.

 

 

*typing...

 

 

How do you know if.. *delete* How do *delete* do a vampire like a gir *delete* "putangina pano ko ba itatanong to."

 

 

*typing...

 

 

Do a vampire like a person? "Ayun tangina nahuli din kita," bumubulong nalang ako dito at hindi ko na pinaparinig kay Ryujin dahil baka kung ano ano nanaman ang ikomento niya. Ito mismo yung hinahanap ko dahil gusto kong malaman.

 

 

How to Know if a Vampire Likes You 

 

 

Pagka click ko napikon lang ako sa nakalagay akala ko naman makakatulong pero wala din naman palang kwenta.

 

 

When you know, you know.

 

 

"Ano kaya yun, wala naman sign. Iba na nga lang." nagclick nalang ako ng kung ano anong topic and articles hanggang sa makaabot ako dito.

 

 

Can Vampires Fall In Love With Me?

 

 

Pasimple ko munang tinignan si Ryujin, nakahiga siya sa kama at nag pphone lang. Hindi siya tumitingin sa gawi ko at hindi naman niya makikita itong mga pinagbabasa ko kaya ayos lang. Interesado lang akong malaman tsaka for research purposes naman kasi to. Kailangan namin alamin ang kilos ng kalaban.

 

 

Very traditionally speaking, NO. Most folklore vampires are meant to be evil, a specific evil or evil in general. Incarnate and not capable of such emotions. More modern fictions have humanised the vampire, and it really depends very much upon which version you're looking at. If you want a clear answer if a vampire might fall in love with you, I am sorry to break it to you but NO! They won't!

 

 

Ang eepal naman ng mga gumagawa nitong mga article na to nakakabwisit. Malamang hindi totoo yan hindi pa naman kasi kayo nakakakita ng totoong vampire. Iba na nga lang, huli na pagkatapos nito aayain ko na si Ryujin papunta sa bayan.

 

 

*typing...  "Uy, ano to?" ayaw ko naman talagang basahin to pero kasi ito yung unang unang napansin ko dun sa page na na-click ko.

 

 

How To Kiss a Vampire

 

 

Umayos ako ng upo at mas lumapit pa ako sa computer screen. Buti nalang nakaharap ako sa kama kaya hindi makikita ni Ryujin kung ano yung binabasa ko dito sa laptop ko.

 

 

Just like vampires do it, plant a deep kiss on their neck while the area and biting it gently. You can go a little with your hands and give a love bite as well. Napalunok ako dahil dito sa binabasa ko, huli na tong article na babasahin ko kasi baka kung saan pa ako umabot. Pero teka, ito last na talaga to. Nakatawag pansin sakin yung video sa bandang pinaka baba, nung binasa ko yung title mukang ito ang makakapag bigay liwanag at makakasagot sa lahat ng mga katanungan ko tungkol sa mga vampira.

 

 

Vampire Babes Dominated and Drained In The Dungeon MILF | Ebony

 

 

**click**

 

 

Nag play sa speakers ni Kiminjeong nang hindi inaasahan:

 

I’ve been a really naughty girl daddy spank me! [slap sounds] uhhh ohh aaahhh! Pull my hair and me like a wild animal!! 

 

 

Sa sobrang taranta ko dahil sa video na nag play nahugot ko lahat ng wire dito sa computer table ko at naisara ko ng malakas yung laptop ko. "Hoy ano yung pinapanood mo?! Hahahahahahaha! Umagang umaga, araw pa naman ng simba!"

 

 

"Wala! may napindot lang ako. Tigilan mo ako Ryujin ha hindi ako nakikipag biruan." kailangan kong kalmahin yung sarili ko dahil malamang pulang pula yung muka ko ngayon. "Umuwi ka na nga Layu."

 

 

"O bakit? pinapauwi mo ba ako kasi itutuloy mo yung pinapanood mo? mag earphones ka naman baka mawindang si Manang Carmen kapag narinig niya yan!" mabilis akong tumakbo sa kama at hinampas ko siya ng unan. "Ang gago mo napindot ko nga lang yun!"

 

 

"Hahahahaha oy si Cheche, tumatawag!" tinignan ko yung phone niya, pangalan nga ni Cheche yun. "O sagutin mo na malamang ikaw gusto makausap niyan." kinuha ko yung phone niya at kinausap ko yung kambal ko. Kay Ryujin muna siya tumatawag sa ngayon dahil hindi ko pa natatanggap yung bagong cell phone ko. "Layu sandali lang ha, kakausapin ko lang si Che,pahiram lang muna nito." umupo ako sa bintana at kinausap ko siya.

 

 

Pagkatapos ng kinse minutos...

 

 

Chaewon:  ngayon nalang ako hihingi ng favor sayo, alam mo na sobrang bihira ko gawin yun Minjeong, pero hindi mo pa ako mapagbigyan

 

 

Chaewon: ayaw mo ba na makihati ako dun? sabihin mo lang sakin hindi yung ganito

 

 

Minjeong:  hindi, hindi naman kasi ganun yun eh, hindi ko pinagdadamot sayo at hindi ko din sinosolo yung mansyon kaya wag mong isipin yan

 

 

Chaewon:  then why can't you allow me and Vivs to stay there? what's your reason? it's for a short period of time Minjeong nag usap na tayo weeks ago pa

 

 

Chaewon:  is this about you and Vivian's petty fight again? sa sobrang galit mo sakanya kaya ba ayaw mo pumayag na mag stay kami dun? binilan ko na nga ng mga gamit tapos ngayon hindi ako pwede pumunta just because you have changed your mind?

 

 

Chaewon:  I hate to say this and alam ko naman na hindi mo ugali yan, but you are being so selfish. Ngayon lang ako humingi ng favor from you but you have the audacity to do this to me, hindi kita sinusumbatan pero grabe naman Minjeong. Sinabi ko na sayo that we're doing this for a film. Yun yung naisip ko na perfect spot para makapag prepare kami ng maayos dun sa movie na gagawin namin

 

 

Chaewon:  I'm sorry if nasumbatan or nagulo kita. Fine, I  don't wanna argue anymore. I won't be going to the mansion kung yan yung gusto mo

 

 

Minjeong:  Che teka lang, makinig ka muna hindi ko kasi, hind nga pwede pumunta dun

 

 

Chaewon:  what? you can't even give a clear reason as to why I can't go there

 

 

Minjeong: gano niyo ba katagal balak mag stay sa mansyon? ipapaayos ko pa kasi walang kuryente tsaka tubig dun ngayon

 

 

Minjeong:  tsaka kailan ka uuwi dito?

 

 

Chaewon:  we will be arriving Friday night, Vivs will be joining me. Frankly, I don't understand why you changed your mind and you're not enthusiastic about that mansion anymore

 

 

Minjeong:  sira nga kasi yung linya ng kuryente tsaka tubig dun maniwala ka

 

 

Chaewon:  okay ganito nalang can we just stay there for three or four days, at least? we need a remote area just to prepare and get in character. It's part of the job Minjeong I hope you understand

 

 

Minjeong:  pero pano tayo matutulog dun kung walang kuryente at tubig?

 

 

Chaewon:   I can get us a power generator, I will have it delivered there, it won't be a problem

 

 

Minjeong:  dadating ka ng biyernes, edi bago mag lunes ng kwaresma?

 

 

Chaewon:  yes before holy monday and we'll stay the whole month in our house

 

 

Minjeong:   kailan mo balak pumunta sa mansyon?

 

 

Chaewon:   on easter sunday, I hope we can do that nag promise na din ako kay Vivs

 

 

Minjeong:  okay meron pa palang thirteen days bago tayo matulog dun

 

 

Chaewon:   yeah exactly. so I guess we still have time to find someone who can fix the electricity and the water line

 

 

Minjeong:  o sige aayusin ko muna lahat bago tayo matulog dun

 

 

Chaewon:  Minjeong pasensya ka na, ito na kasi yung plano natin and I've set my mind on this. Kung hindi naman to related sa job I won't be asking a favor from you. I'm sorry

 

 

Minjeong:  ayos lang. Sige hihintayin nalang kita na dumating dito. Ingat ka

 

 

Chaewon:  thanks. mag ingat ka din lalo pag nagddrive ka sa farm tsaka pag nagpupunta ka sa mansion

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1142 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2132 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko