Chapter IV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Lunes 1:00pm

 

Alas singko palang ng umaga nung pumunta ako dito sa farm, nauna na ako kay Layu dahil kailangan kong kunin yung binili ko na bagong alaga. Nagpunta din ako dito dahil gusto ko makita yung alaga naming tatlong inahin baboy na manganganak na. Sobrang iniingatan namin na meron mapilay sakanila kaya naman pag malapit na sila manganak todo bantay kami sakanila. Magkasunod na naglabas ng biik yung dalawa kanina, labing walo sana lahat lahat kaso meron tatlong namatay.

 

 

 

 

Nanananghalian kami dito sa opisina. Ang dami namin ginawa ngayon araw. Nagpulong kami kanina at binasa din namin yung inventory kaya ngayon nalang kami nakakain.

 

 

"Talagang hindi ka pa din kumakain ng karne? tikman mo lang." inusog ni Layu yung pinggan sa harap ko. Tinanggihan ko yung ulam dahil ayaw ko nito. "Alam mo Kiminjeong napaka weirdo mo eh, nagsusupply tayo ng baboy at baka sa lahat ng slaughter house dito pero ikaw mismo hindi ka kumakain ng karne. Ano kaya yun?" nakatawa siya at halatang nang iinis.

 

 

"Eh bakit ba, ganun talaga. Yun nga yung dahilan kaya piggery tsaka livestock farm to na walang slaughter house. Hindi ko kaya makita na pinapatay at kinakatay sila. Buhay natin silang binibenta."

 

 

"Ganun din yun, binibenta mo sila para katayin tapos mapupunta sa tiyan ng tao. Parang ganito." sinubo niya yung karne na nakatusok sa tinidor niya."Ano ba yan Layu tama na nga! Igguilty mo nanaman ba ako, o sige tara isara na natin to. Nagsasalita ka ng ganyan habang kumakain ka pa ng adobong baboy ano ba yan."

 

 

"Kailangan mo din ng protein puro ka nalang gulay."

 

 

"May isda naman eh, okay na to."

 

 

Ilang taon na din akong hindi kumakain ng manok, baboy at baka. Tuwing kakain kami sa bahay, isda o yung gulay lang na kasama nung ulam yung kinakain ko. Tumigil kasi akong kumain ng karne simula nung binigyan ako ni lolo ng alagang biik nung sampung taon gulang palang ako, tumagal din siya kasama namin kaso nagkasakit at namatay siya dahil matanda na.

 

 

Ngayon meron nanaman akong bagong alaga at siya yung rason kaya maaga akong nag punta dito. Siya si Sharpay. Micro pig na kulay light pink, hinatid siya dito kagabi nung kakilala namin na may ari din ng babuyan. Sa Maynila pa daw galing si Sharpay dahil hindi basta basta nabibili yung lahi niya. Hindi pa siya nakikita ni Layu, mamaya ko nalang sasabihin sakanya bago kami umuwi. After six years magkakaron nanaman ako ng best friend na biik, excited na ako sa bagong alaga ko. Sisiguraduhin ko na iingatan at aalagaan ko siya mabuti.

 

 

 

 

6:30pm

 

Nagkaayaan na kaming umuwi dahil tapos naman na yung trabaho namin dito sa babuyan. Alas sais medya na ng gabi kaya pwede ng umuwi. "Sa bahay mo nalang ipakita sakin yung video tsaka ano ba yung ikkwento mo na napansin mo kahapon?" nag uusap kami habang inaayos ko sa likod ng sasakyan ko yung kulungan pati yung mga feeds na iuuwi ko. "Layu, may ipapakita pala ako sayo. Dyan ka lang hintayin mo ako dito." nagpunta ako sa likod ng office para kunin sa secretary si Sharpay. Nung inabot siya sakin, nalinis na siya at natignan na din nung beterinaryo.

 

 

"Hello!" bumalik ako sa sasakyan at hawak ko na yung bagong alaga ko. "Uy sino yan? ang cute!" lumapit sakin si Layu at agad binuhat si Sharpay. "Ano pangalan niya? may bago ka na pala ulit aalagaan! Hi anong pangalan mo?" kinakausap at tinitignan niya yung muka ni Sharpay. "Grabe napaka swerte mo dahil si Kiminjeong yung magiging nanay mo! Sana tumagal ka din samin ha. Ano pangalan niya?" tanong niya sakin. "Sharpay yung pangalan niya, yun yung binigay nung mga nagpa anak sakanya. Ayaw ko baguhin kasi baka maguluhan tapos magka identity crisis pa siya."

 

 

"Ang cute cute naman nito pero bakit Sharpay, alam mo ano mas bagay sakanya?"

 

 

"Ano, may naiisip ka pa bang mas maganda?"

 

 

"Bacon! o kaya naman Spam."

 

 

"Layu manahimik ka nga, akin na siya!" kinuha ko na yung alaga ko at hinalikan ko sa noo bago ko ipasok sa kulungan. Sumakay na din si Layu sa sasakyan niya at mag cconvoy nalang kami pauwi, magkahiwalay kami ng kotse ngayon dahil nauna akong pumasok sakanya.

 

 

Thirty minutes ang layo nitong piggery papunta sa bahay namin, madalas ang uwi namin ay alas kwatro ng hapon, pero kapag madaming ginagawa minsan inaabot kami ng alas otso ng gabi."

 

 

**BEEP BEEP**

 

 

Nagbusina ako para malaman niya na pinapauna ko na siyang lumabas sa gate. Pinindot din niya yung busina sabay pinatakbo na yung sasakyan.

 

 

Tago at malayo sa main road itong farm namin kaya mahaba haba yung lalakbayin. Puro mga palayan lang ang mga makikita sa daan at walang mga bahay dito sa lugar na to. Yung mga tauhan namin may mga bahay sila sa loob na mismo ng farm kaya hindi na nila kailangan pa mag biyahe ng malayo. 

 

 

"Ay tangina!!!" **BEEEEEEEEEP**

 

 

**BEEEEEEEEEP*

 

 

**BEEEEP**

 

 

Binuksan ko yung bintana ko at sinisilip ko yung tumawid. "Tangina bakit tumatawid ka bigla?!! Bulag ka ba?!" nilakasan ko yung ilaw ng headlights ko dahil may muntik akong masagasaan. Buti nalang natapakan ko kagad yung preno nung makita ko yung babae na biglang tumakbo sa daan. "Tangina nasa bukid na nga, makakasagasa pa ako." sinara ko na yung bintana at nagpatuloy na akong magmaneho. Nung sinilip ko siya wala ng tao sa daan at mukang nakaalis na. Sigurado ako na hindi ko siya natamaan dahil mabilis akong nakapreno.

 

 

**ringing ringing**

 

KMJ:  hello?

 

LYU:  oy ayos ka lang?nakita ko bigla kang tumigil

 

KMJ:  okay lang ako, may tumawid kasi, muntik ko ng masagasaan. Nauuna ka sakin, nakita mo ba?

 

LYU:  hindi ko napansin madilim eh

 

KMJ:  nakakabwisit biglang tumawid nakita naman niya na may padating na sasakyan

 

LYU:  sabi sayo lakasan mo yung ilaw mo kapag dadaan ka dito ng gabi, malabo yan mata mo, baka mabangga ka

 

LYU: wag din masyadong mainitin ang ulo mo

 

KMJ:  oo sige, sige na. kita nalang tayo sa bahay

 

 

 

 

 

10:00pm

 

"Layu hinaan mo naman yung tugtog mo, grabe hindi ka ba nagsasawa dito sa kanta na to? Ilan taon mo ng inuulit ulit to eh."

 

 

"Hindi, kahit kailan hindi ako magsasawa dito dahil ito yung pinaka paborito ko." inulit niya sa umpisa yung kanta at nilakasan niya pa. "Ano nga title niyan? narinig ko na yan dati nung kinanta ni Cheche sa karaoke."

 

 

"Sway yung title nitong kanta tapos yung kumanta si Bic runga."

 

 

"Alam mo maganda yan eh, sobrang ganda kaso nung paulit ulit mo ng pinapatugtog sa kotse kahit dun sa babuyan. Tangina pumanget na."

 

 

"Hahaha bakit ba, national anthem kasi to kaya pinapatugtog ko dun sa mga speaker natin sa farm."

 

 

"Pati yung mga manok tsaka mga biik sawang sawa na dyan eh."

 

 

"Pano mo naman nalaman, sinabi ba nila sayo? Gusto nila yan maniwala ka."

 

 

"Ewan ko sayo."

 

 

Pinatay at pinitik ko na yung sigarilyo ko. Nakatambay kami ngayon dito sa veranda sa likod ng bahay nila Layu, dito ako nag pupunta tuwing gabi para maki yosi. Hindi kasi ako nakakapag yosi sa bahay ng ganitong oras dahil madalas akong nahuhuli ni ate.

 

 

Kanina pinag usapan namin yung nangyari kahapon. Nung matapos namin ilabas yung kahon, inikot namin lahat ng kwarto dun sa mansyon. Walang laman na kahit ano sa loob at labas, maliban dun sa lumang ref na nakatambak sa likod ng bahay. Napansin ko din na meron sirang bintana sa mga kwarto, mga ilaw na pundido at may mga butas sa bubungan. Madali na ayusin yun, kailangan lang namin makahanap ng karpintero na papayag gumawa para samin.

 

 

Napagdesisyunan namin ni Cheche na hindi talaga namin ibebenta yung huling bigay ni lolo. Sobrang sayang yung mansyon kapag hindi namin gagamitin, napaka lawak nung lupain tsaka ang ganda ng view ng dagat. Naisip din namin nila ate Taeyeon na gamitin yung lupa para taniman ng iba't ibang prutas na pwede namin isupply sa mga palengke.

 

 

Nung umuwi kami kahapon, nakaabang kagad samin silang lahat, nagulat kami dahil nag tawag pa pala sila ng pari para mag bendisyon. Hindi na namin ipinasok sa loob ng bahay yung kahon. Pagka lapag namin, agad nilang dinasalan tapos sinunog at ibinaon sa ibang lugar. Nung una, hindi naniwala samin si ate Taeyeon nung nakita niya yung kahon na inuwi namin, pano daw kasi nangyari yun tsaka napaka imposible daw na karton lang pala ng Nissin cup noodles yung pinagmumulan ng malas. Akala niya nag imbento at ginawa lang daw namin yun. Buti nalang nung si Cheche na yung nag paliwanag sakanya, naniwala din naman siya.

 

 

"Nalilito ako sa sinasabi mo Layu. Isa isa lang. Alam mo naman na nabubulol ka pag nagmamadali ka magsalita. Ulitin mo nalang, makikinig ako sayo." may binanggit siya sakin na mga bagay na napansin niya sa mansyon, hindi ko naman maintindihan dahil sa sobrang sabik niya mag kwento nagbuhol buhol yung mga sinasabi niya. "O sige makinig ka mabuti iisa isahin ko yung mga napansin ko kahapon na parang hindi tama." kumuha ako ng isa pang stick ng sigarilyo at sinindihan ko. "Sige, makikinig ako."

 

 

"Sabi ko, tuwing tinatanong natin si Mang Dante tungkol sa kababalaghan dun sa mansyon niyo, nahalata ko na lagi niyang pinuputol at iniiba yung usapan."

 

 

"Ha, alin dun?"

 

 

"Una, tinanong niyo kung may nakatira ba na isang buong pamilya dun, sumagot kagad siya. Sabi niya wala daw siya nakita kahit kailan. Tinanong ni Cheche kung minalas na siya dahil sa mansyon, ang sinabi niya hindi at gumanda pa daw yung buhay niya dahil dun."

 

 

"Eh baka kasi yun naman yung totoo."

 

 

"Hindi, makinig ka muna. Tinanong niyo yung tungkol sa kahon na puro tuyong dugo at injection, dba yung sagot niya parang todo iwas tsaka iniba niya bigla yung usapan?"

 

 

"Nahalata ko yan, oo nga."

 

 

"Nung tinanong mo siya tungkol sa gate kung bakit walang kandado ano sinagot niya, dba sabi niya nakalimutan niya lang? Yung gate muka lang luma pero ang dali niyang naikawit at naisira. Tsaka napansin mo ba yung mga door knob dun sa mansyon, kung walang nakakapasok dun bakit lahat maayos at gumagana? yung mga pinto hindi manlang maganit at maayos pa. Kung abandonado yun dapat kahit isa manlang sa mga pinto sira tsaka mahirap ng buksan, eh kaso pati sa mga banyo at kwarto sa taas lahat maayos."

 

 

"Baka kasi maayos talaga si Mang Dante sa trabaho niya kaya ganun. Hindi niya hinahayaan masira yung mga gamit dun."

 

 

"Nung pauwi tayo hindi mo ba narinig yung sinabi niya, bihira lang din siya pumasok dun tsaka mahigit walong buwan na yung huling beses na pumasok siya. May nakita ka bang alikabok sa loob, dba wala? malinis!"

 

 

"At hindi lang yun, ang kintab pa ng sahig!" dagdag niya pa. Naiintindihan ko naman yung sinasabi niya pero sisiguraduhin ko nalang din. "Ano ba yung punto mo Layu?"

 

 

"Kiminjeong mag isip ka nga! Sigurado ako pinapa rentahan niya yung mansyon niyo sa ibang tao ng hindi niyo alam. Kasabwat siya nung illegal settlers. Baka nagbabayad sila ng renta sakanya kaya hinahayaan at pinagtatakpan niya."

 

 

"Teka nga, mahirap mag bintang. Tsaka nakita mo naman yung itsura nung lugar napaka layo sa main road, tingin mo may maglalakas loob tumira dun, alas dos ng hapon yung katahimikan akala mo pang madaling araw eh. Walang tao na nagpupunta dun."

 

 

"Kung walang taong nagpupunta dun bakit may sirang ref sa likod na makabago yung model, ito kinuhaan ko ng picture." inabot ko yung phone niya at tinignan ko yung picture. "Alam mo, hindi nga ref to eh, ngayon lang ako nakakita ng ganitong itsura na ref. Ikaw nakakita ka na ba ng ganyan?" tanong ko sakanya. Ito yung nakita namin sa likod bahay na mukang tinapon at iniwan lang dun.

 

 

"Hindi na importante yan, ang ibig ko sabihin meron nagmamay ari niyan na tao at hindi si Mang Dante yun. O ito para mas maniwala ka." ngayon naman pinakita niya sakin yung picture ng damuhan dun sa gilid ng mansyon, nakita ko na meron bakas ng gulong. "Layu pano ka nakaabot dito eh sa dulo na to ng mansyon eh. Naglakad ka pa papunta dyan?"

 

 

"Nag ikot nga ako sa labas habang abala kayong dalawa ni Che sa loob, o nakita mo na yung sinasabi ko? hindi makakalbo ng ganyan yung damo kung hindi nasagasaan. Ibig sabihin lagi siyang nadadaanan ng gulong, ayan o nag marka na nga sa lupa eh." napapaisip na ako dito sa sinasabi niya. Nung nakita ko yung damuhan, halata nga na nadaanan ng sasakyan.

 

 

"At ito pa Kiminjeong, nung nag iikot na tayo sa baba pansin mo ba, iisa lang yung tinatayuan ni Mang Dante tsaka hindi siya umaalis dun."

 

 

"Teka ano?"

 

 

"Nung nag iikot tayo, nakatayo siya dun sa mga book shelf sa hallway na walang laman. Nung sinubukan ko dumaan talagang hinawakan niya pa na parang may tinatakpan siya. Mukang bawal ata silipin yung mga libro na nandun. Ang haba ng hallway, ang laki ng sala pero dun lang talaga siya sa pwesto na yun at hindi manlang gumalaw."

 

 

"Ano ba yan, sana naman mali yung hinala mo kasi pinag kakatiwalaan siya ni ate."

 

 

"Kinuhaan ko ng picture para makita mo kung saan siya nakatayo. Ito." kinuha ko ulit yung phone ni Layu para tignan yung sinasabi niya. "Ilipat lipat mo pakaliwa."sinunod ko siya at nilipat ko yung mga pictures na napaka dami at sunod sunod. "Layu para ka naman gago, may tanong ako sayo."

 

 

"Bakit, ano yun?"

 

 

"Crush mo ba si Mang Dante?"

 

 

"Tarantado! anong crush pinagsasabi mo dyan."

 

 

"Eh bakit ang dami niyang pictures dito sa phone mo?! Lagpas bente na to oh!"

 

 

"Bobo kinuhaan ko nga siya para makita mo, pag inilipat mo ng mabilis yan mga litrato tignan mo parang may nililingon siya dyan sa book shelf. Tsaka nakita ko may kinakapa siya sa loob eh wala naman laman yan." inulit kong tignan simula sa umpisa at inilipat lipat ko yung mga pictures ng mas mabilis. "Ay tangina oo nga. Ano yung parang tinago niya dun?" habang tinitignan ko yung mga kuha dito sa cell phone, kita nga na napaka aligaga at hindi mapakali si Mang Dante nung nag iikot kami ni Cheche sa unang palapag. Napansin ko din yun nung andun kami kahapon, hindi manlang siya sumusunod samin at talagang nakatayo lang siya sa iisang tabi.

 

 

"Layu naalala mo, kahapon dba habang nag iikot tayo sa loob sinusundan namin ni Che yung plano na pinakita ni ate. Naisip ko lang to dahil dyan sa mga sinabi mo. Tatlo yung kwarto sa baba na malalaki, pero dalawa at isang banyo lang yung napasok natin. Napansin mo din ba?"

 

 

"Oo! at yan dapat yung pinaka huling sasabihin ko sayo. Tignan mo dyan yung plano ng bahay, lipat mo lang pakaliwa." hinanap ko yung floor plan ng bahay dito sa phone niya. "Ayan! ito yung kitchen na malaki, ayan yung hindi natin napuntahan kasi parang wala na dun, pagkatapos nung sala puro pader nalang tsaka yung mahabang hilera ng book shelves kung saan siya nakasandal."

 

 

"Tangina, naiisip mo ba naiisip ko?"

 

 

"Si Mang Dante?" pinitik ko yung ilong niya nung marinig ko yung sinabi niya. "Alam mo gago nakakahalata ako sayo ha, puro nalang Mang Dante yung bukambibig mo, kagabi ka pa. Tapos puro picture niya pa yung laman ng cell phone mo. Ano ba naman yan Ryujin may pamilya na yun, isusumbong kita sa mama mo."

 

 

"Hahahahaha tangina Kiminjeong kadiri ka ha! Alam mo nga na maselan ako tsaka bihira ako nagkakagusto."

 

 

"Eh baka nga kasi ngayon nahanap mo na yung para sayo. Ayun yung taga bantay ng mansyon."

 

 

"Tangina mo!!!" mabilis akong tumalon sa veranda nung makita ko na isasaboy niya sakin yung tubig sa baso niya. "Hahahahahahahaha Layu may bago ng couple dito sa bayan natin!! DAN-Yu!!"

 

 

"Hahahahaha tangina mo talaga Kiminjeong you!!!!"

 

 

"Pssst Ryujin ano ba yan! yung bunganga niyo gabing gabi na!" nagulat ako ng dumungaw yung mama ni Layu sa bintana ng kwarto niya. "Sorry po madam tita! Hindi na po kami mag iingay."

 

 

"Kiminjeong umuwi ka na madilim na sa kalye baka kung sino pa makasalubong mo dyan!"sigaw sakin ni Mrs, Shin."Opo, uuwi na din po may tinatapos lang kami." sagot ko sakanya. Umakyat na ulit ako sa veranda at bumalik na sa upuan ko. "Pano ngayon yan Layu anong gagawin ko, pano kung may pinapatira nga si Mang Dante dun na ibang tao?"

 

 

"Pano kung pumunta ka kaya dun ng biglaan? wag mo sabihin sakanya kasi sigurado pag nalaman niya wala, baka ibaiba nanaman yung sasabihin niya."

 

 

"Tama ka, pero hindi ba sobrang delikado nun? baka kasi masasamang loob pala yung pinapatira niya dun."

 

 

"Kiminjeong, ikaw natatakot? bago ata to."

 

 

"Hindi sa ganun pero nag iingat lang din ako."

 

 

"May naisip ako, ewan ko lang kung papayag ka. Pumunta at pumasok tayo dun sa mansyon niyo ng walang pasabi. Asan ba yung mga susi?"

 

 

"Nasaakin na, binigay na niya kahapon nung bago tayo umuwi. Nung una parang ayaw pa niya dahil may kailangan pa daw siyang ayusin sa loob, pero nakita mo, wala din naman siya nagawa."

 

 

"O tignan mo, kayo yung may ari dapat hindi siya nagdadalawang isip."

 

 

"So pano, pupunta tayo dun? sasamahan mo ba ako?"

 

 

"Siyempre. Tsaka wala ng malas ngayon dun, nailibing na. Kahit sino pwede ng pumasok dun."

 

 

"Kailan mo gusto pumunta? pwede tayo sa Sabado."

 

 

"Sige, pero kailangan natin mag ingat tsaka magdala ka nalang ulit ng alam mo na."

 

 

"Oo hindi ako pupunta dun ng wala akong dala, hindi pwede. Layu pano nga kung pinaparentahan niya nga yung bahay, anong gagawin ko?"

 

 

"Isumbong mo kay mayora. Alangan naman hindi mo sila paalisin, illegal na gawain yun."

 

 

"Sige ganun nalang, kawawa si Mang Dante pag nagkataon pero ganun talaga. Hindi kasi pwede na may tinatago siya samin, lalo na sumusweldo naman siya ng maayos kay ate."

 

 

"Totoo, pero hayaan mo muna. Tignan nalang natin sa sabado kung ano ba talaga ginagawa niya dun."

 

 

"Sige, pumunta tayo ng umaga ng Sabado para maliwanag pa at mahaba yung oras natin."

 

 

 

 

 

9:00am Huwebes 

 

Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno, pinapanood ko si Sito na nilalaro at pinapakain yung alaga kong si Sharpay. Pinili ko nalang na huwag munang pumasok sa farm dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi naman ako nilalagnat pero kasi tatlong gabi na akong hindi nakakatulog. Ewan ko ba kung bakit ganun yung mga panaginip ko nung mga nakaraan araw. Nagkakaron ako ng mga hindi magagandang panaginip dati pero iba tong nararanasan ko ngayon.

 

 

Nung Martes ng gabi, maaga ako nakatulog dahil napagod ako sa manukan. Alas diyes palang ng gabi nakatulog na ako pero naputol dahil sa napaka sama ng panaginip ko. Andun daw ako sa mansyon at may tinataguan ako na mga tao, humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig sakin . Nagising ako na sobrang pawis na pawis at humahangos. Pagkatapos nun hindi na ako bumalik sa tulog at nag basa nalang ako libro.

 

 

Yung nangyari kaninang madaling araw, masasabi ko na isa yun sa mga pinaka nakakatak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1143 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2134 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko