Chapter XIX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

May 2023

 

2:00pm Huwebes

 

Maaga kaming pumasok kanina sa farm para mag inspeksyon at para basahin yung mga report. Nakabawi na kami dun sa mga alaga namin na namatay nung mga nakaraan buwan. Masasabi ko na maganda ang kalagayan ngayon dun at hindi na talaga naulit yung nangyaring peste dati. Nagdagdag kami ng mga kulungan at inayos namin yung schedule ng paglilinis.

 

 

Dumating ako dito sa San Jorge nung Martes ng umaga. Si Ryujin, Sito at Minji ang nagsundo sakin sa airport, hindi na nakasama si ate Taeyeon dahil may mga importanteng meeting siya kaya nung gabi nalang kami nagkita dun sa bahay. Ang daming nagyari sakin sa Hong Kong pero hindi ko pa nakwento lahat lahat kay Ryujin dahil limang araw akong wala at inuna ko muna yung trabaho namin sa farm.

 

 

 

 

 

Nakatambay ako dito sa taas ng puno ng chico tapat ng bintana ng kwarto ni Ryujin. Nakahiga ako dito sa malaking sanga at gamit ko pa yung isang unan niya. Simula nung Lunes ng umaga hanggang sa makabalik na ako dito sa probinsya hindi na ata nawala yung ngiti sa muka ko. Grabe yung kilig ko nung sabay kaming nag breakfast ni Minju nung umaga bago kami pumunta sa airport. Nung paalis na kami sa hotel at nag paalam ako sakanya, hindi ko inasahan na makakatanggap ako ng halik sa pisngi at yakap na tumagal ng ilan minuto. Nung Hinalikan niya ako sa pisngi, buti nalang andun yung kakambal ko dahil halos mahimatay ako sa ginawa niya. Hahalikan ko din sana si Minju at gagayahin ko siya kaso sa sobrang kilig ko para akong nahilo at sumama yung pakiramdam ko. Pinagalitan pa tuloy ako ni Cheche. Muntik kaming mahuli sa flight sa sobrang tagal ko tsaka naghanap pa kami ng paracetamol nung nahilo ako bigla.

 

 

Binigyan din ako ni Minju ng regalo nung umaga na yun. Nabalitaan daw kasi niya na bihira na akong manigarilyo. Reward daw niya sakin to at dapat daw sa susunod na pagkikita namin, ibabalita ko sakanya na tuluyan na akong tumigil sa pagyoyosi. Nag promise ako sakanya na gagawin ko yun, pero nakapag desisyon na din naman ako na titigilan ko na talaga.

 

 

Yung binigay ni Minju na regalo sakin ay yung prescription glasses na nagsimula na akong gamitin. Ang ganda ng design kaya lagi kong suot to. Kahit tatambay lang ako sa bakuran nila Layu naka shades ako, kahit nga maglalaro lang kami ni Sharpay sa labas ng bahay naka shades pa din ako. Tinanong pa ni Minju si Cheche tungkol sa grado ng mata ko, ito pala yung pinasukatan namin dun sa isang optical shop sa Hong Kong. Sobrang natuwa at na-appreciate ko kaya nagpasalamat ako sakanya, nagsabi ako na babawi ako next time kasi hindi ko manlang siya nabigyan ng regalo. Lagi din kaming magkausap, kapag break niya sa taping tinatawagan niya ako, nag vvideo call kami pag gabi tapos minsan naman sabay pa kaming kumakain. Masasabi ko na ang bilis masyado ng mga nangyari samin pero ayos lang sakin yun. Ngayon ko lang naramdaman to at sobrang saya ko na nakilala ko si Minju.

 

 

"Ikwento mo na kasi napaka arte mo eh wala na tayong ginagawa ngayon pwede ka na mag kwento." pilit sakin ni Ryujin. Kahapon niya pa ako sinasabihan na magkwento na tungkol sa amin ni Minju kaso ang dami namin ginagawa sa farm kaya hindi ko magawang sabihin sakanya yung mga kaganapan nung mga nakaraang araw.

 

 

"Kiminjeong, may inuutos sayo si Mayora!" magsisimula palang ako mag kwento kaso naputol nang marinig namin yung sigaw ni Sito. Si Sito, ang bata na dalawang araw ko nang hindi nakikita ang muka. Lagi niyang suot yung Iron Mask helmet na pasalubong ko sakanya, nung Martes palang suot na niya yun, hindi tuloy namin maintindihan yung salita niya dahil iba yung boses na lumalabas.

 

 

"Alam niyo para kayong gago, magsama nga kayo ni Kiminjeong Sito! Ilan araw mo nang suot yan helmet na yan nakakalimutan ko na yung totoong itsura mo. Pareho kayo nito eh tignan mo nakabaon na ata sa mata niya yan shades na niregalo sakanya."

 

 

"Hiyang hiya naman ako sayo Layu, ikaw nga tatambay ka lang sa kwarto mo naka pabango ka pa. Tsaka akala mo hindi ko napansin, nagpunta lang tayo sa farm gamit mo pa yung bag na pasalubong ko sayo. Mamumundok ka ba?"

 

 

 "Ang lala mo kaya, kahit ba naliligo ka suot mo pa din yan shades na bigay ni Minju? muka kang tanga eh."

 

 

"Siyempre tinatanggal ko pero pag labas ko ng banyo sinusuot ko na ulit. Teka ano yung sinasabi mo Sito bakit ka nagpunta dito?"

 

 

"Si Mayora may inuutos sayo kailangan ka daw niya makita."

 

 

"Kailangan ako makita? Pano niya ako makikita eh nasa munisipyo siya ngayon?"

 

 

"Kaya nga pumunta ka daw dun, yan yung pinapasabi sakin ni Manang Carmen, importante daw yung sasabihin niya sayo."

 

 

"Bakit hindi nalang niya ako tawagan sa phone? alam mo Sito pagod ako eh, hindi ako pwedeng umalis alis pa ngayon kasi may jetlag ako. Hindi pa nag aadjust yung body clock ko."

 

 

"Ha? May betlog ka Kiminjeong?!"

 

 

"Hahahahahaha jetlag! iba yun hindi itlog!"

 

 

"But wait a minute Kiminjeong. Dba galing ka sa Hong Kong?" tanong sakin ni Gisele na biglang sumilip sa kabilang bintana ng kwarto ni Ryujin. "Hoy Gisele tama na kakalaro mo dyan kay Sharpay ikaw nakakahalata na ako sayo ha. Amoy amoy ka pa kunyari eh."

 

 

"I'm just playing with her." sabay yakap sa alaga kong biik. Sila ni Sorin yung nasanay na sa amoy ng dugo ni Sharpay, kaya na nilang magpigil at hindi na sila natatakam sakaniya. Nilalaro at hinihiram lang nila minsan yung alaga ko kapag nakatambay kami dito sa bahay nila Ryujin.

 

 

"Hahahahaha bobo anong jetlag pinagsasabi mo eh parehas lang ng oras Hong Kong tsaka Pilipinas."

 

 

"Ah talaga ba Layu, eh nagbago na yun hindi mo ba alam?"

 

 

"Pinapapunta ka ni Mayora sa munisipyo ngayon na daw!"ulit ni Sito. Malamang napag utusan nanaman siya nung mga tao sa bahay namin at hindi siya pwedeng bumalik dun hangga't hindi niya ako nahahanap.

 

 

"Ano ba yan, inaantok nga ako eh tsaka nahihilo ako." hindi naman masama ang pakiramdam ko, nagdadahilan lang ako dahil wala akong balak pumunta sa bayan ngayon hapon at isa pa kailangan ko magpahinga dahil bukas yung araw na kakausapin namin si Doctora Yeji. Kung babalibagin niya ako, kailangan ko ng lakas kaya dapat kumpleto yung pahinga at tulog ko.

 

 

"Kiminjeong alam mo bakit ka nahihilo, kakasuot mo yan sa shades na bigay sayo ni Minju. Suotin mo lang minsan kung maaraw o pag nasa labas ka, tangina kahit makulimlim tsaka hanggang gabi naka shades ka eh. Mahihilo ka talaga niyan."

 

 

"Eh bakit ba! Regalo nga sakin to ni Minju kaya malamang gagamitin ko lagi!"

 

 

"Sino si Minju Kiminjeong?" tanong ni Iron Man na nasa ilalim pa din nitong puno ng chico at ayaw akong tantanan. "Makikilala mo siya sa susunod na buwan Sito, kaibigan ko yun. Magbabakasyon siya dito satin."

 

 

"Isa lang kilala ko na Minju, yung artista na kaibigan ni Shantel!"

 

 

"Ssshhh wag mo ipagsigawan baka mamaya may nakikinig dyan sa pagilid, basta makikita mo din siya. Cheche nalang kasi itawag mo sa kakambal ko Shantel ka ng Shantel eh Chantal yun. O sige na bumalik ka na dun. Pakisabi na din kay Manang Carmen na pupunta na ako sa munisipyo ngayon din."

 

 

"Oo sige sasabihin ko na," hinihintay namin siya ni Ryujin na umalis pero hindi pa din siya kumikilos at nakatingala pa din sakin. "O ano bakit hindi mo pa sabihin kay Manang Carmen?"

 

 

"Aalis lang ako kapag kumilos ka na dyan Kiminjeong sigurado ako na hindi ka bababa dyan!"

 

 

"Ang epal mo naman!" umarte ako na naghahanda na pababa at binato ko na yung unan sa loob ng kwarto ni Ryujin para lang lumayas na siya. "Papayag ka din pala ang dami mo pang arte nagpapilit ka pa!"

 

 

"Eh kung baklasin ko kaya ng sapilitan yan helmet sa ulo mo?! Ano ba yan buti hindi nagagalit mama mo, parang pumapasok ka na ata sa eskwela na suot mo yang maskara ni Iron Man eh."

 

 

"Kapag kakauwi ko lang dun ko sinusuot. Tsaka tinatanggal ko din kapag kakain. Sige na punta na ako kay Manang Carmen!"pinanood ulit namin siyang tumakbo pabalik sa kabilang lote. Ano kaya yung importanteng sasabihin sakin ni ate Taeyeon. Malamang tungkol sa mansyon, sa farm o sa trabaho niya to. Sana naman wag katulad nung dati, ayaw na ayaw ko kapag ginagawa niya yung ganito, yung bigla akong pinapatawag sa opisina niya. Ibig sabihin may natanggap siyang death threat at kailangan nanaman namin mag ingat lahat. Sana mali ako at iba yung dahilan kung bakit niya ako gustong makausap ngayon.

 

 

 

 

Kahit nakaalis na si Sito, hindi pa din ako bumababa dito sa puno dahil sobrang tinatamad ako kumilos.

 

 

"Layu, Layu!" binato ko siya para lumingon siya sakin, bumalik nanaman siya sa tabi ni Gisele dun sa upuan tapat ng tokador. Lagi nalang silang ganito, hindi pa sila pero para na silang linta pareho na hindi mapaghiwalay. Masasabi ko na nasa magandang estado yung pagkakaibigan nila. Sobrang nagulat ako na nakilala na pala ng magulang ni Ryujin si Gisele at nakakadalaw na siya sa bahay nila lagi. Mabait sakanya sila Mrs. Shin pero hindi ko nga lang alam kung naghihinala na sila sakanilang dalawa ni Ryujin. Buti nalang si Gisele at Sorin madaling pakiusapan, kaya nila magpanggap na normal na tao. Hindi katulad nung dalawang magkapatid, lalo na yung isa na madalas dahilan kung bakit umiinit yung ulo ko.

 

 

"Layu!! Ryujin!" binato ko nanaman siya pero ngayon mas malaking bunga ng chico na yung kinuha ko. "Ano ba yun?!" inis na sigaw niya sakin. 

 

 

"Nagkaron ka lang ng Gisele hindi mo na ako pinapansin nakakainis ka!"

 

 

"Nagtampo ka nanaman Kiminjeong, wag ka nga ganyan."

 

 

"Ryujin she is getting jealous of me."

 

 

"Hindi kaya! Ano ba kasi ginagawa niyo ni Gisele dyan sa loob, tsaka bakit niyo ganyan hawakan si Sharpay nasa gitna pa talaga siya, anak niyo ba yan?"

 

 

"Tinitignan tsaka kinakamot niya lang yung tiyan kasi natutulog na tong biik mo. Ano ba yun, bakit mo ako tinatawag?!"

 

 

"Tara sama nalang kayo sakin, wala naman kayong gagawin dito, nakakainip lang."

 

 

"Gisele, sama tayo kay Kiminjeong gusto mo, o gusto mo lang tumambay dito samin?"

 

 

"Sumama ka na Gisele lagi nalang kayong nandito tignan mo magkakapalit na kayo ng muka ni Layu kaya tara na. Ililibre ko kayo!"

 

 

"At saan naman kayo pupunta, pwede ba akong sumama?!" ramdam ko yung pagkairita nung biglang may sumulpot na epal dito sa tabi ko. Tinitignan ko siya, punyeta suot din niya yung shades na regalo ko sakanya.

 

 

"Ay wow naman ang ganda niyan ha! Saan galing yan?" bati ni Ryujin kay Catalina. Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ko siya na inaayos yung shades niya at proud na proud pang nakangiti. Walanghiya ngayon niya pa talaga sinuot kung kailan nandito kaming apat.

 

 

"Aalis na ako! Tabi dyan!!" sigaw ko para makadaan ako sa sanga na inuupuan ko. Mas mahihirapan akong makakababa dahil may nakaharang na sa dadaanan ko. "Ano naman ginagawa mo dito ha?" tanong ko dito sa kabute na bigla nanaman sumulpot. "Bakit andito ka, dba pinagalitan ka na nga ni Imperia dahil sa ginawa mo?"

 

 

"Hindi naman niya ako matiis. Saan ka pupunta ngayon Minjeong?"

 

 

"Ayan Minjeong, magpasama ka nalang dyan kay Catalina napaka daming oras niyan. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi mag third wheel samin ni Gisele tsaka bwisitin ako."

 

 

"Ah talagang hindi mo na ako sasamahan ngayon Layu dahil ba meron ka nang Gisele? ganyan ka na pinagpapalit mo na ako ng harap harapan tapos itatapon mo yung ilan taon ng pinagsamahan natin kaya hinahayaan mo nalang ako pumunta mag isa sa bayan?!"

 

 

"Hoy wag ka umarte ng ganyan ha, gnguilty mo pa ako. Sinasabi ko lang, tsaka kung gusto mo lang naman magpasama sakanya kasi madalas siyang naiinip, dba Catalina?"

 

 

"Tama ka dyan Ryujin." sagot naman nitong isa sabay tingin sakin.

 

 

"Hindi ko siya pwedeng isama Ryujin kasi may Minju na ako. Malapit na maging kami at magiging girlfriend ko na siya. Hindi na kita gusto Catalina, nakalimutan na kita."

 

 

"Tangina magpapasama ka lang naman sa kanya sa bayan ang dami mo pang sinabi hahahahahaha. Maisingit mo lang talaga si Minju sa lahat ng usapan natin eh. Catalina samahan mo na nga yan, pupunta lang yan sa ate niya, gusto daw siyang makausap."

 

 

"Pwede kitang samahan Minjeong pero kung ayaw mo edi wag. Anong akala mo sakin? tandaan mo hindi ko pinipilit yung sarili ko sayo dahil hindi kita gusto."

 

 

"Tangina para kayong gago dalawa noh? pansin niyo ba lagi kayong ganyan pero kayo din naman yung naiiwang magkasama hanggang gabi. Samahan mo na siya Catalina dali na."

 

 

"Sasama nga lang ako kung gusto niya pero kung ayaw niya, edi wag. Hindi ko siya pipilitin. Bakit ka pala nakasuot ng shades Minjeong ginagaya mo ba kami?"

 

 

"Kayo lang ba pwede magsuot nito? Tsaka bigay sakin to noh, regalo to nung magiging first girlfriend ko."

 

 

"Sino nagbigay? yung kaibigan mo na inutil na hindi kayang tumayo mag isa kaya lagi mo inaalalayan?"

 

 

"Ano daw yun Kiminjeong? sino yung inutil?"

 

 

"Wag mo siya pansinin Layu, epal to eh. Masyadong madaming alam, kung ano ano sinasabi na wala naman saysay."

 

 

"Minjeong tignan mo sinuot ko na yung bigay mo, nag message ka pa sa akin kagabi na gamitin ko to. Ito ginagamit ko na."

 

 

"Sandali ibig mong sabihin si Kiminjeong yung nagbigay sayo niyan shades na yan?!" pinanlakihan ko siya ng mata dahil yun yung usapan namin, wag niya sasabihin na sa akin galing yun. Napaka daldal niya talaga, mang aasar pa tuloy to si Ryujn. "Itanong mo sakanya kung bakit niya ako binigyan."

 

 

"Wala kayong pake kaya wag na kayong magtanong. O sige na nga sumama ka na sakin Catalina. Ayaw niyo ba talaga sumama samin Gisele? pupunta kami sa bayan mabilis lang naman kami dun."

 

 

"Tinatamad ako Kiminjeong dahil makulimlim dito. Tsaka kakalaruin ko pa itong alaga mo na si Sharpay, just leave her to me pahiram muna."

 

 

"Baka naman sakmalin mo bigla yan anak ko. Layu bantayan mo ha, kanina ko pa napapansin na inaamoy niya yung tiyan eh."

 

 

"Hindi yan, kaming dalawa nga nag alaga kay Sharpay nung nasa Hong Kong ka. Sanay na si Sharpay kay Gisele, sige na umalis na kayo baka maabutan pa kayo ng ulan. Oo nga pala Kiminjeong, sinabi mo na ba kay Catalina yung tungkol bukas?"

 

 

"Ano yung sasabihin mo sakin?"

 

 

"Sasabihin ko palang sakanya. Alam na ni Gisele dba? Catalina ikkwento ko nalang sayo mamaya yung tungkol dun."

 

 

"Aaminin mo ba na may gusto ka na ulit sakin?"

 

 

"Hahahahahaha hanep o ayan, may gusto ka pala sakanya ulit eh. Ano sagot mo dyan Kiminjeong?" parang nasira kagad yung araw ko dahil sa sinabi ni Catalina. Nakakairita, ang hilig niya talaga mag singit ng mga ganito tuwing naguusap kami.

 

 

"Sabi ko sayo magkaibigan lang tayo tsaka may gusto na akong iba, hindi ko ipagpapalit si Minju kahit kanino."

 

 

"Hahahaha sapul! Aray! masakit ba Catalina?! Proud na proud ako sayo Kiminjeong." mag hhigh five dapat kami ni Ryujin pero sinubukan hablutin ni Catalina yung collar ng tshirt niya. Buti naka atras siya papasok sa kwarto kung hindi baka hinulog na siya sa bintana.

 

 

"Sabi ko sayo wag kang mananakit. Tara na nga." inaya ko na siya bago pa niya ihulog sa bintana si Ryujin. Ang hilig kasi niyang inisin si Catalina pati si Sorin, tuwang tuwa siya kapag nakikita niya na napipikon at nagiiba yung kulay ng mga mata nila kaya minsan sinasadya niya mang inis.

 

 

"Paano tayo pupunta dun Minjeong?" nagkatinginan kami habang umaayos ako ng upo dito sa puno. "Saan tayo pupunta?" Ito yung napapansin ko kay Catalina, nung nakakalabas na sila ng umaga at iba na yung mga suot nilang damit, hindi na siya mapirmi sa mansyon. Lagi silang umaalis tatlo at iniiwan nila mag isa dun si Imperia. Pinapayagan naman daw sila pero dapat sundin nila yung mga bilin niya. May mga lugar na bawal silang puntahan at dapat makauwi sila bago mag alas singko ng umaga.

 

 

"Saan tayo pupunta bakit ba ayaw mong sumagot?"

 

 

"Sa munisipyo kasi pinapatawag daw ako. Mag kotse nalang tayo, wag ka magulo dun ha andun yung ate ko. Mag lakad ka lang ng normal wag ka magteteleport."

 

 

"Oo sige hindi mo ako kailangan pagsabihan."

 

 

"Hihintayin mo ako dito o sasama ka na sakin dun sa bahay para kunin natin yung kotse?"

 

 

"Sasama nalang ako sayo sa bahay niyo."

 

 

"Okay sige tara na punta na tayo dun sa kwarto ko."pumwesto na ako at pinalibot ko na yung braso ko sa leeg niya. "Hoy anong ginagawa niyo? Hahaha ang sweet naman, talagang dyan pa kayo nagyayakapan sa taas ng puno ng chico ha!"

 

 

"Ryujin napaka leche mo. Magteteleport kami."

 

 

"Ha anong teleport ang sinasabi mo Minjeong? Hindi, maglalakad tayo papunta dun sa bahay niyo dahil napaka lapit lang nun."

 

 

"Ha bakit pa? para nga mabilis eh ihatid mo nalang ako dun."

 

 

"Ayaw ko! Kakasabi mo lang sakin na hindi ako pwede lumipad, kaya tara na maglakad na tayo. Bumaba ka na at sumunod ka sakin."

 

 

"Ano ba yan! hindi ko naman sinabi na ngayon mismo bawal mag teleport eh. Ihatid mo na ako sa kwarto para kukunin ko na yung susi ng kotse." nagmamadali siyang bumaba sa puno at hindi manlang ako hinintay. Pinapanood siya ni Ryujin at natatawa na siya sakanya. "Ang lakas talaga ng topak niyan crush mo Kiminjeong."

 

 

"Hindi ko siya crush si Minju lang gusto ko."

 

 

"Dalian mo na Minjeong!" sigaw niya sakin at talagang nauna na siyang umalis.

 

 

"Catalina ang epal mo talaga hindi ka marunong makisama!" tinatawag ko siya pero hindi manlang ako nililingon. Pagkababa niya sa puno inayos niya lang yung damit niya at naglakad na papunta sa kabilang lote.

 

 

"Hahahahaha ayaw ka niya ilipad? alam mo nakakatuwa kayo ni Catalina, lagi kayo nagaaway tsaka nagtatalo pero ang saya niyo naman pag magkasama kayong dalawa. Tsaka ang cute niyo parehas pa kayong naka shades ngayon, bagay talaga kayo Kiminjeong."

 

 

"Mas bagay kami ni Minju! Ewan ko sayo Layu, sige na nga mamaya nalang ulit balik ako dito. Hoy Gisele alagaan mo yan anak ko ha baka naman kagatin mo bigla yan kapag hindi nakatingin si Layu!"

 

 

"I can manage her, get lost Kiminjeong!" nagulat kami sa sinabi niya. Silang apat ganito talaga magsalita, parang laging naghahanap ng away."Ang gagago niyo talaga sumagot."

 

 

"Sundan mo na yun nauuna na siya sa bahay niyo oh, baka umakyat sa kwarto mo yun magulat pa si Manang Carmen. Balitaan mo ako kung ano yung sasabihin ni Mayora!"

 

 

"Oo sige, asan na ba yun tangina nawala na."

 

 

"Kiminjeong oo nga pala, icheck mo yung mga bagong post niya sa ig!"

 

 

"Bakit?! wala dito yung phone ko eh nasa kwarto."

 

 

"Basta tignan mo nalang tapos burahin mo."

 

 

"Jusko ano nanaman ba yun? O sige na Layu anong oras na, kita tayo mamaya!" pagbaba ko sa puno kinuha ko na yung bisikleta ko at bumalik na ako sa bahay namin para hanapin si Catalina.

 

 

 

 

2:50pm

 

Nagsimula na akong magmaneho at lumabas na kami sa gate. Yung bagong kotse ni ate yung gamit namin kaya medyo malamig yung aircon. Makulimlim ngayon at mukang uulan kaya hindi ko pwedeng gamitin yung sakin. Sinabi ko kay Catalina na subukan niyang tanggalin yung shades niya habang andito kami sa loob ng sasakyan para malaman namin kung yung araw ba yung nagpapasakit sa mata nila.

 

 

 

"Giniginaw ka ba?" tinanong ko siya dahil medyo malamig kahit pa hininaan ko na yung aircon.

 

 

"Hindi, sanay ako." mahinang sagot niya sakin, napansin ko na nakatingin lang siya sa labas at pinapanood yung mga dinadaanan namin. "Mag seat belt ka." paalala ko sakanya. Tinabi ko muna yung sasakyan para iabot ko sakanya yung buckle. "Ito kunin mo, tapos ikabit mo dyan. Pag sa unahan ka uupo dapat lagi mong suot to."hinahatak niya pero sumasabit pa din at ayaw umabot. "Ako na nga." kinuha ko yung buckle para ako na yung magkakabit sa kaliwa niya. Inalis ko yung sakin para makakilos ako ng maayos.

 

 

Hinawakan ko yung buckle sabay hatak para isusukbit ko na.

 

 

"Hoy ano ba!!" napatigil ako dahil sa ginawa niya at napahawak tuloy ako sa muka ko. "Ano yun Catalina?!"

 

 

"Hahahahaha ang lapit mo kasi masyado sa akin Minjeong."

 

 

"Ang hilig mo mang halik sabi ko sayo bawal nga dba!" pinupunasan ko yung pisngi ko na hinalikan niya. Nung inaayos ko yung seat belt niya hinawakan niya yung muka ko sabay hinalikan niya ako sa pisngi at inamoy niya yung leeg ko.

 

 

"Bakit ba laging ganyan yung ginagawa mo? ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi na tayo pwede magkasama kapag hindi mo pa tinigilan yung mga ganyan."

 

 

"Hindi ko napigilan kasi napaka bango mo at gusto ko yung amoy mo. Lalo na ngayon na bihira ka nalang mag sigarilyo."

 

 

"Hindi ka pwede mang ganyan ng tao dahil pagiisipan ka nila ng masama. Tsaka kapag kaibigan mo wag mo hahalikan basta basta kasi hindi tama yun. Lalo kapag may kasama tayong iba wag mong gagawin yan."

 

 

"Pero kapag tayong dalawa lang ang magkasama, pwede ba kitang halikan Minjeong?"

 

 

"Ha? Ano ba yan! Hindi pwede! Hindi pwede yung mga ganun kasi magkaibigan lang tayo. Pang mga magkarelasyon lang yung ganyang gawain. Kaya pwede ba wag mo na ulit gagawin yan."

 

 

"Oo na, naiintindihan ko."

 

 

"Ayos ka na ng upo, dun tayo dadaan sa dagat wag tayo sa loob para makita mo yung view. Dun sa dadaanan natin makikita mo yung mansyon sa tuktok ng bundok."

 

 

Nung naka seat belt na siya nagpatuloy na akong magmaneho, pero bago yun nilabas nanaman niya yung phone niya at nagpicture kaming dalawa. Pinipilit niyang ipost pero ayaw ko dahil baka kung anong caption nanaman yung ilagay niya. Nung pinakita niya sakin yung phone niya kanina, parang tatlo sa posts niya sa ig pinabura ko lahat. Yung mga caption niya daig pa niya si Ryujin at si Gisele. Masahol pa sa soft launch ng mga couple yung pinagppost niyang picture. Kaya pala ang daming message tsaka missed calls sakin ni Cheche, napagsabihan pa tuloy niya ako tungkol sa amin ni Minju. Wala pa nga kaming nasisimulan pero napaghinalaan na kagad ako.

 

 

 

 

 

3:50pm

 

Dumiretso kagad kami dito sa opisina ni ate Taeyeon. Mabilis din kaming natapos nag usap, may inuutos siya sakin para sa fiesta sa bayan namin sa July. Gusto niya sabihin ko kay Cheche kung pwede bang umuwi siya dito nun para siya yung magiging special guest sa tanghalan dun sa plaza. Sobrang natuwa ako na ako yung inaatasan ni ate na makialam sa pagpplano ng fiesta. Ngayon palang sobrang sagad sa buto na yung pagka excited ko at hindi na ako makapag hintay na ibalita kay Ryujin yung bago naming assignment. Hindi ko alam kung ano yung naisip ng ate ko at binibigay niya sakin yung trabaho na to, pero pinangako ko sakanya na hindi ko siya bibiguin tsaka pagbubutihan ko para maganda ang kakalabasan ng fiesta sa bayan namin.

 

 

 

 

Binalikan ko na si Catalina dun sa hallway. "Tapos na ako. Gusto mo ba kumain?" iniwan ko siya dito sa upuan sa labas ng opisina. Hindi pa siya nakikita ni ate pero balak ko na ipakilala siya at sasabihin ko na sila yung nangungupahan dun sa mansyon. Hindi ko pwedeng habang buhay itago sakanila na may hinayaan akong tumira dun, lalo na hindi sila normal na tao, ayaw ko na mapahamak kami parepareho kaya magpapaalam nalang ako ng maayos kay ate kapag nakakuha na ako ng magandang timing.

 

 

"Catalina,"kinalabit ko siya at umupo ako sa tabi niya. Hindi niya maalis yung tingin niya sa cell phone, mukang may nilalaro siya. "Huy!"natawa ako dahil gulat na gulat yung itsura niya. "Nakatutok ka nanaman dyan sa phone mo."

 

 

"Andyan ka na pala Minjeong. Tapos ka na?"

 

 

"Oo may sinabi lang yung ate ko. Kanina pa kita tinatawag, tinatanong kita kung gusto mo ba kumain sa labas."

 

 

"Labas nitong munisipyo? sige."

 

 

"Ibig kong sabihin sa restaurant or dun sa kinakainan namin nila Ryujin. Ano ba gusto mo kainin ngayon, pagkain niyo o yung pagkain namin?" naguusap kami habang bumababa na sa ground floor nitong munisipyo. "May gusto ka bang kainin?" 

 

 

"Pero kakatapos ko lang uminom. Type O yung nakuha ko Minjeong sobrang sarap kaya busog ako hanggang dalawang linggo."

 

 

"Ano ba yan kadiri ka naman talagang sinabi mo pa yung type ng dugo. Edi pagkain muna namin yung kainin mo ngayon."

 

 

"Natutuwa ako na sasanay ka na sa amin at hindi mo kami hinuhusgahan."

 

 

"Bakit ko naman kayo huhusgahan tsaka anong nasasanay sa amin eh ikaw lang naman dyan yung malakas kumain sainyong apat."

 

 

"Hahaha tinitikman ko lang naman. Nakakalabas na ako ngayon sa mansyon, dapat lang na masubukan ko lahat. Saan mo ako dadalhin ngayon Minjeong?"

 

 

"Ikaw ano bang gusto mo na pagkain, gulay?"

 

 

"Ayaw ko ng gulay anong gagawin ko dun?!! para akong kumakain ng hangin!" hiyang hiya ako nung bigla siyang sumigaw dito sa baba ng munisipyo. Pati yung mga guard na nakabantay napatingin tuloy sa amin."Ssshhh oo na, ang ingay mo naman! Sabi ko sayo kapag nasa labas tayo o may ibang tao wag kang sisigaw."

 

 

"Pasensya na."

 

 

"Sandali lang ha," tinignan ko yung phone ko nung nakita ko na nag message si Minju. Tapos na siya sa taping niya at mamaya pa ulit yung kasunod. Nireplyan ko siya at sinabi ko din sakanya yung ginagawa ko.

 

 

"Ang tagal mo naman kumilos Minjeong, halika ka na mamaya na yan dahil nagugutom na ako!"

 

 

"Wag ka maingay sabi eh, tsaka anong nagugutom kakasabi mo lang na nakainom ka ng type O. May flavor ka pa talaga, kadiri ka naman Catalina."

 

 

"Totoo naman, yun ang pinaka masarap para sakin."

 

 

"Tara na, teka sandali, yung shades mo gusto mo ba subukan maglakad sa labas ngayon ng hindi suot yan? Makulimlim naman eh, sumakit ba yung mata mo nung sa sasakyan tayo kanina?"

 

 

"Natitiis ko yung liwanag nung nasa biyahe tayo, hindi sumakit yung mata ko."

 

 

"Gusto mo ba subukan ngayon dyan sa labas?" nakatayo kami dito sa pinaka labasan ng munisipyo, konti nalang yung tao dahil malapit na din mag uwian.

 

 

"Ano? sobrang makulimlim ngayon baka kaya mo to."ulit ko sakanya. Nakita ko na parang natatakot siyang tumapak sa labas ng hindi suot yung shades niya.

 

 

"Pero Minjeong baka masakit."

 

 

"Pag sumakit isuot mo kagad yung shades mo tsaka tatakpan kita." kita sa muka niya yung kaba at pagdadalawang isip."Sige, susubukan ko."

 

 

"Wag ka matakot."paalala ko sakanya. Inalis na niya yung shades at hinawakan ko siya sa kamay para sabay kaming lalabas. "Bakit dito mo pa naisip gawin to Minjeong?"

 

 

"Wala lang para mas exciting. Kaya mo yan, halika na. Hawak ka sakin." kinuha ko yung shades niya at hawak ko siya habang naglalakad kami sa labas. "Kaya mo?" tanong ko. Nakita ko na mas dinilat na niya yung mata niya at wala naman nangyayari na hindi maganda.

 

 

"Kamusta Catalina masakit ba?"

 

 

"Wala akong nararamdaman na kirot at hindi din lumalabo yung paningin ko."

 

 

"Okay konti nalang malapit na tayo sa kotse. Baka sa susunod kaya mo na din sa araw."

 

 

"Sana nga." humigpit yung hawak niya sakin habang naglalakad kami papunta sa kotse. Inalis na din niya yung kamay sa noo niya.

 

 

"Upo ka na." pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan ko umupo. "Salamat talaga sa mga ginagawa mo para sakin Minjeong." 

 

 

"Wala yun sinubukan lang naman natin kasi napapansin ko si Gisele wala nang shades kapag nakaupo sa bintana nila Layu. O ito yung shades mo hawakan mo na."

 

 

"Saan tayo pupunta?"

 

 

"Sa kainan malapit din dito, magugustuhan mo dun."

 

 

 

 

4:00pm

 

Andito kami sa eatery malapit sa palengke, kapag nagpupunta kami ni Ryujin kay ate, dito kami kumakain bago umuwi. Isinama ko si Catalina dito ngayon para masubukan din niya. Kanina niya pa ako pinagtatawanan dahil ang daming bumabati sakin, inaasar niya ako na famous daw ako sa palengke. Halos lahat ng may pwesto dito kilala ako kasi kami yung number one supplier ng karne dito sa probinsya namin.

 

 

 

 

Hinihintay ko lang na matapos initin yung mga inorder namin na ulam. Nagkkwentuhan pa kami kanina pero nung bumili ako ng juice sa katabing tindahan nagsimula na din magmaktol si Catalina. Magkaiba kami ng nararamdaman ngayon, kung siya naiirita dito sa bote ng juice sa harap namin, sobrang kinikilig naman ako. Itong juice na binili ko yung brand na ineendorse ni Minju. Sobrang natuwa ako dahil nakita ko yung muka niya sa label ng bote. 

 

 

"Bakit ka ba nagagalit kay Minju kahit hindi ka naman niya inaano?" tinutuklap ko yung label na plastic dun sa juice niya. Nagtotopak siya at mawawalan daw siya ng gana kung hindi ko aalisin to, itatapon niya dapat kanina pero inagaw ko. "O ano bakit mainit dugo mo sakanya, eh hindi mo naman siya kilala. Ang bait bait kaya nun."

 

 

"Ayaw ko sakanya."

 

 

"Bakit? eh hindi mo naman siya kilala. Tsaka halos lahat ng tao gusto siya noh, tignan mo nasa bote ng juice, nasa wrapper ng potato chips, nasa poster siya ng sabon panlaba, sim card, sanitary napkin, sabon pang ligo, pati nga sa bote ng vitamins andun yung muka niya."

 

 

"Kaya nga nakakairita dahil pakalat kalat siya, wala naman gusto sayo yun Minjeong."

 

 

"Anong wala, ang kapal mo ha siya na nga mismo nagsabi. Tsaka tingin mo ba kung walang gusto sakin yun magttiyaga yun na kausapin ako lagi? Siyempre hindi noh. Alam mo ba na kahit gabi hinihintay niya pa na makatulog ako bago niya ibaba yung video call namin?"

 

 

"Nagpapauto ka. Ano ba nagustuhan mo dun bukod sa artista

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1148 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2139 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko