Chapter XLIX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

8:30am Linggo

 

Maaga kaming umalis sa condo ni Chaewon dahil pupunta kami ngayon sa Muntinlupa. Ito yung unang beses na dadalawin ko si Minju. Sa totoo lang halo halo yung nararamdaman ko ngayon, ang bigat sa loob at sobrang kinakabahan talaga ako.

 

 

 

Everest Hills Memorial Park

 

"The weather is nice, hindi ganun kainit." banggit ni Chaewon. Magkatabi kaming tatlo dito sa backseat at nasa kabilang kotse naman sila Gigi kasama ni Vivian. Buti nalang pagkatapos nung nangyari samin nung Biyernes ng gabi, nahimasmasan na si Cheche at napawi na yung galit niya samin ni Catalina. Nag sorry siya sakin at pinaliwanag din niya yung side niya. Hindi ko nga lang napigilan umiyak dahil dun sa sinabi niya sakin. Nakakagaan ng pakiramdam nung sinabi niya na kahit daw maging anong klaseng nilalang pa ako hindi magbabago yung pagmamahal na meron siya para sakin. Napaka swerte ko talaga na maintindihin at mababait yung mga kapatid ko.

 

 

"May water dyan Minjeong, sa likod."

 

 

"Oo, kunin ko nalang mamaya. Thank you."

 

 

"Just relax, you will be okay." inakbayan ako ng kakambal ko at sinandal ko yung ulo ko sakanya.

 

 

"Che nung araw ng cremation ni Minju, saan ginawa?"

 

 

"In the funeral home, even if there's a crematorium in this memorial park."

 

 

"Ano pa mga nangyari nun? ano nalang ang reaksyon ng kapatid niya tsaka nung mga pinsan nila."

 

 

"You can totally see that it's the most painful thing that they have ever gone through. Sobrang sakit, I can still remember when they had to say goodbye to her. Lalo si ate Tzuyu and sila tita. She couldn't take it."

 

 

"Naiimagine ko. Buti nalang din kahit pano nagiging okay na sila, lalo si tita. Sinabi ko sakanila tuwing pupunta ako sayo sa QC, dadalaw ako lagi sakanila."

 

 

"Yeah, they would appreciate that. I'm happy that you don't forget them."

 

 

"Siyempre naman noh bakit ko naman sila makakalimutan, hindi nagbabago yung trato nila sakin. Sobrang bait talaga ng family ni Minju, mahalaga sila sakin." inabot ko yung kamay ni Catalina na nakaupo sa tabi ko at hinawakan ko. Ngumiti siya sakin nung nagkatinginan kami. "Okay ka lang? Gusto mo ng tubig?" tanong ko sakanya. "Mamaya nalang Minjeong, okay lang ako." pinag entwine niya yung mga kamay namin at mas humigpit pa yung hawak niya sakin.

 

 

"We're here. That's their family's mausoleum." napatingin kami dun sa tinuro ni Cheche, nung nakita ko yung mga salamin at medyo naaaninag ko yung mga puntod sa loob. Mas kinabahan na ako. "Sinong mga kasama niya dyan?"

 

 

"Her lolo and lola."

 

 

"Oh, okay."

 

 

Nung naka park na kami sa mismong tapat, nagbabaan na sila Cheche pati si Catalina. Halos kasunod lang namin dumating sila Layu at nagpark sila sa likod namin.

 

 

"Catalina." nag senyas ako sakanya at may tinuro ako sa upuan sa likod. "Sige." Pasimple kong sinilip yung bata na kasama namin. Nakaupo siya ngayon sa likod ng sasakyan. Sobrang behave niya kanina sa biyahe dahil si Catalina ang may hawak sakanya.

 

 

"Che, teka lang ha kunin ko lang yung tubig sa likod. Tsaka yung bulaklak." nagpaalam ako at nagpaiwan muna ako dito sa loob ng van.

 

 

"Alright hintayin ka namin."

 

 

"Catalina una ka na, sama ka kila Cheche. Kukunin ko lang yung bulilit tsaka yung bulaklak."

 

 

"Okay Minjeongie." kniss ko muna siya sa pisngi bago siya bumaba ng van.

 

 

Nagpunta ako sa likod para pasimple kong kakausapin si Lucila. Hindi ko pwedeng lakasan yung boses ko dahil andito pa sa loob yung driver.

 

 

"Isasama kita pagbaba. Wag kang lalayo Lucila, kapit ka lang kay Gisele. Napaka daming kaluluwa dito, wag kang makikipag away please lang."

 

 

"Opo." sabay smile ng parang pilit at nakakaloko. "Seryoso ako ha. Wag kang mangiinis ng ibang mga kaluluwa, dayo ka lang dito."

 

 

"Opo hindi po." Nagsalita siya pero walang lumabas na boses kaya natawa ako. "Halika na, susunod ka lang samin." bumaba ako ng van at dumiretso kung saan sila nakatayo. Kinuha kagad ni Gisele si Lucila at inabutan ko silang lahat ng tubig.

 

 

"O Vivian. Catalina satin to, share nalang tayo. Okay na Che, saan tayo?" tinuro niya yung entrance ng mausoleo na ang laki at mukang modern.

 

 

"Dito ba sila?" tanong ko habang pinagmamasdan namin ni Ryujin yung labas. Kung sa San Jorge puro nicho tsaka lapida ang makikita sa mga sementeryo tangina dito naman kulang nalang may lumabas na broker at landlord.

 

 

"Kiminjeong grabe yung mausoleo nila noh, ganitong design yung gusto ko sa bahay eh."

 

 

"Gago? o sige tapos yung kama mo nicho. Gigi kung ano ano nanaman sinasabi nito oh."

 

 

"Hahahaha ang ganda kasi ng design eh. Tignan mo nga oh pang Architectural Digest."

 

 

"Ewan ko sayo Ryujin." kinalabit ko si Lucila nung nakapamewang nanaman siya at may inaaninag sa malayo. "Gigi." hinawakan kagad siya ni Gisele at pinauna siyang maglakad. Napaka dami kasing kaluluwa na pasilip silip dito. Sigurado ako na may mga bata na kumakaway at inaaya siya.

 

 

Hawak ko na yung bulaklak na dinaanan namin kanina. Sinadya pa namin to sa QC dahil ito yung madalas kong binibili para kay Minju nung magkasama pa kami sa condo.

 

 

"Pwede na ba tayo pumasok? dito ba tayo, kanino yung isa?"

 

 

"Sakanila both, yan magkatabi na mausoleum sa relatives nila yung kabila. Tita informed the admin that we're coming kaya nakabukas na. Let's go inside." nakasunod lang kaming lahat kay Cheche tsaka kay Vivian, sila yung naka ilan beses nang dumalaw dito kaya kabisado na nila.

 

 

Papasok palang kami sa loob pero hindi ko na kagad ma-control yung emosyon ko. Sobrang bigat lalo na ngayon na alam ko na kung ano yung totoong nangyari sakanya. Hanggang ngayon pinipilit ko pa din intindihin kung ano yung pinaka dahilan kung bakit may gumawa nun kay Minju.

 

 

Nililibot ko ng tingin itong loob ng mausoleo. May mga kandila na nakasindi at ang daming bulaklak. 

 

 

"Minju, andito na si Minjeong. Pati yung ibang friends natin." nung nagsalita si Vivian para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw at tinitignan ko lang yung malaking picture ni Minju dito sa loob ng mausoleo.

 

 

"Minjeong, halika na dito." tinawag ako ni Catalina. Andun na sila, nakatayo sa harap ng urn ni Minju pero andito pa din ako sa likod.

 

 

"Sige lang." sagot ko.

 

 

"Why? ayaw mo lumapit?"

 

 

"Ha? hindi. Sige lang dito muna ako." 

 

 

"Halika Kiminjeong. Malamang alam ni Minju na andito ka na."sinundo ako ni Ryujin. Umakbay siya sakin at sinama niya ako. "Kaya mo yan, andito kami." Nung umusog sila Cheche at binigyan daan kami ni Ryujin, dun ko na siya nakita. Yung urn na nasa loob ng glass case. Parang bumalik lahat, grabe yung lungkot na bumalot sakin lalo nung napansin ko yung lapida. Sobrang nasasaktan ako nung binasa ko yung birthday tsaka yung araw ng pagkamatay niya na halos dalawang linggo lang ang pagitan. Naalala ko pa tuloy yung mga huling araw na magkasama kami. Bigla ko naisip yung February 5, nung sinalubong namin yung birthday niya kasabay yung eighth monthsary namin. Napaka bilis ng oras at para kaming tinangay.

 

 

Tama talaga yung ginawa ko at wala akong pinagsisisihan. Yun yung pinaka magandang desisyon, yung nagsama kami ni Minju at nag move in ako sa condo niya. Alam ko na nasulit naman kahit pa napaka iksi lang ng relasyon namin.

 

 

Lumapit ako para ilapag sa harap niya yung bulaklak. Hinahawakan ko yung salamin kung nasaan siya at tinitignan ko yung urn.

 

 

"Minju." tumapat ako sa salamin at tinitignan ko mabuti. Gustong gusto ko siyang makita, mayakap at makausap kaso wala na, hanggang ganito nalang ang pwede at hindi na siya babalik.

 

 

"Pumpkin."

 

 

"Andito na ako."

 

 

[sobbing]

 

 

"Sorry na ngayon lang kita napuntahan. Ang daming nangyari, kung makakausap lang sana kita, gusto ko sabihin sayo lahat. Madami pa akong gustong sabihin Minju."

 

 

"Bakit kailangan na ganito yung mangyari sayo?"

 

 

"Hindi mo deserve to."

 

 

"Iparamdam mo sakin kahit sa panaginip lang. Gustong gusto na kita makita at makausap."

 

 

"Sorry talaga Minju, na hinayaan kitang mag biyahe mag isa. Pero wag kang mag alala. Akong bahala. Lagi din kitang dadalawin kapag nandito ako sa Manila, pero sana naman magparamdam ka din sakin kahit sa dreams lang. Ang tagal tagal ko nang hindi naririnig yung boses mo. Hindi kita nakakalimutan. Naffeel ko naman na okay ka na, sana masaya ka kung nasaan ka man." bumaba ako ng konti, tumapat ako sa salamin at hinalikan ko.

 

 

"Mahal na mahal kita, patawarin mo ako kung hindi na tayo magkakasama ulit. Imposible na."

 

 

"Hey, come here. Sshh don't." lumapit sakin yung kakambal ko at niyakap niya ako. "Don't say stuff like that, you have to be cautious Minjeong." bumubulong si Cheche, nawala sa isip ko na kasama nga pala namin si Vivian pati yung mga driver nila.

 

 

"It's okay. Iiyak mo lang."

 

 

"Sino yung gago na pumatay sakanya Cheche. Anong motibo? Hindi ko talaga maintindihan."

 

 

"Hinahanap na nila, they will not stop hangga't hindi siya nahuhuli. Don't worry, Minju and her manager will get justice. Makukulong din yung gago na may gawa nito sakanya."

 

 

"Bakit si Minju pa, wala naman siyang inagrabyado na tao, wala nga siyang kaaway kahit isa!"

 

 

"Malalaman din natin lahat yan Minjeong. Have faith. Calm down." 

 

 

"May malalim na galit yun sigurado ako. Hindi ako nagkakamali Cheche, siya talaga yun eh. Yun yung lalaki na sumusunod samin."

 

 

"Wag natin dito pag usapan. It's a very sensitive matter." 

 

 

Naramdaman ko na humawak si Catalina sa likod ko. "Uminom ka muna Minjeong."

 

 

"Catalina hindi ko talaga matanggap, hindi aksidente at sadya yung nangyari." seryosong sabi ko.

 

 

"Mahuhuli din kung sino man yun Minjeong."

 

 

"Ilan buwan na pero hindi pa din nahahanap." Napansin ko na umiiyak si Catalina kaya kinuha ko kagad yung panyo ko at pinunasan ko yung muka niya. "Halika dito." pumikit siya at pinupunasan ko yung pisngi niya.

 

 

"Catalina yung pinagusapan natin kahapon."

 

 

"Kumalma ka muna, dun nalang yan pagbalik sa mansyon. Hindi ka dapat mag desisyon ngayon."

 

 

"Pero seryoso ako sa sinabi ko sayo. Kailangan ko yung tulong mo."

 

 

"Oo alam ko. Wag kang mag alala, pag uusapan natin mabuti yan." hinila ko siya palapit sakin at hinawakan ko yung kamay niya. "Parang bumalik at tumindi yung galit na nararamdaman ko."

 

 

"Naiintindihan kita. Pero kumalma ka at wag kang magpadalos dalos."

 

 

"Pinanghahawakan ko talaga yung sinabi ng ate mo, na okay na si Minju at masaya na siya."

 

 

"Yun ang totoo. Kilala mo siya, hindi marunong magbiro yun si Imperia." 

 

 

"Hinihintay ko pa din talaga yung araw na magpakita si Minju sa panaginip ko."

 

 

"Mangyayari din yan. Nakatawid na kasi siya Minjeong." lumapit kami ni Catalina at tinitignan namin yung urn. "Alam mo ba na naka frame sa kwarto ko sa bahay yung picture natin tatlo. Yung iniwan mo sa kama ko nung araw na umalis ka?"

 

 

"Oo sinadya kong iwan sayo yun. Ingatan mo yun Minjeong. Buti at nasulit niyo ni Minju yung oras. Sigurado naman na naramdaman niya kung gano mo siya kamahal."

 

 

"Oo buti nalang talaga dahil kung hindi. Pagsisisihan ko lalo to. Tingin mo ba naririnig niya ako?"

 

 

"Hindi ko masasabi pero kung andito siya dapat naramdaman o nakita na natin siya nila Gisele pati ni Lucila. Pero kahit minsan wala."

 

 

"Yun nga eh. Hindi naman siguro ako kinalimutan ni Minju."

 

 

"Mapatawad niya sana ako dahil hindi ko manlang siya natulungan. Pero wag ka mag alala Minjeong, pangako ko sayo, makakabawi din tayo para kay Minju."

 

 

"Oo. Pero uunahin ko muna yung walang hiyang Daryah na yan. Siya yung pinaka una sa listahan ko."

 

 

 

 

 

Makalipas ang Dalawang Linggo...

 

 

1:00pm sa Mansión de los Condenar

 

"Ano narinig mo?"

 

 

"Hindi ko nga marinig lahat tawag kasi kayo ng tawag sakin."

 

 

"Kabisaduhin mo tapos sabihin mo samin kung ano pinaguusapan nila. Sige na, umupo ka dun sa bintana pero invisible ka dapat ha wag ka magpapahuli."

 

 

"Hahahaha ginawa mo naman chismosang drone yan si Lucila. May nag aaway na ba sa loob? tignan niyo na baka binabalibag na ni Imperia si Cheche."

 

 

"Wag gago, kawawa naman yung kapatid ko. Sige na Lucila ayan lumipad ka na papasok sa bintana, wag kang magpakita kay Imperia dahil baka pag untugin tayo. Basta makinig ka lang."

 

 

"Naglalaro ako ginugulo niyo naman ako."

 

 

"Ano ba naman yan. Sige na, para may pakinabang kami sayo. Puro ka laro nagmumuka ka nang bola. Sige na, gagawan kita ng tree house."

 

 

"Nung isang buwan mo pa sinasabi yan wala ka naman ginagawa."

 

 

"Oo na nga dba, bumili na kami ni Catalina ng materyales sa hardware. Dali na dun ka na sa loob tapos balitaan mo kami ni Layu kung ano pinaguusapan nilang tatlo nila doc Yeji."

 

 

"Nakakainis naman Minjeon eh!!"

 

 

"Ay sinisigawan mo na ako? Sige na! Lipad na."

 

 

"Oo na!" naglaho sa hangin si Lucila at lumipad na papasok sa bintana.

 

 

Nakatambay kami ngayon ni Ryujin dito sa puno katapat ng hapag kainan ng mansyon. Umakyat kami dito dahil pilit namin pinapakinggan yung pinag uusapan nila Cheche. Dun ako natulog sa bahay namin kagabi at nagpunta kami dito dahil kakausapin niya si Imperia pati si doc Yeji. Nagulat ako na pumayag silang makipag usap sa kapatid ko lalo na si Imperia. Nung una takot na takot ako dahil baka manakit siya, pero nung nagkitakita na kami, civil naman siya at mukang malamig ang ulo niya ngayon.

 

 

"Kiminjeong gusto ko talaga makita si Lucila."

 

 

"Dba nga sinubukan na natin. Nagpapakita siya sayo ilan beses na pero hindi ka talaga clairvoyant Layu kaya pasensya ka na. Nasa harap mo na pero wala ka pa din nakikita. Malamang pag nagkakilala sila ni Minji, ayun makikita niya siya."

 

 

"Sigurado yan, kasi ang dami daw nakita ni Minji na multo dito sa mansyon."

 

 

"Ang dami talaga, lalo dito sa labas. Nakaka bother lang yung babae dyan sa tangke ng tubig. Ang dugyot kasi ng itsura niya tsaka basang basa."

 

 

Tinignan ko yung mga biik na nagsswimming dito sa baba namin. May narinig akong umiiyak at mukang nag rarambulan nanaman silang dalawa. "Teka nga!" nag teleport ako at pinaghiwalay ko sila. Naabutan ko si Matilda na sinisiksik at dinudunggol si Sharpay kahit may sarili din siyang swimming pool. "Wag kayo mag away. Matilda nakakarami ka na ha, wag mo guluhin yung ate mo!" binuhat ko yung swimming pool niya at inilipat ko siya sa kabilang dulo. "O ayan dito ka sa malilim." binalikan ko muna si Sharpay at tinignan ko yung tenga dahil nagkagatan nanaman sila. "Pag nag alarm yung phone, tapos na yung swimming niyo okay?" hinawakan ko yung muka niya at kniss ko sa noo. "Ang fresh fresh mo na Sharpay, napaka cute mo talaga."

 

 

Nag teleport na ako pabalik sa taas ng puno. "Naisip ko lang Kiminjeong, sila Sharpay ba pwede din gawin vampira? pwede kaya silang salinan?"

 

 

"Ha? bakit mo naman naisip yan. Hindi ko alam eh, tanong natin kay doc Yeji. Huy Layu ano na, may nahiraman ka na ba?"

 

 

"Oo nga gago makukuha ko sa Sabado tanong ka ng tanong nakikita tuloy ni Gigi yung message mo. Ano bang plano, ano ba gagawin natin sa araw na yun?"

 

 

"Ito nga, dba magiging busy si Catalina ng ilan araw dahil inaayos niya yung lisensya niya. Kaya nga sila umalis nila Gigi eh, andun siya ngayon sa parang school ata ng LTO yun, susunduin ko siya mamayang alas kwatro."

 

 

"Hahahahaha hindi ko talaga maimagine si Catalina umaattend ng seminar. Baka naman magwala yun dun kapag may hindi siya nagustuhan ha."

 

 

"Hindi, maayos si Catalina noh, napaka civilized kaya nun tsaka sinabihan ko din siya na kalma lang siya kapag may mga nakakairita sa paligid. Pero wag lang may babastos sakanya dun dahil ihahagis ko silang lahat isa isa."

 

 

"Napaka sweet mo naman talaga oh."

 

 

"Hahahaha epal, sasamahan ko dapat siya kaso hindi naman ako pwede dun sa loob."

 

 

"Try niyo kaya ni Catalina na maghiwalay minsan? puta nagkakapalit na kayo ng muka eh. Pag napapatingin nga ako sainyo minsan yung tingin ko nasa iisang katawan nalang yung ulo niyo eh."

 

 

"Hahahahahahaha isa yung katawan tapos dalawa yung ulo. Kung ano ano sinasabi mo."

 

 

"O ano na yung plano, kung saan saan nanaman napupunta yung usapan eh."

 

 

"Makinig ka na, dapat magawa na natin yung plano ko habang busy pa si Catalina at may iba siyang iniintindi."

 

 

"Ano nga gagawin?"

 

 

"Gagantihan natin yung babaeng isda na nanakit at nang torture sakanya. Hindi ko talaga matanggap yung mga pananakit na tinamo niya dun Ryujin, jusko grabe. Umiinit nga yung muka tsaka tenga ko kapag naalala ko. Isipin mo, na-trap siya sa kweba ng dalawang buwan. Buti nalang malakas yung katawan niya at hindi siya namatay kahit walang naiinom na dugo."

 

 

"Oo Kiminjeong naalala ko pa yung itsura ni Catalina nung dumating siya sa ospital nung araw na tinakbo ka namin. Ang sama ng lagay niya tsaka nagdudugo yung katawan niya."

 

 

"Sobrang nagagalit talaga ako kapag naalala ko yung mga nangyari sakanya, alam mo hindi pa nga sinabi sakin ni Catalina yung buo dahil alam niya na magagalit ako."

 

 

"Alam mo these past few months, lahat ng mga sinasabi niyo sakin nila Gigi naniniwala na ako kagad eh, kahit hindi pangkaraniwan. Tsaka lalo ngayon na naging vampire ka na, ang weird ng mga nangyayari tsaka natutuklasan natin grabe."

 

 

"Eh kasi totoo naman tsaka kung nakikita mo lang yung mga nakikita ko lalo dito sa mansyon, tsaka kung maeexperience mo yung way of life nila. Kakaiba at napaka misteryoso. Pero masaya, kasi wala masyado iniintindi tsaka magkasama kami ni Catalina."

 

 

"Leche maisingit mo lang talaga si Catalina eh. Nalayo lang saglit pero nammiss mo na kagad. Sino ba kasi yung Daryah, nabanggit din sakin ni Gigi yan."

 

 

"Siya yung pinaka dahilan kung bakit hindi nakabalik sa oras si Catalina. Kung hindi siya pinahirapan at kinulong nun sa kweba hindi sana kami namatay ni Minju at nailigtas pa kami ni Catalina. Makikita mo siya, mermaid yun. Pero ang panget putangina, kaya wag ka mag expect na makakakita ka ng maganda ha dahil mas cute pa yung mga bangus tsaka hito na binibili ni manang Carmern kesa dun sa daing na yun."

 

 

"Halata nga na galit na galit ka. Anong balak mong gawin? tsaka pano?"

 

 

"Babawian natin siya. Gabi natin gagawin para walang tao, walang makakakita at makakarinig. Kakausapin ko si Daryah, kunyari makikipag ayos ako, sasabihin ko oras na para magkapatawaran na kaming lahat. Kapag kumagat siya sa patibong at lumapit siya satin sa buhangin ayun na. Makakakita ka ng tamang paraan kung pano kaliskisan ang mermaid Ryujin."

 

 

"Gago parang napaka exciting nito. Papatayin mo ba?"

 

 

"Hindi siguro, baka tuturuan ko lang ng leksyon tsaka gusto ko talagang bumawi para kay Catalina."

 

 

"Pwede ko ba idocument yan Kiminjeong, kukuhaan ko ng video kapag ginawa natin?"

 

 

"Oo pwede pero wag mo pagkakalat ha baka mapahamak tayong dalawa."

 

 

"Oo for personal use lang naman."

 

 

"Tsaka Ryujin, ito seryoso ako ha. Wag mo sasabihin kila Gisele, lalo kay Catalina. Gagawa lang ako ng excuse eh, pwede kong sabihin na may pupuntahan tayo ng gabi nila ate."

 

 

"Pano yun eh nakikita niyo ni Catalina kung nasaan yung isa't isa, masusundan ka nun."

 

 

"Papakiusapan ko siya, minsan ginagawa namin yun. Bawal mag intrude sa ginagawa ng isa't isa para alam mo yun. Hindi kami magkakasawaan tsaka respeto din. Siyempre may kanya kanya pa din kaming buhay kahit pa ako yung staker niya."

 

 

"Ayos. Pwede pala yun. Yun naman pala eh, o sige kailan natin gagawin yan? Game ako sa paghihiganti mo."

 

 

"Kailan mo ba mahihiram yung jet ski tsaka yung motor pang wakeboard? tsaka kanino mo pala hiniram?"

 

 

"Dun sa best friend ni ate Taeyeon, nag wwakeboard yun eh tsaka may resort sila."

 

 

"Best friend ni ate?"

 

 

"Oo yung tatakbo na Mayor next year, kapalit niya."

 

 

"Ay gago ka Ryujin, kay ate Yuri?!"

 

 

"Mismo hahahaha. May wake park sila tsaka may resort dito sa San Jorge dba o edi dun ako nanghiram. At least kakilala natin walang kahirap hirap, kaya ayan may jet ski na tayo."

 

 

"Jusko. Sinabi mo ba na tayo yung gagamit?"

 

 

"Tanga, kahit hindi ko na sabihin. Ako yung nanghiram edi alam niya kagad na may kinalaman ka."

 

 

"Sabagay. Baka naman magsabi yun kay ate ha, mapagalitan pa tayo."

 

 

"Ano ba naman yan Kiminjeong. Ikaw lang yung vampira na natatakot sa pagalit."

 

 

"Tanga siyempre, pero oo nga noh may point ka. Ako lang ata yung vampira na takot mapagalitan ng mga kapatid. Eh kasi naman pag nagbunganga si ate tsaka si Cheche ng sabay pati ata si Satanas maiirita sakanila."

 

 

"Hahahaha oo lalo kay Che

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko