Chapter XIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Isang Araw Bago ang Lunes Santo

 

Mahigit dalawang oras ang biyahe namin ni Ryujin. Nagmaneho pa kami ng pagkatagal tagal sa kabilang probinsya para lang bumili ng mga damit. Andito din kasi sa bayan na to yung malaking ukay-ukay o RTW shop ng mga imported na gamit, si Yuqi ang nagsabi samin na subukan namin bumili dito dahil madami daw pagpipilian.

 

 

Nagpunta kami dito para din sa iba pang gamit dun sa mansyon, kailangan pa namin ng isang electrical fan at papalitan namin lahat ng ilaw na pundido. Pinaka una sa listahan ng bibilin ay yung mga damit na susubukan namin ipasuot sa mga vampira. Kailangan nilang mag iba ng ayos dun sa apat na araw na yun para hindi kami magka problema, hindi talaga pwede mahalata nila Che at Vivian na may kakaiba sakanila dahil pare parehas kaming malalagot kay ate Taeyeon. Pumayag si Imperia na pumunta kami pero hindi ko lang alam kung papayag ba sila na magkunwaring normal na tao. Nagalit sila samin nung sinabi ko na umalis muna sila. Hindi siya pumayag sa kadahilanan na wala daw silang ibang tutuluyan at kanila daw yung mansyon. Kesa magsigawan at ibalibag nanaman nila ako, ito nalang yung nakikita ko na pinaka solusyon. Kailangan nila mag iba ng ayos.

 

 

Iniisa isa namin yung mga damit na naka-hanger dito sa ukay-ukay. "Layu pumili ka nalang ng kahit anong damit. Yung tingin mo na bagay sakanila basta yung light colors naman." Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila pero, kumukuha lang kami ng mga damit na maayos tignan at komportable. "Pati ba pantalon? ito tignan mo." pinakita ni Ryujin sakin yung mga nakuha niya. "Oo pwede na yan, tsaka mas madaming dress. Para mukang pang summer. Tsaka laging dress suot nila kaya mas sanay sila dun." may pinakita sabay inabot siya sakin. "Ito kaya, romper okay naman itsura." natawa ako kasi shorts yung napili niya. "Sige isama mo na yan. Tama na kaya to? ang dami na nito parang labing walong pares na. Pati pangtulog meron na."

 

 

"Jukso naging sugar mommy pa tayo bigla Kiminjeong. Buti nalang mura mga tinda nila dito."

 

 

"Hayaan mo na, para walang gulo. Pagkatapos naman ng pagtuloy natin dun, hindi na natin sila makakasalamuha pa ulit. Tsaka sasabihin ko kay Cheche na pagtagal baka pwede na namin ibenta yung mansyon. O kahit yung kalahati nung lupa. Kahit hindi na yung kabuoan."

 

 

"Oo tama yan, kesa masayang."

 

 

"Iiwan nalang samin yung kalahati kung saan nakatayo yung mismong bahay. Kikita pa kami. Tapos ka na ba Layu? ano pa ba napili mo mukang kasya naman sakanila yan kasi kasya din satin eh." tinignan ko yung mga shopping bag na hawak namin, mukang ayos naman na at kumpleto na. "Sana naman pumayag sila na isuot tong mga to. Pag ayaw nila, ibebenta ko nalang dun sa mga tauhan sa farm o kaya ipapabenta ko kila Manang Carmen."

 

 

"Hahaha tingin mo ba papayag si Imperia mag damit ng ganito. Sana nga makisama sila, na-ccurious din ako ano magiging itsura nila kapag nakadamit sila ng normal hindi yung mga pang Harry Potter."

 

 

"Hahahaha kaya nga eh, sana lang magmuka nga silang normal na tao tsaka yung kilos nila, yun pa pala isa na ipapakiusap ko. Bawal kasi talaga malaman ni ate Taeyeon yung tungkol sakanila dahil baka ipapatay niya sila, mahirap nun kapag gumanti sila, madami madadamay."

 

 

"Sana talaga maging maayos at tahimik yung apat na araw na yun, walang masasaktan at wala din mapapahamak. Ang laking gulo nun lalo pag nabisto na tinatago natin yung apat. Andun pa naman yung kambal mo, magagalit yun."

 

 

"Oo kaya nga kinakabahan ako sobra."

 

 

 

 

Pagkatapos namin bayaran yung mga damit nagpunta naman kami sa mall tawid lang nung ukay-ukay. Bibili kami dito ng tsinelas, sapatos tsaka sunglasses na pwede nilang gamitin. Kailangan nilang lumabas ng bahay minsan at makihalubilo para lang hindi magtaka sila Cheche at Vivian.

 

 

"Ayun yung mga shades." nakita namin yung dalawang lamesa ng mga sunglasses na nilalako sa bangketa. "Ayan Layu, may Ray-Ban ayan nalang."

 

 

"Bagay sa crush mo to Kimijeong, Off-White. Ako pipili para kay Gisele ha. Alam ko na yung mga gusto niya eh, ito okay yung design ano ba tatak nito, Gucci. Bagay kila Imperia Prada."

 

 

"Teka Layu," kailangan ko ipaulit dahil mali ata yung narinig ko na sinabi niya. "Anong sabi mo tungkol kay Gisele?"

 

 

"Yung mga hilig at interest niya, unti unti ko na nalalaman."

 

 

"Pano?"

 

 

"Edi nakwento niya sakin, kagabi." nagtataka akong nakatingin kay Ryujin. Kung magkwento siya tungkol sa isa dun sa mga vampira parang napaka casual nalang. "Teka Layu, anong kwentuhan pano mo naman naka kwentuhan yun?"

 

 

"Kagabi nga sa kwarto ko, tumambay lang siya tapos nag kwentuhan kami. Nung malapit na mag alas singko umalis na din si Gitele, dinaanan pa nga siya ni Catalina kasi kailangan na daw nilang umuwi."

 

 

"Anong Gitele? wag ka magmadali magsalita medyo nabubulol ka nanaman. Ano nga, pano nangyari yun? Hindi ka niya inatake o kinagat talagang kalmado siya, hindi ka binalibag?"

 

 

"Hindi. Malamig ulo niya kagabi, tsaka mabait naman talaga yun masama lang tingin mo sakanya kasi nga vampira."

 

 

"Ano? pano, teka bakit parang close na kayo?"

 

 

"Ah hindi pa naman pero papunta na dun. Sigurado ako na magiging kaibigan ko siya kasi masaya siya kausap. Alam mo ba, nakwento nga niya sakin mahilig sila magbasa ng libro tsaka may cell phone siya."

 

 

"Pucha nalilito talaga ako Ryujin. Seryoso ka ba sa sinasabi mo o ginagago mo lang ako?"

 

 

"Oo nga muka ba akong nagbibiro, nakuha ko yung number niya nag mmessage din kami."

 

 

"Pano siya nakakagamit ng cell phone eh wala naman signal dun sa mansyon?"

 

 

"Nakakalipad at punta sila sa kahit saan Kiminjeong. Hindi problema ang signal sakanila. Binigay ko din pala yung number mo kasi may nanghihingi daw."

 

 

"Tangina hindi ko masundan parang ginagago mo lang ako eh. Tsaka sino naman manghihingi ng number ko eh apat lang naman sila dun. Lima pala kasi kauri din nila si doctora."

 

 

"Aba malay ko kung sino. Baka malalaman at makikilala mo din pag tagal, baka nga may nagkaka interest na sayo eh, hindi mo lang napapansin."

 

 

"Ang labo mo kausap wala ako maintindihan. Tapusin na nga muna natin to. Kuya ito po kukunin na namin itong apat na shades." inabot ko yung napili namin ni Ryujin at binayaran ko na din. Sana lang talaga wag masayang lahat ng to. Pumayag sana sila na gamitin lalo na yung mga damit na napaka dami.

 

 

Pagkatapos namin sa damit at sunglasses nagtungo naman kami sa loob ng mall para bumili ng mga tsinelas. Kailangan nilang magmukang tatambay sa beach para hindi mapansin nila Cheche na kakaiba yung mga kilos at gawain nila.

 

 

Sa department store kami dumiretso para madaming pwedeng pagpilian. "Tingin ko medyo malaki paa ni Catalina, ito nalang kaya, mukang okay na to. Ikaw na pumili sa iba. Baka naman pati size ng paa ni Gisele alam mo na ha?"

 

 

"Oo alam ko nga madami na din kasi ako nalaman tungkol sakanya. Mabait siya kapag nakilala mo tsaka nakakatuwa kausap. Interesado din siya makinig sa mga kwento ko tungkol sakin."

 

 

"Talaga? hindi ko mawari yan sinasabi mo. Kasi si Catalina parang nagpupunta lang sa kwarto ko para manakit tsaka mangbwisit. Ang tigas ng ulo niya grabe tsaka sobrang palaaway. Wala atang oras na hindi siya nagagalit kaya lagi nalang nakalabas yung mga pangil niya."

 

 

"Magkaiba pala sila ni Gisele. Yung pangil niya parang hindi ko nakita buong gabi. Nagpunta lang talaga siya dun para tumambay tsaka makipag usap sakin kaya din nagulat ako."

 

 

"Kailan pa ba nagsimula to Ryujin, bakit parang may hindi ka sinasabi sakin ha?"

 

 

"Wala akong tinatago sayo. Kaya nga sinasabi ko na dba, nagpunta siya kagabi at nag usap kami. Ayun lang."

 

 

"Hala hindi kaya gusto ka din niya makilala o kaya naman gusto ka niya maging kaibigan. Tingin ko parehas lang kayo. Nakakatuwa naman kung mabait pala talaga siya, tsaka alam mo ang cute niya. Parang mahinhin tsaka hindi sobrang nakakatakot hindi katulad nung tatlo na mukang handa nang sumunggab."

 

 

"Oo sinabi mo pa, yung kilos niya opposite nung sa crush mo."

 

 

"Tangina naman kasi si Catalina pinaglihi ata sa wrestler. Pikon tsaka ang hilig niya pa sumigaw, lagi pa nananakot. Sinusubukan ko siya kausapin ng maayos kagabi yung mga sagot ba naman sakin puro pabulyaw."

 

 

"Maganda kausapin at kaibiganin mo nalang siya unti unti, tignan mo magkkwento din yan. Kay Gisele ko nalaman na sobrang kakaiba yung buhay nila sa buhay ng mga tao. Kung pano sila nakaka survive dun sa mansyon yung susunod na aalamin ko palang kay Gitele."

 

 

"Gisele kasi Layu, ayan sa sobrang saya at kilig mo lumalabas nanaman tuloy yung bulol mo. Mukang kailangan mo nanaman ibalik yung bubble gum exercise mo ha. Gusto mo ba? mukang mas mapapadalas na kasi yung pagbulol mo ngayon. Hahaha"

 

 

"Hahahaha hindi naman, natutuwa tsaka na-eexcite lang kasi ako. Tapusin na nga natin to para maihatid na natin dun sa mansyon."

 

 

 

 

 

12:15pm 

 

Halos lahat ng kailangan namin bilin, pati na din yung mga inuutos nila Cheche at Vivian na pinapabili nila sa grocery nakumpleto na namin. Pero bago kami mag biyahe ng pagkatagal tagal, naisipan na namin mananghalian dito sa mall.

 

 

Kanina pa kami nagtatawanan dahil dun sa text na pinabasa niya. Bibilan kasi dapat namin ng pagkain yung apat para dadalin namin mamaya sa mansyon kaya sinubukan namin tanungin si Gisele kung ano yung gusto nila. Hindi ko inakala na totoong nagrereply pala siya. Tawang tawa ako sa kung pano siya mag message kay Ryujin. Base sa mga sagot niya, halata na siya ay makalumang tao. Nakakatawa dahil sobrang direct to the point niya sumagot. Nung tinanong namin kung anong pagkain ang sa tingin niya na magugustuhan nung tatlo, nawindang ako sa sinabi niya. Magugustuhan daw nila ang dugo ng bata o dugo ng tao na kakamatay lang. Favorite daw lalo ni Imperia at ni Catalina ang dugo ng bata dahil mas nagbibigay lakas tsaka ito daw yung nakasanayan nila. Nung nabasa ko yun nawalan tuloy ako ng gana ubusin yung inorder ko na gulay. 

 

 

"Kiminjeong, yung nabanggit mo kanina, kailan kayo aalis ni Cheche tsaka saan nga kayo pupunta?"

 

 

"Isasama daw niya ako sa Hong Kong kasi may tatanggapin siyang award. Tsaka madami daw siya pupuntahan na event. Ewan ko nga bakit sinasama pa niya ako."

 

 

"Edi aattend ka din dun? gano ka katagal mawawala?"

 

 

"Dun lang sa awards night hindi sa mga event, ano naman gagawin ko dun. Dun nalang ako sa hotel o kaya naman maglalakad lakad o mamamasyal nalang ako. Si ate Taeyeon gusto niya din isama sana kaso hindi pwede dahil may trabaho. Kaya ayun ako nalang. Limang araw akong wala, ayos lang ba Layu, kaya mo ba mag isa sa farm?" 

 

 

"Oo. Kasama ko naman sila manong tsaka yung secretary. Kami na bahala dun, wag ka mag alala, sulitin mo yung pag punta mo sa Hong Kong. Unang labas mo ba ng bansa to?"

 

 

"Hindi, pangalawa na kasi nung bata ako sinama ako nila lola sa America pero hindi ko na maalala yun."

 

 

"May mga ibang artista ba na kasama si Cheche, si DaVivs pupunta din ba?"

 

 

"Hindi ko alam eh. Pero may ibang mga artista nga ata na dadalo. Sa susunod na buwan na pala yun, grabe ang bilis talaga ng oras. Ano naman kaya yung damit na isusuot ko dun?"

 

 

"Itanong mo nalang sa kambal mo. Pano na yun Kiminjeong pagkatapos natin matulog sa mansyon, hindi ka na talaga babalik dun?"

 

 

"Hindi na, kasi kailangan ko tuparin yung pangako ko kay Imperia. Hindi ako yung klase na walang isang salita."

 

 

"Edi hindi mo na makikita si Catalina? Ano ba talaga nararamdaman mo, may gusto ka ba sakanya? kasi hindi mo na maitatanggi halatang halata ka na. Iniisip mo pa nga yung kapakanan niya."

 

 

"Oo inaamin ko, gusto ko talaga siya. Siya yung pinaka unang tao na nagustuhan ko ay sandali, hindi nga pala siya tao. Maganda siya tsaka natutuwa ako sakanya kahit palagi siyang galit. Ngayon ko lang talaga naramdaman to. Ang saya tsaka ang sarap sa pakiramdam. Kaso nga lang hindi magiging maganda yung epekto sakin nito kapag hinayaan ko."

 

 

"Bakit naman hindi?"

 

 

"Kasi ayaw ko yung parang, hindi ko maipaliwanag eh, ganito nalang. Nung isang gabi nagsabi siya sakin na babalik siya dahil itutuloy daw niya yung pagbabasa ng libro sa kwarto ko. Naghintay ako buong gabi sakanya pero hindi naman siya dumating."

 

 

"Umasa ka?"

 

 

"Parang ganun, at ayaw ko nung pakiramdam na yun, yung nadidismaya. Tsaka isa pa, vampira siya. Wala tayo mapapala sakanila."

 

 

"Eh basta ako masaya ako na nakakausap ko si Gisele. Ayos na sakin yun. Ikaw ba ano bang balak mo?"

 

 

"Wala, pagkatapos natin matulog dun sa mansyon hindi na talaga ako babalik dun tsaka puputulin ko na yung koneksyon ko kay Catalina. Ayaw ko magkagusto sakanya,hindi ko gusto yung pakiramdam na aasa ako. Hahayaan ko nalang mawala. Aksaya lang din sa oras yan."

 

 

"Kiminjeong magkaiba tayo ng pananaw. Tsaka wag mo kasi pangunahan yung mga mangyayari, pwede mo naman siya maging kaibigan muna, kilalanin mo siya mabuti. Pero sabagay mukang malabo nga yun kasi lagi ka niyang inaaway. Mainit dugo niya sayo."

 

 

"Isa pa yun, hindi talaga kami pwede. Kaya kakalimutan ko nalang siya. Lulubos lubusin ko nalang yung oras na makikita pa natin sila."

 

 

"Unang beses ka nagkagusto ka tapos sa vampira pa, sayang naman. Sana nga naging tao nalang sila para mas madali."

 

 

"Ikaw anong balak mo, halata naman na may gusto ka kay Gisele. Leche ka mukang kausap mo nga lagi ang bilis mo naman Layu."

 

 

"Edi yun kikilalanin ko siya, kapag naging kaibigan ko bahala na kung ano ang mangyayari samin."

 

 

"Wag mong sabihin na kaya mo makipag relasyon sa vampira?!"

 

 

"Sssshh, hinaan mo naman, naririnig ka nila." napalakas yung boses ko kaya nag lingunan yung mga tao sa katabing mesa. "Hindi ko alam Kiminjeong pero interesado talaga ako na kilalanin pa mas mabuti si Gisele."

 

 

"Ang dami mo pa sinabi, dapat nag oo ka nalang. Pero okay na din yan kasi masaya ka tsaka may pinagkakaabalahan ka. May tanong pala ako, nasabi ba niya sayo kung ano koneksyon sakanila ni doctora, magkakamag anak ba silang lima, nabanggit niya ba sayo?"

 

 

"Hindi pa, pero wag ka mag alala, aalamin ko lahat yan. Yun din mga gusto ko malaman kung bakit si doctora nakakalabas kahit may liwanag tapos sila nabubulag."

 

 

"Sige, okay din pala na nakakausap mo si Gisele, madami tayo nalalaman tungkol sakanila. Pero ito Layu, tingin mo bakit ang hirap nilang patayin? Lahat nalang ng ginawa natin hindi tumalab sakanila."

 

 

"Eh kasi ito nga, natanong ko na din yan kanina nung nasa biyahe tayo. Sabi ni Gisele yung pinaka effective na paraan ng pagpatay sakanila, dapat daw saksakin sila sa puso tapos sunugin. Sa puso daw pinaka nanggagaling yung buhay tsaka lakas nila."

 

 

"Hahahahahaha sinabi niya sayo yan? Jusko Ryujin, mukang may gusto din sayo yan. Tingin ko malupit na sikreto ng lahi nila yan pero sinabi niya talaga sayo ng parang wala lang, tapos sa text pa?"

 

 

"Oo gusto mo basahin? kaya nagulat din ako eh."

 

 

"Wag na baka may mabasa pa ako na hindi dapat."

 

 

"Gago, tara na nga kanina ka pa tapos dyan eh. Ako na magmamaneho para mabilis."

 

 

"O tignan mo atat na atat ka na magpunta sa mansyon."

 

 

"Hahahaha manahimik ka." 

 

 

 

 

 

 

Martes Santo sa Mansión de los Condenar

 

 

Gabi na kami nakauwi nung Linggo dahil naabutan kami ng malakas na ulan. Ngayon namin dinala lahat ng gamit pati na din yung kabaong ni Catalina. Yung mga damit galing ukay nalabhan na din lahat, nagpatulong nalang ako kila Manang Carmen at sinabi ko na yun ay donasyon. Yung isang elf truck sa farm ang sinakyan namin papunta dito para magkasya sa likod yung ataul. Ang bigat nga lang kaya halos mabali yung buto ko sa braso kanina nung pinag tulungan namin ibaba ni Ryujin. Hindi dapat malaman ng ibang tao yung tungkol dito sa ataul dahil baka m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko