Chapter XV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Linggo ng Pagkabuhay

 

9:00am

 

Pagkatapos namin mag almusal kasama si ate, nagpaalam na kami sakanya at nag punta na kami sa Mansión de los Condenar. Kasama namin kagabi sila Catalina, hindi ko inakala na sisipot pala talaga sila at sasama samin sa simbahan. Kinausap ko siya ng maayos sinabi ko na kung pwede mag tiis muna at makisama samin dun sa apat na araw na matutulog kami dito sa mansyon. Hindi siya sumagot kaya ito ako ngayon kinakabahan dahil andito na kami sa gate at paakyat na kami.

 

 

"Layu minessage mo ba si Gigi? Sabihin mo andito na tayo. Andun na daw ba sila?" sinasadya kong iparinig kila Cheche yung usapan namin ni Ryujin. Kagabi pa kami nagpapanggap na kaibigan namin yung tatlo, buti nalang nung sa simbahan hindi na sumama si Sorin kaya mas naging madali para samin na mapaniwala sila.

 

 

"Oo andun na sila hinihintay tayo."

 

 

 

 

Puro mga damit at mga pagkain nalang ang dala namin ngayon dahil nahatid na namin yung mga ibang mga gamit namin nung isang linggo pa. Yung mga pagtutulugan, yung sala pati na din yung kusina maayos at kumpleto na. Naglaan talaga kami ng dalawang araw ni Ryujin para bilin yung mga kailangan. Pati yung ref tsaka yung stove, microwave lahat meron na.

 

 

Inayos ko yung sasakyan sa tabi nung van na naiwan dito, hindi pa kasi ako nakakabili nung mga gulong na kapalit nung sinunog nila Catalina. Sinabi ko nalang kay ate Taeyeon na ako nalang muna yung gagamitin nitong van para hindi na niya hanapin at hindi na siya magtatanong sakin. 

 

 

Bago ako pumasok dito sa mansyon sinigurado ko muna na naka handa na yung baril ko at nagdala din ako ng isang sako ng bawang. Hindi ko nalang pinahalata kila Cheche dahil magtataka sila at kukulitin niya pa ako kung para saan yun, iniwan ko nalang sa gilid nitong bahay at babalikan ko nalang mamaya.

 

 

"O bakit hindi pa kayo umaakyat?" nakita ko silang tatlo na nakaupo pa dito sa sala. "Layu? tara na. Anong ginagawa niyo dito?" nakatutok sila sa mga cell phone nila at hindi pa kumikilos. "Hoy ano ba, bakit parang wala kayong naririnig?"

 

 

"Akala ko ba andito na sila Gigi they are not here naman."

 

 

"Ah baka naman namamasyal dun sa labas, baka tinitignan nila yung dagat. Andyan na daw sila eh. Tara na, para makita niyo yung kwarto kung saan tayo matutulog." kinuha ko na yung bag ko at nauna na akong umakyat sa kwarto. Nagsunuran na din sila dala dala yung mga gamit nila.

 

 

Tinitignan nila Vivian at Cheche yung mga gamit dito sa hallway tsaka yung painting nung lalaki na nakasuot ng itim na kapa. "Alam mo na ba kung sino siya Minjeong?"

 

 

"Hindi eh, hindi din daw kilala ni Mang Dante kung sino yan. Baka sila may ari nito dati o kaya nabili sakanya nila lolo tong mansyon. Ito na yung kwarto natin, tatlong malalaki to pero ito yung pinili ko para malapit sa hagdan." binuksan ko na yung pinto at pinauna ko silang dalawa. "Layu, nakausap mo ba?" umiling siya at pinakita niya sakin yung phone niya. Walang signal.

 

 

"Whoa it's not that bad naman pala and it's not scary." 

 

 

Nung makapasok na kami dito sa kwarto mukang natuwa naman silang tatlo sa kinalabasan. "Yung amoy luma lang talaga yung problema dito pero ayos naman tsaka yun lang yung mga bubong kapag tag ulan may tumutulo dun sa isang kwarto."

 

 

"How about them where are they staying? we can invite them to lunch." ang kulit talaga nito ni Vivian, talagang hindi niya mapigilan yung pagiging friendly niya. Kagabi pa siya ganito at mukang nakakwentuhan niya pa si Gisele at si Catalina.

 

 

"Che bababa lang ako aayusin ko yung tanghalian natin, dito muna ba kayo?" tanong ko sa dalawa na nag aayos ng gamit. Si Ryujin nakahiga na dun sa kama kung saan kami matutulog mamaya. "Uhm we'll stay here muna because I'm just gonna need a quick read through." pinakita niya sakin yung makapal na papel na hawak niya. Malamang ito yung pinunta nila dito ni Vivian. 

 

 

"Ikaw, dito ka lang?" tanong ko kay Vivian na mukang inaantok pa at nag lalagay ng gamit niya dun sa isang aparador na wala pang laman. "Yeah, I'll stay with Cheche muna. There's no signal here pala noh?"

 

 

"Oo wala, kailangan mo umakyat dun sa torre ng tangke ng tubig para makasagap ng signal. Baba muna ako." paalam ko sa kanila. Bago ako tumungo sa hagdan nagpunta muna ako sa pinaka dulong kwarto. Gusto ko makita kung andito ba yung apat dahil napaka tahimik ngayon dito sa mansyon at parang wala sila dito. 

 

 

Nung sinubukan kong buksan yung door knob, hindi naka lock kaya pumasok na ako sa loob. Walang kalaman laman yung kwarto at talagang hindi din nagalaw, nakabukas lang yung iilan na bintana. Nagpunta ako para tignan yung mga aparador sa pinaka dulo. Pag bukas ko nakita ko na naka ayos yung mga damit na binili namin para sakanila at nasa kabilang aparador naman yung mga damit nilang kulay itim. Putang ina ang dami, mga naka hanger pa kaya nakakagulat at medyo natakot ako nung binuksan ko. Parang mga ganito yung damit nung mga santo dun sa prusisyon nung Biyernes Santo. Ang dami pala nilang mga damit. Iisa yung disenyo tsaka kulay kaya akala ko hindi sila nagpapalit. Napatingin ako dun sa magkakatabing drawer, malamang mga gamit din nila to. Binuksan ko yung isa, madalian ko din isinara kagad dahil may nakita ako na hindi ko dapat makita. Mukang underwear ata ng isa sakanila yun, hindi ko alam kung kaninong bra yun, pero sigurado sakanila yun kasi kulay itim.

 

 

Nagmadali akong lumabas dahil baka makita pa nila na nakikialam ako sa mga gamit nila. Sinara at inilock ko nalang yung door knob para walang ibang makapasok, mahirap na baka maisipan pa bigla nila Cheche mag ikot ikot dito sa mg kwarto sa taas, magtataka sila kapag nakita nila yung mga aparador na puno ng mahahabang damit na kulay itim. 

 

 

 

 

Napuntahan ko na yung likod bahay, yung balon, yung mga puno sa bakuran, yung bangin pero hindi ko pa din makita yung apat. Sabi kanina ni Gisele andito daw sila sa labas at hinihintay kami pero ngayon wala, hindi sila nagpapakita. Isang lugar nalang yung hindi ko pa napupuntahan, yung sikretong tulugan nila malapit sa hapag at katabi ng sala.

 

 

 

 

Tinulak at isinara ko mabuti itong estante, pumasok na ako dito sa kwarto at hindi na ako nagpaalam sakanila. Nakatawag pansin kagad sakin yung bagong kabaong ni Catalina na nasa pinaka dulo malapit sa lababo at katabi nung kay Gisele. Nilapitan ko kagad siya at kinatok ko yung takip ng kabaong.

 

 

*knock knock knock*

 

 

Hindi siya sumasagot at hindi ko marinig kung nasa loob ba siya. "Catalina," 

 

 

*knock knock knock*

 

 

"Catalina andito ka ba?" hinihinaan ko yung boses ko dahil ayaw ko na marinig ni Imperia.

 

 

*knock knock knock*

 

 

"Catalina andyan ka ba sa loob?"

 

 

Tuloy lang ako sa pagkatok pero hindi pa din siya sumasagot, mukang wala ata talaga sila dito. Naalala ko yung kabaong niya, hindi na makaluma kaya wala ng lock sa loob. Ayaw niyang sumagot, kaya alam ko na ang gagawin ko.

 

 

"Catalina," binuksan at tinulak ko yung takip ng kabaong niya. Nakita ko siyang nakapikit habang nakahiga. "Natutulog ka pala."

 

 

Napansin ko kagad na iba yung damit na suot niya. Nakasuot siya ng dress na puti, isa to sa mga pinili ni Ryujin. Ang aliwalas tignan ng itsura niya tsaka muka na talaga siyang normal na tao. 

 

 

Naka sandal ako sa kabaong niya at pinagmamasdan ko siya habang natutulog. "Akala ko nag sanay na kayo matulog ng gabi. Sige magpahinga ka muna." isasara ko na dapat yung takip pero napansin ko na kumukurap kurap yung mata niya. Ilan beses ko na siyang nakitang natutulog kaya sigurado ako na nagpapanggap lang siya ngayon.

 

 

"Bumangon ka na, nagtutulog tulugan ka pa dyan eh." ayaw pa din niyang bumangon kaya idinilat ko yung isang talukap ng mata niya. "Ang kulit mo hindi ka naman talaga natutulog. Ayan oh, gumagalaw yung mata mo." nakita ko na pinipigilan niya pa din dumilat at nagpipigil na siya ng tawa. "Ano ba, hahaha. Nagpapanggap ka lang eh."

 

 

"Bumangon ka na."

 

 

"Bakit mo ba ako ginugulo Kiminjeong?" sobrang hindi ko mapigilan ngumiti nung bigla siyang bumangon sa ataul niya. "Bakit mo ako hinahanap?" tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan ko siya bumaba. 

 

 

"Gusto kita makita."

 

 

"Gusto mo akong makita?"

 

 

"Oo pero wag ka na magtanong. Bagay pala sayo yung damit mo, ang ganda mo." kitang kita ko na nag iwas siya ng tingin at namula yung pisngi niya. "Nahihiya ka ba?"

 

 

"Hindi, tigilan mo ako Kiminjeong."

 

 

Ano nga ba ang nangyari samin dalawa, ewan ko ba bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin at nagiging komportable na kami sa isa't isa. Simula nung nakausap ko siya nung araw ng pabasa, hindi na kami katulad dati. Hindi na siya nagagalit sakin at nag uusap na kami ng maayos. Hindi na niya ako sinasaktan at lagi niya akong tinatanong kung ayos lang ako.

 

 

Yung kagabi, masasabi ko na yun ang pinaka masayang gabi sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun yung pakikitungo niya, bumabait na siya tsaka parang nagkakaroon siya ng pakialam saakin. Kahit nung nag hiwalay at umuwi na kami kaninang alas dos ng madaling araw, tinawagan niya pa talaga ako at nag usap kami hanggang sa makatulog na ako.

 

 

Nakapag desisyon na din ako na aaminin ko na sakanya kung ano talaga yung nararamdaman ko. Ilan beses na niyang binanggit sakin na hindi niya ako magugustuhan pero gusto ko pa din subukan at tatanungin ko na siya ng seryoso kung posible ba na maging kami.

 

 

"Kiminjeong"

 

 

"Hmm? ano yun Catalina?"

 

 

"Natutulala ka, anong naiisip mo?"

 

 

"Wala. Andun sila sa taas baka kasi makita nila tong kwarto na to. Catalina baka naman pwede na magpanggap kayo na natutulog dun sa kwarto sa pinaka dulo? Hindi niyo kailangan matulog dun pero subukan niyo lang na lumabas galing dun paminsan."

 

 

"Oo sige. Pasalamat ka malamig ang ulo ko ngayon."

 

 

"Yung kapatid mo, nasaan siya?"

 

 

"Si Imperia? Hindi niya kaya lumabas ng may liwanag, hindi niya matagalan. Wag mo siyang pipilitin kung ayaw mo na magkagulo ngayon dito."

 

 

"Ah ganun ba sige, sasabihin ko nalang sakanila na masama pakiramdam niya. Pero ganun pa din ba yung suot niya, yung katulad ng mga damit niyo?"

 

 

"Sinabihan ko siya na magpalit pero ayaw niya. Kakausapin ko ulit mamaya bago siya lumabas. Wag ka mag alala."

 

 

"Salamat Catalina. Asan pala si Gisele? andun din si Ryujin sa taas." binuksan at sinilip niya yung kabaong ni Gisele, nakita ko na walang tao sa loob pero may naiwan na libro, cell phone at charger. "Pano siya nakakapag charge dyan?" tinitignan ko yung loob ng kabaong wala naman saksakan o butas na pwedeng ilusot yung wire. May tinuro siya sa gilid malapit sa aparador, natawa ako dahil nakita ko na meron pala silang mahabang extension cord na naka saksak malapit sa likod ng ref. "Hahaha tangina gumagamit pala kayo ng ganyan?"

 

 

"Kung pano yung ginagawa ng mga tao, ganun din yung sa amin. Magkaiba lang tayo sa ibang bagay, katulad niyo kumakain din kami minsan ang pinagkaibahan lang, hindi kami basta basta namamatay at hindi kami tumatanda."

 

 

"Edi ang saya pala maging vampire? kasi hindi niyo mararanasan manghihina tsaka magkakasakit."

 

 

"Malungkot ng sobra at kahit kailan man hindi magiging masaya."

 

 

Hindi ko alam yung isasagot ko sa sinabi niya, mahirap magsalita dahil kahit ano pang sabihin ko hindi ko naman malalaman kung ano yung nararamdaman nila. Tsaka kung ano yung pinagdadaanan ng mga kauri nila.

 

 

"Gawin nalang natin masaya kahit pano. Oo nga pala, kaya ako nagpunta dito, itatanong ko lang kung gusto mo sumama sakin."

 

 

"Saan ka pupunta?"

 

 

"Ah may ginagawa kasi sila Cheche sa taas kaya ako nalang yung mag aayos sa kusina. Magluluto din ako ng pananghalian. Pwede mo akong tulungan, kung gusto mo." tumango siya at nakita ko na ngumiti siya bago sumagot ng oo. 

 

 

"Natutuwa talaga ako pag nakikita ko na ngumingiti ka na. Dati kasi lagi kang nagagalit tapos tinatakot mo ko."

 

 

"Makulit tsaka maingay ka kasi. Iwasan mo mag ingay para din hindi magalit si Imperia."

 

 

"Oo hindi na nga. Tara na?" 

 

 

"Sige."

 

 

"Teka isuot mo yung shades mo kasi lalabas tayo dun sa likod." nagpunta siya sa tokador kung saan nakalagay yung telepono. Mukang ito ata yung mga taguan nila ng importanteng gamit.

 

 

"Bakit ka tumatawa?" nagtataka siyang nakatingin sakin. "Wala lang hindi pa din ako sanay naka shades ka tapos iba na yung damit mo. Tara labas na tayo." aya ko sakanya.

 

 

 

 

11:00am

 

Andito kami ngayon sa kusina dito sa likod ng mansyon. Pagkatapos ko ilagay sa ref yung mga ibang pagkain, nagsimula na akong mag luto. Meron akong katulong sa pagluluto ngayon, nakakatawa lang kasi tatlong beses ko siyang inawat nung balak niyang dilaan yung dugo nung baka tsaka ng baboy na hinihiwa ko kanina. Nawawala siya sa sarili kapag naaamoy niya yung dugo, kaya pinaalis ko muna siya sandali, pero ngayon nakabalik na siya at nakaupo dito habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

 

 

"Sandali lang ha may kukunin lang ako sa ref." pumasok ulit ako sa bahay para kumuha ng juice at titignan ko na din kung ano pa yung ibang makakain.

 

 

"Umiinom ka ba nito?" pinakita ko sakanya yung juice at yung cookies na hawak ko. "Ano yan?"

 

 

"Orange juice." umupo ako sa tabi niya at binuksan ko na yung pack ng cookies. "Kuha ka." napansin ko na parang may dumi siya sa bandang nunal niya. Lumapit ako at tinignan ko mabuti. "Ano yan nasa bibig mo?" hindi ko na siya hinintay sumagot at pinunasan ko na kagad gamit yung kamay ko, nung nakita ko kung ano yung nasa gilid ng labi niya. Tinignan ko kagad yung styro box na pinag lagyan nung mga sariwang karne. Nakita ko na wala na yung dugo na nasa plastic at mukang nasimot na. "Catalina ininom mo to?!" hindi siya sumagot at halata na nagmamaang maangan pa siya. "Ang dumi dumi na nito eh, kahapon pa nakatay tong mga karne, ininom mo yung dugo baka sumakit tiyan mo."

 

 

"Hindi naman ako nagkakasakit."

 

 

"Kahit na, nahaluan na yun ng tunaw na yelo madumi na yun."

 

 

"Pasensya na,"

 

 

"Ayos lang, o ito inom ka muna nito. Tapos subukan mo tong cookies baka lang magustuhan mo. Nakwento ni Gisele kay Layu na minsan daw kumakain kayo ng mga pagkain parehas samin."

 

 

"Salamat. Kumakain kami pero hindi madalas."

 

 

"Kain ka na." pinapanood ko siya na tinitikman yung chocolate chip cookies na nakuha ko sa ref. Mukang nagugustuhan niya yung lasa kasi palaki na ng palaki yung kagat niya at napapangiti siya. "Mas masarap to kaysa sa dinadala sa amin ni Yesenia."

 

 

"Sino ba si Yesenia?"

 

 

"Yung sinaktan niyo ng kaibigan mo."

 

 

"Si Doctora Yeji, siya si Yesenia? Bakit Yesenia, yun ba tunay na pangalan niya?"

 

 

"Oo, yung kaisa isa naming apo. Siya yung pinaka paborito at iniingatan ni Imperia. Sinaktan niyo siya, alam mo ba na pwede kayong mamatay dahil dun."

 

 

"Apo niyo si doctora Yeji? teka eh parang magkaka edad lang kayo pano nangyari yun?"

 

 

"Komplikado at mahabang kwento. Hindi basta basta pwede malaman ng iba yung istorya namin dahil napaka delikado, pwede kaming mapahamak kapag nalaman ng mga tao."

 

 

Pwede silang mapahamak, mukang wala silang kaalam alam na dinadaldal na ni Gisele kay Ryujin yung mga lihim ng lahi nila. Tangina. Hindi nalang ako magsasalita dahil baka malagot pa siya.

 

 

"Anong koneksyon sainyo ni Gisele at ni Sorin, magkakamag anak ba kayo?"

 

 

"Si Sorin ay pinaka huling nasalinan. Hindi talaga namin sila kalahi, kaparehas ni Gisele."

 

 

Ngayon ko na naiinitindihan yung nabanggit sakin ni Ryujin, hindi daw talaga vampira dati si Gisele, tao daw sila na tinulungan lang nila Imperia. Hindi pa niya nakkwento sakin dahil bawal.

 

 

"Hindi niyo kamag anak sila Gisele, ibig sabihin kayo lang ni Imperia yung magkadugo?"

 

 

"Ako, si Imperia at si Yesenia kami yung tunay na magkakadugo. Pero kami nalang dalawa ng kapatid ko ang natitira na puro."

 

 

"Puro?"

 

 

"Puro, parehas na vampira ang mga magulang namin. Si Yesenia, yung tatay niya yung may lahing vampira pero yung nanay niya mortal. Siya yung pinaka bata sa lahi namin at siya na yung pinaka huling vampira na kadugo namin."

 

 

"Catalina ang sakit sa ulo, medyo hindi ko maintindihan."

 

 

"Malilito ka talaga dahil napaka komplikado Kiminjeong. Hindi mo maiintindihan agad agad."

 

 

"Ibig sabihin kayong tatlo yung mgkakamag anak talaga tapos sila Gisele tsaka si Sorin, na-convert niyo lang. Tama ako?"

 

 

"Oo,"

 

 

"Pano ka naging lola ni Doc Yeji? tangina lola ka na pala pero ang hot tsaka sobrang ganda mo pa din."

 

 

"Anong sinabi mo?"

 

 

"Wala. Balik na tayo sa tanong ko, pano mo naging apo si doctora Yeji?"

 

 

"Yung kapatid namin na pinaka matanda sa amin tatlo, nagkaanak siya ng isa, lalaki. Masyadong matigas ang ulo at hindi nakikinig hanggang sa napadpad siya kung saan saan at nakapangasawa ng mortal."

 

 

"So pwede pala vampira tsaka tao tapos pwede silang magka anak? ang komplikado at mahirap nga paniwalaan."

 

 

"Oo, kaya hindi mo maiintindihan." 

 

 

"Catalina, pwede ko ba malaman kung ilan taon ka na? pero ayos lang kung ayaw mo sagutin."

 

 

"Apat na daan at dalawampu."

 

 

"Ha?"

 

 

"Apat na daan at dalawampu."

 

 

"Ha yan yung edad mo? four hundred twenty?!"

 

 

"Oo, at magiging apat na daan at dalawampu't isa na ako sa susunod na taon."

 

 

"Seryoso ka ba o niloloko mo lang ako?"

 

 

"Seryoso ako at hindi kita niloloko."

 

 

"Puta. Mas matanda ka pa pala sa simbahan dun sa plaza."

 

 

"Ganun na nga."

 

 

"Wow edi napaka dami mo nang naging birthday party?"

 

 

"Hahaha hindi namin kailangan ng ganun."

 

 

"Pinanganak ba kayo na ganyan na kalaki?"

 

 

"Ano? hindi ganun yun Kiminjeong. Kaparehas ng sainyo pero mabilis kaming tumanda. Pero hanggang ganitong edad nalang yun. Tatanda at manghihina lang kami kapag hindi na kami nakakainom ng dugo."

 

 

"Ahh naiintindihan ko na. Buti nalang nakakapagtimpi kayong apat kahit kasama niyo kami. Napipigilan niyo yung sarili niyo na wag inumin yung dugo namin. Pano niyo nagagawa yun?"

 

 

"Sa napaka tagal na panahon madami na kaming nakakasalamuha na tao, iba ibang klase. Nasanay na kami, basta wag niyo lang kaming sasaktan at wag niyo kaming guguluhin. Yun yung pinaka pangaral at bilin ng lola namin. Hindi kami pwedeng manakit ng kung sino sino."

 

 

"Lola niyo? Buhay pa siya?"

 

 

"Oo."

 

 

"Grabe Catalina namamangha ako sa mga knkwento mo. Parang ang saya talaga maging vampire eh, hindi ka magkakasakit tapos nakakapunta kayo kung saan saan."

 

 

"Hindi madali at hindi masaya. Kung papapiliin ako, mas gugustuhin ko nalang na maging kagaya niyo, normal."

 

 

"Baka naman pwede din kayo mamuhay ng parang sa amin, Si doctora hindi ba parang ganun naman ginagawa niya. Hindi ko alam kung pano pero pwede mo naman gawin masaya yung buhay mo."

 

 

"Sana nga ganun kadali yun."

 

 

"Catalina sandali lang ha, titignan ko lang yung niluluto ko baka pwede na to." sinilip ko yung naka salang na beef steak tsaka adobo, ito yung problema marunong akong magluto kaso yung sabaw o sarsa lang ang natitikman ko dahil hindi talaga ako kumakain ng karne. "Catalina, dba kumakain naman kayo nung mga katulad nito?"

 

 

"Oo minsan. Pero walang nabibigay na sustansya sa amin yung mga pagkain niyo." kumuha ako ng isang piraso nung beef steak na niluto ko at inihipan ko muna. "Okay lang ba sayo kung tikman mo to? sabihin mo lang kung lumambot na yung baka."

 

 

"Sigurado ka ba Kiminjeong?" yung itsura niya parang nagulat ata siya na ipapatikim ko sakanya yung niluto ko. Akala mo unang beses na may nag alok sakanya ng pagkain. "Oo titikman mo lang naman, sabihin mo sakin kung maalat o baka makunat yung baka."

 

 

"Bakit hindi mo tikman?"

 

 

"Yung konting sabaw yung tinikman ko, okay naman yung lasa kaso hindi talaga kasi ako kumakain ng karne. Isda tsaka gulay lang yung kaya kong kainin."

 

 

"Ganun ba? pero ikaw yung nagmamay ari ng bakahan at babuyan hindi ba?"

 

 

"Oo ako nga, pano mo nalaman yun?"

 

 

"Ahh nasabi ata sa akin ni Gisele dahil naikwento ata nung kaibigan mo."

 

 

"Talaga ba, okay. Ito tikman mo na," nung hindi na mainit, hiniwa ko muna dahil masyadong malaki yung nakuha ko bago ko isubo sakanya. "Ito na," Pinapanood ko siya at inaabangan ko yung magiging reaksyon niya. "Ano? hindi ba masarap?" parang masyado ata siya nag eenjoy dun sa pinakain ko sakanya. "Huy, hahaha napapapikit ka na." hindi na niya kailangan sumagot dahil halatang halata na nagugustuhan niya. "Ito pa yung isa oh, Aah!" hindi na siya nagsalita at tinanggap nalang niya yung sinubo ko. "Catalina, hindi ka na sumagot ah. Gusto mo ba ng kanin?" nakakatawa yung itsura niya dahil masyado niyang ninanamnam yung beef steak na pinakain ko sakanya.

 

 

"Ang sarap mo mag luto Kiminjeong, gusto ko yung lasa nito. Anong pagkain ito?"

 

 

"Beef steak. Hindi mo pa ba nasubukan to dati?"

 

 

"Hindi ko maalala, pero hindi pa ata sila nagluto ng ganito dito sa mansyon." nagpunta ako malapit sa stove at tinignan ko yung sinaing ko. Mukang luto na at sinilip ko na din yung adobong baboy na pinapalambot ko. Nakatingin lang si Catalina at pinapanood niya yung ginagawa ko. "Masipag ka Kiminjeong." napatigil ako nung marinig ko yung komento niya.

 

 

"Hindi masyado, may mga oras din na sobrang tinatamad ako kumilos." Nang matapos ako, kinuha ko ulit yung plato na pinaglagyan ko kanina. Nilagyan ko ng konting kanin tsaka nung adobo. Bumalik din kagad ako sa mesa at umupo na sa tabi niya. "Mas okay to, subukan mo din ngayon naman may kasamang kanin." inihipan ko muna at sinubo ko ulit sakanya. "Okay ba?" hindi siya sumagot at tuloy lang sa pag nguya. Nakakatuwa yung itsura niya kapag kumakain, parang ineenjoy niya talaga yung bawat subo. "Magaling ka pala magluto."

 

 

"And what are you two doing here? Hi Catalina!" lumabas bigla si Cheche sa pinto na konektado sa hapag kainan. "Cheche ikaw pala. Magandang umaga sayo." bati sakanya ni Catalina.

 

 

"Well good morning to you too. What are you cooking Minjeong?"

 

 

"Ito, tapos na ako. Maghahain na ako, ayusin niyo na yung mesa sa loob. Asan si Layu?"

 

 

"She's in the living room kasama si Gigi. You know what my gaydar's been popping off lately because of Layu. She's becoming too friendly and sus."

 

 

"Anong pinagsasabi mo?"

 

 

"Don't act as if you don't notice what your friend is doing Minjeong, she's all over Gisele and they look good together. Anyway, Vivs gonna be down in a few minutes. I'll fix the dining table na."

 

 

"Cheche sandali. Pwede ba kita makausap mamaya?"

 

 

"Of course. About what?"

 

 

"Basta, mamaya nalang. Sige na, susunod na din kami sa loob."

 

 

"Alright, Catalina you have to join us for lunch ha." alam ko na sobrang nagtataka siya at bago para sakanila yung inaasta nila Cheche. Kagabi pa kasi sila feeling close sakanila. Buti nalang nakikisama silang tatlo ngayon araw kahit pa medyo kinakabahan ako kapag biglang lumabas ng kwarto si Imperia.

 

 

"where are the others?"

 

 

"Andyan sila sa labas. Che sige na susunod nalang kami. Pwede niyo na ayusin yung lamesa, ipapasok na namin to." hinintay ko siyang makaalis dahil kailangan ko pa makausap si Catalina.

 

 

"Catalina, kung ayaw niyo sumabay samin kumain o kung naiilang kayo ayos lang. Hindi niyo kailangan gawin yun, ako na yung bahala magpalusot sakanila."

 

 

"Pwede naman kaming sumabay Kiminjeong. Kakausapin ko nalang yung dalawa."

 

 

"Sigurado ka ba baka kasi alam mo yun, hindi kayo komportable na magkakasabay tayo."

 

 

"Wag ka mag alala ginagawa naman namin to. Natigil lang dahil nawala na sila Dante at yung buong pamily niya."

 

 

"Ha? kilala niyo nga talaga sila Mang Dante?"

 

 

"Oo sila yung katiwala namin, yung buong pamilya niya sila yung naglilinis dito, yung asawa niya, siya pa minsan ang nagluluto kapag dumadating dito si Yesenia. Lahat ng kailangan namin si Dante yung inuutusan namin para gumawa, pati yung mga kailangan bayaran siya yung gumagawa para sa amin."

 

 

"Pati pamilya niya? teka, alam ba nila yung tungkol sainyo?"

 

 

"Alam nila. Sila lang ang pinagkakatiwal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1143 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2134 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko