Chapter XLIV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

8:00am Linggo sa Bahay ni Yesenia

 

"Minjeong, Minjeongie?"

 

 

"Minjeong gising na." naalimpungatan ako nung may naghahatak sa paa ko at umaalog sakin sa kama. "Gising ka na, aalis pa tayo." kahit pa nakapikit ako ramdam ko na may dumadagan at sumisiksik sakin. Hindi ko lang maaninag dahil napaka liwanag dito sa kwarto. Mahapdi sa mata kapag bibiglain kong dumilat. Tirik na yung araw kaya nakakasilaw, malamang binuksan na ni Catalina yung mga kurtina.

 

 

"Bangon ka na pupunta na tayo sa mall."

 

 

"Hmm? saan mall?" babangon dapat ako pero nag dive sakin si Catalina at nakatanggap ako ng madaming halik sa buong muka pati sa labi ko. "Hmm grabe ang sarap. Pero kulang pa." biro ko. Hinawakan niya yung pisngi ko at hinalikan ako sa labi habang nakapalibot yung mga braso niya sa leeg ko. Ang taas ng energy ni Catalina at ang likot niya. Malamang excited na siya kasi bibili kami ng mga gamit sa bahay na dadalin namin sa mansyon.

 

 

"Ano pa gusto mong gawin sa mall mamaya?" tanong ko. "Kahit ano okay sakin basta kasama kita Minjeong."

 

 

"Aww okay, sandali nga lang, wag kang gumalaw." Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya, hinuli ko siya dahil gusto ko siyang halikan sa labi. Hinalikan ko siya ng medyo matagal."Good morning pala."bati ko bago ko siya hinalikan ulit. Pinagmamasdan ko yung muka niya, naka ngiti siya sakin habang niyayakap ko. Sobrang cute tsaka ang ganda talaga ni Catalina kaya hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan siya.

 

 

"Bakit ka nakatitig sakin?" tanong niya at parang natatawa siya. "Wala. Gusto ko lang." sagot ko naman. "Na-appreciate lang kita."nagpapalipat lipat ako sa paghalik sa pisngi at sa lips niya habang nakahiga siya sa ibabaw ko. "Alam mo kahit kailan hindi ako magsasawa sayo Catalina. Ngayon na mas nakikilala na kita, na-rrealize ko na yung mga katangian mo at lumalalim na yung pagkakakilala ko sayo."

 

 

"Ano na ang nalaman mo tungkol sakin?"

 

 

"Sobrang maalaga ka tsaka ang affectionate mo pala."

 

 

"Gusto ko lang kasi ipaalala sayo lagi, tsaka gusto kitang alagaan Minjeongie."

 

 

Nasasanay na kaming magusap ng ganito at mas nagiging straight forward na kami pareho. Nabawas bawasan na din yung pang iinis at pang pepeste namin sa isa't isa. Weird man sabihin pero alam ko na nagkaron na kami ng progress ni Catalina at medyo nagmatured na kami.

 

 

"Hindi ka nagkukulang, lagi mo din pinapafeel sakin yan." tumapat siya sakin at may binulong. Natatawa ako kasi ito din naman yung lagi niyang sinasabi sakin tuwing naiisipan niya.

 

 

"Hahaha nahihiya ka ba, bakit kailangan mo pang bumulong?"

 

 

"Ikaw lang dapat yung makarinig."

 

 

"Hahaha okay."

 

 

"Nagising ka ba sa kiss ko?"

 

 

"Oo tsaka sa likot at ingay mo, pero okay lang kasi nasasanay na ako sayo, ang gulo mo lalo pag umaga. Pero gustong gusto ko kapag nagigising ako na nakayakap ka sakin."

 

 

"Ang sweet mo na talaga Minjeongie. Masasabi ko na may nararamdaman ka na din para sakin."

 

 

"Para naman hindi mo pa alam yan, nung binuhay mo ako naka-marka ka na sakin at ayaw ko nang malayo sayo. Kung iddescribe yung naffeel ko para sayo Catalina ganito yun, parang crush kita pero times one million. O kaya ano, mahal kita pero times two."

 

 

"Bakit naman two lang?!"

 

 

"Hindi pa kasi ako tapos. Times two million, divided by two, times four hundred ninety five thousand times thirty one. Ayan, ganyan yung naffeel ko para sayo."

 

 

"Fifteen trillion three hundred forty five billion? Minjeongie kulang yun!! bakit hindi mo pa binuo?!"

 

 

"Hahahahahaha grabe na-compute mo yung sinabi ko?! hahahahaha ang galing mo naman sa math pero ang weird mo. Higit pa dun, pero hindi pala, kasi hindi masusukat yung naffeel ko para sayo."

 

 

"Hahaha napaka sweet mo na sakin, nagbago ka na talaga. Hindi mo na ako pinagtatabuyan at hindi na umiinit yung ulo mo sakin tulad dati."

 

 

"I'm sorry. Minsan lang nangyari yun nung nagalit ako kasi bigla kang sumulpot. Sorry talaga, mali ako at grabe yung mga nasabi ko."

 

 

"Okay lang naiintindihan ko naman. May sasabihin pa pala ako sayo."

 

 

"Sige ano yun?" umangat lalo si Catalina at mas pumatong sakin. May binubulong nanaman siya na mukang nahihiya pa siyang sabihin. Nung narinig ko na, hindi ko na mapigilan matuwa at kiligin.

 

 

"Hahaha wow, bagong linya yan ha. Totoo ba?"

 

 

"Oo. Gusto mo ba ulitin ko pa? ito."

 

 

"Hahahaha first time ko marinig sayo yan. Halika nga, dito ka. Catalina nakakatuwa ka talaga, walang araw na hindi mo ako pinapakilig. Ito may sasabihin din ako sayo." tinapat ko sa tenga niya yung lips ko at sinasadya kong idikit. "Gustong gusto din kita sobra, kung alam mo lang, ganado ako mabuhay dahil sayo. Hindi na ako makapaghintay sa mga gagawin pa natin." hinatak ko siya at kinulong ko sa mga braso ko. Hinihigpitan ko yung pagyakap ko sakanya pero hindi siya pumapalag at naririnig ko na tumatawa siya. "Kung ikaw yung magiging unan ko hindi nalang ako tatayo, hihiga nalang ako dito sa kama for twenty four hours."

 

 

"Hahaha pwede naman kasi napaka dami natin oras." humarap siya sakin at yumakap din ng mahigpit. "Ano kayang gagawin natin sa mga susunod na taon?"

 

 

"Depende sa kung anong gusto mo, dba sabi mo babalik ka sa trabaho mo sa farm? Pag ilan taon na ang nakalipas, pwede ka din mag aral. Pero sigurado ako na susulitin natin yung oras ng magksama."

 

 

"Magiging masaya yung buhay natin sigurado ako. Pero mas okay ata kung go with the flow lang din tayo."

 

 

"Ganun na nga, buti nalang parehas tayo ng mga gusto. Totoo ba yung sinabi mo Minjeong, kapag ako yung unan mo ayaw mo nang bumangon?"

 

 

"Oo kasi sobrang cuddly mo tsaka ang bango bango mo, tapos sobrang cute mo pa." sinubsob ko yung muka ko sa tagiliran niya, pero hindi ako umaabot banda sa kilikili dahil baka mapadpad yung muka ko sa malalambot na bundok.

 

 

"Ang sarap mong yakapin."bulong ko sakanya.

 

 

"Pero bakit masyadong maingat yung mga kamay mo Minjeongie, at parang may iniiwasan ka?"

 

 

"Hahaha ayan ka nanaman ha." sinara ko maigi yung collar ng pajama niya dahil mahilig siya magbiro ng hindi wholesome. "Behave ka, ito lang ang pwede satin." Nakita ko na parang nagpapaawa yung tingin niya sakin nung hinalikan ko siya sa noo. Walang effect yung mga ganito ni Catalina dahil kabisado ko siya at alam ko na napaka tuso niya.

 

 

"Dadating din tayo dun, wag ka magmadali. Ayaw ko din kasing isipin mo na yun lang habol ko. Gusto ko na maging special yung first natin."

 

 

"Okay Minjeongie, hindi dapat tayo magmadali. Okay."

 

 

"Hoy wag!" napabangon ako sa kama nung bigla niyang kinuha yung kamay ko, pinasok niya sa pajama niya sabay squeeze sa dibdib niya ng medyo madiin. Tangina, kahit ang lamig ng katawan ko bigla pa din nag init yung muka ko sa ginawa niya.

 

 

"Ikaw wag ka makulit!" Ramdam na ramdam ko yung lambot, tsaka may nahawakan ako dahil hindi siya nakasuot ng bra.

 

 

"Hahahahaha bakit naman takot na takot ka? para yun lang."

 

 

"Catalina ano ba, loko ka talaga. Sige ka pag hindi ko napigilan mapapadalas na yan."

 

 

"Hindi mo naman kailangan magpigil dahil ako naman to. Sabi ko naman sayo, simula nung binuhay kita, sayong sayo na ako ng buong buo."

 

 

"Sayo din naman ako pero wag ka magmadali sa ganyan. Dapat handa na tayo pareho. Tsaka gusto ko nga special yung first natin eh, wag ka makulit." seryoso ang pagkasabi ko kaya tumango siya at naintindihan niya yung point ko. Ayaw ko talagang madaliin dahil importante to para sakin, at lalo na, siya yung makakasama ko habang buhay.

 

 

"Conservative ka pala, hindi ko inakala." natawa ako sa komento niya."Eh kasi hindi basta basta yan lalo kapag mahalaga yung tao sakin. Hindi agad agad yun, mangyayari nalang bigla."

 

 

"Naiintindihan kita. Parehas lang naman tayo."

 

 

Bumalik na ako sa pwesto ko at siniksik ko ulit yung muka ko sa leeg niya. "Uubusin ko na yung natural scent mo. Ito yung paborito ko, hahanap hanapin ko na to kapag hindi kita katabi matulog." Ito yung isang pagbabago na napansin ko. Kahit pa malayo siya sakin masusundan at mahahanap ko siya dahil kabisado ko na yung amoy niya. Para sa akin siya yung pinaka mabango sa buong mundo. Sabi nila parte daw talaga to dahil kami yung itinakda, bukod pa sa senses ko na naging sobrang sensitive.

 

 

"Ano to, bakit ang lambot?" pinapadaan ko sa panga at baba niya ng dahan dahan yung tip ng ilong ko.

 

 

"Hahaha Minjeong yung ilong tsaka labi mo, wag mo idikit ng ganyan nakakakiliti."nirrub ko din ng dahan dahan sa muka at leeg niya yung lips ko.

 

 

"Nakikiliti ka? parang hindi naman." mas bumaba ako at hinahalikan ko siya ngayon sa leeg hanggang sa collarbone niya.

 

 

"Hahahaha oo nga nakakakiliti, tama na."

 

 

"Tama na? Ayaw ko nga, dito muna ako, inaamoy lang kita tsaka gusto kitang maramdaman." Hinahalikan ko siya mula balikat paakyat pero bnbrush ko lang sa balat niya yung labi ko at hindi ko dinidiin.

 

 

"Ahh hahahahaha yung ilong mo eh!"hinawakan ko yung magkabilang kamay niya para hindi siya makapiglas."Ayaw mo ba?okay ito pa."

 

 

"Hahahahaha awat na kasi Minjeongie nakakakiliti talaga."

 

 

"Hahaha okay."

 

 

"Tama na!"

 

 

"Hindi na."

 

 

"Tama na sabi Minjeongie nakikiliti na talaga ako." 

 

 

"Hindi na nga hahaha."

 

 

"Minjeongie yung lips mo talaga nakakakiliti!"

 

 

"Ha?" pinapanood ko si Catalina, nakabangon na ako at hindi ko naman na siya inaano, hindi na nga ako gumagalaw dito sa ibabaw niya.

 

 

 

"Awat na kasi eh. Tama na."

 

 

"Ano?"

 

 

"Awat na nakikiliti talaga ako." Pinitik ko yung ilong niya pagkatapos niyang sabihin yun."Ang arte mo kanina pa ako tumigil, tinitignan nalang kita ngayon hindi naman kita ginagalaw. Nasa utak mo nalang yan, dumilat ka kasi."

 

 

"Hahahahaha napaka epal mo talaga."

 

 

"Hahahaha pakita nga ako nung listahan na ginawa mo kagabi, yung mga bibilin natin ngayon."

 

 

"Kumpleto na pero baka may gusto ka pang idagdag. Minjeong paki kuha yung phone ko," inabot ko sakanya yung phone niya na nakapatong sa nightstand, ito yung pinagkakaabalahan niya kagabi bago kami matulog, gumagawa siya ng list ng mga gamit na kailangan namin.

 

 

Pinakita niya sakin yung list na sinulat niya sa notes."Baka may gusto ka pa, lagay mo nalang dyan."

 

 

"Sige tignan ko lang muna." nagsimula na akong basahin yung mga nakasulat, pinaghiwalay niya pala kung ano yung mga gusto niya sa gusto ko.

 

 

Catalina:

-closet,

-clothes rack

-shoe rack

-oven

-microwave

-juicer

-tv

-speaker

-washer

-iron

-ironing board

-mop

-vacuum

-dishwasher

-air fryer

-air purifer

 

 

Napakunot yung noo ko at napatingin ako sakanya nung mabasa ko yung mga gamit na gusto niyang bilin. "Seryoso ba to?" tanong ko pero hindi siya sumasagot. Napansin ko na nakapikit siya kaya bumangon ako sa pagkakahiga at hinalikan ko sa labi. Nagpatuloy na din akong magbasa, ngayon naman ito yung list na ginawa niya para sakin.

 

 

Minjeong:

-ref

-electric fan

-kalan

-fridge for skin care (itatanong ko pa)

 

 

Parang may mali. Dndouble check ko dahil baka mali yung list o napagbaliktad niya yung pangalan namin pero hindi din dahil ayaw ko naman ng air fryer tsaka hindi ko kailangan ng juicer. Labing apat na gamit yung kanya at apat lang yung sakin, muka pang naisingit lang yung skincare fridge dahil napagusapan lang namin to nung isang araw.

 

 

"Catalina," tinapik ko ng mahina yung muka niya. "hmm? Yes?"

 

 

"Saan ka nga nakatira?"

 

 

"Sa mansyon. Mansión de los Condenar."

 

 

"Sa mansyon ka na dati pa dba, yun talaga yung permanent address mo tapos ako, lilipat palang dun bukas?"

 

 

"Oo dun ka na titira kasama ko, kasi sa mundo natin asawa na kita."

 

 

"Ah edi ibig sabihin sa atin dalawa, ako yung mag mmove in?"

 

 

"Oo ganun na nga, kaya excited na ako."

 

 

"Hahaha pansin ko nga eh. Ako talaga yung mag mmove in eh noh?"

 

 

"Yes."

 

 

"Catalina may tanong ako."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Kung ako yung mag mmove in satin dalawa eh ano to?! hahahaha mas madami ka pang bibilin na gamit kesa sa akin eh."

 

 

"Hahahaha bakit ba?"

 

 

"Akala ko naman bedsheet, kurtina tsaka tv lang. Daig mo pa yung maglilipat sa bagong bahay sa dami ng gusto mong bilin. Parang ikaw pa yung bagong housemate sa mansyon kahit dun ka naman talaga nakatira."

 

 

"Hahahaha share naman tayo sa lahat ng gamit, yung mga sa akin sayo na din yun."

 

 

"Hahaha ang dami kasi nung nasa listahan mo kailangan mo ba lahat yan? ang dami mong gustong appliances eh meron naman na yung iba dun sa mansyon. Nagtingin tingin ka nanaman siguro sa online ng kung ano ano."

 

 

"Yan nga yung gusto ko."

 

 

"Gusto mo bago lahat? dba may mga nagagamit pa naman kayo dun sa mansyon mga binibili ni doc Yeji?"

 

 

"Naisip ko lang, gusto ko na maganda yung tirahan mo. Kahit pa luma na yung mansyon dapat maayos yung mga gamit. Tsaka siyempre Minjeong maninibago ka at baka hanapin mo yung mga kinasanayan mo."

 

 

"Ah okay gets ko na. Sorry na medyo nag overreact ako. Sige tignan nalang natin mamaya, mag decide tayo kung ano talaga yung mga kailangan natin tsaka yung mga gusto mo."

 

 

"Oo sige, ganun nalang."

 

 

"Excited na akong ayusin yung magiging bedroom natin."

 

 

"Ako din, pero bago yun. Wag natin kalimutan yung ataul mo, papadasalan ko yun kay Imperia para mahimbing ang pagtulog mo."

 

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

 

"Sagrado kasi para sa atin ang mga ataul Minjeong, hindi yun basta basta kama lang. Magiging ligtas ka habang natutulog ka."

 

 

"Sagrado? eh grabe yung ginawa namin dati sa ataul mo nung sinunog namin ni Layu"

 

 

"Kalimutan mo na, wala yun. Napalitan mo din naman."

 

 

"Tsaka pano yun pag may sarili na akong kabaong edi hindi na kita katabi matulog?"

 

 

"Oo nga pala. Sige magagawan natin ng paraan yan."

 

 

"Ako na bahalang mag design, itatanong ko dun sa kakilala namin ni Layu yung may ari ng funeraria malapit lang dito. May alam yun na gumagawa ng kabaong, dun tayo magpacustomize."

 

 

 

 

 

5:00pm Lunes sa Mansión de los Condenar

 

Ngayon araw ang paglilipat namin dito sa mansyon kaya nag paalam na kami kanina kay doc Yeji. Maaga kaming umalis at dinaanan pa namin yung ibang gamit ko sa bahay pati na din si Sharpay. Sinabi ko kay ate Taeyeon na dadating din yung time na makakabalik na ako sa bahay namin. Kapag bumalik ako dun, kailangan nga lang ng matinding paliwanagan dahil hindi ko pwedeng iwan si Catalina. Kung saan ako titira, dapat andun din siya.

 

 

 

 

Alas diyes ng umaga palang nung makarating kami dito kaya natapos din kami kagad sa pag aayos ng mga luma at mga bagong gamit. Kasama din namin kanina sila Gisele pero ngayon kakaalis lang nila ni Ryujin. Kausap din namin kanina si Imperia, nakaupo siya dito sa kwarto habang pinapanood kami na nag aayos.

 

 

Ngayon ko sobrang na-aappreciate ang pagiging vampira, masasabi ko na ang lakas lakas ng katawan ko dahil nagagawa ko na lahat kahit pa yung mga napaka imposible. Nung nagaakyat kami ng mga gamit kanina, walang tumulong sa amin dahil hindi na namin kailangan. Binuhat ko mag isa yung ref, yung tv, console table, yung mga clothes rack tsaka yung iba pang mga appliances. Si Catalina naman ang nagbuhat nung malalaking closet, yung ottoman chair pati yung ibang mga furnitures na pinamili namin kahapon. 

 

 

Inayos namin itong malaking kwarto dito sa pangalawang palapag. Ito yung kwarto kung saan kami natutulog dati nila Cheche. Parang isang bulwagan, ganun kalaki to kaya naisipan ko na mag lagay ng divider pansamantala habang hindi pa namin napapagawan kila mang Dante ng pader at pinto. Balak kong hatiin sa tatlo para may kanya kanya kaming privacy kapag natulog na ulit dito sila Cheche. Ang napili kong pwesto ay yung pinaka malapit sa hagdan, ito na ang magiging bedroom namin ni Catalina kaya inayos talaga namin to base sa gusto niya. Hindi naman ako maselan o maarte, basta kung ano yung gusto niyang design, yun ang ginawa namin.

 

 

"Ayos ba?" binuksan ko na yung air purifer pagkatapos kong lagyan ng tubig. "Ang ganda na ng kwarto natin Minjeongie."

 

 

"Sobrang cozy tsaka komportable noh? bili nalang tayo ng indoor plant para dito. O kuha tayo dyan sa bakuran kung anong pwede." nakatayo kaming dalawa sa harap ng kama, at tinitignan namin yung mga furnitures na kakatapos lang namin iassemble. Dito muna kami matutulog sa kama hangga't hindi pa ako nakakabili ng sarili kong kabaong. Naipwesto ko na din yung ataul niya sa gilid para pwede siyang matulog dun pag gabi. Hindi na namin kailangan ng aircon dahil yung temperatura ng katawan namin mas malamig pa sa tinitindang palamig dun sa plaza.

 

 

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko habang pinagsasama ko yung mga karton at bubble wrap na pinagbabalatan namin kanina."Oo. Ang ganda tsaka ibang iba na kumapara dati."

 

 

"Catalina. May sarili na tayong kwarto dito sa mansyon, kahit minsan hindi ko inexpect to."

 

 

"Kaya nga sobrang saya ko. Hindi ko pinagsisisihan yung ginawa kong pagbuhay sayo."

 

 

"Salamat talaga." lumapit ako sakanya at hinalikan ko sa lips. Nagulat ako dahil medyo naging aggressive yung halik niya sakin.

 

 

Nung matapos kami, "Okay ka lang ba?" tanong ko dahil alam ko na nabitin siya."Hmm." tumango siya sabay nagpunas ng labi.

 

 

Umupo ako sa kama at inaya ko siya para mag straddle sakin. "Anong gagawin natin?" tanong niya. "Halika dito." Nasa bewang niya yung mga kamay ko nung unti unti ko nang nilalapit yung muka ko sakanya. Dinampi ko yung labi ko. Hinalikan ko siya ng medyo madiin habang umaakyat yung kamay ko sa legs niya. Ramdam ko yung pagdulas ng dila ni Catalina sa bibig ko kaya sinabayan ko din siya. Nagpatuloy kaming maghalikan hanggang sa may maramdaman na ako sa baba kaya napilitan akong tumigil. 

 

 

"Gusto kita Catalina." bulong ko bago siya yumakap sakin. "Alam ko. Sobrang gusto din kita. Tsaka mahal kita. I love you Minjeong." pinahiga ko siya sa dibdib ko at yumakap siya sakin. "Napaka straightforward mo. Namamangha talaga ako kung pano ka. Bago lang kung ano yung meron tayo pero bakit parang napaka lalim na ng pinagsamahan natin? parang dati pa tayo magkakilala."

 

 

"Dahil ikaw yung para sakin at iisa na tayo ngayon." umangat yung ulo niya at tumingin. "Sa akin ka na ngayon." seryosong sabi ko.

 

 

"Masanay ka na, ilan taon tayong ganito. Naiisip mo ba? Kahit kailan hindi tayo tatanda."

 

 

"Ang galing. Literal na makakasama kita habang buhay."

 

 

Mas niyakap ko siya habang nakahiga kami sa kama."Unang gabi na dito na ako nakatira. Anong gusto mong gawin?"

 

 

"Siyempre, magluluto tayo nung mga binili natin kanina."

 

 

"Haha oo yung dinner. Unang dinner natin to."

 

 

"Kaya halika na. Oo nga pala Minjeong. Kapag andito tayo sa mansyon hindi mo kailangan mag teleport o lumipad lagi, maglakad ka naman."

 

 

"Bakit naman ayaw mo imaximize yung kakayahan mo?"

 

 

"Sa una siyempre ganyan talaga dahil excited ka pa, pero sigurado ako pag tagal medyo magsasawa ka at hahanap hanapin mo din yung mga nakagawian mo. Kumilos tayo ng normal."

 

 

"Ah okay, gets ko. Sige, normal lang pag andito tayo."

 

 

"Oo para hindi ka magsawa kaagad."

 

 

"Okay tara baba na tayo." nung binuhat ko siya at pinasan ko sa likod ko. Pinigilan niya ako at tinuro niya yung pinto. "Bakit?"

 

 

"Kakasabi ko lang. Maglakad ka."

 

 

 

 

 

6:30am Miyerkules

 

Napilitan akong bumangon ng maaga dahil hindi din naman ako makatulog ng maayos. Alas singko palang nung magising ako kanina kaya naisipan ko nalang mag luto ng almusal namin nila Catalina.

 

 

Gusto ko sana magpahinga ng matagal dahil ngayon araw magsisimula yung pagsasanay na gagawin nila sakin. Nung unang gabi ko dito naging maayos at mahimbing naman yung tulog ko pero pagpatak ng alas diyes kagabi ayan na, nagsimula na yung pangpepeste sakin ng mga kaluluwang ligaw dito sa loob ng mansyon. Mga punyetang yan, kakain lang ako ng breakfast at humanda talaga sila sa akin. Yun ang activity na balak kong gawin ngayon, papanagutin ko sila dahil ayaw nilang tumigil kakakalabit at kakaistorbo sakin habang natutulog kami ni Catalina. Napabalikwas pa ako kaninang madaling araw nung may kumikiliti sa talampakan ko at may naglalagay ng papel sa ilong ko.

 

 

Sinasanay ko na yung sarili ko na matulog ng gabi para hindi ako magkaproblema kapag babalik na ako sa farm. Kahit pano nag aadjust na yung mata ko sa liwanag pero hindi ko pa din kayang lumabas ng walang suot na shades. Unti unti alam ko na kakayanin ko at sa susunod magiging hiyang na yung katawan ko.

 

 

 

 

 

Balak kong magluto ngayon ng normal na pagkain, hindi naman kami nagugutom dahil sapat yung dalawang blood bag na nainom ko last week. Pero may oras na kakain kami dahil yun ang gusto ni Catalina, ang mamuhay kami ng normal dito

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko