Chapter XXVI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

TW: Corpse, guts and blood (pls keep an open mind when you read this fic)

 

 

May dumating na patay na nakalagay sa body bag, pagkatapos linisin ng mga tauhan nila Yuqi, iniwan nila yung katawan dito sa morge dahil nasabihan na sila na hindi nila kailangan mag embalsamo. Hindi pwedeng malaman ng iba yung tungkol sa dugo kaya si Yuqi mismo ang gagawa ng proseso.

 

 

Nakatayo ako dito sa sulok ng morge, nanonood sa paghahanda na ginagawa nila Yuqi at Ryujin. Naka lagak naman sa tapat namin itong patay na may takip na puting kumot.

 

 

"Malinis na to pwede na tayong mag simula matagal tagal yung proseso na gagawin natin."banggit ni Yuqi. Naka suot na siya ng scrub suit at mukang handa nang magsimula.

 

 

"Yuqi bakit ang laki naman nito?"

 

 

"Nagkataon kasi na ito yung hinatid ngayon, ayaw niyo yun mukang hindi lang five liters yung makokolekta niyo." napaatras ako nung hinatak niya yung kumot at pinakita niya samin yung bangkay ng lalaki na matangkad, kayumanggi ang balat at nasa mga kwarenta pataas ang edad. "Layu, bakit ganyan?" tinuro ko sakanya yung muka. Hindi ko maiwasan magtanong dahil halata na maga at nangingitim yung kalahati ng ulo.

 

 

"Grabe bakit kulay pasa, nabagok ba to?" tanong ni Ryujin kay Yuqi na abalang inaayos yung gamit sa lamesa. Medyo kinikilabutan at nandiriri ako kaya ayaw ko munang lapitan yung patay. Hindi pa din ako gumagalaw dito sa pwesto ko at naka sandal lang ako dito sa isang sulok.

 

 

"Ano ba kinamatay nito? gagi ang tangkad niya. Pwede tong maging bouncer." patuloy lang ang pagkilatis ni Ryujin at kanina niya pa tinitignan yung katawan. 

 

 

"Nanggaling kasi sa kulungan to, kita niyo kanina? mga police yung naghatid. Malamang may nag away nanaman sa selda tapos napuruhan to. May contact kami dun sa loob kaya dito dinadala yung mga namamatay na preso."

 

 

"Sino yung contact niyo dun?"

 

 

"Pinsan ko. Kilala niyo yun dba?"

 

 

"Sinong pinsan mo, may pinsan ka pala na pulis?"

 

 

"Oo dba, si Heejin. Ewan ko nga kung bakit naging pulis yung gaga na yun. Ang alam ko cosmetology yung gusto niyang kunin. Mukang napagbaliktad niya yung Cosmetology tsaka Criminology kaya ayun, naging police woman si tanga."

 

 

"Si Heejin pulis na?!"

 

 

"Oo nga o tignan mo gulat na gulat ka. Ganyan din reaksyon ng tita ko nung nakapasa yung anak niya."

 

 

"Hahahaha akalain mo yun. Grabe kaya pala ang lakas nitong funeraria niyo, may contact pala kayo dun. Ano kinamatay nitong bangkay?" pinihit ni Yuqi yung ulo at pinaharap niya samin. Parang nanghihina ako sa ginagawa niya, tinitignan niya mabuti ng malapitan yung muka at hinahawakan niya sa sentido. "Tignan niyo, hindi pantay yung ulo tapos lumobo yung dito, tsaka may namuong dugo dito sa kaliwa, ibig sabihin basag yung bungo niya. Posible na nahampas ng matigas na bagay o inuntog ng paulit ulit." naasiwa ako nung pinindot pindot pa talaga niya yung malaking bukol sa noo nung patay. Habang tuloy ang paliwanag ni Yuqi, tinititigan ko yung mga kamay, hindi pa nag iiba yung kulay at mukang mainit init pa.

 

 

"Kanina lang ata may nag away dun sa bilangguan, kaya ayan. May kliyente tayo, swerte niyo."

 

 

Habang pinagmamasdan ko yung iba't ibang parte ng katawan, may isang nakatawag pansin sakin. Hindi ako sobrang nakakasiguro pero parang gumagalaw pa yung bandang dibdib at leeg. "Layu," pasimple ko siyang hinatak dito sa tabi ko. "O ano yun?"

 

 

"Yung dibdib tignan mo nga mabuti, bakit parang umaangat pa?" dahan dahan kaming lumalapit sa stretcher kung saan nakalagak yung patay. "Ayan tignan mo. Layu seryoso ako, buhay pa ba yan? bakit parang humihinga? tignan mo." Nagtatago ako sa likod niya at siya yung pinapauna kong maglakad nung palapit na kami sa stretcher.

 

 

"May pulso ba?" Nilapit niya yung muka niya at pinagmasdan mabuti yung dibdib. "Hindi naman gumagalaw, optical illusion lang yan. Pinaglalaruan ka ng mata tsaka isip mo. Tsaka kabado ka kaya nakakakita ka ng kung ano ano."

 

 

Tinawag ni Yuqi ang atensyon namin. Pag lingon namin sakanya, meron na siyang hawak na malaking injection at tube na na kulay puti kamuka nung mga ginagamit sa dextrose. "Ito yung pakiusap mo sakin Layu, gagamitin niyo yung dugo dba at sabi mo hindi pwedeng mahaluan ng chemical. Ito yung ipangbubuga ko, purong tubig na lang. Tapos ito," nilabas niya yung mahabang bakal na patulis yung dulo. "Ano yan Yuqi nakakatakot naman yan."

 

 

"Trocar yung tawag nila, itutuhog ko to mamaya sa tiyan para ma-drain yung mga dugo sa abdomen pati sa ibang laman loob. Ganyan, kita niyo?" umakto siya na tinutusok niya kunyari sa tiyan ng patay gamit yung matulis na bakal. "Tapos itutuhog ko din paganun, isa pa dito sa kaliwa! Makikita niyo mamaya, kailangan mahigop mabuti para mawala lahat pati katas." napapailag at naaasiwa ako nung pinakita niya pa samin kung pano yung paraan ng pagsaksak na gagawin niya.

 

 

Pinasilip niya kami dun sa ilalim ng lamesa at may pinakita siya samin."Nakahanda na yung malaking bote. Dyan tatapon yung ma-ddrain na dugo. Lilinisin ko pa mamaya yan bago ko ibigay sainyo."

 

 

"Okay. Sigurado ka ba, marunong ka talaga Yuqi?"

 

 

"Oo. Bakit, wala ba kayong tiwala sakin? Ilan beses ko nang napanood to, kahit nung bata ako nakikita ko na kung pano. Oo nga pala, Kiminjeong. Meron ka bang yosi dyan, pahingi ako. Parang gusto kong mag yosi habang ginagawa ko to eh alam mo yun. Para maiba lang yung atmosphere."

 

 

"Bakit magyoyosi ka? wala na, halos tatlong buwan na nung tumigil ako."

 

 

"Ay talaga? ang corny mo. Gusto ko sanang magyosi para lang mapagpag yung negative energy na dala nitong patay."

 

 

"Ano bang pinagsasabi mo?"

 

 

"Hindi niyo nga pala alam, binasa ko kanina yung record nitong taong to. Gusto niyo ba malaman kung ano yung kaso niya? Kung bakit siya nakulong at kung bakit siya pinag iinitan ng ibang preso sa loob?"

 

 

"Ano? tsaka bakit knkwento mo pa samin yan?"

 

 

"Wala lang, gusto kong nakiki chismis sa kung ano yung buhay nung patay na dndeliver dito eh, katulad nito. Nakakulong to dahil sa kasong . Nangmomolestiya at nangrrape. Madami daw siyang biktima at ang pinaka masaklap pa dun hindi namimili ng edad itong gago na to, pati kamag anak tinatalo. Kaya tama lang na nabugbog siya hanggang sa nabiyak yung bungo niya. Gusto niyo ba gulpihin muna natin siya bago icremate? Pang bawi lang dun sa mga biktima, ilabas niyo yung galit niyo tsaka lahat ng stress niyo sakanya."

 

 

"Yuqi ang gago mo! Mamaya ma-demanda ka pa ng pamilya niyan. Wag mong gawin yan."

 

 

"Joke lang. Pero totoo nga to tsaka wala daw magcclaim dito kaya pinapa cremate na kagad nung warden. Papalabasin din na inatake sa puso, para hindi sila managot. Hindi sa pag aano pero tangina mo deserve mo to, kulang pa nga eh! Pwe!" nabibigla ako sa ginagawa ni Yuqi, sinisigawan niya yung patay at tinatapat niya pa talaga yung muka niya sa tenga.

 

 

"Mag ready na kayo, ayan may scrub suit dyan, gloves pati face mask. Pwede kayong magpalit dun sa kwarto sa dulo."

 

 

"Okay sige. Papalit lang kami, tara na Kiminjeong." paalam ni Ryujin. Sumunod kagad ako sakanya at sabay kaming naglakad.

 

 

 

 

 

Naka yakap ako kay Ryujin habang naglalakad kami dito sa loob ng morge, hindi naman ito yung unang beses na nakapasok kami dito pero ang dami kasing bangkay ngayon na hindi pa nakaayos kaya naiilang ako. Ayaw ko sanang tignan yung mga nakahiga sa stretcher pero wala kaming choice dahil ito lang yung daanan para makapunta kami sa kwarto. Nang makaabot kami sa pinaka dulo ng morge. "Layu dyan tayo magbibihis?"

 

 

"Oo sabay nalang tayo mukang takot na takot ka eh."

 

 

"Hindi sa natatakot ako, nandidiri ako tignan mo nga, ano yan?!" tinuro ko yung patay sa tapat ng lababo. "Hindi siya natakpan ng maayos." tinitignan ko yung nakahiga, mukang babae. Napatingin ako sa katabi niya, pansin ko na may nakalawit dun sa isang bangkay. Hindi din maayos yung pagkaka takip kaya medyo kita yung kalahati ng katawan.

 

 

"Oo nga noh, ano yan nakapatong sakanya? Parang net na ginagamit pag nangingisda, teka nga..ay hindi pala net, parang tumpok ng longganisa." iniwan ako ni Ryujin at lumapit sa stretcher para sumilip. "Kiminjeong hindi pala longganisa to! tignan mo dali!"

 

 

"Bakit? ano meron?"

 

 

"Basta tignan mo lang."sumunod ako kay Ryujin sabay nagtago ulit ako sa likod niya. "Kita mo? gagi ang daming laman." nakalingon siya sakin habang kinakausap niya ako. May tinuturo siya dun sa patay na kita yung kalahati ng katawan. "Ano yun, hindi ko makita."

 

 

"O ito kita mo na?!" halos mapaupo ako nung inalis niya yung takip. "Puta Ryujin, tangina ayaw ko niyan! Gago nasusuka ako! Kadiri!!"

 

 

"Hahahahaha ang hina naman ng sikmura mo. Sabagay yun nga pala yung dahilan kung bakit ako lang yung nag Nursing satin dalawa." Ayaw ko na talagang bumitaw sakanya at magtatago nalang ako. "Layu ayaw kong makita yan. Masusuka ako." nakahawak ako sa magkabilang balikat ni Ryujin at sinubsob ko na yung muka ko sa likod niya.

 

 

"Hoy! anong ginagawa niyong dalawa dyan?" natigilan kami nung sumigaw si Yuqi. "Wag niyo pakialaman yan, mga ino-autposy yan! Magbihis na kayo dalian niyo na!"

 

 

Nandidiri, kinikilabutan at parang nangangati yung ulo ko sa nakita namin, akala ko kung ano yung nakalawit na accessories. Tangina mga bituka tsaka laman loob pala na nakalabas.

 

 

"Hahahahaha Kiminjeong para kang tarsier. Hindi ka naman matatakutin pero ngayon lang kita nakita na nagkakaganito hahahahaha. Laugh trip ka. Aasarin ka ni DaVivs kapag nakita ka niyang ganito kaduwag"

 

 

"Tama na Layu, tara na ayaw ko na dito."

 

 

 

 

Kahit nung nagbibihis kami hindi ako humihiwalay at nakakapit lang ako kay Ryujin. Kanina pa ako naaasiwa at kinikilabutan dahil sa mga bangkay na nakikita namin dito. Hindi mawala sa isip ko yung laman loob pati yung malaking hiwa na nakabuka mula sa tiyan hanggang dibdib.

 

 

 

 

 

Naka suot na kami ng scrub suit, gloves at face mask. Sa sobrang kaba ko naiwan ko pa yung phone ko sa kwarto kaya kinailangan pa namin balikan. Kanina pa din nagffog itong salamin ko kaya ilan beses ko nang tinatanggal.

 

 

Nakapwesto na si Yuqi at Ryujin sa tabi ng stretcher samantalang nakatayo naman ako ilan metro ang layo sakanila. "Layu magagamit dito yung pinag aralan natin sa Uni, excited ka na ba?" biro niya. Hindi maitatago na excited siya sa mga gagawin namin. "Kiminjeong ikaw yung magiging assistant namin. Tga abot ng mga gamit tsaka sundin mo nalang yung mga sasabihin ko sayo."

 

 

"Oo na oo na, dalian na natin. Anong oras na eh." sinilip ko yung malaking orasan na naka sabit sa tapat ng lababo."Anong oras na?" tanong ng dalawa. "Alas dos."

 

 

"Mag simula na tayo alas dos na pala, hindi tayo pwedeng maabutan ng liwanag, baka makita pa ng iba yung pinag gagawa natin dito. Assistant dito ka sa tabi namin." hindi na ako nag reklamo, agad akong sumunod at pumwesto na sa likod ni Yuqi. 

 

 

"Ililipat natin siya. Dyan tayo mag eembalsamo, sa lamesa na may drain."

 

 

Nagkatinginan kami ni Ryujin bago siya nagsalita."Pano natin ililipat eh ang laki niya? ang bigat nito. Bakit hindi mo pa siya pinalagay dyan kanina?"

 

 

"Sorry nawala sa isip at nakalimutan ko. Okay lang yan kaya natin yan, go na. Buhatin natin." hindi na niya kami hinintay sumagot. Pumwesto na si Yuqi sa bandang ulo at nag punta na sa paanan si Ryujin. "Kiminjeong ano pang hinihintay mo? kailangan namin ng tulong mo."

 

 

"Saan ako?"

 

 

"Dyan ka sa gitna, saluhin mo yung likod."

 

 

"Ha?! Yuqi ayoko!!!! ako nalang sa paa Layu, tangina mahahawakan ko yung pwet tsaka likod eh. Ayaw ko." tatanggi ako sa abot ng makakaya ko kahit pa magalit silang dalawa sakin. Wala akong balak hawakan yung likod nung patay.

 

 

"Jusko naman parehas din yan, Yuqi ikaw na nga lang sa gitna ako na dyan sa ulo. Dito ka na sa paa Kiminjeong."utos ni Ryujin. Nagpunta na ako sa kabilang dulo, nakita ko yung paa, hindi pa naman malamig at sobrang putla pero medyo madumi yung talampakan.

 

 

"Pwede bang takpan niyo yung muka niya bago natin hawakan? tangina naman medyo bumubukas pa yung talukap eh, dumidilat. Naaasiwa ako. Tsaka bakit tingin ko parang humihinga pa siya?"

 

 

"Hindi humihinga yan naghingalo na yan sabi nung mga pulis. Tsaka napaliguan na nga. O sige na dali bibilang ako hanggang tatlo tapos ilipat natin." nakapwesto na si Ryujin sa ulo, naipasok na din ni Yuqi yung mga braso niya sa likod at pwetan, andito naman ako, nakahawak sa legs. "Okay.. paki ingatan at wag bibitawan! Isa, dalawa.... tatlo buhat!!" 

 

 

"Pffhmm uhhh taas niyo! Kiminjeong ano? bumubuhat ka ng hangin?! hawakan mo pati legs!"utos sakin ni Ryujin. Dapat pala ginalingan ko pa yung arte ko, nahalata tuloy niya na hindi ako nag bubuhat.

 

 

Pumikit ako at hinawakan ko na ng mahigpit yung bukong bukong nung patay. Habang nakahawak ako sa mga paa niya, hindi ako humihinga dahil ayaw kong maamoy.

 

 

"Jusko po ang bigat naman!!" sigaw ni Yuqi. Habang nagtutulong tulong kami sa paglipat sa kabilang lamesa, hindi ko kayang tignan si Ryujin. Naka ipit yung dalawang braso niya dun sa kilikili nung patay at halos madikit naman yung muka ni Yuqi sa tagiliran pati sa tiyan. Buti nalang yung legs ang napunta sakin kaya kaya ko pang tiisin.

 

 

"Okay na." Yung itsura namin tatlo, wala pa kami masyado nagagawa pero pawis na pawis na kami kahit pa napaka lamig dito sa loob ng morge.

 

 

"Kiminjeong paki kuha yung scalpel."

 

 

"Okay, Yuqi takpan mo naman yung muka please lang. Naiilang talaga ako." kumuha siya ng twalya at ibinalot niya yung muka nung lalaki. Nagpunta ako sa kung saan nakapatong yung mga instrumento, alam ko kung ano yung itsura ng scalpel kaya madali ko din naibigay sakanya. "Okay, Kiminjeong paki handa yung cell phone mo, naka connect ka naman sa wifi dito dba?"

 

 

"Oo naka connect ako, pero bakit mo kailangan ng cell phone?"

 

 

"Guide lang natin para sigurado. Baka kasi magkamali kami ni Layu." kinuha ko yung cell phone ko sa bulsa at nilapag ko sa lamesa katabi ng mga instrumento.

 

 

Nag simula na silang dalawa."Layu, naalala mo pa? kailangan natin hanapin yung carotid artery. Dito yun banda sa kanan dba?"

 

 

"Akala ko ba alam mo?"

 

 

"Oo nga alam ko, refresher lang ito naman. Ayaw mo yun just like the old times nung nag bbrainstorm tayo pag may exam. Okay ito na." Diniin niya yung kaliwang hintuturo niya sabay hiwa. "Bakit ayaw?" tanong ni Ryujin. "Hindi manlang naguhitan Yuqi, mapurol na ata yung scalpel niyo."

 

 

"Hindi teka lang. Trial lang yun, ito na." diniin niya yung scalpel sabay hiwa ng lagpas one inch sa leeg. Tinitignan ko yung katawan nung patay, hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o umaangat talaga yung dibdib pati yung tiyan niya.

 

 

"Swak na swak sa butas!" nag iwas ako ng tingin nung hinawakan mismo ni Yuqi yung parte na may hiwa.

 

 

Alam ko na hindi maipinta yung muka ko ngayon dahil sa napapanood ko. Nilusot niya yung buong daliri niya na parang may hinahanap sa loob ng leeg nung bangkay. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Ryujin. Napaka seryoso ng muka niya habang tuloy lang sa pagdutdot at pagkalikot sa hiwa.

 

 

"Yuqi jusko ano ba yan ginagawa mo bakit parang ang bastos na?!"

 

 

"Gago! ganito talaga kasi may hinahanap akong ugat."

 

 

"Kanina mo pa dinadaliri yung leeg niya eh."

 

 

"Manahimik ka nga Ryujin. Sandali, dito ka tulungan mo ako. Ibuka mo to dahil hindi ko mahanap." lumipat si Layu sa ulunan at hinawakan niya yung hiwa sa leeg. "Kiminjeong, akin na yung forceps." tinuro niya yung lamesa ng mga instrumento. "Ano yung forceps?" tinitignan ko yung mga gamit kaso hindi ko alam kung ano dito yung kailangan niya. "Yung mukang tweezers akin na." tuloy lang yung pag galaw ng daliri niya dun sa loob ng hiwa at may hinahanap siya.

 

 

"Nakapa mo na ba Yuqi? ako nga." mas lumapit si Ryujin at tumabi na kay Yuqi.

 

 

"Tangina hoy ano ba yan ginagawa niyo?" nagulat ako nang makita ko na parehas nang nakapasok yung mga hintuturo nila at dalawa na silang kumakalikot sa leeg nung bangkay. Hindi ko napigilan mag react nung nakita ko yung ginagawa nila, talagang nag tag team pa sila sa paghahanap ng ugat.

 

 

"Pucha hindi ko mahanap. Yuqi ikaw nga. Muscle lang nakikita ko eh asan ba yung ugat na yun?" lumayo si Ryujin at pumalit naman si Yuqi. Tinitignan ko yung mga gloves nila tangina nakakadiri dahil basa at may dugo na.

 

 

"Kiminjeong favor, may flashlight phone mo dba? Tapatan mo nga ng ilaw to." sinunod ko yung sinabi niya, nagpunta ako sa kabilang side at hawak ko na yung cell phone ko. Nakapikit ako habang tinatapatan ko ng ilaw yung ginagawa nila. "Ano ba yan, ayusin mo naman hindi namin makita. Isakto mo dito kung nasaan nakapasok kamay namin."

 

 

"Oo na ano ba kasi yan hinahanap niyo jusko dalawa na kayong dumudutdot dyan." parang naramdaman ko na maduduwal ako nung napatingin ako dun sa leeg na nakabukas kaya pumikit nalang ako.

 

 

"Wala ang hirap talaga! medyo malaman kasi siya."

 

 

"Habaan ko pa kaya yung hiwa Layu, ano sa tingin mo?"

 

 

"Mukang kailangan mo din laliman." kinuha ulit ni Yuqi yung scalpel at humiwa nanaman sa leeg nung patay.

 

 

"Yuqi parang sumobra ata?" komento ni Ryujin. Sinilip ko yung ginagawa nila, tangina napaka haba nga nung hiwa na ginawa niya kaya mukang nawakwak na yung leeg. "Ano ba yan!!"

 

 

"Ayos lang yan mas madali nang hanapin. Asan na ba yung ugat mo kuya? magpakita ka na." kinuha niya yung forceps at nagpatuloy sa pagkalikot. May hinahanap siya sa pinaka loob.

 

 

"Wag mo nang tignan Kiminjeong, kailangan kasi namin hanapin yung artery niya." hindi ko mapigilan wag manood dahil naccurious ako sa ginagawa nila ni Yuqi.

 

 

"Ito na yun ito na yun! hahahaha ang galing natin Layu!" nandiri ako nung naghigh five pa talaga silang dalawa kahit may dugo dugo pa yung mga gloves na suot nila.

 

 

Nakita ko na nakapasok na yung daliri ni Yuqi sa ilalim nung puting ugat na mukang chewing gum. "Anong gagawin niyo dyan?" tanong ko nung nakita ko na ineexpose niya yung ugat pero inuusog niya din yung mga balat at laman na nakaharang. "Assistant, asan na yung forceps?"

 

 

"Ayan." kinuha niya yung mukang gunting na nilapag niya kanina sa dibdib."Tignan niyo guys, ayan naka labas na. Carotid artery define mo nga Layu kung ano to."

 

 

"Leche wag mo akong guluhin. Basta daanan ng dugo yan." natawa kami sa sinagot ni Ryujin, halata na wala na siyang maalala sa mga pinag aralan niya nung college. "Tignan niyo guys ang haba tsaka ang kapal noh?" naaasiwa ako nung ginagalaw galaw pa talaga niya yung forceps na naka lusot sa ilalim nung ugat. "Yuqi wag mo nang ganyanin dalian na natin please lang." pakiusap ko.

 

 

"Masyado ka naman seryoso, hindi ka ba nag eenjoy? Kiminjeong, paki abot na yung arterial tube ayan yung maliit na metal na nakabaliko yung dulo." kinuha ko yung pinaka maliit na bakal na tugma yung itsura sa sinabi niya. "Akin na, tapos pag naipasok ko na, pumwesto ka na dun sa tapat ng embalming machine."

 

 

Nagpatuloy na silang dalawa at nanonood lang ako dito sa gilid. Hawak ni Ryujin yung ugat na mukang chewing gum at naghihiwa nanaman si Yuqi gamit yung scalpel.

 

 

"Pasmado ka ba?"

 

 

"Bakit mo natanong Layu?"

 

 

"Halatang nanginginig yung kamay mo kapag naghihiwa ka."

 

 

"Hindi, sumasara kasi yung hiwa kahit hawak mo pa yung forcep. Nagagalaw, hindi pa naman pwedeng maputol to, hihiwaan ko lang dapat ng maliit para maipasok ko tong arterial tube. Dito dadaan yung tubig na ipang bobomba ko sa mga ugat." 

 

 

"Kailangan natin ng tulong?"

 

 

"Oo para steady lang."

 

 

"Kiminjeong." nagbibingi-bingihan ako at nag iwas ako ng tingin nang marinig ko na tinatawag nanaman ako ni Ryujin. "Kiminjeong!" ulit na tawag niya sakin."Kiminjeong ano ba! Wag kang umarte dyan na hindi mo kami naririnig!"

 

 

"Ano ba kasi yun?!"

 

 

"Kailangan namin ng extrang tulong, halika dito." padabog akong lumapit sa lamesa kung nasaan sila. "Ay talagang ngayon ka pa nagtotopak ng ganyan ha, lumapit ka, hindi namin magagawa to ng kami lang. Kailangan ipasok ng buo ni Yuqi yung bakal na yan dito sa ugat na hawak ko."

 

 

"O e anong gagawin ko?" pilit akong nag iiwas ng tingin lalo na ngayon na wakwak na yung leeg ng patay at kitang kita na yung muscles, laman tsaka yung ugat na kanina pa nila hinahanap. "Hawakan mo yung hiwa tapos ibuka mo para maipasok ng maayos ni Yuqi yan maliit na bakal, nabutasan na yan."

 

 

"Jusko naman bakit pati ako?! tga abot na nga ako ng gamit eh!"

 

 

"O bakit ayaw mo?! Wag na natin ituloy to?"

 

 

"Oo na sige na. Asan ba yung hahawakan, saan ko ilalagay yung kamay ko?" tinuro ni Yuqi yung babang parte ng hiwa. Inutusan niya ako na hawakan ko mabuti at kailangan ko daw ibuka. "Wakwak na nga yung leeg ibubuka ko pa? hindi niyo pa magawa?!"

 

 

"Wag ka na sabing mag reklamo. Sige na, hawakan mo na!"

 

 

 Hindi ako tumitingin, nakapikit ako pero dahan dahan ko nang nilalagay yung kamay ko dun sa parte ng leeg na tinuro ni Yuqi."O ayan, dalian niyo na please lang."

 

 

"Kiminjeong, alam mo mas maganda kung titignan mo kung saan mo nilalagay yung mga daliri mo."

 

 

"Bakit ba?" tanong ko nang hindi gumagalaw at naka steady lang yung kamay ko sa leeg. "Tignan mo kung saan ka nakahawak ngayon, ang sinabi ko ibuklat mo yung balat tsaka laman."

 

 

"Bakit saan ba?" 

 

 

"Ayan tignan mo."

 

 

"Huh! Hala!!" para akong nawala sa sarili nang makita ko na nakadutdot na pala yung mga daliri ko dun sa hiwa at hawak ko na yung mismong lalamunan nung bangkay. Sa sobrang pagka taranta ko hindi ko na tuloy alam yung mga sumunod na ginawa ko."Layu!!" 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1143 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2134 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko