chapter LI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Isang Linggo Matapos ang Away sa Dagat ng Esperanza

 

 

12:00pm Biyernes sa Mansión de los Condenar

 

 

"Sito ano, may balita ka na ba?" 

 

 

"Wala nga Kiminjeong sabi lang nila mama pinagbabawalan daw lahat ng bata na maligo sa dagat kasi kakaiba yung lakas ng alon. Wala masyadong mabiling isda sa palengke dahil hindi din araw araw naglalayag yung mga mangingisda kasi delikado. Nung Miyerkules pinulong ni Mayora yung mga chairman ng kada purok. Kailangan na daw kasi mag ingat at maghanda. Magkakaron daw ng parang praktis para alam ng mga tao kung saan sila tatakbo."

 

 

"Sa lagay na yan wala ka pang nasagap na balita ha. Pinaghahanda ba saan Layu?" bumaling ako kay Ryujin na nakaupo sa railing ng balkonahe.

 

 

"Yun nga yung sinasabi ko sayo dba, nagpatawag ng meeting si Mayora kasi naging delikado yung dagat, ang lalaki ng alon. Sabi nila epekto ng global warming yan, pero sa tingin ko hindi. Ano masasabi mo Kiminjeong bakit kaya? Bakit kaya naging ganyan yung dagat dito sa probinsya natin, sino ang may sala? Sino kaya yung walang hiyang sugo ng global warming?"

 

 

"Aba malay ko, bakit ako tinatanong mo." pagputol ko sa usapan. Sumenyas siya sakin, tinuro niya si Sito at tumango nalang ako."Sito, gusto mo ba na makipaglaro muna kila Sharpay sa bakuran?"

 

 

"Sige Layu! Pwede ba ako pumunta sa bangin?"

 

 

"Hindi! dyan ka lang sa bakuran samahan mo sila Sharpay tsaka si Matilda. Wag kang bababa sa bangin at wag kang aakyat sa tangke ng tubig baka mahulog ka."

 

 

"Tsaka wag ka din maingay dyan sa baba ha, baka nagbabasa o natutulog si ate Irene. Baka mapagalitan ka." dagdag ko."Okay mga boss!" pumasok siya sa loob ng hallway at tumakbo na pababa. Isinama ni Ryujin si Sito dahil bakasyon na nila at wala naman magawa sa bahay. Hindi pa alam ni Sito ang bagong katauhan ko, wala kaming balak sabihin dahil sigurado ikkwento niya to sa mga kaeskwela at mga kaibigan niya. Simula kanina nung dumating siya dito, kailangan normal ang kilos ko at kahit minsan hindi ako nagpalutang ng gamit o nagteleport. Hindi niya din alam na may nakikipaglaro sakanya na batang multo, akala niya kaming dalawa lang ni Ryujin ang kasama niya nung nag ffrisbee kami.

 

 

 

 

"Lucila, Lucila?" ginigising ko tong bata na buhat ko. Parang apat na oras ata kami naglaro ng frisbee at kung ano ano pang games sa bakuran kaya na-knock out siya. Sa sobrang excited at saya niya na ang dami niyang kalaro mukang napagod na. Bigla siyang nakatulog dito sakin habang kalong kalong ko siya nung naguusap kami ni Ryujin.

 

 

"Ang weird talaga Kiminjeong, kaya gusto ko nang makita yan si Lucila eh. May binubuhat ka ba talaga?"

 

 

"Oo nga ayan o." Medyo tumalikod ako at pinapakita ko yung muka ng bata na nakasandal sa balikat ko kahit pa wala naman siyang makikita. "Natutulog pala mga multo?"

 

 

"Hindi nila kailangan matulog, pero minsan natutulog tong bata na to. Mukang napagod siya ngayon grabe kasi maglaro, nauna pa nga umayaw si Sito kanina."

 

 

"Gusto ko na siya makita kasi base sa kwento ni Gigi parang napaka cute niya, tsaka nakakatawa daw kausap."

 

 

"Oo sure ako na matutuwa ka sakanya kasi madaldal tsaka malapit ka sa mga bata. Excuse lang Layu, patugulin ko muna siya sa kwarto." nagpaalam ako para ihahatid ko si Lucila sa kwarto namin ni Catalina.

 

 

Inayos ko yung higaan niya, nilagyan ko ng unan sa magkabila bago ako nagteleport pabalik sa balkonahe.

 

 

"Layu, sa tingin mo anong pwedeng mangyari dahil dun sa nagawa ko?"

 

 

"Bantayan natin mabuti. Sigurado ako galit na galit yung mga sirena dahil tatlo kagad yung napatay mo sakanila. Gaganti yun at hindi pa tapos to."

 

 

"Ano sa tingnin mo yung pwede nilang gawin?"

 

 

"Sinabi mo na ba kila Catalina yung nangyari nung Sabado? tingin ko dapat sabihin mo eh, para kapag may nangyari handa tayo."

 

 

"Hindi, hindi ko kayang sabihin dahil sigurado magagalit sila, lalo si Imperia. Tsaka aawayin ako ni Catalina jusko po, rapture yun! Ayaw ko marindi."

 

 

"Gaya ng lagi kong tinatanong sayo, bakit mo ba kasi pinatay? akala ko talaga babawian at tatakutin mo lang, nagulat ako nag iihaw ka na dun ng mga sirena. Tsaka yung isa, alam mo ba na nagigising ako sa madaling araw kapag naaalala ko yung itsura nun. Natanggal yung ulo kakapalo mo!"

 

 

"Napaka sinungaling ko kung sasabihin ko na hindi ko sinadya kasi sinadya ko naman talaga yun. Intensyon ko na saktan at pahirapan si Daryah, nadamay lang yung dalawa kasi nagpadala ako sa galit ko."

 

 

"Kailangan mo talagang kontrolin yung anger issues mo, vampira na may ganyan, ang sahol ng kombinasyon mo eh. Sinabihan ka na dati ni Minju di ba? bakit kasi ayaw mong magpa check sa doctor, baka matulungan ka pang icontrol yan."

 

 

"Hindi ko na kailangan nun, naccontrol ko naman." 

 

 

"Naccontrol mo sure ka? grabe yung torture na ginawa mo Kiminjeong. Akala ko talaga magpopolo lang tayo sa tubig tapos uuwi na tayo. Hindi ko inexpect na gagawa ka pala ng trifecta na susunugin mo."

 

 

"Sorry na nasaksihan mo pa yun. Alam ko na mali yung ginawa ko, kahit saan mo tignan. Sumobra ako at gaya nung dati, nawala ako sa sarili."

 

 

"Hindi pangkaraniwan yung lakas ng alon sa mga dagat dito. May kinalaman to sa nangyari. Ipagdasal natin na hanggang dyan lang at wala na silang ibang gawin pa."

 

 

"Ano ba pinaka malala na pwedeng mangyari?"

 

 

"Sana wag silang mangunguha ng mga mangingisda. Wag sanang dumami yung ma aksidente ng mga bangka, lalo yung mga barko dahil ang daming madadamay nun."

 

 

"Jusko. Pag may nangyaring aksidente Layu kasalanan ko."

 

 

"Tignan mo yung alon ngayon," tinuro niya yung dagat malapit dito sa mansyon. O nakita mo, dba ang lakas? Hindi normal yan." tumayo ako sa railing at sinilip ko yung dagat, ganito kagulo yung dagat tuwing may bagyo lang. "Kahit walang bagyo parang storm surge yung hampas. Sana lang talaga wag magkakaron ng tsunami."

 

 

"Layu naman!!!" pinalo ko yung braso niya. "Wag mo naman na akong takutin, sobrang nagguilty na nga ako eh!!"

 

 

"Sinasabi ko lang yung totoo."

 

 

"Anong pwede kong gawin Layu? tulungan mo naman ako pano pag nagtsunami?!"

 

 

"Ganito nalang, bumaba ka dun ngayon mag dala ka ng straw. Sasamahan kita."

 

 

"Straw? tapos?"

 

 

"Ngayon palang umpisahan mo nang inumin yung tubig sa dagat, ubusin mo para wag magka-tsunami."

 

 

"Putangina talaga Ryujin, alam mo ngayon mismo ngayon oras na to, napapaisip ako kung bakit ba kita best friend."

 

 

"Hahahahahahahahaha alam mo naman yung sagot dyan eh."

 

 

"Teka nga,"

 

 

**Vibrating sound**

 

 

"Excuse lang." kinuha ko yung phone ko. Nakita ko na nag message si Catalina at may missed calls din siya. Nung tinignan ko yung messages niya, hindi ko na mapigilan mapangiti.

 

 

Catalina 💙:  hi minjeongie

 

 

Catalina 💙:  *attached photo*

 

 

Catalina 💙:  ito na yung license ko

 

 

Minjeong Kim:  oh wow hi!

 

 

Minjeong Kim:  ang ganda mo naman

 

 

Minjeong Kim: tsaka ang cute mo talaga 

 

 

Minjeong Kim:  tapos ka na ba?

 

 

Catalina 💙:  oo tapos na ako nakuha ko na

 

 

Minjeong Kim:  okay sunduin na kita wait lang

 

 

Catalina 💙:  dalian mo nammiss na kita minjeong!!

 

 

Minjeong Kim:  o sige magteteleport na ako?

 

 

Catalina 💙: haha hindi mag drive ka nalang

 

 

Minjeong Kim:  hahaha okay i miss you too! hintayin mo ako punta na ako dyan

 

 

"Layu," pinakita ko sakanya yung picture na snend ni Catalina. "Ay wow, talagang kailangan kasama siya kapag pinicturan yung id ng lisensya?" kinuha ko yung phone at tinignan ko ulit yung picture ni Catalina. "Tanginang picture yan muntik nang makita yung lisensya, mas siya pa yung kita kesa yung id hahahahaha."

 

 

"Ang gago mo ha niloloko mo si Catalina. Hahahaha ang cute nga eh tignan mo, naka pose pa siya."

 

 

"Talagang mahal na mahal mo na yan si Catalina noh? iba yung ngiti mo kapag siya yung pinaguusapan natin." 

 

 

"Oo noh sobra. Kaya hindi ko kayang mawala siya."

 

 

"Kadiri." nagteleport ako palabas. Sakal sakal ko si Ryujin habang nakalutang ako dito sa labas ng railing. "Anong sabi mo, sinong kadiri?"

 

 

"Hahahahahahahahaha gago ang sakit yung leeg ko!! Yung mga biruan natin dati Kiminjeong hindi mo na pwedeng gawin sakin yan leche ka, ang lakas ng katawan mo eh. Lugi ako!!" 

 

 

"Epal ka eh hahahaha. Dito ka muna Layu, aalis na ako, punta muna ako sa bayan. Sama ka kaya?"

 

 

"Ayoko hinihintay ko lang si Gigi may binili sila ni Sorin. O sige ingat ka ha baka sugurin ka ng mga isda sa palengke malamang lahat yun galit sayo."

 

 

"Gago ano naman kinalaman ng mga isda sa ginawa ko kila Daryah. Dyan ka na nga."

 

 

 

 

 

1:15 pm sa Bayan

 

Mag-aala una na ng tanghali nung masundo ko si Catalina sa LTO. Madami pa kasi akong dinaanan. Hinatid ko pa sa bahay si Sito at may binili pa ako na malalaking tornilyo sa hardware para dun sa tree house na gagawin namin.

 

 

Nakapark ako ngayon dito sa grocery katapat ng palengke. Nung makarating kami dito, bumaba pa ako sa sasakyan kanina at sinilip ko yung mga paninda, hindi ko alam kung ubos na yung mga isdang binibenta nila o totoo yung sinabi kanina ni Sito na wala masyadong huli.

 

 

Sinadya namin dumaan dito sa grocery dahil kailangan daw bumili ni Catalina ng sabon panglaba at yung ibang stock namin sa mansyon. Pagkatapos namin dito, magddrive pa kami ng medyo malayo dahil ittreat niya daw ako sa kabilang probinsya. Gusto niya ulit pumunta sa Balsa Restaurant, yun yung agricultural hub na pagmamay ari ng pamilya na kaibigan nila lolo. Dun ko dinala si Catalina bago siya umalis para hanapin yung lola niya. Napilitan kaming mag stay maghapon nun sa farm dahil bumuhos ng malakas yung ulan at hindi na kami nakapunta sa beach.

 

 

 

 

1:30pm

 

Nung makita ko si Catalina na may bitbit na mga groceries, bumaba kagad ako sa kotse para tulungan siya. "Ako na." kinuha ko yung ibang mga hawak niya at binuksan ko yung pinto."Okay na Minjeongie kaya ko na to."

 

 

"Ako na. Ano ba to, ang dami naman nito." sinisilip ko yung laman ng mga paper bag. Nakita ko na parang puro clorox, laundry detergent, fabric softener tsaka dishwashing liquid. "One year supply ba ng panglinis to?" tanong ko habang inaayos namin sa back seat yung mga pinamili. "Ang dami nito."

 

 

"Para hindi na tayo pupunta sa grocery sa mall. Andito na din tayo kaya ayos lang yan. Itong isang paper bag Minjeongie sayo to, binilan kita ng mga snacks tsaka ibang pagkain na gusto mo. Itong isa naman sa akin."inilipat ni Catalina sa lapag yung ibang mga paper bag."Baka puro sweets nanaman yung sayo ha." inabutan niya ako ng mineral water."Hindi naman may snacks din. Minjeong tignan mo, binilan ko si Lucila nito." pinakita niya sakin yung isang supot na puro laruan. "Hahaha ano yan? board ng basketball? haha ang cute naman."

 

 

"Oo maliit na basketball court ikabit natin dun sa mansyon mamaya. Tsaka binilan ko din siya nito." pinakita niya sakin yung manyika na kulot. "Ano to, action figure niya? kamuka ni Lucila to eh."

 

 

"Hahaha oo kaya ko nga binili. Ito pa yung isang laruan niya." may kinuha nanaman na plastic sa back seat si Catalina. Pinakita niya sakin yung mic na medyo mataba at gawa sa plastic. "Ano to?"

 

 

"Subukan mo." tinapat ko sa bibig ko at nag salita ako. "Hello?! Catalinang pikunin!! Aray!" pinalo niya ako nung narinig niya yung sinabi ko. "Hahaha ang hilig mo talaga mang asar Minjeong."

 

 

"Sorry na, joke lang. Okay pala tong mic eh! Mag seat belt ka na! hahahaha sure na maririnig mo ako nito." kinuha niya sakin yung mic at ibinalik na sa likod. "Gagamitin ko sayo yan Catalina kapag ayaw mong gumising next time."

 

 

Inatras ko na yung kotse nung nakaayos na lahat ng pinamili niya. "Sa Balsa na tayo?" tanong ko kay Catalina habang nagsimula na akong magmaneho. "Oo, dun na tayo mag lunch."

 

 

"Ang cute nung mic na binili mo. Pero bakit binilan mo ng ganyan si Lucila mag iingay lalo yung batang yun. Ang hilig pa naman niya magkakakanta ng kung ano ano. Nag iimbento pa ng lyrics. Minsan nga narinig ko, yung pagalit sakanya ni Imperia kinakanta niya."

 

 

"Hahahaha hayaan mo na, para naman matuwa siya. Tsaka hindi namin siya nabibilan ng mga gamit dati kasi bukod sa mailap si Lucila. Hindi kami nakakalabas masyado nung hindi pa kita nakikilala. Kapag gabi lang kami nakakalabas. Kaya yung mga laruan sa mansyon, puro galing kay Yesenia yun, mga luma na din tsaka iilan lang."

 

 

"Ang bait tsaka ang sweet mo, talagang napapalapit na si Lucila satin noh? kung dati natatakot siya sainyong lahat ngayon sobrang komportable na siya. Niyayakap ka pa nga niya pati yung ate mo, tsaka si doc Yeji binubuhat siya. Nagkaron ng baby sa mansyon, kahit ubod ng kulit."

 

 

"Oo at ikaw yung naging daan para maging masunurin at malapit siya samin. Natutuwa ako na mahilig ka sa mga bata Minjeongie, maalaga at mabait ka."

 

 

"Nakakatuwa kasi sila, tsaka nakakaloko kausap."

 

 

 

 

2:00pm sa Balsa Restaurant

 

Gaya nung unang punta namin dito ganun ulit yung mga inorder namin na pagkain. Ang kaibahan lang kung dati puro gulay ang kinakain ko, ngayon okay na sakin yung karne kaya nakakapag share na kami sa lahat ng ulam. Malaki na ang pinagbago ng diet ko kaya nagulat yung mga kapatid ko nung andun ako sa bahay namin. Nung umiinom na ako ng dugo, bigla nalang lumakas yung pagka takam ko sa karne. Napansin ko din na pang laman tiyan lang ang pagkain at masarap sa panlasa pero wala talaga siyang epekto sa katawan namin. Ngayon ko naiintindihan yung paliwanag ni doc Yeji na hindi naman talaga kailangan ng mga vampira ang normal na pagkain ng tao basta kumpleto ang naiinom na dugo.

 

 

Nilagyan pa ni Catalina ng ulam yung plato ko."Masaya ka ba sa lunch natin?" tanong niya sakin habang patuloy kami sa pagkain. "Oo, thank you ulit sa treat." sumandal ako papunta sakanya at hinalikan ko sa pisngi.

 

 

"Hindi ko makakalimutan tong lugar na to. Pati yung mga pinagusapan natin dati, yung binigyan mo ako ng bracelet tsaka yung mga sulat na binaon ko sa pag alis ko. Sayang nga lang hindi ko na nabasa yung iba dahil sapilitang kinuha sakin nila Daryah."

 

 

"Hayaan mo na yung Daryah na yun. Makakarma din siy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko