Chapter XLIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

12:00am Biyernes sa Mansión de los Condenar

 

"Imperia andito na kami, andito na din si Minjeong bumalik na ang malay niya."

 

 

"Tawag mo daw ako?" tinitignan ko yung paligid, nagpunta kami ngayon dito sa malaking kwarto na may shrine sa gitna. Tanda ko pa to, dito nakalagay yung family tree ng lahi nila. Nagtagal kami dati ni Catalina dito, ito yung kwarto dun sa pinakita kong video na na-screen shot ni Ryujin.

 

 

"Bago ko ipaliwanag sayo, gusto sana kitang makausap Kiminjeong."

 

 

"Sige, tungkol saan ba?"

 

 

"Maupo ka." tinuro niya yung mga upuan na gawa sa bato na nasa harap nila.

 

 

"Sige." pinaupo ako ni Catalina at tumabi din siya sakin. Kaharap namin ngayon si Imperia at doctora Yeji, samantalang nakaupo naman sa kanan namin sila Gisele at Sorin.

 

 

"May mga gusto akong linawin tungkol sayo, madami akong nakita sa mga mata mo."

 

 

"Anong nakita mo, hanggang ngayon ba naman? wala akong ginagawang masama Imperia, alam nila Catalina yun."

 

 

"Sagutin mo lahat ng itatanong ko sayo."

 

 

"Oo sige."

 

 

"Ano ang tunay na nararamdaman mo, masaya ka ba talaga dito sa mundo na pinasok mo?"

 

 

"Oo, masaya ako at gusto ko to."

 

 

"Ano ang tingin mo kay Catalina, sino siya para sa iyo?"

 

 

"Panong anong tingin?"

 

 

"May nararamdaman ka ba sakanya, gusto mo ba siya o napipilitan ka lang kasi nagkataon na siya ang bumuhay sayo."

 

 

"Higit pa sa gusto, yun ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi sapat kung sasabihin ko na gusto ko siya, dahil mas matindi pa dun kung ano si Catalina para sa akin. Hindi ko kaya kapag nawala siya at ayaw ko nang malayo pa ulit sakanya."

 

 

"Kiminjeong binibigyan kita ng pagkakataon para mag desisyon kung ipagpapatuloy mo ba talaga to. Kung papapiliin kita, mabubuhay ka na kasama si Catalina o mamamatay ka pero makakasama mo si Minju, pati na din ang lola mo na matagal mo nang gustong makita."

 

 

"Teka bakit pinapapili mo ako?"

 

 

"Sagutin mo."

 

 

"Bakit mo naman ako pinapapili ng ganyan? lahat sila mahal ko at napaka importante nila sa akin."

 

 

"Sagutin mo ang katanungan ko."

 

 

"Imperia andito na ako, kung ito talaga yung nakaguhit sa kapalaran ko, tatanggapin ko. Pero mahal ko din si Minju at si lola."

 

 

"Ang ibig mo bang sabihin ay mas pinipili mo na si Catalina kesa sakanila?"

 

 

"Hindi yan yung term na gagamitin ko. Pero kasi kami ni Catalina yung itinakda at katulad nila parte na siya ng buhay ko. Pero hindi ibig sabihin nun na tinatalikuran at kinakalimutan ko na si Minju pati si lola. Kung itatanong mo ulit yan, wala, wala akong pinipili kasi para sa akin patas silang lahat. Tinatanggap ko lang kung ano yung kapalaran ko."

 

 

"Mahal mo ba si Minju?"

 

 

"Oo, at hindi mawawala yung pagmamahal na yun kahit pa iba na ang nararamdaman at katauhan ko ngayon."

 

 

"Alas tres ng madaling araw, may puting van sa lugar na medyo madilim at walang dumadaan na ibang sasakyan. Natutulog siya at naka sandal pa ang ulo sa bintana sa bandang kaliwa. Mabagal ang andar ng sasakyan at mukang pumaparada, pero bago pa sila tumigil may rumaragasang trak na bigla nalang silang binangga."

 

 

"Anong sinabi mo?!" nagtaasan yung balahibo ko dun sa binabanggit niya. "Imperia wag mo sabihin na,"napahigpit yung kapit ko kay Catalina dahil hindi ko magawang paniwalaan yung narinig ko. Nakakabigla yung mga sinasabi niya.

 

 

"Imperia ano ba itong mga binabanggit mo kay Minjeong? sinabi ko naman sayo wag mo nang dagdagan ang hirap na pinagdaanan niya. Kakabuhay ko lang sakanya, ayaw ko siyang mapahamak."

 

 

"Mahal ka ng kasintahan mo at hindi siya galit sayo, hindi ka niya sinisisi sa nangyaring aksidente. Hiling niya na magpatuloy ka sa buhay mo at alagaan mo mabuti ang sarili mo."

 

 

"Teka ano? ano ba to, seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

 

 

"Ito yung puot na nakatago sa kalooban mo na hindi mo maiwan iwan sa mundo ng mga buhay. Dahil dyan nakatali at hindi ka lubusang makatawid dito sa mundo namin. Hanggang ngayon sinisisi mo pa din ang sarili mo. Kiminjeong tanggapin mo na, hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Minju."

 

 

"Bakit ganito yung mga sinasabi mo?"grabe yung nerbyos na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga binibitawan niyang salita. Hindi ko alam kung ano ang mga nabasa niya pero nakakakilabot at kita ko na seryoso talaga siya.

 

 

"Tinutulungan kita kaya sinasabi ko sayo kung ano ang mga nakikita at nararamdaman ko."

 

 

"Hindi naman kasi ganun kadali tanggapin. Mas pinili ko na wag nalang isipin at balikan yung nangyari, tsaka totoo naman eh. Kung nagpumilit ako na sumabay sakanya pauwi baka naprotektahan ko pa siya. Hindi niya kailangan mamatay mag isa. Yun ang pinaka pinagsisisihan ko. Hindi ko dapat iniwan si Minju sa Quezon."

 

 

"Wala kang kasalanan, siya mismo tanggap na niya na hindi na siya babalik. Ikaw nalang ang nagpapahirap sa sarili mo Kiminjeong. Nakikita ko at alam ko na matindi ang galit at pagsisisi sa kalooban mo."

 

 

"Madaling sabihin yan kasi hindi naman kayo yung nasa posisyon namin ni Minju. Hindi kayo yung nakaranas ng pagmamahal niya at hindi din kayo yung nahirapan nung mawala siya."

 

 

"Hindi mo pwedeng takasan, kailangan mong intindihin at tanggapin kung bakit wala na siya. Hanggan dun lang talaga ang buhay niya, kailangan mo nang pakawalan ang sarili mo. Bibigyan kita ng pagkakataon, para unti unti mo nang maalis yan bigat na dinadala mo. Kahit kalahi ka na namin may naghahatak pa din sayo pabalik sa mundo ng mga mortal. Dapat mo nang patawarin ang sarili mo."

 

 

"Napaka bilis kasi ng mga pangyayari Imperia, para akong natangay. Ang hirap paniwalaan, kasama ko lang si Minju dun sa dagat at nag uusap kami. Hinatid ko siya sa trabaho bago ako umuwi. Natulog lang ako ng isang gabi tapos ayun na, nabalitaan ko na wala na siya at kahit kailan hindi ko na siya makakasama. Sobrang bilis kaya ang hirap tanggapin."

 

 

"Bago kita basahan ng mahahalagang utos, bibigyan kita ng pagkakataon na magkwento o ilabas lahat ng dinadamdam mo. Kahit pa ibang uri ka na, hindi mo pwedeng balewalain ang mga yan. Madaling sabihin na masaya ka sa kung ano ang meron kayo ni Catalina pero walang katapusan yan. Babalikan ka pa din ng mga masasamang alala sa ayaw at gusto mo."

 

 

"Hindi ko maintindihan, doc Yeji ano ba to? akala ko ba okay na lahat pagkatapos ng dasal?"

 

 

"Ito yung bagay na nahihirapan kang iexplain sa amin kahapon Minjeong."

 

 

"Ano dun?"

 

 

"The missing piece of the puzzle that you were talking about. Yung sinasabi sayo ngayon ni Nana, ayan na mismo ang kulang na hinahanap mo."

 

 

"Yung sinusubukan kong ipaliwanag sainyo kahapon?"

 

 

"Oo. This might hurt you but please do not take it the wrong way. The void that you have in your heart right now is the closure that you didn't get from Minju's death."

 

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

 

"You feel like you have lost something inside you when we converted you. Ito yung hinahanap mo. Masyadong mabilis ang mga nangyari sa inyo lalo na sayo. You didn't have time to grieve for her kasi namatay ka din kagad. Wala sanang problema kung nakatawid na ang kaluluwa mo, but that is not the case. Andito ka kasama namin and you are undead. You were into a different world and you didn't have a choice."

 

 

"Hindi ko maintindihan."

 

 

Napapaisip ako. Base sa mga sinasabi nila ni Imperia, mukang tinutulungan nila akong maliwanagan sa kung ano ang nangyayari sakin. Posible kaya na yung hinahanap kong emosyon sa sarili ko ay may kinalaman dun sa closure ng pagkawala ni Minju.

 

 

"I want to know what really happened that day, at pano ka nag survive upon hearing that unfortunate news."

 

 

"Kung pano ako nag survive nung malaman ko na wala na siya?"

 

 

"Oo."

 

 

"Hindi ako nag survive, kaya sinundan ko kagad siya at namatay ako. Halos magtatatlong buwan na, baka dapat lang na magsabi na ako ng mga saloobin ko. Tingin ko oras na din para harapin ko to. Ganun kasi yung ginawa ko nun, sinubukan kong wag nalang pansinin. Sinarili ko hanggang sa nilamon ako ng kalungkutan."

 

 

"We are so sorry to hear that Minjeong."

 

 

"Okay lang ba na ikwento ko kung ano talaga yung pinagdaanan ko nung February hanggang March. Wala pa talaga akong nakakausap tungkol dito. Hindi ko pa din nasabi sayo Catalina." napatingin ako sakanya, mas lumapit siya sakin at hinaplos niya yung likod ko. "Pati si Layu, hindi pa namin napagusapan to kasi nag iingat sila na baka makasama sa akin. Pero ngayon na wala na akong sakit, tingin ko kaya ko na, pwede nang pag usapan." hinawakan ni Catalina ng mahigpit yung kamay ko bago ako umayos ng upo. "Sige okay lang, ikkwento ko na."

 

 

"Take your time. We will listen to you."

 

 

"Andito kami Kiminjeong we're here to listen and support you. Wag ka mag alala."

 

 

"Thank you Gisele." huminga ako ng malalim at napahawak ako sa pendant ng kwintas na suot ko. Oras na, para balikan at harapin ko yung mga nangyari nung araw na yun. 

 

 

"Pano ko ba uumpisahan. Natatandaan ko pa yung eksena na bumungad sa akin nung umaga ng Linggo. Nagdatingan sila Cheche dun sa condo. Gulong gulo ako kasi grabe yung iyak ng kapatid ko. Akala ko pa nun may nangyaring hindi maganda kay ate Taeyeon, kasi hindi siya makapagsalita, hindi siya tumigil kakaiyak at nakayakap lang siya sakin. Pilit ko siyang tinatanong sa kung ano ba ang nangyayari. Hanggang sa tinawag ako ni Vivian. Naalala ko pa yung kilos niya, nangingilid yung luha at kita ko yung panginginig ng mga kamay niya. Nung pinaupo ko siya, dun niya binanggit sa akin na may kailangan daw akong malaman tungkol kay Minju. Akala ko may nag leak sa media ng relasyon namin kaya grabe yung kaba ko, hanggang sa pinaliwanag niya na iba pala yung nangyari. Tinakbo daw si Minju sa ospital kasi nabangga yung sinasakyan nilang van dun sa highway sa Laguna. Nung pagkasabi sakin ni Vivian nun, hindi na ako nagaksaya ng oras, nagbihis kagad ako dahil gusto ko na siyang puntahan. Hindi na ako naghintay pa, nagpalit lang ako ng damit tapos kinuha ko na yung susi ng kotse. Nung paglabas ko sa foyer, bigla nalang akong pinigilan ni Cheche kaya nagtaka ako. Tandang tanda ko pa, sobrang nalilito ako nun kasi ayaw nila akong payagang umalis sa condo. Todo awat sila habang nagpupumilit naman ako kaya medyo nagkagulo pa kaming tatlo. Hindi nila ako naawat hanggang umabot ako sa elevator. Nung pagsakay ko, dun na nila sinabi sakin."

 

 

"Oh God,"

 

 

"Sa gilid ng van daw yung pinaka malakas yung impact, yun yung napuruhan ng truck. Sumakto pa talaga sa kaliwa, kung saan mismo nakaupo si Minju. Hindi ko pa naggets masyado nung time na yun, paulit ulit kong tinatanong sakanila kung kamusta siya, kung malubha ba, o kung conscious ba siya. Gustong gusto ko nang magmaneho paalis para lang makita ko siya dahil sigurado ako na natatakot siya. Akala ko talaga nasa ospital siya at ginagamot. Hindi ko pala nakuha yung sinabi ni Vivian, o baka ayaw ko lang din pakinggan. Ewan ko ba kung bakit sadyang napaka gago talaga ng buhay. Yung kaisa isang tao na minahal ko ng sobra, ganun ganun lang, namatay siya on the spot." 

 

 

"Kiminjeong I'm so sorry." mahinang sabi ni Gisele, napalingon ako sakanya pero ang nakatawag pansin sa akin ay si Catalina. Nung makita ko na umiiyak siya, kinuha ko yung kamay niya at ipinatong ko sa kandunang ko.

 

 

"Hinatid ko pa siya sa Quezon," pagpapatuloy ko. "Yun kasi talaga yung balak ko na sasamahan ko siya kasi medyo malayo yung shooting location nila. Ganun kasi kadalasan yung ginagawa namin, ako yung naghahatid sakanya sa taping kahit gano pa kalayo. Dapat Sunday din ako uuwi nun kaso kinailangan kong mauna kasi may meeting ako ng Sabado. Sana talaga nagmatigas nalang ako at pinilit ko na sabay nalang kami."

 

 

"Hindi mo din naman kasi alam na ganun ang mangyayari." sagot ni doc Yeji.

 

 

"Mahal na mahal ko talaga si Minju, hindi ko alam kung naiparamdam ko ba yun sakanya nung nabubuhay pa kaming dalawa. Pinagsisisihan ko talaga kung bakit hinayaan ko siyang magbiyahe mag isa. Sana nagpumilit nalang ako, para kahit pano naprotektahan ko pa siya o kaya dalawa nalang kami. Ito yung lagi kong tinatanong dati, naihanda niya kaya yung sarili niya, alam ka niya na hindi na siya uuwi sa akin nun? Hindi ko lubos maisip yung takot na naramadaman niya nung mga oras na yun. Nung pagbangga nung truck, naramdaman pa kaya niya yung sakit? Hindi ko talaga kayang isipin at ang hirap tanggapin na nahirapan siya ng ganun katindi."

 

 

"That's  Minju's fate, sabi ko naman sayo kahit pa hindi through accident, mangyayari na talaga dahil hanggang dun nalang ang buhay niya. Just like you, kahit hindi ka nag cardiac arrest, pwede ka din mamatay sa ibang paraan. It just happened na nabuhay ka because of Nana Catalina."

 

 

"Ang brutal kasi doc Yeji. Bakit hindi nalang siya namatay sa pagtulog, bakit kailangan sa ganun paraan pa? Nabanggit pa nila na yuping yupi yung side nung van kung saan siya nakaupo. Hindi niya deserve yun. Nung buhay pa siya at magkasama kami, halos lahat ng pag iingat ginagawa ko para kay Minju dahil ayaw na ayaw kong masasaktan siya. Tapos ganun? parang gago talaga hindi ko maintindihan."

 

 

"It's an accident. Kung ganun talaga ang kapalaran niya, you can never hinder it."

 

 

"Ano pa nga ba. Grabe kahit anong iyak yung gawin ko nun, parang hindi nababawasan yung sakit. Hindi ko matanggap na hindi na siya babalik."

 

 

"But how did you cope, knowing that you have a heart condition?"

 

 

"Nung mismong araw na yun, Linggo ng umaga. Nung naguusap kami ni Vivian bigla daw akong nag collapse dun sa sala. Sumunod nun, nagising nalang ako na naka admit ako sa ospital. Nung tinanong ko kung ano nangyayari at kung nasaan na si Minju, walang makapagbigay sa akin ng malinaw na sagot. Lahat sila parang umiiwas. Nung nasa ospital ako, walang oras na hindi ko hinahanap si Minju. Pag gigising ako, hinihiling ko na sana pagdilat ko katabi ko na ulit siya. Pinagdadasal ko na sana masamang panaginip lang yung nangyayari samin. Kaso hindi, wala na siya at kailanman hindi na kami magkikita. Para akong nawala sa sarili lalo nung walang nagsasabi sa akin kung nasaan siya. Wala akong idea kung saan siya nakaburol o kung nailibing na ba."

 

 

"Wait, so you are saying that after the accident hindi mo na nakita si Minju?! Hindi ka nakapunta sa wake pati sa libing niya?"

 

 

"Hindi na, kasi pinagbawalan ako ng doktor ko. Matagal din akong na-confine sa ospital, hindi nila ako hinayaan lumabas kagad kasi minor heart attack pala yung nangyari sa akin kaya ako hinimatay."

 

 

". Grabe, this is too much. Gisele alam niyo ba tong mga to?" bumaling si doc Yeji kila Gisele na nakaupo malapit lang samin.

 

 

"Yes. Magkakasama kaming nagpunta dun sa cremation ni Minju. Yun yung bilin ni Mayora, hindi pwedeng mag banggit kay Kiminjeong ng kahit ano tungkol kay Minju because of her condition."

 

 

"Oh my god. I'm really sorry na pinagdaanan mo to."

 

 

"So yun. Yun ang nangyari sa amin. Hindi ko manlang nakita si Minju kahit isang beses, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapag paalam sakanya. Nung nakalabas ako sa ospital ibinalita nila sakin na na-cremate na pala siya. Ayan sila Gisele, magkakasama sila nila ate na nagpunta sa libing niya. Sobrang sakit nun. Walang araw na hindi ako umiyak at hindi ko tinawag yung pangalan niya. Ang pinaka mahirap sa lahat yung bigla akong magigising ng madaling araw tapos wala siya sa tabi ko. Yung huling oras na magkasama kami, yun lang ang naaalala ko, kapag pipikit ako yung muka niya yung nakikita ko. Sobrang hindi ko talaga matanggap na nawala si Minju. Tangina hirap na hirap ako nun hanggang sa nawalan na ako ng gana, tinigil ko na din yung pag inom ng mga gamot ko. "

 

 

"Minjeong patawarin mo ako." niyakap ko si Catalina nung napasandal siya sakin at hindi na niya mapigilang umiyak. Buti nalang nag abot ng panyo si doc Yeji."Catalina. Wag ka nang umiyak."tinatapik ko yung likod niya habang pinupunasan ko yung luha niya.

 

 

"Kung hindi ako nahuli hindi dapat nangyari yun kay Minju."

 

 

"Wag mo nang isipin yan, wala kang kinalaman dun, hindi mo kasalanan."

 

 

"Mapatawad niya sana ako. Hindi dapat ganun ang paraan ng pagkamatay niya."

 

 

"Nangyari na, tapos na kaya hayaan mo na. Tingin ko naman maiintindihan ni Minju yun."

 

 

"You were not able to take the pain, ito ang main cause ng pagkamatay mo."napatingin ako nung magsalita ulit si doc Yeji. "Matagal ka nang may sakit sa puso, and because of your smoking habit, mas lumala pa kaya napaaga ang buhay mo."

 

 

"Matagal niyo na bang alam to?"

 

 

"Nabasa na nila Nana unang kita palang nila sayo."

 

 

"Grabe."

 

 

"Kiminjeong."

 

 

"Ano yun Imperia?"

 

 

"Nung huling beses na isinama mo dito si Minju, nakita ko sa mata niya yung aksidente, pero ano ba ang sinabi ng pamilya niya?"

 

 

"Imperia." napansin ko na parang nag senyas si Catalina sa kapatid niya.

 

 

"Ano yun Catalina? Ah yung family ni Minju, hindi ko pa sila nakikita pagkatapos nung aksidente, nakakausap ko sila pero ngayon nalang ulit. Balak ko na dalawin sila kapag pinuntahan ko si Minju."

 

 

"Hindi ko binanggit sayo to, pero bago kayo umalis nung gabi na nagpunta kayo dito. Sinabihan ko pa siya na mag iingat siya lagi sa trabaho niya. Patawarin niyo sana kami dahil may mabigat na dahilan kung bakit hindi kami pwedeng makialam at magbigay ng babala sa mga tao na katulad niyo."

 

 

"Sa ngayon nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko