Pasimula

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Araw ng Kabilugan ng Buwan

 

 

5:00pm Mansión de los Condenar

 

 

"Ano sa tingin mo Catalina, maging tayo na kaya ngayon? para naman masabi ko na naging girlfriend kita bago tayo mamatay." sinusundan ko siya ng tingin habang inaayos niya yung twalya pati yung skincare na gagamitin niya. "Hindi mo ba ako narinig?" ulit ko.

 

 

"Bubu ano ba, walang mangyayari sinabi na nga sa akin ni Imperia."

 

 

"Hindi ko maiwasan."

 

 

"Malaki ang posibilidad na magbago na yung isip ni Nana."

 

 

"Madali naman kasing sabihin yan eh pano pag mamaya biglang utusan niya tayo na saksakin natin yung isa't isa. May magagawa ka pa ba?" natahimik ako nung nilingon niya ako at ang sama makatingin. Pinapanood ko si Catalina na may inaayos naman ngayon sa dresser, hinihintay ko siya dahil may gagawin daw siya sakin. "Umayos ka na ng upo, dyan ako sayo. Tanggalin mo na to." utos niya sabay hinatak yung towel na suot ko. Inayos ko yung pinagpatong patong na unan saka ako sumandal sa ataul. "Okay na." hinawakan ko yung bewang niya nung nag straddle siya sakin. Wala pa kaming suot na kahit ano dahil kakatapos lang namin maligo at nagbibihis palang kami. "Mawiwindang at magwawala nanaman yung lola mo kapag nakita niya yung ayos natin."

 

 

"Haha hindi naman siya papasok dito, wag ka lang maingay kasi andyan lang siya sa kabilang kwarto." Pumwesto ako at magsisimula na si Catalina. 

 

 

"Kung okay na, bakit babasahan pa din tayo? alam mo, namamanhid na ako sa sobrang kaba."

 

 

"Ganun kasi talaga ang ginagawa kapag may dumating na pinuno ng mga vampira, lalo na ilan daan taon kaming nagkahiwalay. Tigilan mo na kakaisip ng ganyan, basta kapag pinilit niya aapela tayo at si Imperia daw ang bahala!" natawa ako nung biglang tumaas yung boses niya at may ipinahid sa muka ko na medyo malamig. "Baba ayaw ko mag ganyan ngayon ang init sa labas."

 

 

"Kaya nga kailangan mo to. Sige na. Hindi ka na nga naglagay kaninang umaga, pikit na." sinunod ko yung sinabi niya at pumikit nalang ako. Ayaw ko naglalagay ng kung ano sa muka pag umaga lalo yung moisturizer pero pinipilit ako ni Catalina. Lagi niyang pinapaalala na hindi daw pwede na sa gabi lang. Mas strikto na siya sakin ngayon pagdating sa pag alaga ng skin at nasasanay na talaga siya sa mga ganitong bagay.

 

 

"Buti nalang malakas loob ng ate mo. Pero tingin mo, may ipapataw pa kaya sainyo ni doc Yeji na matinding parusa o babawasan niya?"

 

 

"Hindi ko alam, pero base sa sinasabi ni Imperia, mukang unti unti nang nagbabago ang pananaw ni Nana Carmilla. Kahit pano pinapakinggan na niya kami. Mukang may epekto ata ang ginawa mo kahapon. Jusko, ano nalang ba ang gagawin ko sayo Bubu? hanggang ngayon hindi ko talaga malaman kung saan ka kumuha ng lakas ng loob mo. Ano ba ang pumasok sa isip mo, lola namin at pinuno ng mga vampira, binasahan mo ng walang tamang proseso. Bagong salin ka palang at hindi ka puro. Binasa mo pa talaga yung tuntunin sa cell phone mo lang. Nauubusan ako ng sasabihin Minjeong, ibang klase ka talaga."

 

 

"Galit ka ba sakin? pero hinayaan mo naman ako, hindi mo nga ako inawat." 

 

 

"Hindi. Hindi ko magawang magalit sayo dahil naiintindihan kita. Wala kang masamang intensyon pero ang lakas talaga ng loob mo."

 

 

"I'm sorry. Ayaw ko lang na managot kayo kaya tinuloy tuloy ko na. Tsaka yun lang ang nakita kong paraan para mapagtanggol kita. Ayaw ko naman na nakatameme lang ako tapos hindi kita ipaglalaban." niyakap ko yung bewang ni Catalina at hinahaplos ko yung likod niya habang may nilalagay siya sa muka ko. "Hindi ko kaya na masaktan ka." pinulupot niya yung mga braso niya sa batok ko at niyakap ako kaya nadiin tuloy yung muka ko sa mga malalambot na bundok. "Baba sorry alam ko seryosong usapan to pero na-ddistract ako dito." hinawakan ko yung s niya at kinagat ko ng pabiro sa s. Sinalo ko parehas sabay sinubo ko yung sa kanan. "Aw! bakit ka namamalo?"

 

 

"Tama na, mamaya ka na mag ganyan Minjeongie. Umayos ka ng upo at may ilalagay ako sa ngipin mo. Alas siyete ng gabi bababa na tayo kaya mag bihis ka na."

 

 

"Alas kwatro palang naman, mamaya na."

 

 

"Alas singko na, okay ibukas mo yung bibig mo tapos palabasin mo yung pangil mo."

 

 

"Para saan ba to?" kinuha ko yung maliit na bote na hawak niya at  binasa ko yung nakasulat. "Enamel Fluoridation, saan galing to?" 

 

 

"Kay Yesenia, dali na Minjeongie ilabas mo yung pangil mo para papahiran ko nito." hawak ko pa din si Catalina at nakalabas na din yung dalawang pangil ko. Hinawakan niya yung pisngi ko sabay pinapahiran isa isa yung ngipin ko nung gamot. "Para saan to?" 

 

 

"Sshh, patuyuin muna natin dodoblehin ko yung pahid sa mga pangil mo, kailangan natin to wag ka muna mag salita." 

 

 

"Lakas ng amoy ng mint."

 

 

"Sshhh, para tumibay yung ngipin natin. Hindi ka na nakakapag teleport. Yan nalang ang meron ka ngayon kaya ingatan mo." pinalo ko siya ng mahina dahil sa sinabi niya. Hindi ako makatawa at makapag salita dahil sa ginagawa niya.

 

 

Nung patapos na si Catalina. Binalik na niya yung gamot at mas lumapit pa sakin. Hawak niya yung magkabilang pisngi ko at iniihipan niya naman ngayon yung gamot na nilagay niya. Ang hirap mag concentrate kapag ganito yung pwesto namin, nakikita ko yung katawan niya at nakadikit sa puson ko yung privates niya.

 

 

"Ayos ka lang ba?"

 

 

"ahh ah"

 

 

"Hahaha wag mo isara."

 

 

Habang patuloy siya sa pag-ihip, hinawakan ko siya dun sa baba. Maingat kong hinihimas ng paulit ulit yung hiwa niya gamit yung kaliwang thumb ko. "Bubu kakaligo ko lang, magbabasa nanaman yan, malagkit. Baka mahuli pa tayo sa pagbaba, mamaya na." Niyakap ko nalang si Catalina habang pinapatuyo namin yung gamot sa ngipin ko. "Dito ka lang sakin." sumandal yung ulo ko sa dibdib niya at hinahaplos niya ng dahan dahan yung buhok ko.

 

 

"Minjeong."

 

 

"Hmm?"

 

 

"Alam mo hindi ako magsasawa sa ganito. Ang sarap sa pakiramdam at sobrang saya ko dahil magkasama tayo. Gustong gusto ko din na inaalagaan kita."

 

 

"ah-ah"

 

 

"At nasasabik na ako na maging tayo na. Ilan buwan nalang. Apat na buwan, at magiging girlfriend na kita, sa akin ka lang Minjeongie." tumango ako sabay tinuro ko yung bibig ko, hindi ako makakasagot dahil hindi ako makapagsalita. Sabi niya mga three minutes kailangan patuyuin bago ko isara. "Hahaha wag mo galawin, mamaya ka na magsalita." niyakap ni Catalina yung ulo ko at sinusuklay niya yung buhok ko gamit yung kamay niya. Nakaka relax at nakakaantok yung ginagawa niya sakin.

 

 

"Gusto ko din na ikasal tayo Minjeong." tumatango lang ako bilang sagot. Nung nag alarm na yung phone sinara ko kagad yung bibig ko dahil nangangalay na yung panga ko.

 

 

"Grabe naman yung three minutes. Sorry ano yun Catalina?"

 

 

"Sabi ko nasasabik ako nag maging official yung relasyon natin at gusto ko din na pagtagal, ikasal tayo."

 

 

"Yun naman talaga yung plano natin. Pero, malalaman natin mamaya kung magagawa ba natin lahat ng yan."

 

 

"Bakit hindi? magtiwala ka lang, walang mangyayaring masama. Basta Bubu kapag nagkagulo, kumapit ka at magtago ka lang sakin. Hindi ka pa naman nakakalipad ngayon."

 

 

"Posible na magkagulo noh, pag nagpumilit yung lola niyo?"

 

 

"Ikaw ang laging nagsasabi sakin hindi ba. Kapag may problema tayo ano nga yung madalas mong sinasabi?"

 

 

"Think positive at wag ka magpaka negative. Pero iba kasi yung ngayon." tinapik ko siya saglit at kinuha ko yung phone ko. "Lagpas alas singko na pala, kuha na ako ng damit. Bihis na tayo."

 

 

"Bubu sandali lang. Naayos ko na yung damit na isusuot mo, ako na ang magpapasok dito."

 

 

"Huh? eh nandito yung closet natin. Nag plantsa ka pa? pero pambahay lang naman isusuot ko."

 

 

"May dasal at babasahan tayo nila Nana, hindi pwedeng nakapambahay ka lang. Minjeong ngayon na magkalahi na tayo, masanay ka na. May nararapat na kasuotan para sa mga ganitong okasyon."

 

 

"Ganun ba. Okay sige, ano pala yung isusuot ko?"

 

 

"Sandali, hintayin mo ako dito."

 

 

 

 

Pagkatapos ng Kwarenta minutos....

 

 

"Pakita ako, humarap ka sakin."

 

 

"Baba ang kati talaga dito sa leeg ko, tignan mo." kanina pa ako nakatayo dito sa salamin at iniipitan ko na ng tissue yung leeg ko. "Minjeongie, tiisin mo nalang pag naman natapos na yung gabi huhubarin mo naman kagad yan."

 

 

"Baba pati ako natatakot dito sa pinasuot mo sakin eh, kamuka ko si Miss Minchin. Hindi ko inakala na mag ppormahang Hogwarts din pala ako."

 

 

"Hahaha ganito kasi ang mga sinusuot natin tuwing may dasal at bababa tayo sa basement."

 

 

"Muka tayong sugo ni Miss Minchin, pagbaba ko tignan mo, uutusan ko si Lucila tsaka sila Sharpay na magbalat ng patatas."

 

 

"Hahahaha kung ano ano nanaman sinasabi mo. Halika nga dito, ang cute talaga ng Minjeongie."

 

 

"Nang iinis ka lang eh."

 

 

Ilan minuto din kami nagtalo ni Catalina dahil dito sa dress na pinipilit niyang ipasuot sakin. Kumuha na ako ng damit ko kanina, magsusuot na dapat ako ng sweatpants tshirt tsaka hoodie dahil bababa kami sa kapilya dun sa basement para sa dasal at pabasa ng lola nila. Hoodie yung napili ko dahil malamig dun at sigurado na mas lumalamig pa lalo kapag nagsimula na sila.

 

 

"Hindi ka lang sanay kaya makati. Pasensya ka na Bubu pero ganito kasi talaga ang nakasanayan. May mga okasyon talaga na kailangan natin magsuot ng ganito."

 

 

Tinignan ko si Catalina, bigla kong naalala na ganito yung itsura niya nung unang beses ko siyang nakita na nakahiga sa ataul. Nagkagusto kagad ako sakanya dahil sobrang kakaibang level yung ganda niya. "Ba alam mo kahit anong suot mo, lahat bumabagay talaga sayo." komento ko habang pinapanood ko siya na may inaayos sa buhok niya.

 

 

"Thank you. Parehas lang tayo." tumayo si Catalina sa likod ko at niyakap niya ako. Parehas kaming nakasuot ng makapal na dress na itim, mas mababa ng konti sa turtle neck yung kwelyo kaya medyo nasasakal at nangangati yung leeg ko.

 

 

"Ang ganda ganda talaga ng Minjeongie ko, sobrang bagay tayo." naka-back hug sakin si Catalina habang nakatayo kami sa tapat ng salamin. "Gusto mo ba tong pinasuot ko sayo?" Hindi ko siya kinikibo kahit hinahalikan niya ako sa pisngi. "Sigurado pagttripan nanaman ako nila Gisele kapag nakita nila to."

 

 

"Ano naman, hayaan mo sila, hindi ka pa ba sanay dun sa dalawa. Bagay naman sayo to."

 

 

"Kanino ba to Catalina, baka naman mga ninuno niyo pa yung huling nagsuot nito? baka may makita nanaman ako na nakaitim dyan sa hallway tapos dukutin nanaman yung puso ko."

 

 

"Hahaha sa akin to. Hindi naman kita papagamitin ng kung kanikanino lang. Halika nga dito." niyakap niya ako sabay tapat ng phone niya samin dalawa. "Ano gagawin mo?"

 

 

"Magsselfie tayong dalawa na ganito yung suot. Gusto ko din ipost, pwede ba Minjeongie?"

 

 

"Ippost mo sa ig, ano caption mo? on our way to kamatayan o ano minutes before parusa with my Bubu."

 

 

"Hahahahaha kung ano ano talaga sinasabi mo, kaya pikon na pikon sayo si Nana."

 

 

"Kung makapag aya ka kasi ng selfie pucha akala mo hindi tayo hahatulan eh. Tsaka yung instagram mo alam mo puro tayong dalawa yung laman."

 

 

"Nagsalita, ganun din naman yung sayo Minjeong."

 

 

"Hahahaha kaya nga sabi ni Cheche nalilito daw siya kung ano yung sakin tsaka yung sayo. Tayo ata yung type ng couple na nakakaumay eh, tingin mo?"

 

 

"Hahahaha siguro. Pero hayaan mo sila sa sasabihin nila, mas matimbang kung ano ang meron tayo kaya hindi nila maiintindihan."

 

 

"Pero sobrang sweet mo kahit pikunin ka. O sige na nga." hinawakan niya ako sa bewang at nagpicture kami ng madami. "Dito naman Minjeongie, harap tayo para mirror shot." natatawa akong napatingin sakanya. "Hahahaha Baba napaka dami mo na talagang alam, mas madami ka pa nga alam kesa samin ni Layu." inakbayan niya ako at yumakap naman ako sakanya. "Ang cute mo talaga, I love you Catalina." hinawakan ko yung muka niya at hinalikan ko ng madaming beses sa pisngi. Tinapat ni Catalina sa salamin yung camera at nag picture kami.

 

 

 

 

8:00pm 

 

Halos isang oras na din nung nagsimulang magdasal si Nana Carmilla. Hindi ko alam pero kanina, binalot ako ng matinding takot lalo nung binasa na niya yung dasal na latin. Yun din yung ginawa dati ni Imperia pero ngayon sobrang kakaiba at kinikilabutan talaga ako. Sobrang lamig dito sa loob ng kapilya, rinig ko yung mga malalakas na iyak at atungaw na nanggagaling sa labas nung nagsimula na niyang bigkasin yung mga salita. Nung tinanong ko si Catalina kung sino yung mga umiiyak, pinaliwanag niya sakin na yun daw yung mga ligaw na kaluluwa dito sa mansyon na nakulong at nahihirapan tumawid.

 

 

"Halika na dito." pasimpleng tawag ko kay Lucila habang kinakawayan ko siya. Nagulat ako na andito din siya sa baba ng mansyon at talagang nakaupo pa ngayon sa altar na parang nagsisilbing sakristan ni Nana Carmilla at ni Imperia. Nakasuot din siya ng maliit na kapa ng vampira na paborito niya. Isinama nila siya dito dahil mag isa lang siya sa taas at baka bumaba daw siya sa gate kasama nila Sharpay. Siya yung assistant nila, siya ang tga abot ng itim na libro kay Nana Carmilla.

 

 

Nakakatakot yung ganap dito dahil parang bigla nalang may susugod o may lilitaw na mga kaluluwa at iba ibang nilalang. Medyo hindi ko nga lang maseryoso dahil bukod sa kanina pa nanggagago sila Gisele, pakiramdam ko para akong napasok sa kulto.

 

 

"Baba nakakatawa si Lucila ano ba ginagawa niya dyan, hindi ko tuloy maseryoso tong nangyayari dito."

 

 

"Hahaha hayaan mo siya. Bubu tignan mo yung muka niya ang cute, napaka seryoso at hindi talaga ngumingiti." nagbubulungan kami ni Catalina habang pinapanood namin si Lucila na nakaupo ngayon sa tabi ni Imperia. "Hindi talaga siya ngumingiti kahit nakikita niya tayo."

 

 

"Oo nga eh, parang feel na feel niya yung role niya." napatingin ako sa nakaupo sa kaliwa ko. "Okay ka lang doc Yeji?" tanong ko."Yeah, I'm okay." seryosong sagot niya ng hindi nagaalis ng tingin sa altar.

 

 

Kaming tatlo nila Gisele at Sorin yung magkakatabi kanina at nasa kabila naman si doc Yeji katabi ni Catalina. Dahil sa kadaldalan ni Gisele, napagalitan tuloy kami ni Imperia at muntik nanaman magwala si Nana Carmilla dahil pinagbintangan niya na ako yung dumadaldal. Nagalit sila kaya pinalayo at pinahiwalay nila ako ng upuan. Akala mo kung sinong matitino at masunurin itong dalawa kapag nakaharap si Nana Carmilla, pero nung inangat ni Sorin kanina yung laylayan ng mahabang damit niya, naka Nike SB pala siya na sapatos kaya hindi ko napigilan tumawa. Habang abala sa pagdadasal yung mga nasa altar, knkwento din samin ni Gisele kung pano ginagawa ang parusa, may nalalaman pa siyang computation dahil ganun daw yung napanood niya dati. Binibilang ang mga nagawa para malaman kung ilan taon ang dapat ipataw sa isang nagkasalang vampira.

 

 

 

 

Napatingin ako kay Catalina nung bigla siyang humawak sa kamay ko. "Bakit?" tanong ko habang pinalibot ko yung braso ko sa bewang niya at hinigit ko siya palapit sakin. "Minjeong umayos ka ng upo." nasita ako ni doc Yeji kaya sumandal ako at tumingin na sa harapan. Puro latin yung dasal kaya wala naman akong maintindihan. Naiinip na din ako dahil nakaka isang oras na kami dito, pakiramdam ko tuloy para silang nagbubukas ng portal o nagtatawag ng ibang nilalang dun sa mga salitang binibigkas nila.

 

 

Nililibot ko ng tingin itong loob ng kapilya, mataas yung kisame at may design na masinsin. Puro kandila lang ang ilaw dito at kahit pa walang bintana, napaka lamig dito na aakalain mo meron aircon.

 

 

Sobrang nabibingi na ako sa katahimikan at kating kati na yung kamay ko na kunin sa bulsa yung cellphone ko. Walang bulsa itong itim na dress na pinasuot sakin ni Catalina kaya nagsuot ako ng short sa loob para lang meron akong taguan.

 

 

"Bubu," hinawakan ni Catalina yung kamay ko at pinasandal niya ako sakanya. "Mukang inaantok ka, dito ka sakin. Naiinip ka na ba?" tumango ako at niyakap ko yung braso niya. Buti nalang busy yung dalawa sa altar kaya hindi kami mapapagalitan. "Matagal pa ba to?" tanong ko kay Catalina. "Binuo ni Nana yung dasal, yung binabasa kasi ni Imperia parang parte lang kaya hindi sobrang haba. Itong kay Nana, nilahat niya."

 

 

"Tangina cover to cover? sabihin mo isend nalang niya satin para tayo nalang magbabasa, isali natin siya sa gc."

 

 

"Ssshhh hahahaha. Wag ka magulo Minjeongie, mapapagalitan ka nanaman. Nakakarami ka na." pinalo ako ni Catalina kaya sinalag ko yung kamay niya at natawa kami pareho. Tinignan ko yung bata na nakaupo sa altar, talagang seryoso siyang nagmamasid sa amin kahit hindi naman niya naiintindihan yung nangyayari. Nung nagkatinginan kami, kinawayan ko ulit siya pero nag senyas siya na wag akong maingay.

 

 

"Patapos na. Ito na yung pinaka huling dasal."

 

 

"Nakakaintindi ka ba ng latin Catalina?"

 

 

"Oo Spanish kahit pa Latin nakakaintindi ako. Marunong din ako pero ayaw ko."

 

 

"Weh? maniwala ako sayo."

 

 

"Oo nga, ito may sasabihin ako sayo." dumikit sakin si Catalina at may binulong sa tenga ko."Ito pa. No puedo esperar para follarte hasta que no puedas caminar."

 

 

"Ano ibig sabihin niyan?"

 

 

Hinawakan niya ulit yung muka ko at dinikit yung labi niya sa tenga ko. "Uggh tangina." tinakpan ko yung bibig ko nung maramdaman ko yung dila niya sa tenga ko. Dinilaan at medyo sinipsip niya yung earlobe ko at pinaparinig niya sakin yung mahinang ungol niya. Hindi maiwasan na nag init tuloy yung muka ko. "Wag ka gumanyan dito ano ba." pagbawal ko sakanya. "Hahaha ayaw mo ba?" lumapit ulit siya, tinakip niya yung kamay niya sabay dila ulit sa tenga ko. Napapakapit ako ng mahigpit sa hita niya at huminga ako ng malalim.

 

 

"May nararamdaman ka na ba?" dinilaan niya ulit ako sabay kagat sa earlobe ko. "Baba tama na." bulong ko habang hinahawakan niya yung pisngi ko at pasimpleng humahalik sa likod ng tenga ko.

 

 

"Baba seryoso awat na."

 

 

"Hahaha biro lang." tumayo bigla si Imperia tsaka yung lola nila kaya kinabahan ako. Tinignan ko si Catalina, ngumiti pa siya sakin ng nakakaloko at pasimple niyang pinisil yung pwet ko. Tinignan ko kagad si doc Yeji, nakatutok siya sa altar kanina pa kaya mukang wala naman siyang nakita. "Loko ka talaga, wag ka naman gumanyan."

 

 

"Hahaha mamaya Minjeong, kakainin kita." gulat akong napatingin sakanya. "Ano ba" ang ganda ng ngiti niya sakin na parang walang nangyari."Grabe, umayos ka nga."

 

 

"Vampira, halika't lumapit ka dito." bigla akong tinawag ng lola nila. "Po?" sambit ko. Tumingin ako sa dalawang katabi ko. "Baba ako ba? bakit po?"

 

 

"Tatawagin ba kita kung wala akong kailangan ipagawa sayo?"

 

 

"Catalina bakit daw, huy ako una? Baba ayaw ko." kumapit ako sa braso ni Catalina dahil mukang ako pa ata yung buena mano, ako yung unang paparusahan sa amin lahat.

 

 

"Ano ba?! lalapit ka dito o sasayangin mo ang oras namin? lumapit ka kagad kapag tinatawag kita."

 

 

"Bubu sige na, wag ka mag alala baka may iuutos lang sayo si Nana. Halika, wag kang matakot andito naman ako." nakakapit ako kay Catalina habang naglalakad na kami papunta sa altar. Tapos na yung dasal pero hindi ko alam kung ano yung kasunod na gagawin at kung bakit kailangan ko pang magpunta sa harap.

 

 

Nung makarating kami sa unahan, nakahawak pa din ako kay Catalina dahil wala akong balak bumitaw. "Imperia, pakiabot ang kutsilyo." dumoble yung kabog ng dibdib ko nung marinig ko yung bagay na pinapakuha niya. "Lumapit ka dito." pagalit na utos niya sakin.

 

 

"Teka para saan po yan? wag!! Baba, Catalina!! sasaksakin ako ng lola mo!"

 

 

"Tigilan mo nga yan vampira! Napaka duwag mo akala ko ba matapang ka? Hindi mo ba alam na hindi ka dapat nag iingay sa mga sagradong lugar katulad nito?!" mas natakot ako nung pinapanood ko si Imperia na tinatapat sa kandila yung kutsilyo. Malaking dagger pa yung hawak niya kaya mukang wala akong ligtas dito. "Sumunod ka sakin." nagtungo siya sa bato kung saan nakasulat yung sampung tuntunin ng lahi nila. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako pinalapit dito, pero hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko