Pag-amin

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

February 14, 2025

 

5:30am

 

Kasalukuyang nag bboarding na kami sa flight pabalik ng San Jorge at sasakay kami sa plane na nirentahan ni Cheche, akala ko nung una tatlo lang kami na aalis pero sa di inaasahang pangyayari, meron babae na sumama sa amin paakyat dito sa eroplano. Gulat na gulat pa kami kanina nung may itim na suv na biglang huminto mismo sa harap namin nung nakalabas na kami sa boarding gate. Akala ko tuloy ma-kkidnap kami kaya naka handa na kaming makipag gulpihan ni Catalina.

 

 

"Why don't you look happy that I am here Kiminjeong?!" tumayo pa talaga siya sa gilid namin habang naka pamewang.

 

 

"Hahaha wala naman akong sinabi noh, tsaka inaantok pa kasi ako ang aga aga pa tapos ang ingay mo!"

 

 

"I saw how your face dropped when I yelled surprise!!!"

 

 

"Hindi nga! Masaya ako na nandito ka, nammiss ka na din nila Layu lalo na si Sito."

 

 

"Aww same here. And how are we gonna spend Valentine's weekend in San Jorge?"

 

 

"Edi mag bbeach tayo kung gusto mo." pasimpleng tinapik ni Catalina yung kamay ko. Inaya ko mag beach sila Vivian, nawala sa isip ko na isa nga pala yun sa kabilin bilinan ni Nana Carmilla. Hindi kami pwedeng lumapit sa kahit anong anyong tubig. "Okay lang yun Baba, gawan nalang natin ng paraan." bulong ko sakanya bago ko siya pinasandal sakin. Napalingon ako nung nag announce nanaman yung piloto. "Umupo ka na nga sa pwesto mo. Take off na ikaw nalang yung nakatayo." 

 

 

"Fine." Pinapanood namin siya ni Catalina na naglakad pabalik sa upuan katapat ng kay Cheche. Natutulog yung kakambal ko dahil galing siya sa taping, at ito naman si Vivian nakapag beauty rest daw siya kaya ang taas ng energy. Bigla siyang sumama samin pauwi dahil meron siyang one week break bago mag start yung taping para sa bagong palabas niya. Surprise daw yung movie at ikkwento nalang daw niya sa amin kung tungkol saan pag magkakasama na kami nila Layu.

 

 

"Halika, dito ka sakin," inangat ko yung armrest sa gitna namin at pinasandal ko sakin si Catalina. Ramdam ko na kabado siya ngayon dahil nakasakay kami sa propeller plane. "Ayos ka lang?" tanong ko. Tumango siya at niyakap ko na habang nakasandal siya sakin. Hawak ko din yung kamay niya dahil uneasy siya sa pag take off nitong eroplano. "Gusto mo matulog ka muna, one hour and thiry minutes pa naman."

 

 

"Okay lang Bubu, maya maya makakatulog din ako."

 

 

"Okay." hinalikan ko siya sa noo at mas kumapit pa siya sakin.

 

 

 

5:40am 

 

Nasa plano ko talaga na abangan yung sunrise ngayon umaga dahil may binabalak akong gawin. Alam ko na hindi ako pwedeng mag joke habang nakasakay kami dito sa plane dahil sigurado sensitive at mabilis uminit ang ulo nitong Baba ko kasi natatakot siya. Pero para sakin kasi ito na talaga yung perfect time para tanungin siya. First Valentine's day namin na magksama, medyo madilim dito sa plane, ang cozy ng vibe tapos ang ganda ganda pa ng sky sa labas. Alam ko naman na papayag siya at sobrang magiging memorable itong araw na to para sakanya. Nasabihan ko na din yung dalawang FA na kasama namin kaya alam na nila yung gagawin. Jusko sana talaga maging successful to at wag akong ihagis ni Catalina palabas dito mamaya.

 

 

Sinilip ko yung muka niya, nakapikit siya pero alam ko na gising pa siya at nakayakap lang sakin. "I love you." bulong ko bago ko siya hinalikan sa labi. Tangina ito na, wala din siyang kaalam alam na may dinikit ako kanina dito sa bintana kung saan kami nakaupo.

 

 

 

 

5:50am 

 

"Baba!!!" Kinalabit ko ng sunod sunod si Catalina at inaalog ko siya. "Baba! Baba gising!!!" kasabay ng pagkalabit ko sakanya nakita ko na nagpapatay sindi na din yung mga ilaw dito sa loob ng eroplano.

 

 

"Catalina gumising ka!!!" tinatapik ko siya at pinaayos ko ng upo. "Ano yun? Bakit?!!"

 

 

"Sandali, kumapit ka lang sakin! Ayan na!"

 

 

"Bakit Minjeong ano ba nangyayari?!!!"

 

 

"Maghanda ka na! Kumapit ka!!"    "Bakit?! ano ba nangyayari Bubu?!!" nakita ko na nagising na si Cheche at nakatingin na samin si Vivian.

 

 

"Baba! tumingin ka sa labas!!!"

 

 

"Ha?!!"

 

 

"Sumilip ka dito!!!" tinuturo ko sakanya yung bintana sa kaliwa ko.

 

 

"Bakit ba?!! ano ba nangyayari?!! May problema ba tong eroplano?!!! Minjeong ano ba!!!" nung nakita ko na hinawakan niya yung seat belt at tumitingin na sa cockpit na parang hindi alam ang gagawin. Hinawakan at pinigilan ko na siya. "Makinig ka, tumingin ka lang sa labas wag dito sa loob, ito buksan mo to! Dali! Catalina bilis buksan mo na yung bintana!!"

 

 

"Ano ba nangyayari kasi?! Minjeong!!"

 

 

"Wag ka nang magtanong basta buksan mo to tapos kumapit ka sakin!!" nag lean siya papunta sa akin. Kita ko na natatakot at sobrang naguguluhan na siya. "Sige na Baba ano ba wala nang oras bilis, buksan mo to!!!" inabot niya yung hawakan ng bintana sabay tulak pataas.

 

 

*Tumugtog sa speakers ng eroplano: I love you Always Forever by Betty Who*

 

 

Baba I love you so much,

Gusto ko na maging tayo na. 

Will you be my girlfriend?

 

 

 

Kitang kita ko kung pano napabuntong hininga si Catalina sabay tingin sakin ng masama. "I love you I'm sorry." ngumiti ako ng pilit samantalang napakagat naman siya sa labi at ang sama ng tingin sakin.

 

 

"I'm sorry Baba I love you. Bati tayo." ulit ko.

 

 

"Minjeong!!!" umiilag ako sakanya dahil papaluin niya ako pero lumuhod siya sa upuan sabay yumakap sakin. "Hahahaha I'm sorry Catalina."

 

 

"Pinakaba mo ako nakakainis ka!!!" sinalag ko yung kamay niya nung papaluin nanaman niya ako. "Hahahaha sorry na, gusto ko lang naman na maging tayo na." umupo siya sa tabi ko. Yumakap siya sakin at hinalikan ako sa labi kahit pa ramdam na ramdam ko yung naghalong kaba at pagkairita niya. "Baba hindi mo naman sinagot yung question ko. Ayan na nga oh. Ano masasabi mo?" tinuro ko sakanya yung papel na dinikit ko sa salamin ng bintana.

 

 

"Hahaha Bubu ibang klase ka talaga nakakainis ka, grabe yung kaba ko!" pinalo nanaman niya ako ng mahina pero tumatawa na din siya. "Tinakot mo pa ako Minjeongie nakakainis ka talaga. Natakot ako!! Akala ko may nangyayari na."

 

 

"Hahaha sorry na nga. Ano na yung sagot mo? napapahiya na ako oh." tinignan ko yung mga nakatayo sa harap namin. Nanonood sila Cheche kasama yung mga crew nitong plane.

 

 

"Isa lang naman ang sagot ko. Siyempre oo, gusto ko na maging girlfriend mo."

 

 

"Yun!" hinawakan ko siya sa leeg at hinalikan ko sa labi ng medyo matagal.

 

 

"Sure ka pumapayag ka?"

 

 

"Siyempre, oo naman."

 

 

"I love you."

 

 

"I love you too. Gustong gusto ko na maging girlfriend mo kahit kung ano ano yung pinag gagawa mo. Ang tindi ng kaba ko." tinanggal ko yung seat belt na nakakabit sakin at niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. Nagpalakpakan pa yung mga kasama namin habang tuloy lang yung kanta na tumutugtog.

 

 

"Congratulations Catalina, good luck!!!" napakunot noo ko dun sa bati ni Vivian. "Ba't naman good luck?" tanong ko sakanya. "Joke! Hahahaha congrats!"

 

 

"Congrats you guys!!! Sorry about that Catalina, I told her na ang gago ng idea because we're on a plane at matatakot ka but she pulled through. Successful naman."

 

 

"Hahahaha kakaiba talaga itong kakambal mo Cheche. Grabe yung takot ko akala ko may nangyayari nang hindi maganda dito sa sinasakyan natin. Pero salamat, thank you din Vivian."

 

 

"Wait you have to take a photo Minjeong, they got a video na kaya ito naman. Here let me do it." 

 

 

"Sige," umayos kami ng upo at humarap kay Cheche na nakatayo ngayon sa aisle. "Alright, one two smile! one more." yumakap sakin si Catalina at kniss ko siya sa cheek. "Hahahaha parang naging doble yung lamig mo." hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at pinapakiramdaman ko.

 

 

"Tinakot mo kasi ako." sagot niya na medyo naiirita pa din.

 

 

"Here, congratulations again guys. You look good together. Magkahawig na kayo."

 

 

"Baba ang cute oh. Thank you Cheche."

 

 

"Welcome."

 

 

Tumayo ako saglit "Salamat po, sorry sa abala." nilapitan ko sila at nagpasalamat ako sa mga FA na naistorbo ko. Sila din yung kumuha ng video kanina at nag patugtog nung song na ni-request ko.

 

 

Nung naka settle na ulit kami sa upuan, "Ito na, tuloy tuloy na to at nangyayari na. Official, girlfriend na kita. Masaya ka ba?"

 

 

"Hahaha hindi ba halata? Sobrang masaya ako, hindi ko inasahan na tatanungin mo na kagad ako ngayon. Pero, hindi mo pa nakakausap si ate Taeyeon. Akala ko ba kakausapin mo siya bago maging tayo?"

 

 

"Oo ganun pa din naman yung plano ko, kakausapin ko siya bukas sa bahay at ipapaliwanag ko na lahat. Pero hindi na kasi ako makapag hintay, gusto ko nang maging official yung relasyon natin kaya tinanong na kita ngayon. Okay lang ba sayo?"

 

 

"Oo naman! Alam mo naman kung gano ko ka-gusto to Minjeong. Wala naman akong ibang hinahangad kung hindi ito, sa akin ka na talaga." ngumiti siya at hinatak ako para yakapin.

 

 

"Kahit pa yung monthsary natin natapat ng Valentine's day okay lang sayo?"

 

 

"Oo. Alam mo sa relasyon natin hindi ganun ka-importante yung mga date na ganyan. Kasi.." dumikit siya at may binulong sa tenga ko. "Tandaan mo hangga't nahubuhay at humihinga tayo. Iisa lang ang katauhan natin kaya magkasama tayo lagi at hindi tayo maghihiwalay. Ilan libong taon ang kakaharapin natin, sobrang saya ko dahil ikaw yung ibinigay sakin. Wala na akong hahanapin pa." sadyang hininaan niya yung boses niya dahil hindi pa alam ni Vivian yung tungkol sa pagsalin sakin.

 

 

"Sobrang nakaka touch yan sinasabi mo. Pero oo nga, pano yan wala ka nang kawala Catalina."

 

 

"Pabor sakin yun. Kaya yung mga oras o petsa, parang wala lang yan."

 

 

"Haha naiintindihan ko pero importante kasi sakin yung date kung kailan naging tayo kasi siyempre, gusto ko na iccelebrate natin yun. Tapos dun sa araw na yun ipapaalala ko sayo kung gano kita kamahal tsaka irremind kita na sobrang gustong gusto kita. Hindi ako magsasawa sa-"

 

 

"Oh my ing god Kiminjeong seriously? eww!" tatayo dapat ako para sakalin si Vivian pero napigilan kagad ako ni Catalina. "Bakit ka ba nakikinig sa usapan namin ha?"

 

 

"Hahahaha Minjeongie wag kang pikon. Niloloko ka lang naman ni Vivian."

 

 

"Panira ka talaga!"

 

 

"Hahahaha I can't stand it ang cringey mo talaga kapag may girlfriend ka."

 

 

"Bakit ba! Sinasabi ko lang naman sakanya kung gano ka-importante sakin yung relasyon namin. Tsaka masaya ako kasi kami na." bumalik na ako sa upuan ko. Kinabit ko na yung seat belt ko at yumakap na ulit ako kay Catalina. "Sinira yung moment, epal."

 

 

"Hahahaha pinanganak ata kayong dalawa ni Vivian para magbangayan."

 

 

"Oo tsaka pinanganak ako para sayo. Sa susunod gusto ko ikasal na tayo, seryoso."

 

 

"Pag isipan mo mabuti yan Catalina."

 

 

"Ano sabi mo?" may humirit nanaman na nakaupo sa harap namin. "Wala sabi ko ang tagal ng flight."

 

 

"Laging panira to si Vivian. Wag mo nga pansinin yung mga comments niya."

 

 

"Hahaha awat na, wag mo nalang pansinin, ang pikon mo talaga."

 

 

"Ay wow naman nagsalita. Tingin mo kanino nanggagaling yung pagka pikon ko? Iisa tayo kaya sure ako hindi sakin galing to, hindi ako ganito dati."

 

 

"Hahaha tama na nga. Halika na dito Minjeongie." pinalibot ni Catalina yung braso niya sa bewang ko at hinawakan ko din yung kamay niya.

 

 

"Unang araw na girlfriend na kita, ano ang gusto mong gawin natin?" tumingin ako sakanya at nagtaas baba yung kilay ko. Pinalo niya ako sabay natawa siya dahil mukang nakuha na niya. "Hahaha tumigil ka, bawal na yung ganyan sa mansyon. Napaka lakas ng pandinig ni Nana."

 

 

"Oo nga pala. Hahaha ikaw ba, basta gusto ko lang na sulitin tong araw na to kasama ka."

 

 

"Sige ako ang bahala."

 

 

 

 

 

7:30pm 

 

"Dito humakbang ka, pakaliwa."

 

 

"Asan ba kasi tayo?"

 

 

"Basta, wag ka matakot hawak naman kita." grabe yung kapit ko kay Catalina dahil wala akong idea kung saan niya ako dinala. Naglalaro lang kami ni Lucila at naglalambitin ako sa zipline pero nung pagbagsak ko nagulat ako dahil hinuli ako bigla ni Catalina at tinakpan niya ng blindfold yung mata ko. Ramdam ko din na lumipad kami dahil ang lakas ng hangin na tumatama sa balat ko.

 

 

"Ba asan ba talaga tayo?" nag aalalang tanong ko habang kapit na kapit ako sakanya. "Wag ka matakot, basta makikita mo nalang."

 

 

"Sobrang dilim kasi at ang lamig dito."

 

 

"Andito na tayo, sige upo ka na." inalalayan niya ako habang kinakapa ko naman itong upuan. Nung pagsandal ko rinig na rinig ko yung mga kuliglig at ramdam ko na medyo malakas yung hangin sa paligid.

 

 

"Tatanggalin ko na." umayos ako ng upo hanggang sa dahan dahan nang inalis ni Catalina yung blindfold sa mata ko. Pumikit ako kagad nung wala akong maaninag. "Happy Valentine's day Bubu!!!" rinig kong bati niya habang nakatayo siya sa likod ko at niyayakap ako. Hindi ko na napigilan ngumiti kahit pa medyo nagulat ako sa sigaw niya. Tinignan ko yung paligid. "Teka" nililibot ko ng tingin yung lugar kung nasaan kami, hindi pamilyar pero parang nakita ko na to dati sa picture.

 

 

"Nagustuhan mo ba kung saan kita dinala? ito, hinanda ko lahat ng to para sayo Minjeong."  tinitignan ko yung lamesa, may mga kubyertos at may bulaklak pa na ang ganda ng pagkakaayos. Napansin ko din na may mga lampara na nakapaligid sa amin kaya ang liwanag dito sa tuktok ng burol."May pagkain at may kandila pa sa gitna?" tanong ko habang iniisa isa ko yung mga bagay na nasa harap ko. 

 

 

"O bakit napako ka na dyan at hindi na nagsalita pa, ano ang masasabi mo Bubu?"

 

 

"Haha sorry. Ang ganda dito at ang lamig pa ng simoy ng hangin. Dinner date ba to?"

 

 

"Unang araw na girlfriend na kita at Valentine's day ngayon kaya ito naghanda ako para sayo. Naisipan ko na i-surprise ka."

 

 

"Lahat to ikaw nag ayos?"

 

 

"Oo." tumayo ako at nilapitan ko siya. Hinawakan ko yung muka ni Catalina at hinalikan ko sa pisngi. "Hindi ko inexpect na may ganito tayo ngayon, hindi ko kasi alam kung pano natin isspend yung Valentine's day na tayo na. Hindi tuloy ako nakapag plano, pasensya ka na."

 

 

"Ayos lang ano ka ba."

 

 

"Babawi ako sa susunod."

 

 

Natutuwa ako sa nakikita ko at sobrang na-ttouch ako kahit wala pa din akong idea kung nasaan kami. "Ang ganda dito." tumayo ako sa bandang gilid at tinitignan ko yung mga bukirin at katabing burol. "Hindi to sa San Jorge. Tama ba?" nag aalangang tanong ko nung nakita ko na tumayo na din siya dito sa tabi ko at inakbayan ako."Oo nasa ibang lugar tayo. Hindi ko nga lang sinabi sayo para ma-surprise ka." naglakad ako at inaaninag ko yung mga katabing burol. Napansin ko na parang ang dami nila at magkakamuka. Nilagay ko pa yung kamay ko sa noo ko at sinisilip ko mabuti yung paligid. Kahit pa kulay pula ang tingin ko ngayon dahil madilim na, kitang kita ko pa din yung magandang view.

 

 

"Haha Minjeongie, parang ang lalim ng iniisip mo dyan. Muka kang batang naliligaw. Lumapit ka nga dito at baka gumulong ka pababa. Ang taas pa naman nitong kinatatayuan natin."

 

 

"Hahaha sorry, pilit ko kasing iniisip kung saan to. Sure ako na hindi din ito yung mga katabing probinsya ng San Jorge."

 

 

"Hindi nga."

 

 

"Parang alam ko na."

 

 

"Hahaha sige nasaan tayo?" kinusot ko pa yung mata ko at pilit kong inaaninag yung mga burol sa dilim. "Catalina, oo o hindi. Nilipad mo ba ako papunta sa ibang island?" hindi ako pwedeng magkamali dahil nung pumikit ako medyo may naririnig ako na hampas ng alon at parang may mga tunog din na nagmumula sa talon.

 

 

"Tama ka. Nahuhulaan mo na ba?"

 

 

"Oo teka sandali wag mo sabihin. Pamilyar talaga yung itsura nitong mga burol na to." pilit kong inaalala kung saan ko nakita itong mga bundok na tinitignan ko ngayon. Ang dami at parang magkakalapit sila. Hindi ako pwedeng magkamali, parang nakita ko na to dati.

 

 

"Malapit lapit lang naman to sa probinsya natin. Kailangan nga lang natin tumawid ng dagat."

 

 

"Nakakatuwa kasi ang ganda dito, pati itong hinanda mo." tinuro ko yung lamesa na naka pwesto sa gitna. "Nagsindi ka ng lampara?" nakakapanibago kasi alam ko na ito yung hindi niya nagagawa, ang maghawak at lumapit sa apoy.

 

 

"Haha ako lang ang nag ayos pero tinulungan ako ni Lucila. Hindi mo napansin nakikipag taguan siya sayo kanina pero ang tagal bago mo siya nahahanap. Kasi inililipad ko siya dito at tinutulungan niya ako."

 

 

"Jusko hahaha. Kaya pala nagtataka ako kasi ang galing niya mag tago tsaka hinahanap kita kanina pero parang napaka busy mo."

 

 

"Halos kalahating araw ko kasi inaayos to." Hindi pa din ako umuupo at tinitignan ko yung paligid. "Nahulaan mo na ba?" ulit niya. Pinagmamasdan ko maigi, magagandang burol na hindi masyadong mapuno at ang ganda pa ng hugis na mukang perfect na.

 

 

"Walang katao-tao dito." komento ko habang nakayakap ako sa bewang niya. "Oo. Itong isa na pinaka malayo at medyo tago yung napili ko para walang kahit sinong mortal ang makakakita satin. Mahirap na dahil madami akong nilagay na lampara, baka may makapansin sa mga ilaw." Hindi pa din ako mapirmi dahil iniisip ko talaga kung nasaan kami pero parang unti unti ko nang nakukuha dahil ang tagal ko nang nakatitig sa mga burol. "Catalina."

 

 

"Hmm yes Minjeongie?" tumayo siya sa likod ko at pinalibot yung mga braso sa balikat ko. Nagpatuloy na ako sa gusto kong sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko