Chapter XXXVIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this Chapter:  Familiar Ground by The Cinematic Orchestra

 

 

February 4, 2024 

 

Isang araw nalang bago ang birthday ni Minju at kasabay nun ay yung eight monthsary namin. Napaka bilis talaga ng oras, apat na buwan nalang at magiisang taon na yung relasyon namin.

 

 

Hindi pa ganun ka-hectic yung schedule niya ngayon kaya sinusulit na namin. Palagi kaming magksama dito sa condo pero madalas umaalis at nag rroad trip din kami kung saan saan. Tulad ng dati kapag wala akong mga nirreview na report galing sa farm, ako pa din yung naghahatid kay Minju. Kapag may kailangan siyang puntahan na meetings, photo shoots o kaya naman interview, nag ppresenta ako na ipagmaneho siya.

 

 

May isa pa kaming pupuntahan bago mag simula yung taping ng bagong movie niya sa huling linggo ng February. Sa Biyernes, ihahatid at sasamahan ko naman siya ng isang gabi sa Agdangan Quezon. Dun ang location ng commercial shoot niya para sa isang telecom company kaya kailangan niyang mag stay dun buong araw ng Sabado.

 

 

 

 

Sabado 8:30am Quezon City

 

Nagtatago ako ngayon dito sa kabilang bedroom at abalang nagbabalot ng mga regalo ko para sakanya. Buti nalang dumating kahapon yung item na pinaka inaabangan ko, nagawan nila ng paraan na ma-deliver ng mas maaga kahit pa nagkaron ng konting aberya sa pag engrave nung mga letra. 

 

 

Patapos na din ako sa ginagawa ko, medyo nahirapan lang ako kanina na balutin yung folding bed na nasa malaking kahon. Pawis na tuloy ako pero tinitiis ko nalang dahil kailangan mag mukang presentable yung mga ibibigay ko kay Minju. Dapat lang na maging memorable at meaningful bukas dahil ito yung unang birthday ng Pumpkin ko na kami na.

 

 

"Pook?"

 

 

Napatayo ako sa sahig nung marinig ko na sumara yung pinto sa masters bedroom at narinig ko yung boses niya. Malamang gising na si Minju at hinahanap niya ako.

 

 

"Pook? Minjeong?" rinig kong pagtawag niya sakin. Nasa labas na siya ng kwarto at naglalakad na ngayon sa hallway.

 

 

Nilagay ko muna yung box ng golf club sa cabinet tapos pinasok ko naman sa ilalim ng kama yung isa.

 

 

"Pook?"

 

 

"Hi Pumpkin, good morning."sumilip ako sa pinto at binati ko siya.

 

 

"Oh, why are you up so early, what are you doing there?" nilingon at sinilip ko yung malaking box na kakatapos ko lang balutin. Tinakpan ko nalang ng upuan para hindi niya mapansin. "May tinitignan lang," Sinara ko yung pinto at nilapitan ko na si Minju. "Tsaka may inayos ako dun sa loob, nag vacuum din ako kanina. Uhm gusto mo na mag breakfast nagluto ako."

 

 

"Bakit ang aga mo nagising?"

 

 

"Oo kanina pa ako mga six, maaga din kasi tayo natulog kagabi. Kanina pa naka ready yung breakfast, hinihintay lang kita."

 

 

"Okay, we'll have breakfast together. Pook ang aga aga bakit pawis ka?" hinawakan ni Minju yung muka ko at pinupunasan niya yung pawis sa gilid ng pisngi ko."Naglinis kasi ako kanina tsaka nagluto na din ng pagkain natin." paliwanag ko. 

 

 

"You were using the vacuum but how come I didn't hear you?"

 

 

"Wala masyadong tunog yung vacuum mo di ba. Halika na, kain na tayo." 

 

 

"Alright pero magpalit ka muna ng shirt mo."

 

 

"Eh Minju parehas lang yan." kinapa niya bigla yung likod ko, tinitignan niya kung basa. "No. You have to change kasi hindi ka pwedeng ubuhin. Dali na Minjeong."

 

 

"Okay sige na nga." bumalik muna kami sa kwarto para magpapalit ako ng damit at para makapag wash up na din.

 

 

 

 

8:45am

 

"Ito na yung coffee mo." hinaplos ko yung buhok niya at hinalikan ko siya sa noo pagakatapos kong ilapag sa tapat niya yung coffee na ginawa ko. "Kain ka na." tinabi ko muna yung book na naiwan ko sa lamesa bago ako umupo sa tabi niya.

 

 

"You know what, I feel fortunate because you take good care of me. Like everyday, inaasikaso mo ako. I appreciate it."

 

 

"Talaga ba?" nilalagyan ko ng food yung plato niya habang naguusap kami dito sa dining. "Baka naman gutom ka lang Pumpkin kaya mo nasasabi yan. Kumain ka na kasi."

 

 

"Hahaha stop. Does it look like I'm joking? totoo yung sinasabi ko." lumipat ako ng upuan dahil mas gusto ko na magkaharap kami para nakikita ko siya. Kumuha na din ako ng pagkain at nagsimula na ako.

 

 

"We've been living together for how many months na and to be honest it feels great, I am liking it so much."

 

 

"Oo, six months na nung nag move in ako dito. So ano, okay naman ba? naaabot ko naman ba yung standards mo in a partner tsaka sa relationship? ikaw yung una ko eh kaya wala akong idea sa ganito."

 

 

"Are you seriously asking me that? you've already set the standards too high."

 

 

"Girlfriend kita Minju kaya dapat lang na inaalagaan kita. Tsaka ganun ka din kaya sa akin, ikaw na ata yung pinaka dedicated, matiyaga, mabait at mapagpasensyang tao na nakilala ko."

 

 

"Come here nga Pook, I wanna hug you before I finish what you've cooked for me." tumayo ako saglit at nilapitan ko siya. Naka yakap siya sakin ngayon habang nakatayo ako dito sa harap niya. "Pumpkin, alam mo parehas na talaga tayo, masyadong emosyonal tsaka clingy. Nagiging kasing clingy na kita. Hahaha."

 

 

"Hahaha ayaw mo yun para mas bagay tayo? I like your hugs, they are so warm, comfy and I feel safe when we do this."

 

 

"Okay, at dahil dyan ihhug nalang kita buong araw. Wag na tayong kumilos tsaka gumawa ng kahit ano. Mag cuddle nalang tayo ngayon araw habang hinihintay natin yung birthday mo."

 

 

"Hahahaha sure. Let's cuddle and do nothing nalang, I would love that. I can't resist your hugs Minjeong." 

 

 

"Ops stop muna mamaya nalang ulit, kain ka na kasi lumalamig na to." Kumuha ako ng toast at nilagyan ko ng truffle spread na favorite niya. "Sayo to." Dinagdagan ko din yung scrambled eggs sa plato niya.

 

 

"Eat well."

 

 

"Thank you."

 

 

 

 

10:00am

 

Pagkatapos namin mag breakfast at magligpit nung mga pinag kainan, naisipan nalang namin  tumambay sa sala. Balak kong ipagpatuloy yung chapter na binabasa ko at mukang manonood yata si Minju.

 

 

Nakaayos at naka handa na din yung series na gusto niyang panoorin. Wala kaming gagawin ngayon kaya mag stay nalang kami dito sa condo bago kami umalis para mag grocery mamayang gabi. Pupunta dapat ngayon umaga si Vivian pero tinamad daw siya kaya next week nalang.

 

 

"Hey, Pook."

 

 

"Yes?

 

 

"What are you doing?"

 

 

"Uhm umuupo dito sa couch. Bakit?" tinapik niya yung space sa tabi niya at inaaya niya ako na lumipat. "Oo nga pala, bawal ang space kapag magkasama tayo, dapat lagi akong nakadikit sayo Pumpkin." kinuha ko yung inumin ko at lumipat ako sa tabi ni Minju. Nakita ko na natatawa siya habang pinapanood niya ako na inaayos yung pwesto namin sa sofa.

 

 

"So where'd you want me to sit Minju? right here?" tanong ko sabay tapik sa space sa kaliwa niya. Natatawa siya pero sumagot at tumango din. "Yeah bring your over here."

 

 

"Fine, can you please scoot over to your right babe? thank you." biro ko bago ako umupo sa tabi niya.

 

 

"Hahahahahaha oh my gosh Minjeong. You're so silly. Hahahaha"

 

 

"Na-gets mo ba kung sino? Hahahahaha ginagaya ko kung pano magsalita yung mga high school friends mo."

 

 

"That's so funny, you even copied the way they enunciate the words. Pook sobrang cute mo talaga lalo pag nag gaganyan ka. Hahaha"

 

 

"Hahahaha kita mo na, sabi sayo eh kabisado ko na lahat tungkol sayo pati yung pananalita ng mga friends mo. Okay dito ka na sakin." inayos ko yung pwesto namin. Niyakap at pinasandal ko sakin si Minju. Magsisimula na siyang panoorin yung series na ang tagal na niyang pinapanood pero hindi niya matapos tapos.

 

 

 

 

11:00am

 

"You are so warm and cozy." Nakahiga na kaming dalawa ngayon sa sofa. Nakapatong yung ulo niya sa dibdib ko habang patuloy siya sa panonood at nagbabasa naman ako ng libro.

 

 

Ito yung napapansin ko nitong mga nakaraan linggo, sobrang nagiging clingy siya kaya madalas ko siyang inaasar. Inaamin ko na sa amin dalawa ako talaga yung sobrang clingy, pero ngayon nagiging patas na kami. Nahalata ko din na may nag bago sa aura niya. Napaka light, positive at parang masyado siya nagiging relaxed.

 

 

"Pumpkin," umangat at tinignan niya ako habang dahan dahan kong cncaress yung buhok niya. "Hmm?"

 

 

"Natutuwa ako kasi napaka kalmado mo. Hindi ka na ganun na-ooverwhelm sa schedule mo, tsaka parang mas naging optimistic ka lalo. Napansin ko yan pati nung isang buwan."

 

 

"I'm becoming unbothered, is that what you are trying to say?"

 

 

"Mismo. Mukang maganda yung effect sayo ng mga bakasyon natin ah. Nakapag unwind ka ba ng maayos?"

 

 

"Haha yeah I definitely did, I feel recharged that's why."

 

 

"Parang hindi ka na din masyadong na-sstress at nag aalala sa mga bagay bagay."

 

 

"What do you mean?"

 

 

"Dati pag may nagawa ako na ikakairita mo pinagsasabihan mo ako ng mga ilan minuto tapos hindi mo ako kakausapin ng ilan oras hahaha. Ngayon parang pinapalagpas mo nalang eh. Humaba na lalo yung pasensya mo."

 

 

"Really? well I am not aware na ganyan pala ako."

 

 

"Sabi mo nga unbothered. Ganun ka naman dati pa, pero ngayon ramdam ko na mas nagiging kalmado ka talaga, tsaka hindi mo na pinapansin yung mga walang kwentang bagay, katulad ng mga kung ano anong nababasa natin online. Alam mo mas okay nga yan eh."

 

 

"Well I agree, mas okay nga. Parang yung lagi natin sinasabi. Trust that everything is working the way they’re supposed to and one of the best things you can do is to let go, that way magiging contented tayo and.."

 

 

"And?"

 

 

"I don't know Minjeong, I just want to maximize our time together and spend it all with you, that's it."

 

 

"Yun naman ang ginagawa natin. Maswerte tayo kasi nabigyan tayo ng opportunity na gawin to. Magkasama na tayo kahit bago palang yung relationship natin. Excited na ako sa kung ako pa yung mga magagawa natin."

 

 

"Kaya nga magpagaling ka okay? konti nalang and you will undergo surgery. Next month na yung tentative."

 

 

"Oo, hindi na ako makapag hintay. Matatapos na din yung hassle natin na pabalik balik sa doctor."

 

 

"Don't say that. I just know na malapit na yan."

 

 

"Second week ng March malalaman na natin. Okay na din yun para matapos na tsaka maging safe na talaga ako sa heart condition ko."

 

 

"Just like what you always tell me, maintain the optimism."

 

 

"Hahaha tama, ganun na nga. Excited ka na ba para bukas?"

 

 

"Yes absolutely. We'll go to my parents' house again."

 

 

"Pumpkin sana ma-enjoy mo yung birthday mo."

 

 

"That's for sure."

 

 

 

 

 

The Marketplace Eastwood

 

Naninibago ako at hindi tuloy ako mapakali ngayon dahil bigla akong inaya ni Minju pumunta sa Eastwood para mag grocery kahit alas tres palang ng hapon. Kadalasan gabi namin ginagawa yung mga ganito para wala masyadong makakakita sa amin, pero ngayon sinabi niya okay lang daw sakanya kaya nag drive na kami papunta dito. Pinilit ko nalang siya na mag suot ng cap and face mask para hindi siya masyadong mamukaan ng mga tao.

 

 

"What are we getting?" tanong niya habang naglalakad kami dito sa dairy section. Ako yung nagtutulak ng cart habang nakahawak lang siya sakin.

 

 

"Pook what else do we need from here?" Kahit pa walang listahan, alam ko na yung mga items na palagi namin binibili kaya ako yung tinatanong ni Minju. "Uhh meron na tayong greek yogurt, non-fat milk, cottage cheese, almond milk. Yung manchego nalang ang wala, pero may isang block ka pa dun tsaka madami pang iba ibang cheese sa ref. O gusto mo kuha na kita ng bago?"

 

 

"Hmm I guess next time nalang, we should finish that one first baka mag expire. What else do we need?" sinilip at chneck ko yung laman ng cart. Meron na lahat nung mga gusto niya, kumpleto na yung mga kailangan namin sa bahay pero napansin ko na may isang kulang.

 

 

"I know what you are thinking right now." banggit niya habang pinapanood niya ako na inaayos yung laman ng cart."Hahaha sige ano yun?"

 

 

"Of course we cannot leave without your snacks. Let's go to the other aisle na, kuha tayo ng mga gusto mo."

 

 

"Hahaha grabe alam mo na yung naiisip ko? Sige tara, kuha ka din ng sayo ha, may ilan weeks ka pa na pwedeng kumain ng carbs and sweets. Sabi nga nung fitness coach mo, you have to burn more than what you take in. Don't lose focus Minju." natawa siya nung inulit ko yung madalas sinasabi ng instructor niya.

 

 

"Hahaha Pook, kabisado mo na talaga lahat about me, especially my routine and schedule."

 

 

"Sabi ko sayo girlfriend and assistant all in one mo ako eh. Kabisado ko na nga pati yung start date ng diet plan, workout schedule mo, pilates session, pati yung mga appointment mo sa dermatologist tsaka sa dentist."

 

 

"Hahaha you're different talaga Minjeong. You are a very caring and attentive girlfriend." napatingin ako sa paligid nung marinig ko yung sinabi niya. "Baka naman may makarinig."

 

 

"Let them. Totoo naman eh."

 

 

"Ganun talaga, hindi ka pa ba sanay? eight months na tayo Minju dapat sanay ka na."

 

 

"Nasasanay na ako, tsaka kabisado na kita Minjeong. I even know the smallest details about you."

 

 

"Awww ako din, pati yung pwesto mo pag natutulog ka lalo kapag..." nakita ko na pinanglakihan niya ako ng mata at pinipigilan ako sa sasabihin ko. "Hindi na, biro lang yun hahahaha."

 

 

"That's our little secret."

 

 

"Ano pala gagawin natin dun sa mga na-deliver kanina?" nagulat ako nung nakatambay kami sa condo, sunod sunod yung deliveries ng cake, goods tsaka mga regalo. Akala ko pa wrong address, yun pala ganun talaga kapag birthday niya. Madaming personalities, brands and sponsors na nagpapadala sakanya ng mga regalo.

 

 

"We'll share it. Lalo yung mga cakes and other food."

 

 

"Pwede ba natin ipamigay dun sa maintenance tsaka sa admin ng condo?"

 

 

"Of course. We'll also bring some tomorrow to my parents' house. Bigay natin sa mga drivers and sa mga kasama namin sa bahay."

 

 

"Ah sige, okay. May kailangan ka pa ba dito, nakuha mo na ba lahat ng gusto mo?" sinilip ko ng huling beses yung cart namin. Andito na din yung snacks and drinks kaya kumpleto na.

 

 

"We got the snacks for our road trip on Friday. Yeah, we're good."

 

 

"Okay, tara."

 

 

Pagdating namin sa pila nakita ko na bubunot na siya kaya sinara ko kagad yung purse niya. Alam ko nanaman yung gagawin ni Minju, magpipilitan kaming dalawa kung sino yung magbabayad. "Huli ka, kukunin mo pa yung card mo ha. Tigilan mo yan ako na bahala dito. Wag ka makulit Pumpkin ako yung may sagot dito eh."

 

 

"Hahahaha how did you know?"

 

 

"Ah six months na kasi kitang kasama sa bahay. Tapos eight months na akong masaya tsaka parang nasa cloud nine kasi..." lumapit ako at binulungan ko siya. "kasi ikaw yung girlfriend ko."

 

 

"Aww you're sweet. You've been very expressive na talaga. It makes me really happy."

 

 

"Of course." tumayo ako sa gilid niya at yayakapin ko dapat siya, buti nalang bigla kong naalala na nakapila nga pala kami ngayon sa grocery counter."Nawala sa isip ko sorry." mahinang sabi ko.

 

 

"It's okay Minjeong, if you want to hug me just go."

 

 

"Ha? pero may mga tao dito."

 

 

"Who cares." pinalibot niya yung braso niya sa bewang ko at hinatak niya ako palapit sakanya."There's no handbook naman that says, I'm not allowed to do this." sinandal niya pa yung ulo niya sa balikat ko at niyakap niya ako.

 

 

"Minju naninibago talaga ako. Masyado ka nang chill tsaka ang tapang mo grabe."

 

 

"It's okay Pook. Masanay ka na. Come here." niyakap ko din siya pabalik bago ko hinawakan yung kamay niya.

 

 

 

 

 

11:30pm 

 

Kaninang alas diyes pa ako hindi mapakali dito sa loob ng kwarto. Kahit pa nag ccuddle kami ni Minju, kanina pa ako patayo tayo dahil excited na talaga ako. Mas excited pa ata ako sa birthday niya kesa sakanya.

 

 

Nakahiga lang ako dito sa tabi niya at nanonood kami ng series."Anong oras na?" ulit na tanong ko.

 

 

"It's half past eleven."

 

 

"Ha? ano yun? Pumpkin sabihin mo yung eksakto wag mo na akong pag isipin gabi na eh."

 

 

"Hahahaha 11:30, Pook ano ba yan can you stop fidgetting, why are you acting that way ba, do you have a suprise for me?"

 

 

"Wala, suprise ka dyan. Feelingera mo ha. Gusto lang kita igreet, dapat ko ako yung pinaka unang una na mag greet sayo, tsaka eight monthsary natin eh."

 

 

"Hahahaha just relax okay, you are becoming too giddy nanaman. Ayan kasi, you ate too much sweets after dinner." 

 

 

"Hahaha sorry."

 

 

Kinuha ko nalang yung phone ko at nag set ako ng timer, sakto sa 11:59pm para mas sigurado.

 

 

"Pumpkin excuse lang ha, may kukunin lang ako sa labas, dito ka lang."

 

 

"Where are you going nanaman? alam mo binilang ko, pang eleven na labas mo na to sa bedroom."

 

 

"Hahahahaha, grabe naman bakit binibilang mo?"

 

 

"Ang likot mo kasi Minjeong. Oh my gosh, tama nga yung sinasabi nila Cheche kaya ka nahuhuli because you really cannot keep a secret."

 

 

"Hahahahaha sige na nga hindi na. Dito nalang ako. Anong oras na ba?"

 

 

"Hay nako."

 

 

"Hahahaha okay tama na. Hindi na ako lalabas." yumakap at sumiksik nalang ako kay Minju. Ilan minutes nalang mag aalarm na din naman yung phone ko. Kanina pa siya nagtataka sa mga kinikilos ko. Meron kasi akong nilagay sa hallway na hindi niya pa pwedeng makita kaya sinabihan ko siya na hindi siya pwedeng lumabas ng kwarto.

 

 

"Grabe bakit parang ang tagal ng oras?" komento ko pagkatapos kong silipin yung time sa phone niya.

 

 

"Hahahaha it's because you are waiting for it and maybe you are anticipating something good. You know what, kung ako lang, I'd rather stop the time."

 

 

"Hmm? bakit mo naman nasabi yan?"

 

 

"So I can have more of this, I have you here and wala tayong hinahabol na time. I like it."

 

 

"Sabagay, masyado nga mabilis yung oras. Mas bumibilis pa lalo kapag masaya ka."

 

 

"That's true." nagkatinginan kami nung biglang nag alarm yung phone ko."Hahahaha, oo tama yan iniisip mo nag alarm nga ako."Nakakaloko yung tingin niya sakin kaya gets ko na. 

 

 

"Hahahaha oh god Minjeong." Isang minuto nalang. Hindi ako nagsasalita at pinapanood ko lang na pumatak sa alas dose yung oras. "Don't tell me mag ccountdown ka pa?"

 

 

"Hahaha bakit hindi." inayos ko muna yung camera. Iniwan ko yung phone ko na nagrerecord ng video dun sa console table.

 

 

"First ever birthday mo to na girlfriend na kita, kaya sobrang importante sa akin to."

 

 

"I know, and I appreciate you being here with me on my birthday." umupo kami sa kama. Ilan segundo nalang, birthday na niya at eighth monthsary na namin.

 

 

**alarm sound** tumayo kagad ako at kinapa ko na yung tinatago ko sa ilalim ng comforter. "Yaaay it's twelve na my lil Pookie, happy eighth monthsary!!!"

 

 

"Hala ano ba yan inunahan mo ko!"

 

 

"Yeah I did, nag count down din ako. hahahahahaha"

 

 

"Hahahaha ang epal, pero okay lang! Happy birthday my Pumpkin! I love you!!!"    ***POP!***

 

 

"What the?!" 

 

 

"Hahahaha happy birthday!!!!"

 

 

"Where did you get the party poppers?"

 

 

"Binili ko kanina nung iniwan kita saglit sa grocery hahahaha. Hindi mo nahalata, tinago ko dito sa ilalim ng comforter nung naguusap tayo. I love you my Pumpkin, Happy birthday!!!" pinaulanan ko siya ng madaming kiss sa muka hanggang sa leeg niya. "I love you!"

 

 

"Hahaha thank you Pook, I love you too!!!"

 

 

"Okay halika na kasi may ipapakita pa ako sayo." kinuha ko yung phone ko na nasa console at tinigil ko na yung video. "Sana magustuhan mo to." banggit ko bago ko hinawakan yung kamay niya.

 

 

"Wait. What is this about Minjeong?"

 

 

"Basta, halika na." hinila ko si Minju patayo sa kama, oras na para makita niya yung mga nilagay ko sa hallway.

 

 

Pag tayo niya sa kama, pinag entwine ko ang mga daliri namin. Ako ang naunang lumabas ng kwarto at nakasunod naman siya sakin. "Sana magustuhan mo to." Binuksan ko lahat ng ilaw sa buong unit kaya sobrang liwanag ngayon dito sa hallway.

 

 

"Andito na tayo. May napapansin ka ba na kakaiba?"

 

 

"Wait...Oh wow.. No way...."

 

 

"Minjeong.."

 

 

"Yes? sige na Pumpkin tignan mo yan isa isa."

 

 

"The cards attached to the wall, did you make all of these? Pook we're like in an art gallery, I like what you did here. It's nice!"

 

 

"Oo, para sayo lahat yan. Happy eighth monthsary Minju." pagharap niya sakin hinawakan ko yung bewang niya at hinila ko siya ng dahan dahan para halikan sa labi. "I love you." bulong ko.

 

 

"Grabe Minjeong."

 

 

"Hahaha bakit ganyan reaksyon mo? sige na collect mo na yung mga notes. May nakasulat dyan. Pasensya ka na ang panget ng drawing ko." lumapit si Minju sa kaliwa at inalis niya yung pinaka unang card na dinikit ko sa pader.

 

 

Tahimik siya ngayon na binabasa yung message na sinulat ko. Napansin ko din na parang naging seryoso yung reaksyon niya. "Minju? okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ko.

 

 

"Yeah."

 

 

"Okay sige basahin mo pa yung iba."

 

 

Hinahayaan ko siya na kolektahin at tignan isa isa yung mga notes na dinikit ko sa hallway. Si Minju, masasabi ko na siya yung klase ng tao na hindi basta basta umiiyak. Iiyak at magiging emosyonal lang siya kapag napaka lalim na dahilan, kaya yung nasasaksihan ko ngayon, sobrang bago to para samin.

 

 

 

 

 

Nung nasa pang limang note na kami akala ko mali ako ng hinala pero totoo nga, hindi na niya naiwasan maging emosyonal, at umiiyak siya.

 

 

"Huy Pumpkin." tumayo ako sa likod niya at niyakap ko siya. "Dito ka nga."

 

 

"Grabe ka, I never expected this Minjeong."

 

 

"Gusto ko lang kasi malaman mo yung mga yan."

 

 

"Thank you so much for this sobrang na-touch ako. I hate you for making me cry but I appreciate you doing this. Grabe, I wasn't ready. Thank you Pook." hinila niya ako sa leeg para halikan. "You are so thoughtful."

 

 

"Dapat lang na maging memorable yung birthday mo and yung monthsary natin."

 

 

"You compiled the things that you noticed and liked about me for each month. Grabe Minjeong, do I even deserve you?"

 

 

"Ha? bakit mo naman nasasabi yan. Siyempre deserve natin yung isa't isa."

 

 

"You are literally the best partner I could ever ask for."

 

 

"Awww, thank you. Pero wag mo akong paiyakin ngayon, wala akong balak. Tsaka tungkol sayo lang tong araw na to."

 

 

"We're down to the last note. Grabe pook. Yung mga sinulat mo, nakaka touch thank you, it means a lot to me. I truly feel that you love me so much."

 

 

"Yun naman yung totoo. Last note na, eight notes lahat lahat kasi eighth monthsary natin to." tumapat kami sa pinaka huli. Hawak ko pa din yung kamay niya nung inalis at kinuha na niya yung natirang card sa pader.

 

 

 

You give me the courage to face anything and you are the reason why I started loving life.

Happy Birthday Minju, I love you so much!

 

 

 

Bigla siyang yumakap sakin ng mahigpit at medyo nagulat ako nung marinig ko na umiiyak nanaman siya."Huy. Stop crying. Wag ka naman umiyak sa birthday mo Pumpkin."

 

 

"Minjeong kaya magpagaling ka please. I'm willing to do everything para lang gumaling ka."

 

 

"Oo, wag kang mag alala. Alam ko na magiging okay din lahat, sa mga susunod na buwan, sigurado magiging successful yung operation na yun, wag ka mag alala sakin."

 

 

"I cannot lose you. I'm scared."

 

 

"Hindi mangyayari yan. Minju hindi ako mawawala, pangako yan. Hindi kita iiwan mag isa."

 

 

Kinuha ko yung mga notes na hawak niya at inaalalayan ko siya papunta sa sala."I'm sorry." pinupunasan ko yung muka niya habang umuupo kami.

 

 

"Bakit nagssorry ka?"

 

 

"I'm such a mess."

 

 

"Ano ba yan, hindi naman eh, tsaka ayos lang yan. Hindi kailangan na tough ka lagi. Okay?" hinalikan ko siya sa gilid ng noo. "Dito ka lang, hindi pa nagtatapos dyan yung birthday surprise ko para sayo. Sandali lang, may kukunin lang ako."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko