Chapter XXXIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

9:00am Linggo

 

Medyo napagod ako dun sa movie premiere event na dinaluhan namin kahapon. Hinintay ko pa si Minju na makauwi, mga alas dose na ng gabi nung dumating siya kaya late na din kami nakatulog. Bukas na ang alis namin pauwi sa San Jorge, pero meron pa din taping mamaya si Minju. Ihahatid ko ulit siya para makasama ko pa siya ng mas matagal. Nagkataon talaga na hectic yung schedule niya ngayon kaya hindi siya masyadong nakakaalis kasama namin ni Catalina.

 

 

 

 

Wala kami masyadong gagawin ngayon maliban dun sa dinner namin mamaya pagkagaling namin sa subdivision sa Mambugan. Kanina pa kami nakatambay ni Catalina dito sa sala, hinihintay lang namin lumabas si Minju na nagbibihis sa kwarto. Meron daw silang gagawin activity ngayon umaga.

 

 

"Ito Minjeongie tignan mo." lumabas na si Catalina galing sa kwarto, umalis siya saglit para kunin yung phone dahil may ipapakita daw siya sakin. "Ayan na ba yun?" inabot niya sakin yung phone niya para may ipakita na picture. "Ganito yung gusto mo?" binabasa ko yung website ng mga portable photo printer, ito yung sinasabi niya sakin kanina pa na gusto daw niya bilin bago kami umuwi. "Saan mo ba nalaman to?" tinitignan ko yung mga brands na nasa list, iba iba at ang dami pero parang pareparehas lang naman ng features. "Saan mo nalaman to Catalina?" parang bago to. Ngayon ko lang siya nakita na nag ccheck ng mga gadgets online."Sinabi sa akin ni Yesenia, kesa daw utusan ko siya mag print sa bayan. Bumili nalang daw ako niyan dahil andito naman daw tayo sa Manila."

 

 

"Hahahaha kinulit mo nanaman ba si doc Yeji tungkol sa mga pictures sa phone mo? tama naman siya, mas okay yan kesa maabala pa siya. Gusto mo ba bumili?" tumango siya sakin sabay ngiti. "Sige, punta tayo sa mall mamaya pagkahatid natin kay Pumpkin. Pero basahin muna natin kung ano yung may pinaka okay na reviews tsaka yung madali bilhan ng refill."

 

 

"Anong refill?"

 

 

"Basta yung nilalagay sa loob para may lalabas na papel tapos dun mapprint yung picture."

 

 

"Okay. Hindi pa lumabas si Minju?" kinuha ko yung phone ko para tignan yung oras. "Baka nag wwash up pa. Na-late na kami ng gising eh."

 

 

Napansin ko yung suot na damit ni Catalina, ito yung pinahiram sakanya ni Minju na pang workout. "Catalina bagay pala sayo yung mga ganyan damit. Halika, may sasabihin ako sayo." tumabi siya sakin dito sa sofa at may ibinulong ako sakanya. "Pag ganyan yung damit mo ang ganda mo, hindi ka talaga mapagkakamalan na vampire."

 

 

"Totoo ba?!" nagulat ako sa sumunod na ginawa niya, pinalibot niya yung mga braso niya sa leeg ko sabay sinakal ako ng pabiro. Pinalo ko siya ng mahina kaya inalis din niya kagad. "Yung mga biro mo talaga ang sakit. Bawal na ako sa ganyan dba, sinabi ko na nga sayo eh. Ang hilig mo mang chokehold mababali mo pa yung leeg ko."

 

 

"Oo nga pala hindi ka pwede masaktan. Sorry Minjeong."

 

 

"Hindi ako pwedeng mapwersa baka bumigay yung puso ko. Kaya nga ako nag iingat na ngayon."

 

 

"Sorry. Nakakalimutan ko." lumapit si Catalina at sinilip yung ginagawa ko sa email. "Bakit may mga ganyan ka sa phone mo Minjeong?"

 

 

"Ito yung mga baka na binili namin. Mga bagong breed. Oo nga pala Catalina, dapat tigilan mo na kakakain ng baboy simula ngayon."

 

 

"Bakit naman? Minjeongie wag mong tularan yun si Jeno, pakielamero siya sa mga kinakain ng ibang tao. Akala mo alam niya lahat. Bawal ganito bawal ganyan, mas marunong pa siya sa diyos niyo."

 

 

"Hahaha kumalma ka, nasabi ko lang naman na tigilan mo na yung pagkain ng baboy kasi simula bukas magiging pet owner ka na din ng mini pig. Dba susunduin natin siya bago tayo pumunta sa pier."

 

 

"Oo nga pala, nawala na yan sa isip ko."

 

 

"Ang dami mo pa sinabi."

 

 

"Pero gusto ko na siya makita, pwede ko ba siya makita kahit sa picture lang?"

 

 

"Hindi na, bukas nalang para ma-surprise ka. Sino pala mag aalaga sakanya kapag umalis ka?"

 

 

"Si Imperia. Sumusunod at nakikinig sakanya si Sharpay, kaya hindi problema kung sino yung mag aalaga dun sa bagong biik."

 

 

"Mag kalahi sila ni sharpay, micro-mini pot belly pig din yun. Maliit pa siya sa ngayon mga isang dangkal at kalahati pero lalaki yun ng hanggang twelve pounds."

 

 

"Kamuka din ni Sharpay?"

 

 

"Hmm hindi sila magkamuka. Ano pala yung gusto mo na ipangalan natin sakanya?"

 

 

"Tayong dalawa dapat ang mag isip. Ano ba ang itsura niya?" tanong niya habang pinapanood yung ginagawa ko sa phone. "Yung itsura niya? ganito." pinakita ko sakanya yung picture ng isang strip ng bacon na hilaw. "Aahh kadiri ka. Wag ganyan Minjeongie."

 

 

"Hahahahaha o tignan mo nandiri ka din. Kapag nasayo na yung mini pig na yun hindi ka na kakain ng pork kahit kailan. Unti unti yan, aayawan mo na."

 

 

"Ayos lang naman sakin. Ano kayang magandang pangalan, may naisip na ako pero hindi ko alam kung magugustuhan mo."

 

 

"Sige ano yun?"

 

 

"Yung nabanggit ko nung nasa barko tayo, pano kung yun nalang ang ipangalan natin sakanya? Matilda."

 

 

"Bakit Matilda?"

 

 

"Wala lang. Yun ang unang pumasok sa isip ko nung kinakausap tayo nung daing na yun."

 

 

"Hmm alam mo pwede. Sharpay at Matilda tapos ang nagaalaga sakanila ay walang iba kung hindi si Imperia. Catalina, hindi kaya maging maldita tsaka spoiled brat yung mga biik natin? baka naman maging kaugali nila si Imperia?"

 

 

"Hahahaha hindi naman siguro, pero ayaw mo yun. Matapang sila at kayang lumaban kaya walang makaka-agrabyado sakanila."

 

 

"Ha? Pero hindi nakikipag away yung baby ko. Hindi siya marunong kasi napaka kalmado nun, nagpapakamot nga lang siya ng tiyan eh. Sige okay ako sa Matilda, yun na ang ipangalan natin sakanya."

 

 

"Gusto ko na siya makita. Ano pala ang pagkain niya?" tinuro ko yung mga prutas na nakapatong sa dining table. "Parehas kay Sharpay, prutas, gulay, pellets. Pero Catalina sukat dapat yun. Yung timbang nila importante din. Wag niyo ibigay lahat ng gusto nila kasi pag naging spoiled mahirap silang alagaan."

 

 

"Hindi naman, mabait nga yung anak mo tsaka masunurin."

 

 

"Anong hindi? napansin ko nung si Imperia na yung nagbabantay sakanya madalas na siya mag tantrums. Biruin mo ang liit liit palang pero nagiging bossy na. Katulad nung isang linggo, hindi ko lang napakain sa oras nag iingay tsaka pinag dabugan niya ako. Napaka sweet pa naman nun sakin dati. Sinabi ko sainyo wag niyo silang isspoil kasi magttantrums yun. Ayaw pa naman ni ate Taeyeon ng maingay sa loob ng bahay."

 

 

"Wag mo siyang husgahan."

 

 

"Hahaha anong wag husgahan? Totoo yung sinasabi ko. Lagot, nagiging kaugali niyo na ata si Sharpay. Basta wag niyo sila sanayin Catalina, seryoso ako, sabihin mo kay Imperia."

 

 

"Okay sure Minjeongie." seryoso yung usapan namin pero natawa ako sa sagot niya. "Catalina pansin ko, medyo nagiging katulad mo na kung pano magsalita tsaka kumilos si doc Yeji."

 

 

"Parang puro nalang kasi kagaya nila yung mga nakakausap natin. Parehas sila nila Minju pati sila Cheche."

 

 

"Oo nga eh. Tignan mo minsan dudugo nalang bigla yung ilong ko pag kausap ko si Minju. Ikaw, baka naman pag umalis ka tapos pag balik mo sa San Jorge magiba ka na ha."

 

 

"Walang mag iiba Minjeong, pangako yan. Pipilitin ko na walang magbabago sa atin."

 

 

"Ops ayan ka nanaman, bigla biglang nagiging seryoso. Bawal umiyak ngayon araw may dinner pa naman tayo mamayang gabi. Teka lang pala, check ko kung tapos na yung Pumpkin ko."

 

 

 

 

9:30am

 

Nag stay pa kami sa dining kanina bago kami lumipat sa yoga studio dito din sa loob ng unit. Ito pala yung activity na gagawin nila ngayon umaga, inaya ni Minju mag yoga si Catalina para daw ma-relax yung isip niya at maging kalmado siya. Masyado lang daw siya naging emosyonal dun sa movie at hindi niya sadya yung nangyari kahapon. Kinausap namin siya ni Minju, sinigurado namin sakanya na ayos lang yun at hindi niya kailangan magpaliwanag. Naiintindihan ko, na baka madami lang iniisip ngayon si Catalina. Mga bagay na hindi niya pwedeng sabihin sakin dahil baka may kinalaman sa pag alis niya.

 

 

 

 

Kanina pa ako natatawa dito sa sulok at bumibilib sa pinapanood ko. Tangina yung mga yoga poses na pang advanced class na, sisiw lang kay Catalina kaya nagugulat sakanya si Minju. Kahit pa ata isang daliri lang yung gamit niya, kayang kaya niya mag balanse at buhatin yung buong katawan niya. Jusko, kung alam lang ni Minju kung bakit sobrang dali kay Catalina yung mga ganito.

 

 

Kahit pa magkasundo at close na sila, hindi pa din pwedeng malaman ng Pumpkin ko kung ano yung totoong katauhan ni Catalina. Kailangan pa din namin mag ingat at wag magpakampante. Hindi lahat ng tao ay katulad namin ni Ryujin na matatanggap kung ano talaga sila.

 

 

"Ang lakas naman ng braso mo Catalina." komento ko habang pinapanood ko sila na naka pose sa sahig. "Pumpkin, hindi ka ba naiipitan ng ugat?" kinuha ko yung banana smoothie na ginawa para sakin ni Minju. Ito yung iniinom ko habang nakatambay dito sa loob ng yoga studio at nanonood sakanila.

 

 

Si Minju yung nag tuturo ng mga moves kay Catalina na agad din naman niyang nasusundan."Okay, one more before we do the forearm stand..."

 

 

"Stretch those shoulders and take a deep breath." bigla silang dumapa at pumwesto sa mat na mukang mag ppush-up. "Press forward and spread your fingers, feel the stretch on your hips, move to your left, to your right and go back to child's pose."

 

 

"Catalina masakit ba yan ginagawa niyo?" tanong ko. Lumingon siya at sinimangutan niya ako sabay nagpatuloy lang sa pag stretch ng legs. "Masakit ba?" ulit na tanong ko.

 

 

"Ang seryoso mo naman, bakit hindi mo ako pinapansin? Catalina." tinatawag ko siya kanina pa pero hindi niya ako pinapansin. Lahat ng tanong ko kahit isa sakanilang dalawa wala manlang sumasagot. "Nabingi na ata kayo kaka-stretching niyo dyan." lumipat ako ng pwesto, inayos ko yung mga bean bag para hihiga nalang ako. Niyakap ko yung throw pillow at nagpatuloy ako sa panonood sakanila.

 

 

"Hindi ba kayo mababalian ng leeg dyan?" bigla siyang dumapa, tumuwad, tumaas yung balakang sabay taas ng isang binti sa ere. "Minju yung leeg mo!" bigla niyang ipinasok pailalim yung ulo niya habang nakabaliktad siya. "Baka mabali" tumigil siya sa ginagawa nila at umupo saglit sa sahig. Yung tingin niya ngayon, parang masyadong seryoso. "Sorry Pumpkin" inunahan ko nang mag sorry dahil ganito yung itsura niya kapag nagsisimula na siyang mairita sakin.

 

 

"Pook ano ba, during a yoga session you can't keep on commenting and talking. Masyado kang maingay. Bawal ang maingay. You will make us lose focus. Nawawala yung concentration namin because you keep interrupting us."

 

 

"Palabasin mo na nga yan Minju, kanina pa salita ng salita mag isa. Ang daldal." napatingin ako dun sa isang nakabaliktad at nakataas yung paa."Ang epal mo Catalina bakit mo ako papalabasin, eh wala nga ako kasama sa sala? Sorry Pumpkin hindi na. Manonood nalang ako dito sa gilid."

 

 

"Are you bored? Do you wanna go inside the bedroom para magbasa ka ng book mo? Perhaps you wanna watch movies or mag swimming ka nalang sa taas?"

 

 

"Ha? hindi. Hindi naman okay lang ako. Wag mo na akong pansinin, hihiga nalang ako dito." bumalik na ako sa bean bag at niyakap ko yung unan. Hindi nalang ako kikibo at baka mapalabas pa ako ng di oras.

 

 

"Sorry about that Catalina, let's proceed. Forearm stand." ngayon naman habang nakatuwad at nakataas yung isang binti, pinapaabot nila yung tuhod nila sa ilong. Parang kung ako yung gagawa nito mapapagalitan pa ako ni ate Taeyeon dahil sigurado, kailangan namin maghanap ng manghihilot pagkatapos.

 

 

"Spread those arms, and legs."

 

 

"Uy tangina wow." mahinang bulong ko. Parang umiinit tuloy yung muka tsaka tenga ko sa napapanood ko. Hindi na ako mag kokomento dahil baka magalit pa si Minju. Nasubukan ko na nung nagalit siya sakin nung unang beses na nag away kami. Hindi siya mamamansin at kakausapin niya nalang ako kapag gusto na niya.

 

 

"Third to the last position."

 

 

Nakaupo sila ngayon habang naka cross yung legs, nakataas yung dalawang braso at nag sstretch. Grabe ang ganda talaga ng Pumpkin ko tapos ganito pa yung suot niya.

 

 

"Onto the wall, just like that. Put your legs up." 

 

 

"Catalina hahahahaha para kang walang buto!" Nakabaliktad silang dalawa at nakalapat yung mga paa sa pader, muka tuloy silang baliktad na letter L.

 

 

"Pook ano ba." natigilan ako ng magsalita ulit si Minju. "Sorry" 

 

 

Unti unti tinatanggal ni Minju yung paa niya na nakatapak sa pader, nakikita ko na parang kumukuha siya ng balanse. "Then the other leg, release it." 

 

 

"Wow" bulong ko sa sarili ko. Yung itsura nila ngayon dahil sa pwesto nila. Pwedeng pwede sila sa commercial ng sanitary napkin, life insurance tsaka sa mga healthy yogurt.

 

 

Ang galing nung pose niya nakabaliktad at tanging yung braso nalang yung nagbubuhat sa katawan niya habang nakataas yung dalawang binti sa ere. Pinapanood ko si Catalina, tangina panis sakanya, nagawa niya ng walang kahirap hirap yung nakabaliktad tapos nasa braso lahat yung bigat ng katawan. Ang dali para sakanya nito pero binabantayan ko siya mabuti dahil baka bigla siyang lumutang dito sa loob ng studio at mahimatay pa yung Pumpkin ko.

 

 

"Alright Catalina, one more pose and we're done. After this one pwede ka na mag ingay Minjeong." bumalik sila sa unang posisyon at umupo na sa mat. Pinapanood ko sila na ginagawa yung isang pose na mukang napaka hirap. Tingin ko hindi namin kaya ni Ryujin to pero magagawa to ni Sito.

 

 

"Pumpkin, bakit pinapahirapan niyo yung sarili niyo ng ganyan bakit hindi ka nalang mag exercise ng normal?"

 

 

"This is different, yoga is more on improving your balance and posture, it also lowers your stress. Lalakas din yung katawan mo when you do this."

 

 

"Ahh okay, kaya ka pala nag gaganyan madalas."

 

 

"There's also the pilates reformer in the other room. Iba pa yun, you wanna try it? I can have the instructor teach you next time. Even your sister is doing it."

 

 

"Hindi ayaw ko ng mga ganyan. Grabe ang dami mo naman ginagawa. Pero sabagay kailangan yan sa klase ng work niyo."

 

 

"Your doctor mentioned na pwede ka sa yoga, basta wag intense, it might help you with your heart condition."

 

 

"Okay na ako, okay na yung walking and light jogging pati yung stationary bike."

 

 

"Pero pati nga yun tinatamad kang gawin. I told you kailangan mo yun."

 

 

"Ginagawa ko naman eh, tanong mo kay Catalina. Dba Catalina nag llight jogging tsaka nag wwalking ako sa San Jorge?"

 

 

"Kailan ka naman nag ganun Minjeong? kahit minsan hindi kita nakita. Naglalakad ka lang papunta sa bakuran nila Ryujin, hindi naman exercise yun."

 

 

"Exercise yun tsaka pag umaakyat ako sa puno, exercise din yun."

 

 

"Umaakyat ka pa din Minjeong?!"nagulat ako nung medyo tumaas yung boses ni Minju. Pucha nakalimutan ko at nadulas ako. Naalala ko ito yung kabilin bilinan niya at isa sa mga hindi ko na pwedeng gawin. Hindi ko na nagagawa yung tumatambay sa puno katapat ng kwarto ni Ryujin. "You mean to say you're still doing it? Minjeong nag usap na tayo tungkol dyan."

 

 

"Isang beses nalang yun, hindi na naulit."

 

 

"Oh my gosh sinabi na sayo na bawal ka maaksidente and you can't be in pain. Hindi ka din pwedeng mapagod ang kulit mo talaga."

 

 

"Hindi na Pumpkin isang beses nalang yun ang tagal na nung huli. Hindi ko na ginagawa yun."

 

 

"Catalina, please do tell me kung umaakyat pa din siya kung saan saan. Yun yung mga pinagbabawal ng doctor niya."

 

 

"Oo sige Minju, sasabihin ko sayo kapag nakita ko siya."

 

 

"Luh. Teka, bawal magsalita sa yoga ha, bakit ang ingay niyong dalawa?!"

 

 

"Ewan ko sayo Pook. I'm not joking, siguraduhin mo we've talked about this so many times."

 

 

"Oo nga last na talaga yun, pati nga sa tangke ng tubig sa mansyon hindi na ako umaakyat. Kahit itanong mo pa kay Sharpay."

 

 

"Ewan ko sayo, you're really stubborn. Alright, one last before we proceed with the ten minute meditation." pagtapos niya mag sermon biglang balik sa meditation.

 

 

"Lie flat on the floor." patapos na ata dahil nakahiga nalang sila. "Savasana." Nagsalita lang si Minju at meron nag play na music dito sa kwarto. Hindi ko alam kung saan nanggaling, wala naman ako nakita kanina na may dala siyang speaker. 

 

 

Umupo sila ni Catalina at mukang mag mmeditate na. Nakikita ko din na nag bbreathing exercise sila habang nakapikit. Pinapanood ko yung ginagawa nila, napaka kalmado nilang tignan at sobrang nakakaantok yung tugtog.

 

 

.....

 

 

Pasimple akong umalis sa pwesto ko. Dahan dahan akong naglakad at nagpunta sa gitna kung saan sila nakaupo. Balak kong lapitan si Minju na nakapikit ngayon. Kahit anong kilos ko hindi niya ako naririnig dahil medyo malakas yung sounds. 

 

 

Umupo ako sa tapat niya. "Pumpkin." hinalikan ko siya ng isang beses sa labi. Nakita ko na dumilat siya sabay ngumiti sa akin. "and what are you doing here?" tanong niya. Dinampi ko ulit yung labi ko sa labi niya."I love you,"bulong ko bago ko siya niyakap. "Sorry hindi ko mapigilan kaya nilapitan na kita." akala ko maiinis siya, pero hinila ako ni Minju. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. "Oh no wait Pook, you're hugging me, I'm sweating."

 

 

"Okay lang." pinatong ko yung baba ko sa balikat niya bago ako sumiksik sa leeg niya.

 

 

"Catalina, we're finished. Tapos na yung session because my lil' Pookie right here wants a cuddle." nakaupo pa din kami sa lapag. Nakahiga ako sa mga braso niya habang niyayakap niya ako. "Tapos na? Okay Minju. Mahirap pala mag yoga kapag may asong pakalat kalat." napatingin ako kay Catalina dahil sa sinabi niya. "Ako ba yung pinaparinggan mo?"

 

 

"Tatlo lang naman tayo dito."

 

 

"Hahahaha epal gusto ko lang naman yakapin si Minju, nammiss ko na siya eh, ang tagal kasi ng ginagawa niyo. Sorry."

 

 

"Hahaha sorry Catalina, she can be a little clingy sometimes. I need to give her attention kasi bihira ko lang naman siya nakakasama." umangat ako sa pagkakasiksik ko sa leeg ni Minju. Sinilip ko si Catalina at nag behlat ako sakanya. Nakita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko