Chapter LIX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

October 29 Biyernes

 

 

Dalawang araw nalang at magaganap na yung halloween party sa Mansion de los Condenar. Mamayang gabi dadating na din sila Cheche. Sa bahay nalang namin kami magkikita pagka sundo sakanila sa airport. Sigurado na magiging busy kaming lahat bukas sa paghahanda at lalong lalo na sa Linggo. Nakabili na din kami nila Layu ng drinks tsaka ng ibang mga pagkain, nagsabi din si doc Yeji na siya na ang bahala sa iba.

 

 

Medyo nagagahol na kami ni Catalina sa oras kaya napilitan kaming umalis ng mansyon ngayon Biyernes ng umaga para maghanap nung napili naming costume. Mabuti nalang hindi ganun kahirap hanapin yung samin at magagawan naman ng paraan.

 

 

Naisipan namin mag drive ng dalawang oras para lang makapunta sa mall ng ibang probinsya, mas madami kasing tinda dito at mas kumpleto. Kailangan na namin makabili ng halloween costumes pati na din ng bagong kapa na isusuot ni Lucila. Naghiwalay muna kami, andun sa mga damit yung Baba ko, siya na yung naghahanap nung para samin at andito namin kami sa mga pang bata.

 

 

Tatlo kami na nagpunta dito. Sinama namin si Lucila para makapili siya ng mga gusto niya. Nakaupo siya kanina sa balikat ko habang naglalakad kami dito sa kids section ng department store.

 

 

Inisa isa ko yung mga costume pang bata hanggang sa makarating kami dito sa pinaka dulo. Kumuha na kagad ako nung mga alam ko na magugustuhan niya."Ito o, meron pang isa, pang witch naman to." pinakita ko sakanya yung isang kapa na napili ko.

 

 

"Ayaw ko niyan." sagot niya habang nakahawak dun sa suot niya. "Ito nalang po Minjeon." nakatingin siya at ngumiti pa sakin na halatang nang uuto.

 

 

"Sure? o sige. Ikaw bahala, yan na ang bibilin natin. Baka biglang bawi ka kapag nasa sasakyan na tayo ha, pero bagay naman sayo lahat, bumabagay kasi sa dress mo." kanina pa siya nalilito sa daming pwedeng pagpilian.

 

 

Pasimple kaming naguusap dito sa dulo kung saan walang tao na makakapansin sa amin. Pinapasukat ko sakanya yung iba ibang design ng kapa at costumes na pang bata. "Pakita nga ulit, ikot ka sandali." ito yung isang napili niya at kanina niya pa binabalikan, kulay itim na may hood at may tenga pang kasama kasi paniki o bat girl daw ang gusto niya. "Okay last na ikot." utos ko. Napansin ko na naka ngisi pa siya habang umiikot at mukang proud na proud, "Hahahaha ang cute cute mo." komento ko bago ko ginulo ng mahina yung buhok niya. "Gusto ko talaga ito." banggit niya sakin habang umikot pa ulit ng isa. "Tama na yan, baka mahilo ka."

 

 

"Wala naman po akong pakiramdam. Ito nalang po Minjeon. Kasi ito ang gusto ko."

 

 

"Sure ka na? Okay sige bilin natin kung yan na talaga. Bagay din yan sayo, muka kang kerubin na paniki. Akin na, bayaran na natin."tinupi ko na yung kapa at isinama ko na sa iba pang bibilin namin.

 

 

"Salamat po." yumakap at nagpabuhat siya sakin."You're welcome, ano pa ang gusto mo dito? nag promise ako sayo dba na ibibili kita ng laruan pati yung binoculars mo." isinakay ko ulit siya sa balikat ko bago kami naglakad papunta sa kabilang side. Hindi magandang idea na bitawan si Lucila lalo dito sa lugar na madaming laruan dahil nawawala siya sa sarili at mahihirapan nanaman ako na hanapin siya.

 

 

"Ibibili mo ako ng laruan?"

 

 

"Oo yun naman din ang ipinunta natin dito. Sige pili ka na bago ko bayaran sa cashier para isasabay ko na dito sa kapa mo."

 

 

"Bakit napaka bait mo sa akin?"

 

 

"Ha? binibilan lang naman kita ng laruan. Ginagawa ko to kasi gusto ko na matuwa at maging masaya ka."

 

 

"Mahal mo ba ako Minjeon?"

 

 

"Ha?" medyo nabigla ako sa tanong niya, sa tinagal tagal na inaalagaan namin ni Catalina si Lucila at nakakasama ko siya sa mansyon ito ang unang beses na nagsabi siya ng ganito."Bakit mo natanong yan?"

 

 

"Wala lang po."

 

 

Tumigil ako sa paglakad, kinuha ko siya sa balikat ko at pinatayo ko sa harap ko. Bumaba din ako dahil gusto ko siyang kausapin. "Lucila makinig ka sakin. Kahit pa hindi tayo magkadugo at kahit pa hindi tayo mga normal na tao, ito yung tatandaan mo. Mahal kita at masaya ako na nakilala kita. Gusto ko na inaalagaan at binabantayan ka. Sigurado ako na ganun din ang nararamdaman ni Catalina, parang ikaw na nga yung anak namin eh."

 

 

"Totoo po?" halata sa reaksyon at sa boses niya na parang nagpipigil. "Huy bakit naman parang malungkot ka? wag kang umiyak." kinarga ko siya at lumipat kami dun banda sa section na walang dumadaan. Hindi kami pwede sa gitna dahil baka may makakita sakin at isipin na nagsasalita ako mag isa.

 

 

"Masaya po ako."

 

 

"Dapat lang. Yun naman ang totoo, mahal kita Lucila at pinapasaya mo kami. Lahat kami, magiging malungkot dun sa mansyon kapag wala ka." niyakap niya ako at hindi na sumagot pa. Naka sandal yung ulo niya sakin kaya hinahaplos at pinapatahan ko siya."Hahaha ano ba nangyayari sayo masyado ka naman emosyonal. Bata ka pa, hindi ka dapat nalulungkot o nag aalala sa mga kung ano anong bagay."

 

 

"Salamat po sa pag alaga sa akin Minjeon. Totoo nga ang sinabi ni Layujin."

 

 

"You're welcome. Teka bakit parang napapadalas na ata ang pakikipag usap sayo ni Layu? haha. Sayang nga lang at hindi ka niya naririnig."

 

 

"Kinakausap niya ako palagi kahit hindi niya ako nakikita. Kapareha mo Minjeon mabait din po siya."

 

 

"Haha oo mabait talaga yung best friend ko, kahit makulit siya. Sabi sayo ikaw yung baby namin ni Catalina, kahit pa ghost kid ka na may pagka pilya." nakikita ko yung maliliit niyang ngipin sa unahan at mukang napapangiti na siya pero nahihiya kaya pinipigilan niya. "O dali na, pili ka na ng mga gusto mong laruan bago pa magbago isip ko." 

 

 

"Opo!" kniss ko siya sa noo at hinayaan ko nang tumakbo. "Ayun ang gusto ko Minjeon!" sinundan ko ng tingin kung saan patungo si Lucila. Mukang mapapagastos nanaman ako dahil nakalagay pa sa hiwalay na babasagin na estante yung laruan na gusto niya. "Yan ulit?", nakakita nanaman siya ng water gun na mas malaki pa sakanya. Nasira na kasi yung dati kaya pwede na kaming bumili nito. Sa totoo lang hindi lang si Lucila ang nakinabang nun, ginamit ko din yun dati na pang asar ko kay Catalina at nung pinagttripan ko si Gisele.

 

 

 

11:30am

 

Pasimple akong tumayo sa likod ni Catalina at tinakpan ko yung mata niya. "Bubu alam ko na ikaw yan." hinawakan niya yung muka ko at humalik sa pisngi ko. "Tapos na kami." tinaas at pinakita ko yung dalawang malalaking plastic na naglalaman ng mga laruan at costume ni Lucila. "Hahaha napaka dami naman niyan Minjeong, ano ang mga binili mo para sakanya?"

 

 

"Ito, ano pa nga ba. May play-doh at nabili na namin yung bat costume. Ang cute niya nung sinukat niya kanina, bagay sakanya. Meron na tayong baby paniki sa mansyon Catalina."

 

 

"May water gun po ako, binili ni Minjeon!"sigaw niya at may pag karate pa sa ere. "Sshh. Wag malikot." pagbawal ko sakanya.

 

 

"Hahaha halata ang pagka excited mo Lucila. Pero sandali, water gun? Minjeong subukan mo lang na gamitin ulit sakin yan pag ginigising mo ako sa umaga. Mag aaway talaga tayo."

 

 

"Hahahaha hindi ah. Nag promise na nga ako sayo dati dba, hindi ko na uulitin yun kahit pa tulog mantika ka."

 

 

"Yung costume niya. Paniki ba talaga ang gusto niya o ikaw ang nakaisip niyan?"

 

 

"Siya mismo hindi ako. Pero, cute naman eh. Pang bata. Yun talaga ang gusto niya kaya kanina pa siya ganyan ang taas nanaman ng energy. Ba, uunahan na kita dahil sigurado magtatanong ka nanaman ng madami." ngayon palang, kailangan ko nang sabihin kay Catalina bago niya pa makita yung resibo ng mga binili kong laruan pag uwi namin mamaya.

 

 

"Ramdam ko at hindi mo na kailangan sabihin. May binili ka nanaman na medyo mahal, ano Minjeong. Alin dyan?"

 

 

"Yung water gun, di hamak kasi na mas maganda to kesa dun sa luma niya. Bagong labas daw to, mas madami din nailalagay na tubig, madami pa ata kumpara sa isang tumbler. Tsaka pag tinira mo, malayo yung inaabot."

 

 

"Bubu alam ko na ikaw din ang may gustong bumili niyang water gun na yan dahil mangbabasa ka nanaman. Kabisadong kabisado na kita."

 

 

"Eh hindi na pala dapat ako nag explain. Hahahahaha"

 

 

"Hahahaha kilala na kita Minjeongie. Wag ka na magpaliwanag, pero matagal na ulit bago natin siya bibilan ng laruan."

 

 

"Okay." nagpatuloy na ako dun sa isa pang plastic na hawak ko. "Tapos may binoculars na siya. Bumili din kami ng iba pa, yung mga Play-doh niya tsaka yung isang Barbie. Ito pa pala Baba, ito yung nakakatuwa binilan ko siya ng walkie talkie, magagamit natin to kapag andun siya sa tree house. Susubukan natin to mamaya pag uwi sa mansyon ha, nakabili na din ako ng battery. Malaki daw yung range nito eh malayo yung inaabot."

 

 

"Hahaha bakit parang ikaw naman ata yung may gusto niyan pinagbibili mo Minjeong at hindi si Lucila?"

 

 

"Ahh hahahaha nafeel mo ba? oo ganun na nga haha, share nalang kami. Natuwa lang ako nung makita ko itong walkie talkie kasi alam ko na magagamit natin. Hindi na natin kailangan mag teleport pa sa tree house para tawagin siya."

 

 

"Oo nga sige, sabagay. Ito nakakuha na pala ako ng rubber gloves na kailangan mo. Saan mo ba gagamitin to?"

 

 

"Eh kasi malmang yan maghuhugas tayo ng pinggan sa Linggo, eh ang hapdi sa kamay nun, hindi ko matagalan. Kaya gagamit ako niyan." 

 

 

"Oo nga pala sigurado na madaming hugasin pagkatapos, kailangan nga natin to."

 

 

"Yung costume natin, okay na?"

 

 

"Oo kumpleto na lahat pati yung chaleco na blue na isusuot mo. Nabili ko na din yung kulay pula na scarf, aayusin ko nalang yung collar mamaya pag uwi natin sa mansyon. Ako na bahala dito Bubu."

 

 

"Sige. Ako na gagawa nung sailor hat. Ang galing mo mag isip Catalina buti marunong ka mag tahi. Alam mo excited na ako, first halloween natin na magkasama."

 

 

"Ako din, sa tinagal tagal namin nabubuhay ngayon lang namin masusubukan to."

 

 

"Ano pala costume ni Imperia?"

 

 

"Ayaw niya kaya wag na natin pilitin."

 

 

"Sabagay, buti nga pumayag siya na sumali satin." sinilip ko yung mga hawak ni Catalina, mas na-excite ako lalo nung nakita ko na halos kumpleto na yung mga damit. "Ano kaya kakalabasan nito, yun tayo bukas dba, Steve and Robin sa Stranger Things."

 

 

"Edi ang cute kasi bagay sayo yun Minjeong."

 

 

"Dapat madami tayong pictures dalawa. Halika na nga, pupunta pa tayo sa bahay. Lucila?" naguusap lang kami ni Catalina pero hindi ko napansin na nawawala nanaman yung bulilit na kasama namin. "Lucila tara na dito, uuwi na tayo."

 

 

"Andito!" nawala siya at bigla nalang sumulpot sa balikat ko. Kinuha din ni Catalina yung mga plastic na hawak ko at naglakad na kami palabas ng department store.

 

 

 

 

9:30pm Kim's Residence

 

 

Magkakasama kaming lahat ngayon at naguusap usap dito sa sala. Dumating na kasi kaninang alas siyete ng gabi si Cheche at Vivian. Andito din si ate Taeyeon nakikinig sa pag pplano namin. Kasama din namin si Layu, Gisele, Sorin at yung pinaka mamahal ko, yung Baba ko si Catalina. Ngayon nalang ulit kami nagkasama sama pagkatapos ng ilan buwan dahil naging busy sila sa kanya kanyang schedule. Inimbita ni ate yung mga tga mansyon para dito na mag gabihan. Sinabihan din niya ako na ayain ko si Imperia, kaso wala sa mood ngayon yung pinaka boss namin kaya hindi ko na siya pinilit sumama.

 

 

"Minjeong did you get it? hindi ka naman ata nakinig sa sinabi ko eh." hirit nitong kakambal ko. Napaka dami kasi namin pinaguusapan kaya nalilito na ako at oo nalang ako ng oo. "Tables and chairs, lanterns and halloween props. Ako na bahala dun Cheche wag ka mag alala, kokompletuhin ko lahat ng yan bukas. Dba Layu? Dba noh tayo na bahala dun?" nakita ko na natatawa siya habang nag sesenyasan kami. Sigurado ako, isa din siya na hindi naintindihan yung mga pinagsasabi nila Vivian dahil ang dami masyado tsaka ang bilis nila magsalita. "Layu dba?!" ulit ko. "Oo bibili tayo ng props bukas na bukas din!"

 

 

"See! you said we are not going to buy. We are going to borrow, dun sa munisipyo!"

 

 

"Oo yun nga sabi ko Cheche. Kami na ni Kiminjeong bahala humiram." 

 

 

"Hahahaha sabi sayo nakuha niya eh" natawa ako nung bigla lumaki yung mata ni Ryujin at nag make face ng patago. Kami pa talagang dalawa yung naka toka sa mga props na ipang dedecorate daw nila sa labas ng mansyon. Dun kasi namin napili gawin, sa gilid ng mansyon kung saan kami madalas tumatambay nila Sharpay dahil maganda yung mga halaman dun. Para kaming nasa napaka laking garden.

 

 

"Okay if you have listed them na then I think we're done here. Meeting adjourned."

 

 

"Sa wakas natapos din kayo." komento ni ate Taeyeon. Nagbabatian at nag ggood night na kaming lahat dahil uuwi pa kaming apat nila Catalina sa mansyon.

 

 

"Where are you gonna sleep ba Minjeong?" tanong sakin ni Cheche. "Ngayon gabi dun kami sa mansyon tapos bukas Sabado. Dito na. Pati sa Lunes, dito kami mag stay ni Catalina hangga't andito kayo ni Vivian."

 

 

"Yaaay sige, alright. Akala ko hindi kita makakasama."

 

 

"Pwede ba yun. Andito naman ako lagi pag umuuwi ka." lumapit ako sa kakambal ko at nagyakapan kami. "I miss you Minjeong."

 

 

"I miss you too, napaka clingy mo naman Cheche nakakadiri."

 

 

"Ah ganun,hindi na ba kita pwede mamiss? at bawal na din kitang yakapin?"

 

 

"Hahahaha siyempre joke lang. Namiss din kita. Thank you ulit dun sa gift na binigay mo sakin ha. Na-appreciate ko." napatingin ako kay Catalina na kasalukuyang nakikipag usap kay Vivian, bitbit na niya yung headphones na regalo sakin ni Cheche galing Manila.

 

 

Nilapitan ko siya at tinawag ko. Kailangan ko na sila ayain umuwi dahil may mga gagawin pa kami. "Ba, paalam ka na. Tapos paalam din tayo kay ate." bumalik kami sa veranda kung saan naroon yung iba. "Una na kami Cheche, bukas nalang ulit. Babalik kami dito ni Minjeong." paalam ni Catalina.

 

 

"Okay. Wait tomorrow you'll be getting the props and decorations dba Minjeong?"

 

 

"Oo. Dadaan kami sa munisipyo tsaka bibili kami ni Layu sa umaga, dadalin nalang namin dun sa mansyon."

 

 

"Okay. I'll see you then. I'll see you tomorrow Catalina, mag stay kayo dito and we'll also prepare for the party on Sunday."

 

 

"Oo pagkadating ni Minjeong baka pupunta kagad kami dito bukas."

 

 

"O sige na. Magpahinga ka na Che, asan ba si Vivian?" nagpunta kami kay Vivian na kausap ngayon sila Gisele. "Do you have a costume na for Sunday Kiminjeong?" tanong niya nung tumayo ako sa tabi nila.

 

 

"Huh? hindi mo naitatanong natahi na ng Baba ko yung costume namin. Makikita mo, maganda!"

 

 

"Oooh so cocky. Hahaha for sure partner kayo ni Catalina. Knowing your cheesy ideas." napatingin ako kay Catalina. Pucha mukang sangk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko