Chapter I

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Ako si Taeyeon Kim thirty three years old, single, fair skin toned, 5'3" ang height,mabait, matalino, masipag, God's gift to humans, sobrang ganda at humble. Ako ang kasalukuyang nakaupo na mayor dito sa aming probinsya. First term ko palang ngayon, pero masasabi ko na nagugustuhan naman ng mga tao ang pamamalakad ko. Sobrang dedicated ako sa trabaho at prioridad ko talaga ang magbigay serbisyo sa mga kababayan ko. Kakainin ko nalang ibibigay ko pa sakanila ng naka tinidor pa, yan ang motto ko sa buhay, magbigay tulong at serbisyong higit pa sa totoo.

 

 

Tatlo kami na magkakapatid at ako ang pinaka matanda. Meron akong dalawang nakababatang kapatid na kambal, parehas babae. Sobrang malapit sila sakin, lumaki kami sa aruga ng aming lolo at lola dahil maaga kaming naulila. Sa kasamaang palad naaksidente ang mga magulang namin, maaga silang namatay ng dahil sa plane crash. Ako na ang tumayong magulang dun sa dalawa simula pa nung nine years old sila. Sobrang mahal na mahal at pinoproktektahan ko sila sa abot ng makakaya ko kahit pa medyo nahanginan ng matindi ang ulo nila. Sila ang pinaka importante sakin kahit pa kakaiba ang mga paniniwala, hilig at trip nilang gawin sa buhay. Ipapakilala ko sila dahil sakanila din naman iikot ang buong kwento na ito. 

 

 

Si Chantal, Che-che or Chaewon Kim, twenty two years old ang mas nakakatanda na kambal. Nauna siyang lumabas ng eight minutes kesa dun sa kapatid niya. Ang paliwanag nila, nagsabunutan daw silang dalawa sa sinapupunan ng mama namin at si Chantal ang nanalo kaya siya ang naunang nakalabas. Kilalang artista, magaling sa sining ng pag kanta at pag arte. She is a matinee idol na naniniwala sa kasabihan na "Who needs men when you are Chantal Kim?" She can succeed on her own kaya hindi siya tumatanggap ng projects na meron ka-love team dahil hindi naman daw kailangan magpa-sweet at tweetums with a guy para lang sumikat sa industriya. Napaka lambing na tao at protective na kapatid lalo na dun sa bunso namin. Binibigay niya lahat, atensyon, pagmamahal at lahat ng kailangan nung kakambal niya. Medyo kakaiba nga lang itong kapatid ko na ito dahil kung ano ang kina-talented at passionate niya, yun naman ang kina-allergic niya sa pag aaral. Nung high school siya, hindi ko alam kung pano siya nakapag tapos at nakaraos dahil alam naman namin na 90% ng oras niya ay ginugol niya sa mga auditions, VTR, talent contests, reality show audition, tv commercials at kung ano ano pang raket. Nalaman ko nalang na nag aartista na pala siya nung may pinapanood sakin yung best friend ko na pelikula sa 123Movies. Alam ko na commercial model siya pero sobrang nagulat talaga ako ng makasali siya sa isang sikat na pelikula. Yun ang pinaka unang break niya, nabigyan siya ng napaka gandang role na laging ka-eksena ng bida. Sobrang proud ako nung nakita ko kung pano siya gulpihin at apihin nung bida. Naiyak ako dahil ang galing umarte ng kapatid ko kahit pa nag bbuffer yung internet connection ko nun at blurred siya kaya hindi ko siya masyado nakita, ramdam na ramdam ko yung emosyon at mensahe na cnconvey niya. Kung may Oscars sa Pilipinas malamang siya ang unang una na makakatanggap, mas method pa sa method acting ganun siya kagaling.

 

 

Ang pinakamamahal namin na bunso, si Kiminjeong, or Minjeong Kim. Twenty two years old, 1/2 ng kambal at 1/2 din ng anino. Pano ko nga ba iintro itong kapatid ko na to. Siya yung tipo ng tao na kailangan bibigkasin mo yung buong pangalan niya, kasama pati apelido. Yun ang gusto niya dahil siya daw ay isang henyo, a self proclaimed genius. Nag aagree nalang ako at hindi ko na siya tinatanong kung bakit dahil ayaw kong ma-highblood. Albert Einstein, Galileo Galilei, Nikola Tesla, Marie Curie at Minjeong Kim, ayan ang paliwanag niya. Kiminjeong ang naging palayaw namin sakanya dahil mas madaling bigkasin. Kung kakaiba at masyadong maarte yung kambal niya, mas ibahin niyo to. May mga bagay tungkol sakanya na siya lang ang nakakaintindi at makakapag sabi. Napaka talinong bata pero katulad din ni Chantal, allergic sa pag aaral, hindi makahinga ng maayos kapag nasa eskwela at masyadong nagmamarunong. Akala mo alam na niya ang lahat at walang sino man ang makakapag dikta sakanya. May mga pananaw at paniniwala siya na mapapakamot ulo ka nalang o makakalbo ka kapag pinilit mong intindihin. Sobrang malabo ang mata niya kahit nung bata pa siya kaya lagi siyang nakasuot ng salamin. Ang hilig at interest niya ay iba sa mga ka-edad niya. She is an old soul, mahilig magbasa ng libro, ayaw ng social media, retro kung pumorma, walang kinakatakutan, hindi mahilig sa materyal na bagay, mapili sa mga kaibigan, mahilig magsolo kasama ang best friend niya, sobrang maunawain, ma-diskarte, matulungin at higit sa lahat sobrang maabilidad. Isa lang ang kaibigan na meron siya, tinatawag ko silang anino dahil hindi talaga sila mapaghiwalay, nag drop nung college yung isa, ganun din ang ginawa nung isa. Sobrang bait nitong bunso namin kahit pa madami ang hindi nakakaintindi sakanya, nabansagan kasi siyang number one hater nung sikat na child star kaya din madaming galit sakanya. Meron kasing naganap dati pero hindi naman kami naniniwala na sinadya niya yun. Kahit anong mangyari, kakampihan ko siya kahit pa medyo may pagka sutil, matigas ang bungo at sobrang tagilid yung mga desisyon niya.

 

 

Sa totoo lang bihira ako magalit dun sa kambal, sa buong twenty two years, parang ilan beses palang ako nagalit sakanila dahil mababait naman sila at napaka lambing. Hindi naman maiwasan yun na napapagalitan ko sila paminsan at siyempre may malalim na dahilan. Sa naaalala ko, may tatlong beses na nagalit ako ng seryosohan dahil sa mga pinag gagawa nila. Iisa isahin ko nalang, pinaka una dun ay nung fourteen years old sila, konsehal palang ako nun dito sa bayan namin. Labis yung kahihiyan na naramdaman ko nung nag dance number silang dalawa dun sa last night ng burol ng aming pinaka mamahal na lolo. Ang sina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1140 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2131 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko