Gobernadora Taeyeon

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

April 14, 2025

 

6:00am sa Mansión de los Condenar

 

Kaninang alas singko pa ako gising kaya narito ako ngayon kasama si Lucila, yung anak kong si Sharpay at yung napaka bait na biik, si Matilda. Siya ata ang counterpart ni Lucila sa pagiging maldita at prinsesa ng mansyon, parehas kasi sila na inaalagaan at na-spoil ni Imperia. Magkakasama kami ngayon at abala sa kanya kanyang ginagawa dito sa bakuran.

 

 

"Dali ihahatid kita." aya ko kay Lucila. Nag ddrive siya nung pop car na kakatapos ko lang icharge at nakasunod naman ako sakanya. Oras na para tulungan niya sa pagdilig si Nana Carmilla kaya ito siya ngayon, nagmamaneho papunta sa garden sa likod ng mansyon. Tinitignan at nakabantay ako habang umaatras siya. "Okay iabante mo pa konti tapos atras." nagsesenyas ako at gnguide ko siya sa pag atras para makapag perpendicular parking siya. "Okay na po señora ayos na yan. Ang liit liit mo pa pero ang galing mo na talaga mag drive, nakakatuwa." komento ko. Binuksan na niya yung pinto at bumaba na sa laruang kotse."Salamat. Mamaya nalang ulit, papasok na muna ako sa trabaho." natawa ako sa sinabi niya at talagang seryoso pa. Mukang nag aacting nanaman itong bata na to, ganito yung isa sa madalas niyang laro, kung ano anong scenario ang naiisip niya kaya hindi talaga siya naiinip kahit pa minsan mag isa lang siya at hindi ako pwede.

 

 

"Napaka seryoso niyo naman po ata señora?" tanong ko. Niloloko ko siya habang sinisilip ko yung muka. "Sige na Minjeon, magtatrabaho pa ako. Magpakabait ka."

 

 

"Hahahahahaha ano ba yan, ikaw ba yung Mama ko? okay sige bbye po!" bigla ko siyang hinuli sabay buhat at kiniliti ko. "Napaka seryoso naman nitong baby namin." kniss ko siya sa pisngi at niyayakap ko ng mahigpit bago ko ibaba."I love you Lucila."

 

 

"Hahahahahahaha Minjeon ibaba mo ako!"

 

 

"Ayaw ko nga gusto ko pa ng hug mula sa baby kiti-kiti ko."

 

 

"Isusumbong kita kay Nana, dahil sayo nahuli na ako!"

 

 

"Sabi ko nga hindi na eh. Hahaha o sige na tulungan mo na siya tapos mamaya aalis na tayo ha, sasama kayo sakin ni Catalina sa farm."

 

 

"Yehey sige po. Bbye!" hinintay ko siyang tumakbo papunta kay Nana Carmilla bago ako nag teleport pabalik kila Sharpay.

 

 

Kung may makakakita sa amin ngayon, siguradong magtataka dahil ang aga aga pa pero ang busy na namin dito sa labas. Pinapalakad ko yung dalawang biik para ma-exercise sila at nagsimula naman mag gardening sila Nana Carmilla. Yung apat tulog pa at sigurado mamaya pa yun gigising. Nilakad ko na sila Sharpay dahil papasok ako sa trabaho at isasama ko ngayon araw sa farm sila Catalina at Lucila. Pinapatawag daw kami ni ate Taeyeon kaya mamayang hapon pupunta din kami sa munisipyo. Sa totoo lang kabado ako, matindi ang kaba ko ngayon dahil baka may sasabihin siya tungkol sa amin ni Catalina. Alam ko naman na hindi niya ako tanggap, pero makikiusap ako sakanya na wag niya silang sasaktan at susundin ko nalang kung ano ang gusto niyang mangyari.

 

 

"Pssst! Sharpay!" nagteleport ako at pinuntahan ko sila ni Matilda dun sa ilalim ng puno ng banaba. Ito yung isang puno na ayaw ko sila nagpupunta dahil kinakain nila yung mga nahuhulog na dahon. Nagiiba yung amoy ng dumi nila kapag nakakakain sila ng ganito. "Halika nga kayo dito." binuhat ko silang dalawa at nagteleport ako papunta sa portico. Nilapag ko si matilda sa tabi ko at pinahiga ko naman sa harap ko si sharpay habang nakaupo ako dito sa pinaka babang step. "Matilda! wag malikot. Dito ka!" hinuli ko siya nung nagtangkang tumakbo. Kinandong ko siya habang tinatanggal ko yung mga lupa at mga tuyong dahon sa muka niya. "Wag kang malikot magagalit sayo si Imperia, bawal kang kumain nun." Buhat ko siya habang kinakamot ko naman yung tiyan ni Sharpay. Tumihaya na itong isa na buhat ko at mukang magpapakamot na din ng tiyan. Pinahiga ko siya sa tabi ni Sharpay at sabay sila na kinakamutan ko. Kahit pa sobrang bigat na nilang dalawa, kayang kaya ko pa din sila buhatin ng sabay. Mapapakinabangan talaga yung madaming perks na dala ng pagiging vampira.

 

 

"Bubu." napapikit ako nung biglang nagsalita si Catalina. Ito yung sinasabi ko sakanya na wag niyang gagawin kahit dati dahil masakit sa ulo. Kung nakikita namin ang isa't-isa kahit hindi kami magkasama, pwede din kaming magusap sa pamamagitan ng bulong pero iba ang epekto nun sa katawan. Nakakahilo at parang nagiging lutang ako pagkatapos. Pakiramdam ko na parang iniipit at nagiging iisa ang utak na gamit namin. Malamang gising na tong Baba ko at tinatamad nanaman siyang tumayo kaya binulungan nanaman niya ako.

 

 

"Okay tapos na, alis na tayo dito. Sharpay, bangon na." binuhat ko si Matilda at ginising ko si Sharpay na kinakamutan ko ng tiyan para ipapasok ko muna sila sa pig pen sa gilid ng mansyon. Babalikan ko nalang sila mamaya pero bago yun, pupuntahan ko na muna si Catalina. Aayain ko na siyang mag almusal para makapasok na ako sa trabaho.

 

 

 

 

"Bakit mo ako tinawag?" Kinatok ko yung takip ng ataul namin bago ko binuksan. "Hello." bati ko sakanya. Natawa ako dahil nakapikit siya at nakayakap pa din sa unan. "Baba." tinitignan ko siya habang nakahiga sa kabaong at hinahaplos ko yung buhok niya. "Ang cute mo talaga Catalina. Pati yung pag higa mo ibang iba na sa unang beses kitang nakita. Hindi ka na mukang magandang bangkay."

 

 

"Hmmm" tanging ungol lang ang narinig ko. Bumaba ako para haplusin yung muka niya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Bumulong ka at pinaakyat mo ako dito pero tulog ka naman pala."

 

 

"Hmm?"

 

 

"Sige lang tulog ka muna." hinalikan ko siya sa lips at naupo muna ako sa lounge chair. Napalingon ako nung tumutunog nanaman yung walkie talkie.

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] "Minjeon!" dinampot ko kagad nung nag radyo si Lucila. Ayaw ko na maudlot ang tulog ni Catalina kaya hindi ako pwedeng mag ingay.

 

 

**press** "Yes? Anong kailangan ng baby kiti kiti namin?"

 

 

[static sound] "Minjeon pinapatawag ka po ni Nana Carmilla kasi may sasabihin daw siya sa iyo. Inturtante."

 

 

**press** "Tungkol saan?"

 

 

[static sound] "Pumunta ka daw dito."

 

 

**press** "Kailangan ko pa pumunta dyan? abot mo nalang kay Nana yan walkie talkie, pagamit mo sakanya."

 

 

[static sound] "Kausapin niyo daw po siya dito." mukang hindi inaalis ni Lucila yung kamay niya sa pagkakapindot kaya ngayon naririnig ko na tinawag niya si Nana Carmilla at nag uusap sila. 

 

 

[static sound] "Ano? dito?"

 

 

[static sound] "Opo magsalita ka po."

 

 

[static sound] "Ha? bakit dito? ano ba ito? pano ito Lucila?"

 

 

[static sound] "Ganyan po Nana. pindot mo ito tapos mag hello ka kasi andyan si Minjeon sa loob."

 

 

[static sound]"Ganito?"

 

 

[static sound]"Opo andyan po siya naririnig ka po niya kahit hindi ka niya nakikita."

 

 

[static sound] "Paano ba?"

 

 

[static sound] "Ganito po, pindot niyo ito. Parang ganito. Hello Minjeon." natawa ako nung nagkaron pa sila ng impromptu tutorial sa pag gamit ng walkie talkie.

 

 

[static sound] "Ganun lang po at maririnig ka niya."

 

 

[static sound] "Hello?"

 

 

[static sound] "O eh bakit ayaw naman Lucila walang sumasagot. Paano ba, baka hindi niya narinig?"

 

 

 [static sound] "Pindot mo po ito, sabay dapat. Tapos sabihin niyo hello Minjeon? ako ito si Nana Carmilla. Maririnig ka niya."

 

 

[static sound] "Ano ba kasi ito. Hello Kiminjeong ako ito si Nana Carmilla."

 

 

[static sound] "Hindi ka po ata narinig lakasan niyo po ang boses ninyo."

 

 

[static sound] "Kiminjeong ako ito si Nana Carmilla!"

 

 

[static sound] "Hintayin lang po natin. Baka mahina ang baterya."

 

 

Sa sobrang tagal nilang mag lola, hindi nila namalayan na kanina pa ako nakatayo dito sa likod nila at pinapanood ko lang sila. "Nana tawag niyo daw po ako?" nanlaki yung mata nila nung sabay silang napalingon sakin. "Hahahaha bakit gulat na gulat kayo?"pang aasar ko sakanila.

 

 

"Ayan, andyan ka naman pala."

 

 

"Haha opo kanina pa. Pinapanood ko lang kayong dalawa. Pinatawag niyo daw po ako?"

 

 

"Oo. Kiminjeong may gusto kasi akong sabihin sa iyo. Ito muna at mas importante ito. Sabihin mo dun sa kaibigan mo, pumunta ulit siya dito sa Sabado, agahan niya ng konti at maglalaro kami. Hindi pwede ang asawa ni Dante kaya siya nalang at silang dalawa ni Gisele ang makakalaban namin ni Imperia."

 

 

"Nana Carmilla naman pinapunta niyo pa ako dito para lang sabihin na aayain mo nanaman mag sugal si Ryujin?"

 

 

"Oo ano pa nga ba. Magaling siya at nagustuhan ko ang laro namin kahapon."

 

 

"O sige pero wag niyo naman po paabutin ng madaling araw yung pag mamahjong niyo kasi may pasok kami sa farm. May trabaho po kami ni Layu."

 

 

"Oo na sige, sa Sabado pa naman. Basta sabihin mo sakanya na pumunta dito."

 

 

"Okay po sasabihan ko po siya mamaya. Yun lang po ba?"

 

 

"At ito pa pala, tignan mo nga yung babae dyan na pakalat kalat sa bakuran."

 

 

"Sino pong babae?"

 

 

"Ayan may bagong kaluluwa na naligaw nanaman dito. Kanina pa siya naglalakad dyan at nakatingin sa amin ni Lucila mukang gusto ata makipag usap, pero busy ako kaya ikaw na ang bahala magpalayas sakanya."

 

 

"Nana teka, anong sabi mo?"

 

 

"Hindi ka ba nakikinig?"

 

 

"Hahahahaha narinig ko sabi mo busy ka? wow naman Nana Carmilla ayan na nasasanay ka na sa mga bagong salita. Baka naman mamaya para ka na din si Giselle tsaka si Yesenia ah."

 

 

"Hay nako. Ewan ko sayo Kiminjeong, sige na't hanapin mo na yung babae dahil wala akong tiwala sakanya. Kapag sinaktan ka tawagin mo lang ako dito at ako na ang bahala."

 

 

"Baka naman po malakas yun at nakakatakot tapos saktan niya ako."

 

 

"Nakalimutan mo nanaman ba kung ano ang lahi natin? mas malakas ka sa kahit anong kaluluwa, yan ang tatandaan mo. Walang sino mang kaluluwa ang kayang magpasunod sa mga vampira, pero maliban pala dito sa paborito kong apo, na napaka ganda at napaka biba." napasimangot ako nung niyakap niya si Lucila at pinagdikit pa niya yung ulo nilang dalawa. "Tss" Ngumisi naman sakin itong bulilit na mukang proud na proud dahil sa sinabi tungkol sakanya."Biba kiti-kiti. Nakakatakot po ba siya, yung babae? ano itsura?"

 

 

"Hindi nga! Normal na kaluluwa lang yan hindi naman masama ang budhi. Maayos ang itsura pati pananamit, nakasuot ng mahabang puti. Pero kahit pa matinong babae siya naaalibadbaran ako. Tinitignan niya ang bawat kilos namin ni Lucila at kanina pa siya nanonood sa amin."

 

 

"Baka naman diwata yun, aawayin pa ako ni Catalina kapag nalaman niya. Pinagbabawalan niya po kasi ako makipagusap sa mga diwata eh."

 

 

"At bakit naman? Mortal siya. Dating guro na namatay na, magsasampung taon palang siyang patay. Mabait siya pero pinapatay yan ng kamag anak niya. Hala sige na, hanapin mo na siya at paalisin mo."

 

 

"Opo."

 

 

Nagtungo ako sa clubhouse para kunin yung binoculars ni Lucila. Nung nakuha ko na, agad agad akong nag teleport sa pinakatuktok na bubong ng mansyon.

 

 

"Ang aga aga puro utos." Gamit ang binoculars, tinitignan ko yung buong lupain namin. Sinisilip ko mabuti para makita ko yung babae na sinasabi ni Nana. "Asaan ba?" tinapat ko sa tangke ng tubig pati dun sa mga mapupunong parte ng bakuran pero wala naman akong nakikita.

 

 

Simula nung dito na naninirahan si Nana Carmilla tanging si Lucila nalang ang tanging kaluluwa na natira dito. Yung iba kahit hindi naman pinalayas mas pinili nalang nila na magtago at wag nang magpakita dahil natatakot sila sakanya.

 

 

"Ssshh hello." umilag ako nung may bumulong sa tenga ko. "Sino yan?" nilingon at sinilip ko yung kabilang parte ng bubong. Sinubukan ko pang lumipad pero wala naman akong nakitang kakaiba.

 

 

"Ssshhh ang bango mo."

 

 

"Sino ka?!" nililingon ko pero parang wala naman tao at ako lang ang nandito. "May tao ba dyan?!" sigaw ko. Walang sumasagot at tanging yung hampas lang ng alon ang naririnig ko. "Ayaw mo sumagot edi wag." Kinuha ko na yung binoculars sabay silip. Ipagpapatuloy ko nalang yung paghahanap ko. Tinututukan ko yung mahabang kalye pababa sa gate. "Asan ka ba?" umikot ako para lumipat sabay tutok sa mga puno ng mangga pero wala din akong makita.

 

 

"Alam ko na." Nag iingat ako sa kilos ko para hindi ako dumausdos pababa sa bubong. "Mahuhuli din kita." Umatras ako, tinignan ko yung gilid kung nasaan yung bangin. Dinadahan dahan ko habang iniiscan ko yung mga puno pero wala pa din akong nakita.

 

 

"Last." nilipat ko sabay silip at tingin sa tangke ng tubig. "AAAAHHH!"

 

 

"Hahahahahaha."

 

 

"Ano ba!!! Kasi naman eh, ano ka ba!!!" hinampas ko siya sa binti pero nakailag siya."Hahahahahahaha grabe bakit naman takot na takot ka? Ayan napaupo ka tuloy. Halika nga, sorry na." inalalayan ako ni Catalina nung matumba ako dito sa bubong. "Nakakagulat eh, nakakainis ka Catalina." pinalo ko siya pero tawa lang siya ng tawa. Tuwang tuwa pa siya na tinakot niya ako. "Ikaw, nakakairita ka grabe yung kaba ko."

 

 

"Hahahaha sorry na, ang sungit naman ng Minjeongie ko."

 

 

Napaka galing talaga nito ni Catalina, akala ko kung sino na. Nung inilipat ko ng direksyon yung binoculars bigla nalang may dalawang mata na nakasilip at nakadikit mismo sa kabilang lens. Natural na malamig na yung katawan ko pero mas lumamig pa tuloy sa sobrang gulat. "Hahaha sorry na." hinatak niya ako palapit sakanya at niyakap ako. "I miss you. Kanina pa kita pinapanood dito, andun ako sa pinaka patulis." tinuro niya yung bubong na mas mataas kung nasaan ako. "Hindi kita namalayan."

 

 

"Bubu namiss kita nung tulog ako. Bakit hindi mo ako ginising mag aalas otso na pala? pupunta pa tayo sa farm."

 

 

"Luh, kanina pa kaya kita ginigising pero ang sarap ng tulog mo. Ba sabi ko sayo wag mong gagawin yung sa tenga eh, yung magsasalita ka tapos lalabas sa pandinig ko. Ang sakit sa ulo nun."

 

 

"Ha? Ginawa ko ba yun?"

 

 

"Oo kanina nung kasama ko sila Sharpay."

 

 

"Parang hindi naman,o baka hindi ko namalayan."

 

 

"Hayaan mo na wag mo nalang ulitin kasi nakakahilo, parang may umaalog sa ulo ko kapag ganun." hinawakan ko yung muka niya at hinalikan ko siya sa tip ng ilong at sa magkabilang pisngi."Good morning Baba. Dito ka." hinatak ko siya papunta sakin. Niyayakap ko at inamoy ko sa leeg bago ko siya hinalikan. "Namiss din kita nung tulog ka." mahinang sabi ko habang nakayakap siya sakin.

 

 

"Ako din. Ano pala ang ginagawa mo dito Minjeongie ang aga aga bakit nasa bubong ka." kinuha niya yung binoculars na hawak ko at sumilip din siya. "Tsaka bakit gamit mo to?"

 

 

"Eh kasi napag utusan ako ni Nana, may pinapahanap siya sakin na babae. Mukang may bagong naligaw nanaman. Babeng kaluluwa, andyan pakalat kalat daw sa bakuran kanina pa at tinitignan sila ni Lucila. Inuutusan niya ako na palayasin ko daw."

 

 

"Babae? Bakit naman ikaw pa yung inutusan."

 

 

"Oo, busy daw kasi siya, hayaan mo na. Pero kanina ko pa hinahanap wala naman dito, na-background check na ata ni Nana, dating guro daw na namatay na."

 

 

"Wag ka na makialam dyan Minjeongie, hayaan mo ako. Ako na ang gagawa, papaalisin ko o kaya naman tayong dalawa ang maghahanap."

 

 

"Sige pero wala naman akong nakita. Ba halika na, mag ready na tayo, pupunta pa tayo sa farm bago sa munisipyo."

 

 

"Okay. Asaan pala si Lucila, bakit parang hindi ko pa siya naririnig? baka naglaho nanaman siya Minjeong binantayan mo ba maigi?"

 

 

"Ayun papasok daw siya sa trabaho. Andun siya nag gagardening kasama nung lola niyo na adik sa mahjong."

 

 

"Hahahaha nako, magkasama nanaman silang dalawa. Baka kung anong prank nanaman ang maisipan nilang gawin. Dito ka na Bubu." pumasan ako sa likod niya at nagteleport na kami papunta sa kwarto.

 

 

 

 

1:30pm

 

Nakaupo ako sa passenger seat nitong buggy at si Catalina naman ang nagmamaneho. Siya ang driver namin ngayon dahil may karga karga ako na ang sarap ng tulog. Sa sobrang likot ni Lucila, talagang nakipag karera siya ng takbuhan sa mga baka dito sa farm kaya ngayon ito siya, knock out, tulog na tulog habang nakahiga ang ulo sa balikat ko. "Tulog pa din?" tanong ni Catalina. Hinahaplos ko yung likod ni Lucila at hinahayaan ko lang na matulog siya habang nag ddrive kami papunta dun sa lote na pagtatayuan ng bahay bakasyunan namin.

 

 

"Bu saan tayo, dito na yun hindi ba?"

 

 

"Ayan yung may mga mohon." tinuro ko sakanya yung mga maliliit na semento na ginawang tanda. "Dyan natin itatayo, ito daw kasi yung pinaka okay na lugar. Madaling makakapag kabit ng kuryente tsaka tubig dito, tapos ito yung area na maganda yung view. Kita yung bundok tsaka may maliit na stream dyan sa dulo. Dito nalang natin gawin ha?"

 

 

"Okay na ako dito basta ayos na sayo. Kung ano yung desisyon mo."

 

 

"Dapat dalawa tayo kasi ikaw yung mamamahala nito, tsaka gusto ko na may say ka din sa pagdedesisyon. Ganito yung relasyon natin Catalina, lalo na matagal tayong magsasama."

 

 

"Oo Bubu alam ko yun. Okay na talaga sa akin to, pero naalala ko lang, yung payo satin ni Yesenia."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Nung sinabi niya na mas maganda daw kung may kasulatan sa batas yung pagsasama natin bago tayo magpatayo ng mga ganito."

 

 

"Ah yun. Oo ganyan din nga yung sinabi ni Cheche, hnhonor din dito sa bansa natin kaya mas okay daw yun. Para may pinanghahawakan na conjugal asset nga natin yung bahay."

 

 

"Ang lalim na niyan Bubu hindi ko na masundan. Matagal na din kasi kaming hindi nag asikaso pagdating sa mga usapang legal, kami nila Imperia. Puro si Yesenia lang ang nagtuturo sa amin."

 

 

"Ako din hindi ko pa nga gets eh, basta ang alam ko lang kailangan muna na makasal tayo para may legality yung pagsasama natin. Wag ka mag alala maiintindihan din natin yan tsaka kakausapin natin yung family lawyer namin. Siya din yung tumulong samin na mag ayos ng titulo nung mansyon. Pero bago yan aayusin ko na muna yung kay ate."

 

 

"Tama yan, wag ka din mag desisyon ng hindi pa alam ng ate mo. Lalo na, sainyo itong lupain na to. Karapatan niyang malaman."

 

 

"Sana talaga magkaayos pa kami. Umaasa talaga ako tsaka sobrang nammiss ko na si ate Taeyeon." dahan dahan, hinatak ako ni Catalina palapit sakanya at inakbayan ako. "Maaayos din ang lahat wag kang mag alala. Tsaka wag kang matakot dahil andito naman ako Minjeongie, kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa tabi mo."

 

 

"Baba pinapalakas mo talaga lagi yung loob ko." tinapat ni Catalina yung lips niya kaya nag lean ako ng konti at nagkiss kami. "I love you. Thank you."

 

 

"I love you too wag ka mag alala. Magkakabati din kayo."

 

 

"Ano ba yan." natigilan kami nung biglang nagising at nagsalita itong bata na buhat ko."Ang ingay. Natutulog yung tao."umangat saglit yung ulo niya sabay pikit at humiga na ulit sa balikat ko.

 

 

"Ba, natutulog daw yung tao eh wala naman talaga siyang katawan hahahaha." hinihinaan namin yung boses namin habang nag uusap kami."Hahaha wag ka nang maingay at baka mapagalitan pa niya tayo." tinitignan ni Catalina yung muka ni Lucila, nakapatong yung ulo niya sa balikat ko at natulog na ulit ng mahimbing. "Tulog pa. Hinayaan mo kasi na makipag habulan sa mga baka Minjeong." bulong niya sakin."Hahaha gusto daw niya kasi makita ng malapitan." hinalikan ko sa pisngi itong bata na buhat ko at hinaplos ko yung buhok. Mukang napagod talaga siya kaya hahayaan nalang namin matulog. 

 

 

"Saan tayo Bubu?"

 

 

"Ikutin lang natin itong lupa para makita mo tapos alis na tayo."

 

 

 

4:00pm sa Munisipyo

 

Nakaupo kaming tatlo dito sa hallway katapat ng opisina ni ate. Dahil sa sobrang kabado ako hindi pa tuloy ako makapasok sa loob at hindi ko maiwan dito sila Catalina. Walang sinabi sakin yung secretary kung bakit ako pinapatawag pero sure ako na may kinalaman to dun sa gabi na inamin ko na sakanya yung totoong nangyari sa akin. Kanina pa kami dumating dito pero parang kailangan ko pa talaga ng ilan minuto para kalmahin ang sarili ko.

 

 

"Sige na Bubu, baka kasi mas magalit siya kapag pinaghintay mo pa siya ng matagal. Three thirty nung dumating tayo hanggang ngayon andito ka pa din sa labas."

 

 

"Eh pano ka, okay ka lang ba dito?" nakahawak ako kay Catalina habang kandong niya si Lucila. Hindi ko sila maiwan dahil napaparanoid ako, hindi sa wala akong tiwala kay ate pero baka kasi biglang ipahuli niya si Catalina habang nasa loob ako ng opisina. "Ba, yung sinabi ko sayo ha. Ayan yung susi hawakan mo, kapag nagkagulo o may nanakit sayo dito magteleport ka na kagad mag drive ka na papunta dun sa mansyon. Wag kang mag alala kasi susundan naman kita."

 

 

"Oo sige, ganun ang gagawin ko at magiging alerto ako."

 

 

"Mabilis lang ako, babalikan ko kayo kagad dito." hinalikan ko sa noo si Catalina pati si Lucila. Halata na hindi niya naiintindihan yung nangyayari dahil tumawa pa siya at kinakawayan ako.

 

 

Pumasok na ako sa pinto at hinanap ko yung secretary. "Good afternoon po." bati ko sa babae na nakayuko at nakatutok sa cellphone. "Kiminjeong dumating ka na pala."

 

 

"Opo. Nasaan po si ate?"

 

 

"Andyan na sa kwarto niya si Mayora, kakabalik lang din niya galing sa session."

 

 

"Ganun po ba, sakto po pala yung dating ko." sinamahan ako ng secretary. Siya ang nauunang maglakad at nakasunod lang ako sakanya. "Sige pasok ka na." kumatok siya at binuksan yung pinto para sakin. "Salamat po." dahan dahan akong sumilip para tignan kung may tao ba. Nakita ko si ate Taeyeon, mukang nagbabasa siya at nagpphone. Kinatok ko yung pinto para malaman niya na andito na ako. "Ate." nilapag niya yung binabasa niya at napatingin siya  sa direksyon ko. "Andyan ka na pala Kiminjeong. Halika't maupo ka." tinuro niya yung upuan sa kaliwa, katapat ng lamesa. Medyo na-aawkward ako kasi hindi ko alam kung galit pa din ba siya. Umupo ako at nilabas ko yung phone ko para makikita ko kung tinatawagan ako ni Catalina.

 

 

"Kumain ka na ba?" tanong niya. "Opo, kanina dun sa farm nag lunch ako."umupo na din siya at ngayon nakatingin lang sakin. Nag iiwas ako dahil hindi ko talaga mabasa kung ano ba yung mood niya, pero napapansin ko na mukang malamig ang ulo niya. "Kamusta ka po ate?"

 

 

"Ayos naman ako."tumayo siya saglit para ilock ang pinto. Nung makabalik siya, nagpatuloy na ako sa sinasabi ko."Ah okay, mabuti po. Nakausap ko kagabi si Cheche, sakanya kasi kita kinakamusta."

 

 

"Nakausap ko din ang kakambal mo. Nasabi nga niya sa akin na madalas kayong nagkakausap."

 

 

"Opo ate. Halos araw araw nakakausap ko naman talaga si Cheche." napaka awkward. Close kami ng ate ko pero ngayon parang nauubusan ako ng sasabihin sakanya. Ayaw ko kasing magkamali at baka magalit siya lalo.

 

 

"Kailan ka dadalaw sa bahay? Umuwi ka naman at gusto na kitang makasama."

 

 

"Ano po?"

 

 

"Sabi ko umuwi ka, dumalaw ka at matulog ka naman dun. Nammiss ka na ng kwarto mo, pati sila Sito at Minji, sila Manang Carmen hinahanap ka na nila sa akin. Matagal ka na nilang hindi nakikita at tinatanong nila ako kung bakit hindi ka na umuuwi sa atin."

 

 

"Pero ate kasi, akala ko. Ayaw ko na magalit o makulitan ka kaya pinili ko nalang na wag nalang muna pumunta sa bahay." pinapanood ko si ate Taeyeon, bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumipat dito sa upuan kaharap ko. "Ang tagal mong hindi nagpakita." banggit niya.

 

 

"Ayaw ko kasi na magalit ka pa lalo." napaayos ako ng upo at pinipigilan ko yung sarili ko. Ramdam ko na parang may bumara sa lalamunan ko at nangingilid na yung luha ko. Tinapik ako ni ate at pinatingin niya ako sa direksyon niya. "Pakinggan mo ang sasabihin ko."

 

 

"Okay po ate. Ano po yun?"

 

 

"Aaminin ko. Nagalit ako at hanggang ngayon nahihirapan akong intindihin, at lalo na, hirap akong tanggapin ang lahat ng mga nalaman ko tungkol sayo. Pero, kapatid kita. Kayong dalawa ni Chaewon, kaya kahit anong mangyari sa inyo. Kahit ano ka pa hindi basta basta mababago nun yung pagmamahal na meron ako para sainyo. Mahirap man tanggapin dahil hindi talaga ako makapaniwala at hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit ikaw, bakit sayo nangyari to?"

 

 

"I'm sorry."

 

 

"Pano yan, kapag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1165 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2156 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko