Chapter XXVII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Biyernes Isang Araw Bago ang Fiesta ng San Jorge

 

 

10:30am sa Quezon City

 

Mag isa lang ako dito sa condo at kanina pa nakaalis si Minju. Meron siyang work schedule ngayon araw, shooting sa isang tv guesting na ipapalabas sa susunod na linggo. Maaga din daw siyang uuwi, mga alas siyete ng gabi nakabalik na siya dito kaya balak kong magluto mamaya bago siya dumating. Gumising ako ng maaga para lang masabayan siyang mag almusal, 8am yung call time nila kaya maagang nagdatingan yung PA at driver niya.

 

 

Kahit pa andito ako ngayon sa QC, nakakapag trabaho pa din ako at nachcheck ko yung mga reports na snsend sakin nung secretary. Natapos na din yung check up ko kahapon sa hospital, ang daming pinapagawang laboratory tests kaya mukang mapapadalas yung pagluwas ko dito sa Manila. Kakausapin ko nalang din si ate Taeyeon at si Ryujin dahil sa susunod na buwan may mga oras na hindi ako makakapasok sa farm. 

 

 

KMJ: ready ka na? nag log in ka na ba?

 

LYU: oo para kang tanga bakit ba ayaw mo na dito nalang tayo mag usap sa discord bakit kailangan sa chat pa?

 

KMJ: wag kang magsasalita ryujin sinasabi ko na sayo, sa phone lang tayo mag usap para walang makarinig at madaling itago

 

LYU:  bakit nga??

 

KMJ:  may isang makulit na umaaligid palagi, alam mo naman yun bigla biglang sumusulpot kahit hindi ko nakikita hindi natin sigurado baka nandito lang yun, nakikinig sa usapan. kaya sige na dito nalang tayo mag usap sa chat, tsaka medyo takpan mo yung phone tsaka monitor mo, alam ba ni gisele kung nasaan ka?

 

LYU: hindi naman yun pumupunta sa farm, teka nasan ka ba ngayon bakit ang dilim naman dyan?

 

KMJ: andito ako sa loob ng closet ni Minju, mas okay na to para safe. hindi pwedeng malaman ni catalina na ipapakita ko sayo lahat ryujin kaya please lang wag kang madaldal!!! 

 

LYU:  nasa loob ka ng cabinet ni Minju? hahahahahahaha tangina magtataka pa yun kapag naabutan ka niya dyan!

 

KMJ:  mamaya pa naman siya uuwi kaya okay lang, dito muna ako. mahirap na, baka umaaligid ngayon si catalina. alam mo naman na mas makulit pa yun sa lamok

 

LYU:  hahahahahaha kaya lagi kayong nag aaway eh, sige simula na tayo

 

KMJ: okay ayan nasend ko na, click mo nalang yan link para may sound

 

 

Nagsimula na mag play yung video na inedit ko, kuha ito nung isang linggo, nung isinama ako ni Catalina pababa sa basement ng Mansion De los Condenar. Pinag dugtong dugtong ko yung video at inayos ko para mas luminaw yung quality

 

 

LYU:  jusko saan to??

 

KMJ:  dun yan sa basement ng mansyon, tineleport niya ako pag dilat ko andyan na kami sa kwarto na walang laman. tignan mo, parang gawa sa bato yung basement, dyan kami pumasok sa pinto na yan makikita mo

 

 

Ito yung nakuhaan ko pagpasok namin sa malaking pinto na gawa sa kahoy, naglakad kami sa loob at umabot kami sa isang malaki at madilim na tunnel.

 

 

KMJ: ayan yung tatlong tunnel na sinasabi ko sayo, yung sa kaliwa yung una namin pinuntahan, yung sa kanan andyan yung morge tsaka torture chamber. yung nasa gitna yan yung kailangan natin mahanap kasi yan yung daan pababa sa kweba. nakikita mo ba? na-enhance ko na yan kaya mas maliwanag na. Kumaliwa kami sa isang mahabang hallway. Dyan kami nagpunta sa pinto sa dulo, madami kasing kwarto na naka lock dyan. 

 

 

Pinapakita ko kay Ryujin yung hallway kung saan kami naglakad ni Catalina, sa pinaka dulo meron pinto na gawa din sa kahoy. Nung binuksan ni Catalina ito yung meron hagdan pababa patungo dun sa mga kwarto na may malalaking vault.

 

 

KMJ:  Layu yung mga sunod na makikita mo kahit anong mangyari wag mong ipagsasabi kahit kanino. hindi pwedeng malaman ng ibang tao na may ganyan sa mansyon kasi baka may magtangka

 

LYU:  oo hindi ko sasabihin. ano bang meron?

 

KMJ:  panoorin mo, bumababa na kami sa hagdan. may papasukan kami, yun yung vault ni Catalina.

 

 

Habang nanonood kami ni Ryujin ng video, halata ko na mas nagiging interesado na siya at nagsisimula na siyang mamangha sa mga pinapakita ko sakanya.

 

 

LYU:  Kiminjeong, tama ba tong iniisip ko?

 

KMJ:  oo!!!

 

LYU:  tangina may ganito dun sa mansyon niyo?! 

 

KMJ:  oo kay Catalina yan pinasukan namin, ibig sabihin silang lima tag iisa ng vault na puro ganyan laman

 

LYU:  kiminjeong gago ang daming ginto!!!

 

KMJ:  sabi sayo eh pati ako nagulat nung nakita ko yan hindi ako makapaniwala, may mga pera pa dyan sa gilid tignan mo, na-video ko lahat

 

LYU:  totoo ba yan hindi peke?!

 

KMJ:  muka bang peke tignan mo nga yung naka sulat 1000g isang bar nakaukit pa

 

LYU:  kaya pala kahit hindi sila magtrabaho. saan galing tong mga to?

 

KMJ:  ari-arian daw nila yan matagal na, meron din sila sa banko. si doctora Yeji tsaka si mang dante yung nag aasikaso

 

LYU:  alam mo magkaron lang tayo ng kahit ilan bars nung ginto ang dami na kagad natin pera

 

KMJ:  sinabi mo pa, grabe noh? pero hindi importante yan Layu, yung pinaka huling ipapakita ko sayo yun yung mas magugulat ka

 

LYU:  bakit ganyan yung ilalim ng mansyon, parang mas malaki pa kesa sa bahay mismo?

 

KMJ:  totoo napaka daming kwarto tsaka mga lagusan, parang dalawang palapag pababa yung basement

 

LYU:  anong pakiramdam dyan sa baba?

 

KMJ: medyo nakakakilabot tsaka sobrang lamig may mga parte din kasi na may tubig katulad nung pavillion napapaligiran yun ng tubig parang pond na malaki

 

 

Pagkatapos niyang ipakita sakin yung mga ginto at ibang kayamanan nila. Isinama nanaman ako ni Catalina sa isang mahabang hallway. Katulad nung kanina, madilim at malamig kung nasaan kami. Medyo mahaba yung distansya na nilakad namin hanggang sa makaabot kami sa isang pinto. Pagpasok namin, dun niya pinakita sa akin yung isang malawak na kwarto na may shrine sa gitna. Napansin ko na madaming paintings, may mga kandila bulaklak tapos sa isang pader dun nakaukit yung family tree nila.

 

 

LYU:  kiminjeong ipause mo gusto kong makita yan

 

KMJ: alin?

 

LYU:  ayan yung family tree! gusto kong makita kung nasaan yung mga pangalan nila

 

 

Tinigil ko yung video at binabasa namin ni Ryujin yung family tree nila Catalina na sobrang daming pangalan. Nasa bandang dulo na sila nila Imperia at ang pangalan ni Yesenia yung nag iisang nakasulat sa pinaka baba.

 

 

LYU: si doctora Yeji pala yung pinaka bata

 

LYU: ano pangalan nung lola nila asan siya dyan?

 

KMJ:  teka, tinuro sakin ni Catalina yun nasa bandang gitna siya

 

LYU:  puta ang dami nilang vampira buhay pa ba yung mga yan? ganyan pala kadami yung angkan nila nakakatakot

 

KMJ:  hindi ko alam kung buhay pa yung iba dyan, dba nagkagulo daw kaya nagkahiwahiwalay lahi nila, ayan Layu yung pangalan nung lola

 

LYU:  siya yung sinabi sakin ni Gisele, mabait daw yan pero pag nagalit mas malupit pa kay Imperia. Pati sila ni Sorin tinuturing sila na tunay na apo

 

KMJ:  alam mo para kang tanga, Camella ka ng Camella eh Carmilla pala yung pangalan nung lola 

 

LYU:  ah Carmilla ba? hahahahahaha sorry akala ko Camella eh

 

LYU: Kiminjeong may tanong ako

 

KMJ: ano yun?

 

LYU:  payag ka pag ano, bibigyan ka ng gold bars pero may challenge

 

KMJ:  oo game ako pero ano muna yung challenge?

 

LYU:  kailangan mo mapahiran ng bawang lahat ng mga vampira na andyan sa family tree!

 

KMJ: hahahahaha gago! may gold bars ka nga wakwak naman yung leeg mo. bakit hindi kaya ikaw yung gumawa layu? ikaw nakaisip eh. 

 

LYU:  hahahahahahaha mas nakakatakot siguro yung mga matatanda kasi masyadong tradisyonal, ibang iba daw yung paniniwala kaya bawal silang lumabag sa mga utos. Pero si Catalina tingin ko sobrang bingo na yan eh. mukang yan ata problema ng lahi nila ang tigas ng ulo ni gaga

 

KMJ:  bakit, may ginawa nanaman ba siya?

 

LYU:  nakwento lang ni Gisele, ang kulit masyado tsaka gusto daw bumuo ng sarili niyang rules inaaya niya pa sila ni Sorin pero ayaw nilang sumunod dahil malalagot sila kay imperia

 

KMJ: ano nanaman ba tong mga naiisip ni Catalina?

 

LYU:  ewan ko. nag away nanaman daw sila ni Yesenia nung linggo

 

KMJ:  nag away nanaman? anong rules naman kaya yun? may kinalaman kaya to dun sa mga mapa tsaka compass na pinagbibili niya?

 

LYU:  hindi ko alam, wala ba siyang nababanggit sayo? Kiminjeong iplay mo na yung video gusto ko na makita yung iba

 

KMJ:  wala naman siya nababanggit sakin pero mukang may pinagkakaabalahan nga siya, pag tinatanong ko ang sagot niya lang "wag ka nang makialam dahil hindi mo maiintindihan"

 

LYU:  uy teka, ano to?

 

KMJ:  o bakit mo pnause?

 

LYU:  ano to?

 

KMJ:  yung nakasulat sa pader? hindi ko alam parang wala naman sinabi si Catalina tungkol dyan

 

LYU: screen shot ko ano yan mga nakasulat, tsaka anong font yan? symbolism?

 

KMJ:  oo nga noh hindi ba arabic yan?

 

LYU:  tanga anong arabic parang may mga codes eh

 

KMJ:  ah gago alam ko na parang yung mga sa egyptian yung hieroglyphs keme nila

 

LYU:  ayan oh tsaka may number, ibig sabihin may pagkaka sunod sunod

 

 

Tinigil namin yung video kung saan may napansin si Ryujin na malaking bato na meron nakaukit na letra at puno ng symbols. Ito yung nakita ko dun sa kwarto na may shrine, maihahalintulad dun sa mga ten commandments na nakasulat sa entrance ng simbahan.

 

 

LYU:  kiminjeong ano kaya yan?

 

KMJ:  hindi niya binanggit kasi nagmadali na siya tapos lumabas kami kagad

 

LYU: tingin ko may ibig sabihin yung mga symbol na nakalagay dyan

 

KMJ: wag mo na isipin dahil duduguin lang ilong mo dyan

 

LYU:  kinukutuban ako dito

 

KMJ:  wala lang siguro yan. tsaka yung kweba yung pinaka importante. yun ang dapat natin pag aralan kung pano tayo makakapasok dun!

 

LYU: bobo! hindi mo ba naisip, pano kung yan na pala yung pinaka rules ng lahi nila na ang tagal na natin gustong malaman?!

 

KMJ: tingin mo?

 

LYU:  oo posible tignan mo nga oh yung paraan ng pagkakasulat may pagkakasunod sunod pa, 

 

KMJ: kakaiba yung mga letra. may kilala ka ba na marunong magbasa niyan?

 

LYU:  timang edi google translate ang dali dali lang niyan, bahala ka kung ayaw mo maniwala basta ako isscreen shot ko to

 

KMJ:  sige bahala ka kung anong gusto mong gawin

 

LYU:  malay mo ito pala yung rules ng lahi nila na bawal ipagsabi sa tao, edi mas maiintindihan mo na yung mga pinagsasabi sayo ni Catalina

 

KMJ:  ano?

 

LYU:  tanga dba puro ganun mga sagot niya sayo "Hindi mo maiintindihan Minjeong o kaya naman hindi ko pwedeng sabihin sayo Minjeong"

 

KMJ:  oo nga, e hindi ko naman talaga maiintindihan eh

 

LYU:  ay engot kaya nga baka ito na yung kasagutan sa mga tanong mo at ito na yung paraan para maintindihan mo yung mga bagay na hindi niya maipaliwanag sayo

 

KMJ:  ewan ko basta ako ayaw ko mag focus dyan, yung kweba lang yung gusto kong mahanap

 

LYU:  ikaw ang hilig mo talagang magpapasok sa mga kweba ano ba meron dun?

 

KMJ: o ayaw mo nang malaman yung tungkol sa underground lake? wag ko na ipakita?

 

LYU:  ano ba makikita natin dun baka naman pangkaraniwang kweba lang yan

 

KMJ: yung ilan taon natin sinusubukan kausapin meron daw dun. si catalina at imperia pa mismo ang nakakita! mga serena ryujin mga serena!!!!

 

LYU:  kweba na may mermaid?! as in serena?!! yung hinahanap natin nila Minji??!!!

 

KMJ: O akala ko ba hindi ka interasado?!

 

LYU:  wala naman akong sinabing ganyan ito naman, sige na iplay mo na yang video

 

KMJ:  dito na tayo nung dinala niya ako sa isa pang tunnel. Kanang lagusan naman to, ito yung nakakatakot kasi may umiiyak

 

LYU: sinong umiiyak?

 

KMJ:  sabi ni Catalina baka multo daw yun na naligaw lang, tingin ko ang daming multo dyan kasi andito yung morge nila tapos katapat nun yung mga kulungan

 

 

Pinagpatuloy na namin manood nung video. Andito na kami sa parte kung saan ibinalik na ulit ako ni Catalina dun sa tunnel na madilim na nakaharap sa tatlong lagusan, lumiko naman kami ngayon sa kanan. Nasa pangalawang palapag pa din kami ng basement, andito yung mga kwarto na namangha ako. May mga kulungan, morge, chapel at yung underground garden nila na meron pavillion na nasa gitna ng mababaw na tubig. 

 

 

KMJ: Layu ayan na mismo yun, nakikita mo ba??

 

LYU:  oo tangina ano yan?!

 

KMJ: mga kulungan hindi niya sinabi kung bakit may ganyan dyan, may isang kwarto dyan na torture chamber as in may garote tsaka mga latigo, gamit pang torture

 

LYU:  grabe ito pala yung mga nakatago sa mansyon?

 

KMJ:  ayan na yung morge

 

LYU:  bakit parang kadiri yan?

 

KMJ:  ayan dyan mismo ako nakatayo nung narinig ko yung umuungol tsaka yung babaeng umiiyak, may apat na kulungan dyan, tapos pangalawang pinto may morge, muka siyang hindi nagagagamit pero kumpleto yung mga instrumento pati gamit. Buong palapag walang ilaw kaya ang hirap makita, flashlight lang yan sa phone ko

 

LYU:  kiminjeong kinikilabutan ako!

 

KMJ:  tanga wala naman bangkay dyan puro gamit lang

 

LYU:  ayun na nga eh makalumang morge yung itsura kaya mas kadiri, bakit naman may ganyan dyan? 

 

KMJ:  dati daw kasi pwede silang makabili ng mga tao

 

LYU:  ano?! parang black market?

 

KMJ:  pwedeng bumili ng mga tao dati pero wag mo na alamin kung bakit at kung pano

 

LYU:  parang slaves?

 

KMJ:  wag mo na sabing alamin kasi iniiwasan niya yung topic, pero hindi na nila inulit ung ganun kasi ayaw nga nung lola

 

LYU: ni lola Camella?

 

KMJ:  Carmilla!! anong camella para kang tanga, gusto mo pa ba makita yung chapel dyan tsaka yung pavillion?

 

LYU:  nakakakilabot ang lakas ng loob mo lagot ka nanaman talaga kay catalina tsaka kay imperia!! Jusko yung pag kuha mo pa ng video akala mo vlogger si Catalina tapos ikaw yung camera man niya, yung kuha tsaka quality muka siyang nag vvlog sa haunted house laugh trip hahahahahahaha 

 

KMJ: kaya nga wag kang maingay eh hindi niya pwedeng malaman na nag video ako dahil sasakalin nanaman ako nun. tsaka kinuhaan ko lang naman to para sayo, hindi pwedeng ako lang makakita

 

LYU:  wow na-touch naman ako

 

KMJ:  siyempre ganun talaga, dapat maexperience mo din

 

LYU: kinkilabutan talaga ako parang ako pa yung mas kinakabahan para sayo grabe ang lakas ng loob mo, magwawala si Catalina kapag nalaman niya yan ang linaw pag nung video kitang kita

 

KMJ:  forward ko na dito sa chapel, ito kailangan mo makita to

 

LYU:  nakakatakot yung itsura pumasok ka dyan tapos ganyan kadilim?!

 

KMJ:  kaya ko nga nakuhaan isinama niya ako dyan, importante yan chapel tignan mo yung lamesa sa gitna nung altar teka pause ko yung video

 

LYU: kamuka nung lamesa sa morge

 

KMJ:  wag mo sasabihin kay gisele lahat to ha, tangina mamamatay ako. dyan daw sila nag sasalin sa parang chapel

 

LYU: salin?

 

KMJ:  oo pag convert sa tao para maging vampira, pero wala pa naman daw naconvert dyan, naglagay lang sila niyan just in case

 

LYU:  hindi pa nila nasusubukan dyan? tara mag volunteer na tayo!!!

 

KMJ:  hahahaha ayaw nga pumayag ni catalina dahil hindi daw tayo pwede, nakwento ko na sayo yung rason dba

 

LYU:  sus hindi ba niya alam, sa lahat ng tao sa mundo tayo yung pinaka deserving maging vampira

 

KMJ:  kaya nga! totoo yan. hindi niya alam kung ano yung opportunity na sinasayang niya, naniniwala ako na pasado tayo sa pagiging vampire ryujin

 

LYU: napaka swerte kaya nila kapag naging vampire tayo Kiminjeong alam mo kung bakit?

 

KMJ:  bakit?!

 

LYU: hindi na nila problema yung dugo kasi may bakahan ka

 

KMJ:  pero ayaw nila masyado ng dugo ng hayop

 

LYU: eh kahit na, tsaka magaling tayo tapos ang ganda ng tandem natin magagamit pa natin sa mabuti yung pagiging vampire

 

KMJ:  pano naman?

 

LYU:  basta naisip ko lang, pilitin mo na kasi si Catalina na kagatin ka

 

KMJ:  hindi naman ata sa kagat magiging vampire yung tao eh, kailangan mo inumin dugo nila

 

LYU:  totoo?!

 

KMJ: oo!

 

LYU:  edi pag kinagat ko si Gisele magiging vampire ako?! pwede ko siyang kagatin pag natutulog siya?

 

KMJ:  bobo!! hindi ganun yun. kahit anong sipsip mo sa dugo niya hindi ka magiging vampire basta basta, na explain yan ni Catalina kung pano kaso hindi ko inintindi kasi nga nakatutok ako dun sa kweba na ang ganda

 

LYU:  play mo na nga yung video

 

KMJ:  ito na yung pinaka importante

 

 

Tinuloy na namin yung panonood ng video inalis ko yung isang earphones ko dahil parang may narinig ako na gumalaw sa labas ng walk in closet ni Minju.

 

 

LYU:  ito na ba yung kweba

 

 

Napalingon ako nung may narinig ako na parang gumalaw galing sa hallway labas ng bedroom.

 

 

KMJ:  Layu tuloy mo lang yan, check ko lang kasi parang may tao dito

 

LYU:  andyan na si Minju? mag aalas dose palang ang aga naman niya

 

 

Pinapakinggan at pinapakiramdaman ko mabuti kung nakabalik na si Minju, pero nakakapanibago kasi wala siyang message sakin. Madalas siyang nag mmessage or tinatawagan niya muna ako para ipaalam sakin na pauwi na siya. Inalis ko yung earphones ko at pinakinggan ko ulit. 

 

 

KMJ:  Layu may tao nga ituloy nalang natin to sa susunod, uuwi naman na ako bukas sige na bbye na hindi ako pwedeng makita ni minju dito sa loob ng aparador

 

LYU:  anong oras kayo dadating?

 

KMJ:  umaga issend ko sayo yung flight schedule, sasabay lang kami kay cheche tsaka kay vivian naka charter sila

 

LYU:  o sige sige ako magsusundo sainyo bukas tsaka yung driver ni mayora, dalawang sasakyan kami isasama ko nalang si minji tsaka si sito

 

KMJ: o sige magkita nalang tayo sa airport. sige na baka mahuli pa ako ni Minju na nakatago dito sa closet, panoorin mo nalang mag isa yan video pero download mo nalang tapos sa phone wag sa pc baka mahuli ka ni gisele

 

LYU:  oo ako na bahala

 

 

 

 

11:40am

 

Pagkaayos ko ng mga gamit nagmamadali na akong lumabas sa kwarto. Tuwang tuwa at sobrang excited ako dahil maaga nakabalik si Minju, hindi siguro natuloy yung taping nila kaya naisipan nalang niyang umuwi kagad. Buti nalang mas matagal ko siyang makakasama ngayon araw at mas madami pa kaming pwedeng gawin bago kami umuwi sa San Jorge bukas.

 

 

Tinignan ko yung kwarto pati yung bathroom,mukang hindi pa siya pumapasok dito kaya malamang nasa kitchen or sa sala siya ngayon.

 

 

Hindi ko maitago yung pagka excited ko at gusto ko na siyang makita. Lumabas ako sa hallway at dumiretso na sa sala para salubungin siya.  "Pumpkin?" Hindi ko na mapigilan mapangiti nang marinig ko yung boses ni Minju, naririnig ko na kumukanta pa siya habang may inaayos sa kitchen. Baka nag grocery siya, ito yung lagi namin ginagawa kapag nandito ako, madalas kaming dalawa yung nagluluto ng mga pagkain namin at hindi kami nagpapadeliver.

 

 

**tuloy ang kanta na nanggagaling sa kusina**

 

 

"Pumpkin? Minju?" naabutan ko siyang nakaupo sa tapat ng ref at abalang nag aayos. Natatakpan siya ng kitchen counter kaya hindi ko siya masyadong makita.

 

 

"Pumpkin? Pumpkin andyan ka na?" mas nagiging excited pa ako nung mas malapit na ako sakanya. "Maaga ba natapos yung taping mo o na-cancel nanaman?" nagpunta na ako sa tapat ng ref para silipin siya. "Minju"

 

 

"Huh? Huy sino ka?"

 

 

"Hi there baby!"

 

 

"Ay tangi-"

 

 

"Hindi masasarap yung pagkain niya Minjeong." nanlamig yung buong katawan ko nang madatnan ko kung sino yun nakikialam sa ref at pakanta kanta pa. Hindi ko kagad siya namukaan dahil nakatali yung buhok niya at may bangs siya."Bakit ka sumunod dito?!" hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

 

 

"Bakit ka nandito?!" natataranta ako at hindi ko alam kung saan ko siya itatago.

 

 

Ang una unang kong naalala ay yung mga cctv cameras dito sa condo ni Minju, malamang nakukuhaan kami ngayon at makikita nila na may nakapasok na ibang tao. Hindi ako makapag isip at para akong nalilito sa sobrang kaba. "Bakit ka nandito?!" hinatak ko kagad siya sa kamay pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Wag tayo dito sigurado makikita ka nila."

 

 

"Minjeong yung kamay ko."

 

 

"Tangina bakit ka nandito."

 

 

"Aray Minjeong bakit ba?" hinatak ko siya papasok sa isang kwarto kung saan nakalagay yung mga panlinis dito sa condo."Catalina tangina naman, ano bang ginagawa mo?"

 

 

"Dinadalaw kita."

 

 

"Nagusap na tayo dba!! Hindi ka talaga mapakiusapan talagang sumunod ka pa din."

 

 

"Gusto na kitang makita, mag iisang linggo na nung huling beses na nakasama kita." pinipigilan ko yung sarili ko. Ayaw kong magalit dahil yun yung isa sa mga sinabi ng doctor kahapon, hindi ako pwedeng ma-stress. "Ano bang gusto mo, hindi mo ba maintindihan dba nag usap na nga tayo bago ako umalis? Sabi ko sayo kapag magkasama kami ni Minju tsaka pag nandito ako sa bahay niya hindi ka pwedeng sumunod! Catalina naman ano bang hindi mo maintindihan dun?"

 

 

Hindi ko mapigilan sa sobrang inis ko sakanya ngayon parang nararamdaman ko na maiiyak ako. Sigurado ako na nakita siya sa cctv at pwedeng magdulot ng malaking problema to.

 

 

"Gusto lang naman kitang maki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1156 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2147 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko