Chapter XXV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

July 2023 Dalawang Linggo Bago ang Fiesta ng San Jorge

 

 

Kahapon Biyernes July 5, yun ang first ever monthsary namin ni Minju, nagising nalang ako nung may mga pinasok na bulaklak at dessert yung mga kasambahay namin sa kwarto ko. Mga pinadala pala niya na regalo para sakin. Sakto naman na natanggap na din niya yung mga letters na pinadala ko sa condo niya nung nakaraan. Nangako ako sakanya na bibigyan ko siya ng sulat kada dalawang linggo, nung una natatawa pa siya sa surpresa ko dahil masyado daw akong old school, pero nagustuhan din niya lalo nung nabasa niya yung mga nakalagay pati yung drawing ko dun sa pinakababa. Ibang iba pa din daw yung pakiramdam kapag nakikita niya yung sulat kamay ko. Nagpadeliver din ako ng regalo para sakanya, buti nalang matagal ko nang pinagawa yung couples mug na ako pa mismo yung nagdesign. Kahit hindi ganun kaganda yung pagkaka gagawa ko sa doodles mukang natuwa at naappreciate naman niya dahil meron daw itong personal touch. Paulit ulit siyang nag thank you sakin at sinabi niya na hindi na siya makapag hintay na makasama ako. Sobrang kinikilig ako nung sinabi niya yun, parehas lang kami ni Minju, sobrang nammiss na namin ang isa't isa. Nagkasundo kami na sa second monthsary luluwas ako sa Manila at dun ako matutulog sa condo niya ng ilan araw.

 

 

 

 

1:00pm Sabado 

 

Kaninang alas onse ng umaga pa kami dumating ni Ryujin sa mansyon. Sabay kaming nagpunta dito dahil susunduin niya sila Gisele at mamamasyal sila sa dagat ng kabilang probinsya. Meron daw nagaganap na water sports competition dun kaya gusto nilang dumayo. Binalaan ko pa si Ryujin dahil baka hindi kayanin nung dalawa yung masyadong mainit at maaraw. Bukod dun baka mawala sila sa sarili kapag nakakita sila ng napaka daming tao, iba iba ang nandun at may mga bata din. Handa naman daw yung dalawa at hindi sila masyadong makikihalubilo para walang maging problema.

 

 

Ayaw ko magdrive sa malalayong lugar kaya nagpaiwan ako dito kasama ni Catalina. Wala naman kaming gagawin ngayon araw kaya naisipan nalang namin na manood ng mga pelikula ni Minju. Nagdala ako ng laptop at speakers, nag download din ako ng mga movies niya kagabi dun sa illegal site na sinabi sakin ni Ryujin. Yun lang ang gagawin namin ngayon Sabado, mag bbinge watch, kakain at tatambay.

 

 

Nagpaalam ako ng maayos kanina kay Imperia, sinabi ko sakanya na kaya ako nandito dahil manonood lang kami ng movies sa taas. Buti nalang malamig ang ulo niya at pinayagan niya kami kahit pa tinakot at pinagbantaan nanaman niya ako. Inaya ko siya na sumama manood, ang sinagot niya lang sakin ay 'bahala kayo sa buhay niyo, gawin niyo ang mga gusto niyo pero siguraduhin mo na wag kang magtatangka dito sa mansyon namin kung ayaw mong laslasin ko ang leeg mo pati ang leeg ng alaga mo.' Ako na nga yung nagmagandang loob pero napaka seryoso at brutal pa ng sinabi niya.

 

 

Andito kami sa pangalawang palapag ng mansyon, nakatambay kami ni Catalina sa kwarto kung saan kami natulog dati nila Cheche. Malinis at wala naman alikabok dahil natakpan ng maayos yung mga furnitures pero kinailangan nga lang namin mag linis at mag walis ng konti.

 

 

"Ano bang dahilan Minjeong?" ito nanaman si Catalina at ayaw akong tantanan hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot sakin. "Kahit nakasalamin ka kita ko na ang itim ng paligid ng mata mo. Anong nangyari at madalas kang natutulala?" ilan beses ko nang iniiba yung usapan pero ayaw niyang tumigil.

 

 

"Minjeong ano ba, hindi ka pwedeng mag sinungaling sa akin."

 

 

"Wala nga."

 

 

Si Catalina, sobrang lakas ng kutob niya pagdating sakin kaya ang hirap niyang lituhin. Nababasa niya ako at nararamdaman niya kung may gumugulo sa akin o may problema ako.

 

 

"Sinabi ko na kanina pa, okay lang ako."

 

 

"Pero bakit nga hindi ka nakakatulog ng maayos. Hindi pwedeng magkamali ang kutob ko. May nangyari ba sainyo ni Minju?"

 

 

"Wala okay na okay kami ng pumpkin ko. Wag mo akong alalahanin okay lang talaga ako."

 

 

"Pati yung pagkain mo nag iba. Kapag magkasama tayo napapansin ko na wala kang gana. Sabihin mo sakin kung anong nangyayari sayo. Tanggalin mo yan shades mo kaya hindi ko tuloy mabasa ang nasa isip mo."

 

 

"Okay ako wag mo akong problemahin. Nakakatulog naman ako, nagkataon lang na gising pa ako nung gabi na napadaan ka sa kwarto ko."

 

 

Alam ko na nahahalata niya itong pinagdadaanan ko ngayon, pero hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino. Si Ryujin lang ang may alam at siya lang ang tanging nakakaintindi sa pinaggagalingan ko. Yung nangyari sa amin dun sa funeraria YOLO nung madaling araw ng Huwebes, nahihirapan akong kalimutan dahil hindi ko naihanda yung sarili ko. Kahit anong gawin ko kahit anong pagbaling ng atensyon, kahit anong pikit ko tuwing gabi, hindi talaga mawala yun sa isip ko. Yung muka nung lalaki, yung ugat na nahawakan ko, yung mga dugo na sumirit at tumalsik sa muka ko. Ito yung hindi nagpapatulog sakin ng ilan araw na. Hanggang sa panaginip sinusundan pa din ako. Nawalan na din ako ng gana kumain tuwing maalala ko yung nakita kong mga katawan na naka bukas at yung laman loob nung isang bangkay na naka labas.

 

 

"Minjeong!"

 

 

"O? ano ba yun?"

 

 

"Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka nanaman. Ayos ka lang ba gusto mo ba na magpahinga nalang?"

 

 

"Sorry, ano ba yung sinasabi mo?"

 

 

"Tinatanong ko kung ilan na yung timbang ni Sharpay dahil muka siyang tumaba."

 

 

"Catalina wag mo naman ibody shame yang anak ko. Pag yan nagka eating disorder sisisihin kita." tumigil ako sa ginagawa ko at kinuha ko yung external hard drive. "hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Nagtanong lang naman ako."

 

 

"Hindi ko pa siya natimbang ulit pero hindi ko na siya mabuhat ng isang kamay lang." napansin ko na ang ganda ng pwesto ni Catalina at yakap niya si Sharpay na parang unan. Nakahiga sila sa kama habang snset up ko naman yung laptop tsaka speaker dito sa katabing lamesa.

 

 

"Ano nga pala yung nabigay mo na regalo?" 

 

 

"Pinakita ko na sayo yung picture, yung couples mug na may drawing ko. Natanggap na pala ni Minju kahapon. Natuwa siya."

 

 

"Nagustuhan ba niya? ano naman yung mga nilagay mo sa sulat?" napailing ako dahil sa tanong niya. "Siyempre hindi ko pwedeng sabihin sayo, siya lang dapat ang makabasa nun."

 

 

"Napaka lambing mo pala na kasintahan. Para sa una mong relasyon, tama yung ginagawa mo."

 

 

"Sigurado ka ba dyan o niloloko mo lang ako?" tinignan ko yung anak kong biik, hindi talaga siya nagigising kahit anong ingay namin, "Siyempre dapat lang na maging special yung first monthsary namin. Gusto ko talaga na maging masaya si Minju. Ilipat na natin si Sharpay."

 

 

"Kailan sila dadating dito sa San Jorge?"

 

 

"Ngayon buwan dadating na silang tatlo dito kaya excited na ako." pinindot ko na yung speaker at sinubukan kong iplay yung movie. Sa sobrang gulat ko nabitawan ko pa yung cell phone ko. "Puta ang lakas!" Naka todo pala yung volume ng speakers pati nung laptop kaya ang lakas ng sounds."Minjeong dalian mo hinaan mo yan at baka sumugod pa dito si Imperia!" sigaw ni Catalina. "Ito na." nagloko pa yung mouse pad at hindi ko mapatigil kaya nataranta kami lalo. "Teka sandali." pinatay ko na yung movie na nagpplay at hininaan ko yung volume ng speaker. "Lagot tayo nagising ba siya?" nakikiramdam kami kung may tunog ba na nanggagaling sa baba. "Mukang tulog pa din."

 

 

"Jusko buti nalang, baka ibalibag nanaman ako ng ate mo."

 

 

"Hindi ko naman hahayaan na saktan ka niya."

 

 

"Wow, napaka bait mo na talaga. Ay hindi pala dahil napaka sutil mo pa din. Okay na to, nood na tayo." nung nilingon ko itong dalawang kasama ko, hindi ko mapigilan matawa sa ayos nila. Nadamay pa tuloy yung anak ko, "Catalina muka kang natutulog na santo na may hawak na biik. hahahaha. Ang haba pa naman ng buhok mo." yung itsura nilang dalawa sa kama akala mo nakahiga sila sa ataul. Laging ganito si Catalina, kapag matutulog siya papalibutan niya yung katawan niya ng mga unan tapos hihiga siya sa pinaka gitna. "Niloloko mo nanaman ako Minjeong." nakatingin siya sakin habang hawak niya pa din yung anak ko.

 

 

"Okay, akin na yan baby ko." lumalaki na si Sharpay at bumibigat na yung timbang niya kaya kailangan mas maingat kapag bubuhatin siya. Dahan dahan ko siyang pinahiga dito sa kabilang kama at nilagyan ko ng isang unan para hindi siya mahulog.

 

 

"Catalina ayusin mo naman yung kama, ano yan uupo lang ako sa gilid tapos ikaw lang yung hihiga?" natawa siya pero agad din inabot sakin yung ibang unan na nakapalibot sakanya. Nung matapos na niyang ayusin yung kama, "Saan ka?" tinuro ko yung kanan. "Okay lang sayo na dyan ka sa kaliwa?" tanong ko. Nagpunta ako sa kabilang kama at dinagdagan ko yung mga unan na pang harang kay Sharpay. "Catalina paki sara yung bintana yung mga katapat natin, para hindi ganun kaliwanag." hindi pa ako tapos magsalita pero sunod sunod na sumara yung mga bintana. "Tignan mo to, pwede mo naman palang gamitan ng ganyan. Kanina pa ako kilos ng kilos mag isa dito, ni hindi mo manlang ako tinulungan mag walis, nakahiga ka lang."

 

 

"Kanina ko pa inaalagaan yung anak natin kaya wag mo akong sumbatan." napakunot noo ako sa sinabi niya. Nasasanay na siyang tinatawag na anak si Sharpay. "Anong anak? ako lang ang may anak dyan. Single mom ako, full custody."

 

 

"Pinagdadamot mo siya sakin, hindi ko ba siya pwede ituring na anak?"

 

 

"Ano ba yan mga pinagsasabi mo. Wag kang hihirit ng ganyan kapag nandito si Minju ha, baka iba yung dating sakanya. Tignan mo nakahiga ka lang dyan hindi mo manlang ako tinutulungan."

 

 

"Minjeong, matuto kang kumilos mag isa. Mahirap na masanay ka na ako yung gumagawa para sayo, magiging tamad ka niyan." hindi ko pinansin yung sinabi niya. Nagpunta ako sa pwesto ko at inilapit ko na sa tabi ng kama yung table kung saan nakapatong yung laptop.

 

 

Meron akong naalala."Catalina sandali, naiwan ko dun sa baba yung mga drinks tsaka chichirya natin, baka naman pwedeng pakikuha, iteleport mo nalang." niyakap niya yung unan sabay pumikit at hindi na gumalaw. "Ayos ah." jusko ito nanaman siya, nakapikit at umaarte na natutulog. "Ay tulog na tulog." pinapanood ko siya habang nagpapatuloy siyang magpanggap. "nakatulog na nga talaga." Pinasok ko yung daliri ko sa dalawang butas ng ilong niya at tinitignan ko yung reaksyon niya. Napakunot yung noo niya at halata na nagpipigil ng tawa. "Para ka talagang bata. Sige na Catalina kunin mo na, andun yung dalawang plastic sa sala." nung ayaw niyang kumilos at parang wala talagang naririnig, pinasok ko ulit yung daliri ko sa ilong niya sabay shnoot ko sa bibig niya."pffttt Minjeong!"

 

 

"Hahahahahaha ayan gising ka na! sige na kasi kunin mo na."

 

 

"Ikaw na yung kumuha sa baba, ayan yung sinasabi ko inaasa mo na sa akin lahat ngayon at nagiging tamad ka na. Gayahin mo si Ryujin, hindi lahat inuutos kay Gisele, kumikilos pa din siya para sakanilang dalawa."

 

 

"Ang dami mo naman sinabi, oo na ako na yung kukuha maghintay ka nalang dyan. Asan ba yung isang salamin ko?" inabot niya yung case ng eye glasses ko."Ano yan, bakit?" kinikilatis niya yung salamin ko at inaamoy amoy niya. "Catalina, baka mabali."

 

 

"May kakaibang amoy itong salamin mo, ang lakas. May hindi ka ba sinasabi sakin Minjeong?" medyo kinakabahan ako sa ginagawa niya. Kahit nilinis ko na, posible pa din na may naiwang bakas ng dugo at mukang yun ang naaamoy niya. "Hindi ikaw to."

 

 

"Ha? baka kamay ni Minju yung naaamoy mo, akin na para kukunin ko na yung pagkain natin sa baba." inalis ko muna yung prescription glasses na lagi kong suot tuwing magkasama kami. "Hintayin mo ako kukunin ko lang yung mga chichirya tsaka yung drinks." tumakbo ako pababa at dumiretso kagad sa kusina para kunin yung mga drinks na pinapalamig namin. "O bakit wala dito." binuksan ko yung chiller at binalibaliktad ko pa yung laman ng freezer pero wala talaga yung apat na softdrinks. Bumalik ako sa sala para kunin yung plastic pero yung mga sofa na nakatakip ng puting tela lang ang nadatnan ko.

 

 

"Catalina!" humahangos akong tumatakbo pabalik dito sa kwarto dahil mukang may nagnakaw nung mga binaon ko. "Catalina! Catalina bilis, nawawala yung mga pagkain tsaka yung Coke na nilagay ko dun sa freezer!"

 

 

"Minjeong hindi masyadong lumamig. Tikman mo." sa sobrang inis ko nag dive ako sa kama para hablutin siya pero mabilis siyang naglaho na parang bula. "Ang epal mo talaga! pinagod mo pa ako nakuha mo na pala!"

 

 

"Hahahaha ah talaga ba Minjeong ikwento mo yan sa pagong! hahaha" tanging ang boses lang niya yung naririnig ko pero hindi ko siya nakikita dito sa loob ng kwarto."Wag kang lalabas ha, manonood at kakain ako mag isa, wag kang sumali!"

 

 

"Pano ako magpapakita sayo kung napipikon ka nanaman?!"

 

 

"Lumabas ka na, isa!" para akong tanga na umiikot dito sa kwarto dahil sinusundan ko kung saan nanggagaling yung boses ni Catalina. "Lumabas ka na halika na manood na tayo."pilit ko sakanya. Ramdam ko na iniikutan niya ako ngayon kahit pa hindi ko siya nakikita. "Halika na, dali na." 

 

 

"Mangako ka muna!" sigaw niya sa tenga ko kaya napaatras ako sa gulat. "Ang sakit ha!"

 

 

"Hindi ako lalabas hangga't hindi ka nangangako."

 

 

"Oo na hindi ako magagalit sige na Catalina magpakita ka na, manood na tayo anong oras na."

 

 

"Sabihin mo muna please!"

 

 

"Puta. Ano ba nanunutil ka nanaman eh, tara na hindi ako magagalit sayo promise. Nagigising na si Sharpay tsaka yung ate mo sa ingay natin."

 

 

"Okay." ang bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang na humagis kaming dalawa sa ere. "Ano ba ang sakit!!" sinama niya ako nung bigla siyang nag dive ng malakas sa kama kaya pinalo ko siya. Ramdam ko na naalog yung ulo ko tsaka tumama yung likod ko. "Sandali lang" **sunod sunod na pag ubo**

 

 

Napahawak ako sa headboard dahil nahilo ako at kinakapos ako ng hininga. "Minjeong?" nag senyas ako sakanya na kailangan ko muna ng ilan minuto para kalmahin yung sarili ko at kailangan kong huminga ng malalim. Pinapagpag niya yung likod ko at tinulungan niya akong umupo. "Okay ka lang ba?" tumango ako sakanya pero hindi pa din tumitigil yung ubo ko. Ito nanaman, bigla bigla nalang umaatake, minsan kahit wala akong ginagawa lalo kapag natutulog ako, inuubo at nahihirapan akong huminga. "May masakit ba, gusto mo ba ng tubig?"

 

 

"Catalina nakakahilo ano ba yung ginawa mo." nakapikit ako at naghahabol pa din ng hininga."Sabi mo kasi kanina gusto mo mag teleport kaya yun yung ginawa ko. Minjeong sorry binibiro lang kita."

 

 

"Parang naalog ng malakas yung ulo ko. Nakakalimutan mo ata minsan na tao ako at hindi tayo pareho. Mahina yung katawan ko."

 

 

"Patawad, pasensya na talaga, mas magiging maingat na ako." hinawakan niya yung muka ko at hinahaplos niya yung likod ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya habang nakaupo ako dito sa gilid ng kama. "Wala okay lang ako, sige na ayos ka na sa pwesto mo, anong pelikula pala yung gusto mo na panoorin natin?"

 

 

"Ikaw na ang bahala kung ano nalang yung meron dyan."

 

 

"Ito yung mga movie na kilala tapos nag download din ako nung movie na magkakasama silang tatlo nila Cheche." binuksan ko yung folder sa external hard drive ko at namili ako dun sa limang movies. "Ito yung mga title, sabihin mo sakin kung anong gusto mo dito."

 

 

"Sige, ano ano ba yan tsaka ano yung kwento?"

 

 

"Itong mga na-download ko yung mga pinaka sikat na movies niya, pili ka nalang kung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1155 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2145 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko