Chapter XXIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

7:00am Miyerkules

 

Maaga kaming umalis mula sa San Jorge dahil madami ako kailangan puntahan ngayon araw. Kahit mahigit dalawang oras yung biyahe namin patungo sa probinsya ng Santa Rita, titiisin ko nalang para makolekta ko yung dugo na binili ni Ryujin. Pero bago ako pumunta sa blood bank, dadaan muna kami sa mall para mabili ko na yung inuutos sakin ni ate Taeyeon na pangregalo niya sa kasal.

 

 

"Bakit masyado tayong maaga? alas siyete palang." tanong nitong makulit na pasahero ko na kanina pa nakatutok sa cell phone niya. Sumama siya sakin dahil nung isang araw pa niya ako kinukulit na gusto daw niya magpagupit. Pupunta din naman ako sa mall kaya inaya ko nalang siya na sumabay sakin. Nakakailan tanong na din siya kung bakit daw sobrang aga namin umalis, kapag naman sasagutin ko siya parang wala siyang naririnig dahil masyado siyang busy. "Minjeong, nabingi ka na ba?" hindi ko siya nililingon at naka titig lang ako sa daan. "Bakit naka shades ka din, napano yang mata mo?" pahabol na tanong niya. Naririndi na ako dahil naka ilan beses ko nang sinagot itong tanong na to. "Minjeong! bingi ka ba?!" sigaw niya sakin kaya napaangat ako sa upuan ko."Ano ba? ang dami mo masyadong tinatanong kanina ka pa. Maaga tayo kasi nga malayo yung Santa Rita. Naka shades ako kasi may allergy yung mata ko. Naka tatlong sabi na ako nito pero hindi mo iniintindi." sinilip ko yung screen ng phone niya pero umiwas siya at tuloy lang sa pagpindot. "Ano ba ginagawa mo dyan? mahihilo ka pa niyan."

 

 

"Hindi ako tinatablan, ito yung sinabi sakin ni Vivian na subukan ko daw." sagot niya sakin nang hindi inaalis yung mata sa screen. "Ang ganda ng gamit mo na shades ngayon, bigay ba yan ng girlfriend mo?" tinitignan niya ng malapitan itong sunglasses na suot ko kaya tinulak ko siya ng mahina at pinilit kong umupo ng maayos sa shotgun seat. "Wag ka malikot, nag mamaneho ako baka mabangga tayo."paalala ko."Siya ba ang nagbigay niyan sayo?"

 

 

"Oo nung Sabado ng gabi nagpagawa kami sa optical shop nalaman niya kasi na nabasag yung unang regalo niya sakin kaya ito, may bago nanaman." habang naguusap kami, napansin ko yung bag na tinatago niya sa paanan niya. Nung pagsakay palang namin sa kotse nahalata ko na, yung dala niyang bag na mukang madaming laman. "Ano ba yan nasa paa mo?" umayos siya ng upo at mas tinago niya pa.

 

 

"Akala ko hindi kayo pwedeng lumabas sa lugar na madaming tao?"pagpapatuloy niya. Naka focus lang ako sa daan habang nag uusap kami. "Hindi naman sa bawal pero nag iingat lang kami ni Minju. Hindi kasi pwedeng madamay yung trabaho niya. Sandali, nabanggit mo na si Vivian yung nagsabi sayo niyan? Wag ka nga makikinig dun, kung ano ano mga tinuturo niya sayo, mamaya mapahamak ka pa."

 

 

"Kailangan kong gawin to para makuha daw nung nag gugupit yung gusto ko, sinabi din sa akin to nila Gisele at Sorin."

 

 

"Ano yan? tsaka anong hairstyle ba yung gusto mo, kaparehas ng kay Gisele?"

 

 

"Oo gusto ko din subukan yun. Minjeong ito na, tapos na ako sa ginagawa ko." kinuha ko yung phone niya at tinignan ko yung picture na pinapakita niya sakin. Sakto naman na naka tigil kami dahil may road construction dito sa dinaanan namin. "Hahahaha ikaw ba to?" hindi ko mapigilan matawa. Yung pinakita niya sakin, picture niya na iba yung gupit at kulay ng buhok. "Pano mo ginawa to Catalina? ang galing akala ko totoo." binalik ko sakanya yung phone dahil nagsimula nang umandar yung mga sasakyan. "Ito yung tinuro sakin ni Vivian, inayos ni Gisele at nilagay niya sa cell phone ko kahapon. Pwede ko daw makita kung ano yung babagay sa akin na buhok."

 

 

"Pinag download ka nila ng app para sa buhok? pwede wag ka masyado makinig sakanila? baka mamaya kung ano ano na matutunan mong gawin."

 

 

"Hindi naman kita girlfriend wag ka makialam sa mga ginagawa ko."

 

 

"Wow ha! Saan mo nanaman natutunan yan? Hindi naman sa pinapakialaman kita, pero pwede ka kasing mapahamak sa mga ganyan. Lagi kang nakikinig kay Vivian eh tao yun. Tsaka tandaan mo, hindi niya alam yung tungkol sainyo kaya mag iingat ka. Lalo dun sa mga asungot niyang fans. Kasi pag nakita nila na kaibigan mo si Vivian, magiging instant celebrity ka, naka private pa ba yung ig account mo? sabi ko sayo dapat laging naka private setting yun."

 

 

"Hindi mo naman ako kailangan pagsabihan, pati nga si Yesenia alam naman niya yung mga ginagawa ko."

 

 

"Kahit na. Tapos si Vivian pa yung nagtuturo sayo ng mga kung ano ano. Catalina hindi ka pwedeng makita at makilala ng kung sino sino. Isang tag lang ni Vivian sayo aabot ng libo yung followers mo, tapos ang ganda mo pa naman. Maniwala ka sakin, ibbackground check ka pa nila baka nga pati yung lola mo mahanap nila ng di oras."

 

 

"Ano? may kakayahan sila na mahanap yung lola namin? Minjeong baka pwedeng.."

 

 

"Ha? hindi sandali, joke lang yun! wag mo seryosohin jusko hindi. Hindi nila gagawin yun." agad agad kong binawi yung nasabi ko dahil mukang naniwala kagad siya. Napagtanto ko na kapag sineryoso niya yun, pwede siyang humingi ng tulong kay Vivian at makikialam pa yung mga fans niya sa paghahanap sa nawawalang lola nila. "Joke yun, basta tandaan mo walang ibang tao na pwedeng tumulong sayo kung hindi ako at si Ryujin. Sa amin ka lang magtitiwala tsaka sa apo mo, kay doctora."

 

 

"Si doctora Yesenia na wala nang ibang ginawa kung hindi kumontra." hirit niya bago siya tumingin sa bintana. Akala niya ata hindi ko narinig yung binubulong niya."Ano ba kasi yung pinag awayan niyo ni doctora Yeji?" sinubukan ko na ulit na tanungin siya tungkol dito."Kagabi pa kita tinatanong pero lagi mong iniiba yung usapan. Sabihin mo na, ano nanaman ba yung ginawa mo Catalina bakit siya nagalit sayo?" bumalik nanaman siya sa pagkakatutok sa cell phone niya at parang walang naririnig. "Ano nangyari?" kinalabit ko ng mahina yung braso niya. "huy ano ba nangyari?" paguulit ko."Wala. Ano sa tingin mo Minjeong bagay ba sa akin yung ganun buhok?" napakamot ulo nalang ako sa sagot niya."Tignan mo to, iniba mo nanaman yung usapan halatang halata ka."

 

 

"Hindi importante yun. Ano nga, tingin mo ba babagay sa akin yung ganitong buhok?" pinakita niya ulit sakin yung picture na ineedit niya."Oo bagay sayo pati yung kulay na napili mo. Yun nalang ipagawa mo mamaya sa salon."

 

 

"Ayos lang ba sa kasintahan mo na kasama mo ako ngayon, pumayag ba siya?"

 

 

"Oo naman, alam niya na pupunta tayo sa Santa Rita. Tsaka nagpaalam ako kagabi pa, dba kanina nag hi pa nga siya sayo nung ka-video call ko siya. Ikaw hindi ka manlang bumati kay Minju para kang tanga. Ang sungit sungit mo." ito yung pinag talunan namin kanina pagkatapos kong makausap si Minju. Binati siya ng girlfriend ko pero hindi manlang siya nagsalita at sumimangot pa. Buti nalang mabait at maintindihin si Minju pero humingi pa din ako ng dispensa. Nasabi ko din sakanya na normal ni Catalina yung lagi siyang galit. Mapapalampas ko pa na ganun ang nangyari kanina, pero kapag andito na si Minju, hindi na pwede yung inaasta niya."Kinausap ka ng maayos ni hindi ka manlang ngumiti. Para ka nanaman bata na nagmamaktol, wag ka ngang ganyan."dagdag ko.

 

 

"Bakit ba, wag mo akong pakialaman sa kung pano ako dapat umasta Minjeong. Hindi ko naman siya kaano ano at hindi ko siya kilala bakit ko siya babatiin?"

 

 

"Anong bakit babatiin, dapat lang na makipag batian ka kasi ganun ang gawain ng matinong tao. Tsaka bakit ba nagagalit ka kay Minju? dapat kung gano ka kabait sakin ganun ka din sa girlfriend ko. Sa susunod na buwan pupunta sila dito kaya sinasabi ko na sayo ngayon palang, umayos ka tsaka wag mo siyang babastusin."

 

 

"At bakit ko gagawin yun sa tao na hindi ko naman kilala?!!"

 

 

"Ano ba sumisigaw ka nanaman nakakainis. Kaibigan mo ako tapos girlfriend ko yun dapat lang na maging maayos yung pakikitungo mo sakanya. Kasi kung gagawa ka ng hindi maganda o mababastos lang siya, mas pipiliin ko na wag ka nalang pansinin. Kalimutan mo na din na magkaibigan tayo, seryoso ako Catalina, hindi ako papayag na may mangbabastos kay Minju."

 

 

"Oo na, hindi ko pa kasi siya kilala at hindi ako sanay sakanya. Pasensya na Minjeong."

 

 

"Sobrang bait at simpleng tao nun kaya hindi malayo na magugustuhan mo din siya. Wag na nga natin pag usapan."

 

 

"Wag mo akong pangunahan dahil alam ko naman ang mga ganyang bagay. Tapos na ako dito sa ginagawa ko, tignan mo."

 

 

"Ano yan?" hindi ko alam kung maiirita o matatawa dapat ako dun sa pinakita niya. "Burahin mo nga yan, wag mo gamitin yung picture ko Catalina isa!" sinubukan kong agawin yung phone niya pero bigla siyang nawala at lumipat sa backseat. Pati yung picture ko inedit niya. Iniba niya yung gupit at yung kulay ng buhok ginawa niyang ginger. "Ang ganda mo talaga tsaka napaka cute mo. Ipapakita ko to sa kakambal mo pati kay Ryujin."

 

 

"Tigilan mo na sabi yan." 

 

 

"Minjeong! ayan na!!"

 

 

"Huy ano ba!!!" natapakan ko yung preno dahil nagulat ako nung bigla siyang sumulpot at sumigaw dito sa tabi ko. "Catalina wag mo ngang gawin yan nakakagulat ka-" *sunod sunod na pag ubo*

 

 

Hinahaplos at pinapagpapag niya ng mahina yung likod ko nung bigla akong inubo. "Nakakairita talaga tong ubo ko, biglang sumusulpot badtrip. Pwede paki abot yung tubig?"

 

 

"Salamat." ininom ko kagad yung isang bote ng tubig na dinala ko. "Parang madalas ka nang inuubo. Ayaw mo ba ipakita yan sa doctor, gusto mo ba na kausapin ko si Yesenia?"

 

 

"Nasasamid lang ako. Asan na ba tayo?" sinilip ko yung lugar na dinadaanan namin. Andito na kami sa highway tabi ng dagat. "Ito na yung magandang daan, ayun nakikita ko na yung dagat pati yung mansyon." tinignan ko yung tinuturo niya. "Dali Minjeong."

 

 

"Oo na sandali nakakagulat ka naman, bigla ka nalang sumusulpot dito sa unahan. Mag seat belt ka nga." pinindot ko yung release ng buckle at inabot ko sakanya. "Ikabit mo ulit to."

 

 

"Ayan na buksan mo yung bintana."

 

 

"Gusto mo bang silipin?" hindi ko na siya hinintay sumagot at pinindot ko na para bumukas yung mga bintana. Ito yung paboritong panoorin ni Catalina tuwing dadaan kami dito, yung napaka lawak na dagat at yung tanawin ng Mansion De los Condenar na nasa tuktok ng bundok. "Silip ka ng silip dyan baka mamaya matunugan ka ni Imperia." pabirong sabi ko. Nakasilip siya at inilabas niya pa yung kanang kamay niya para pakiramdaman yung malakas na hangin. "Ang ganda talaga, hindi ako magsasawa na makita to."

 

 

"Totoo. Kaya gustong gusto ko din dumaan dito." komento ko.

 

 

"Alam mo, kapag pinapanood ko dati yung dagat mula sa mansyon, napaka tindi ng lungkot na nararamdaman ko. Lalo na kapag bilog yung buwan." halata ko sa boses niya na naging seryoso si Catalina kaya tahimik lang ako na pinapakinggan yung kwento niya. "Napaka lungkot dun at hindi kami masyado lumalabas. Hanggang dun lang kami sa loob ng lupain niyo dahil nag aalangan kami. Pero nung dumating ka at nakita na kita, yun na ang simula." 

 

 

"Ano yan sinasabi mo?" parang bago ito at ngayon ko lang narinig sakaniya to. "Hindi talaga kami lumalabas dati sa Mansion De los Condenar, pero nung nagsimula na kayong pumunta.. dun na nagbago ang lahat."

 

 

"Panong nagbago?"

 

 

"Hindi ko maipaliwanag pero naging interesado ako sa mga bagay tungkol sa mundo niyo at gusto kong malaman kung sino ka."

 

 

"Bakit naman, tsaka bakit ako? eh tatlo naman kaming pumasok sa mansyon nila Cheche tsaka ni Layu."

 

 

"Hindi ko din alam. Pero totoo ang sinasabi ko, nung nagpunta kayo dun, naging interesado na kaming tatlo nila Gisele at Sorin na libutin ang San Jorge pati na din itong probinsya natin. Hinanap kita at napaka galing ko dahil walang kahirap hirap, natunton ka namin."

 

 

"Ibig sabihin hindi talaga kayo lumalabas dati, tsaka anong natunton mo ako, pano?"

 

 

"Umaalis kami sa mansyon pero hindi palagi dahil pwede kaming mapahamak. Kapag wala na yung liwanag dun lang kami lumalabas."

 

 

"Bakit mo ako hinahanap dati? Catalina may gusto din pala akong malaman tungkol kay Sorin."

 

 

"Dahil gustong gusto ko yung amoy ng dugo mo. Nung una palang kitang makita naka marka ka na sakin. Hindi manlang ako nahirapan hanapin ka kaya nasundan kagad kita."

 

 

"Palagi mong sinasabi sakin yan, dugo ko lang ba yung naka marka sayo hindi ba pwede yung dugo ng iba?"

 

 

"Komplikado at malilito ka lang Minjeong. Hindi ko din pwedeng basta basta sabihin ang mga ganitong bagay dahil malalagot ako."

 

 

"Malalagot kanino sa ate mong tulog? yung ate mo literal na sleeping beauty eh."

 

 

"Sa mga ninuno namin isa na dun yung lola ko."

 

 

"Yung lola mo, wala na ba talaga yung lola mo, tingin mo ba patay na siya?"

 

 

"Sa totoo lang hindi ko talaga alam, hiling namin na sana buhay pa siya pero may parte na gusto ko na mawala nalang siya ng tuluyan at kahit kailan wag na sana siyang babalik."

 

 

"O teka, gaga lola mo yun bakit ganyan yung mga sinasabi mo?" 

 

 

"Dahil baka mas maging matiwasay pa ang buhay kung kaming lima nalang talaga ang natitira dito sa mundo niyo."

 

 

"Sandali eh sabi mo sakin gustong gusto mo mahanap yung lola mo dba? ngayon bakit parang nagiba na ihip ng hangin."

 

 

"Gusto ko siyang makita at makasama. Ilan taon na ang nakalipas kaya nananabik na kami sakanya ni Imperia. Pero hindi ganun kadali kapag bumalik pa siya. Pasensya ka na Minjeong hindi ko pwedeng ipagsabi yung dahilan ko, delikado lalo na mortal ka at pwede nilang basahin yung isip mo. Si Yesenia palang ang nakausap ko tungkol dito pero nagalit siya sa akin."

 

 

Medyo hindi ko kinakaya itong mga sinasabi ni Catalina, ayaw ko nalang mag komento at makialam dahil baka may masabi pa akong mali tapos mabasa niya yung totoong nasa isip ko. Sigurado ako na ito yung nabanggit sakin ni Ryujin na pinagaawayan nilang dalawa ni doctora Yeji. Pwede din na konektado to dun sa binabalak niya na pagtiwalag sa lahi nila.

 

 

"Baliktad pala tayo noh," nagpatuloy na ako para medyo maiba na yung direksyon ng usapan. "Kung ikaw a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1155 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2145 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko