Chapter X

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

TW: Violence 

 

2:00am Biyernes

 

Naalimpungatan ako dahil may naamoy ako nag parang nasusunog na plastic. Binuksan ko yung ilaw sa lamesa at sinuot ko yung salamin ko. Ang lakas ng amoy, imposible na may nagsisiga dahil ipinagbawal na yun ni ate Taeyeon dito sa buong bayan namin.

 

 

Lumabas ako sa kwarto, wala ni isa sakanila ang nagigising. Bumalik ako para kunin yung baril, gusto ko hanapin kung saan nanggagaling yun dahil ang lakas ng amoy at sigurado ako na dito lang yun sa bakuran namin.

 

 

Nang makabalik ako sa kwarto napadungaw ako sa garden dahil ang lakas ng amoy na nanggagaling sa gawi na yun. Pag silip ko, dun ko na nakita, meron lumiliyab sa gitna ng bakuran namin malapit sa mga halaman. Ang laki na ng apoy, sinubukan kong aninagin kaso hindi ko makita kung ano yung bagay na nasusunog. 

 

 

Agad akong bumaba at kinatok ko sa silong yung mga kasama namin sa bahay. Ginising ko sakanila dahil kapag lumakas pa yung hangin may posibilidad na kumalat na yung apoy hanggang sa bahay namin.

 

 

"Yung fire extinguisher dun sa likod, kumuha pa kayo, bilis!" bitbit ko yung fire extinguisher na kinuha ko sa kusina. Agad akong tumakbo sa garden na tapat lang ng kwarto ko. Binugahan ko yung parang goma na nasusunog at hindi ako tumigil hangga't hindi ko napapatay yung apoy. "Sige itapat mo dyan! konti nalang mamamatay na to!"

 

 

"Ma'am Kiminjeong, pumasok na po kayo kami na bahala dito." nagsunuran na din yung tatlong body guards ni ate. "Hindi kuya ayos lang ako, sige na papatayin lang namin tong apoy!" nag ikot sila at nilibot nila yung bakuran, yung isa naman tumakbo sa gate para hanapin kung meron bang nakapasok.

 

 

"Ma'am mga gulong ito ng kotse, saan kaya galing to?" si kuya Hector yung kasama ko na nagpapatay ng apoy ngayon, siya yung driver ni ate. "Hindi ko po alam kuya, naamoy ko nalang nung natutulog ako, pag silip ko ayan nagliliyab na. Sino kayang may gawa nito? malamang may nakapasok nanaman dito."

 

 

"Diyos ko po, ayan sigurado ako gulong ito ng sasakyan at mukang mga bago pa. Kailangan nilang macheck yung cctv dun sa dalawang gate." 

 

 

Kumuha ng balde yung iba pa niyang kasama at binuhusan kagad yung mga nasunog na gulong. "Apat na gulong ang sinunog saan naman kaya galing to? Kuya pwedeng paki tignan niyo yung mga kotse dyan, lalo yung kay ate. Paki tignan kung kumpleto icheck niyo din pati yung makina at tignan niyo mabuti yung mga brake." nagtakbuhan na sila kuya Hector at yung isa niya pang kasama para tignan yung mga kotse na naka park banda sa likod bahay.

 

 

"Kiminjeong anong nangyayari dito?!" ayaw ko na sana gisinigin yung ate ko pero ito, narinig niya kami na nagkakagulo dito sa labas. Nagsunuran na din sila Manang Carmen. "Ate nadatnan nalang namin na may nasusunog dito, may nag iwan ng apat na gulong na umaapoy. Ang laki na ng apoy kanina kaya tumakbo ako pababa, ginising ko sila."

 

 

"Sino naman kaya ang may gawa nito. Kailangan nanaman natin mag ingat baka gaya nanaman ng dati."

 

 

"Ate pumasok ka na please, ako na bahala dito. Manang Carmen pumasok na po kayo. Ate sige na," pag mga ganito talaga, sobrang nappraning ako, kung ano ano naiisip ko at sobrang natatakot ako na baka mapahamak si ate Taeyeon. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sakanya, kay Cheche tsaka sa mga kasama namin dito sa bahay. "Ate dali na, nagiikot naman na yung mga guards eh hinahanap na nila kung sino nag iwan. Pumasok ka na sa loob."

 

 

"Pumasok ka na din, baka andito pa yung may gawa nito. Kiminjeong halika na."

 

 

"Oo sandali lang, hintayin ko lang sila kuya Hector, titignan namin to."

 

 

"Mayora, kami na po ang bahala dito, iikutin pa po namin yung paligid, iccheck na din namin yung mga cctv."

 

 

"Kiminjeong wag ka ng magtagal dyan. Hector, mamayang umaga pag aralan niyo kung sino ang may gawa nito at kung pano naipasok yan dito."

 

 

"Opo Mayora, yun po ang una namin gagawin." nung pumasok na si ate Taeyeon, tinanong ko na kila kuya Hector yung kalagayan nung mga sasakyan. "Ayos naman po lahat ma'am kumpleto ang mga gulong, mamaya kapag may liwanag susubukan namin isa isa at titignan din namin yung mga brake at makina. Natignan na namin yung tatlo dun sa likod, pati yung sasakyan niyo kumpleto ang gulong pati yung mga reserba nakakabit, yung isang sasakyan lang ni Mayora ang hindi pa namin nakikita kasi wala dito."

 

 

"Ano po yun kuya?" binanggit niya yung tungkol sa sasakyan ni ate, isa lang naman ang alam ko na wala dito ngayon. "Yung van na puti, yung hiniram niyo po nung isang linggo."

 

 

"Van na puti, oo nga pala. Pwede po ano, paki linis nalang to tapos ilagay niyo sa isang tabi, titignan ko mamayang umaga."

 

 

"Sige po, wag kayong mag alala lilinisin namin to ngayon. Pumasok na po kayo sa loob, mag aalas tres na ng madaling araw. Kami na po ang bahala dito."

 

 

"Salamat po kuya Hector."

 

 

"Kiminjeong!" napalingon ako nung may tumawag sakin. Nung makita ko, si Minji nakatayo siya sa terasa. "Minji ano yun?"

 

 

"Pwede ba kitang makausap?"

 

 

"Oo saglit, pupunta na ako dyan." madalian akong umikot at umakyat sa bangsal tapat ng kusina ng bahay namin. Dito na ako dumaan para mabilis akong makapunta sa terasa. "Minji, ano yung sasabihin mo sakin?"

 

 

"Ahh wag mo nalang siguro ipagsabi lalo kila mayora at kay mama. Nung isang gabi, alam ko na nakita mo din, may nagiikot dito satin. Pangatlong beses na to."

 

 

"Teka ano ibig mo sabihin, panong nag iikot?"

 

 

"May nagpupunta at umaaligid dito sa bahay natin, dito mismo nakakapasok sa bakuran. Hindi ko pa alam kung sino at kung ano sila pero kailangan natin mag ingat."

 

 

"Nangyari na ba to dati?"

 

 

"Ngayon ko lang naramdaman to kaya sobrang bago sakin."

 

 

"Minji hindi ko maintindihan eh. Ano yung nag iikot, aswang ba o mga ligaw na kaluluwa nanaman gaya nung mga madalas mong nakikita?"

 

 

"Hindi sila kaluluwa Kiminjeong, nakakasigurado ako dun pero hindi ko pa alam kung ano sila. Itong nag sunog ngayon dito satin, hindi ito gawa ng normal na tao. Maniwala ka sana sakin."

 

 

"May kinalaman ba to dun sa itim na nakita ko sa bintana ko nung isang gabi?"

 

 

"Oo, nakita ko yung itim na anino, lumipad galing sa kwarto mo."

 

 

"Ha? Galing sa kwarto ko?!!"

 

 

"Ssshh, oo. Wag ka maingay dahil baka pagbawalan nanaman ako ni mama at mapapagalitan niya pa ako."

 

 

"Ang gaga mo naman Minji galing pala sa kwarto ko hindi mo manlang sinabi sakin? Eh nakita kita nun ha."

 

 

"Baka kasi matakot ka at hindi ka na makatulog. Hindi yun kaluluwa Kiminjeong, iba ang kutob ko sakanila."

 

 

"Sakanila? tangina ibig sabihin madami sila?!"

 

 

"Dalawa."

 

 

"Puta naman tapos nasa kwarto ko pa, eh ano yun?"

 

 

"Aabangan ko gabi gabi kaya wag ka mag alala. Pero may itatanong sana ako sayo at sana masagot mo ito. Wala ka bang nakakasalumuha na ibang tao, o ibang klase ng tao itong mga nakaraan araw?"

 

 

Jusko, ang lakas talaga ng kutob nitong batang to pagdating sa mga kababalaghan. Aaminin ko ba sakanya o dapat ko bang ikwento yung tungkol sa mga vampira sa mansyon, aaminin ko ba na nagulpi kami ni Ryujin kamakailan lang, o dapat ko bang aminin sakanya na nagkagusto ako sa magandang vampira. Gagawin ko ang tama at kung ano ang nararapat. Si Minji itong kausap ko, alam ko na maiintindihan naman niya ako at naniniwala siya sa ganito.

 

 

"Ah wala, wala naman. Si Layu, si Sharpay, ikaw tsaka si Sito lang ang madalas kong nakakasalamuha. Yun si Sito, ibang nilalang yun, siya ay isang kutong lupa."

 

 

"Hahaha, natanong ko lang kasi dahil pwedeng nakagambala ka at binabalikan ka nila. Tandaan mo, hindi lang tao ang naninirahan dito sa mundo natin."

 

 

"Oo alam ko, naniniwala ako dyan. Tara na, matutulog na ko. Pumasok ka na din, baka mapagalitan ka pa ni Manang." 

 

 

 

 

 

6:00am Biyernes

 

Nang magising ako pinuntahan ko kagad yung mga gulong na nasunog kaninang madaling araw. Tangina sobrang nanggagalaiti ako ngayon dahil totoo nga, yun ay mga gulong ng van na hiniram ko kay ate, sigurado ako at hindi ako pwedeng magkamali, isa lang ang may kagagawan nito, yung mga lecheng vampira na ayaw kaming tantanan. Sigurado nag sumbong na yung isa pang kauri nila na nagpapanggap na doctor. Babawian nila kami ng matindi dahil sa pagputol namin ng kuryente kahapon at alam ko na papatayin na nila kami dahil sa ginawa namin kay Yeji.

 

 

Nung makita namin siya kahapon, yung kilos, pananalita, itsura niya at lalo na yung kulay ng mata walang pinagkaiba kila Catalina. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya nasasaktan sa sikat ng araw at kayang kaya niya na maglakad sa labas kahit tanghaling tapat. Nag iba yung tono ng pakikipag usap niya samin at bigla siyang nagalit nung nagpupumilit na kaming umalis. Buti nalang talaga nakapag handa kami dahil nung susunggaban niya si Ryujin, nalabanan at pinagtulungan namin siya. Dun namin napatunayan na vampira nga siya dahil halos mamatay siya sa sakit nung pinakain namin siya ng bawang at pilit kong ishnoot sa damit niya yung iba na hawak ko. Kitang kita ko kung pano siya namilipit at nagsisigaw kaya ngayon tanggap ko na, nag declare kami ng gera sakanila, inaasahan na namin to ni Ryujin, kaya damay damay na.

 

 

 

 

Wala pa din akong cell phone at hindi sumasagot si Ryujin sa landline kaya inakyat ko na siya sa bintana ng kwarto niya. "Layu, gising!" inaalog ko yung balikat niya pero hindi pa din siya magising. "Layu!!!" sigaw ko sa tenga niya."Tangina ano ba naman yan Kiminjeong ang aga aga. Ano ba yun makikialmusal ka? pumunta ka na dun gising na yun sila papa."

 

 

"Tanga kumain na ako, may nangyari kasi kaninang madaling araw. Wala akong phone kaya hindi kita macontact tsaka wala naman kasing kahit isang sumagot sa telepono niyo."

 

 

"Ano ba nangyari?" pupungas-pungas pa siya at hindi pa din bumabangon. Sumasagot na siya sakin kahit nakapikit pa. "Ito nga makinig ka." umupo ako sa paanan ng kama at niyakap ko yung isang unan. "Kasi Layu nung madaling araw, nagising nalang ako na andun si Gisele nakaupo sa kwarto ko. Sinabi niya sakin na simula daw nung makita ka niya, hindi ka na maalis sa isip niya. Tinatanong niya kung may nararmdaman ka at kung gusto mo din daw ba siya."

 

 

"Gago ka Kiminjeong anong sinagot mo?!! Sinabi mo ba?!! Ano sinagot mo!" kitang kita ko kung pano nabuhayan ang dugo niya at bigla siyang napabangon sa kama. "Ito sinagot ko!" binato ko sa muka niya yung unan na hawak ko. "Hindi totoo yung sinabi ko! Tangina pag kay Gisele para kang na-hypnotize bigla bigla kang tumatayo parang gago."

 

 

"Ang epal mo naman, hindi talaga totoo?"

 

 

"Hindi ka pa nga gising pero umaasa ka na, hindi totoo imbento ko lang yun. Tsaka kalimutan mo na yun dahil may gagawin tayo ngayon. Makinig ka muna sa kwento ko. Kaninang madaling araw nung sumilip ako sa garden katapat ng kwarto ko nakita ko nalang na may apat na gulong na nasusunog. Tinignan ko kanina at inisa isa ko, yun ang mga gulong ng van ni ate Taeyeon na naiwan natin sa mansyon."

 

 

"Hala gago sinunog nila?"

 

 

"Ano pa nga ba, Layu dahil sa ginawa natin kay Doc Yeji, sigurado ako at tanggap ko na, na yung isang paa natin nasa hukay na."

 

 

"Isang paa lang?" nagtaka ako sa reaksyon niya, bigla niyang tinaas yung isang paa niya at pinatong niya sa kama. "Hoy ano yan ginagawa mo?" tinitignan at hinawakan niya ngayon yung bukong-bukong niya. "Ano ginagawa mo?"

 

 

"Tinitignan ko kung may lupa." umiikot ikot pa talaga siya sa harap ng salamin at tinitignan niya yung likod ng legs niya. Ito problema kay Ryujin, pagkagising niya lalo kapag napaka aga. Matagal siyang wala sa ulirat at hindi makausap ng maayos. Wala siyang naiintindihan kahit ano pang sabihin ko sakanya. "Malinis Kiminjeong, tsaka nag lotion pa ako kagabi bago matulog."

 

 

"Layu, kung yung ulo mo kaya ibaon natin sa hukay? Ano ka ba, metaphor kasi yun! ibig sabihin sobrang delikado yung buhay natin dahil sa nangyari kahapon."

 

 

"Yung knkwento mo ituloy mo na. Sino nag sunog nung mga gulong? tsaka ilan yung gulong?"

 

 

"Apat, tinignan ko kanina mabuti. Yun yung mags nung van ni ate Taeyeon na naiwan natin sa mansyon. Yung apat sigurado ako sila yun, nalaman na nila yung ginawa natin kay doctora pati yung sa pagpatay natin ng kuryente at tubig nila. Yung pag sunog ng mga gulong hindi yun yung ganti nila, babala palang yun. Pinamuka lang nila na pagbabayaran natin yung mga ginawa natin."

 

 

"Jusko, pang ilan round na to kung sakali?"

 

 

"Pangatlo, hindi to titigil hangga't walang napapahamak eh, at hindi tayo yun! Kaya balak ko na unahan sila. Simulan na natin ngayon, Ryujin seryoso ako, babawian nila yung mga kapatid ko. Tsaka pati yung magulang mo hindi malayong madamay sila. Mas matindi na yung galit nila satin dahil sa nangyari kay doctora hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya."

 

 

"Eh ano na gagawin natin Kiminjeong?"

 

 

"Patayin na natin sila, gagawin na natin ngayon yung isang plano. Ngayon umaga na dahil wala na tayong oras hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa pamilya natin. Kaya ito na, pasensyahan nalang. Patayin na natin silang apat, kailangan natin gawin to."

 

 

"Ha? Pero teka kailan yan?"

 

 

"Ngayon na nga, ngayon mismo! Ngayon na kaya magbihis ka na."

 

 

"Gagawin na natin yung isa pang plano?"

 

 

"Oo nga ang kulit mo! Layu may kutob kasi ako na si ate Taeyeon yung isusunod nila eh. Hindi ako matatahimik nito, may mangyayari na hindi maganda."

 

 

"Baka naman tayo yung mapahamak dito Kiminjeong?"

 

 

"Hindi ka ba handa? Naiintindihan ko naman. Sige, ayos lang sakin, saka nalang natin gawin yung plano." 

 

 

"Hoy kilala kita, pag ganyan ka magsalita ibig sabihin susugod ka dun mag isa. Sige hintayin mo ako magbibihis lang ako. Pag namatay tayo ngayon araw, pano?"

 

 

"Hindi na nga natin gagawin pero parang gusto ko muna lumayo. Ewan ko, gusto ko kasama ko lagi si ate Taeyeon tsaka si Cheche, para lang makampante ako na walang mangyayari sakanila. Pumunta na muna kaya tayo sa Quezon City kaso pano naman si ate Taeyeon jusko. Pati yung mga magulang mo. Layu pasensya na talaga na nadamay ka dito."

 

 

"Wag ka mag ganyan Kiminjeong. Alam mo naman na magkasangga tayo lagi kaya nga tayo tinawag ni Mayora na anino."

 

 

"Pero hindi na kasi biro to eh, kapag naalala ko yung nangyari kay doctora yung bawat sigaw niya putangina lagot na lagot talaga tayo. Hindi na tayo bubuhayin nung mga yun."

 

 

"Grabe tong mga vampira na to, napaka salot nananahimik buhay natin biglang ngayon ito na. May mga kaaway na tayo na hindi normal na tao."

 

 

"Ibigay ko nalang kaya sakanila yung mansyon, papabayaan ko na para lang matahimik na tayong lahat."

 

 

"Binigay mo nga pano kung bigla pa din bumawi at patayin tayo? edi lugi at naisahan ka nanaman. Tangina dapat sila dyan yung mawala na, hindi na sila kailangan sa mundo. Kaya tama, tara na. Hintayin mo ako magbibihis lang ako. Halika na para matapos na to."

 

 

"Sige ubusin na natin sila, kailangan na nilang magpahinga at matahimik."

 

 

 

 

11:00am sa Mansion De los Condenar

 

Wala talaga akong balak gawin itong isa pang plano namin, pero dahil sa nangyari kaninang madaling araw, nakikita ko na ang kahihinatnan namin ni Ryujin. Hindi kami pwedeng mag aksaya ng oras, alam ko na seryoso si Imperia sa banta niya sakin na idadamay niya lahat, lalo yung mga kapatid ko. Nung sinilip namin yung van kanina, tama nga ako, sinunog nila yung mga gulong nung sasakyan at hinatid pa sa bahay namin.

 

 

Nagpunta kami dito gamit yung sasakyan ko pero nag dala pa din kami ng isang motor na iniwan namin malapit sa gate. Desidido na ako, hindi ko alam kung kasalanan sa Diyos to pero papatayin talaga namin sila, iisa isahin namin yung apat na vampira at uunahin ko si Catalina dahil siya at si Imperia yung pinaka malakas sakanilang apat.

 

 

Ito yung pinag planuhan namin ng ilan araw, isa isa namin ilalabas yung mga kabaong nila at ippwesto namin sa tapat ng mansyon para mabilad sila sa arawan. 

 

 

Nagdala din kami ng plywood na medyo makapal. Pinagtulungan namin buhatin to dahil ito yung rampa na ilalagay sa hagdan. Dito namin papadaanin yung trolley ng kabaong para mas mabili namin mailabas.

 

 

"Layu itong carpet latag na natin dito sa damo, hanggang dun papunta sa bangin malapit sa torre!"

 

 

"Sige, yung mga sako ng bawang nasaan na?"

 

 

"Andyan sa likod ng jeep, tara ibaba na natin!" binuhat namin yung mga sako ng bawang na binili namin kanina sa palengke. Nakita namin na mabisa to dahil halos dito mamatay kahapon si doctora Yeji. Gagamitin namin to dun sa apat, kung aatake sila, papasakan namin ng madaming bawang yung bibig nila tsaka ipapahid namin sa katawan nila.

 

 

Dinala ko na din yung gas para pangsunog ng mga kabaong. Tag isa kami ng lighter ni Ryujin at nagdala din kami ng madaming posporo. Ito yung pinaka gagawin namin. Bubuhusan namin sila ng bawang habang nakahiga sila sa kabaong, tapos kapag bumangon at naglakad sila sigurado matutusta sila sa sinag ng araw. Kapag lumabas sila, dun din namin susunugin yung kabaong para wala silang lusot, wala silang tatakbuhah hanggang sa maging abo sila.

 

 

 

 

Nang maihanda na namin lahat nung gamit sa labas, tumayo na kami dito sa portico at bubuksan ko na yung pinto ng mansyon. Sa totoo lang, halos lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba, alam ko na parehas kami ng nararamdaman ngayon ni Ryujin. Dalawa lang kasi ang pwedeng mangyari, magagawa namin ng matiwasay yung plano o mamamatay na kami mamaya.

 

 

"Layu handa ka na?" sinuot ko yung cross na binigay niya sakin kahapon at hawak ko na din yung casket trolley."Kiminjeong pwede magdasal muna tayo?" kita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1155 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2146 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko