My Amaryllis

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Birthday ko na. Bagong taon na. Gravy.

     Akalain niyo yun, 365 days ago, mag-isa lang akong nagccelebrate at naiinggit sa mga magjojowa na nagmmyday na magkasama sila for the new year.

     Naaalala ko pa, dumaan kami ni Papa nun sa Starbucks para bilhan si Mama nung tsaa na gustong gusto niya after namin i-pick up yung fried pork belly na inorder ni Mama from some IG shop. May magjowa nun na nauna sa amin sa pila at jusko lang, kung makakapit yung babae dun sa boyfie niya, akala mo aagawin ng lahat.

     Dikit na dikit sila sa isa’t isa tapos nagbubulungan pa, top secret yarn? Confidential? Bawal talaga malaman?

     Hehe, spoiler alert, this year kami na ni Wako yun.

     Wala kami sa Starbucks pero nasa 711 kami.

     Nagpapabili yung Papa ni Giselle ng lighter at nawawala’t hindi daw mahagilap yung meron sila sa bahay. Dala ko naman yung motor at nauna akong pumunta dun sa bahay ng Tita ni Gi para tumulong sa pag-aayos at missing in action ako sa paglilinis kahapon.

     Hindi ko nga alam kung bakit ngayon lang napansin ni Tito Larry na nawawala pala yung lighter kung kelan mag-10 na ng gabi. Sarado na din yung mga tindahan dun malapit sa village kaya nganga, sa 711 kami napadpad magjowa.

     Ang kulit din nitong kasama ko eh, sabi ko sa kaniya wag na siya sumama at magmomotor lang naman ako, kaya ko naman na ang laki laki ko na eh. Baka ako ang birthday girl ngayon. Naka-dress din pati kasi siya kaya mahihirapan pa siyang sumakay pero ayun, in the end, persistent.

     Pinahiram siya ni Gi nung jacket na suot niya bago kami umalis kaya covered naman ang legs ni Wako nung nagbyahe kami. Ang ganda niya nga ulit tonight eh (kelan ba hindi). Black strapless na dress tapos maikli din siya hanggang sa taas lang ng tuhod niya then combat boots kaya naman napaka-pretty muli ng aking bebi. Ravishing rather. Enticing.

     Sinadya niya daw suotin to at alam niyang magbblack din ako. (Saka for sure daw magugustuhan kong ito yung suot niya. Mangaakit talaga)

     Yung binigay kasi sakin na regalo ni Gi this Christmas was a black collared top and she made me promise na ito daw isusuot ko sa birthday ko nang maisip niya nga na sama sama na kaming magcelebrate dun sa bahay nila. No choice naman ako at um-oo since bigay na rin naman niya and I think, 100%, nagsabwatan silang dalawa ni bebi at matchy matchy kami this evening.

     I love it actually. I told her this dati na kapag kami nagdate sometime soon, try namin mag couple outfits and ito, birthday na birthday ko, twinning kami ng girlfriend ko. Love niya nga ako….

 

     Kakainis, pagkapasok na pagkapasok ng 711, puro lalaki yung tao sa loob. May bumibili ng alak, ng sigarilyo, yung isang binata pa tignan may hawak na lata ng evaporada tapos- ay nakita ko yun, dumekwat ng condoms si kuyang naka camouflage. Nako kuya ha, happy ang new year mo.

     Kapit tuko lang naman ako sa girlfriend ko at they all looked at us when we went in. Hapit na hapit ako sa balakang niya at napatingin pa ako sa kaniya to make sure na maayos siya tignan. Lahat na mangyare, wag niyo lang babastusin tong girlfriend ko.

     Umakbay naman siya sa akin ng hapitin ko siya papalapit. ‘Dami naman kasi tao nakakainis’ pagalit kong sabi habang inaayos yung jacket na sinuot muna niya. Infairness, pati yung jacket ni Giselle bagay pa rin sa fit niya. Who knew black and brown looks good together.

     ‘Gal, it’s a convenience store, madami talaga tao’ tinignan ko siya, nakangiti na siya sa akin.

     ‘Eh,’ pabebe akong nag-emote bago siya hatakin dun sa may lagayan ng mga hotdog, andami pang nakapila mamaya na kami sisiksik. ‘They’re looking at you’

     ‘I’m only looking at you naman’ agad niyang sagot bago ako halikan sa pisngi. Hehe, gulat yung isa eh. Opo kuya, girlfriend ko po ito.

     Nagtingin tingin ako habang naghihintay kami dito sa gilid. ‘May gusto ka?’ tanong ko kay Wako bago lumingon kay Kuya sa cashier, tinitignan niya din kami kanina pa. ‘Kuya magkano lighter?’ ’25 po ma’am’ tumango tango ako bago humarap ulit kay Wako. ‘Dalawa na bilhin natin para sure’

     Pumila na din kami ng lumabas yung isang grupo ng mga kalalakihan na bumili ng kung ano anong alak, mostly red horse.

     Patiently waiting, kami na ang sunod sa pila at naglanding naman yung tingin ko dun sa display case ng durex na bawas bawas na sa may cashier. ‘Di na natin need nito, no?’ tanong ko sa kaniya sabay turo.

     Agad niyang tinignan to at sinamaan ako ng tingin. ‘Gal’ mababa niyang saway.

     ‘Bakit? Bili tayo gusto mo?’ kukuha na sana ako ng isang box pero agad niyang tinabig yung kamay ko’t hinawakan. Ang hyper ko na ata.

     ‘Parang tanga’ natanga pa nga.

     Kumuha na ako ng dalawang lighter mula dun sa lalagyan habang nagbabayad yung lalaking bumili ng samo’t saring sigarilyo sa harapan namin. Mukhang taga village din to eh, bmw yung logo dun sa susi niya.

     ‘Bili ako coffee’ biglang bulong ng katabi ko na ikinatayo ng balahibo ko. Napalunok ako ng laway dahil sa kaniya. Ang lapit mo baby.

     Wow akala mo hindi ako parang koala kanina eh.

     ‘Pag yang sikmura mo sumakit, iinom ka pa mamaya diba?’

     ‘One lang Gal, hot naman eh’ sabi niya sabay turo dun sa nananahimik na coffee machine sa gitna. Parang masarap nga ang mainit na inumin. Ang lamig kasi sa labas, maghahating gabi na din.

     ‘Kumuha ka na, hati tayo. Wag yung pure black’

 

 

 

 

     Mabilis akong nagmaneho pabalik habang nakakapit sa bewang ko si Wako. Hindi ko naman sinagad sa max limit yung speed ko pero mabilis pa rin kami at anong oras na, ayoko abutan ng birthday ko tapos nasa labas kaming dalawa.

     I can tell na uncomfy si Monique sa pwesto niya sa likod ko kaya as much as I can, pinapaikli ko na din yung byahe namin at ang awkward nga naman nung pagkakaupo niyang patagilid tapos nakaharap siya sa akin. Baka manakit pa ang balakang nitong babaeng to.

     Pagdating namin sa village, nagsabi lang kami ng lot at surname nina Gi bago dumire-diretso ulit. Tinanggal ko na din yung jacket sa lap niya para wala siyang hinahawakan na iba since wala namang mga tao sa labas ng bahay nila.

     Ilang liko lang ay nakarating na agad kami sa street nina Gi at-

     Bakit ganun?

     Parang nadagdagan ng dalawang kotse yung nakapark sa may bahay nina Gi. Kanina tatlo lang to eh. Isa kayna Mama, kayna Wako tapos yung kayna Gi….

     Nagpark ako sa harap ni Kona at agad na nagpatay ng makina. Hinayaan ko munang bumaba si Wako bago ako sumunod. Kakatanggal ko pa lang ng helmet ay nakakapit na siya sa akin. Anong meron?

     Dali dali niya akong hinila papasok sa loob at ang bilis niya lang maglakad, nakaladkad yata ako.

     ‘Ayan na sila!’ narinig ko naman yung boses ni Ning. Nakita ko siyang nakasilip sa amin dun sa bintana sa may pinto.

     Ganun ba kaimportante yung lighter at lahat sila inaabangan to?

     Sabi naman ni Tito Larry gagamitin lang daw to pag putukan na at marami silang mga fireworks at mga pailaw na nabili mula sa Pampanga a few days prior.

     Tumigil muna kami sa tapat nung pinto at inayos niya kaming dalawa. Naririnig ko yung mga bulungan ng tao sa loob, baka aligaga pa rin sa mga pagkain ganun.

     She fixed my hair, she straightened out my collar, and gave me a quick kiss on the lips bago niya hawakan yung door knob.

     Hindi ko pa naaayos yung buhok niya eh.

     Ano bang…. Oh.

     Parang alam ko na to.

     Parang ang foreseeable niya pero ngayon ko lang nakikita.

     Are they going to surprise me? Pero tumulong ako sa pagdedecorate, happy new year yung lobo sa may lamesa, hindi happy birthday.

     Are you going to surprise me, Wako?

     Sinulyapan ko si Wako at nakangiti na siya bago pa niya buksan yung pinto, she’s not looking at me but, in some way, I could say na she’s smiling because of me. That’s like, the same smile na meron siya nung sinabi kong gusto ko din siya, saka nung naging girlfriend ko siya, saka nung first time ko siyang hinalikan ng madiin.

     Pare-pareho yung sinasabi sa akin ng ngiti niyang to, masaya siya at konektado sa akin yung dahilan ng saya niya.

     Binuksan niya yung pinto and ganun pa din naman. Maayos na yung pagkain, yung decorations namin yun pa din, sila sila pa rin yung tao.

     Pero bakit naka mute yung TV? Saka bakit lahat sila nasa may pagkain na?

     Tinignan ko sila ng maayos at habang dinadaanan ko yung mga mukha nila, nakita ko sina Ate El saka Ate Den pero yung balloons sa gitna, bakit iba na yung-

     ‘Happy birthday!!’ they shouted all together while I take my first step papasok ng bahay.

     So, they did surprise me.

     Happy birthday na yung balloons dun sa may foil na kurtinang black and gold, hindi na yung happy new year na nilagay namin ni Ning kanina.

     Isa isa ko silang tinignan, lahat sila may mga ngiti sa mukha tapos andito na nga din sina Ate Elise at Denise. Akala ko sa parents na sila ni Ate Den mag new year eh.

     Binalik ko yung ngiti ko sa kanila bago ko harapin yung katabi ko, tulad ko, nakangiti lang din siya. Lahat kami nakangiti lang. Ang saya naman ng birthday ko this year. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero sure ako na masaya ako sa nakikita ko.

     Nilapitan niya ako before holding one of my hands. Huy baby, andaming nakatingin sa atin.

     ‘Happy birthday Mypo.’ She greeted me before kissing me on my cheek. Di naman siguro kami papagalitan ni Tito Erns.

     Tito, Tita, anak niyo po nanguna kitang kita na po.

     ‘I love you, Winter.’

     ‘Isa pa nga!’ tignan niyo, si Ning nanaman to. Kailan ba kami papatahimikin ni Ning.

     Narinig ko naman siyang sinaway ni Ninang, ha buti nga sayo.

     ‘I love you kahit masungit ka’ rinig ko nanamang bulong ni Wako bago niya patulan yung hiling ni Ning. Hinarap niya yung ulo ko sa kaniya at ninakawan ako ng halik sa labi.

     Oh, my goodness ka Catherine!

     Aba jusko, ang mga magulang naming lahat nandidito!

     

 

 

     Nananahimik po ako, siya po yung pabehave-in niyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

     Every one of our parents wished me a happy birthday kahit hindi ko pa naman talaga birthday. I accepted them na at may pa surprise pa si Ninang. She gave me a red envelope. Hehez, thank you Ninang Fe.

     Pinagsabihan din pala ako ng pabiro ni Tito Ernie, bakit naman daw hindi ko hinalikan pabalik yung anak niya. Ka-nerbyos lang.

     Tawang tawa pa sina Ate Rene at Kuya nung marinig nila yung sinabi ni Tito sa akin, pati sarili kong tatay, nangantsaw. Ang hina ko daw manghalik.

     Ah talaga lang Pa? Gusto niyo ng demo?

     De joke lang po.

     Gulat nga si ako at may gifts sa akin yung parents ni Gi. Nalaman daw nila from Gi na mahilig daw ako sa soju, jusko lang Salvatore. Yun lang daw ang mabibigay nila sa akin for now since busy daw sila for the past few days pero rest assured, I thanked them for their gifts at I highly appreciate them.

     Isang pack of 3 na soju yung regalo sa akin nina Tito and Tita Uchi tapos isang set ng personalized shot glasses. May mga engraved na snowflakes dun sa apat na shot glass and sakto nga daw yun para sa aming magkakaibigan kapag magkakayayaan ng inuman.

     Si Tito Larry pala nagturo mag-inom kay Giselle kaya gora kung gora lang sila sa pag pursue ng anak nila sa mga inuman.

     Ayun, may shot glass na kaming bago sa bahay ngayon, thank you Tito Larry and Tita Jo!

     Nag set-up na din pala sila ng karaoke habang wala kaming dalawa kanina, kumakanta na si Ning saka si Tita Jo ngayon, ang close lang nila, pwede maging in-laws. You never know.

     Si Kuya ayun kasama yung tatlong mga tatay namin at tumitira na sila ng alak, whiskey ata or something, pero si Kuya San Mig pa rin hawak. Weak din yan eh, magkapatid nga kami.

     Hinila ko na si Wako mula sa Ate niya saka kay Gi, nandun lang sa isang sulok sina Ate El at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam paano sila napadpad dito. Ganun ba kami katagal nawala kanina? Debale dun pa namin inubos yung kape. Mga galawan talaga ni Monique.

     ‘Ate El?’ maingat kong tawag at nagtatawanan silang magjowa. Lumingon naman sila agad at naglanding agad sa akin ang tingin nila.

     ‘Uy Wints’

     ‘Happy birthday’ bati ni Ate Denise bago niya kami yakapin dalawa ng girlfriend ko. Mukhang hindi rin naman talaga surprised si Wako sa mga naging kaganapan kani-kanina lang. Gorang gora pa nga siyang nagyaya kumain ng mag-udyok na yung mga magulang namin eh.

     Ewan ko ba, seeing her cousin and her girlfriend dito, ang happy ko lang. Parang sila kasi yung unang girlfriends na nakita ko na naging kaclose ko. Nakakatuwa isipin na when I hear the word ‘girlfriends’ sila, kami tapos sina PatNes ng Ben and Ben agad naiisip ko.

     Parang sobrang sobra na yung kasayahan ko when it comes to knowing couples like me and Monique.

     Sana naman walang kapalit to. Sana yung saya na natatanggap ko ngayong gabi ay wala ding kapalit kinabukasan.

     Tinignan ko si Ate El na nakatingin lang din sa amin. Naghihintay siguro kung bakit ba kami nandito.

     ‘Kelan….’ nahuli naman niya agad yung tanong ko. ‘Kani-kanina lang, kasama din dapat sina Adam saka sina Tita.’ naubo pa si Ate. Yuck, covid. Joke lang po.

     ‘Kaso masama daw pakiramdam ni PJ kaya hindi sila nakatuloy’ oh tamo, nandito pa dapat sina Tita nila. Yung asawa kasi ni Tita Liza, OFW. Tuwing summer lang daw nakakauwi kaya kapag holidays, for the past few years ay absent nga.

     Nakaclose ko na din yung si Tita nila, ang hilig nga kasi ni Adam na sa akin sumasama. Tapos ka-vibes ko din kahit papaano si PJ, parehas kasi kaming masungit pero makulit.

     ‘Kami yung may dala ng lasagna, luto ng mommies ni Tim’ pag-inform ni Ate Elise habang nakaturo sa lamesa. Ang sarap nun ha! Nakadalawang kuha ako.

     Kaya pala nagtaka din ako, bakit nagka-lasagna bigla na handa. Sweet naman ni Ate Den.

     ‘Oh really?’ tanong ni Wako kay Ate Denise. ‘Yup, mahilig kasi si Mama sa ganyan’ sa akin pa rin pala nakatingin si Ate Elise, napasinghot tuloy ako. ‘Okay ka lang?’ genuine niyang tanong bigla.

     Bakit, panget ba itsura ko?

     ‘Masaya lang’ totoo. Ang saya ko lang. Hindi ko naman hinihiling na ganto yung birthday ko pero, malay ko ba, kahit hindi ko naman fully ka-close lahat ng kasama ko ngayon. I feel safe and welcomed. And loved.

     ‘Yie, welcome to the family’ pagbibiro ni Ate Elise after nudging my shoulder. I shyly smiled back. ‘Matagal nang welcome si Gal’ panimula ni Monique. Lahat kami napatingin sa kaniya. ‘Late ko lang naintroduce’

 

 

 

 

     Niyaya ako lumabas ni Rylee. Naiingayan na daw siya sa loob tapos may pool nga daw dun sa likod. To talaga, basta pool gusto lapitan.

     Sabi ko basta wag siyang maliligo bigla at um-oo naman siya.

     Ito ako ngayon, nagbabantay ng kapatid na halos trese anyos na. Ayos no?

     Ayos nga din to eh, may ka-video call. Nagbibinata na talaga.

     Nakaupo lang siya sa gilid ng pool. Nagmakaawa sa akin kung pwede daw ba kahit paa niya lang ibabad niya. Sabi naman ni Tita Jo malinis yung pool kaso nga lang baka lamigin kami pag naligo kami kaya she didn’t advise din na we go in. Pero pinayagan ko na si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!