Ha?

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako kasi mainit na. Ramdam ko na yung pawis sa likod ng hita ko at sa sulok sulok ng leeg ko.

     Alam kong wala ako sa kwarto ko kasi kahit naman tumirik na ang araw eh malamig pa rin dun kasi madaling araw na namamatay yung aircon ko pero yung aircon kasi dito sa sala ni Gi eh pinatay na namin kagabi pagkatapos niya maligo at sobrang lamig bigla, siguro dahil anong oras na din yun.

May electric fan naman kami ni Wako tapos alam ko meron ding maliit na stand fan na inakyat si Monique kagabi dun sa pwesto ni Ning, hindi na nga daw isasara ni Gi yung pinto niya bago matulog at bukas ang aircon niya dun para daw makalabas yung lamig pero parang wala namang effect.

Feeling ko sinara niya din talaga yun bago matulog, anduga nitong si Gi, ako nga gigising sa kanya at kami ang magluluto ng umagahan.

     Tinanggal ko yung kumot na nakapatong sa katawan ko at hindi ko na talaga kaya, ramdam ko yung tama ng hangin sa’kin pero hindi ko ramdam yung lamig na dala nito. Binaba ko yung kumot hanggang sa legs ko bago ako makaramdam na may nakadantay sa’kin-

Teka nga, may katabi akong natulog ah. Kaharap ko pa yun bago ako makatulog ah?

Nakaharap na kasi ako sa kusina ngayon kaya naisip ko baka lumikot ako kagabi at ito na ending position ko, pero alam ko naman na kung ano- sino I mean, tong nakadantay sa’kin samay tuhod at bewang ko.

I reached down to make sure and tama nga, braso tong nararamdaman ko tapos for sure paa naman yung isa.

Braso’t paa ni Wako to.

Clingy naman po pala- wait, small spoon ako?

Nagkamot muna ako ng braso at nagtanggal ng muta na ramdam na ramdam ko sa gilid ng mata ko bago ko sinubukan na umikot para harapin siya. Pero dahil nga nakadantay siya sa’kin, mahirap yung gusto kong gawin.

In the end inangat ko yung braso niya mula sa bewang ko at dumulas yung binti niya paalis sa mga binti ko nung umikot ako para kaharap ko siya.

Juskopo!

Anghel ata itong kaharap ko!?

We’ve had sleepovers naman na dati eh bakit hindi ganto itsura niya pag sa kama ko siya natutulog?

Sinisisi ko yung onting ilaw na galing dun sa corner light ng sala ni Gi na binuksan niya para daw hindi sobrang dilim. It shines lightly on Monique’s face and it just made her look prettier because it highlights the features on her face na kahit pa nga tulog siya eh ang ganda pa rin- basta lahat sa kaniya maganda.

My eyes came up to meet her closed ones, it’s always soothing to see her asleep when we sleep together pero iba na kasi bigla yung feeling ngayon.

Papabatok ako kay Ning mamaya kung hindi to totoo pero, girlfriend ko na kasi siya ngayong umagang to…. tama naman diba?

Girlfriend na niya ako so girlfriend ko na din siya. Tama….diba?

Napakamot ako ng ulo internally pero eto, tuloy-tuloy lang yung mata ko sa panonood sakanya, she’s peacefully sleeping, her lips parted, eyes relaxedly closed and her cheeks still look squishy kahit na nakahiga lang siya sa tapat ko.

Also, her mole, the one by the corner of her lips, I could always see it when we’re together but looking at it now, can I love a person more because of a simple mole?

Lumapit pa ako sakanya at hahalikan ko sana siya sa noo kaso may naramdaman akong malambot na humaharang sa may tiyan ko, tinungo ko to at ang nakita ko ay si Sharky. Oo dinala niya to, maliit lang naman si Sharky compared to other stuffed toys pero he was still hugable for her.

Maingat kong tinanggal si Sharky sa pagitan namin bago ako umusog ulit papunta sakanya, napalakas pa nga ata yung tulak ko sa sarili at muntik ko na siyang mauntugan sa noo.

Naalala ko naman bigla yung half-asleep na usapan namin kagabi.

Pagkahiga kasi namin, parang nawala lahat ng antok ko, not sure sakanya pero sa’kin oo. Bigla nalang nag-isip yung utak ko kung anong itatawag ko kay Wako at dahil lasing nga ako,

Umiral ang katarantaduhan ng aking isip.

 

flashback

‘Bebe quo’ pang-aasar ko kay Wako. Siya naman na yung inaantok sa’ming dalawa.

Kanina pa kasi ako nanlalaban pero eto naman kung kelan kami humiga nawala bigla.

Her face’s right by my chest at ang tuktok ng ulo niya ay nasa ilalim na agad ng baba ko. I’m not sure how we got to this position pero andito na kami eh, mukhang nakakahinga naman siya, hindi naman blessed ang aking twins kaya hindi siya mahihirapan dyan.

Kinurot niya ko sa tagiliran kaya napaigtag naman agad ako sa sakit. Napakagat labi nalang din ako at ang sakit kaya nito mangurot. ‘Joke lang joke lang joke lang joke lang’ I continuously said. She started rubbing her palm naman dun sa area kung saan niya din ako kinurot.

Ayos din to eh, mananakit tapos siya din magcocomfort. ‘Iinis ka agad eh’

‘What do you want me to call you ba?’ I held her a little bit tighter than before. She snuggled more to me as if may space pa para mangyare yun. I felt her lips moving since her face was pressed into my body pero it took her some tries bago niya masabi yung gusto niya sabihin. ‘Mypo….’ She trailed off.

‘Mypo?’

‘My pwerson’ natawa naman ako sakanya at parang first time niyang sinabi yung word na ‘person’ sa buong buhay niya, nabulol pa nga ata. I kissed her hair. Inhaling the scent of the shampoo she uses while I did it. Mas gusto ko pa din talaga yung amoy niya pag nandun ako sa sulok ng leeg niya. ‘Sige sige, I like that’

‘Pero you’re my baby na din ha, bawal humindi.’ dagdag ko. Tinanguan naman niya ako. Para akong may kayakap na batang inaantok.

‘Oki, sleep ka na’

‘Goodnight Mypo’ ‘Goodnight.’ Huminga ako ng malalim bago ko pinikit ang aking mga mata. Bumalik na din yung antok ko at sobrang saya ko lang naman ngayon.

I think nakatulog pa nga ako ng nakangiti eh, parang ewan lang.

Eh kasi naman,

May girlfriend na ‘ko.

 

     I was forced out of my trance when I felt the gentle weight around my waist moving, I think she was pulling me closer to her eh ang lapit na nga namin sa isa’t isa. I complied nonetheless, bakit ko naman hindi gugustuhin mapalapit lalo dito eh ang sarap sarap yakapin nito.

The leg that was on top of mine earlier was tossed back to wrap around me and that’s when I knew na gising na nga tong kaharap ko. Puwede na rin sigurong nickname yung ‘Koala’ kay Wako if she’s this clingy in the morning.

Clingy na rin naman siya dati pero siguro, dahil we’re already each other’s girlfriend, she’s trying the other things na she might’ve been wanting to do.

‘Goodmorning’ I warmly greeted her even though her eyes were still closed. I swept back some of the hair hindering me from seeing all of her, I know that Monique has one of the most angelic faces when she’s awake but that exact same face is magnified like a hundred times more when she’s asleep.

‘Morning’ she managed to get that out. Nakapikit pa rin siya, ayaw pa siguro gumising. I’m not sure what time it is na at ang galing lang ng black-out curtains ni Gi, ni isang patak ng sinag ng araw wala ka talagang makikita. ‘Hindi ka nga pala morning person’

‘I wake up earlier than you kaya’ voice hoarse probably dahil dun sa dami ng alak na nainom namin kagabi. Magic nga na hindi ako mamaos maos ngayon at parehas lang naman kami ng dami ng nainom.

She was stirring a little though she never let go of her hold around me. ‘Edi morning person ka?’ she nodded a no. I giggled at my own goofiness before scooting right in front of her. Gusto niya masiksik edi sisiksikin ko siya.

‘Wako’ she hummed against the fabric of my chest. Hindi naman siya malapit at hindi rin siya ganun kalayo sa left ko kaya bahala siya dyan, baka kung anong tamaan niya dyan. I wore an old sports bra to sleep naman kasi kasama ko siya saka duh, wala ako sa bahay.

‘Last night,’ I carefully tried to get my word over to her so she knows what I’m trying to do. I was watching out at baka may sabihin siya bigla pero after a couple of seconds of hearing just our breathing patterns together, I decided to continue. ‘Totoo yun diba?’ maingat kong tanong.

Hindi siya sumagot agad kaya akala ko baka nakatulog nanaman. I pulled back a little to see at aba lang, nakapikit pero nagpipigil ng ngiti yung labi. ‘Ang alin?’ she said, pretending to not know anything. ‘Eh nakakainis ka nakita ko yun ngumiti ka na’ finally, she let the smile go.

It effectively took over her pursed lips and of course I prefer the smile over it. Dahan dahan na ding dumilat yung mata niya at agad naman siyang tumingin sa’kin. Our situation right now makes her head look up to me so

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!