Dito ka lang.

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     3rd quarter na at dumidilim na din ang paligid.

     As expected, lamang ang tropang potchi kasi syempre pinalaki silang lahat ng tama ng mga magulang nila, lalo na si Rylee.

     Not saying na hindi pinalaki ng maayos yung kabilang team kaso kasi, naniniko eh. Si Rylee nga nasiko kanina pero parang wala lang naman sa kaniya yun.

     Yas opkors! Kapatid ko yan!

     Nagsasabunutan nga kami ng buhok eh!

     Grabe din, kitang kita namin nina Ning kung paano siniko si Rye kanina pero hindi cinall out na foul yun.

     Buti napigilan ako ni Wako at muntik ko nang i-demo kung paano siniko si Rylee dun mismo sa referee. Iisang player din yung palaging naniniko nakakainis yung pagmumukha niya.

     Singcuenco, kilala na kita wag kang magpapakita sa akin ng mag-isa ka tamo talaga.

     Another funny moment, nung halftime break, si Ning na ang inutusan ko na dalhin yung tubigan ni Rylee sa kaniya kaya grabe lang naman yung pang-aasar ng mga kalaro niya sa kaniya ng sumulpot si Ning tapos dala dala pa daw yung water bottle niya.

     Feel na feel naman ni beshy, ang ganda niya lang daw.

     Oh diba, how to boost your confidence, punta ka sa court maganda ka na agad.

     Nangantsaw pa nga yung isang ka-team ni Rye na mas matanda na ata sa kaniya, si Wako daw ba walang pagdadalhan ng water bottle.

     Heh, asa kayo.

     Ako pa magdadala ng water bottle sa kaniya kung need niya wag lang si Wako.

     Gusto niya mainit na tubig pa ibigay ko eh.

     Sarap sarap ng upo ng baby ko eh, inaantok na nga at nakahilig na ang ulo sa balikat ko. She’s still attentive though, tinanong ko siya kanina kung gusto na ba niya umuwi at mukha ngang inaantok siya.

     Ayaw niya daw. Nagpromise daw siya kay bunso na manonood siya ng game kaya tatapusin niya. Ang sweet lang.

     ‘Gal’ mahina niyang tawag sa akin.

     ‘Hm?’ ilang minutes nalang tapos last quarter na din kaya I’m feeling na Wako can push thru it naman. Baka umidlip nalang siya mamaya pag-uwi if gusto niya mag pull ng all-nigther o kaya there’s always a tomorrow naman.

     Deserve niya din magpahinga, kaya nga niyaya ko siya manood.

     Other than niyaya talaga siya ni Rye in the first place, I kind of want to distract her for a bit bago siya magreview ulit.

     She tends to get too hyper-focused kasi when she starts reviewing na kaya ako as a girlfriend, I tend to remind her to take breaks. Lalo na kapag more than 3 hours na siyang walang paramdam sa akin. Masama din yung sobra sobra at baka wala naman na siyang na-aabsorb.

     She stood up in front of me, pinagpag niya yung pwet niya bago nag-unat unat. ‘Bili lang kami drinks ni Ning, want something?’

     Mukhang ready to go na din naman si Ning na nakaabang sa gilid ko. Di ko napansin na nag-uusap pala sila. Pasigaw sigaw din kasi ako.

     Full on basagulera mode lang.

     ‘C2?’

     ‘Okay, si Kuya?’ tinignan namin siya. Focused din siya dun sa laro, kinalabit ko pa. ‘Kuya’ he hummed but still didn’t look at us.

     ‘Gusto mo ng inumin?’

     ‘Ice tubig lang’ muntikan ko nang hindi marinig yung sinabi niya.

     ‘Ice water daw’ pag-relay ko kay Wako. Magkatabi na silang nakatayo ni Ning, largang larga na.

     ‘We’ll be back’

     ‘Oki’ I patted her tummy before they went away.

     Magkahawak naman agad sila ni Ning ng kamay kaya hindi naman mawawala yung dalawang yun.

     ‘Yown! 3 points nanaman!’ sigaw naman nitong Kuya ko kaya I snapped my head towards him. ‘Talaga!?’

     Tatango tango siya habang nakaturo kay Rye. Si bunso naman eh may pa celebratory dance pa bigla. Grabe talaga. Dugong Kim yan!

 

 

     Hindi pa tapos ang 4th quarter pero dahan dahan nang naubos yung mga nanonood.

     Malaki na din kasi yung lamang ng tropang potchi, puro 3 points ba naman sila sunod sunod. Hindi na tuloy mahabol.

     Pagkabalik nina Wako kanina agad ko namang nakalahati yung C2 ko, inalok ko pa nga siya pero sabi niya okay na siya dun sa Zesto na binili niya. Favorite flavor ba naman eh, grapes.

     Si Ning naman ngumunguya nguya na ng chitchirya na parang ayaw pa ako bigyan tapos si Kuya kuntento naman sa ice tubig niya.

     Ang weird lang ni Wako, bigla siyang natahimik.

     Feeling ko tinamaan na talaga siya ng antok niya pero kasi, kanina at least nagtatanong tanong siya kung anong nangyayari saka nakikicheer kapag nakakashoot si Rylee pero nung patapos na talaga full on silent mode nalang siya.

     Baka nadrain na talaga.

     Pinaalalahanan ko naman siya na hintayin nalang namin matapos to tapos aalis na din agad kami. Balak ko din kasi magpapicture kasama si Bunso, for memories ganun.

     Pero eto nga, ilang minutes nalang patapos na pero may bigla namang nakapukaw sa mata ko.

     May isang grupo ng magkakaibigan ata yun sa kabilang side, ngingiti ngiti sila sa akin.

     Ano trip nila?

     Patagong tinignan ko naman yung dalawang katabi ko, mukhang hindi naman nila napapansin.

     I looked back at them before giving them a small and half-hearted smile and agad namang may tumili na isa sa kanila.

     Crush ata ako, mga baliw.

     Napaikot tuloy yung kamay ko kay Monique, my hand landing by her tummy and I just kept it there. I think she doesn’t mind naman, lalo nga siyang sumiksik uli sa akin.

     Antok na to, nasesense ko na. Lumalambing na eh.

 

 

 

     Mission accomplished. May picture na kami ni Rye magkasama kahit pa nga pawis na pawis siya tapos meron din kaming lima nina Kuya at Ning tapos syempre, mawawala ba yung picture namin ni Wako.

     Kiniss ko pa nga siya sa cheeks eh, kilig naman si bebi.

     Agad din kaming umuwi ng masettle na yung score board para dun sa liga, gumalaw nanaman ang tropang potchi towards the finals.

     Naglalakad na kami pauwi at si Kuya’t si Rylee eh dadaan daw sa Baliwag at nagawa ni Rye yung challenge ni Kuya sa kaniya.

     7 three pointers daw in exchange of anything and Rylee being Rylee, inihaw ng liempo saka barbeque from Baliwag ang gusto kaya ayun bonding sila maglakad.

     Niyakag ko munang magstay sina Ning at Wako saglit sa amin para makapagpahinga and they didn’t go against me naman.

     Makikiinom din daw ng malamig na tubig si bes kaya gora lang kako.

     Kaso, hindi ako matahimik eh, kanina pa nagpapakawala ng buntong hininga tong isa kong kasama.

     Parang may gustong sabihin.

     Nauuna kasi si Ning sa amin at may kausap sa cellphone.

     Binagalan ko naman ang lakad at dahil nakahawak sa akin si Wako, bumagal din siya.

     'What's wrong bebi?' I sweetly asked. A sweet smile on my lips as I ducked down para kita niya ako.

     Nakatungo kasi siya habang naglalakad which proves na antok nga siya kaso, yung pagsigh niya kasi. Hindi naman sa antok yun eh.

     I know something’s bothering her, I just do.

     Now that I see her, it just proves it.

     Nakasimangot siya ng onti, parang may iniisip.

     Her eyes look blank and they also look extremely drowsy. Pawis na pawis din yung noo niya kaya instinctively, umangat yung kamay ko para punasan siya dun.

     Tumingala naman na siya when I cleared the sweat off of her forehead. Inayos ko din yung buhok niya kasi magulo na, mahingin din dun sa court infairness.

     'Mypo?'

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!