Tropang Potchi

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti, negatibo na nakadikit sa 'king labi.
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti, katotohanan na hindi ko maitatanggi.
 

     Grabe lang, next week start na ang hell week tapos kasunod nun right after yung 3 days na puro exam naman kami. Ganto na talaga pag patapos na ang sem pero hindi pa rin ako masanay sanay until now.

     Buti nalang nagawa ni Adie tong kantang to, kahit papaano kahit on repeat siya nakakarelax siya habang gumagawa ng mga requirements saka syempre, meron akong ano no, ano- 

     Ano sige ano, lalaban ka? Ano ano ano!

     Meron akong reference pagdating dun sa lyrics ng kanta. Wow reference, ano ka research? Basta reference ko si Wako kasi totoo naman lahat nung sinabi ni Mr. Adie.

     Huling huli ni Wako yung mga kiliti ko, literal.

     Kapag nagkikita kami these days, unang ginagawa niya eh tinutusok niya ako sa tagiliran kaya minsan napapaigtag nalang talaga ako at minsan eh napapatili pa. Kasalanan na niya yun kasi ang likot ng kamay niya kaya idadamay ko siya sa kahihiyan habang andaming napapatingin sa amin. It takes two to tango diba.

     ‘Na mahal kita, walang iba.’ Kaya ito, napapakanta nalang ako kapag naiisip ko siya o kaya I’ll be humming the whole song kapag tinatamad ako kumanta.

     Hinihintay ko siya dumating at manonood kami ng laro ni Rylee maya maya.

     Friday naman ngayon saka iuuwi ko rin siya agad pagkatapos nung game ni bunso. Sumali kasi siya sa liga tapos ito, dahil sa galing ng aking kapatid (saka mga ka-team niya siguro) umabot sila sa semi-finals.

     Hobby na din ni Rylee to ever since kaya supportive kami nina Mama kasi magaling din naman talaga siya maglaro. Baka shooter ko to!

     It's also somehow confusing on how we got here pero parang naging unspoken agreement na siya between me and Monique na Fridays kami magkikita if gusto namin, lalo na ngayong hell week nila tapos sa amin naman eh next week nga. Monday to Wednesday din pala yung exams nila next week tapos hihintayin nalang daw nila matapos yung sem for Christmas break.

     Ang bilis din ng panahon eh, December na in a few weeks.

     Kaya pala tuwang tuwa ako nung marinig ko si Jose Marie Chan sa jeep nung isang araw.

 



 

     Unconscious na nagbabalat si Winter ng tuyong balat sa labi niya habang hinihintay ang kaniyang girlfriend sa tapat ng gate nila.

     Madami na din yung tumitingin tingin sa kaniya kasi kanina pa siya nakatayo dun pero hindi naman siya nagpapatinag.

     Sa isang tao lang naman siya matitinag at dun yun sa hinihintay niya.

     Ang huling paalam kasi ni Monique sa kaniya eh pasakay na daw siya ng tricycle kaya ito namang si Winter, bilang isang mainipin pagdating sa kaniyang girlfriend, kakaalis pa lang ni Monique sa kanila eh naghihintay na si Winter sa tapat nila.

     5pm ang start ng laro nina Rylee at sa kasalukuyan ay andun na din siya sa court para mag warm-up.

     Papanoorin ba naman siya ng dalawa niyang kapatid saka nina Ate Cat at Ate Ning niya. Gusto niyang mapa-amaze yung mga yun sa mga interwoven skills niya.

     Bata pa lang talaga ay nahilig na si Rye sa mga active na laro, isa na nga dito ay ang basketball at nasigurado ito ni Winter nung moment na hawakan ni Rylee yung bola ng kuya nila nung maliit pa lamang to.

     Si Rylee kasi ang pinaka-active sa kanila, si Winter ang pinakamatalino at ang Kuya nila ang mabilis mag-adapt. Perfect trio nga kumbaga.

     Naka-cross arms pa rin si Winter ng may tumawag sa kaniyang boses ngunit sa lalaki ito kaya hindi nalang niya pinansin.

     For sure isa nanaman to sa mga tambay na may kilala kay Rylee tapos kilala ang Ate niya.

     Napapaisip si Winter kung anong pwede niyang gawin para kay Cat ngayon na patapos na ang semester nila, ituloy kaya niya yung date na gusto niya? O kaya pwede sila pumunta sa isang lugar na hindi lang mall o kaya isang park ganun,

     Pero bago pa man siya makaisip ng kahit anong maganda, may maganda naman na bumaba mula sa isang tricycle sa di kalayuan at nakatingin na sa kaniya ngayon.

     Hindi pa niya napapansin na nandito na siya pero mahinahon lang naman na naglalakad ang dalagita patungo sa kaniyang iniirog.

     Wews, edi sanaol iniirog.

 


 

     Nakaramdam ako na dumating na yung hinihintay ko kaya napaangat ako ng tingin at ayun na nga siya, nakatingin sa akin, nakangiti at nangingilatis ang tingin. ‘Nagbabalat ka nanaman nyan’ saway niya sa akin.

     ‘Nakakairita kaya’

     Agad naman niyang tinanggal yung kamay ko sa may labi ko at hinawakan. I could feel the dead skin on my lips. ‘Feel na feel ko sila sa lips ko’

     ‘Kaya nagsusugat lips mo eh’ she gave me a pleading look telling me to stop kaya sige, on one condition muna.

     ‘Kiss muna’

     I saw her smirk before she kissed me briefly, on my cheek nga lang.

     Umungot naman ako at hindi naman yun yung nagbabalat sa’kin bat dun niya ako hinalikan.

     Tinawanan pa niya ako saglit bago siya lumapit ulit at tumama na kung saan ko gusto makakuha ng halik. ‘Okay na?’ tumango tango ako na parang bata.

     Anlakas talaga ng tama ko sayo Nique.

     ‘Mamaya ulit ha’ hirit ko.

     We walked hand in hand papasok ng gate. Hindi ko kasi alam kay Kuya kung sasabay ba siya papunta sa amin dun o hindi.

     ‘Kahit hanggang mamayang gabi pa’ laban niya pabalik sa akin.

     ‘Eh, iuuwi kita ng maaga, lagot ako kay Tito Ernie’

     Nung last dinner ko nga sa kanila hindi talaga ako makapaniwala na sinunggaban niya ako nun.

     Jusme lang!

     Babe!

     Kakapakilala ko lang tapos ganun agad!

     My reputation naman babe.

     ‘Wala si Daddy, pumunta kayna Lola’

     ‘Ah talaga?’ nakaramdam ako na parang may lightbulb na umilaw sa tabi ng ulo ko.

     Ngiting wagi pa akong tumingin pabalik kay Wako na naghihintay sa akin sa may garahe. Nakadantay lang siya kay Kona. ‘Edi di na kita iuuwi’ nginisian ko siya at hinampas niya lang ako.

     Pwede talaga magvolleyball player to eh, kuhang kuha niya yung height tapos pwede din na ako yung bola.

     Ganun po ako ka-supportive.

     I ran my eyes through her for a second, hindi ko naman kasi siya namataan nung pagdating niya kaya dito nalang sa tapat ni Kona, witness namin siya.

     Nakaglasses siya ngayon kasi as she voice messaged me earlier, nahihilo daw siya habang nagrereview tapos sinabi niya kay Tita Anna and ang nakuha niyang sagot ay

     ‘Suotin mo kasi yung salamin mo. Ang mahal mahal niyan tapos you don’t even wear it naman’

     Naka voice message din niya yang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!