Starbs

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

Hehe, niyaya ko magdate si Wako.

     Proper date nga yung balak ko nung una kaso Monday kasi, for sure busy siya if I keep her with me until late in the evening kaya I settled with treating her to some coffee dito lang sa Robinsons Otis malapit sa kanila para di na siya lalayo. Nagpatulong pa nga ako kay Ning kung saan saan ba ako sasakay since commute lang ako ngayon ang thankfully, nakarating naman ako ng buhay.

     Wala namang reason kung bakit ako nagyaya ng date, sabi ko lang end of the month na tapos narealize ko din kasi na I have never asked her on an official and proper date pa, parang palagi lang on the spot yung dati kaya hopefully yung next date namin is fancier and upscaled na para naman mapakita ko kay Wako na I could do things like that din. Need ko na talaga magplano para sa next time.

     Pero eto, kakapara ko lang sa jeep ngayon at sabi niya kanina naghihintay lang daw siya sa tapat nung tindahan ng halaman sa loob kaya hindi naman siguro mahirap hanapin yun.

     Unang liko ko palang sa pagkapasok ko eh nakita ko naman agad siya, she’s just standing there while looking at the plants. Nakaramdam ata na may nakatingin sa kaniya at nilingon niya ako.

‘Hi!’ I happily greeted her, I’ve looked forward to this since this morning nung pumayag siya to go out with me. She’s waving both of her hands while I speed walked towards her. I can see her smile pero parang may iba ngayon, baka pagod. ‘Kanina ka pa?’ ‘Hindi naman’ I pulled her away dun sa mga plants, ansama lang nung tingin nung nagtitinda sa’min.

I reached for her hand and she easily gave it to me so I could hold her. ‘How’s the commute?’ magaan niyang tanong. Bakas sa tono niya na parang pagod nga siya, pero hindi naman siya mukhang pagod. ‘Stressful pero keri’

‘May mga kablock nga ata ako nandito din’ dagdag ko. May mga nakasabay kasi ako sa jeep kanina pero hanggang tanguan lang kami.

She stole a glance from me habang naglalakad lakad lang kami, hindi ko naman kabisado dito, ano kayang pwede naming gawin?

‘Are you bothered with that?’ mahina niyang tanong. Agad naman akong umiling at baka makakuha pa siya ng maling akala. ‘Nopies, lika na’ I gave her a sweet smile before leading the way. I’m blindly looking for a place na pwede kami tumambay.

Narating naman namin yung gitna ng mall at puro kainan kaso baka hindi naman siya gutom. ‘San tayo?’ tinignan ko siya ng maigi. ‘Hungry ka?’

‘Hindi naman’ tinignan ko yung mga stalls sa likod niya, may namataan akong familiar na brand. ‘Nag-P.E. kayo today diba?’

‘Yep,’ tatango tango ako at sinimulang hilahin na ulit siya. Bakit niya natanong kung nag-PE ako? Nilingon ko siya at tinitigan. ‘Mabaho ba 'ko?’ genuine kong tanong. Nagpalit naman ako ng tshirt right after namin mag-PE, humingi pa nga ako ng deodorant kay Ate Angel eh.

‘Hindi!’ nakita ko yung panic sa mga mata niya. Natakot ako dun ah. Hindi naman matindi BO ko pero at given times meron nga daw sabi nina Kuya.

I gave her a reassuring smile while I rubbed the back of her palm using my thumb. ‘Starbucks tayo?’ ‘Pwede naman’ *tsk* pinanliitan ko siya ng mata.

‘Pangatlong ‘naman’ mo na yan’ pagsita ko.

Alam ko na to eh, habit niya to kapag may problema siya. Parang lahat ng sentences na lumalabas sa bibig niya may halong ‘naman’. I see it as a sign na she’s setting herself aside kasi. Baka ayaw naman niya sa Starbs tapos ganun lang sagot niya o kaya baka gutom na siya or matagal siyang naghintay tapos ganun lang sinabi niya sa’kin.

Ayoko nun, ayoko lang.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ko siya kinabig palapit sa’kin. What’s wrong Wako? ‘Lika na, kita ko na Starbucks’

She didn’t refuse to go in dito sa Starbucks kaya I set aside the thought na baka ayaw niya dito. Ayaw pa nga pumayag na ako magbabayad for her drink kaya sabi ko ilibre nalang niya ako ng tinapay, mabilis naman siyang pumayag kaya eto nagtitingin tingin ako habang nakapila kami.

Hindi naman crowded yung tables and chairs dito sa loob pero tanungin ko na rin siya mamaya at baka gusto niya sa labas. ‘Bibili ako ensaymada, may want ka?’ napansin ko din, hindi niya ako dinadaldal ngayon. She’s just quietly walking with me, letting me pull her anywhere even, sabi pa naman niya kanina may chika daw siya sa akin about kay Gi, mukhang that’s meant for another day na.

Umiling nanaman siya. ‘Pakagat nalang ako’ mahinhin niyang sagot. I could see a gentle smile on her lips but it’s not fooling me na she’s okay. ‘Sige sige’ I just held her hand hanggang maka-order kami.

Usual ko caramel frappe pero parang namiss ko mag coffee jelly kaya yun muna pinili ko tapos iced caramel macchiato naman daw kay bebi kaya nagkandaugaga naman ako kung tama ba or mali yung pagpronounce ko sa macchiato. Parehas na grande yung pinili namin saka syempre, ang aking precious ensaymada.

Ang sarap tignan eh, parang ang lambot lang nung tinapay tapos andaming cheese.

Umupo naman si Wako dun sa bar type stools sa may glass window na nakaharap sa labas ng mall kaya sinundan ko siya matapos ko magbayad. ‘Akyat lang ako saglit, dito ka lang ha mabilis lang ako’ paalam ko sa kaniya. I gave her the receipt and alam naman niya na name ko yung tatawagin pag okay na yung order namin.

Tumango lang siya at ngumiti. Hindi pa rin ako kumbinsado. ‘Pwede ka na kumagat dun sa ensaymada ko kapag tinawag ka na tapos wala pa ko ha’ I said, hopeful to see her real smile even for a split second kaso wala, iba pa rin.

‘I’ll wait for you’ I smiled back at her, sana naman yung bibilhin ko makakapag pangiti na sa kaniya. ‘Sige sabi mo yan’ I patted her thigh before I left. Isang akyat lang naman ako, sana walang pila.
 

Pagbalik ko, parang wala namang nagbago which is both a good and a bad sign. Parang hindi pa niya ginagalaw yung inumin niya tapos nakabuyangyang lang din yung ensaymada ko dun.

So as a surprise, I kissed her cheek as soon as I was close enough to do so, napaigtad naman siya sa kagagawan ko pero mabilis din siyang nakabawi.

Nakikita ko na, her smile is somehow coming back.

‘Potato corner’ nakangiti kong itinaas yung supot ng french fries na hawak ko. Sour cream and barbecue, giga na para hindi bitin. Tinatanggal ko sa supot yung french fries namin ng magsimula ulit ako sa agenda ko.

‘Now tell me’ I crumpled the paper bag to relieve some tension. ‘What’s bothering you?’ I seriously asked.

She’s just looking at me, eyes surprised and wide. ‘You knew?’

‘Pagkakita ko palang sayo, ang liit ng smile mo’ paliwanag ko. Dahan dahan lang ang usap at baka lalong mawala sa sarili si Wako. ‘Parang di ka happy makita ako’ I half-heartedly joked.

Naniniwala ako sa kasabihan na wag mo sanayin yung sarili mo para maiwasan kang masaktan, eh pano ba naman ako hindi masasanay sa mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!