🍝

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Masayang Martes! Hindi pa malalim sa linggong ito pero magkikita nanaman kami ng aking Wako.

     Nagbago kasi schedule namin this September, lahat na ng araw sa isang week ay on-site classes except ang Fridays, same pa rin naman kayna Wako kaya minsan eh naiisipan namin maglunch out kapag mahaba lunch ko pero isa or dalawang beses palang siya natutuloy.

     Eto, masaya ang martes ko kasi susunduin ako ni Wako ngayon, na-perfect niya kasi yung quiz niya kanina tapos ako naman may quiz bukas sa KAS. Anong connect? Parehas silang quiz.

     Wala eh sunduin daw nila kami ni Ning kaya um-oo nalang kami. Nung sinabi ko kasi na hindi naman kailangan at its that time of the month pa niya, lalo lang nagsungit sa’kin. Kaya eto, hindi pa tapos ang Econ 102 class ko pero ligayang ligaya na ako kasi I’m gonna see my Wako.

     Naninibago nga ang classmates ko kasi kinamumuhian ko yung mga classes namin na mas matagal pa sa 2 hours pero bakit daw nakikita nila akong nakangiti ngayon.

     Eh kung sungitan ko kaya sila?

     Hindi naman na sila maninibago dun, no?

     Nga pala, si Ate Angel yung katabi ko sa class na to at nagpapasama siya pagkatapos namin dito na magpasa dun sa isa naming prof, before class kasi ako nagpasa kaya alam ko na kung saan pupunta.

     Mangha nga ako dito kay Ate Angel, mas matanda siya ng 3 years sa’kin and sa iba naming block mates pero ni isang bahid ng awkwardness eh wala kang makikita sakanya. Single mom din siya, nabuntis siya nung magcocollege na dapat siya kaya tumigil muna siya para alagaan na din yung baby niya, nakwento niya din dati na nagwork siya for almost a year to help with expenses and thankfully, ito block mate ko siya ngayon and nakakapag-aral na ulit siya.

     Props kay Ate, malaki ang pagkamangha ko sakanya.

     ‘Winter’ tinapik ako ni Ate. ‘Hm?’ ‘May correction ka? Naubos yung akin bigla’

     ‘Akala ko naman kung ano Ate, nabigla ako sayo’ agad ko namang inabot sakanya yung akin. ‘Panong bigla?’ sinimangutan ko siya na ikinatuwa naman niya.

     Ito, isa pa to, siya din yung parang class clown sa’min like lahat nalang ng pwede mong sabihin, kaya niya gawing katatawanan, in a good way syempre.

     Kaya palagi rin siyang naiimbitahan kapag may inuman or party pero minsan lang siya sumama at ang time after school daw eh nakalaan na sakanyang baby at school works.

     Naaalala ko nga si Mama sakanya eh, hindi nagstop si Mama pero nag-aral siya habang buntis sa’kin.

     Eh punyemas yung tatay ko, di man lang ako pinanagutan at hanggang binyagan lang daw siya nagparamdam. Isang box nga lang ng gatas nabigay sa’kin bago maglaho. Wag na wag siyang magpapakita sa’kin talaga, there’s no room for him anymore and he’s the main reason kung bakit maliit ang tiwala ko sa mga lalaki.

     Right after Econ naman, agad agad din kaming nagtungo ni Ate Angel dun sa room ng sub ng isang prof namin, hindi kasi siya Economics teacher talaga pero siya yung nagsub kaya kakaiba din from usual yung pinagawa niya sa’min. Collage lang naman of pictures and words that describes our economy, so it’s still connected to our course pero ayun nga, it’s a new way of making an output.

     Bumalik pa kami sa building namin kasi dun daw kami magkikita ni Ning, mas malapit din naman to sa main way palabas kaya sabay pa rin kami ni Ate, naghiwalay nalang kami nung papasok na ako uli at nasa hallway daw si Ning.

     ‘Mauna na ko ha! Thanks sa pagsama.’ nagkawayan kami habang naglalakad ako patalikod.

     ‘Sige sige, ingat Ate’

     At ng pagharap ko naman pabalik sa building, nagulat ako at nandun na si Ning. Nakahalukipkip habang may hawak hawak na mga folder at illustration board, dalawang ¼ to be exact. ‘Sino yun?’ tanong niya.

     Iniabot pa niya sa’kin yung tubigan niya na hindi ko napansin na hawak hawak niya din pala. Ano namang gagawin ko dito?

     ‘Classmate ko, bakit?’ pagsusungit ko, pinapabuksan niya pala sa’kin yung tubigan niya kaya ginawa ko naman, hahawakan ko na din pagkatapos niya at kawawa naman ito andaming bitbit. ‘Nagtatanong lang’ paghihingi niya ng paumanhin.

     Hinintay ko siyang matapos uminom bago hablutin pabalik yung inuman niya, nakalahati niya yung tubig, malayo rin siguro nilakad nito. ‘May chat na ba sayo yung dalawa?’ tanong niya.

     ‘5 minutes ago, jeep na daw sila’

     ‘Wow, jeep na sila di na tao?’

     Nagsisimula na kaming maglakad sa tabi ng daan kaya kahit gustuhin ko mang banggain si Ning ng matauhan sa biro niyang hindi naman nakakatawa (very very slight lang), eh hindi ko makaya gawin at baka ma-out of balance bigla. Kalsada din babagsakan niya.

     ‘Funny Ning’ ‘Thank you’ pagmamaganda niya. Umikot siya para maglakad sa kabilang side ko para hindi ako tamaan nung mga hawak niya bago niya ako hinawakan sa isang braso at binilisan ang lakad. Speed walking lang ang peg namin, bawal daw tumakbo sa campus eh, disciplinary office katapat mo.

     ‘Halika na bilisan na natin’ ‘Excited?’

     ‘Syempre, sina Selle yun no’

     ‘Oo nga, mas prefer ba ni Gi na Gi tawag sakanya and not Selle?’ bigla kong bulaslas, naisip ko lang din bigla kasi minsan ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!