Kitakits

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Martes na ngayon, maaga nanaman natapos classes ko tapos nagawa ko na din naman lahat ng kailangan kong gawin, light stuff pa rin naman kaya hindi pa nakakastress.

     If more than anything, antok siguro tong nararamdaman ko.

     Andami ko kasing iniisip, nakakadrain ng brain.

     Nice, rhyming.

     Nagsimula to nung linggo nang gabi, nung may party sina Nique saka Gi. Tumawag kasi siya sa’kin nun, lagpas hating gabi na tapos nanonood lang ako ng Panti Sisters pampaantok ng biglang nag-ring yung cellphone ko kaya bumagsak sa mukha ko.

     Sakit lang sa nose.

     Pauwi na daw sila kaya nawala naman yung non-existent na kaba ko nung iniisip ko kung bakit siya napatawag, akala ko kasi magpapasundo ba o ano.

     Ganun kasi si Kuya nung college kay Papa. Kasama pa ako sumundo minsan para may kasama si Papa at hindi antukin.

     Hindi rin naman katagalan nung tumawag sa’kin si Monique ng magchat si Gi na naihatid na daw niya yung isa, nagpipilit pa nga na wag ko na daw siyang hintayin magchat since naka-kotse naman daw siya.

     Sumunod ako?

     Syempre hindi, nilabanan ko ulit yung antok ko tapos bumagsak na din agad ako nung nakita ko siyang online.

     Kinabukasan nun, sabay kami pumasok ni Ning kasi sabay din yung oras ng klase namin pero mauuna yung uwian nila ngayong hapon. Binilinan pa ako na dumaan daw sa kanila at tambay daw kami. Which is hindi ko nagawa kasi bigla akong pinatawag ni Kuya sa Mandaluyong. 

     Samahan ko daw siya bumili ng tela kahit na pa nga andami niyang kaklase na pwede isama.

     Basta andaming naganap simula kahapon, pati ngayon andaming nagaganap kahit isa lang naman yung inaabangan kong mangyari.

     Yung pakikipagkita sa’kin ni Nique kahapon.

     Nagcancel ako last minute dahil nga ang mapilit ng Kuya ko.

     Naguiguilty pa ako habang nakikipag text kay Monique kasi hindi kami matutuloy. Paulit-ulit lang naman siya ng pagsabi na okay lang daw at may ibang oras pa kaya ako na ang nag-initiate na ngayong hapon nalang kami magkita.

     Kahit ako nalang din pumunta sa kanila at hindi gamit ni Kuya yung motor ngayon.

 

     ‘Uhm, about that’
     ‘May iba ka bang alam na pwede lakaran pero hindi dito?’ yan yung request niya.

 

     Sasabihin ko sana Rizal Park kung gusto niya maglakad kaso ang tirik ng araw dun mamaya baka mangitim kami.

     Sakto naman, nakita ko yung shared post ni Gi.

     Ayala triangle gardens.

 

     ‘Gusto mo ba yung parang park?’

     ‘Sure, pwede na yun’

 

     Tototoohanin ko na kayo.

     Nababaliw na ako kakaisip kung bakit kailangan pa namin pumunta sa ibang lugar para magkita, pwede naman kahit dito nalang sa’min kung ayaw niya sa kanila o kaya kayna Ning.

     Isa pa yun gusto kami papuntahin sa bahay nila pero ayaw lang talaga naming gumambala sa kanilang tindahan saka kay Ninang.

     Nakakahiya na sumulpot nalang ako dun bigla eh antagal kong hindi nagparamdam sa kanila.

     Ang kapal lang din naman kasi ng mukha ko at isa lang yung naiisip na dahilan ng utak ko kung bat gusto niya lumayo.

     Ililibre siguro ako nito.

     Pero kasi hindi rin siya fit. Bakit naman ako lang yung ililibre niya?

     May galit ba siya dun sa dalawa?

     Okay pa kaming lahat nung linggo ah, wala din namang nabanggit si Ning sa’kin kahapon nung dinadaldal namin ang isa’t isa.

     Speaking of Ning, naisip ko din to kahapon lang.

     What if umamin ako kay Nique?

     Wala namang masama kung gagawin ko diba? Sabi ni Ning 'It doesn't hurt to try'

     I decided to stick with the fact na oo, gusto ko si Monique.

     As what?

     Yun ang hindi ko pa alam.

     Basta ang alam ko, I like her.

     Gusto ko na rin talaga sabihin habang maaga pa - onti palang gawain sa school, hindi pa kami masyadong attached sa isa’t isa – para hindi kami mahirapan pareho kung bigla man magbago tingin niya sa’kin o kaya naman eh mapagtanto ko na kung gaano ko siya kagusto.

     To what extent do I like her.

     May pagka-hopeless romantic kasi ako kaya delikado na.

     Kaya nga ako single since birth kasi I want to be my best for my first.

     Pero parang ang hirap itaya lahat kung si Monique yung mawawala.

     Nagiging kaibigan ko na din siya.

     Baka mas okay kung yun nalang yung pagpopokusan ko to ensure na we’ll know each other past the whole business thing, lagpas na nga kami dun diba, hindi lang naman kami magkaibigan para sa negosyo ng isa’t isa at sa partnership ng magulang namin.

     Sa labas pa nga kami nun naging friends in the first place.

     ‘Arghhh, wag ka matulog self! Ples langggg!!!’ isisigaw ko nalang ang lahat.

     Kailangan ko maging aware and attentive!

     Antagal naman kasi ng chat ni Monique, pano ko malalaman kung magbibihis na ba ako o ano.

     Ayoko na humiga, maiiscam lang ako dyan, mamaya bagsak na ako dyan.

     Tumulala lang ako ng mga ilang minuto sa salamin sa sulok ng kwarto ko, siguro kung nakikita ko sarili ko- ay kita ko nga.

     Siguro kung pinapansin ko sarili ko dun sa salamin as another person, tumawa na ako mag-isa. For sure, mukha akong bangag.

     ‘Sa labas’ I said to myself softly, waking my sleeping soul so I could stay up and concious. ‘Mahangin, magigising ako’ I nodded a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!