Live fast, die young, bad girls do it well

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Byahe ulit kami, second to the last stop for the night na and mukhang dito pa kami aabutin sa kotse ni Ate Grab ng birthday ni Gi, 11:27 ng maka-alis kami dun sa Black Market, niyaya pa nga kami ni Naki na sumama daw sa Revel at dun sila mag-iinom ng friends niya pero we politely declined.

Una’t sa lahat, pangalan pa lang mamahalin na, pangalawa parang ayaw din ni Gi to start off kasi pumangit nanaman yung itsura niya nung nabanggit ito sa amin, and pangatlo, gusto daw talaga nila puntahan ni Ning yung bar na pupuntahan namin. Bungad lang siya sa Kalayaan avenue yung mismong establishment pero we have to go thru another place to reach the bar.

The Odd Seoul ata yung name and I’m easily getting a vibe kung anong atmosphere dun. Probably parang Finders Keepers pero may mix ng Korean feels.

     Si Gi ang naka-upo sa harap ngayon kaya naman nakadantay sa’kin yung dalawa on either side at pupungay pungay na ang mata ni Ning tapos si Wako naman eh tulala lang sa kamay naming magkahawak. New thing I learned bago kami umalis sa Black Market, touchy pala to kapag lasing. Nakailang halik ba naman siya sa likod ng kamay ko tapos gusto niya palagi siyang nakatabi sa akin kaya hindi na rin talaga kami mapaghiwalay dalawa.

     Tuwang tuwa pa nga ata sa amin si Gi at nahuli kong nagvivideo kanina nung nandun kami sa bar, isesend daw niya kay Monique kinabukasan para malaman niya kung anong ganap niya pag lasing siya.

‘Wints’ mahinang tawag sa’kin ni Ning. ‘Hm?’ ‘Pwede ko rin hawakan kamay mo?’ I looked at her, she barely has her eyes open pero clear pa rin naman yung boses niya. Sasagot na sana ako ng sumingit yung isa kong katabi.

‘Bawal’ Wako said sassily. She even tried reaching for my other hand but failed to do so. ‘Damot’

‘Pagbigyan mo na’ bulong ko sa kanya. Umiling iling siya sa balikat ko. ‘Bawal nga’ I cocked my head in amusement. Ako na ang humawak sa kamay ni Ning. Hawak lang naman Wako, hindi naman intertwined.

‘Wag mo na sabihin sa kanya, baka mainis’
 

‘Ano kaya pa?’ concerned ko na tanong kay Ning, nakahawak siya sa braso ko for guidance.

Kakababa lang namin mula sa grab at siya pa lang naman ang parang baby giraffe kung maglakad. Bumitaw siya sa’kin at sinampal sampal niya yung mukha niya bago tumayo ng tuwid. Mabilis naman pala mahimasmasan.

‘Gal’ ramdam ko yung pagtapik tapik ni Monique sa braso ko kaya hinarap ko siya, naiwan ko pala yung cellphone ko sa kaniya. Agad ko naman itong kinuha at umilaw ang screen ng aking phone, nasulyapan ko yung oras, 12:04 na pala. ‘Ay’

Kakasara lang ni Gi nung pinto ng passenger seat, agad siyang tumabi sa’min kaya napapagitnaan namin si Ning. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya at tinignan niya rin ako. ‘Happy birthday’ bati ko habang nakangiti.

Natigilan naman yung dalawa pa naming kasama sa pag galaw galaw nila. Kanya kanya kaming tingin kay Giselle na para bang nabad trip bigla.

‘Happy birthday!!!’ ubos hiningang tili nung dalawa bago tumakbo at yumakap ng mahigpit sa kaibigan, nasagi pa nga ako ni Monique, parang hindi girlfriend eh. Kaya naman pala naging ganun ang itsura niya.

Yumakap naman siya pabalik habang nakatingin pa rin ng maigi sa akin. Hindi naman sa nanlilisik yung mata niya pero parang papunta na din dun. ‘Dapat di mo na muna ako binati’ sermon niya. Napangiwi nalang ako sa aking ginawa habang pinapanood kung paano niya tanggalin yung dalawa mula sa pagkakayakap sa kaniya.

‘Hehe, di ko naman alam’ I took Ning off her arms since siya yung mas maluwag ang kapit kay Gi.

‘San tayo?’ tanong ko sa may kaarawan.

‘There sa may Gaja. Akala ko low alcohol tolerance mo?’ concerned na tanong ni Gi, kaming dalawa kasi yung may hawak hawak dun sa dalawang parang tinamaan na. Actually, inaantok lang naman kasi ako kapag nalalasing kaya yun pa lang nararamdaman ko.

‘Nilalabanan ko lang’ mabilis kong sabi. ‘Galing mo naman’ ‘Talaga’ nagtawanan lang kami bago ko itulak papasok yung pinto ng restaurant, hindi ba sarado na to?

Nang samahan ko mag-cr yung dalawa namangha naman ako sa kanilang skills at wisik wisik lang ng tubig eh balik na sa pagiging dilat yung mga mata nila, as usual bag holder lang ako sa gilid matapos kong umihi pero nahimasmasan din ako pagkaupo ko dun sa malamig na toilet bowl sa stall na pinasukan ko.

Malay ko ba bakit ang lamig nun, nashock tuloy pwet ko.

Like Finders Keepers, hidden bar din pala yung The Odd Seoul and unlike Black-Market, sit-down bar siya where you could do chill drinking with friends lang or company kaya I prefer this one over the first two we went too. Oo minsan lang naman pero if we’re talking about preference, dito ako sa The Odd Seoul.

There’s some other groups na kasama namin dito sa place and it didn’t seem na they’re drunk na or anything, siguro mga bagong dating palang. Then yung pag-order nila ng drinks is pwedeng pa-bar type o yung server-type, tumawag nalang kami ng staff para humingi ng menu kasi may mga nakaupo dun sa bar stools kaya hindi na kami nakisiksik.

Like the bar’s name, based off Korean ideas and terminologies yung names ng items sa menu. Yeouido, Gangwon, King Gojong ang stuff like that.

Marami din silang pwedeng pang pulutan dito kaya we decided to order some para matikman, lumabas na din kasi yung pagka-inner kdrama fan ko lalo na’t kasabay ko si Ning ngayon manood ng isang series kada-weekend.

Monique chose the drink called Gangwon, Southside kay Ning, Martinez kay Gi tapos sa’kin, hehe, akin yung pinakamaganda ang name.

My Sassy Girl. Oh, diba lakas maka kdrama, lakas din makarelate kay Wako at parang ang sassy niya bigla.

‘I’m getting us a shooter each bawal tumanggi’ pag-announce ni Gi. Nginisian naman siya ni Ning at hinamon. ‘Libre mo?’ the latter received a grin and a nod kaya naman napatango din siya. ‘Libre mo….pala eh’ pagbabagal ng salita niya.

‘Rid’ I hummed, I fixed myself to look at her direction. Isang linya lang naman kami, napapagitnaan namin ni Gi yung dalawa.

‘Anong laman nung shooter?’ tanong niya. ‘Gi anong shooter kinuha mo?’ tanong ko naman dun sa may alam. ‘Soju bomb’

Binasa ko yung menu at wala naman akong nakitang ni isang soju bomb. ‘Gaja bomb pala I mean’ ‘Lasing ka na’ nakangiting sabi ko na ikinangiti niya rin.

‘Soju, sour apple, tequila saka aloe vera juice’ isa isa kong nirecite kay Monique, tumango lang naman siya bago naglabas ng maliit na ok

‘Ikaw’ simula ko habang nakatingin kay Wako. ‘Lasing ka na?’ she smiled at me. Her smile is really one of the prettiest ones I have ever seen. Nakakahawa kasi eh, lalo na pag lasing.

‘Pagod lang’ sabi niya. ‘Excuses’

Pinatong niya sa balikat ko ang ulo. Baka pagod na nga ilang oras na din kami wala sa bahay. Isinantabi ko naman yung iniisip ko at may gusto akong malaman na hindi pa nasasagot ng kahit sino. ‘Ning’ tinanguan niya ako habang nakatingin sa cellphone. Nag-uudyok na ituloy ang sasabihin. ‘Anong ganap nito pag lasing?’

Tumawa siya. ‘Makulit’ OA niyang sabi bago magpatuloy. ‘Himala nga at behave, kasama ka kasi namin’ pag-explain niya. Makulit pala ha.

‘No, I’m not makulit kaya’ sinenyasan naman ako ni Ning na manood sa gagawin niya. ‘Last na drink mo na yan ha’ warning nito sa katabi. ‘Girlfriend kita?’ pasungit na tanong ni Monique sa kaibigan. Na caught off guard naman ako sa sinabi niya, gusto niya bang pigilan ko siya?

‘Oh, sabi sayo makulit eh’ tiningala naman ako ni Wako habang nasa balikat ko pa rin ang baba niya. Mukha siyang baby na antok. ‘Still want more after this?’ tanong ko while I glanced at Gi at mukhang tapos na siya mag-retell ng order namin dun sa staff.

‘No na’ sabi niya habang umiiling. Tinapik ko naman ang braso ni Ning na nakikinig sa pag-ulit ni Kuya sa order namin. ‘Last na daw niya to’ nag nod nod lang naman siya sa narinig.

Nakatingin pa rin pala sa’kin si Wako, her eyes are just stuck to me. ‘How are you feeling?’ she suddenly asked.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!