Lahat nalang

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Tuwang tuwa ako nung in-orderan kami ni Ning ng ice tea kasi uhaw na talaga ako nun pero hindi ko naman alam kung anong pwedeng i-order sa bar na walang alak, hindi naman siguro ewan kung hihingi ako ng baso ng tubig kaso baka bottled water ang ibigay sa’kin- basta tinamad na ako nung umupo na kami ni Wako.

     Hindi talaga ako yung taong nagbabar at once ko palang nattry mag-clubbing, sina Ate Iya at Kuya pa kasama ko nun, kasama din namin si Ate Cha saka yung other friends nila ni Ate Iya kaya siguro I felt out of place nung nagsimula na akong malasing kasi ayaw naman ako samahan ni Kuya sumayaw away from our table.

     Para tuloy akong ewan nun na energized sumayaw pero ayaw tumayo, buti nalang nakaramdam sina Ate Cha at hinatak ako papuntang dance floor. As in, gitna pa kami nun nina Ate kaya feel na feel ko yung atmosphere.

Hindi na naulit at suka ako ng suka kinabukasan dahil sa kung ano anong shots na nadadamay ako kasi nga kasama ako and ang kj daw kung hindi ako sasabay. Basta, traumatic experience.

     Pero eto nga, yung iced tea, long island iced tea pala, hindi naman ako nabigla pero parang si Wako oo. Unang sip niya kasi nasamid siya kaya todo himas naman ako sa likod niya at uubo ubo siya bigla. Baka mapalabas pa kami at sabihing may covid.

‘Tapang?’ ‘Not really’ she handed me the cup which I gladly took before I stopped moving my hand up and down her back.

‘Went down the wrong hole’ I chuckled at her. Nasamid pala. Tinikman ko naman yung iced tea and hindi nga matapang, you could barely taste the iced tea itself pero it’s still there. ‘Hindi nga matapang’ nakalahati ko yung baso.

‘Get something na kasi’

‘Mamaya na nga, sabay na tayo’

‘Ayaw mo mag-isa o ayaw mo lang um-order?’ I just blinked at her. Feeling ko hindi ko naintindihan yung sinabi niya kaya ngumiti nalang ako.

     Kuntento naman naming pinapanood ni Wako yung mga sumasayaw, there’s a lot of people here and siguro dahil kakahupa lang ng pandemic pero it seems weird for me. Different age groups, men and women that could belong to any spectrum, dancing, drinking, singing and lip-syncing. I can feel my social battery getting worn out just by looking at them pero in the end, katabi ko lang naman yung energizer ko at kapag ako niyaya nito sumayaw, oo na agad ako.

     Actually, parang kakaiba si Monique ngayong gabi eh, siguro dahil sa environment tapos mga naka-inom na kami, she actually looks hot like how Ning ang Gi warned me, hindi naman masama na pagnasaan ko yung sarili kong girlfriend no?

Teka ang laswa nung pagnasaan, admire nalang.

Bagay na bagay sa kaniya yung dress niyang one piece, it accentuates her body at the same time it doesn’t show all of her, yung decent pa rin tignan ganun. Basta maganda siya, kelan ba hindi? Hindi man kami nakikipag-usap sa isa’t isa, isa lang ang dahilan nun, ang ingay kasi.

     Nagulat naman ako ng makita ko si Naki na pinsan ni Gi na papalapit sa amin. ‘Yung dalawa?’ ‘Already dancing’ hinanap ng mata ko yung dalawang wala ang nakita ko naman sila agad. Magkaharap lang sila sa isa’t isa habang sumasayaw at hawak hawak pa ni Ning yung iced tea niya. ‘May alam ba kayong song na trip ni Gi? Uunahin ko na patugtugin mamaya’ tanong sa’min ni Naki.

Tinignan ko lang si Wako. ‘Kahit ano?’ tanong niya. Tinanguan siya ni Naki na muntik nang makaladkad nung mga lalaking dumaan sa likod niya. ‘All the small things, blink-182’ matawa tawang sabi nitong katabi ko. Nakikinig lang ako sa kanila at ayoko na maki-sigaw pa. ‘Lakas maka late-90s ha’

Naki told us that we could leave our bags daw if we want to before going. Parang ayoko naman mag-iwan lang ng bag basta basta, buhatin ko nalang kung ayaw ng mga kasama ko. Wako faced me while holding my hand. ‘Let’s get drinks na’ yakag niya sa’kin. Nagpahatak naman ako patayo habang hila hila yung bag ni Luningning.

‘I want to see Gi’s reaction when she hears the song’ patuloy niya.

‘Bakit anong meron?’

‘She might hate me for picking it’ nakangiti niyang sabi. Baka sa bar lang to pero ang super ganda lang ng jowa ko.

I ordered a glass of Gin tapos isang bote naman ng malamig na San Mig Light kay Wako, nag-open pala ng tab si Gi para sa’min kaya dun muna napadpad yung expense namin for this place, sabi nga ni Wako na may possibility na sasaluhin na ni Gi yung mga gastos namin dito sa bar. Hindi naman daw ito very unlikely and mas lalong hindi daw nalalayo yung sinabi niya sa katotohanan.

We squeezed through the crowd while holding our drinks close to our body, perk ng naka-black, hindi halata kapag may natapon sayo. Nakahanap ako ng standing table na vacant malapit-lapit kung saan sumasayaw yung dalawa kaya dun ko hinatak si Monique, wala naman siyang angal at sumunod sa akin.

‘Hinga lang ako’ I let her know. Baka kasi gusto na niya maggalaw galaw pero ito ako nagiging stagnant nanaman sa isang lugar. She sipped on her drink while I moved to stand beside her, our back is facing the crowd that’s dancing. I leaned forward to her. ‘Then sayaw na tayo’ mabilis ang pagtango niya at mukhang natuwa sa suggestion ko. ‘I like that’ bulong niya sa akin.

Bigla naman siyang naglakad patalikod habang nakadikit sa akin ang kanyang mga mata. Tumayo siya habang nakatingin sa akin ng ilang segundo kaya napainom na din ako sa hawak ko bago siya lumapit pabalik na parang excited. ‘Ang ganda ng top mo!’ compliment niya. Sinuot ko talaga to with an intent to make her like it. ‘Bagay ba?’

‘Oo!’ ngumisi naman siya bago magsalita ulit. ‘Parang ako!’ yung alak talaga yun, tinamaan na ako.

Hindi ko alam kung kinilig ba ako o tumama na tong Tanqueray na iniinom ko o dahil sobrang ganda na lang ni Monique sa harap ko habang may maliit na ngiti sa mukha niya while keeping her eyes on me. Natatanggalan ako ng angas ohemgee.

‘I-‘ Pinili ko nalang hindi magsalita. I think she knows that I felt giddy when she said that to me. It was a no words needed kind of moment.

Parang familiar yung kantang tumutugtog kaya I held her wrist to pull her with me. ‘Let’s dance!’ hindi naman ako marunong sumayaw lalo na sa gantong setting pero basta kaharap ko siya, kahit ano na yan, pwede na yan.

I got a Glock in my 'Rari, ayy
17 shots, no .38
I got a Glock in my 'Rari
17 shots, no .38

I'm like, yeah, she's fine
Wonder when she'll be mine
She walk past, I press rewind
To see that one more time
And I got this sewed up

Tumugtog naman yung Tik Tok ni Kesha as the next song kaya parang lumabas yung inner kid ko at nakasayaw ako ng mas maayos, sa dinami dami ba naman ng beses na ginamit to sa school dati para sa mga event na may sayawan per grade, sinong hindi maeexcite sa Tik Tok ni Kesha.

Tawang tawa pa nga sa akin si Wako kanina at sabi niya, ‘That’s not even a club dance!’

Eh bakit ba yun naaalala ko sa kanta eh, sinasabayan niya kaya ako!

I even thought her the move while holding her arms para sabay kami sa last chorus and I say, fast learner talaga tong bebi ko. Tinignan pa nga ata kami nung mga nakapalibot sa’min pero do I care? Ang happy niya kaya habang ginagaya niya ako and that’s what matters.

Nung patapos na yung kanta eh tumigil muna kami at naki-vibe nalang din muna, napa-sip kami sa inumin ng isa’t isa at triny pa ni Wako yung akin. Hindi naman siya napangiwi kaya I smiled at her when she gave me back my glass.

‘Punta na tayo dun?’ we both stood straight bago luminga linga ang mga mata namin.

‘Andun pa ba sila?!’ she asked me with concern, naaaninag ko naman yung bomber jacket ni Giselle kaya I think they’re still there. ‘I can see Gi’s jacket’ ‘Tara’ yakag niya pero wala namang nauna sa aming maglakad.

I held my hand out near hers, ‘Hawak’ utos ko, tinignan niya saglit yung kamay ko before holding it. ‘Hindi ka naman naiilang diba?’ hindi ko na napigilang mapatanong. Baka mamaya mas okay siya na walang kahawak. ‘Saan?’ ‘Hawak ko kamay mo’ bulong ko sa kanya bago ako magsimula maglakad. I wished na hindi niya narinig yung sinabi ko since the question itself was dumb.

‘Baliw ka ba?’ narinig kong sigaw niya. She held my hand tighter. ‘Of course, not’ hindi ko alam na possible yun pero I heard her voice sweeten when she said that.

Bigla namang may babaeng nagstumble patalikod papunta sa direksyon namin, lasing na ata. ‘Oops!’ I easily pulled Nique to go in front of me. ‘Una ka’ bulong ko sa kaniya.

‘Ginawa mo talaga akong tagabitb

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!