Stick-O

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Last Tuesday, pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay, may package nanaman daw ako sabi ni Mother dear.

     Napagalitan pa nga ako at ano ba daw yung binili ko at napaka-mahal, in which I agree. Kuripot akong tao and minsan lang talaga mag full-on manlibre pero itong binili kong item is easily worth more than two thousand pesos agad. Ilang weeks’ worth of lunch din yun pero wala eh, ito talaga yung gusto ko bilhin for someone.

     That specific someone is yung may-ari ng unit na pupuntahan ko right now. Thursday na ngayon and birthday naman ni Giselle sa Sunday, and of course, may ganap ulit.

     Ang kulit nga eh, 1-week lang pagitan ng birthday nila ni Ning, 1 week and 2 years to be exact.

     Dahil maaga naman yung tapos ng classes ko ngayon, minabuti ko nang hindi dalhin yung gift ko for her nung umalis ako ng bahay kaninang umaga kasi maingay din to tapos baka magtagpo pa kami ni Ning, main purpose nga kung bakit ngayon ko ibibigay yung gift ko kasi nahihiya ako na baka ang childish nung gusto ko ibigay pero sabi naman ni Wako hindi naman daw mapili yung si Gi at lalo na daw pagdating sa birthday gifts kasi it really is the thought that counts for her daw. Kaya ayun, maaga kong inorder to tas sakto pa nga at may discount voucher pala ang new buyers tapos free shipping na din from some reason, 300 din ata yung nabawas sa total price and wala na akong say dun, basta may bawas okay sa’kin.

     Binalot ko yung regalo ko kagabi matapos ko bumili ng gift wrapper kahapon bago umuwi from school. Plain brown lang yung pinili ko for aesthetic purposes pero nakalagay pa rin naman siya sa paper bag kasi ang awkward lang hawakan nung malaking box while taking a public transpo, baka mahablot pa sa akin edi iyak ako nun.

     Giselle lives with the motto ‘Simple is best’ kaya ginawa ko ang best ko na maparating sa kaniya na ang aking gift is ganun din. Not that simple pero not that extravagant.

     It’s a Lego orchid set, bagong bago sa botanical collections nila kaya ang hirap nang hanapin. Kaya nga mahal ang bili ko kasi exclusive na siya dun sa shop na nakita ko at sakto din, isa nalang stock nila nun. I thought of buying it for her para naman may piece of nature si Gi dun sa unit niya but at the same time, wala yung takot na mamamatay yung bulaklak since Lego’s sila.

     At saka syempre, aalukin ko na din siya kung gusto niya bang tulungan ko siya magbuo as a hidden date in disguise. We hit it off better kasi when we’re in a private place kaya feeling ko magandang gawin to while simply just talking to her if she accepts my offer to help her build it. Dapat nga yung bonsai tree ang bibilhin ko for her pero puro palaka pala yung leaves nun kaya hindi ko na tinuloy. Cute naman pero nakakaasiwa lang isipin, no offence maganda din yung bonsai na yun.

     Malaki din tong orchids na to pag nabuo, almost 16 inches in height kaya sakto to dun sa isa niyang side table sa unit niya.

     Oh, diba pati placement sa sarili niyang bahay naisip ko na.

     Saka I asked Wako if she knows some connotations or symbolism that comes with Orchids. Sabi niya, white orchids symbolizes simplicity the best daw, like out of every white flower out there, white orchids are one of the best to show simplicity kaya naman tuwang tuwa ako nung sinabi niya yun.

     Na-search ko din na they could also mean unity, new beginnings, elegance and madami pa kaya bahala na si Boss G mamili kung paano niya ipeperceive tong mga Lego orchids na I’ll be giving her.

     Dalawang sakay lang naman ng jeep tapos pwede na lakarin mula sa kanto yung building ni Gi kaya mabilis na din akong nakadating dito, pinadaan na din pala ako ni Mama sa bayaran ng internet provider namin kaya mabilis naman akong nakalusot nung sabihin ko na dadaan din ako kay Giselle. They know her by now lalo na’t pinakilala ko naman sila as my new friends dati nung nagdinner silang tatlo sa’min.

     Tinanong ko din pala si Gi kung nandito ba siya sa unit niya kasi kung wala edi olats ako pero nagreply agad siya kanina nung nag-aayos na ako paalis na mamaya pa daw siya aalis mga 6pm at magbabayad daw siya ng bills kasi katapusan na and kikitain niya daw yung ibang cousins niya for dinner kaya sinaktuhan ko yung schedule niya para iaabot ko nalang yung gift ko bago siya umalis. Kaya eto, naglalakad na ako papunta sa pintuan niya, ang oras ay 5:45 pm kaya grabe lang ang pagmamaganda ko sa sarili na parang ang perfect naman ng dating ko dito kay Gi. Gora self! Ang galing galing mo!
 

Boss G
‘Dito na ko :)’
 

Hindi na ako kumatok, ayoko ng kumakatok, bakit? Kasi ayoko lang.

Naistuck pa sa delivered ng ilang segundo yung chat ko kay Gi pero na-seen niya din naman agad. It’s kind of weird na I haven’t seen a singular person other than the guard saka iilang staff ng condo dun sa baba, wala pa ata akong nakikitang other resident ng condo na to other than Gi and kung iisipin mo na sa 29th floor na nakatira si Gi….

Ayaw ko na nga isipin, baka kung saan pa mapadpad utak ko.

Nilipat ko sa kabilang kamay ko ang paper bag na hawak ko at nakakarinig na ako ng mahihinang tunog galing sa kabilang side ng pinto, baka palabas na din yun at anong oras na, magbabyahe pa kami pareho.

‘Hey’ ‘Hello’ bati namin sa isa’t isa. Naka pants and simple shirt lang si Gi, probably her most casual look since magbabayad lang naman siya ng bills. ‘Wanna come in?’ she asked me. Motioning her hand to go in.

‘Hindi na.’ sinilip ko yung hawak ko, hindi pa niya siguro napapansin pero kanina ko pa hawak to at I think time na para ibigay ito sa pagbibigyan ko. ‘Oh, gift ko’ inangat ko sa may mukha niya yung paper bag, effortlessly surprising her at ang lapit nga nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!