Gulong gulo
At our own paceThe rest of July went by in a blur.
Baka kasi dahil pasukan na ulit o kasi 2nd year na ako,
O kaya dahil Junior High na si Rye
O kasi….
kasi….
.
.
.
.
......kasi gulong gulo na yung isip ko.
After naming lumabas na apat nina Ning at Gi, may nagbago.
Yung usual na every 1 or 2 hours na chat ni Monique, naging frequent.
Like mas maliit na yung time in between her replies.
Not like I don’t want that, ansaya ko nga kasi may kausap ako at hindi kung ano ano lang ang ginagawa.
Siguro kasi pasukan na nga at hindi na siya masyadong nagbabantay ng shop nila pero ewan, basta isa yun sa mga nag-iba.
Pangalawa, puyat ako these past few days!
Not because of school, because of Monique and Gi and Ning.
Napapadalas na yung usap ko with the other two lalo na si Ning at nagrereconnect kami sa isa’t isa after knowing na same school nga kami at hindi na masama kapag may nakakasama ka sa campus. Lalo na sa uwian, parehas pa naman kaming babae.
With Gi, I found a common ground na.
Isa pa lang pero that’s better than nothing, parehas kaming tanga tanga-
Okay not in a way na bobo kami or anything. Alam niyo yung little mishaps na kadalasang nangyayari kapag sabog yung tao o kaya lutang?
Dun kami nagkapareho.
Minsan pati sa pag-aalala ng bagay, hindi naming magawa.
Let’s say kagabi may sinabi siya sa’kin na magandang kainan near dito sa place namin, and since ako tong si late magreply, minsan kinaumagahan na bago ako makapag chat back, and by that time, hindi na rin niya alam kung ano yung sinasabi ko.
Oh, diba ang ewan lang.
Pero we talk, like more than I expected, but not as much as how me and Monique talk to each other.
Grabe lang din at hindi na kami nauubusan ng topic these days.
Last night parang kakasabi niya lang sa’kin na she liked marine creatures tas kung may like ba daw akong isda or marine life. Sabi ko nalang otter saka penguin, ang cute kasi nila.
Tapos ayun, the night went with us sending pictures and videos of otters and penguins at nag-end up pa nga ako with watching an hour-long documentary about penguins in New Zealand.
Ako!?
Documentary!?
Cute Penguins?!
Mygad the things I do for penguin knowledge.
Ay nga pala, naalala niyo yung ‘thank you’ gift sa’kin ni Monique- I mean nung tatlo?
Keychain pala siya.
Nakita ko to nung pumasok kami sa Blade kasi ito agad yung tinignan niya, like isang circle rack sila dun sa may cashier kaya dun lang din nag-stay si Nique.
Akala ko nga nung una yung cute na white rabbit yung binili niya nung nakita ko yung key ring, pero hindi eh, mosquito repellant na keychain to. Hugis heart, kulay green, may pink na flower sa gitna.
I’m grateful siyempre because it’s the thought that counts pero ang weird, bigla nalang niya tong binili tas binigay sa’kin.
Ano nung nakita niya 'to, ako agad pumasok sa isip niya?
Mukha ba akong habulin ng lamok? Should I be offen- charot ang OA.
Ayun, sinabit ko siya sa ID ko, effective kaya to? Baka naman na-scam lang yung si Monique. Sayang pera.
‘Lalala lalala lalalala- Happiness! Lalala lalala lalalala’
Ito pa, nagtanong ako kay Nique anong magandang pakinggan kapag masaya. Sinendan niya lang naman ako ng kpop song,
‘Just listen to it! Wala namang mawawala :p’ yan ang sinabi niya.
Alam niyo sa chat niya lang sinabi yan pero parang ang excited niya lang at parang nakita ko pa siya saglit sa imahinasyon ko na nakangiti siya habang sinasabi yan, so pinakinggan ko.
At eto, stuck ngayon sa isip ko tong Happiness ng Red Velvet kahit hindi ko naman alam yung lyrics, sinasabayan ko nalang ng kung anong masabi ng bibig ko at wala kayong pake.
‘Ha….’ nag-unat na ako, para mahimasmasan.
Kanina pa ako nakahiga sa kama kasi nakakainis lang at mas maaga pa akong nagising sa alarm ko.
Online classes naman ako ngayon pero kahit na, ano pang purpose nung alarm
Comments