Jopay

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

Kahapon. Ang disaster lang. Jusme.

     Napa-status update kami dun sa dalawa ng kay aga aga at narinig na rin naman ni Ningning yung usapan namin ni Gi kaya minabuti ko nang gisingin yung natitirang tulog. Hinayaan muna namin siya mahimasmasan bago pudpudin nung dalawa ng tanong si Wako kaya naman ngiti at moral support lang ang na-ambag ko sakanya.

Hindi naman siya nagalit, ata.

Napakamot talaga ako ng ulo dun.

     That was not how I wanted them to know about us but well, yung pagtanong nga sa’kin ni Wako the night before, it wasn’t even sensed by me so wala, mahirap talaga makiramdam sa tatlong yun.

Naitawid naman ni Wako yung pagsasagot sa tanong nung dalawa na mostly is about her din. Nakaka-offend pa nga yung isang tanong ni Giselle eh, ‘tong si Salvatore talaga.

‘Sure ka na?’

She defended herself naman agad at she’s pertaining to Wako being sure about what she’s doing daw and it’s definitely not like ‘is she sure na ako ba’ or something na ganun. Basta wag daw ako ma-offend kasi pati siya napa-amin din, she likes me daw for her best friend.

Aba, I’m flattered po Ms. Uchinaga.

Ang weird nga lang ni Ning at kamot siya ng kamot sa tenga niya tapos minsan lang siya dumaldal ng dire-diretso. Parang onti nga lang din yung tanong niya, isa na dun is ‘So official na?’ in which parehas lang namin siyang tinanguan ni Wako.

Wala eh, official na. Hehe, kekeleg.

     Umuwi na rin naman kami before lunch at magiging busy pa daw si Ning dun sa kanila. Dahil 20th birthday niya daw kasi, napakadami daw na in-invite ni Ninang. Mga kamag-anak, family friends, pati nga daw yung ibang nanay ng mga kaklase niya since kinder naimbitahan ni Tita, tawang tawa nalang kami kay Ning ng manalangin siya sa taas na sana naman daw wag na sumama yung mga dati niyang kaklase nung kinder.

She confessed na may pagka-bully daw siya nung panahon na yun kaya ayaw na niya humarap pa sa mga posibleng napagtripan niya nung bata siya. Pwede na daw yun na pabirthday sakanya ni Lord.

Ako naman pagkauwi eh nagbalot na ng regalo, a simple and practical gift from the three of us na pinag-ambagan namin since medyo pricey din. Matagal na daw gusto bumili ni Ning ng ganto sabi nung dalawa kaya ako na yung naghanap ng mabibilhan online tapos nung macheck nila na legit nga, ako na rin umorder para sa’min ideliver at iwas suspitya mula kay Luningning.

Mini projector lang naman to at mataas daw kasi ang kisame ng kwarto nun kaya sakto for movie nights o kaya binge-watching k-drama ganern. Resident k-drama fan pa naman tong si Ning kaya feel ko gamit na gamit sakanya to.

     Dito na bumaba si Gi sa bahay namin at si Wako naman ay naglakad papunta dito, bumili pa din kasi siya ng ice cream at yun daw ang added gift niya kay Ning since favorite daw nito yung bagong strawberry flavor ng Selecta. Si Giselle naman ay dumaan pa sa isang mall para ibili si Ning ng crepe cake, isang buo pa nga, feeling ko mahal to.

     I asked them if I needed to pay for anything and they said no immediately, okay na daw na ako yung nag-asikaso nung main gift namin sakanya tapos ako pa daw ang nagbalot and everything kaya we’re all even daw.

Hindi na ako umangal, sila na nagsabing okay eh.

Mabilis naman ang lakad papunta kayna Ning at tanghaling tapat ang handaan niya, sikat na sikat ang araw ng ala una ng hapon pero ayun, nilakad namin kasi ganun namin kamahal si Ning.

Hindi pa kami nakakalapit sa gate nila at rinig na ang alingangaw ng karaoke mula sa bahay nila. Ito talagang talented naming friend, napaka-bait sa pagpapakita ng kanyang mga assets. ‘Uy may karaoke, birthday nga ni Ning to’ bulaslas ko habang inaayos ko yung hawak ko sa payong.

Iisang payong, tatlong bunbunan namin ang naghahati hati. Puno kasi yung kamay ni Gi tapos itong si Wako naman nakapulupot sa’kin yung isang braso.

‘Kumatok ka na nga’ inis na sabi ni Giselle. Siya nga pala yung nasa likod naming dalawa. ‘Ay sorry po’ binitawan naman ako ni Nique at inabot ko sakanya yung paperbag kung saan nakalagay yung projector at nag-ayos ng itsura bago kumatok sa gate.

‘Ano yun?’ mabilis namang may sumulpot na tao sa gate nila, mas matanda sa’min pero hindi rin super tanda. Hanudaw self? ‘Si Ning po?’ ‘Ay saglet- Ningning!’ ay dapat pala ako nalang yung sumigaw at parang mas malakas pa yung boses ko kaysa dito kay kuya.

Sinulyapan niya ulit kami bago tumalikod at humarap on what I think is yung main door nina Ning. Tinignan ko naman si Gi na sinusubukang ayusin ang sarili habang binabalance yung cake na hawak niya sa isang kamay. Palagi namang maganda si Wako kaya hindi na niya need mag-ayos.

‘Bakit!?’ ayan na siya. Tinuro lang kami ni Kuya at agad namang sumulpot si Ning sa likod niya.

‘Happy birthday!’ sabay sabay naming bati bago pa niya mabuksan yung gate. Haha, second hand embarrassment at its finest! Pinagtinginan kami nung mga dumadaan sa likod namin, nakita ko yun. ‘Parang mga ewan’ pachumchum niya.

‘So ayaw mo?’ ‘As if you didn’t tag me on this cake place kasi you wanted to try it’ laban naman sakanya nung dalawa. Hindi na ko sumali, baka umiyak birthday pa naman. Nangiti lang siya na parang tanga at alam kong feel na feel niya ang pagtanggap nung cake niya mula kay Gi.

‘Thank you’ she said before glancing quickly to Gi.

‘Kami walang thank you?’ pang-iinis ko.

‘Para sainyong lahat yung sinabi ko’ pag-iinarte niya. Sinara ko na yung payong na bitbit ko at nakapasok na kami. ‘Oh, gifts namin’ pinakita ni Wako yung hawak niyang mga paper bag. ‘Yung bigger one from the three of us, the other one is exclusively from Gi’

‘Thank you ulit’

‘Walang anuman’ pagmamaganda ko, inakbayan naman ako ni Ning at parang gusto pa nga ako sakalin. Hehe, 20 and above na kaming lahat, nakakatuwa lang.

Binati namin si Ninang pagkapasok at alalang alala niya pa pala ako. Ang laki laki ko na daw pero ang ganda ko pa rin.

Ninang naman, dapat si Wako lang nakakapagpa-blush sa’kin eh, nakikisali ka- charot!

Inasar tuloy ako nung dalawa at ano daw ba itsura ko nung bata, baka naman daw gumanda ako lalo nung lumaki o kaya dahil malabo daw ang mata ni Ninang. Edi ako na inasar, bahala sila ayaw nila maniwala na ang cute cute ko nung bata.

Buti pa si Ning, nananahimik lang.

Actualy, hindi siya mabuti, ang weird nga eh, birthday niya pero ang tahimik niya. Baka masama gising o ano. I silently promised to myself that I’ll keep an eye on her.

Ayun kumuha na kami ng pagkain at isang buong lamesang mahaba ang handa nitong si Ning at separate pa dun yung desserts na meron siya, nilagay na din ni Wako yung dalawang tub ng ice cream saka mga cone na nab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!