Ate Iya

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Sira.

     Nasira yung plano ko ngayong araw na humilata lang sa kama magdamag- I know unproductive pero I think dasurb.

     Since nagsimula ulit bumangon ang business nina mama't papa, I've been trying to help even in the smallest ways since matagal tagal din akong natatambak dito sa bahay.

     Last week yung last week ko ng pagtulong sakanila kasi sabi ko gusto ko na sulitin yung summer ko this time lalo na't maluwag luwag na uli ang mga patakaran sa bansa- hanudaw? Patakaran? Basta yung mga guidelines ganun.

     Plano ko lang sana today is makipagbonding kay Rye at this upcoming weekend pa ang uwi ni Kuya dito- tulad ko susulitin din niya yung 2 months or less namin na summer break ni bunso bago din siya pumasok ulit.

     Tourism graduate si Kuya, stable job, magandang benefits, good pay, at syempre pagod.

     Pero dahil nga sa pandemic, isa siya sa mga na lay-off from work- buti nalang at may somekind of contract ata si Kuya na kakasimula lang nung umiral yung pandemic so technically, may trabaho parin siya, di lang siya working as of now.

     Buti nalang may savings si Kuya at kahit papaano 'di siya nangangailangan ng malakihang tulong mula kayna Mama- di ko alam kung thing ba siya with a Korean parent pero ever since bata kami, grabe maglaan ng pera si Papa para sa savings namin.

     Separate pa dun yung for college fees and funds namin, galing no? Appa ko yan!

     Umuwi muna si Kuya sa Lola namin sa Rizal para naman may nagagawa siyang iba at may kasama si Lola- at ayun sa mabuting palad, may napasukan siya na mini mart where he worked for a couple of months before he resigned this April lang.

     Papasok muli si kuya pero sa isang fashion school naman, dream niya ito kaya tinutupad na niya habang wala pa siyang work, and as a kapatid, supportive ako syempre may mananahi na kami dito sa bahay.

     Anyways, back sa dilemma at hand. Ang aga aga tinatawagan ako ni Ate Iya, maghanda daw ako at aalis kami mamaya, as if naman pumayag ako diba?....
.
.
.
.
....Syempre um-oo ako, sino ba ako para humindi sakanya.

     Sagot naman daw niya pamasahe saka entrance free, kkb lang daw kami sa pagkain kung kakain man kaya um-oo nalang ako at on the way na daw siya nung bumaba ako para malaman naman ng pamilya ko na buhay pa ako.

     “Nakausap mo na si Iya? Kanina ka pa pinapagising nun” salubong sakin ni Mama ng tawagin niya ako para yakapin, humalik din ako sa pisngi ni Papa kasi wala lang baka magtampo siya sakin kapag hindi.

     “Opo ma, kakachat ko lang, ang biglaan kasi ni Ate.”

     “Hayaan mo na, minsan lang naman Minjeong. You're both going back to school na in a few weeks so why not hang out with each other” dagdag ni Papa.

     To namang si Papa aga-aga tinatawag akong Minjeong, masama siguro gising.

     Right now, dito sa munting bahay naming sa Sta. Mesa, ako, sina mama't papa at si Rylee ang nakatira.

     May business kasi na catering sina Mama tapos may separate pa na wedding services na part din sila along with some friends ni Papa.

     Maganda rin siya since it extends the opportunities for us- oo us kasi nung nagsimula akong tumulong sakanila, sinabihan na nila ako na kayang kaya ko daw i-handle tong negosyo namin-

     Oh ano ka ngayon Kuya, who you ka!

     After kong kumain, maligo at makaidlip saglit ng nakatapis lang sa kama.

     Dumating na si Ate Iya, dire-diretso pa ang pasok sa kwarto ko- buti nalang nakapanty't bra na ko kung hindi ay nakita nanaman ng isang masamang elemento ang kaluluwa ko- hilahin ba naman ni Ate Iya yung towel ko habang nananahimik ako!

     “Buti nalang 'di ka hubo”

     “Ewan ko sayo Ate!”

     Nga pala, pinsan ko tong si Ate Iya, pinsan kong mahilig bulabugin ang payapang buhay ko.

     “Dun muna ako kay Rye, magbihis ka na dyan”

     “Bilisan mo ha!” pahabol nito bago ko pa man masara ng semi padabog ang pinto ko at baka marinig ako nina mama, mahirap na baka di pa ako papasukin mamaya.

 

R: “Ate, uwi ka ng pasalubong ha.”

W: “Ano gusto mo?”

R: “Kahit ano”

W: “Kahit dahon?”

R: “Sige.”

     Iba talaga tong kapatid ko, ka-chat ko lang siya pero nakikita ko na yung pag-iinarte niya sa isang simpleng 'Sige' galing sakanya.

     Alam niyo ako yung pinangalanang Winter pero siya tong anlamig magchat sa buong pamilya namin, kainis lang minsan.

     “Puro ka cellphone Winter” saway ni Iya habang hawak hawak ang kababatang pinsan niya sa braso. Huling tawid na nila to tapos arrived in destination na sila.

     Matagal nang gusto pumunta ni Iya dito pero dahil busy sa school dati tas biglang nagpandemic, ngayon niya lang talaga naisinggit- sumakto pa na trending ito ngayon sa isang platform kaya maraming tao pag weekends.

     “Bat ginusto ko ba pumunta dito?”

     “Eh bat ka sumama?” masungit na puna pabalik ng pinsan niya kay Winter, oo kung siya masungit, lalo na tong pinsan niya.

     “Papunta ka na eh, sayang byahe mo” agad niyang sinulyapan ang pinsan matapos niya bitawan ang braso nito, mukha namang di siya nagalit sa pagsusungit niya, buti naman.

     “Wala ba si Ate Charm?”

     “Wala, sa Huwebes pa balik nun sa dorm”

     Well, no choice na siya, papasok na sila kaya go with the flow nalang. Say “Goodluck Winter”

     Pambansang Museo ng Pilipinas, di niya sure kung asaang building sila pero fine arts ata to kasi ang pinunta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!