ElDen

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     For today’s video, ang ating center of attention ay walang iba kung hindi si Luningning!

     Ang aming soon-to-be very hardworking, very patient and very detail-oriented Interior Designer.

     Mas maaga uwi naming dalawa ngayon kaysa dun sa mga blue falcon namin kaya diretso lang naman ako kayna Ning matapos ko magpalit ng damit at nagpapatulong siya dun sa mini demo-house na kailangan niyang gawin, 2 story, yung 2nd floor dapat pwede hatiin yung wall para matanggal yung upper part tapos yung 1st floor is like any other normal house structure, basta yon.

     Um-oo naman kaming tatlo nung tinanong kami ni Ning kung okay lang daw ba magpa-tulong, lalo na ako, nakakacurious din kaya yung course niya. Not everyone thinks to be an interior designer no.

     Kaya eto ako, ang unang kakampi ni Ning at tinutulungan ko siya maghiwa hiwa ng mga vellum board saka maggupit gupit ng mga bagay after niya i-measure, nakakatakot nga to eh, pag nagkamali ka agad agad na kumukulo dugo niya.

     May pinaggagayahan naman kaming 3d model dun sa laptop niya kaya I can see na maganda talaga yung kakalabasan nitong pinaggagawa namin, syempre una’t sa lahat gawang Ning to noh!

     Modern-urban townhouse daw to tapos you need to think na it’s going to be made in the country kaya nung tinanong ko siya kanina bakit walang porch, mga napapanood ko kasi meron, sabi niya lang sa akin,

     ‘Nakakita ka na ba ng may porch sa Pinas? Closest na meron tayo besh gate, yung closed type na gate’ agad naman akong sumang-ayon sa sinabi niya.

     Usapan tuloy namin is kung paano napakagahaman ng mga Pinoy pagdating sa lupa nila.

     Like diba, usually may mga harang pag lote lang tapos walang bahay tapos kung meron mang lote na walang nakatayo tapos nagkaron ng mga bahay, most likely hindi sa mga nakatira yung lupa.

     Basta yun, napadpad pa nga kami sa 'Just Compensation' kasi may nakwento daw sa kanila yung isang prof nila na nangyare tungkol dito.

     Bago kami mag 10-minute break, marami rami na rin kaming nagawa at tapos na din pala niya yung mismong base structure nung bahay.

     And kung hindi niyo pa nahuhulaan, nakatulog po ako sa kama ni Ning yes po opo.

     Yung 10-minute break ko naging 30 at paggising ko andyan na sina Monique saka Gi. Mukha namang silang amused nung nahuli ko silang nakatingin lang sakin habang nahihimasmasan ako kaya I think may bago nanaman silang mga blackmail photos of me,

     To namang jowa ko, di man lang ako ginising at nandito na pala siya, nakakatampo.

     ‘Ang sakit na ng pwet ko kakaupo!’ exaggerated kong bulaslas bago tumayo at nagpapadyak sa pwesto ko, ako yung nagpapatong patong ng cut up squares and other shapes tapos binibigay ko kay Ning kapag tuyo na, isang tumpok na din ata yung nagawa ko pero di ko na kaya, ansakit na ng pwet at likod ko.

     Hindi talaga ako pwede sa pang matiyagaan na gawain.

     Hindi naman ako pinansin nung dalawang busy sa pagtatapal ng colored paper at pagpipintura sa mga bagay bagay tapos si Wako naman nakatingin lang sa akin habang pinapasadahan niya ng cutter yung makapal na stack ng papel sa may area niya.

     Jusko babe delikado yan bat di ka nakatingin sa ginagawa mo.

     Sinuway ko siya at nginusuan yung ginagawa niya bago ako lumapit dun sa dalawang serious sa pagpipintura. ‘Tagal pa ba Ning?’

     ‘Shunga maski first floor nga di pa tapos’ tinuro niya yung nasa harap niya. Oo nga, hindi pa tapos yung loob pero yung labas fully colored na.

     Nagdabog dabog pa ako ng onti bago ako umupo sa tabi ng baby ko, buti pa siya kaya niya tiyagain yung pinapagawa sa kaniya ni Ning.

     ‘Isip nga kayo topic, at least may napag-uusapan’ nilingon naman ako ni Gi at nagkaintindihan ang aming mga mata.

     ‘Why did we even agree to help Ning?’ sarcastic niyang tanong habang pinapakiramdaman yung reaksyon nung katabi niya.

     Wako giggled at her chosen topic before giving her own thought to the mix. ‘Kasi mababait tayong kaibigan’

     ‘True’ pag-agree ko sa kaniya bago ko tinapon yung mga pira-pirasong papel na nakakalat sa lamesa niya.

     ‘Heh!’ ayan na, nagreact na. ‘Kung ayaw niyo edi umuwi na kayo!’

 

 

 

     Matapos namin i-comfort si Ning na kahit isang buong bahay pa mismo ang kailangan niyang gawin ay tutulungan namin siya (basta hindi limited to a small amount of time as per request ni Gi), na-flatter naman si Ning ng sabihin ni baby loves ko na kahit umalis daw ako at si Giselle ay hindi siya aalis hanggat hindi siya napapagod ng husto.

     Iba din mag-comfort to eh, if you don’t know her well, you’ll actually think na she’s not saying the truth.

     We know her kaya naman we didn’t bother to dwell on it anymore at baka kung anong pangako pa yung mailabas ni Monique ng wala sa oras.

     Basta daw si Ning ang favorite friend niya for today is si Monique kaya tinanggap nalang namin ni Giselle kahit masakit at kami din naman nagsimula nung kalokohan namin.

     Nagpalit kami ni Gi at ako naman ang tumulong sa pagpipintura. I actually love the color palette chosen by Ning, brown hues with cool colors siya tapos some hints of pink and salmon colors that somehow maganda yung combination kahit na pa nga puro trims yung pinupuntirya ni Ning tapos ako yung mga mas malalaking areas para walang lagpas.

     As nervous as I am when I was cutting kanina, ganun ulit ngayon at katabi ko siya.

     Isang maliit na reaksyon sa mukha ko malalaman n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!