✏️

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Wala pang isang buwan simula ng magparty party kami nina Ning pero eto, nasa bar nanaman kami and surprisingly, kasama din namin yung dalawang hindi taga-PUP. Open bar naman kasi to tas parang nasaktuhan lang na may ibang courses din na ngayon daw magccelebrate ng sem ender, isa na dun nga yung sina Ning, Interior Design.

     Based sa pagkakaalam ko, apat na courses nandito sa bar na to ngayon, kami, sina Ning, Mech Eng tapos Food tech. Diba ayos. Hindi rin iisang year to, halo halo to the max na talaga. Andami ngang freshies eh tapos onti lang ang mga graduating ata at pagod na daw sila sa mga sem enders.

     Pagkapasok mo palang sa bar eh mabibingi ka na sa lakas ng tugtog tapos may mga grupo grupo din na nagsisigawan na, I think Mech Eng yung pinakamaingay kasi mostly naman sa kanila ay lalaki.

     Habang nabibingi ang tenga ko, may humawak na agad sa braso ko, si Ning. Sabay nga pala kaming pumunta, mamaya pa kasi yung dalawa at may ginagawa pa daw sila.

     Nung malaman kasi namin ni Ning na sabay yung courses namin for sem ender, talagang pinush namin yung isama yung dalawa para maexperience naman nila magparty sa isang low end bar na puno ng students at talagang college feels.

     Nung kwinento kasi nila sa amin yung sem starter nila eh, hindi naman feeling college party yun, parang masyado siyang organized di tulad ngayon, ilang lalaki na din yung nakabangga sa amin ni Ning bago pa kami makadating sa mismong bungad ng bar. Halo halo na rin ata talaga yung tao at may mga nakikita akong ka-block ko pero may mga kasamang hindi ko kilala.

     Hinarap ko si Ning pansamantala at nagka-eye to eye kami, mukha siyang manghang mangha sa paligid namin, very opposite sa nafefeel ko. Para akong naiirita na ewan.

     Nahuli naman niya akong nakatingin sa kaniya kaya umayos siya ng hawak sa akin. ‘Ang ingay!’

     ‘Ha!?’ nakita ko lang na gumalaw yung bibig niya pero hindi ko siya narinig, bago yun ah. Never did I think na impossible na hindi ko maririnig yung boses ni Ning.

     ‘Sabi ko ang ingay!’ naintindihan ko yung unang mga salita na sinabi ni Ning pero hindi ko talaga maintindihan yung dulo, yun din ata yung sinabi niya kanina. Mainit ba sinasabi niya? Bat kasi siya naka jacket eh nakalaylay naman na sa braso niya, nagjacket pa siya eh mainit pala.

     ‘Sige naintindihan kita!’ I looked around when Ning didn’t bother to talk back to me anymore. Hindi ko talaga siya maintindihan.

     Nakita ko ata si Cliff malapit dun isang sulok kaso andami niyang kasamang guys, feeling ko hindi ako magiging comfy pag pumunta ako sa kaniya. Nilinga ko pa ang mata lalo at nakita ko naman si Thea, kasama niya sina JC, malapit sila sa bar. What if bumili na ako ng inumin? May cocktails naman siguro dito no, for sure kasi magyayaya ng shots yang mga kaklase ko pag nagkakitaan na kaming lahat.

     Safest choice ko na yung beer or cocktail.

     Akmang aalis na ako ng mas higpitan ni Ning yung pagcling niya sa akin. ‘San punta?!’ sigaw niya ng mas malakas. Narinig ko na din siya salamat sa Diyos.

     ‘Bar!’ nilapit ko lalo ang mukha ko sa kaniya, wag na wag siyang titingin sa akin magkakahalikan kami dito. ‘Sama ka?!’

     Umiling siya kaagad. ‘May gusto ka!?’ pagkusa ko. ‘Beer!’ ayan, naririnig ko na siya.

     Hinihintay ko na may mag-asikaso sa aking bartender kahit beer lang naman yung bibilhin ko, nagzzone out na nga ata ako pero bigla kong narinig yung pangalan ko. ‘Winter!’

     Nilingon ko yung sumigaw sa akin, si Angel, yung walang anak. ‘Uy!’

     ‘Hindi ko naman kayo makita, asan ba kayo?’ pasigaw kong tanong. Hinila niya ako palapit dun sa bartender na talagang hindi ako pinapansin, mas tahimik pala ng slight dito. ‘Dun kami sa may mga salamin, marami rami Econ dun’ pagture niya dun sa pader na puro salamin. ‘Andun din si Ate Angel’ dagdag niya.

     So tumuloy pala si Ate. Nalaman ko kasi recently na may kilala din siyang higher years from Int. Des. kaya siguro sumabay sila sa amin ngayon.

     ‘Nagkalat na din lahat, mix talaga kung mix’

     ‘Kaya nga eh, lahat ng nakita ko pagpasok ko di ko kilala’ hinahanap ng mata ko si Ning kasi nawala siya kung saan ko siya iniwan.

     Nagulat naman ako ng may maka eye-to-eye ako na lalaki. Nginisian pa ako, yuck. I sense na parang need ko ng sticker that says, ‘Ayoko po sa talong’ para maging tahimik ang gabi ko.

     Maganda din kaya ako no, hindi niyo sure baka maraming humirit sa akin dyan.

     ‘Diba may friend ka sa I.D.?’ tanong sa akin ni Angel. Kasama ko nga pala siya nalimutan ko saglit. ‘Meron’

     ‘May mga students ng I.D. dun malapit sa amin, baka kilala niya’ pag-inform niya sa akin. Tumango tango naman ang ulo ko at bumalik ang tingin kay Kuyang nababartend. Kuya, makiramdam ka.

     ‘Sige sabihan ko’ Ay nakiramdam nga! Tinignan na ako ni Kuya, tinaasan pa ng kilay kaya nilapitan ko na agad.

     ‘Kuya, dalawang beer’

     ‘Sige Ma’am wait lang po’ jusme, dapat worth the wait yung beer nila dito ha.

     Iniwan na rin ako ni Angel ng makita siya ni Thea, sila sila siguro ang magkakasama. Iba’t ibang ages din talaga yung nandito, may mga freshies pa na sumama at parang ilang taon lang ang tanda kay Rylee, sana naman legal age na yun. Ayoko madamay kung biglang magkaproblema. Problema ng isa problema ng lahat dito no.

     Hinihintay ko pa rin yung beer ko ng madatnan ko si Ning na naglalakad lakad, hindi pa kami nakakainom nito ha pero mukha na siyang haggard.

     ‘Hoi!’ sinigawan ko siya, mukhang nabosesan naman niya ako at luminga linga siya. ‘Ning!’ tawag ko ulit. Nagkita na yung mga mata namin at naglakad na siya palapit sa akin.

     ‘Ma’am beer niyo po’ ‘Ay salamat’ nagpasalamat din ako kay Lord ng makuha ko yung dalawang beer mula sa kamay ni Kuya, buti nalang at malamig kung hindi ibabalik ko talaga to.

     Binalik ko ang tingin sa likod ko at nakita ko na si Ning na nakatayo dun. ‘Hagardo versoza ang peg?’ ‘Tse!’

     Binulsa ko yung wallet ko matapos ko magbayad at binigay sa kaniya yung isang beer. San mig Pilsen pa nga, very Filo vibes. ‘Okay lang to?!’ tanong ko kay shunga. Hindi naman niya pinansin yung tanong ko at tinungga na agad yung binigay ko. ‘Okay….’

     ‘Ayos pulutan dito ah, fish crackers’ sinundan ko yung tinitignan niya. Oo nga, isang mangkok ng fish crackers yung nasa lamesa nung tinignan namin.

     ‘May mga kaklase daw ako dun’ pag-iiba ko ng topic. Tinuro ko yung area kung saan maraming salamin. ‘May mga I.D. din daw dun’ nakarinig ako ng mahinang ‘so’ mula kay Ning. ‘Puntahan natin’ maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni Luningning.

     ‘Hawak bes’ agad ko namang hinawakan yung kamay niya without double thinking at naglakbay na kami.
 

     Sabi sa inyo eh, the moment na makita ko mga kaklase ko, nagyaya agad ng shot. Cuervo saka Jack Daniels yung bote na meron sila, one shot each daw muna sa mga bagong dating.

     Cuervo nalang pinili ko at nakantsawan pa si Ning na magshot na din, Jack Daniels ata pinili niya. Bottoms up naman agad kami at sinabayan na din kami ng iba. Sakto din at that moment, nagchat si Wako sa akin na papunta na daw siya kay Gi, magkita daw muna sila bago pumunta dito kaya napagdesisyonan kong magshot ulit just to keep the energy going.

     Tawang tawa naman sa akin si Ning at bakit daw ako biglang nagshot ulit, sabi ko nalang try niya din para masaya.

     Eto, nandito na ngayon yung dalawa, naka tube top si Wako saka maong shorts, flannel ko din ata tong suot niya, pamilyar eh. Nasa isang table lang kami kasama sina Ate Angel, napakilala ko na din si Wako saka si Gi, warm smiles naman ang sumalubong sa kanila. May kasama din kaming seniors ni Ning dito kaya tatahi-tahimik siya.

     At eto, dahil sa aming kalasingan, tumayo si Paul bigla at namigay ng mga fake flowers mula dun sa display dito sa mga table. Mga best in outfit daw tonight, yung unang bulaklak sa kaniya din mismo napunta tapos sunod sunod niya lang na binigay dun sa mga katabi niya yung iba then nung last na, malay ko ba, sa akin napunta yung tingin niya kaya ako nakatanggap nung pang-sampu na bulaklak.

     Hehe, best outfit pala ha. Ako lang to guys.

     Ininom ko naman yung shot ko bago tumingin kay Wako, I gave her the flower. She looked at me weirdly. ‘You look the best here kaya’ she chuckled before kissing my cheek. Oh diba, galing ko talaga.

     Binaba niya yung bulaklak at tinignan ako sa mata. Parang tinatantsa niya kung lasing na ba ako o hindi. ‘Winter’ ‘Yes?’ ‘Cr tayo’ tumango ako at sumunod. Maraming tao sa CR pero nandun lang sila sa labas ng mga stalls, may mga nag-aayos tas yung iba nagtsitsimisan.

     Umiihi ako sa bowl ko ng magsink in sa akin yung nangyare. Did she call me Winter? As in, first name ko? Bakit!?

     Why not Gal? O kaya maski Rid man lang.

     Pagkatapos ko ay agad akong nagsuot ng pambaba at nag-ayos ng sarili bago lumabas, umonti yung tao kahit papaano. Sumingit ako dun sa mga babae na nagreretouch ng make-up para maghugas ng kamay. Nawawala na ata ako sa wisyo pero nandito pa rin naman ako.

     I caught Wako going out of her stall in my peripheral view at I was relieved nang maghugas siya sa sink sa tabi ko. ‘Galit ka ba?’ diretsuhan ko sa kaniya. If she is then better say it already.

     Para naman siyang nakakita ng puting uwak ng lumingon sa akin. ‘What?! No!’ she said in disbelief.

     Napatigil ako sa paghuhugas at nanatiling nakatitig sa kaniya. ‘Bat Winter tawag mo sa akin?’ may halong pagtatampo at kalungkutan yung boses ko. She never called me Winter naman unless she’s teasing me or it’s something else.

     She lovingly smiled at me before drying her hands so she could hold my cheeks. Wala na akong pake sa mga ibang babae na kasama namin, mamatay sila sa inggit. ‘You have a blockmate named Reed sitting near u

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!