Burger

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     3rd floor parking, sa letter A, number….
     .
     .
     .
     ....4.

     3rd floor parking, sa letter A, number 4. And one more time.

     3rd floor parking, sa letter A, sa number 4.

     Mahirap na malimutan at ilang levels din ang parking dito sa Megamall.

     I knew naman beforehand na dito kami pupunta at ako yung designated driver at pagpasok palang kanina sa area around the mall, napahimas nalang ako ng sentido sa dami ng nagpapark.

     Sakto naman at after naming libutin yung basement hanggang 2nd floor parking (which is puno kahit pa nga pati si Ning ay naghahanap na ng bakante) may nakasalubong kaming palabas kaya minadali kong maakyat sa 3rd floor, kaya ayun, 3rd floor, letter A number 4.

     Tandaan mo self-please lang.

     We arrived in just over an hour kaya mag-lunch time na, sakto sana kaso andaming tao kasi nga lunch time na. Nag-uusap usap na sila kung saan kakain habang andito kami sa Vans para magpalamig.

     Converse type of girl ako pero there’s nothing wrong with window shopping sa kalaban. Ako kasi yung paikot-ikot habang tumitingin habang yung tatlo pare-parehong sapatos lang yung katapat tapos nag-uusap usap pa, baka mamaya palabasin kami ni Kuya dito eh.

     Wag Kuya, wag.

     ‘Rid’ ay si Monique.

     ‘Hm?’ angat kilay, ngiti onti, tingin sa mata, perfect!

     ‘Ikaw daw, san mo gusto kumain?’ she said. Akala ko naman nakapili na sila ng kakainan. Ako pa ata papipiliin.

     ‘Kahit saan,’ sabi ko. Engk.

     Kunwari ka pa Wintot, may gusto ka tikman sa Shake Shack eh.

     ‘Pero may gusto ako i-try na bago dito eh’ I added, nakakaguilty naman kung ‘Kahit saan’ lang sasabihin ko eh kaharap ko si Monique, para na din akong nagsinungaling sa santo kung ganun.

     ‘San yun?’ she asked as I led us back to the other two, nakita ko kasi na parang palabas na sila ng Vans.

     Ano iiwan nila kami tas sa’min din maiiwan yung kahihiyan ng pag-stay dun ng walang binibili?

     Ginusto nila to, damay damay tayo dito.

     Hindi ko na nasagot si Monique kasi bigla din naman kaming nilingon nung dalawa, by this time nakalabas na kami at naglalakad na ulit. Hindi na ako nagtangkang tumingin ulit sa loob ng Vans, baka masama na tingin sa’min ni Kuya na nagbabantay.

     ‘Ning wants Panda Express daw, sawa na kasi ako dun’ si Gi. Sabi niya mas okay daw na iyon ang itawag ko sakanya kaysa sa two syllable na Giselle.

     Feeling close naman ako kaya sure why not beshie G- mareng Gi? Boss G. I think bagay.

     ‘What do you want ba?’ tanong ni Monique sakanya.

     ‘Sisig….’

     ‘Edi mag-food court tayo?’ I offered. Wala nang talo talo dun sa food court- paghahanap ng upuan nga lang ang problema saka yung thought na may snatcher within the crowd. ‘Ikaw ba, ano gusto mo?’ this time I asked Monique, kanina pa siya nagtatanong sa’min, baka siya may gusto.

     Pumasok kami sa Bose, mas maliit to kaysa sa Vans kaya nasa harap lang namin sina Ning, makabili kaya ng bagong speaker? Kaso sabi ko mag-iipon ako pang-Marshall eh. For the aesthetic :)

     Nakatingin lang naman sa’kin si Monique, hinihintay ko pa rin yung sagot niya para incase na vague din edi push na kami sa food court.

     ‘I wanna try yung gusto mo’ sagot niya. Nako may narinig akong nagsabi sa harap namin, feeling ko si Ning.

     Edi ayun pala.

     ‘Foodcourt nalang, for sure punuan sa Shake Shack saka Panda express, i-take out nalang natin then kain tayo sa foodcourt sama sama’

     ‘Okay, that sounds good’ pagsang-ayon ni Giselle, hila-hila niya lang si Ning sa braso. Ako lang pala ang makakasolve sa problema namin kung saan kakain. Galing ko talaga.

 

 

 

 

     Nagsplit into two kaming apat, sinamahan ni Giselle si Ning sa panda express tapos kami ni Monique at nandidito sa shake shack.

     ‘Pricey’

     I agree.

     2k pa man lang din ang dala ko pero yung shroom burger na gusto ko i-try eh 1/4 na agad ng budget ko.

     I could always use yung credit card namin pero I always try not to until I really have to, disciplinado yarn?

     ‘Kaya nga eh.’ nakatayo kami sa tapat ng menu dito sa may fashion hall. Kanina pa kami nakatitig habang pahaba ng pahaba yung pila sa cashier, edi sanaol may pera.

     Ay may i-shshare ako.

     Kanina naglalakad lakad kami ni Monique magkatabi tapos para siyang batang palaging tinitignan yung mga damit na suot ng mannequins na nadadaanan namin. Ang cute lang.

     Akala ko kasi she was the type of person na straight ang tingin kapag naglalakad, yung confident on where she's looking ganun, yung kayang kaya tumingin sa mata ng iba na type pero ayun nga- wala lang, share ko nga lang diba.

     ‘Change your mind?’

     ‘Onti?’

     We laughed, by this time parang narerepel na ako sa mga presyo na nakikita ko. ‘Ang mahal eh, parang kaya natin kumain apat sa price ng isang burger. Gusto ko kasi ng burger tapos sabi ni Kuya dito masarap’ pag-amin ko.

     Nako yung si Kuya malilintikan sa’kin mamaya pag-uwi ko, siya pa nga nagsabi na yayain ko si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!