Teemo

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Hehe, wala nga kaming pasok this Friday.

     I mean, nag-iwan ng hand-outs si sir saka iilang links pero pwede ko naman basahin yun in my own time later o kaya this weekend.

     Late ako nagising ngayon kasi thankfully napatay ko yung alarm ko kagabi tapos pag gising na pag gising ko, si Kuya agad ang bumungad sa’kin.

     Tinawagan pa ako, di nalang tumayo.

     Mag-grocery daw kami at aalis si Mama at si Rylee, may program something sa school since start na daw ng school year. Daming alam.

     Hindi naman ako minadali ni Kuya at pati siya tinatamad pa lumabas kaya after lunch nalang daw kami umalis, by that time sana wala pa sina Mama kung hindi kaltok aabutin namin dun.

     Naririnig ko na linyahan niya.

     ‘Edi sana ako nalang gumawa kung tatamad tamad din pala kayong dalawa.’

     Ayoko masermonan today.

     Today’s a good day not to be sermon-ed.

     Kagabi nga pala, nung pauwi na si Nique, nagkaabot pa sila ni Papa.

     Natuwa naman ang aking tatay at may maganda daw na lumabas sa kwarto ko- wala na si Monique nung sinabi niya to. Kaasar lang.

     Matapos nila magbatian at mag-try na mag small-talk, inihatid ko na din naman si Nique, nagmotor nalang kami- oo marunong ako magmotor ples lang wag niyo ako maliitin.

 

flashback

     ‘Van’ muntik ko na hindi marinig yung boses ni Nique. Maingay na nga yung motor, maingay pa yung paligid namin.

     ‘Ha?’ nakahawak lang siya sa bewang ko, hindi naman ako mabilis magmaneho at patigil tigil din yung mga kotse na kasabay namin.

     ‘Baka kaya mo din magdrive ng van?’ she innocently asked.

     Yun pala tinatanong niya, ang taas naman ng tingin niya sa’kin bigla.

     ‘Yung L-300 ganun?’

     ‘I can’t imagine’ biniro pa ako. Katuwaan talaga ako nito eh.

     ‘Gusto mo dumaan kayna Ning?’

     ‘Not really, inaantok na ko’ sabay naman siyang naghikab.

     Kanina nga sa kwarto, papikit pikit na rin yung mga mata niya, napagod siguro at pumunta pa sa’min.

     ‘Halata, hindi ka nga namahay sa’min eh’

     ‘Your bed’s soft kasi’ 

     ‘Sinisi pa yung kama ko. Nananahimik eh’

     Her hands suddenly wrapped my waist, holding onto each other as she clung a little more to me. Her head leaning onto my nape as if she finally found a comfortable spot sa likod ko.

     ‘Nakakaantok yung hangin’ may point siya. Malamig din yung simoy nito.

     Nakakakiliti naman yung pwesto niya sa likod ko.

     ‘Wag kang matutulog dyan, saglit lang tayo’

     ‘I know….’

     Huminto nanaman yung kotse sa harap namin

     ‘Why did you stop?’ traffic kaya, syempre hihinto ako. Pero tinanggal ko din yung jacket na nakabalot sa legs ko, nakashort kasi ako.

     ‘Malamig, patong mo sa’yo’

     She followed what I said. ‘Okay na?’ I checked before moving again, hindi naman malaking sagabal yung hindi ko pag galaw at inikutan lang din kami nung ibang nakamotor. ‘Yup’ and with that, I started driving again.

     She wrapped her arms around me one more time and those never left until we arrived at their house. Nakita pa nga ata ako ng Ate niya na nakatambay sa gate, hinihintay siguro si Monique.

     She said her goodbyes bago siya pumasok, I even waved at her before I left.

     First time ni Monique sa’min yun, pero parang wala namang awkward phase na nangyari. Nakaka-amaze lang.

     Ay, isa pang nakaka-amaze.

     Inaantok na siya nung nakamotor kami diba?

     As soon as I got home, nag-chat pa rin kaming dalawa hanggang 9pm. Sabi ko may klase pa siya bat di pa siya tulog.

     Sinendan lang ako ng gif ng galit na bata tapos nag good-night na.

     Ibang klase talaga.

 

 

 

     Ako na ang nag-drive papuntang grocery at hindi na ako pinaalis ni kuya sa driver seat, si Kona ang gamit ngayon at coding si Char, himala nga din na hindi dala ni Papa pero sa tingin namin ay sinundo yun ng katrabaho niya.

     Narinig kasi naming kagabi nagpapaalam kay Mama na late uuwi at lalarga daw sila pagkatapos ng trabaho, maaga naman uwi nina Papa pag Friday kaya hinayaan nalang ni Mama.

     Malaki na rin naman siya di rin daw alam ni Mama kung bakit pa siya nagpapaalam pero deep inside, alam namin na kinikilig yang si Mama kapag nagpapaalam si Papa.

     Ang sweet kaya isipin na pati yung paggala ng asawa mo ay sinasabi niya sayo, nakakakampante lang kaysa hintay ka ng hintay sa bahay.

     Sana ganun din kami ng someone ko in the future. Hindi naman ako yung taong gusto ko sa’kin lang yung atensyon niya- wag lang siyang magbibisyo jusko kakaltukan ko yun.

     ‘Una ka na’ bulong ko. ‘Chat mo ko pag nasa loob ka na’

     Nagtanguan lang naman kami ni Kuya. Maghahanap pa ako ng parking pero dahil maluwag naman, madali na to. Parang gusto ko din i-chat si Monique bago ako bumaba.

     W: ‘Hi Jinx’ 1:49 pm

     C: ‘Hello Teemo’ 2:01 pm

     Kagabi, habang nanonood kami ng videos from BuzzFeed, may ad na nagplay. Dota ata o Lol, basta, nakita ni Nique yung isang maliit na creature na ewan.

     Para siyang fox na aso tapos may sumbrerong green na may goggles, na cute-an siya bigla kaya instead na matapos namin yung video hinanap naming dalawa kung sino yung character na yun.

     ‘PC game fox character’
     ‘Green hat creature game’
     ‘LOL characters’

     Nagkanda-letse letse lang naman kami kakahanap within different search engines pero in the end, nala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!