Utos

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Remember when Winter was outright helping her parents with the small side jobs they didn't have enough time to take care of when they started pushing through the pandemic again?

     Well, na-scam ata siya for today's vlog.

     Dati kasi, she'll usually just drive her parents to places and pag needed talaga, si Winter na pinaghahandle nila nung errand, more like buying new kitchenware kasi bumigay bigla yung isang set ng gantong lalagyan.

     Yung mga biglaang emergencies kasi may naiwan na putahe sa isang branch, pag-ooverlook sa pagpasok ng fresh stocks for the week and other things.

     Winter hated some specific errands and she loved some-

     Lalo na kapag mga pagpili ng color theme ganun, paghahanap ng mga bagong venues and such, pero what she really hates the most,

     Is kapag siya lang mismo talaga yung inutusan.

     Siya gagawa, siya kikibo, sakanya nakasalalay ang lahat, her responsibility is at stake kumbaga.

     Yung dati kasi na pagwelcome niya sa mga fresh produce and such ay andun naman within reach ang isa sa mga parents niya- sige na nga basta wala kasing social skills si Winter to accommodate their partners and clients kaya ayaw niya sa gantong work.

     Di naman siya marunong magsmall talk at hindi parin niya alam lahat ng sulok-sulok tungkol sa mga paguusapan nila.

     Pero no choice siya ngayon, naiatas na sakanya yung gawain at mukhang hindi naman ganun kahirap, nanalangin naman na siya kay God kanina na patnubayan siya neto at so far so good.

     Eto ha, pagkagising na pagkagising niya kanina, around 8:30 ng umaga, sumakto yung pagdilat niya at nakita niya si Rylee na dumaan sa tapat ng pintuan niya.

     “Ano ulam?” parang nagulat pa yung isa kasi bigla nalang may kumausap sakanya.

     “Nagpancit canton lang ako 'Te, may kanin ata pero walang ulam”

     Oh diba dun palang alam mo na agad na hindi maganda kahihinatnan ng umaga mo eh.

     Nagtitigan silang magkapatid ng isang minuto bago pumasok si Rylee sa kwarto niya, humiga samay paanan niya habang nag-iinat si Winter.

     They just laid there for another half an hour bago hinanap si Rylee ng kanilang Mama.

     “Ma! Gising na si Ate!” sigaw nito ng may makahulugan na ngiti sakanyang mga labi.

     Before Winter could ask him why he looked like that, Rylee ran as fast as he could out of her sight that left her in confusion.

     May dapat ba siyang ikatakot dahil tinawag niya ang nanay nila?

     Naalala niya bigla yung isang gabi nitong nakaraan lang na nalimutan niya i-timer yung aircon niya, buti daw at pumasok pa si Ate Iya niya ng around midnight para dumukot ng extrang tshirt sa damitan ni Winter at napansin niya yung aircon niyang hindi naka-timer -

     Naligtas naman siya sa sermon mula sa kanyang Inay pero nadagdagan ang mga bagay na maaaring gamitin ni Iya against her in case na itaksil siya nito sakanyang mga magulang -

     Backstab-an lang ganon.

     Dahil hindi naman siya tinawag agad para bumaba, hindi namalayan ni Winter na nakakatulog na uli siya-

     Bago siya lundagan ng Kuya niya sa kama dahilan para magising ang diwa ni Winter bago pa man niya maprocess ang mga nangyari.

     Agad agad din naman kasing umalis ang Kuya niya tulad ng pagtakbo ni Rylee kanina bago bumaba, magkapatid nga.

     Resisting herself on going back to sleep again, Winter lazily jumped off her bed, her feet meeting the still cold wooden floors of her room.

 

 

 

     “Winter”

     Aga aga pero ang bungad ng mundo kay Winter ay dalawang malikot na kapatid at isang Nanay na mukhang galit.

     Ganto naman talaga palagi ang itsura ng nanay ni Winter pero parang may ibang tono ang boses niya for this morning.

     “….Ma?” dahan dahan niyang banggit habang umupo ito sa tabi nito sa hapagkainan, tama nga si Rye, walang ulam.

     “May gagawin ka ba ngayon?”

     “Wala naman po.” “Si Papa?” dagdag niya.

     Usually as early as 7am, their family is already complete downstairs when she goes down kaya it became a habit for her to ask for a specific person whenever she doesn”t see them.

     “Naliligo” sabi ng nanay niya na may kasamang sulyap sakanya. “Pag inutusan ba kita sasama loob mo sakin?”

     Ayan na, tama nga ang kutob niya, hindi na talaga siya mahal ng mga magulang niya.

     “May nagawa ba akong mali ma?”

     “As if may choice-” before getting pinched into pieces by her own Mother, Winter quickly retreated with her try on cracking a joke on what seems to be her very moody mom.

     “Joke lang! Joke lang!”

     “Ano ba gagawin?” tanong niya, nakakamatay parin yung tingin sakanya kaya lalayo muna siya sa mga bagay na ikapapahamak niya.

     “Kukuha ka lang ng samples dun sa bago naming potential partner”

     “Anong samples po?” she asked, again.

     “Bulaklak. Ayaw na naming maulit pa yung nangyari dati dun sa kasal ng mga Sta. Ana, mahirap na”

     Okay quick kwento- nung kasal ng mga Sta. Ana, grabe yung mga bulaklak ang gaganda pagdating sa venue, matitingkad, namumukadkad at lahat pa ng salita na pwede ipang-describe sa bulaklak.

     Pero bago pa man matapos sina Winter mag-ayos nung mga pagkain nun para sa guests, aba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!