Cat

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     ‘Hay buhay’

     First class ko na ngayon, lagpas 7 na din kaya patingin tingin na ako kay Wako kapag pwede.

     Ang sarap sarap pa ng pagkakahiga niya sa kama ko at nakadiagonal pa siya sa pwesto niya, her arm under her head at nakahiga siya sa tummy niya.

     Naka-on cam nga pala ako kaya hindi ko naman siya matignan ng matagal pero sa dami ba naman namin sa classroom, hindi naman mapapansin ni Sir yung mga galaw ko kaso baka ako naman kasi ang pagtripan ng mga kaklase ko.

     Inusog ko pa nga yung cam ko at nung nag testing ako ng video ko kanina, kita yung kalahati ng katawan ni baby sa screen kaya nakasiksik ako sa isang side ngayon para naman hindi siya exploited sa paningin ng iba, onti nalang naman ay kahawig ko na yung pader ng kwarto ko pero keri naman.

     Nakaisip na din pala ako ng ilulutong umagahan pagkatapos ng klase na to, nakakaantok kasi yung boses ni Sir kaya kung saan saan na din napapadpad yung utak ko.

     San Marino omelet saka hashbrowns nalang iluluto ko kasi siguro naman may kanin pa sa rice cooker, kung wala edi magsaing.

     Kaninang madaling araw nga pala, buti ako lang yung nagising ng katukin kami nina Mama, aalis na daw sila at iniwan na ang susi ng bahay dito sa kwarto ko.

     Nagpahabol pa si Kuya na tinirhan nga daw nila kami ng hashbrowns na binili nila somewhere last week at ako nalang daw magprito para mainit pa pagkinain. Hindi ko na sila hinatid palabas ng gate at antok pa rin ako nung mga panahong kinakausap nila ako, buti nga naintindihan ko pa sinasabi nila sa akin nun eh.

     Sumiksik ako pabalik dun sa katabi kong natutulog ng isara na ulit nila yung pinto ko at naalimpungatan pa nga si Wako kasi tinanong pa niya ako kung anong meron.

     Kaya ayun, totoo ngang kami nalang ang tao dito sa bahay at nung bumaba ako ng alas sais kanina para mag-cr at magtoothbrush, ang scary lang ng bahay kasi walang bukas ni isang ilaw.

     Tinakot ko pa sarili ko nang makita ko yung sarili kong mukha sa salaamin sa cr, malay ko ba basta nagulat ako. Jump scare yarn?

     I’m studying how she looks like while she’s asleep.

     Even from a far, you could perceive how comfortable she is whenever she sleeps.

     Lahat naman siguro ng tao mukhang walang iniisip sa buhay kapag tulog pero siya kasi parang may nililigtas pa siyang ibang mundo sa panaginip niya kapag tulog, minsan nangiti ngiti at ngumingisi nalang mag-isa.

     ‘Miss Kim’ umalingawngaw sa tenga ko yung malalim na boses ni sir.

     ‘Yes sir?’ patay natawag pa nga.

 

 

     Tatanungin lang pala ako ni Sir kung abot daw ba ako nung electric fan ko kasi nasa likod ko daw to tapos hindi naman nakatapat sa akin.

     Lakas ng trip, kinabahan ako para sa wala.

     Nakikinig na ulit ako sa current topic at nararamdaman ko na may parang gumagalaw sa likuran ko, I checked the time, 7:40 na, buti naman at may balak papala siyang gumising.

     Patago akong lumingon at for sure nasa main screen na ako ni Sir dahil sa pag-uusap namin kani-kanina lang and nakita ko agad siyang nakaupo na at tulala habang nagkakamot ng mata, sarap tulog eh.

     ‘Good morning’ I cheerfully greeted her. Voice loud enough so she could hear me.

     ‘Good morning baby’ she greeted back with a lazy smile on her face.

     Agad kong pinatay ang camera ko, bahala na si Sir, hindi naman ako maganda.

     Umikot ulit ako sa upuan ko paharap sa kaniya, ‘Off cam ako, halika muna’

     Susuway suway siyang naglakad papunta sa akin, agad siyang umupo sa lap ko at pumikit ulit.

     ‘Sarap ng tulog mo’ sabi ko habang inaayos ang buhok niya, palagi kasing buhol buhol ang buhok nito sa umaga at malikot ang ulo matulog.

     Kamay din pala malikot kapag tulog, palaging nakakapit sa akin.

     ‘Malapit na mag 8, yung table nandun sa may likod ng kama ha’ paalala ko. ‘Opo’

     ‘Inom ka water’ I gave her my water bottle, adjusting my earphones para hindi nahahatak. ‘Mag-ayos ka na, di ka na ba magpapalit ng damit?’ umiling lang siya bago ibalik sa akin ang tubigan ko.

     I gave her a quick peck on her nape, then on her shoulder blade before pulling back at antok pa rin siya.

     Wako’s not a talker in the morning kaya you’ll only get nods and hums from her in the morning. Just like a little kid.

     We stayed like that for at least another five minutes, nagbabasa na nga din siya nung lecture namin sa screen ko bago siya tumayo para mag-ayos.

     Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa sintido ko bago siya lumayo, yan very good yan baby, behave lang tayo.

 

 

     Agad akong bumaba para magluto ng pagkain after class.

     I also checked on her if ayos lang siya and she gave me two thumbs up bago niya ako itaboy kahit hindi pa nga ako nakakalapit sa kaniya at kakasimula lang ng klase nila ng matapos ako, on-cam daw at bawal muna magpatay for the first 45 minutes.

     I did my little dances muna sa tapat niya bago siya mainis sa akin kaya mission accomplished, make her smile first thing in the morning.

     Nagchat na din pala si Mama sa akin na paakyat na daw sila ng Baguio kaninang 7, hindi ko napansin at hindi naman kasi ako nagchecheck ng phone kasi maaga pa.

     I a playlist recommended by Ning so I could vibe while I cook, magbabati lang naman ako ng itlog tapos iiinit ko nalang yung sinaing and other breakfast things kaya no need to be quick.

     Naghihiwa na ako ng sibuyas ng biglang magvibrate yung phone ko

     ‘Boss G sent you a message’

     Luh, aga aga may chat. Kasama niya si Wako sa klase ah?

     Tinapos ko ang paghihiwa ng sibuyas bago ko buksan yung kalan at nagsalang na ng kawali na may onting mantika, igigisa ko muna bago ilagay yung itlog para mas malasa.

     Nang pumuputok na yung mantika sa akin, hininaan ko na yung apoy at binuksan ang phone ko, ano naman kayang sinend sa akin ni Gi?

     Si-neen ko muna yung chat ni Mama bago magpunta sa chat namin at pagkabukas na pagkabukas ko palang, yung nakita ko lang kanina sa kwarto ko ay nakikita ko nanaman.

     It's Monique on her laptop screen, siya yung pinned habang nakasmile ng maliit si Wako. Hanggang sa school pala cute to.

     Well, kailan ba hindi?

W: Thanks, sa pic, disclose ko bang ikaw nagbigay?

G: Bakit?

W: Aasarin ko :D

G: She’ll know naman, ako lang kaklase niyang kaclose mo

W: May point ka :/
     Thank you ulit! <33

G: 😘

     Pinatay ko na yung phone ko matapos kong i-save yung picture at lakasan yung tugtog.

     8:27 palang, kayang kaya ko maghanda ng masarap na breakfast for two at one coffee for my one and only na naghihintay sa aking kama.

     ‘Walk in your rainbow paradise~’

 

 

     ‘That’s it for today class, onti nalang break na walang susuko ha!’ tong si Sir, akala mo hindi overtime ng 10 minutes saka nagbigay ng homework.

     Saglit lang din naman ang Christmas break kaya wala na rin akong masyadong ine-expect from it, except nalang sa mismong pasko, sa bagong taon saka syempre sa birthday ko.

     Gusto din nga gumala nina Ning ng malayo layo pero wala pang sure plan kaya nagpapakiramdaman ulit kami para dun.

     May plano kasi si Gi na umuwi ng Batangas for Christmas para naman kasama niya parents niya kaya kung gagala kami, most likely pagkabalik na niya.

     Nagpaalala pa si Sir na he’ll send hand-outs daw bago mag Monday kaya sure kaming lahat na Monday afternoon or evening na namin makukuha yun, wala eh, kilala na namin tong si Sir, he doesn’t find importance in the idea of time.

     Pagka-alis ko sa meeting, nag-run lang ako ng cleaner at pinatay ko na din yung PC ko, nag-ayos ako ng set-up, nagdagdag ng gawain sa to do list ko at nagpagpag ng mga dumi bago ko nilingon si Wako na titingin tingin na din pala sa akin, she must’ve seen me turning off my desktop.

     Half an hour nalang naman siya tapos we’ll probably lay down together tapos baka kumain kami ng early lunch bago umalis.

     I saw her smile at me before looking back on her laptop, busy siya mag-type, baka may seatwork.

    Nabanggit niya kasi sa akin yung Mind Museum sa BGC, mukhang masaya daw pumunta dun kaya I asked her if she wants to go and she immediately said, ‘Oo naman, kaya ko nga sinabi sayo diba’

     Diba ang sungit?

     So, I bought two entrance tickets for today, sakto nga at 12 to 3pm yung time slot na kinuha ko para wala na kaming class tapos we could extend the day out dun sa mga mall near the museum. Wala kaming exact plan pero basta naman kasama namin isa’t isa, kahit sa C6 pa kami mawala eh masaya pa rin kami.

W: ‘Dito tayo maglunch?’ chinat ko siya, ayoko kausapin, feel ko hindi ako papansinin.

C: ‘Pwede naman’ onti lang kasi yung kinain niyang kanin kanina, maliit na mangkok lang yung pano siya nabusog dun.

W: ‘Luto nalang ako carbonara, may sauce naman sa baba, oki lang?’

C: ‘Yes po, thank you for cooking’

W: ‘Hindi pa nga ako umaalis sa harap mo’

C: ‘Edi lumayas ka na’

     Inangat ko siya ng tingin at nakangisi na siya sa akin. Kainis.

 

 

 

      After namin mag-away at ayaw pa niya ubusin yung niluto kong carbonara, iilang subo nalang kasi pero sabi niya ayaw na niya kaya nilagay ko nalang sa ref, ako uubos nun mamaya bahala siya.

     Siya na naunang maligo at ako na din ang naghugas kasi nga nagtampo siya ng mag-inarte ako kung bakit ayaw pa niya ubusin yung carbonara.

     Hindi ko naman na pinilit nung sinabi niyang busog na siya pero naasar din siguro, nasanay kasi ako na kapag may ganun kaonting natitira pinapaubos ko nalang kay Rye o kaya kay Kuya, I should’ve differentiated her kaya it was my mistake naman after all.

     Bumaba na din yung pride ko ng pinanood ko siya pumasok sa cr habang dala dala yung damit niya.

     Nanuot naman sa akin yung pagdala niya ng damit niya sa cr, she’s comfy enough na kasi na magbihis sa kwarto ko kapag kami lang yung tao sa bahay o kaya naman nakakulong din sa kwarto yung mga kasama namin.

     Ayan, ang mapilit mo kasi Winter.

     Nakasimangot kong tinapos yung hinuhugasan ko at nagtoothbrush na din pagkatapos para ligo nalang tapos pwede na din kaming umalis.

     Nakakainis nga din pala kasi nagccheck ako sa google maps kanina habang nagluluto, nagulat ako ng malaman kong may zoo pala sa Pasig, Ark Avilon Zoo. Sabi ko gusto ko siya dalhin dun kaso ng i-check ko yung website, wala na pala, binabalik na yung mga animals dun sa main zoo nila sa Rodriguez kaya wala rin.

     Naisip ko pa naman na isurprise siya kaso malayo din yun kaya for sure she’ll want to know kung saan kami pupunta kapag dumaan na kami ng Marikina.

     Again, there’s next time, mura lang naman entrance fee, wala pang 1k per head kaya yayain ko nalang siya dun kapag free na ulit kami.

     Pag-akyat ko matapos kong magtoothbrush para kuhanin yung towel ko, may nakita akong papel na nakadikit sa pinto ko, inisip ko kung ano namang nilagay ko dun pero ng malapitan ko, hindi naman pala ako ang naglagay nito dito.

‘Suyuin mo ako -,-‘

     Kay Wako pala galing.

     Yun naman talaga plano ko, hinahayaan ko lang din muna siya kumalma mag-isa. Mahirap magpatay ng apoy kapag ikaw din mismo nagbabaga.

     Hinintay ko siyang lumabas ng cr, nakaabang lang ako sa sofa na pinakamalapit sa pinto na lalabasan niya.

     Aaminin ko naman yung mali ko, bibigay din sa akin yun. Baka magpakipot pero I could handle that.

     Sa saglit na oras na girlfriend namin ang isa’t isa, marami talaga akong natututunan sa kaniya and isa pa tong about sa pagkain thing, ayaw niyang pinapaubos sa kaniya kapag busog na siya kaya I’ll add that to my mental list of Monique traits that I have embedded in my brain.

     Bumukas na yung pinto ang lumabas lang siya na naka cotton shorts saka tshirt, baka sa kwarto pa rin siya magbibihis pero nagdamit muna siya.

     ‘Uy’ nilapitan ko siya agad habang nagtutuyo siya ng buhok. ‘Nabasa ko yun’

     ‘Yung alin?’ pa-amnesia niya.

     Hawak niya yung toothbrush niya sa isang kamay habang patuloy siya sa pagtutuyo ng buhok gamit yung isa. Naglalakad siya papunta sa lababo. ‘Hindi ka pa nagtoothbrush?’ genuine kong tanong.

     ‘Walang toothpaste sa cr’

     Napaisip naman ako kung bakit wala, baka hindi niya alam kung saan nakalagay since hindi tube yung toothpaste namin dun sa loob.

     ‘Mababasa damit mo’ agad kong sabi sa kaniya.

     Pinaikot ko yung towel ko sa leeg niya bago siya tumungo sa gripo para magmumog. ‘Takip mo muna to’

     Hinayaan niya lang ako kaya hinayaan ko lang din siyang magsipilyo habang hawak hawak yung tuwalya ko sa may batok niya. Pinapanood ko lang siyang magsipilyo habang nakatingin ng diretso, hindi pa rin talaga niya ako tinitignan.

     ‘Sorry na’ pagbasag ko ng katahimikan. ‘Kasalanan ko naman eh’

     Tinignan na niya ako pero saglit lang,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!