Study Date!!!

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Scrub here scrub there. Bula bula then rinse.

     Andami namang nagamit na pinggan eh apat lang naman kami sa pamilya, parang isang dosena yung kumain eh, pati kutsara-

     Ilan ba bibig nitong mga kasama ko?

     Oo added na dito naglunch si Wako ngayon at nag-offer pa siya na tulungan niya daw ako maghugas kaso sabi ko sisikip lang dito andun siya ngayon sa sala kasama si Kuya, aalis din kasi sina Mama kaya mabilis silang natapos kumain, kaming tatlo lang naiwan ngayon, sumama si Rye sa aming parents.

     I think bibili sila ng bagong plates and other cutleries in bulk pero dito lang din naman daw malapit sa Pasig yung pupuntahan nila.

     Ang agenda naman ni Nique kaya nandito siya is mag study date daw kami since reunion nga ng family nila kahapon, hindi daw niya natapos lahat ng kailangan niya gawin, kagabi niya lang din sinabi sa’kin bago ako umuwi kaya I was quick to offer my presence para may kasama siya gumawa kaya a study date was made.

     Grabe nga at isang malaking tote bag din yung dala niya pagpunta, puno ng papel saka kita ko yung laptop niya nakasilip, sana hindi masyadong marami yung hahabulin niya.

     Pero ang fun kahapon ha, nakaclose ko din sina Ate Elise at Ate Den kahit papaano, nameet ko sina Adam at PJ, nagkita ulit kami ni Liz tapos pati si Ate Jamie nakilala ko kahit late na siya dumating. Wala daw si Kuya Ben at may business trip pala sa Cebu.

     Nakilala ko din yung Mommy nina Adam, si Tita Liza, siya yung pasigaw sigaw at akyat baba habang kami nina Wako yung nag-aalaga sa kids niya- wow lang sa pag-aalaga Wintot ha nagbuhat ka lang.

     Simula kasi nung binigay sa’kin ni Nique si Adam, ayaw na akong iwan, as in napunta pa sa point na pati sa buhok ko kumakapit siya para lang hindi siya makuha nina Ate Elise. Pati tuloy si PJ sa’kin na tumabi at na sa akin ang kapatid niya. Kung si Wako ay magaling sa bata, aba ako magnet ata.

     Nameet ko din si Tita Mitzi, yung panganay nila saka si Tito Jan, siya yung bunso with no kids pero may dog daw siya na tinuturing na anak.

     Isa pa yun, grabe din manggigil si Monique dun, andami lang niyang nakwento sa’kin. Sayang nga daw at hindi dinala ni Tito Jan at may balak daw kasi siya mag-inom kahapon kaya hindi na niya sinama at baka makawala daw or whatever.

     Nalimutan ko na agad yung name nung puppy niya, nakakainis nasa dulo na ng dila ko eh.

     Tanungin ko nga si Wako, tapos naman na din ako maghugas.

     Nagpupunas ako ng kamay ng lumingon ako sa sala, andun si Kuya nakaupo mag-isa nanonood ng TV pero no sight of my Monique, asan nanaman yun?

     ‘Kuya’ tawag ko sakanya. Hindi niya ko tinignan pero nakita kong gumalaw yung kilay niya. ‘Si Nique?’

     ‘Lumabas, nilalaro ata si Peanut’ ahhh, makes sense, nakita niya kasi nung dumating siya kanina, sabi ko laruin nalang niya mamaya bago kami gumawa sa taas.

     Dali dali ko namang kinuha yung cellphone ko at iniwan sa tapat ng TV bago lumabas, hindi naman maingay yung screen door namin kaya hindi niya ako napansin na lumabas, agad ko din siyang nakita, naka-upo na siya sa sahig tapos nasa lap niya si Peanut.

     Jusko lang Nique pusang laboy pa rin yan baka maano ka.

     ‘Huy’ nilingon niya ko habang nakangiti, hinihimas himas pa din ng kamay niya yung ulo ni Peanut. ‘Angat ka saglit’ hinubad ko yung isa kong tsinelas, para naman kahit papaano may nauupuan yung pwet niya na hindi yung sahig agad. ‘Upo ka na’

     ‘He’s not yours, right?’ umiling ako. Honestly si Peanut lang kumakain ng tira tira namin kaya siguro nasanay siya na dito bumibisita sa bahay. ‘Alam ko dito siya sa street namin nakatira, kilala din siya nina Kuya Jun sa kabila eh’

     ‘You like animals, no?’ curious kong tanong sa kaniya. Aso, pusa, pating, kuneho, lahat ata in favor kay Wako eh.

     ‘Ever since I was a kid’ bigla namang umalis si Peanut sa lap niya at nagpaikot ikot sa paa ko. Hahawakan ko na sana siya ng dumapo yung isang kamay ni Monique sa’kin. ‘Ay sorry akala ko ikaw yung pusa’ pang-aasar niya.

     Her eyes don’t say so though, they look in love. Maybe because of Peanut, maybe-

     Just maybe because of me.

 

 

     Matapos ‘kong iwasan yung near death experience na pagkalmot sa’kin ni Peanut at naupuan ko yung buntot niya dahil tinulak ako ni Wako, agad na rin kaming tumayo at umakyat. Grabe lang yung ngiyaw sa’kin ni Peanut

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!