Feels nice

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     ‘Wints’

     ‘Wala pa rin?’

     ‘Wala eh’

     ‘Si Giselle walang alam?’

     ‘Wala din, 4 days na daw siya absent pero nakakapag pasa daw siya ng requirements saka nakakasunod din sa topics’

     ‘Baka may iba siyang kausap sa block nila?’

     ‘Baka nga….’ Bigla namang nag-ring yung cellphone ni Ning. ‘Si Gi’ binigay niya sa akin yung phone niya.

     ‘Hello?’
     ‘Winter’

     ‘Ano meron?’
     ‘Si Cat. I saw him with Alex, kanina lang when we went out’

     ‘Sure ka siya yun?’
     ‘Oo, I know how she looks like even from a-‘

 

 

 

 

 

 

     Hay salamat. Panaginip lang.

     Bangungot pala.

     Buti dumilat yung mga mata ko at pintuan ko agad ang bumulagta sa akin. Ramdam ko pa rin yung kirot kahit hindi naman totoo. Halos isang linggo din yun, parang hindi ko makakaya na hindi magligalig ng isang linggo kung hindi ko alam kung ano nang nangyayare kay Wako.

     I could tell that it’s still early in the morning kasi super lamig pa ng hangin sa loob ng kwarto ko saka hindi pa ganun kaliwanag yung araw sa likod ng kurtina. Umayos ako ng higa at hung up pa din yung puso at feelings ko sa aking panaginip. Hindi ko talaga kakayanin yun.

     Baka kahit isang araw pa lang na hindi niya ako pansinin ay i-chat ko na si Ate Doms dahil hindi ako mapakali. Saka ang lapit lang ng bahay niya sa amin no, bakit ko naman hindi susubukan maghintay sa kanila eh wala naman akong nagawang mali. I hope wala.

     Feeling ko naman wala pero wala talaga siyang sinasabi sa akin simula ng umalis sila kagabi kaya eto, waiting game for me.

     Magaling naman ako maghintay, lalo na kung kay Wako.

     Kagabi nga halatang halata na wala ako sa sarili hanggang sa umakyat ako para magpahinga.

     Nung pagdating nina Kuya, hindi ko pinansin yung Baliwag na dala nila. Yung hugasin matapos kumain, hinugasan ko agad tapos ako pa din nagtapon ng basura sa labas kasi nalimutan ni Rye.

     Akala nga ata nila bad trip ako sa kanila kasi palagi silang nakangiti sa akin kapag natitignan ko sila sa mata. Feeling ko I wasn’t able to give their smiles back pero I wanted to, baka maliliit na mga ngiti lang ang nabigay ko sa kanila at parang ako ay napagod din mismo sa mga pangyayare.

     Hinintay ko lang na sabihan ako ni Ning na nakauwi na silang dalawa tapos nagpatay na din ako ng net. Nagpatugtog nalang ako ng downloaded songs ko at kahit gaano katagal pa akong nakahiga sa kama eh hindi ako dinadalaw ng antok.

     Nagshot na ako ng soju, uminom ng gatas, nagsisitalon sa kusina, wala ayaw talaga.

     Inabutan pa nga ako ni Kuyang nagjjumping jacks sa tapat ng lamesa kagabi, nagkatinginan lang kami tapos pumasok na din agad siya sa cr.

     I think mga 12am na din ako nakatulog if I’m right. Hindi ko na rin sinubukan gumawa ng mga backlogs at wala rin naman akong patutunguhan for sure. Tititigan ko lang yung screen, mananakit pa yung mata ko at maffrustrate pa ako lalo. Oo, frustrated ako in the first place.

     I just felt like I wasn’t being a good enough girlfriend for her kasi wala man lang siyang nailabas na kahit ano sa akin. I could tell na she was holding back a lot but I didn’t want to push her at baka hindi pa naman siya comfortable enough to say things yet.

     Grabe din eh. I was so bothered to see her like that.

     I could feel my own mind and heart contemplating if siya ba talaga yung nasa harap ko at that moment kasi it was so unlike her. She wasn’t giving out her smiles, she wasn’t playing around, she wasn’t asking for cuddles, for kisses or even my attention.

     Parang may tumubong dagat sa gitna namin and all of a sudden, hindi ko siya makita, hindi ko siya marinig, hindi ko siya makausap at hindi ko din alam ang gagawin ko.

     Do I swim?

     Do I shout?

     Tatawirin ko ba yung dagat sa gitna namin, hihintayin ko ba siya sa gitna o hihintayin ko na mauna siyang gumalaw?

     Ang lalim eh, ang lalim at ang lawak nung dagat na lumitaw between us. All of the uncertainties, doubts, questions, frustrations, emotions and feelings, lahat sila nandun sa dagat sa gitna namin and hindi ko alam kung anong uunahin ko.

     Sarili ko o siya?

     Feelings ko o sa kaniya?

     Yung mahawakan ko siya o yung malaman ko what’s really going on?

     Kaya in the end, I left her in my room. At least I know where she is and she knows that she’s safe in there. In my cozy bed kung saan nakasanayan ko na kayakap ko siya habang nakahiga kami. Dito sa kama kung saan ako nakahiga ngayon.

     How I wish na we could’ve been here at the same time.

     Siya kasi kahapon eh tapos ako ngayon.

     Humilata ulit ako ng maayos sa likod ko at nag-unat ng onti bago lumanding sa isang pwesto where I was comfortable enough that I could even fall asleep in a few seconds. Nararamdaman ko na eh, papikit pikit na ulit yung mata ko. Akala ko pa naman nakapagbawi na ako ng energy pero it looks like kulang pa din.

     I slept for what I guess is hours already pero iisa pa rin yung laman ng utak ko, sa panaginip, sa thoughts ko and sa worries ko.

     Si Wako’t si Wako pa din yung nandito.

     ‘Winter?’ narinig ko yung mahihinang katok sa likod ng pintuan ko, boses ni Papa yung tumatawag sa akin. Napaayos ako ng higa at mahilig pa naman si Papa pumasok ng kwarto kapag kakausapin kami.

     Inangat ko yung kumot ko hanggang sa leeg ko.

     Anong oras na ba?

     ‘Pa…?’ naaninag ko naman si Papa ng buksan niya ang pinto, nakadantay siya dito habang nagkakamot ng braso. Mukhang bagong gising pa din si Papa. ‘Andyan si Monique sa baba, paakyatin ko ba?’

     Nagising naman ang diwa ko.

     Si Monique? As in si Monique na Wako ko?

     ‘Po?’ Inangatan lang ako ni Papa ng kilay at naghikab pa siya dahil sa antok. ‘Si Monique Pa?’ pagklaro ko ng tanong.

     ‘Oo, andun sa sala nakaupo.’ Hinanap ko ang phone ko sa kama, 6:30 palang ng umaga. Bakit nandito siya? Pumunta ba siya mag-isa? Ang aga aga pa.

     For sure ang lamig pa din sa labas, dito nga sa kwarto ko malamig eh sa kalsada pa kaya.

     ‘Kanina pa siya andun, she’s waiting for you to wake up’ pagpatuloy ni Papa. Napabangon ako kahit ramdam ko pa yung antok sa katawan ko.

     Okay na kaya na makita namin ang isa’t isa?

     Okay naman na siguro sa kaniya, pumunta na nga siya dito eh. Baka she needs me na din. I can’t exactly think of a reason why she would go here this early on a weekend. She should be sleeping in her bed, catching up on sleep and recharging herself.

     Nagkamot ako ng mata habang nakatingin kay Papa, oo nga, weekend nga pala wala siyang pasok. ‘Pwede paakyatin niyo nalang po dito Pa? Salubungin ko nalang po sa may pinto.’ ‘Sige sige ‘nak’ tumango tango si Papa bago gumalaw palabas ng kwarto ko pero huminto din agad siya bago niya masara yung pinto.

     Tinignan niya ako ng makahulugan, may bahid ng pag-aalala at pagtatanong. ‘May nangyare ba sa inyo?’ concerned niyang tanong. Umiling agad ako bago sumagot. ‘Wala naman po Pa’ ‘Sige’

     Kilala ko yan si Papa. Isa sa mga unang bagay na tinuro niya sa amin ay wag na wag kaming mananakit ng kapwa namin, lalo na daw ang mga babae. Sila daw dapat ang pinaka-iniingatan.

     Agad ko namang naramdaman yung kaba ng maisip ko na papunta na siya dito. I can only hear myself breathing and my heart beating habang nag-aanticipate dun sa taong lilitaw sa likod ng pinto ko.

     Jusme bagong gising pa ako baka may panis na laway pa ako sa pisngi.

     Agad namang nag-angat yung kamay ko at inayos ko ang itsura ko para kahit papaano presentable ako sa paningin niya. Hihingahan ko pa sana yung palad ko ng malaman kung deadly ba ako today pero dahan dahan nang bumukas papasok yung pinto.

     I raised my head and watched her silently as she entered with her head down, she didn’t even go in right away, nandun lang siya sa small gap between my door and its frame.

     ‘Bat andito ka?’ ay hala ka napalamig yung tono ng boses ko. Sorry baby huhu.

     She was frozen solid sa kinatatayuan niya. ‘I….’ she looked up to me. Napasimangot ako sa nakita.

     Anubayan baby, naka sando ka lang saka pajama. Nakabra naman siya, that I am sure of. Sana naman nag tricycle siya papunta dito. I’m just worried by the thought alone of her walking by herself so early in the morning. You never know what could happen in these streets we live in.

     ‘I messed up last night’ I snapped out of my trance when I heard her say that. She sounded so sorry at it took me every drop of patience I have to not just run and hug her there. She looks sorry and sad.

     She was also avoiding my gaze.

     I wasn’t angry at her naman, not for a long time ganun. Nagalit lang ako nung umpisa kasi napapatanong ako bakit ba hindi niya masabi sabi pero I understand. May kaniya kaniyang timing ang tao para magsabi ng problema nila. She just takes her time slower than me so I need to keep that in mind.

     ‘I don’t want to risk spending another day na di tayo okay….’

     ‘So pumunta ka dito as early as 6 am?’ tanong ko agad ng matapos siya. She nodded softly while her eyes were still not looking at me.

     ‘Yeah…..sorry ulit dun sa- sa nangyare.’ I saw her gulp. ‘On how I acted.’

     I wanted to tell her that feelings are meant to be felt kaya she didn’t need to say sorry for what happened pero naisip ko na baka lalo lang siyang ma-feel bad if ituloy ko yun kaya I just thought of something else.

     Dali dali akong bumalik sa gitna ng kama k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!